SECOND VOICE

By HamieoSeio

794 20 1

DO NOT READ!!! MAJOR STORY REVISION! WILL SOON UPDATE PAG NAGKAKURYENTE NA. LOL Second voice. Minsan di narir... More

unVOICED

UNO

216 5 1
By HamieoSeio

"Achi, sa inyo na pala 'tong 'sang kyaw. Hati na lang kayo diyan. Pasensya na, gipit din ako ngayon eh." Sabi ko sa kanila sabay abot ng pera.

"Luka, i-noma na lang natin yan bukas. Celebrate natin first babaihan look mo bwahahaha." Si ate Mimi.

"Kaso sayang, binura agad ni bakla make up niya. Fafable na naman. Hahaha." Pang-aalaska naman ni Gigi.

Kakatapos lang kasi kanina ng Ms. Dalandian. Kung di lang ako napilit ng dalawang to, hindi naman talaga ako sasali.

'I-explore' ko din daw kahit pa minsan minsan pagkabakla ko. At by 'explore' they mean yung hitsura ko. Dapat daw maging babaihan ako.

Eh, hindi ko naman bet mag ganun. Minsan, siguro, pag inabot ng topak.

Anyway, bonus na lang na may pa travel yung pageant. Bukas pa nga lang makukuha. Buti na lang di ko nakuha yung title kundi dyowa talaga ako nito ni Mayor in an instant. At siyempre may iba pang kasabay na washing machine. Kaloka diba?

"Rain, ano na? Sakay na. Wag ka nang lumingon lingon diyan. Nakaalis na yun si Prince Charming. Tarayan mo ba naman." pangungulit ni Gigi. Talagang hinila pa ako para lang pumasok sa taxicle.

Hindi na lang ako umimik. Inalala ko na lang kung si Choy ba talaga Yung kanina.

Hayyy, tanga.

Sige na nga. Si Choy yun. Di ko naman mababago ang katotohanan na nagkita nga kami. Sarili ko lang gagaguhin ko.

Pero, ba't di niya man lang ako namukhaan? Binawasan lang naman kilay ko saka nagwig. No make up make up nga lang din sa akin pero bakit di niya ako namukhaan man lang?

"Baks, ano pala oras gig niyo tomorrow?" Biglang pagbasag na tanong ni ate Mimi na nakasakay sa likod ng driver

"8:00 PM naman kami lagi tuwing MWFSat."

"Oki. Dun na lang tayo. Balita ko maraming poging dumadayo sa bar niyo." Tugon ni ate Mimi.

"Asus. Kung ganun, ba't walang inuuwi tong si Rin?! Hahaha."

"Rain nga kasi."

"Rain kung rain. Arte. Hahaha."

"Kaso, di naman ako ang lead namin dun. Pianist talaga nila ako. Minsan na nga lang magsecond voice."

"Ano ka ba?! Basta iinom tayo nila ate Mimi! We'll have some fun!!!"

---

Ilang minuto din nakapasok na kami sa baranggay namin kaya nagpaalamanan na kami sa isa't isa.

Naunang bumaba si ate Mimi saka sumunod si Gigi.

Ako at si koyang driver na lang. Ilaw na lang ng tricy saka liwanag ng buwan ang kasama namin since may corrupt pa rin hanggang ngayon at ayaw man lang pailawan baranggay namin. Daig pa namin brownout sa Barrio Maulap ng Starla.

Anyway, pansin kong parang bumagal ng kaunti yung sinasakyan namin saka huminto.

"Pre, malayo ka pa ba? Pwede bang dito ka na lang sa likod ko sumakay? Medyo matatakutin kasi ako." Napatingin ako kay koyang driver. Salamat sa kaunting liwanag, napansin ko pa rin na kagat niya yung ibaba niyang labi.

Ewan ko sa inyo pero pag gwapo ang lalaki mas tumatalas talaga paningin ko. Hahaha.

Since marupok ako, kahit malapit lang din naman na ako bumaba umangkas pa rin ako sa likod niya.

Doon ko lang naamoy yung pabango niya. Pansin ko lang din na nakasando  lang siya kaya halata muscles slash biceps niya.

Juzko, ang swerte naman pala ni ate Mimi kanina.

"Pasensya ka na kung mabaho na ako, ha." Medyo napahiya naman ako doon kaya inilayo ko sarili ko sa kanya.

"Hindi naman. Mabango ka pa nga eh."

Wait. Tama bang sinabi ko yun?

"Inaamoy mo pala ako. Baka gusto mo kumapit sa akin. Bibilisan ko na lang. Malapit ka na ba?"

"Po?!" Wait. Medyo na-green ako dun ah. Kasalanan mo to alter account ko sa Twitter!

"Kung malapit na yung inuuwian mo kako."

"Ah. Sige lang po. Malapit na."

Nakarinig na lang ako ng ubo mula sa kanya.

Nang pumara na ako, bumaba ako siyempre saka inabot ang bayad.

Siguro kung maliwanag lang ngayon, mas may iga-gwapo pa to. Mukhang matangos ilong eh. Tapos yung braso niya talaga. Juzko.

"Kuya. Nagg-gym ka?"

"Ha?" Hakdog? Hakdog mo? Charot.

"Ah. Wala po. Sige. Ingat po. Hehe."

Bago umalis nag-unat pa siya saka kumindat sa akin. Ayun, humarurot na pa alis.

Shet.

Maghunos dili ka self.

Dumiretso na ako sa tinutuluyan kong apartment. Ang totoo nga niyan, sa kamag-anak to ni Serrano, nakikitira lang ako kasama sila. Mababait naman sina manay Julia na kasalukuyang buntis at ang asawa niya na si manoy Rico.

Aninag pa ang ilaw mula sa loob pero alam ko namang tulog na sila. Nakapagpaalam naman ako na gagabihin ako sa labas.

Kaya ganun na lang gulat ko nang maabutan kong nanood ng TV si manoy Rico habang suot lang ang maikling boxer shorts. Boxer briefs na nga ata since sobrang hapit.

Panong gulat? Ayun, napaatras ako ng kaunti saka nabitawan ang naiuwi kong korona.

"Oh tukso, layuan mo ako," bulong ko sa sarili ko. Pano ba naman kahit may konting niyan si manoy (dahil din siguro sa kakainom) malaki pa rin naman dibdib niya saka braso.

"Ano yun?"

Imbes na sumagot umiling na lang ako. Ewan. Wala akong maihugot na salita talaga pag kausap si manoy. Ni hindi nga ako makatitig sa mata niya. Sa totoo nga, feeling ko inner organs ko kausap niya. Parang awkward ba. Pero kung kasama si manay Julia, ayos lang.

Napansin kong kumunut noo niya. Parang obligado ako makipag-usap. Nakakahiya naman. Ako na nga pang nakikitira sa kanila.

"W-wala po. Bakit po pala gising pa kayo?"

"Pinalabas ako ng manay mo sa kwarto. Naiinitan daw siya pag katabi ako. Hindi ko naman pwedeng suwayin. Buntis eh. Hahaha."

Ang hot mo din naman kasi talaga manoy.

"Paano po kayo niyan ngayon?"

Baka gusto mong tabi na lang tayo manoy? Hehe. Juzmi.

"Babalik na lang ako sa kwarto mamaya. Pag tulog na manay mo. Wais to no. Hahaha." Ewan ko manoy Rico kung makatulog siya sa tawa niyo.

"Ah, sige po tuloy na ako sa kwarto." Pagpapaalam ko kay manoy Rico.

Ayun, parang bote ako na sa wakas nabuksan din. Nakakaubos ng lakas kausap si manoy. Hayyy

Paglapag ko ng mga gamit ko, naghubad na ako ng damit saka nagpatihaya sa kama.

Nakakapagod din talaga ng araw na to.

Chineck ko phone ko kung may mga namiss akong mga tawag saka texts.

Hindi naman ako nagkakamali. Isa, galing sa organizers pinapakuha na yung premyo ko bukas na bukas din dahil di na sila available sa mga susunod na araw.

Pangalawa galing sa isang member ng banda namin. May practice daw kami para sa mga kakantahin.

Pangatlo, nagtext pala si ate Mimi sa noma session namin bukas.

Napapikit na lang ako sa sobrang pagod. Dami din naman kasing naganap ngayong araw.

Ramdam kong hinihila na ako ng antok nang biglang bumukas ang pinto.

"Rain, naiwan mo pala to sa---"

Napatayo ako agad, "manoy!"





Continue Reading

You'll Also Like

701K 23.2K 80
an epistolary
13.7K 7 9
R18
524K 19.2K 28
Akaizha and Gwen | "we can never be friends"
853K 40.7K 60
Dominique Selenophile * Mikaela Rielle