Beautiful Disaster

Bởi -QueenLi

695K 2.2K 100

He is the Jacob Rye Lucre, vocalist ng sikat na banda sa buong bansa, Falling in love with him and with his m... Xem Thêm

Prolouge
Punta Fuego
Wound
Private
Like
Autograph
Always
Trust
Concert
After Party
Complicated
Right time
A girl can dream
False hope
Brother

My Strength

29.8K 192 11
Bởi -QueenLi

Tasha Elizabeth Ricio.

May 16, 2013

I will never forget how painful this day was.

'Dead on arrival' yan ang hatol ng doktor.

"Hindi, hindi totoo!."

Walang tigil ako ng umiiling in denial. Then my hands felt numb. Ni hindi ko maramdaman ang mga sarili kong paa, naninikip ang aking dibdib, the feeling of having an heart attack is the only reason I am sure that I am awake at hindi pa nawawalan ng malay.

Sa tabi ko ay si Auntie Noemi, niyakap niya ako sa gitna ng pag-iyak habang siya ay nanatiling matatag sa aking harapan.

Pero alam kong pinipigilan niya ang mag breakdown, ayaw ipakitang bumibigay na siya, dahil siya lang ang tangi kong sandalan ngayon.

Siya ang nagiisang kapatid ni Mama. My dad was the only child. My grand parents on both sides are already dead too. Siya nalang ang natitira kong pamilya. Both of my parents are dead. I'm only 17 years old.

"Shh.. Nandito ako sa tabi mo, hindi kita pababayaan." 

Auntie Noemi assure me with her words habang hinihimas ang likuran ko. Halos hindi mag sink in sa akin ang mga nangyayari, at niloloko ko ang sarili ko na paguwi ko sa bahay ay naroroon sila at sasalubungin ako ng mga tanong ni Mama ng 'kamusta ang school?' 'Kumain ka na?' At aasarin ako ni Papa ng 'bakit medyo late ka? May nobyo ka na ba?'

Nanghihina akong tumalikod kasabay nito ay ang paghikbi na hindi ko na mapipigilan pa. Tinakpan ng dalawang palad ang aking bibig, para hindi lumabas ang nagbabadyang malakas na iyak. I need to get out of here! Hindi ko matanggap. Bakit kailangang mangyari sa kanila ito?!

Magulo ang utak ko, parang kahapon lang ay masaya kaming kumain ng breakfast, nagtatawanan sa hapag kainan. Hindi ko alam yun na pala ang huling agahan namin.

Kung alam ko lang sana ay mas pinatawa ko pa sila, kung alam ko lang, sana ay ako ang nag asikaso sa kanilang pagkain, kung alam ko lang niyakap ko sila ng mahigpit at sinabing mahal na mahal ko sila.

Sana. Sana. Sana! Marami akong pagsisisi. At ngayon ay hindi na maibabalik ng pagsisising iyon ang buhay nila!

Papunta sila sa ng tagaytay ng umaga ng mangyari ang aksindente, ang sabi ay nawalan ng preno ang ang kanilang kotse, tumama sa barrier, malakas ang impact kaya total wreck ang aming sasakyan. Ngayon ko nararamdaman ang mga salitang 'love your parents while they are still alive' though alam kong hindi ako nag kulang na ipakita sa kanila ang love and respect that they deserve, sa tingin ko ay kulang padin ngayong wala na sila.

Sa tingin ko ay dapat ganun. You have to make them feel everyday that you love them. Never argue with them. And don't make them angry or cry. Dahil ako nga na naging mabuting anak ay may pagsisisi pa.

Tumakbo ako palayo

" Tasha!"

Pigil ni Auntie Noemi na hindi ko pinansin, Hinanap ko ang fire exit. Hindi ko ginamit ang elevator dahil sa tingin ko ay lalo akong mauubusan ng hangin sa katawan.

Halos hindi na ako makahinga sa pagpipigil ng hikbi sa aking pag iyak.Habang bumababa ng hagdan ay kinuha ko sa bulsa ng aking jacket ang ibinigay sa akin ng nurse kanina.

My parents wedding rings.

Simpleng round gold plain lamang ito. Napansin ko ang naka engrave sa loob nito. 'My strength' lalong nanghina ang tuhod ko, at sa tingin ko ay hindi ko na kayang pigilan pa ang pag iyak. Naupo ako sa hagdan. Inilagay ko sa aking dibdib ang aking kamao kung saan nakapaloob ang dalawang singsing.

Nakita ko kung paano nila mahalin ang isa't isa, simpleng buhay man at minsan ay kapos sa pera ay nanatili silang matatag at nandiyan para sa isa't isa.

Both of you are my strength too.. Kanino na ako kukuha ng lakas ngayon?

Iniiyak ko ang lahat-lahat ng aking makakaya, hanggang mapagod ako at wala ng lumabas pang luha sa aking mga mata.

Ngayon ay tahimik na lamang akong nakaupo, isinandal ko sa gilid ng hagdan ang aking ulo, naubos ko ang lahat ng lakas ko sa pag iyak. At sa tingin ko ay maraming araw pa akong magiging ganito. Siguro ay hindi lang araw. Maaring buwan, o taon. Hindi ko alam. This is my first and biggest heart break. Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng isa pang pintuan sa babang palapag kung nasaan ako ngayon. Kasabay nun ay ang pagtunog ng isang telepono.

"Maureen."  Malamig na boses na sagot ng lalaki. Ni hindi niya alam na nandito ako sa isang palapag ng hagdan at naririnig siya.

"Yeah. She's.. She's gone. Mom's gone."

Mula sa malamig na boses ay naging garagal ito. Narinig ko din ang lalim ng kanyang paghinga. Marahil ay tulad ko ay kanina pa niya pinipigil ang pag iyak.

"Hey, can't really talk right now. Umm, can you call later? Thanks Maureen." 

Yun lang at ilang sandali pa ay narinig ko na ang mga pigil na hikbi sa baba. Hindi ko mapigilang maluhang muli. Parehas kami. Ngayong araw. Parehas kaming nawalan ng pinakamahal naming tao sa buhay.


Wala sa sarili akong tumayo at bumaba papunta sakanya, I know His pain, I know exactly how it feels, and all we need now is someone who can give us strength to get through this.

Nakita ko ang kanyang likuran, ang kanyang balikat na taas baba sa pag hikbi. Naka yuko siya at umiiyak sa kanyang mga braso.


This day, we both lose someone we love, someone who's there when we are weak. Someone who taught us to be strong.

I took three steps down. Ng pumantay na ako sakanya ay inabot ko ang singsing ni Mama.


Natigil siya sa pag iyak at mula sa pagsubsob sa braso ay umangat ang ulo niya para tignan ang palad ko kung nasaan ang singsing. Nakita ko gwapo niyang mukha ngunit malungkot niyang mga mata. Pulang pula siya sa pag iyak.

Sa tingin ko ay hindi nalalayo ang edad naming dalawa. Ni hindi niya ako tinignan. Nanatili ang tingin niya sa aking palad na parang isa itong puzzle na kailangan niyang buuin.

I know this is weird. But only hurt people will understand. Yung malaman mo lang na may taong naiintindihan yung nararamdaman mo. Minsan nakakabawas na yun sa bigat.

"My dad's ring is enough to make me strong, here's my mom's. Take it."

Halos mabasag ang boses ko habang sinasabi iyon. Pero nanatili lang siyang nakatingin doon. I want him to take it right now, or I'll break down in front of him. And I don't want that to happen.

Yumuko ako sakanya at marahan kong kinuha ang kanyang isang kamay at inilagay sakanyang palad ang singsing.

Mula doon ay tiningnan ko ang kanyang mata na ngayon ay nakatingin na pala sa akin. Parehas kaming malalim humugot ng paghinga dahil narin sa pagiyak. Ilang pulgada lamang ang layo namin.


Bumagsak ang mga mata ko sa magkapatong namin na kamay, iniwan ko sakanya ang singsing at isinara ang kanyang palad.

"Just take it."

Mabilis na akong bumaba at lumabas sa pintuan, bumuga ako ng malakas na hangin. Para akong nakahinga ng maayos ng makalabas ako doon. Tila ba nag-aagawan kami ng lakas sa isa't isa dahil sa bigat ng nararamdaman naming dalawa.

Naging mabilis ang panahon pero walang araw na hindi ko sila naaalala. Their death were my biggest heartbreak.

Naging abala ako sa pagaaral madalas akong tawagan para kamustahin ni Auntie Noemi, pero madalang niya akong puntahan dito sa Maynila. Naalala ko noon nung mag prisinta akong uuwi sa Punta Fuego.

"Auntie bakasyon ngayon at wala akong masyadong gagawin, uuwi ak-"


"Hindi na Tasha, hintatyin mo na lang ako diyan at ako ang dadalaw sayo" Agap niya sa naisip kong plano.

Madalas ganito ang kanyang sinasabi. Ayaw niya akong umuuwi ng Punta fuego simula ng ihatid niya ako dito sa Maynila para mag aral.


Hindi na ako bata at alam ko na may itinatago siya, ang marangyang buhay na tinatamasa ko ngayon dito sa maynila ay isang malaking kuwestiyon parin sa akin pero iisa lang ang palagi niyang sagot.

"Basta mag-aral kang mabuti Tasha. Wala ng maraming pang tanong."

Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang pera sa pagaaral ko. Ang lahat ng meron ako ngayon ay alam kong hindi kayang tustusan ng isang guro sa isang publikong paaralan nagtatrabaho.

Ayokong magisip na may masamang ginagawa si Auntie pero I have faith in her. Siya nalang ang pamilya ko at alam kong hindi niya ako hahayaang mapahamak. Pero siya ba ay hindi? I don't know, she don't wanna answer all of my questions.

Tulad ng sinabi niya ay nag-aral akong mabuti ng walang tanong. Mahal at mahirap ang kursong medisina pero pinagbubuti ko. ang mga pinapadalang pera sa account ko na ibinigay sakin ni Auntie ay halos hindi ko ginagalaw. Kumikita ako sa pag tutor sa mga classmate ko na may mga hindi maintindihan na subjects.

"Thank you Tasha! Hay nako, hindi ko talaga maintindihan tong Neuro girl!"

Mapilantik niyang hinawakan ang noo sabay ng kanyang reklamo.

"Mas magulo pa to sa utak ng Jowa ko e, promise!"

Natawa ako sa maarte niyang rants. Si Marco ay isa sa classmates ko na nagpapa- tutor sakin. He's gay but not out of the closet, moreno, matangkad at maganda ang kanyang katawan, kaya maraming babae parin ang may gusto sa kanya, at diring diri siya doon.

Andito kami sa condo niya ngayon kung saan lagi ang venue ng tutoring namin. Every thursday ang schedule at malapit lamang ito sa aming school. Malaki din ang bayad niya sakin at ng iba pa, kaya nakakaipon ako.

"Walang ano man babalik na ako sa paaralan."

"Okay go!"

Nakangiti siyang tumango mapilantik na kinuha ang susi ng pintuan at inihatid na ako haggang sa lobby kahit na hindi naman na kailangan.

"Ingat Tasha."

Matigas na boses niyang paalam, ibang iba sa pagiging malambot niya kanina Dahil na sa labas na kami at maraming taong pwedeng makakita. Kinagat ko ang aking labi, pinipigilang matawa. Pinanlakihan niya ako ng mata.

"Salamat, see you next thursday."

Paalam ko, ng lingunin ko ay wala na siya sa lobby, marahil sumakay na yun ng elevator.

Masaya akong tumawid ng pedestrian papuntang entrance ng school ng may sobrang bilis na pulang sasakyan.

Nag slow motion sa akin ang lahat, napako ang paa ko sa aking kinatatayuan hindi ako makatakbo sa bigla. Mariin akong pumikit at nabitawan ang mga libro. Dinig na dinig ang ingay ng gulong sa biglaang pag preno.

Taas baba ang dibdib ko sa takot. Unti unti kong binuksan ang aking mga mata at nakita ang papalapit na mga paa na  may suot na itim na boots, nakasuot ng itim na denim pants, itim na t-shirt at itim na leather jacket.  Ng itaas ko pa ang tingin ko ay mas lalo lamang ako nagulat.

Jacob Rye Lucre is here! Biglang bumagal ang lahat. Hindi ako makapaniwala, he appear just like a dream in this place! Ano ang ginagawa niya dito? Ang mga magaganda niyang mga mata ay nakatingin sa akin ng matalim na titig. Kinilabutan ako at hindi alam ang mararamdaman, ito ang una na nakita ko siya ng personal at nakatapak sa parehas na lupa, madalas ay palagi akong nakatingala sakanya habang nasa stage at kumakanta.

Bumaba ang tingin ko sa kanyang dibdib, napa-singhap ako, There it is! my mother's ring! Isinara ko ang bibig at lumunok, I need calm myself.

Pinanood ko siya habang pinupulot ang mga libro kong nag-kalat. Tuliro at hindi ako makagalaw, ang mga studyante ay kuryosong nakatingin sa kanya, ang kulay pula niyang Mustang ay talagang kapansin-pansin, mas lalo pang umagaw iyon ng pansin ng lumabas siya. He's very famous and out in the public, alone! Alam kong konting oras nalang ay makikilala na siya dito.

"I m sorry."

Ang malamig niyang boses ay nakapanlalamig kahit mataas ang sikat ang araw.

Agad kong kinuha ang mga libro at niyakap, kinagat ko ang aking mga labi, hindi ako makatingin ng derectho sakanya, kahit pigilan ko ay bumabagsak parin ang mga mata ko sa sing-sing na ginawa niyang kwintas.

Hindi maiwasang matuwa ng puso ko dahil sa nakikitang pagiingat niya sa bagay na ibinigay ko sa kanya ilang taon na ang nakakkaraan.

"Sa- salamat."

Tumingin ako sa kanya ng wala akong marinig na kahit anong sagot. Matalim siyang nakatingin ng abutan ko, pero marahan din niyang iniwas iyon.

"Si Jacob ba yan?!"

At nangyari na nga, nakilala na siya ng mga studyante at iba pang dumaraan!

"Aaahh si Jacob nga!"

Halos mapatid ang litid ng isang babae na pamilyar sa akin, nagkagulo na, masakit akong nabangga ng mga nagkakagulong babae para lang makalapit lang sa kanya, mabilis akong umalis at hindi naging madali yun dahil siksikan na at nagkakagulo.

Ng makalabas ako ay nilingon ko siya, pinalibutan ang kanyang sasakyan at halos di ko na iyon makita.

Nakahinga ako ng maluwag ng malamang nakapasok agad siya at hindi naabutan ng mga nagkakagulo niyang fans.

Nakita ko na noon kung paano siya hablutin ng isang hysterical na fan sa isang concert nila noon, halos mapunit ang damit niya at may kalmot na tinamo. Mabuti at mabilis na nakuha siya ng mga security at nailayo sa babae.

Kaya ang pumunta dito at lumabas ng walang kahit isang body guard ay masamang idea, pero alam kong ginawa lang niya yun dahil muntik na niya akong masagasaan.

Ang nangyaring tagpo namin ni Jacob sa pedestrian lane ay naging malaking usapan sa media, good thing at hindi ako nasama at nakaalis agad ako doon.

Ng lumabas siya ng kanyang sasakyan at pinuntahan ako ay kilala ko na agad siya.

"Whoever she is, gusto ko siyang pasalamatan."

Iyon ang mga huling binitawan ni Jacob sa kanyang interview. Pinatay ko ang tv at nagbuga ng hangin na kanina ko pa pinipigilan habang nanonood.

Napahawak ako sa aking dibdib, mula sa aking damit ay inilabas ko ang singsing na isinabit ko sa kwintas. Parehas kami ng ginawa ni Jacob. Sandali ko pang tinignan iyon at hinalikan. This is my Papa's ring..


Who would't know, the greatest Jacob Rye Lucre? The rockstar. Sila ang sikat na sikat na banda ngayon sa pilipinas. Maganda ang boses niya. Hindi maitatangi na lahat sila ay gwapo at galing sa mayayamang pamilya.

I witnessed how girls gone crazy to this band. Pero kailan man ay hindi ako nagka-interes na panoorin man lang sila noon. Hindi ko gustong nakikisabay sa uso at mas gusto kong kakaunti lang ang may gusto sa mga gusto ko. It's weird and selfish, but it's true

Pero ng nakita ko na suot ni Jacob ang singsing na ibinigay ko sa kanya, tatlong taon na ang nakalipas, ay nabuhay ang interes ko sakanya.

Hindi ko akalain na siya iyon! Yung lalaki na halos mawalan ng lakas sa hospital sa pag-kamatay ng kanyang mommy.


Ng titigan niya ako ay iba na ang kanyang itsura, gone those sad teary eyes. Galit na lang. Nakikilala ba niya ako? Ng mapanuod ko ang balita tungkol doon ay inisip na may babae siyang pinuntahan sa aming eskwelahan.

Sino kaya ang pakay niya? Yung Maureen kaya? Yung kausap niya noon sa cellphone nung makita ko siya sa hospital?


Kinagat ko ang aking labi habang nilalaro ang sing-sing. Siguro ay napaganda ni Maureen, Para maagaw ang atensyon ng isang Jacob Lucre.

Mayaman at galing sa kilalang pamilya. Dahil yun lang ang babagay sa kanya. Hindi tulad ng.. ibang babae.

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...