18th Break
Die
DANA
"WHO'S that girl?" seryosong tanong ni George. He's obviously pertaining to Alesia, my bitch friend
Nakatanaw kami kina Sho na masayang kumakain sa ibabaw ng kama. Mukha silang pamilya tapos kapapanganak lang ni Alesia sa panganay nila.
"She's so pa-epal." Nicole gritted her teeth while watching the two.
Or three kasi kasama 'yong bata? I rolled my eyes. Ugh. Nevermind.
"You know her." Nathaniel answered and smiled widely. "She's Alesia Montes—"
"The one and only girl na nililigawan mo?!" eksaheradong wika ni Nicole.
This girl is annoying.
"Ah 'yong babaeng lagi mong bukang bibig." boring na saad ni Rowena na tumango-tango pa.
Oh? My bitch friend has a suitor? I scanned Alesia from her face to her body. Well, not bad. She's pretty but weird.
"Sho, nasaan ang carrier ni Shaun?"
Walang salitang kinuha ni Sho ang carrier at paharap na jsinuot iyon. Wala namang sinasabi si Alesia na siya ang magbubuhat kay Shaun ngunit parang alam niyang ganoon na ang mangyayari. Maingat na inilagay ni Alesia sa carrier si Shaun habang nakatitig lang naman si Sho sa kanya at pinapanood siyang gawing komportable ang bata sa puwesto nito.
Huh? Sho looks so whipped...
"Wait guys... you heard that?" Angelo whispered and signalled us to be quiet.
Nagsimula naman akong manginig sa takot. It's been weeks and I'm still not used to this life. Mich held my hand tightly that made me chuckle a bit. We're getting strength from each other even though we are both shivering from fear. Nakarinig kami ng mga kalabog sa ibaba. Hindi iyon gaanong malakas dahil nasa third floor kami ng bahay at masyadong mahina ang mga tunog na sa first floor naman nanggagaling.
"Hays." Alesia heaved a sigh. Nasa likod na ulit niya ang espada at ibinigay kay Sho ang baril. "Sharp shooter ka naman, 'di ba?"
Kinuha ni Sho ang baril samantalang sumilip naman si Alesia sa bintana. Pagbalik niya kay Sho ay nag-usap muna sila saglit bago kami bigyan ng pansin.
"Clent and Nate." tawag ni Alesia sa dalawa na agad na lumingon sa kanya. "Wala naman kayong takot sa heights diba? Pwede bang mauna kayong umakyat sa bubong? Tapos tulungan n'yo kaming umakyat."
The two nodded before heading to the window.
Please be safe, Clent...
"Dana, Angelo, umakyat na kayo." utos ni Sho na agad kong tinanguan.
"Mag-iingat kayo." Mich whispered as she let go of my hand.
I nodded and told her the same thing. Sumilip ako sa itaas at sa bandang gilid ng bintana. Mayroong maliit na hagdan ang nakadikit sa dingding.
"Alalayan mo 'ko, Angelo. Baka mahulog ako." Inilabas ko ang kalahati ng katawan at inabot ang hagdan. Umapak na ako sa bintana at hihilahin na sana ang sarili paitaas ngunit hindi ko magawa dahil sa panginginig ng mga binti. Kakailanganin ko ring maglagay ng lakas sa kamay dahil hindi abot ng mga paa ko ang hagdan.
"Give me your hand."
Clent...
I looked up and there... Nakita ko siyang iniaabot ang kamay niya na tinanggap ko naman. He effortlessly pulled me up. Nang abot na ng mga paa ko ang hagdan ay umakyat na ako habang nakaalalay pa rin si Clent. Kasunod ko naman si Angelo na hindi man lang nahirapan sa pag-akyat.
"Gumalaw ka naman." biro na Angelo at naupo sa tabi ko.
Hindi ko siya pinansin at pinanindigan ang hindi paggalaw. I'm afraid of heights, okay?
"Nasa second floor na 'yong mga zombies." Mich said as she sat beside me.
She was with Andrei when she got up here. Followed by Angel and Rowena then Samuel and Lester. We're hearing groans, gunshots and Alesia's pissed off voice inside the house.
As time goes by, we're getting more nervous and more anxious while waiting for the remaining members of our groups. Umakyat na sina Nicole at George dito na puro duguan ang suot.
"Eww. I just got palit lang ng clothes." reklamo ni Nicole na ikinairap ko.
"Kasunod na namin sila." wika naman ni George.
"Alesia! Just fucking grab my hand!"
Napasilip kaming lahat sa ibaba dahil sa sigaw na iyon ni Sho. Nasa hagdan na si Sho habang nasa bintan naman si Alesia na mukhang walang balak abutin ang kamay ng lalaki base na rin sa ayos niyang parang tatalon anumang oras.
"Sorry, Sho. Pero ikaw na muna ang bahala kay Shaun—"
"And what do you mean by that?!"
"Papatayin kita 'pag may nangyaring hindi maganda sa bata." And with that she jumped from the window and landed perfectly. "I love you!"
"Alesia! Damn it!" nanggigigil na wika ni Sho habang pinapanood si Alesia na nag-flying kiss pa bago tumakbo. Hinabol naman agad siya ng mga zombie.
What the heck?! These zombies... Kayang-kaya na nilang tumakbo na kasing bilis ng tao!
"Why did she run away?" tanong ni Nathaniel nang makaakyat si Sho.
"I don't know..." malamig na sagot ni Sho at niyakap na lamang si Shaun.
"Tss. That friend of yours is too pabibo! I'm not gonna isip pa if mamatay siya ng early. And kaya siguro those zombies is making habol-habol to her because siya ay wirdo! There's walang normal na human na kayang ma-dead those zombies sa isang glare lang!" Tumabi si Nicole kay Sho at lumingkis sa braso nito. "Huwag kang mag-worry, hubby. I, Nicole Dominguo, will protekta you and ang child na iyan, okay?"
This girl is pissing me off!
I was about to defend my bitch friend but Mich stopped me!
"Huwag mo ng patulan, Dans. Sigurado naman akong may kalalagyan kay Alesia ang isang iyan." Ngumiti si Mich kaya mas lalo kong naintindihan ang sinabi niya. I rolled my eyes and nodded in defeat.
"What are we gonna do next?" George asked. We're all sitting here and watching the sunset.
"We doesn't have enough ammos, even weapons. It'll be too dangerous for us to get down." Sho answered while feeding Shaun. "So, I suggest to stay here for a while."
Silence enveloped us for almost five minutes.
"Kumusta na kaya si Alesia?" Mich asked out of nowhere.
She really likes Alesia, huh?
"Why mo ba always hinahanap that girl? You didn't saw ba how many zombies ang humahabol to your friend? Baka dead na her."
"Stop that Nicole." saway ni George kay Nicole na inirapan lang siya.
I'm a bitch but I never used alien language 'cause I was born healthy.
"Wala man lang tayong kumot." reklamo ni Angelo. Gabi na pero nasa bubong pa rin kami at nakahiga na.
"Kuha tayo, p're. Pati na rin ng para sa bata." wika ni Andrei.
"Bring this gun. Don't ever leave or misplace it, kun'di lahat tayo ay mayayari." Sho warned them as he gave Alesia's gun to the two.
Mabilis naman silang bumaba at pagbalik nila ay may dala na silang unan, kumot, pagkain at inumin.
"May iilang zombie Pa pero hindi na kasing dami ng kanina." imporma ni Angelo habang kumakain kami
"Still, it's impossible for us to leave." Nahiga si Sho habang nasa dibdib niya ang baby na nasa carrier pa rin. "Magpahinga na lang muna tayo."
"Alam n'yo ba ang kakayahang iyon ni Alesia?" tanong ni Nathaniel.
"No. It's the first time we saw her using that ability. Kung hindi pa siguro tayo nagipit, hindi namin malalaman." sagot ni Andrei.
"Well, ano pa bang masasabi ko? She's full of secrets. Hindi buhay niya ang misteryoso kun'di siya mismo ang misteryo." Nathaniel smiled.
"Matagal na kayong magkakilala?" tanong ni Mich.
"Three years. Isang taon kaming naging magkaibigan at dalawang taon akong naging manliligaw niya. Kung hindi lang siya lumipat sa eskwelahan ninyo, baka nanliligaw pa rin ako sa kanya o baka kami na." Nathaniel chuckled. His eyes were sparkling while telling his stories with Alesia. "Pero hindi rin siguro. That guy is too possessive with her. He don't want guys courting her. Todo bakod siya pero nakalagpas ako. Alesia and I... we're dating behind his back. At kaya rin siya napalipat sa inyo ay dahil nahuli niya kami. Alesia is the kind of girl that every guys dreamt of. She may be moody and don't show her emotions that much but she knows how to appreciate things. Ang swerte ninyo at naging kaibigan n'yo siya. She's worth of dying for."
He whispered that last line but we heard it well. Nagkatinginan kami nina Sho. It means that she said the same line to him...
"You'll really die, Nathaniel."