15th Break
New Members
ALESIA
TWO weeks. Two weeks has passed when the zombreak started and fortunately, we're still alive and kicking.
Napangiwi ako habang tinititigan ko ang may kalayuang street pole. Awtomatikong nag-zoom in ito sa paningin ko at nakita ko kung nasa anong street kami.
"Nasa Seven Andiola tayo." wika ko at iniba na ang tingin.
Mula ng magising ako ay unti-unti ng lumabas ang mga kakayahan na pilit kong itinatago. Ako pa lang ang nakakaalam nito. Kahit naman kasi handa silang mamatay para sa akin, hindi pa rin ganoon ka-buo at katatag ang tiwala ko sa kanila. Magmula rin ng magising ako at lumabas sa ospital ay nagbalik na rin ang lahat sa normal. If you're thinking about our normal lives then you're wrong. The zombies are back to the town and roaming everywhere where they can hear some noise. And that's the new normal for me.
Wala na rin kaming nakakasalamuhang upgraded zombies at pawang mga zombie na may sense of hearing lang ang pakalat-kalat.
Para kaming bumalik sa Day One. Iyon nga lang ay mas mahaba-habang Day One dahil walang mga upgraded zombies sa paligid.
At iyon ang isa sa mga bagay na ikinapagtataka ko. If the upgraded zombies aren't lurking here, then where are they? I mentally slapped my face. I already know the answer, damn it.
"Parang bumalik talaga tayo sa Day One, 'no? 'Yong mga panahon na hindi natin inaakalang magkakatotoo ang zombie outbreak." wika ni Angelo na para bang sobrang tagal na ng pangyayari para i-reminisce niya ng ganito.
I can sense that they're all happy because there's no upgraded zombies everywhere. Madali na para sa kanila ang kaharapin ang low level zombies na mga 'to.
Pero ako? Hindi ko magawang magsaya. I have this feeling that what'll happen in the next few days is much worse than what we've experienced already.
Hindi pa nga ganoon kahirap ang naranasan ko. Tumingala ako at pinrotektahan ang mga mata para makita ang araw. I'm ready to face you, bitches. Give me what you've got.
I smirked secretly when my head throbbed a bit. Try harder, guys, try harder.
"What are we gonna do now?" tanong ni Dana.
"Let's search for survivors." wika ni Sho. "By partners. Clent and Dana, Andrei and Mich while Angelo will come with us. Bring your weapons with you and let's meet here after 2 hours. May walki-talkie naman para makapag-usap tayo. Don't hesitate to call if something happens. Be careful."
Tumango sila at umalis na. Napabuntong-hininga ako at malungkot na ngumiti kay Shaun.
"Sana ay okay lang ang daddy mo, baby." I whispered. Because I don't know what I will do if something bad happened to him.
Tahimik lang ako habang nakasunod kay Sho. Pinapayungan ako ni Angelo para hindi mainitan ang baby na natutulog. Sa likod ko ay nakasabit ang espadang ginawan ko pa talaga ng lalagyan samantalang ang baril ay nasa holster ko pa rin. Just like in movies, parang naging abandunadong lugar na ang village na 'to. Sobrang tahimik at tanging hangin lamang ang maririnig dito. Bloods scattered everywhere together with some body parts or corpses na mismo.
We continued walking 'till I felt the familiarity to the place. My heart beats faster because of too much nervousness. My forehead and hands are being sweaty too.
"Okay ka lang ba, Alesia? Nanginginig ka eh." wika ni Angelo na ikinalingon ni Sho sa amin.
"Okay lang ako." Tipid akong ngumiti at nag-iwas ng tingin. "Bilisan na lang natin."
Kung kanina ay wala akong pakialam sa paligid ko, ngayon naman ay kinikilatis ko ang bawat nadadaanan namin. Gusto ko ng tumakbo para makarating ako agad sa bahay na 'yon pero pinipigilan ko dahil baka magising at maalog ng todo ang bata. Wala na akong pakialam kung nalagpasan ko na si Sho, kailangan ko lang makarating agad doon. Gusto ko lang na marating agad ang bahay na 'yon!
I stiffined when I saw some bloods and scratches on the front gate. I came in without hesitations. My eyes were getting blurried as I roam the first floor of this huge mansion. Alam kong nakasunod sila Sho sa akin. Wala akong pakialam sa magulong mga kagamitan, ang gusto ko lang ay makita siya! Lahat ng pinto ay binubuksan ko, lahat ng kwarto pinapasok ko. Umiiyak na si Shaun pero sa mga pagkakataong iyon ay nawalan ako ng pakialam sa kanya.
"Ano bang nangyayari sa'yo?!" sigaw ni Sho ng mahuli niya ako sa braso na ikinasama ng tingin ko sa kanya.
"I have to find him, Sho. Nandito lang siya." Sinubukan kong kumalas sa pagkakahawak niya pero mas humigpit lang iyon. Sinamaan ko lalo siya ng tingin. "Bitawan mo 'ko."
"No. You're not in your right mind, Alesia. Ikatlong beses mo ng hahalughugin ang mansyon na 'to kapag pinakawalan kita pero Hindi mo pa rin makikita ang hinahanap mo. Shaun is already crying and you didn't even try to calm him down. You're also creating noises that can make the nearby zombies come here. Sino ba ang hinahanap mo at pati bata ay napapabayaan mo na?"
I stared at him for seconds. Ang kaninang inis ko sa kanya ay bigla na lamang naglaho. Inirapan ko siya at bumuntong-hininga bago tumalikod.
"Fine. Let's just get out of here."
Naglalakad na kami pabalik pero wala pa rin kaming imikan ni Sho. I'm aware of my shares of fault a while ago because I let my guards down not thinking that I have Shaun with me. Mabuti na lang at walang zombie sa loob ng mansyon kundi'y baka napahamak na ang bata dahil sa katangahan ko.
"Stop biting your lip." sermon ni Sho na ikinapula ng mukha ko.
Luh?! Naiinis dapat ako, 'di ba? Napanguso ako.
I can still remember my first kiss that I gave to him. Hindi naman ako nahalikan ng doktor dahil sa gilid lang iyon ng labi ko. Umiwas ako ng tingin pero hindi nakaligtas sa akin ang pagtaas ng sulok ng labi niya.
Is he making fun of me? Or he remembers that day, too? I pinched my skin. O baka first kiss din niya 'yon?
I shrugged my head to erase my thoughts. I cleared my throat and continued walking. Nakarating kami kung nasaan ang van at nandoon na rin silang lahat.
At may dumagdag pa. Apat na lalaki at tatlong babae ang bago sa aking paningin. I saw how the black haired girl rolled her eyes at me. Warning! Warning! Dana version 2.0! I laughed with my own mind joke. Napatingin naman silang lahat sa akin. Napatigil ako at tinaasan sila ng kilay. "Anong problema n'yo?"
Nag-iwas sila ng tingin na ikinairap ko lang.
"Who found you?" tanong ni Sho sa mga bagong mukha.
"Kami." sagot nina Dana at Clent na pareho pang nakataas ang kanang kamay.
"Wala na kayong ibang nakita?" tanong ko na may bakas pa ng pag-asa. Malay ko ba kung pagala-gala lang ang isang 'yon, 'di ba?
Umiling lang silang lahat kaya nakaramdam ako ng panlulumo na Hindi ko ipinahalata sa kanila.
"Ahm... Mga pagkain at armas ang nakita namin." wika ni Mich na ikinatingin ko sa kanya. "Nasa loob na ng sasakyan."
"Can we make pasok to the van na? It's so hot here na kasi." reklamo ng babaeng umirap sa akin kanina.
Damn, she's a talking frog!
Binuksan na ni Sho ang sasakyan at ang bruhang palaka ay inunahan ako sa passenger seat! Nagsalubong ang kilay ko. Hindi ko nagustuhan ang ginawa niyang pagtabig sa akin lalo na at may buhat-buhat akong bata.
"Ahm... Nicole, diyan kasi nakaupo si Alesia." saad ni Mich na inikutan lang ng mga mata ng babaeng 'to.
"So? I'm nakaupo na here at she can make upo there naman." She rolled her eyes again. "Duh. It's just a seat lang naman."
I looked at Sho's direction and raised my right brow at him. "Hindi mo ba papaalisin ang babaeng 'to, baby boy? Hahayaan mo kami ng anak mong makipagsiksiksan sa loob?"
Biglang tumahimik ang lahat at nakatingin lang sa amin ni Sho. I want to take back what I've just been said but for Shaun's safety, I won't. I saw on my peripheral vision that Clent, Andrei and Angelo are preventing theirselves to laugh out loud while Dana and Mich are both smiling widely.
Oh news flash, Dana and I are frienemies now. Hindi pa rin naman nawawala ang pagka-bitchy at maarte niya, but I can handle her.
"Go sit here, Nicole." maawtoridad na sabi ng isang lalaki na kasama nila. Ngumuso ang babae at bumaba na sa passenger seat.
"Pakialam ko sa anak n'yo. Boyfriend nga naaagaw, asawa pa kaya?" bulong niya nang lampasan niya ako at banggain ang balikat ko.
Tss. Kahit isaksak mo pa sa baga mo ang pulang iyan.