Road to your Heart: Starting...

By Kristinoink

2.2K 75 2

It is never easy to live in a house with strangers. Sinanay lang ni Jessica ang sarili niya dahil alam niyang... More

Road to your heart
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Wakas

Kabanata 46

36 1 0
By Kristinoink

Kabanata 46

Masaya ako

Okay.

Breath.

Relax.

The window is covered... That makes it so fishy! You're stupid, Jessica!

"Hey. Relax. It's fine. We got this..." Lumapit si Xander sa akin at bumulong.

Hawak niya nang mahigpit ang nanginginig kong kamay.

No! We don't have this! Mahuhuli na kami.

Yes. Mahuhuli na kami.

This is the end.

Hindi ako makahinga ng maayos. I think I'm hyperventilating. Gusto ko nang bumaba dito at lumanghap ng hangin sa labas pero paano? Tita Kriselle is still outside. Waiting for us. Waiting for Xander. Anong sasabihin namin? She will ask ofcourse! Wala akong masasabi. Aamin ako? Kami? Bakit ganito kabilis?

"Baby, relax. I have this. Whatever I say. Don't speak okay? Just go with anything I will say..."

Napatingin ako sa kanya.

"What... why?"

"Well..." he sigh. "You're not a good liar, baby. And I take it that it's not the right time to have this. To confess. I got this. So bear with me."

He planted a soft kiss on my lips. Parang balahibo sa lambot iyon. Ngumiti siya sa akin bago lumayo. Sumandal siya sa kanyang upuan at binitawan na ang kamay ko. Inayos niya ang sarili niya.

I'm not a good liar...

Binaba niya ang bintana niya. Ngumiti agad si Tita Kriselle at tinanggal ang malaking sunglasses niya.

"Hijo I knew it was you..." then her eyes landed on me.

"Yes, tita. Bibili po sana kami ng pizza. Pero kinakausap ko pa po si Jessica. Medyo napagsalitaan po ni Chinky 'e..."

I avoided her gaze. Yumuko na lang ako. Xander is lying right now so might as well be a good actress fot the sake of our relationship.

"Is that so..." Lumandas ang mata niya sa cover na nasa windshield. "Hindi pa ba kayo bababa? Sakto at wala pa ang Tito Louis niyo. Sasama na lang ako sa loob."

"Pababa na rin tita..."

"Alright. I'll just go to the restroom inside. Hihintayin ko kayo. Ako na rin ang oorder." ngumiti siya kay Xander tapos ay sa akin.

I don't know kung nakangiti ako. Parang hindi. Ilang segundo siyang nanatili doon baka umikit at naglakad papunta sa entrance. Xander closed the window. Inabot niya ang kamay ko.

"That's suicide, Xander. Tita might ask Chinky. Paano kung sabihin ni Chinky yung sinabi niya kanina sa akin? We're doomed, Xander. Mahuhuli na tayo. Hindi lalagpas ang event na 'to ng-"

I think my head is about to burst. Different scenarios were created in my mind and none of then ends good. I don't know what to do!

"Baby..." Hinaplos niya ang balikat ko but I brushed his hands off.

"No, Xander. We're fucked. No-"

Binitawan niya ang kamay ko. He cupped my face before he kissed me. Kaya lang ako natahimik. I didn't know I was having a panic attack.

"Baby, no. Jessica. Listen." Hinanap niya ang magulo kong mata. Hindi sumuko hanggang sa kumalma ako at nanatili na ang tingin sa kanya.

"Jes, listen. I know Chinky. Hindi siya magsasalita. I know, baby. Trust me on this. I won't let you down."

He licked his lips as he watch me ease my breath. Sumasakit na ang dibdin ko sa lakas ng tibok ng puso ko. Nakatingin pa rin siya sa akin. Pabalik balik ang tingin sa dalawa kong mata.

"Can you trust me? Please?"

Napakagat ako sa labi 'ko.

"Dang it. I trust you, Xander. I don't trust Chinky..."

"Shh... I won't let you down. Alright? For now bababa tayo. Susunod tayo kay Tita Kris. I'll behave..."

This is suicide. Each passing day is a suicide. Kahit na labag sa loob ko ay tumango na kang ako sa kanya. He carresed ny cheeks before he let go. He turn off the engine habang kinakalma ko pa ang sarili ko. I managed to put a face powder and a liptinit. Nakita ko kasi ang reflection ko sa cellphone ko. Nang maayos na ay sabay kaming bumaba ni Xander ng sasakyan.

Magkalayo kaming naglalakad nang makapasok sa loob. Tita Kriselle is on the entrance waiting for us. Ngumiti siya kay Xander. Tapos ay sakin. Though pilit iyon.

"Kayo lang bang dalawa ang nautusan na bumili ng merienda?"

Nakasunod kami kay Tita habang naglalakad siya.

"Kasama po namin sila Deo, Tita. Nasa SM sila. Dadaanan po mamaya," si Xander.

"Hmm. Alright." huminto siya at pumihit para matignan si Xander nang nasa food chain na kami.

"Hijo, why don't you order now. Magpapasama lang ako kay Jessica doon at may ilang bibilin. Just a thing or two I guess..."

Hindi ako nilingon ni Xander but I saw his muscles tensed. Nahuli ni Tita ang tingin ko kay Xander kaya napayuko ako.

"Jessica, you don't mind to accompany me, diba?"

Nagtaas agad ako ng tingin. Her devilish smile is as evil as her daughter's. Tumango ako.

"Opo, tita..."

Tumango siya at ibinalik kay Xander ang tingin.

"We'll meet you there, hijo," at tsaka tumalikod.

I met Xander's eyes. Pinag halong takot at galit ang nakita ko sa mata niya. Kahit hirap ay pilit akong ngumiti at sumunod na kay Tita na medyo may kalayuan na.

Half running akong sumunod kay Tita. Nasa hilera kami ngayon ng mga dairy. Nakakaagaw tingin si Tita dahil sa neon na Birkin na dala niya. Her cold stare and raised eyebrow makes all other people move out of the way.

"What would the kids like? Toblerone ice cream?"

Huminto siya sa harap ng isang fridge kung saan naroon ang mga ice cream na nakita niya. Pinong pino ang galaw ko. Magkahawak ang dala kong kamay at diretsong diretso ang tayo.

"Hm. A thousand for 9 pieces. Isn't that a bit much?"

Hindi ko alam kung ako ba ang tinatanong niya o kinakausap niya ang sarili niya but I tried to shoot my shot.

"Uh. Masarap naman po kasi tita. Worth it naman po kahit may kamahalan. Bumibili rin po kasi si mommy-"

Natigil akong magsalita nang balingan niya ako. Her cold stare made me shiver. He raised and eyebrow.

"Worth it, huh?"

I bit my lip. I think my shot didn't make the ring.

She smirked. A cold one. Binalingan niya ulit ang ice cream. Binuksan niya ang fridge at kumuha ng isang box at tinitigan iyon.

"You know, Hija. Having a big family is a big responsibility..." tinignan niya ako. "You wouldn't know that because... Simply you are not a mom yet. Having a family as big as what we have... You have to be cautious in everything you buy. You have to be cautious about everything that you bring inside your household. Hindi pwedeng dahil masarap o worth it ay dapat nang bilin..."

Lumunok ako. Nanginginig ang labi ko. What she said is a life lesson pero parang iba pa rin sa akin. I don't know.

"Alam ko naman po, Tita. Baka lang po magustuhan niyo kung bibilin ninyo..."

"And what if it's not worth the taste? Sayang ang pera, hija. We might have the money to but this but still it is a waste. Hindi pwedeng "baka". You have to be sure. Sa "baka" mo nakasalalay ang mga kakain nito. You're a woman. You should know how to criticize. Hindi pwedeng puro "baka". Hija, maraming namamatay sa maling judgenents..."

"Uh..."

Ngumisi siya nang nakita ang reaksyon ko. Binalik niya ang box ng ice cream sa pinagkunan at sinarado ang fridge habang nakatingin pa rin sa akin.

"Let'e face facts, hija. Hindi ako anak ni mama, yes. But I am a nephew. A woman who can stand on her own. A woman with her own family. But still I care for this family, not just my own, but for the whole family. Kahit na hindi ko dala ang apilyido nila, I care more that you can know. And the last thing I want for the family is danger. Something that could ruin it. Something that will bring chaos..."

Yumuko ako. I think I know where this is heading. Too much of a "facts" for a day, huh.

"Ikaw. Beatrice and Vincent accepted you. You don't have a family of your own yet. They are still your family. You should always think about their welfare. Their feelings. Utang na loob mo sa kanila kung ano ka ngayon. Your name is the only thing you really own here, Jessica. Your last name isn't yours. You should cherrish it. Hindi pwedeng dahil worth it, dahil masarap, ay bibilhin mo na. Susugal ka sa isang bagay nang hindi tinitignan kung magkano ang magagasta para sa kakarampot na ice cream na hindi naman sigurado kung magugustuhan ng lahat. Think, Jessica. It's not just about you. It's about the whole family..."

My whole body felt numb. Ngumiti si Tita at muling tumalikod. She went to the other aisle. Kahit na gusto ko nang sumunod nanatili ako sa kinatatayuan dahil hindi makagalaw. My phone vibrated on my pocket. Mabagal na mabagal pa ang galaw ko kahit sa pag abot lang ng cellphone ko. When I looked into it, Xander's text popped up.

Globe: Baby where are you? I can see Tita from here. Nasaan ka? Should I get you?

Natauhan ako sa text niya He must be worried now. Nanginginig ang halos walang lakas na mga daliri ko nang pinilit ko mag type ng reply.

Ako: I'm good. May tinignan lang kaya nahuli.

Sinend ko iyon at binulsa na ang cellphone. Wala sa sarili akong naglakad sa kung saan pumunta si Tita kanina. Nang nakaabot aki sa kanya ay wala na akong kibo. Nakatanaw siya sa mga body lotions sa aisle kung nasaan kami. Malapit na ito sa kung nasaan si Xander. And I did not fail to see him looking straight at us. Hindi naman iyon pansin ni Tita kaya ngumiti na lamang ako sa kanya. Sa itsura niya ay parang gustong gusto na niyang lumapit.

"Hm." napalingon ako kay Tita.

"Thinking about it, marami pa naman akong stock sa bahay. Jessica..." nilingon niya ako. "Bumalik na tayo kay Alexander. Next time na ako mamimili ulit." Aniya at nauna nang maglakad patungo kay Xander.

Saktong pagdating namin ay kinuha na ni Xander ang apat na box ng pizza sa counter.

"Sakto. Tara na sa baba at naroon na rin ako tito niyo..."

Hindi na kami nilingon ni Tita at taas noo na siyang naglakad. Nauuna siya at nasa likod lang kami ni Xander. Parehong walang imik nang nasa escalator na kami. Busy naman si Tita sa phone niya. When we reached the exit door naroon na nga si Tito Geoffrey.

"Tito," Nagmano si Xander.

Tita Kriselle smiled at Xander's gesture. Ngumiti rin si Tito Geoffrey at nalipat ang tingin sa akin.

"Jessica,"

Nagmano rin ako at ngumiti.

"Papunta na rin ba kayo ng talavera?"

"Opo. Susunduin lang namin sila Deo at tutulak na rin."

Wala sa sariling tumango si Tito sa sagot ni Xander.

"Kung ganon magkita na lang tayo 'ron. Mauuna na kami," Tito smiled before he dismissed himself.

"See you, hijo, Jessica," She shot me a meanungful glare. Tumalikod rin siya agad at sumunod sa asawa.

Walang balak na gumalaw si Xander sa kinatatayuan niya. I can see his stare beside me. Naglakad na ako nang hindj nagsasalita. Sumunod siya sa akin at nang malapit na sa sasakyan ay pinatunog na niya iyon. Hindi ako agad dumiretso sa front seat. He will open the hood of his trunk and I should help him. Iyon ang naisip ko pero mabilis na nakalakad si Xander at nilagpasan ako papunta sa trunk niya kahit na ako ang naunang maglakad.

"Get inside the car now, baby..." malambing niyang sinabi kaya nahinto ako sa paglalakad at tumingin sa kanya.

His voice resembles nothing compared to his cold and stoic expression. Walang kahirap hirap niyang binuksan ang hood at ipinasok sa loob ang box. Sa kalagitnaan ng paglagay ng pangalawang box ay huminto siya at nagtaas ng tingin sakin. His emotionless eyes are making me shiver.

"Get in, baby. They are watching,"

Dun muling naging aktibo ang diwa ko. Hindi ko na nilingon ang banda nila Tita. Agad akong naglakad papunta sa front seat at sumakay na roon. Kasabay rin ng pagsakay ko ang paglagpas ng sasakyan nila Tita sa kung saan kami nakapark. Tito beeped once. Tumango si Xander 'ron bago dumiretso sa driver's seat at sumakay. Hindi naalis ang tingin ni Xander sa sasakyan nila Tita hanggang sa nakaliko na ito patungo kila mamu. I heard a sigh before he pulled me into a hug.

He hugged me so tight. Binaon niya ang ulo niya sa leeg ko. His hot breath is tickling my neck.

"I love you, baby. We'll get though this. I'm working on it. I'm sorry, Jes. I'll..." Hindi ko na marinig ang mga huli niyang sinabi. Nalunod na ang boses niya sa pagyakap sa akin.

Nanatili kaming ganon. His hug calmed me. I forgot everything that happened as we stayed in that position. It made me think less of the problems we are facing. He is my family.

Pareho naming dinadama ang yakap ng isa't isa nang bulabugin kami ng tawag sa cellphone ni Xander. Hindi niya kita iyon dahil naka akap siya sa akin at wala rin siyang balak na sagutin. Ako ang nakakita kung sino iyon. Marahan ko siyang tinapik.

"Alis na tayo. Tumatawag na si Deo..."

Hindi siya agad gumalaw. It took seconds before I felt his deep sigh. Dahan-dahan siyang bumitaw sa akin. He planted a kiss on my forehead before he finally let me go. Hinarap na niya ang manubela nang walang pasabi. Tahimik kaming lumabas sa parking ng S&R at nagtungo na sa SM.

Walang kibo si Xander sa byahe pabalik. Casual naman akong nakikipag kwentuhan sa tatlo na nasa likod.

"Sana tapos na ng boys yung garden para makauwi tayo. I'm not up for the overnight..." si Chloe nang nakitang malapit na kami sa bahay ni mamu.

We pulled into the drive way after 2 minutes. Agad na bumaba si Chloe na sinundan ni Deo. Nilingon ko si Xander. Our eyes met.

"Don't stay here. Tara na, Jes," tinapik ako ni Margou nang bumulong siya sa akin.

Tumango na lang ako at bumaba na ng sasakyan. Tawanan ng boys ang narinig ko pagkababa. Both Kier and Travis are shirtless and squaring up. Parehong may ngiti sa labi habang pinapanuod ang galaw ng bawat isa. Kier squatted. Sinenyasan niya si Travis na lapitan siya. Hindi na nagdalawang isip si Travis na takbuhin ang distansya niya mula kay Kier. He aimed for his stomach. Agad silang bumaksak ng tumama ang balikat ni Travis sa tiyan ni Kier.

"Spear!" sigaw ni Deo habang may dalang mga box ng pizza.

Nagtawanan sila nang narinig ang reklamo ni Kier. Naglahad ng kamay sa kanya si Travis nang nauna itong nakatayo.

"Why are you playing, boys? Tapos na kayo?" si Chloe na nakapamaywang na lumapit sa kanila.

"Ofcourse, madame. We're going home tonight just like wha you want," ngumiti si Kier sa kapatid. Ngumisi rin si Chloe sa kanya at pabirong sinuntok ang braso.

"Good job, kuya."

Sabay-sabay kaming pumasok sa sala. Inabutan din namin sila Ayana at Kelsey na halos humilata na sa carpet habang abala sa mga cellphone nila. Agad lang na bumaligkwas ng tayo nang nakita kaming papasok.

"Foods!"

Kahit na nakapaa ay lumapit na sila sa amin para suriin lahat ng pagkain. Tinapik ni Deo ang kamay ni Ayana nang buksan nito ang isang box ng pizza.

"Sa lamesa," Deo hissed.

"Pft. Sungiiiiiit," kinurot ni Ayana ang tagliran ni Deo at tsaka mabilis na tumakbo.

Napapikit si Deo at ininda ang sakit kaya nagtawanan kami.

Dumiretso kami sa lamesa at doon na nagsimulang kumain. Nasa gilid ko si Margou habang nasa hapag. Some of us are standing. Nagkukwentuhan ang mga pinsan ko at sila Mamu. Unfortunately, Xander is far from me. Napapagitnaan siya ni Chinky at Kuya Marcus. Kahit na nasa gitna ng kwentuhan ay abot ang tingin sa akin.

Naroon si Tita Kriselle sa tabi ni Mamu. She's glancing at me from time to time. Kahit ang pag kagat ko sa donut ay may pag aalinlangan. Airconditioned ang buing bahay but suddenly I can't breathe.

Puro throwback stories ang usapan. Mga kapilyuhan ng mga lalaki ang highlight. Kahit na masaya ang usapan ay di ako makasabay. Pilit na pilit kahit pag ngiti lang. Nakakatatlong kagat pa lang ako sa donut ko. Minuto ang lumilipas bago ako kumagat ulit dahil hindi ako mapakali. Nang kakagat na ulit ako ay nahinto nang marinig ang pangalan ko mula sa kwento ni Papsi.

"Naalala ko noon na pag ganitong oras ng mirienda dito ay laging umaalis si Jessica sa hapag. Bakit eka ninyo..."

Papsi is Storytelling now. Halatang hindi na naeengganyo si Tita Kriselle at Mamu. Halatang halata rin ang irap ni Chinky na nakaligtaan na ni Papsi. Everyone else is listening.

"Abay walang ginawa itong si Alexander kundi inisin at pikunin si Jessica. Kitang kita ko kung paano umusok ang ilong nitong apo ko..." aniya at ngumiti sa akin.

Then I remembered his story. Laging may ganito. Sasabihin ng mga pinsan ko kung anong gusto nilang mirienda. Then everyone will gather in this dining room. Magkukwentuhan ang mga magulang namin. Doon na papasok sa eksena si Xander. Laging nakadikit kay Chinky tapos iinisin ako. At dahil minsan at takot ako sa paninitig ni Mamu at Tita Kriselle aalis na lang ako at magpapahangin sa labas.

Then...

Then I remember how he will pursue me. Kung paano ako susuyuin kahit na halos lumabas na ako ng gate para kang iwasan siya dahil sumusunod pa rin. At sa tuwing papatawarin ko na siya ay dadating Chinky. Mag papaalala sa akin na sadya ang pang iinis ni Xander dahil ayaw nila pareho sa akin. That is one of the many reasons I had doubt of Xander's feelings for me. Isa sa mga dahilan kung bakit rin hindi kami naging maayos mula noon. Dahil iniisip kong ayaw niya rin sa akin.

"Buti nga ngayon at hindi na sila nagbabangayan..." dagdag pa niya.

Sumimsim si Papsi sa kanyang kape kaya nagkaroon ng timing si Deo na sumabat at magsulsol.

"Naku' sumobra naman po si Xander, Papsi. Kung bakuran si Jessica akala mong siya ang kapatid. Hindi tuloy makaporma iyong matagal na niyang manliligaw." si Deo sabay sumpak ng halos halahating donut sa bibig

Kumunot ang noo ko at yumuko. Kailangan pa ba iyon, Deogracias? Talagang ngayon pa? Pailalim akong tinignan ni Papsi. May naglalarong ngiti sa kanyang labi bago nilingon si Xander. Titignan ko rin sana si Xander pero nahagip ng nanlilisik na mata ni Chinky ang paningin ko kaya pinigilan ko na.

"I'll do the same, Deo. Hindi porket tropa ay boto agad," Nagulat ako nang biglang nasa tabi ko na si Kuya Ken. Inakbayan niya ako at ginulo ang buhok ko. Ngumiti siya sa akin at kahit mahirap ay ngumiti ako pabalik. Napawi lang nang marealize na pinagseselosan ni Xander si Kuya Ken.

"Shh. Tigilan niyo nga. You have no power sa kung sinong gusto ni Jessica, 'no!" mataray na sambit ni Chantal.

"At hayaang maulit yung kay Chloe? Hindi naman pinapa atras si Vaughn. Huwag lang yung lalapit ng ganon ang behavior..." si Travis.

Palipat lipat na lang ang tingin ni Mamu at Papsi sa kung sino ang nagsasalita at nakikinig na lamang.

"Hoy! Nababanggit ako diyan. I'm out, y'all." si Chloe.

Agad na yumuko si Chloe at nagfocus sa pizza niya. Takot siguro na maungkat ang tungkol sa ex niya. Dawit si Chinky roon at siguro ay ayaw lang niyang pag usapan pa sa hapag na ito ang nangyari. Kung anu-anong side comments pa ang naibato sa hapag tungkol sa love life ko. Hindi ko malingunan si Xander pero nang nagsalita siya ay nangatog ang tuhod ko sa kaba at agad na nagpanic.

"Given na ganon pala ang ugali ni Vaughn,he should just back off. I don't want him around Jes..."

It's like a mic drop. Napalingon sa kanya si Tita Kriselle. Si Chinky ay nahinto rin. Si Papsi ay nakikinig na lamang. Inirapan ni Margou ang sinabi ni Xander. Mabuti na lang ata agad na sumapaw si Deo at Kier na sumasang ayon. Sumali pa ang girls na nakikipag debate tungkol sa panghihimasok nila. Wala nang sinabi si Xander at imbis na sulyapan ko siya, pasimple kong inexcuse ang sarili ko roon.

"Children. You shouldn't fight over petty things. Mabuti pa ay bilisan niyo nang kumain. After nito Christmas tree na," iyon ang huli kong narinig bago tuluyang nakalabas ng bahay ng walang nakakapansin. O walang gustong pumansin.

Petty. If it was about me then it's petty. Dumiretso ako sa hardin. Makulimlim na at malapit nang maghari ang dilim. Hindi pa nasisindihan ang mga christmas lights at mukhang 95% done naman na.

Buti na lang at mahangin. Hindi nakakainip. Nakakarelax pa nga. Kung sana ay ganito rin kagaan ang pakiramdam sa araw araw. Walang ibang problema na mabigat. Ganito lang kapayapa.

Dito ako madalas na tumatakbo pag naaasar ako kay Xander. Dahil sa kaparehong nararamdaman ngayon, payapa. Dito rin niya ako pupuntahan at susubukang suyuin. Iba nga lang ngayon. Hindi niya ako pwedeng sundan. Hindi susuyuin. Hindi naman kasi dapat.

Halos tangayin ng hangin ang isipan ko nang biglang sumulpot si Papsi sa gilid ko.

"Napaka presko ng hangin dito pag ganitong oras, apo." Ngumiti siya. Ang mga kulubot ng mukha ay lalong kumulot.

Ngumiti ako.

Huminga siya ng malalim. Ilang saglit na tahimik kami. Pinakikiramdaman ang hangin.

"May samaan ba ulit kayo ng loob ni Alexander at lumabas ka muli rito? Or this is a hobby?"

Wala kaming samaan ng loob ni Xander. Pero alam ko rin na hindi kami ayos sa ngayon. Sa ganitong sitwasyon. Hindi ako nakasagot. Hindi ko alam kung nakuha ni Papsi iyon bilang oo o hindi.

"Alam mo apo sa mga nakaraang taon nakita ko kung paano maguilty si Alexander pag napikon ka niya ng todo. Pag lumabas ka ng walang nakakapansin na iba. Kung paano ka niya susundan ng tingin. At kung paano ka niya sundan kahit sa tindi ng protesta ni Chinky..."

I turn to see his face. Siya naman ang nag iwas ng tingin at tinuon ang mata sa langit na padilim na ng padilim. Gusto kong magsalita pero gusto ko rin marinig ang sasabihin niya. Alam ko kasing walang masakit na salita ang pupukol sa akin pag siya ang nagsasalita. Kahit na malakas ang tibok ng puso ay tahimik akong nakinig sa kanya.

"Nung una akala ko sadyang pilyo lang si Xander. Pero kalaunan natanto kong hindi. Ikaw lang naman ang iniinis niya. Siguro dahil bata pa lang kalkulado mo na ang galaw mo? O baka dahil hindi mo siya binibigyan ng atensyon. Doon ko naintindihan. Doon, apo, na gusto niyang makuha ang atensyon mo. Na kahit inisin ka gagawin niya para magkaroon ng siya chance na makausap ko..."

It was the opposite of what I felt. Tingin ko ay utos iyon ni Chinky. Tingin ko na ayaw niya sa akin kaya gustong gusto niya na umiiyak ako. Na nasasaktan ako.

"A-akala ko po kasi ayaw niya sa akin katulad ni Chinky kaya..."

Paulit ulit siyang umiling. Yumuko ako. Nanlalabo na ang mata dahil sa mga luhang di ko alam kung para saan.

"Hindi apo ko. Hindi ganon ang nakita ko sa nagdaang panahon. Oo, maalaga si Alexander kay Ysa. Kahit na sa mga pinsan mo. Pero iba yung pag aalala niya sayo. Yung alaga na gusto niyang ibigay sayo. Napipigilan lang ni Chinky. Kawawang apo ko. Hindi makalapit sayo dahil alam niyang ikaw ang mapag tutuunan ng pansin ni Chinky..."

Nanlaki ang mata ko. Tumulo tuloy ang luha nang nagtaas ako ng tingin kay Papsi. He eyed me sadly. Malungkot rin siya na ngumiti.

"Akala ko nga nung una mahina ang diskarte ng apo ko, 'e. Puro pang iinis ang galaw. Huli na lang rin ng natanto kong ayaw lang niya na lalapitan ka ni Chinky. Alam niyang pag lumapit siya, nasa likod niya sa Chinky. Buti ngayon at nagkabayag na ang apo ko..."

Nanginig ang labi ko. Napa akap ako sa sarili nang umihip ang hangin. Buing araw na ata akong iyak ng iyak. Buti at marami pang luha ang lumalabas.

"Papsi..."

"Shh... Alam ko apo. Alam ko. At masaya ako..." ngumiti siya.

Hindi ko na napigilan nang gumagulgol na ako. Parang sumabog ang puso ko sa narinig kay Papsi. Parang gumaan ang mga sakit na dala-dala ko ng ilang buwan. Alam kong mahirap bago ko marinig ang mga binitawan niyang salita mula sa pamilyang ito. Pero sa oras na ito ay sapat na sa akin ang mga salita ni Papsi.

Hinarap na ako ni Papsi. Hinagilap niya ang mga kamay ko. Pinagsama niya iyon at ikinulong sa palad niya.

"Masaya ako, apo, para sa inyo. Masyado pang maaga para maging masaya dahil wala pa kayo sa simula ng laban ninyo pero masaya ako na pareho kayo ng nararamdaman. Huwag kang matakot sakin, Jessica..."

Tumango ako at humahagulgol na lamang. Wala na akong masabi. Kahit eto lang panghahawakan ko na hanggang sa dulo. Sapat na para lumaban pa.

"Atleast napag alaman ko na may bayag ang apo ko," humalakhak siya. Natawa rin tuloy ako. Meron, Papsi. Minsan nasosobrahan ng gamit sa kayabangan.

Inakap ako ni Papsi. Tinanggap ko iyon at umiyak na lang sa kanyang balikat. Iniyak ko ang lahat ng sakit, takot at pangamba na nararamdaman ko hanggang sa wala na. Panay lang ang hagod ni Papsi sa likod ko at nakikinig sa bawat hagulgol ko hanggang sa natahimik na ako. Nang natigil nang umiyak ay tumuwid na ako ng tayo.

"Nako ayusin mo na iyang sarili mo. Baka pa hindi na mapakali si Alexander pag nakitang umiiyak ka ngayon..."

Ngumiti ako at pinunasan ang mga luha. Inayos ko ang buhok ko na nagulo.

"Sino ba yung Vaughn na nabanggit kanina, apo. Manliligaw mo?"

Ngumiti ako at umiling.

"Kaibigan ko lang po iyon."

"Ah. Kaya naman pala mainit ang dugo ni Alexander at may matinding karibal..."

"Hindi naman po Papsi. Uh... wala pong karibal..."

Nagtaas ng kilay sa akin si Papsi. Ilang saglit ay humalakhak na at umiling iling. Nagpatuloy ako sa pag aayos ng sarili ko nang may lumabas mula sa front door. Si Margou iyon na sinuyod ang paligid at nang nakita kami ay kumaway.

"Christmas tree na daw!" ngiti niya.

Tumango ako. Ngumiti naman si Papsi.

"Susunod na kami apo ko..." tumango si Margou. Ngumiti siya sa akin bago tumalikod.

Binalik ni Papsi ang tingin sa akin.

"Ayos ka na apo ko?"

Tumango ako at ngumiti.

"Thank you, Papsi. Kahit na hindi mo naman ako kadugo pantay pa rin yung trato mo sa akin."

He made a funny disappointed look at my statement.

"Don't say that, hija. Isa pa, magiging official na apo rin kita..." ngumiti siya.

Kumunot ang noo ko at di nakuha ang sinabi niya. Hindi pa ba ako official nito? Kaaplido ko naman sila at legal akong anak ni monmy at daddy.

"Pag kinasal na kayo, apo ko. Kaso mukhang matagal pa at mabagal ang galawan ng apo ko. Hindi nagmana sa Papsi niya,"

Nag init ang mukha ko sa sagot niya. Namula siguro ang mukha ko kaya humagikhik si Papsi.

"O' siya. Baka hinahanap na tayo. Balika na sa loob apo ko."

Tumango na lamang ako. Inakbayan ako ni Papsi at sabay naming tinungo ang bahay. Ngayon may mas lakas na ako ng loob. Para akkng naenergize. Dapat lang. Ayoko ring marandaman ni Xander na mag isa siya sa laban namin.

Continue Reading

You'll Also Like

258K 13.1K 92
Being flat broke is hard. To overcome these hardships sometimes take extreme measures, such as choosing to become a manager for the worst team in Blu...
707 30 2
Kageyama nods and asks, "Will I die if I jump from here? Because it hurts when I tried to cut my hand." Oikawa didn't believe what he heard. He wasn'...
3K 23 1
Hongjoong Seonghwa Yunho Mingi Yeosang San Jongho and Wooyoung all are heirs to different pack what'll happen when they met each other? Find out in...
268K 40.4K 103
ပြန်သူမရှိတော့ဘူးဆိုလို့ ယူပြန်လိုက်ပြီ ဟီးဟီး ဖတ်ပေးကြပါဦး