Precognition (Published by Pa...

By abdiel_25

53.8K 4K 941

Sixth Sense Series #1 | Perhaps the end comes in various forms yet all fatal. *** A novel. "Take a peek at th... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1 : The Lesson
Chapter 2 : Endless Tunnel
Chapter 3 : Sophia the Artificial Intelligence
Chapter 4 : Integrated A.I.
Chapter 5 : She Who Can See the Seer
Chapter 6 : Asteroid with Tremendous Size
Chapter 7 : Depression versus Zombie
Chapter 8 : Another Vision
Chapter 9 : Too Much Bravery Will Kill You
Chapter 10 : What's with the Wall?
Chapter 11 : Old Lady Knows Something
Chapter 12 : Infected
Chapter 13 : Initial Cure
Chapter 14 : End of Humanity
Chapter 15 : Escape
Chapter 16 : Music Room
Chapter 17 : Carson
Chapter 18 : Painting
Chapter 19 : Miniso
Chapter 20 : Under the Sea
Chapter 21 : All-out War
Chapter 22 : Weird
Chapter 23 : Can't Read
Chapter 25 : Underground
Chapter 26 : Attached
Chapter 27 : Frat War Incident
Chapter 28 : Glitch
Chapter 29 : Hideout
Chapter 30 : President's Son
Chapter 31 : Cannibal
Chapter 32 : Signing Off
Chapter 33 : Big One
Chapter 34 : Fa Mulan and Li Shang
Chapter 35 : Mr. Do
Chapter 36 : Hologram
Chapter 37 : John 3:16
Chapter 38 : Mirror in the Library
Chapter 39 : Goodbye
Epilogue
Question and Answers
Author's Note
To be Published

Chapter 24 : Safe Zone

684 76 30
By abdiel_25

CHAPTER 24

NIANA'S POV






KUNG KANINA yumayanig lang ang lupa dahil sa mga pagsabog, ngayon nahahati na rin ito.

Wala ng daanan na makikita. Bakas na rin sa bawat mukha ng bawat tao na nakikita ko ang kawalan ng pag-asa. Tila tinanggap na nila na ito na ang wakas nila at hinihintay na lang nila na sumunod sila sa mga mahal nila sa buhay na kinuha na ng digmaan. Ang ilan sinusubukan pa ring lumayo sa sentro ng bakbakan kahit walang kasiguraduhan na may ligtas pa silang lugar na masisilungan.

Kung sakali mang maabutan ko ang taong 'to, kahit ako hindi ko alam kung saan ako tatakbo o kung saan ako pupunta kung lahat ng pwedeng puntahan ay sinira na ng labanan.

Hindi ko alam kung bakit nandito pa rin ako kahit nalaman ko na ang ugat ng hidwaan na 'to.

Hindi pa ba sapat ang mga nakikita ko?

Tons of dead bodies, thousands of lives taken.

There's almost no one left to grieve.

Maya't-maya ang putukan. Parang naging manirism na ng mga may hawak ng baril na magpaputok. Walang nakakaisip sa mga sibilyan na nasa paligid. Kapag hindi ka natamaan ng bala, swerte ka, kapag natamaan ka, katapusan mo na. Walang may pakialam.

An hour after the president addressed the nation, the Philippines declared an all-out war against China. The battle that became more aggressive, cruel, and inhumane.

Paano babangon ang mga taong nasalanta nito kung ang sarili mismong gumawa sa kanila nito, ay ang bansang tinatapakan nila?

Napahinto ako sa pagiisip nang may isang maliit na braso na humatak sa laylayan ng damit ko. Pagmamay-ari ito ng isang bata na madungis at dilat na dilat ang mga mata niyang namamaga habang nakatingin sa akin. Halatang kakatapos lang niyang umiyak. Tingin ko ay anim na taong gulang siya.

"Ate, hindi ka pa po ba tatakbo?" tanong niya sa akin.

Sabay kaming nagulat nang may malakas na pagsabog na naganap. Malayo ito sa amin pero malakas pa rin ang ingay na nilikha nito kaya napatakip sa magkabilang tainga ang bata.

Umiling ako sa tanong niya.

"Hindi ka po ba natatakot?" muli niyang tanong.

"Natatakot," maikli kong tugon. Yumuko ako nang kaunti para kahit papaano hindi mangalay ang nakatingala niyang leeg.

"Eh bakit po hindi ka tumatakbo?" tanong ulit niya. Napatalon naman siya nang may isang pagsabog kaming narinig 'di kalayuan sa kinatatayuan namin.

Ngumiti lang ako sa tanong niya. "Bakit ikaw? Hindi ka ba natatakot?" Ibinalik ko sa kaniya ang tanong. Binuhat ko na rin siya at lumingon sa paligid para hanapin ang mga magulang niya.

"Natatakot po," saad niya bago tumulo ang luha sa mga mata niya.

Mas lalo lang lumambot ang puso ko. Gustong-gusto ko noon pa man ng kapatid na babae, kaya nga naging close friend kami ni Midori. Kaya naman kapag nakakakita ako ng batang babae, nagiging magaan agad ang loob ko sa kaniya, gaya nitong bata na ito.

"Eh bakit hindi ka tumatakbo? Nasaan ba ang mga magulang mo?" tanong ko habang pinupunasan ko ang maliliit na butil ng luha niya.

"Wala naman na pong saysay kung tatakbo pa ako. Ako na lang ang natitira sa pamilya namin. Ang tatay ko, binaril ng mga sundalo. Ang nanay ko naman, nadaganan ng mga malalaking bato mula sa mga gusali na pinasabog. Ang ate at kuya ko naman, namatay na sa gutom. Ako na lang ang natitira, ako na lang . . ." Tuloy-tuloy na umagos ang luha sa mga mata niya.

Hindi ko na kinaya at tuluyan na ring bumagsak ang mga luha sa mga mata ko. Napayakap ako sa bata at gano'n din ang ginawa niya.

Yumanig na naman ang lupa dahil sa malakas na pagsabog. Malapit lamang ito sa aminn kaya naman tumakbo na ako habang buhat-buhat ang bata.

"Ate, akala ko po ba hindi ka tatakbo?" tanong niya sa akin habang nakatingin sa likod. Her chin rests on my shoulder as I try to keep both of us safe.

"Hindi ako tatakbo dahil wala naman akong dapat takbuhan. Pero may bagay na dapat akong itakbo at iyon ay ikaw," bulong ko sa kaniya.

Patalon-talon ako habang tumatakbo dahil sa mga tipak ng bato na nagkalat sa daan at mga sira-sirang structure ng kalsada. Sumunod ako sa maraming tao. Sumunod ako sa kung saan sila pupunta kahit hindi ko alam kung saan.

Kung ito na ang ending ng vision na ito, at least maisalba ko man lang ang batang ito. Sobrang bata pa niya para maisip na wala ng saysay pang mabuhay. Ni hindi pa nga niya nakikita ang ibang parte ng mundo. Marami pa siyang kailangang maranasan at malaman kahit pa ngayong mag-isa na lang siya.

Naiiyak ako sa tuwing makakita ng mga batang maagang namamatay. Pero mas 'di kakayanin ng puso ko kapag nakakita ako ng namatay na bata sa harapan ko mismo.

Natapilok ako sa daan nang may bakal akong hindi napansin. Nalalaglag tuloy kaming dalawa no'ng bata sa sahig.

Agad akong tumayo. "Sorry," saad ko bago mabilis na chineck kung may galos ba siyang natamo.

"Okay lang, ate. Ang mahalaga, tumayo pa rin po tayo. Tara na, ate! Baka abutan pa tayo ng mga sundalo!" sabi niya.

Muli ko siyang binuhat at tumakbo. Mas naging maingat naman ako sa bawat hakbang ko. Kakatapos lang din ng ulan kaya naman med'yo madulas.

"Saan ba papunta ang mga taong ito?" bulong ko sa sarili ko.

"Papunta sila sa safe zone ate," sagot naman nung bata. Mukhang narinig niya ang sinabi ko.

Kung ganon, sa safe zone.

Do'n ko siya ihahatid.

Tinawag naman sigurong safe zone 'yon dahil safe ang mga tao doon hindi ba?

Mukhang may awa pa rin ang gobyerno kahit papaano sa mga taong naiipit sa giyera na ito kaya sila gumawa ng safe zone. Dapat lang dahil sila ang pinili ng mga mamamayan. Hindi dapat sila makalimot na ang kinuha nila ay responsibilidad at hindi karangalan.

Malayo pa mula sa amin, natanaw ko ang nagtataasang mga barbed wire na parang naging pader. Sobang haba nito at hindi ko matanaw ang magkabilang dulo. Mukhang ito na ang safe zone dahil nakita ko ang mga tao na mas binilisan ang pagtakbo. Malayo na rin ito sa mga pagsabog at pagpapalitan ng mga putok ng baril—malayo sa sentro ng bakbakan.

"Ate, ano po pala ang pangalan mo?" inosenteng tanong ng bata habang patuloy pa rin ako sa pagtakbo habang buhat-buhat siya.

"Niana. Ikaw naman si?"

"Ako si Jilliane. Pero tinatawag ako nila mama na Jiji," sabi niya.

Mas lalo lang naawa ang buong sistema ko sa kaniya.

Sana hindi na lang ako mawala sa vision na ito. Kung dati gusto ko na bumalik sa totoong timeline ko, ngayon parang ayaw ko na. Paano na si Jiji kung aalis ako dito? Sino ang mag-aalaga sa kaniya? Paniguradong iiyak lang lalo siya kapag umalis na ako sa tabi niya.

Iniisip ko pa lang, naiiyak na ako.

"Ate Niana, paglaki ko, gusto ko po maging nurse," biglang sabi niya.

"Bakit naman?" hinihingal na tanong ko sa kaniya.

"Para magagamot ko 'yong mga tao na hindi kayang iligtas ng mga sundalo. Gagamutin ko 'yong mga taong pinapatay nila," aniya. "Gusto kong bigyan ng second chance lahat ng tao na mabuhay," dagdag pa niya.

Binilisan ko lalo ang pagtakbo ko dahil nararamdaman kong babagsak na naman ang luha ko dahil sa sinabi niya.

Saglit lang din ay nakarating na rin kami sa tapat ng tinatawag nilang safe zone.

May mga sundalo doon at pinagla-log kami sa isang libro. Binibilang rin nila ang mga pumapasok sa safe zone hanggang sa papasukin na kami ni Jiji.

"Sarado na ang safe zone! Hindi na kaya! Wala ng kwarto! Kung hahayaan niyo pa na may makapasok, paniguradong walang isang buwan ang itatagal ng pagkain natin dito," anunsyo ng isang sundalo mula sa entrance. Mukhang mataas ang ranggo nito.

Nagulat naman ang lahat sa sinabi niya.

Umiyak 'yong mga taong nasa labas pa ng safe zone, 'yong iba nagmamakaawa, 'yong iba naman nagagalit at naiiyak.

Sumikip tuloy ang dibdib ko sa nakikita ko.

Sinarado nila ang gate ng safe zone dahil puno na raw ito. Gusto ko sanang lumabas at papasukin sila pero hindi ko kaya. Hamak na vision seer lang naman ako at ang tangi ko lang magagawa ay panoorin ang lahat dahil anytime soon mawawala na rin ako rito.

Ipinagpapasalamat ko na lang na nakapasok kami ni Jiji sa safe zone.

Pinilit kong tumingin sa ibang lugar pero nagulat ako sa nangyari. 'Yong mga tao ay nag-akyatan sa barbed wire kahit na sobrang daming patusok no'n. Nagpapatunay na mas gusto nilang masaktan basta mabuhay, kaysa mamatay nang nahihirapan.

Pero ilang sandali lang, pinagbabaril ng mga sundalo ang lahat ng umaakyat sa barbed wire fence maging ang mga nagtatangka na umakyat dito.

"SOBRA NA KAYO! HINDI KAYO MAKATAO! MGA WALA KAYONG AWA!" tumatangis na sigaw ng isang babae, hawak-hawak niya ang asawa niya na wala nang buhay.

"Ginagawa lang namin ang alam naming makakabuti sa nakakarami," sagot ng sundalo.

"NAKABUBUTI SA NAKAKARAMI! HINDI SA LAHAT!" sigaw ng isang lalaki na nasa labas bago siya umakyat sa barbed wire. Maya-maya pa'y tumumba ito dahil binaril ng sundalo at lahat ng taong nakakita ay napatili at sigaw sa pagbagsak ng lalaki sa sahig.

"'Wag niyo nang pag-aksayahan ng panahon ang mga taong iyan. Kapag hindi pa sila tumigil, lagyan ng voltage ang harang," ani ng parehong sundalong nag-anunsyo na dapat nang isara ang safe zone. Tumango naman ang iba pang sundalo.

"Ate?"

"Hmm?"

"Tingin mo kailan matatapos ang lahat ng ito?" Napatahimik ako sa tanong ni Jiji.

"Siguro . . ." Napaisip ako saglit bago sumagot, "siguro kapag ang lahat ng tao natutong maging pantay sa kapwa. Kapag natutunan nilang mahalin, respetuhin, at manatiling kalebel ang isa't-isa. Kapag nalaman na nila ang kahalagahan ng buhay ng iba. Kapag wala ng gahaman, wala ng taong tuso, at wala ng taong sakim. Doon ko lang naiisip na matatapos ang lahat ng ito."

Pagkatapos kong sabihin 'yon, napansin ko na lang na nakapikit na si Jiji.

Continue Reading

You'll Also Like

27.4K 1.3K 38
Nascent Internecine is a war, yet no one knows who will really survive. Welcome to Artesian Academy! Wienerzel Fantasy Series #1 Book cover credits t...
51.7K 3.5K 27
MURDER SERIES #01 (PUBLISHED UNDER GRENIERIELLY PUBLISHING HOUSE) Ezelle Lamontez was accused of murdering her parents two years ago. Since she was s...
55.3K 5.8K 41
Status: COMPLETED "Curiosity kills the cat. Going beyond the boundary means risking your life." In the year 3001, people have to live in large ships...
5.9M 273K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...