The Ex

By TipsyArchitect

204K 4.7K 270

A DerpHerp Fanfiction © 2014 More

The Ex
Heads Up!
Prologue
1
2
3
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
Epilogue
Author's Note

4

3.6K 99 5
By TipsyArchitect

Chapter 4

Nasa school kami ngayon para sa third day ng Intrams. First year highschool lang kami nun kaya hindi kami required na magkaroon ng booths. Ang required lang kasi sa booths ay ang mga fourth year dahil para daw sa baby thesis nila. Kaming lower years naman ay libreng magliwaliw dahil may mga rides at games sa school.

Nasa may canteen kami ni Maqui habang kumakain ng ice cream dahil kanina pa kami sumasakay sa mga rides. Nakatatlo na ata kaming sakay sa rollercoaster at dalawa naman sa octopus kaya naisipan naming magpahinga muna. Nagkkwentuhan at nagtatawanan kami nang may biglang lumapit sa amin na isang higher year.

"Hi. Ikaw ba si Julie?" tanong niya sa akin.

"Uhm... O-opo. B-bakit po?" tanong ko sabay tingin kay Maqui na nagkibit-balikat lang naman.

"Sensya na ha? Sama ka na lang saken." aniya sabay lagay ng posas sa kamay ko.

"H-ha?" pagtataka ko. "A-ate para saan po? Wala naman akong sinasalihan na kahit ano." sabi ko sa kanya pero hindi niya ako pinapansin. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa Marriage Booth.

"Oh ito na. Bihisan na yan!" sabi nung kasama nila.

"Tara dito." sabi ng isa pa saka na niya ako sinama sa isang dressing room. "Suotin mo oh." aniya sabay abot ng wedding dress.

"Para saan po?" tanong ko.

"Basta suotin mo. May nagrequest kasi sayo eh. Sige iwan muna kita." sabi niya saka na sinara ang pinto.

Agad naman akong nagtext kay Maqui at nagtatanong kung asan siya. Baliw din yun eh. Ni hindi man lang ako sinundan nung hinatak na ko. Ligayang-ligaya pa rin siyang kumakain ng ice cream sa canteen kahit hinahatak na ko ng mga higher year.

Me:

Bes, asan ka?

Maqui:

Andito ko sa may marriage booth. Bakit ka nila sinama?

Me:

Di ko alam. May nagrequest daw. Andito ako sa loob ng dressing room. Sino bang nandyan sa labas?

Maqui:

Ay! Kilala ko na yung groom mo. Bilisan mo bes! Magbihis ka na para kasalan na! Hahaha. 😍😍😍

Umirap na lang ako saka na lang sinuot ang damit. Bahala na si Batman. Kung sino man ang nagrequest sa akin humanda siya. Di na siya sisikatan ng araw bukas.

"Ready na yung groom namin!" sabi nung isang lalaki.

"Ready na din yung bride namin!" sabi naman nung babaeng humila sa akin. Nasa labas na ako ng dressing room pero nakatalikod ako sa 'groom' daw.

"Oh. 1...2...3... Harap!" sabi ng nagsisilbing pari.

Pagkaharap ko ay nagulat ako sa nakita ko. Yung crush ko nakatayo sa harapan ko at nakasuot ng suit and tie. Malapad ang ngiti niya sa akin na para bang matutunaw ako. Siya ang heartthrob ng batch namin. Isa siya sa pinakamayaman sa batch, pinakamatalino at pinakamagaling na swimmer. Pero never kong naisip na magkakausap kami dahil popular siya at ako naman ay simpleng estudyante lang. At lalong hindi ko din naisip na unang meeting pa namin ay dito sa marriage booth.

"Uh..." hindi ko alam kung anong dapat sabihin. Teka. Meron ba dapat?

"Game na father." sabi niya saka na siya humarap uli sa akin. "Excited na kong pakasalan yung crush ko."

"Ayiiiie!!!!" hiyawan ng mga nakikinuod. Naramdaman kong nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya kaya agad akong nag-iwas ng tingin.

"Okay. Dahil itong kasal na to ay isang requested wedding at hindi kami ang namili sa bride and groom, hindi na natin susundin ang mga patakaran ng booth namin. Groom, pwede ka na magsalita." sabi ni Kuya Father.

Tumikhim muna siya at saka niya kinuha ang kamay ko. Shet! Hinawakan niya ang kamay ko!

"I know you're confused about what's happening right now. I know this is too fast and I know that we're still young for this thing pero I want you to know that ever since I saw you walking down the corridor that morning of our first day ay nainlove na ako sayo. I never believed in love at first sight pero nung nakita kita, it changed all my opinions about that saying. Siguro hindi mo ko kilala and siguro iniisip mo na ang papogi ko at napakaconfident ko naman dahil dito pa talaga kita unang kinausap. Pero gusto kong malaman mo na habang nagsasalita ako ngayon sa harapan mo ay nawawala ang puso ko. Nasayo kasi eh. Kaya pwede bang ibalik mo na?" naghiyawan nanaman ang mga usisero dito sa booth na to samantalang hindi pa rin ako makatingin ng diretso sa kanya. Totoo ba lahat ng sinasabi niya? "Love at first sight will never be my thing pero kung ikaw naman ang mamahalin ko, hindi na ko magdadalawang-isip pa."

Nagulat ako nang hawakan niya ang baba ko at inangat iyon para magkatinginan kami at nakita ko nanaman yung mga mata niyang nakakalunod sa titig.

"Julie Anne Peñaflorida San Jose. My name is Elm--"

"Elmo Moses Arroyo Magalona" sabi ko. Nagulat din ako sa sarili ko kung bakit bigla kong sinabi ang buong pangalan niya. Para ko na ring nilaglag ang sarili ko na kilala ko siya at may gusto rin ako sa kanya.

"K-kilala mo ko?" halata sa boses niya ang pagkagulat at pati na rin ang tuwa. Marahan naman akong tumango at muli nanamang naramdaman ang pamumula ng pisngi ko.

"Crush ka din niyan!!" nagulat ako nang may sumigaw. Kilala ko kung sino yun. Wala namang ibang nakakaalam tungkol dito kundi si Maqui lang eh. Nako talaga yang babaeng yan! Humanda yan saken mamaya.

"C-crush mo din ako? Crush mo din ako!" ani Elmo. Hindi naman ako kumibo at nagulat na lang ng yakapin niya ko. "Father, ikasal mo na kami!"

"Huh?" pagtataka ko. Hinawakan naman niya ang kamay ko at pinagsalikop pa ang mga daliri namin.

"Sige na nga." sabi ni Kuya Father. "Do you, Elmo Magalona, accept Julie Anne San Jose as your lawful wife?"

"Yes father. I do." sabi niya saka pa tumingin sa akin at ngumiti.

"And do you, Julie Anne San Jose accept Elmo Magalona as your lawful husband?"

"I-I do..." utal-utal na sabi ko.

"Yes!" narinig ko ang mahinang sabi ni Elmo.

"Ayiiiie!!!! Totohanin na yaaaan!" sigaw nung isang higher year sa likod.

"I now pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride."

"Tantantanan! Tantantanan! Tantantanan! Tantanantanantanan!" kanta ng mga nakapalibot sa amin.

"Kiss the bride daw." sabi niya saken.

"H-ha? A-ano. Kasi..."

"Sa cheeks na lang!" sigaw nanaman ni Maqui. Tumingin ako sa kanya at nakitang tumatawa lang naman siya kasama ng iba pa naming classmates na nanunuod.

Tumingin uli ako kay Elmo at nakangiti lang naman siya sa akin habang hawak niya ang dalawang kamay ko. Nanlaki ang mata ko nang makitang nilalapit na niya ang mukha niya sa akin at nagulat pa ako nang halikan niya ako.

"Woooooooh!!!!" sigawan ng mga higher year.

"Dumampi sa lips?!" tanong ng isa pa.

"Gago sa gilid lang!" sabi naman ng isa.

"Hindi tanga! Sa lips yun!" sabi pa nung isa.

"Sa gilid lang ata eh!" sigaw naman nung isa. "Isa pa! Sa lips na yan!!"

He kissed me yes. Pero sa ilong.

"So tayo na?" tanong niya sa akin. "I mean, asawa na kita?"

"Uh..." hindi nanaman ako makakibo. Bakit ba umuurong yung dila ko sa kanya?! Tao din naman siya ah? Crush ko nga lang.

"Picture kayo." sabi nung higher year na humila sa akin kanina. Hawak niya ang isang dslr at nakatutok na iyon sa amin.

Agad akong inakbayan ni Elmo at saka pa pinagdikit ang mga pisngi namin. Pinicturan na kami ni ate at pagkatapos ay ngumiti siya sa amin.

"Ayiiie! Ang cute niyong dalawa!" kinikilig na sabi niya. "Teka ipprint ko lang to para may souvenir kayo." dagdag niya saka na siya pumunta sa table nila.

"Bes!" tawag sa akin ni Maqui. Lumapit siya sa amin saka pa ako nginitian ng nakakaloko. "Congrats Mrs. Magalona."

"Hello! I'm Elmo."

"Frencheska. Bestfriend ng asawa mo." sabi niya naman.

"Maqui!" sabi ko.

"Ano? Mag-asawa naman na talaga kayo diba? Ayiiie. Bes wag na ideny. Diba nga dream come true na to?" nanlaki naman ang mata ko saka ako nagnakaw ng tingin kay Elmo na siya namang nakatitig at nakangiti lang sa akin.

"Elmo dude!" narinig naming sigaw ng mga lalaki. Paglingon naming tatlo ay ang iba palang swimmers ng school. "Congrats pare! Dream come true!!" sigawan nila.

"Salamat mga dude!" ani Elmo. "Ganda ng misis ko no?!" aniya pa.

"Ito na yung pictures niyo. Thank you for availing our marriage booth services!" sabi ni ate sabay abot ng dalawang picture sa amin. "Ako pala si Hanah. In case may kailangan kayong advice lapitan niyo lang ako."

"Thank you po Ate Hanah." sabi ni Elmo.

"Bes, ano?" kalabit sa akin ni Maqui.

"Uhm... Thank you po Ate Hanah."

"You're welcome JuliElmo. Hahaha. Cute niyo talaga!" sabi niya saka na umalis.

"JuliElmo daw?! Hahahaha. Infairness pwede." puna ni Maqui.

"Uh... Tara na Maq. Uwi na tayo."

"Hala. Diba manunuod pa tayo ng concert mamayang gabi?"

"A-ano. Balik na lang uli tayo. Sama ng pakiramdam ko eh." sabi ko saka na siya hinatak. "Uhm... Uwi na kami, Elmo ha?" paalam ko.

"Hatid ko na kayo, asawa. Tara na." sabi niya saka hinawakan ang kamay ko.

"A-ah wag na! Nakakahiya." sabi ko.

"Asawa, wag ka na mahiya. Kasal na tayo so technically tayo na. Halika na. Andito naman ni Mang Nicolas eh. Ihahatid na namin kayo ni Frenchfries."

"Frencheska kasi." sabi naman ni Maqui.

"Astig kaya pag Frenchfries. Hahaha." sabi naman niya. Umirap lang si Maqui saka na kami nagpatianod sa kanya.

Pagdating sa parking lot ng school ay huminto kami sa isang itim na Trailblazer. Wow. Bigtime talaga!

"Mang Nicolas, asawa ko po pala. Si Julie. Tapos ito naman yung bestfriend niya. Si Frenchfries." pakilala niya sa akin at kay Maqui.

"Hello sa inyo!" bati ng isang lalaki. "Saan tayo sir?" Wow. Sir? Yayamanin!

"Hatid natin sila sa bahay nila. Tapos susunduin din natin uli sila mamaya para po sa concert."

"Ha? Wag na. Ihahatid naman kami ng papa ko eh." sabi ko.

"Asawa, susunduin ko na kayo. Wag ka na tumanggi ha?" may lambing na halo sa boses niya. Kinikilig ako na ewan. Peste!

"E-eh kasi..."

"Wag kang mag-alala. Magpapakilala ako sa mga magulang mo."

Sumakay na kami sa kotse at tinuro ko naman ang bahay namin. Okay. Mukhang nagulat siya. Hindi naman kasi kami mayaman. May kaya pero hindi katulad niya na sa mansion siguro nakatira. Yung bahay namin medyo luma na. Bahay pa kasi nina lolo at lola to eh. Kaya ancestral house na talaga to.

"Uhm... Thank you sa paghatid." sabi ko.

"Thank you, Elmo! Kitakits mamaya!" sabi ni Maqui saka na niya ko hinatak pababa.

"Bye asawa! I'll see you later! Bye Frenchfries!" sigaw niya saka na sila umalis.

"Bes, pakisampal nga ako." sabi ko nang makitang wala na sila Elmo sa street namin.

"Bakit?"

"Kasi feeling ko panaginip lang lahat to eh. Seryoso bang kinasal ako sa crush ko?" tanong ko. Sinampal naman niya ko at napahiyaw ako. "OUCH!!!"

"Oh ano? Di ka pa maniniwala?" tanong niya. "Ikaw na si Julie Anne San Jose Magalona. Wag ka ng choosy bes!"

Nagmulat ako at nakita sa orasan na alas tres na ng madaling araw. Tumingin ako sa kama ni Maqui at nakita kong nakaupo siya habang nakatitig sa akin.

"Kanina ka pa gising?" tanong ko.

"Oo. Kanina pa ko nakatingin sayo. You're dreaming again." sabi niya.

Umupo na rin ako at saka pinatong ang ulo ko sa tuhod ko. Hindi ko rin alam kung bakit napanaginipan ko yung unang pagkakakilala namin ni Elmo.

"Are you okay, bes?" tanong niya makalipas ang mahabang katahimikan. Umiling naman ako at naramdaman nanaman ang luha sa mga mata ko.

"I was okay before pero after what happened yesterday, hindi nanaman ako okay."

Continue Reading

You'll Also Like

81.3K 3.2K 38
ayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal...
227K 4.6K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
Pure Seduction By Q

General Fiction

310K 5.3K 37
Two different people, two different world, in a one story. Will they fight for what their hearts truly feel? Or despite of their ability to manipulat...
233K 2.5K 13
A rich, spoiled brat and daddy's girl, siya si Arabella Santana, the sole heiress of Don Armando Santana, A billionaire magnate. What Arabella wan...