#4 Arabella Guevara Series: S...

By bad_bloodSucker

506K 21.6K 3.4K

Arabella is the eldest among the four Guevara's Sibling. She has her perfect life and love of her life.... bu... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Announcement
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Super Busy
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Epilogue

Chapter 26

8.6K 394 58
By bad_bloodSucker

Sophia

"Phia, san kana? Andito na ako san ka?

"Eto na, kaka park ko pa lang, San ka ba?"

"Andito ako sa Gusion Boutique. Ang dami nilang new arrival best, ang gaganda pa."

"Oo na, going na ako."

"Sige-sige... See you late."

Agad kong binaba ang tawag ng kababata/classmate/my best friend. Ganon kame ka close ni Cleo, para ko na din siyang kapatid kung ituring dahil halos sabay kameng lumaki.

Niyaya niya kasi akong gumala at mag shopping. Actually isa kasi kame ni Cleo na addict pagdating sa salitang shopping.  Lalo na kapag may bagong dating na clothing section sa bawat boutique.

Pero sa totoo lang wala talaga akong gana gumala ngayon, wala ako sa mood ika nga. Ang gusto ko lang gawin ay puntahan si Arabella, pero sabi sakin ni Althea na nakalabas na sila nung isang araw pa.

Di man lang ako tinawagan ni Arabella at sabihing, oy bruha!! Nakalabas na pala ako. Salamat sa dalaw ha!! Ung ganon?

Pero ni Hi ni Ho wala man lang... Buti pa si Althea laging nangungumusta sa kalagayan ko, samantala ung kakambal niya napaka pa sa napaka!!!

Palinga-linga ako sa kabuuan ng mall at hinanap ang sinasabi ni Cleo na Gusion Boutique. Ngunit mag 15 minutes na ata ako sa kakaikot ikot sa mall na ito ay diko parin makita kita.

Kaya umupo na ako sa isang bench at kinuha ang cellphone ko para tawagan siya na sunduin na lang ako. Dahil hilong hilo na ako sa totoo lang.

"Cleo, pwede sunduin mo na lang ako dito sa harap ng bookstore? Diko kasi makita ung depatment na sinasabi mo, at saka nahihilo na ako sa kaka ikot."

"Andito lang best sa 4th floor, pero sige baba na ako, wait mo na lang ako jan."

"Oh sige best." Agad kong pinatay ang tawag at napatayo sa kina uupuan ko.

Pero sa di inaasahang pagkakataon ay nasagi ko ang braso ng isang babae na may hawak na fruit shake at nabuhos ito sa damit niya.

"What the!!! Bulag ka ba?!!" Inis na baling sakin ng babae na sa tingin ko ay mag ka edad lang kame.

"Sorry.. Diko sinasadya," sagot ko habang hinahanp ang panyo sa bag ko.

"Ang sabihin mo boba ka!!"

Pero sa halip na sagutin ko ito ay mas pinili kong punasan ang namanstahan niyang damit. Pero sinagi lang ito na parang ayaw niyang mag pahawak.

"Alam mo ba gano kamahal itong damit na minansahan mo?!! Kaya mo bang palitan to ha?!"

Napataas naman kilay ko sa sinabi nito. Well sa totoo lang napaka mahal naman talaga ng damit na nasira ko, at alam ko sa France lang ito mabibili, and I think more than 90k ang damit nayon o mataas pa.

Pero ang kinataas ng kilay ko nung sinabi niya na kaya ko bang bayaran ang letcheng damit niya?! Baka di niya alam na kayang kaya ko lang iyon at isa pa, isa akong Mondragon.... Kilala ang pamilya namin sa mundo ng fashion show, lahat ng damit na pinaparampa ni Mommy sa isang show, pwera yabang pero ito ay worth of BILLIONS!!

Pero sa halip sagutin ko siya ay mas pinili ko parin mag pa kumbaba dahil kahit ako diko alam anong behavior ang meron ako this past weeks. Dahil pansin ko na memenos ang kamalditahan ko.

"Like what I said earlier... I'm reall--"

Diko na natapos ang sasabihin ko ng bigla akong sinampal nito. Napahawak naman ako sa pisngi ko dahil sa sobrang lakas ng pag sampal nito.

"Ano lalaban ka? Bayaran mo tong damit kung ayaw mo di lang sampal ang aabutin mo sakin!"

Pansin ko na nakaka kuha na pala kame ng atensyon ng ibang tao dito sa mall nag bubulungan na ang mga ito habang ang iba ay enjoy na enjoy sa nangyayari habang kinukunan kame ng video.

Kaya para matapos na ito ay kumuha na ako ng pera sa bag, pero meron lang akong limang libo sa wallet ko, diko pa dala ATM ko dahil nasa isa kong wallet yun, tanging cheke lang at limang libo ang hawak ko ngayon.

"Wala akong dalang cash, kaya idadaan na lang kita sa cheke, don't worry.. Di to talbog,"

Pagpapaliwanag ko habang sinusulat ang amount sa cheke at pipirmahan sana pero agad niya itong sinagi para malaglag ito sa kamay ko.

Inis na binalingan ko ito dahil sumo sobra na talaga ang babaeng ito. Bakit kasi di umaandar ang kamalditahan ko??!!! Ang tamad tamad kong patulan siya. This is not me!!

"Di ako tumatanggap ng cheke mo!! Malay ko talbog yan! I need cash!"

Huminga na lang ako ng malalim at palinga linga sa paligid. Bakit kasi wala pa si Cleo, sakanya na lang kasi ako hihiram.

"Look, Ms. Di talbog ya--" for the second time she hit me.

"Stupida!! Di ka ba nakaka itindi?? Sabi ko I need Cash!"

"Eh sa wala nga akong dalang cas--" napapikit naman ako ng mata ng makita kong muling pag angat ng kamay nito para sasampalin sana ako for the third time,

Ngunit ilang segundo na ang nag daan ay walang kamay dumapo sakin kaya minulat ko na ang mata ko para tingnan ito.

Laking gulat ko ng may pumigil pala dito at bahagyang tinulak ang babae para mapa upo ito sa sahig ng mall.
May anong kinuha ito sa bag niya at binato sa pag mumukha nung babaeng kaaway ko.

"Get.Out.Of.My.Sight." puno ng diin utos nito sa babae.

Tila natakot naman ito at kinuha ang mga perang binato sakanya. Pero bago pa ito umalis ay sinamaan pa ako ng tingin nito bago umalis sa harapan namin.

"At kayo!!! Ano pa tinitingnan tingnan niyo? Go back to your businesses!" Sita nito sa mga taong nag sisi ayuso.

Agad naman itong nag si alisan at naiwan kameng dalawa. Bumaling ito sakin at parang nakakatunaw ang pagtitig nito.

"At ikaw! Bakit mo hinahayaang ganyan-ganyanin ng babaeng yun?!!"

"Ayaw ko lang ng away."

"Inaapi ka na nga eh."

"Pwede ba Ara, wag mo na akong pagalitan, Ang sakit ng pisngi ko." Reklamo ko habang sapo-sapo ang namumulang pisngi.

"Tsk." Napalantik naman ito ng dila at tinalikuran ako.

Tingnan mo talaga ang ugali ng babaeng ito winok-out ako. Haiisshh...

Tumayo na ako at ako na lang hahanap sa kaibigan ko na hanggang ngayon di pa dumadating.

Aalis sana ako ng bigla ding pagdating ni Cleo.

"O my God???!! Anong nangyari sa pisngi mo?"

"San ka ba nag susuot babae ka? Kanina pa ako nag hihintay dito, naka tagpo tuloy ako ng kaaway."

"Sino?! Siya ba ang may gawa niyan?! Ituro mo sakin reresbakan natin."

"Wag na, umalis na. Kaya halika na.. Para maka uwi na ak--"napatigil ako ng may naramdaman akong malamig na bagay sa pisngi ko.

Nagtatakang napa angat ako ng tingin sa babaeng nasa harap ko na may hawak ng isang panyo na puno ng yelo habang naka lapad sa namumula kong pisngi.

It means..... She didn't leave me alone, nag hanap lang pala siya ng yelo sa paligid para sa namumula kong pisngi.

Diko tuloy mapigilan mapangiti dahil sa simpleng effort na pinapakita niya.

Agad naman nawala ang ngiti ko sa labi ng bigla siyang pukpukin ni Cleo sa ulo gamit ang hand bag niya.

"Aray!!" Napalingon naman si Arabella sa likuran niya at sinamaan ng tingin si Cleo.

"Hayop ka!! How dare you to hit my best friend?"

"Best nag kakama--"

"Ngayon may padala dala ka pang yelo para bumaba ang pamamaga? Huh!! Humanda ka!! Isusumbong kita kay Tito Lolo. Tingnan natin kung di ka magdadala!!" And she hit another on Arabella's head.

Kaya napa pikit na ito at huminga ng malalim na mukhang nag pipigil ng galit.

"Best stop!!" Pagpiligil ko dito.

"Ano-ano?!! Lalaban ka?" Nag pose pa ito ng suntukan akala mo naman ay papatulan siya ni Arabella.

"Hanggang ngayon di ka parin nag babago Clang,"

Napatigil naman si Cleo sa pag poporma niyang suntukin si Arabella ng marinig niya ang tawag sakanya ni Arabella.

"W-what did you call me?"

Ang kaninang inis ni Arabella ay napalitan ng malutong na halakhak. Pati ako ay napanganga sa pagtawa niya, dahil sa muli kong pag saksi ng totoong tawa ni Arabella.

Last ko kasi siyang nakitang tumawa ng ganyan ay nong bata pa kame, well ako lang pala.

I think 7 years old ako non habang si Arabella ay 15 years old. Napakalaking nag bago sakanya nung si Mommy na ang humawak sakanya, dahil ini endorso niya ang product naming mga Mondragon.

"Bekak?! Ikaw ba yan?!" Paninigurado ni Cleo.

Umasim naman ang mukha ng isa at inakbayan na lang si Cleo habang ginugulo ang buhok nito.

"Wag mo nga akong tawagin sa pangalang yan, ang bantot eh."

"O my God!! Ikaw nga!! Arabella!! Ang asawa ko." Gumanti na ito sa pag yakap kat Arabella.

Napasimangot naman ako sa sinabi ng babaitang ito.

Well sa mga nagtataka bakit siya tinatawag ni Cleo ng Asawa ko. Because when we we're kids... Nag lalaro kasi kame noon ni Cleo ng bahay bahayan... Niyaya namin si Arabella na maki pag laro samin, minsan di siya pumapayag maki sali samin dahil matanda na daw siya para sa ganong bagay.

Kaya sa twing di siya pumapayag sinusumbong ko siya kay Mommy Eliz at kunwari nangingiyak. Galing ko mag drama diba?

Well ginamit ko lang ang kahinaan niya, alam ko naman na may gusto siya sa Mommy ko, kaya kapag nakiki usap si Mommy na maki sali na siya. Kaya no choice siyang sumali samin noon ni Cleo. Natatakot ma minus points siya kay Mommy. Psshhh....

Back to the topic, Syempre kapag may ganung laro ay di nawawala ang kasal-kasalan.

At lagi kameng nag tatalo ni Cleo noon sino ang magiging Nanay samin dalawa. Kasi guaranteed ng si Arabella ang Tatay.

Dinadaanan namin sa bato bato pick at lagi akong talo doon. At si Cleo laging ikinakasal kay Arabella, at ako ang mahuhulog na anak nila.

Bad trip diba? Sana ngayon ay magiging asawa ko na talaga si Arabella. Sana magkatotoo na ang kasal na pinapangarap ko noon pa.

Dahil lagi kong itinatatak sa ulo ko na kapag mag papakasal ako sa isang lalake ay ung maginoo at ni rerespeto ako. Pero pagdating naman sa babae, si Arabella lang ang pinapangarap ko. Wala ng iba, sakanya ko lang kasi nakikota ang future ko, kahit na napa ka imposible.

"Yes, ako nga asawa ko." Natatawa pa nitong sagot.

Psshhh nakakarindi pakinggan ang tawagan nila.

"My God!! Mas lalo kang gumanda, anong sikreto mo asawa ko."

"Wala naman, beauty rest.. I think? Ikaw din walang pinag bago." Tumingin pa ito from head to foot kay Cleo. "Pandak ka parin."

Napasimangot naman itong ngumuso kay Arabella.

"Ang bully mo parin sakin, siya nga pala anong ginagawa mo dito? Magkasama ba kayo ni Sophia?"

Tumingin naman sakin si Arabella bago sumagot.

"Actually no, hinanap ko lang tlaga siya." Sagot nito

"Bakit mo naman ako hinahanap?" Takang tanong ko.

"Galing ako sa bahay mo, pero walang tao. Pumunta naman ako sa Mansion pero wala ka din, sabi nung kasambahay niyo umalis ka dw at may pinuntahan."

"Bakit? May kaylangan ka ba?"

Napamulsa pa ito at naging malikot ang mga mata, na parang di niya akong kayang tingnan.

"Yayain sana kita--- yayain sana kitang ......" Pambibitin nito.

Para siyang batang nahihiya eh.

"Kitang??" Sabay pa naming tanong ni Cleo.

"Ku--kumain sa lab-labas." Nauutal pa nitong sagot.

"Huh?" Pabalik kong tanong.

Nabingi na ata ako kanina sa sampal ng babae.

Napa irap naman si Arabella at hinablot ang kamay ko.

"Kakain lang tayo sa labas yun lang."

"Sandali," pag pipigil ko dito ng mapansin kong pag tawag ni Cleo samin.

"Nang iiwan best??!"

"Wag ka ng sumama." Pag pipigil ni Arabella dito habang binibirong tinutulak niya ang mukha ni Cleo.

"Sasama ako, takwil mo talaga sa asawa mo, harap harapan beh?"

"Nag mumukha ka lang yaya namin eh."

"Araayyy huh, sa gandang kong to?"

Diko tuloy mapigilan mapatawa sa biruan nilang dalawa.

"Buti pa sumama ka na lang muna samin sa Boutique, may bibilhin din kasi ako, bago tayong kumain sa labas."

Napakamot na lang ng ulo si Arabella at alanganing tumango. Alam kong wala siyang hilig sa ganitong bagay.

Kahit mukhang maarte at sopistikadang babae ito ay maarte dn ito pagdating sa window shopping. Wala kasing pasensiya.... At isa pa lahat ng mga damit ni Arabella ay kilala lahat ng tatak na suot niya.

Ganun siya ka sophisticated na babae.

Mag iisang oras na kameng namimili ni Cleo ay wala parin akong mapili. At ito na ata ang ika apat na department na pinasukan namin tatlo. Si arabella naman ay tumingin tingin lang din sa mga damit na naka display, Pero bakas ang pag kainip.

"Best... Mag lilimang shopping bag na ang dala ko, pero ikaw wala ka parin napipili?"

"Wala akong natipuhan eh."

"Ito, try mo to... Di ba mahilig ka sa mga mini short with skinny sleeveless ang ganda kaya...try mo na dali, siguradong lalaway sayo yung crush mo." Nguso nito kay Arabella at tinulak ako bahagya papasok sa dressing room.

Napangiti at napa iling na lang ako sa kalokohan ng kaibigan kong ito. Alam kasi niya na I have a huge crush on Arabella mula noon Until now,

Kaya no choice akong sinuot ang bigay niya dahil feel ko din mag paka sexy sa harap ni Arabella.

Nang matapos akong mag bihis ay lumabas na ako habang pilit sinesera ang botones ng short shorts ko.

Mukhang tumaba ata ako?

"Wow!! Girl, ang sexy mo jan!! Bagay na bagay sayo with your white sneakers."

Napangiti naman akong sa compliment ni Cleo.

"Mukhang tumaba ka ata?" Habang sinisita din nito ang botones na di ko masera.

"Feeling ko tumaba nga ako eh."sagot ko habang palinga linga sa paligid.

Habang ang isa ay diko makita, kaya hinanap ko ito.

Napansin ata ni Cleo kaya lumapit ito sakin at tinuro kung nasan si Arabella na palakad na patungo samin.

Tumitingin tingin pa ito sa paligid hanggang sa napahinto ng makita niya ako sa harapan niya.

"Wow"

Dinig kong sabi nito. Kahit mahina ay dinig na dinig ko ang pag puri nito sakin.

Ramdam ko ang pagsiko ni Cleo sakin na parang nag sasabing sabi ko sayo eh

Mukhang napansin niya ito kaya tumikhin si Arabella at may kung anong inabot sakin.

Nag tatakang inabot ko ito at tiningnan ang binigay niya, Isa pala itong green floral dress,

"Gusto kong makita na Suot mo yan bukas ng gabi,"

"H-huh ano meron?"

"Bukas, pumunta ka sa bahay..... May pag uusapan tayo at Naka pag pasya na ako Sophia."
_________________________________

Tulalang napatingin ako sa kawalan habang umoorder si Arabella ng makakain.

Di parin ako maka get over sa sinabi nito kanina, totoo na ba ang pasya niya? O napilitan lang siya dahil sa gusto ni Lolo?

Napatingin naman ako sa harapan ko ng pansin ko ang pag titig sakin ni Cleo. Napataas naman kilay ko dahil tagos hanggang buto kung maka titig ang babaeng ito.

"Bat ganyan ka makatingin?" Takang tanong ko.

"Best, pwede ba kitang maka usap?"

"Tungkol saan?"

Pero sa halip na sagutin ako ay hinila ako nito patayo. Napalingon naman si Arabella samin na parang nagulat sa biglang paghila ni Cleo sa akin.

"Babanyo lang kame my loves."

Umirap lang sakanya si Arabella at muling tumingin sa Menu.

"Bilisan niyo, kung ayaw niyo iwan ko kayong dalawa dito."

"Opo my loves babalik kame agad promise." Tinaas pa kamay nito at hinila akong muli.

Ipinasok ako ni Cleo sa isang cubicle at umupo ito sa bowl.

"Ano ba ang ginagawa mo?!"

"Sandali best." Pag pipigil nito sakin at hinila ako pabalik.

"Bakit ba--"

"Sabihin mo nga saken Sophia, at gusto ko ung totoo." Tinaas pa nito ang hintuturo na parang nag babanta.

"A-ano naman?"

"Buntis ka ba?"

Daig ko pa ang nabuhusan ng isang balde ng yelo sa sinabi ni Cleo.

"A-ano? Hinde ano, imposible."

"Hinde imposible Sophia, kasi kanina ko pa napapansin yan tiyan mo. Your a Self conscious woman Sophia, alam kong wala ni kahit anong bilbil makikita jan. Pero ngayon  Parang-- parang my baby bump? Parang may laman ang tiyan mo."

And with that I immediately pick up my phone.

I need to talk to Althea......
___________________________________
To be continued.....

Continue Reading

You'll Also Like

11.4K 785 34
An adorable yet hopeless romantic love story of a rich cold-hearted Young Lady, Brynne Viridescence Lancaster, and a simple yet kind-hearted Butler...
603K 32.2K 20
𝐒𝐡𝐢𝐯𝐚𝐧𝐲𝐚 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 𝐱 𝐑𝐮𝐝𝐫𝐚𝐤𝐬𝐡 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 ~By 𝐊𝐚𝐣𝐮ꨄ︎...
2.2M 129K 44
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...
12.8K 958 10
Can she block out the 𝐧𝐨𝐢𝐬𝐞 and understand that sometimes real love isn't communicated through words.. but sometimes touch.