The Gangster's Victim

By imperial_gem

3.9K 1.3K 520

Isang misyon ang darating para kay Xandra. At iyon ay ang kumalap ng impormasyon sa pinakamalakas na grupo sa... More

Introduction
Chapter 1: Arena
Chapter 2: University
Chapter 3: Gangsters
Chapter 4: His Next Victim
Chapter 5: Kidnap
Chapter 6: He save me?
Chapter 7: Deceive the Victim
Chapter 8: Decode the Code
Chapter 10: Together with The Devils
Chapter 11: The Jealous Devil
Chapter 12: The Devil is A Thief
Chapter 13: The Day before the Game
Chapter 14: Stolen Kiss
Chapter 15: The Devils Game
Chapter 16: Changes
Chapter 17: Undergrounds Secret
Chapter 18: Confused
Chapter 19: Uncontrollable
Chapter 20: Forgotten Mission
Chapter 21: Go Home
Chapter 22: Other Man
Chapter 23: Planned, All Along
Chapter 24: Escape
Chapter 25: Evidence
Chapter 26: Past
Chapter 27: Memories

Chapter 9: The Punishment

133 59 13
By imperial_gem

Chapter 9: The Punishment

Alexandra's Point of View

Dalawang araw akong nagmukmok sa loob ng dorm at nagpapagaling sa lahat ng sugat na natamo ko. Akala ko kasi ay kaya ko ng bumalik muli sa university para gawin ang misyon pero 'yon pala ay hindi.

Gumalaw-galaw nga lang ako at pakiramdam ko biglang bumalik ang lahat ng sakit na naranasan ko sa kamay ng Celine na 'yon. 

Basically, it's my eleventh day here in Apollo's University at alam kong dapat simulan ko ng mag gather muli ng impormasyon kaysa magtago rito sa loob ng dorm.

Magaan na rin ang pakiramdam ko. Nakapagpahinga na rin kasi ako ng dalawang araw, pero hindi pa talaga ako fully healed. Tiningnan ko naman ang sarili ko sa salamin at inayos ang damit ko. So right now I just dressed up myself in a loose shirt paired with a fitted pants and shoes. Atsaka my eyeglasses.

I smiled. Para lang akong normal na tao kung titingnan.

Naglakad na ako papunta sa loob ng class room ng makitang kakapasok lang din ni miss Janina kaya agad akong nagmadaling pumasok at umupo na rin sa upoan ko. Akala ko nga ay sasalubong agad sa akin ang iba't-ibang tingin ng mga classmate ko pero hindi.

Pumasok akong hindi pinapansin ng mga tao sa loob ng classroom. Hindi nila ako tinitingan o pinag-uusapan.

"Weird." I mumbled.

"Okay Class! May announcement ako. Makinig kayo ng mabuti." simula ni miss Janina kaya nakinig naman kaming lahat sa sasabihin niya.

Hindi na rin nila ginugulo si miss Janina knowing na kapatid niya nga si Kiero, ang isa sa member ng Devils Phoenix. Sa pagkaka alam ko nga eh si Kiero Mondragon ang leader ng grupo.

Inilibot ko naman ang buong paningin ko sa silid at namangha sa bagong itsura nito. Maayos ang buong silid. Malinis at nawala na ang mga vandalism na dati ay halos pumaibabaw na sa buong silid. 

Ni re-paint din ng kulay puti ang buong silid. Kaya ngayon ay mas maaliwalas ng tingnan ang paligid. Napatingin naman ako sa upuan ng apat na lalaki. Wala pa sila.

"Dahil august na ngayon at ikatatlong buwan ng pasukan niyo eh may hinandang palaro ang head natin para sa inyo at inaanyayahan kayong lahat na sumali," she paused at may isinulat sa board.

"Maze." she read.

"Alam niyo naman siguro ang maze hindi ba? Isa itong magulong passage na kailangan niyong malagpasan upang mahanap ang finish line," she again paused and smirk at us.

"This game will also serve as your punishment." wika ni miss Janina kaya napakunot noo naman ako.

"Punishment?" takang tanong nila kaya napatango naman ako.

Nakita ko namang napangiti si Miss Janina sa tanong nila.

"Punishment... because you broke the rules. The only rules." she said.

Napaanga naman sila. 

"What? Hindi namin sinuway ang rules!" sabay-sabay nilang sabi.

What?

Para 'atang hindi ko naiintindihan ang mga pinagsasabi nila. Game? Punishment? Rules?

No no no no!

"Isa lang naman ang rules hindi ba? Bawal lumabas ng university hanggang sa hindi kayo pinapalabas. And because the Devil Phoenix, ang mga tinitingala niyo ay lumabas without the heads permission eh damay na rin kayo. So lahat kayo ay may punishment," sagot naman niya.

"Kaya nga kung alam niyong may gagawing mali ang apat ay dapat pinigilan niyo para hindi na sana kayo madamay pa." patuloy niya.

Naramdaman ko naman ang pagtahimik nila. Wala nga yata silang planong banggain ang apat. Naalala ko naman ang do's at don't ng head.

Ang sabi niya, lahat ng gusto mong gawin ay pwede basta huwag ka lang daw lumabas ng university. Ito pala ang kaparusahan. 

Ts, nadamay pa kami. Well, game lang naman 'yon so okay.

"Well ano ba ang game na 'yan?" tanong no'ng isang lalaking 'di kalayuan sa upoan ko.

Napaupo naman si miss Janina sa mesa bago niya kami sagutin.

"Its called the devils game." she grins.

"First, ay bubuo kayo ng grupo. Limang members per team at dapat kayong limang miyembro ng grupo ay marunong makipaglaban kasi nga mag uunahan kayong makuha ang flag sa finish line. At syempre may 5 clues kaming inilagay sa bawat maze na madadaanan niyo kaya makakatulong na rin iyon upang malagpasan niyo ang maze. At ofcourse may prize ang makakakuha ng flag. At malalaman niyo iyon kapag natapos na ang game. Madali lang naman siya eh. Basta may cooperation kayo ng buong team."

"Well parang hindi naman yata 'to punishment ah! Kaya sige! Sasali kami." sagot nila.

Napalinga naman ako sa sinabi nila. No! Hindi pwede! Mas tatagal pa ang pagkuha ko ng impormasyon sa grupo kung sasali pa ako sa game! Natahimik naman kami bigla ng tumawa ng malakas si Miss Janina.

"Ofcourse, it's a punishment because you need to kill everyone hanggang sa ang team niyo na lang ang matira. Not totally patayin, kailangan niyo lang pahirapan ang iba upang makalagpas kayo. Because if you don't kill each other, then hindi kayo makakalagpas kahit level 1 man lang ng maze." aniya dahilan upang kabahan ako.

This isn't happening.

"May limang level ang maze. At bawat level ay mayroong susi na dapat niyong hanapin at gamitin iyon para mabuksan ang pinto ng pangalawang level." wika ni miss Janina at tumayo papunta sa gitna.

"Ang grupo na syang makakahanap sa susi at makakabukas ng pinto patungo sa susunod na level ay mabibigyan ng limang puntos. Bawat level ay mayroong limang puntos. At sa pang huli ang grupong syang unang makakakuha ng flag ang siyang panalo." sabi niya at tiningnan kami isa-isa.

Ramdam ko na nag-iisip ang lahat. Sinusuri kung totoo nga ba ang mga pinagsasabi ni miss Janina.

"At alam kong natatakot kayong banggain ang Devils Phoenix. Pero kapag hindi niyo sila kakalabanin kayo ang malulugi at matatalo sa huli." aniya dahilan upang mapatango ang ilan.

"Ano po ba 'yong prize kapag nanalo?" tanong ng babaeng nakapony tail at may pink accent sa lahat ng suot niya.

Nginitian siya ni Miss Janina bago sinagot, "Makukuha ng grupo ang VIP dorm ng buong university. Diba wala pang nag mamay-ari ng VIP dorm? Kaya mapapasainyo iyon kapag nanalo kayo."

Nagtawanan naman ang ilan at ang iba ay napasinghap.

"Diba ang ganda nong VIP dorm? Nandoon na lahat ng gusto mo. Pagkain, utilities. Lahat!" rinig kong bulongan ng mga babae sa harap ko.

"Eh, 'yon lang? Para sa dorm na 'yan ay makikipaglaban kami? Magsasayang kami ng panahon para lang dyan?" patawa-tawang wika ng lalaki, siya rin 'yong nagtanong kanina kung ano game na lalaruin namin.

Narinig ko namang sumang-ayon ang iba sa sinabi niya.

"Iyan ang pagkaka-akala mo."

Napatahimik naman kami ng malamig na nagsalita si miss Janina at binigyan din kami ng nakakatakot na tingin.

"Ang grupong mananalo ang syang magiging undercover ng Apollo's University. Alam niyo naman siguro na kakaiba ang university na 'to. Alam niyo rin hindi ba na nandito kayo for a purpose. Nandito kayo dahil gusto niyo pang mahasa ang abilidad niyo sa pakikipaglaban while at the same time na nag-aaral kayo. Alam kong hindi kayo nandito dahil lang sa na kick-out kayo sa dating paaralan niyo. Alam kong nandito kayo dahil nandito rin ang lahat ng mafia, gangster, assassin and even... spy,"

Napalunok naman ako ng binanggit niya ang salitang spy. May alam ba siya?

"At alam kong gusto niyong maging undercover sa undergrounds society. I know na alam niyo na kung ano ang undergrounds society, am I right? Kasi hindi ka naman makakapasok dito kung hindi ka miyembro ng undergrounds society. Especially our head is very clever. Hindi 'yan nagpapapasok ng kahit sino-sino lang." wika nito na ikinabigla ko.

What?

Anong ibig niyang sabihin? Pero ba't ako nakapasok dito? Kinabahan ako sa sinabi niya at naramdaman ko kaagad ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

"Imposible!" I whispered.

May posibilidad ba kayang alam ng head na spy ako? Na agent ako? Lagot!

"Ang pagiging undercover sa underground society ay magbibigay sa inyo ng maraming benepisyo. Alam niyo 'yan. Atsaka alam ko namang gusto niyong maging undercover kaya alam naming kakalabanin niyo ang Devil's Phoenix. Atsaka mapipilitan talaga kayong labanan sila dahil ang grupong walang puntos sa bawat level ng maze ay matatanggal dito sa Apollo's Univeristy." wika ni miss Janina kaya lahat ay nabigla at napa angal sa suhewistyon niya.

"Ano? Hindi niyo magagawa 'yan!" angal ng babae sa harap ko.

"Yes we can." pa ngiti-ngiting wika ni Miss Janina.

"Alam niyo namang wala kaming ibang mapupuntahan kapag matanggal pa kami rito! Kahit na bigyan pa namin ng maraming pera ang ibang school para tanggapin kami ay hindi 'yon gagana! We are prohibited in studying other schools! We can't even enter their premises!" patuloy na angal ng babaeng nasa harap ko.

"Too bad dear! Na aprubahan na ang game. Wala ka ng magagawa. You can even ask Head Levy about this." sabi ni miss Janina dahilan upang mapatahimik silang lahat na parang takot na takot sila kay head Levy.

Naalala ko naman si head Levy no'ng una ko siyang nakita. Hinahabol niya pa ang apat non.

"Okay... I think wala na kayong mga tanong?" wika ni miss Janina at nginitian kami at ng makitang wala ng nagtanong pa sakanya ay tinangoan niya na lamang kami.

"Then good luck! Your punishment will start this Friday. August 13. You only have 2 days to prepare." sabi ni miss Janina at aalis na sana sya upang iwan kami para makapag-isip ng tawagin siya ng lalaki na kanina pa palaging nagtatanong sakanya.

"Miss, sino-sino po ba ang magiging ka group namin?" tanong ng lalaki.

Oo nga noh! Hindi niya nasabi sa amin. Atsaka sino ang makakasama ko?

"Oh I forgot," she said at napatawa. "You can choose who will be your groupmates. Choose wisely. And besides... hindi lang naman kayo ang maglalaro." sabi nito na ikinataka ko.

"Anong ibig niyo pong sabihin?" takang tanong ko dahilan upang mapatingin silang lahat sa akin.

Miss Janina stared at me for a minute.

"Hindi lang kayo ang maglalaro dahil kasama ang iba pang department sa larong 'to. Lahat ng graduating student sa senior high school ang maglalaro. Kasama kayo at ang STEM Class B. Ang Humss strand. Ang ABM. At ang TVL." sabi niya at napasinghap naman ang ilan.

"Kasama po ang TVL department?" tanong ng babae sa unahan.

Rinig ko rin ang bulongan ng iba.

"Malalakas ang mga estudyante sa TVL. Paniguradong talo tayo. Eh mga assassin ang department na 'yan."

Napa tingin naman ako sa nagbubulongan at napatanong.

"Anong ibig mong sabihin na assassin ang TVL?"

Nabigla naman sila sa pagtatanong ko at nag-iisip kung sasagutin ba ako.
Napabuntong hininga naman ang babae bago ako sinagot.

"Tayong mga STEM department ang mga estudyanteng nabibilang sa gangster's clan. Ang HUMSS department ang mga estudyanteng nabibilang sa mafia's clan. Ang ABM department ang mga estudyanteng nabibilang sa undercover's clan. At ang TVL naman ang pinakamalakas. Dahil sila ang assassin's clan. Ang apat na clan ang syang bumubuo ng undergrounds society." sabi ng babae na ikinaestatwa ko.

What?

Bakit hindi namin alam 'to? Kailangang malaman ni Xander at Dad ang lahat ng 'to! This just can't be! Akala ko wala na ang mga mafia's, assassin! Akala ko tapos na! Tiningnan ko ang tatlong babae na nakatingin pa rin sa akin. 

"If ang ABM ang undercover's clan eh ba't pa naghahanap pa ng undercover ang university eh meron na naman pala? At ba't kasali pa ang ABM eh posisyon na nila ang prize!" tanong ko at nagkatinginan naman silang tatlo.

"Ang undercover's clan ang pinakamatalino sa lahat ng estudyante na nandirito sa loob ng university. At kokonti lang ang bilang nila. Mahirap makasama sa clan nila. They are prestige, quiet and dangerous. Alam nila lahat ng sekreto mo. So if mapapabilang ka sa clan nila your rank will be on top. Kasi sila ang nagpa plano sa lahat ng misyon ng underground society. They are The Brain. At ang mafias, gangster at assassin ang gagawa sa plano ng mga undercover. And I know sasali yan sila dahil kapag nanalo sila they will request for another prize. They are very clever." wika ng babae kaya tumango naman ako sa sinabi niya.

"Pero hindi tayo matatakot sa undercover kasi hindi sila gaanong malakas sa pakikipaglaban. Matalino lang sila pero mas malakas tayo." sabi ng isa pang babae.

"Teka! Ba't hindi mo alam lahat ng 'to?" takang tanong nila kaya nabigla naman ako.

Oh no!

"Class dismissed!" wika ni Miss Janina dahilan upang makuha ang atensyon ng tatlong babae.

Tumayo naman agad ako ng nabaling ang atensyon nila kay miss at agad na lumabas sa classroom. Rinig ko naman na tinatawag ako ng tatlo kaya mas binilisan ko pa ang paglalakad.

I sighed. I need to get out of here as soon as I can. Ang dami kong nalaman na hindi ko alam na nangyayari pala. They just freakin use this school as a cover for their plans!


Hindi pwede!

Continue Reading

You'll Also Like

40.7K 1.9K 23
THIS IS A BL STORY! Obsession series # 2 "I'm scared to move on because moving on means accepting our fate as strangers. I'd rather heartbroken than...
1.5M 34.8K 54
Rivalry, a basketball athlete and a culinary student had never seen herself attracted to any men. Despite her friends' persistent attempts to set her...
401K 21.1K 32
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.