Will You Still Love Me Tomorr...

נכתב על ידי forgottenglimmer

2.7M 75K 18.3K

"If tomorrow comes and I forget about this, and I forget about you, will you still love me?" Yesterday. Love... עוד

Prologue (June 24, 2019)
Chapter 01 - Pride is all I have (June 25, 2019)
Chapter 02 - Without shame and reservations (June 25, 2019)
Chapter 03 - Every fiber of my being (June 26, 2019)
Chapter 04 - Welcome back (June 27, 2019)
Chapter 05 - Good day (June 29, 2019)
Chapter 06 - I count the steps that you take (July 01, 2019)
Chapter 07 - Far more thought than he let on (July 02, 2019)
Chapter 08 - More than he can ever think of (July 02, 2019)
Chapter 09 - Put on the spot (July 03, 2019)
Chapter 10 - Was usually calm (July 04, 2019)
Chapter 11 - Give up (July 23, 2019)
Chapter 12 - Looking in the mirror (July 23, 2019)
Chapter 13 - Kool-Aid (July 24, 2019)
Chapter 14 - And then they meet again (Aug 08, 2019)
Chapter 15 - Ghost (October 08, 2019)
Chapter 16 - Pride and Shame (October 08, 2019)
Chapter 17 - Really Good Day (October 11, 2019)
Chapter 18 - Diffidence (October 13, 2019)
Chapter 19 - Finally (October 26, 2019)
Chapter 20 - Rain is Falling (November 03, 2019)
Chapter 21 - Caught up (November 09, 2019)
Chapter 22 - L (November 10, 2019)
Chapter 23 - Pining (November 11, 2019)
Chapter 24 - Pain against pain (November 13, 2019)
Chapter 25 - Some answers (November 15, 2019)
Chapter 26 - Antiphrasis (November 16, 2019)
Chapter 27 - Family Affair (November 18, 2019)
Chapter 28 - The Worthy (November 19, 2019)
Chapter 29 - Green-eyed Monster (November 21, 2019)
Chapter 30 - Ghost from the past (November 22, 2019)
Chapter 31 - Cycle (November 24, 2019)
Chapter 32 - Getting back (November 24, 2019)
Chapter 33 - Closer (November 25, 2019)
Chapter 34 - How far can love go (November 26, 2019)
Chapter 35 - Intimate (November 27, 2019)
Chapter 36 - Always (November 30, 2019)
Chapter 37 - Cope (December 01, 2019)
Chapter 38 - Feel (December 02, 2019)
Chapter 39 - Intersecting Paths (December 03, 2019)
Chapter 40 - Make me (December 04, 2019)
Chapter 41 - Necklace (December 05, 2019)
Chapter 42 - Warming up (December 07, 2019)
Chapter 43 - Arms (December 08, 2019)
Chapter 44 - Try again (December 10, 2019)
Chapter 45 - Sinners (December 12, 2019)
Chapter 46 - Rings (December 13, 2019)
Chapter 47 - Together (December 14, 2019)
Chapter 48 - Better with you (December 15, 2019)
Chapter 49 - Bittersweet (December 16, 2019)
Chapter 50 - Respect (December 18, 2019)
Chapter 51 - Begrudge (December 21, 2019)
Chapter 52 - Inner demons (December 22, 2019)
Chapter 53 - Going back to me (December 22, 2019)
Chapter 54 - The promise (December 23, 2019)
Chapter 55 - Good friend (December 25, 2019)
Chapter 56 - Out of it (December 25, 2019)
Chapter 57 - Flowers (December 28, 2019)
Chapter 58 - Trust (December 31, 2019)
Chapter 59 - Recoil (December 31, 2019)
Chapter 60 - Protect (December 31, 2019)
Chapter 61 - Love loudly (December 31, 2019)
Chapter 63 - Saving grace (January 02, 2020)
Chapter 64 - Unperceived (January 04, 2020)
Chapter 65 - She's a family (January 04, 2020)
Chapter 66 - Mother (January 04, 2020)
Chapter 67 - Band of gold (January 05, 2020)
Chapter 68 - Circumstances (January 05, 2020)
Chapter 69 - Husband (January 05, 2020)
Chapter 70 - To destroy (January 05, 2020)
Chapter 71 - Her big heart (January 06, 2020)
Chapter 72 - Lies (January 11, 2020)
Chapter 73 - To die (January 11, 2020)
Chapter 74 - Love endures (January 11, 2020)
Chapter 75 - Love is patient (January 11, 2020)
Chapter 76 - Love is kind (January 11, 2020)
Chapter 77 - Love never gives up (January 11, 2020)
Final Chapter - If tomorrow ends (January 11, 2020)
Epilogue - Angel in person (January 11, 2020)
Final Author's Note
Paperback Now Available

Chapter 62 - Intimidate (January 02, 2020)

18.6K 605 107
נכתב על ידי forgottenglimmer

Chapter 62 - Intimidate

July 13, 2019

"A-ate Ericka?"

Lois Ericka grimaced at Lee's address to her as if hindi nito matanggap na tinawag siyang ate.

"Huwag mo na akong i-ate."

Tumaas ang kilay ni Lee. She still can't understand if Ericka wants to continue being so vague in this charade. Pero pagod na siya. Ilang araw na siyang kulang sa tulog kaya naapektuhan na rin nito ang disposisyon niya.

"Okay. Ericka." Lee finally ditched the respective address.

Ngumiti ang kaharap.

"Ayun... lalabas din pala ang tunay na kulay."

"Hindi kasi kita maintindihan. If you have any problems with me, sabihin mo po ng diretso at hindi 'yung naghuhulaan tayo."

"Sinabi ko na na hindi ba? Please do not destroy this family."

Lee felt her heart lurched. Destroy? This family? She was suddenly on her guard.

"Tell me, why did you seduce your way into this family?"

"Seduce?"

"Oh c'mon? 'Wag na tayong magpaikot-ikot."

"Ikaw 'yung nagpapaikot-ikot!" Lee had enough.

Ibinato ni Ericka ang isang notebook sa direksyon ni Lee. Isa lang ito sa mga dala-dala nito nang lumabas mula sa kwarto ni Perci.

Dinampot 'yun ni Lee. She knew what exactly is in her hands. It was her very first birthday gift for Perci. Siya pa mismo ang nagpa-personalize ng pangalan nito doon sa Moleskine grid na 'yun kaya imposibleng hindi niya makilala.

She can't believe it's still here. Halos hindi nagbago ang itsura. Kung hindi niya siguro nakita na may mga laman itong sulat kanina nang bumagsak ito ay baka napagkamalan niyang hindi ito ginamit ni Perci.

"You didn't know that he liked you, too?"

"What?"

"Perci likes you." Ericka said matter-of-factly.

"N-no way." Lee repulsed the idea. Batang kapatid ang turing niya dito and she never ever felt any malice every time they are together.

"Or maybe, you tried to seduce him, too. Maybe, you liked the attention of people liking you so you seduce everybody."

"Anong sinasabi mo?!" Lee is extremely hurt by her words kahit na parang wala naman itong sense. It's like Ericka is throwing random words at her dahil wala naman itong pinagbasihan ang mga sinasabi nito sa kanya. "Hindi mo alam sinasabi mo."

"Bakit hindi mo basahin 'yan? Tapos isunod mo ang mga ito."

Tumingin si Lee sa hawak niyang notebook, pati na rin sa mga hawak din ni Ericka.

"Kung ano man 'yung nakasulat dito, wala tayong pakialam doon! This is Perci's things! We should learn not to touch others' possessions!"

"And this is my brother's house. Why are you here?"

"I am allowed to be here! Ikaw, pinayagan ka ba niyang galawin at basahin ang mga 'yan? Oo, ate ka nila, pero hindi mo naman sila pag-aari. Kadadating mo lang dito."

"Wala kang alam sa pinagdaanan namin."

"Wala ka rin pong alam sa'min."

"Binasa ko 'yan kaya mayroon na akong alam! Bakit hindi mo kasi basahin hindi 'yung nagpapanggap ka diyan na walang alam!"

"No!" Akmang aagawin ni Lee ang mga ibang notebooks mula kay Ericka. "Akin na po ang mga 'yan. Isauli natin lahat."

Pero umtras lang si Ericka.

"Alam mo kung gaano kamahal ni Odi si Perci?"

Hindi sumagot si Lee. But she knew. Hindi ba't ganoon din niya kamahal si Perci— to the point that they will sacrifice everything for his welfare?

"Bata pa lang... kahit masaktan na siya, kahit mahirapan pa siya, basta huwag lang si Perci."

Nakakunot lang ang noo ni Lee, waiting for Ericka to make sense.

"He would sacrifice everything for our little brother, at kapag nalaman niya 'to? Baka ibigay ka pa ni Odi sa kanya."

"No." A mocking snort came out of Lee's nose. "Baka diyan ka nagkakamali."

Dahil alam niyang hindi. Now she's starting to believe that this sister didn't really know her siblings too well.

If what Ericka's saying is true, maraming pwedeng mangyari. Pwedeng magkagulo, pwedeng mag-away sila, at pwedeng mali 'yung sinasabi ni Odi dati na kapag namili siya, si Lee ang pipiliin nito dahil alam niya kung gaano kamahal ni Odyssey ang kapatid— pero hinding-hindi siya nito ipapamigay. Kahit pa kay Percy.

"Maybe you are their sister, but you don't know them."

"At ikaw kilala mo sila? Bakit hindi mo kasi basahin!"

Biglang inagaw ni Ericka ang Moleskine journal sa kamay ni Lee at binasa ng malakas ang nakasulat.

August 24, 2009

"Ano 'yon?"

Nagulat ang batang babae na nakaharap sa bahay nila pero nanatili itong nakatalikod sa kanya.

Idinura ni Perci ang toothpick na kanina pa nakapasak sa bibig niya at tinignan ng maigi ang pigura ng babaeng nakatalikod.

"Ano po 'yun?" Inulit ni Perci ang tanong bago nagpunta na mismo sa harap ng babae.

Ang totoo, pinagbabawalan siya ng kuya niya makipagusap sa kahit na sinong hindi niya naman kilala. Pero kanina pa kasi nakatayo doon 'yung babae at mukhang wala naman itong kakayahang gawan siya ng masama kaya lumapit na rin siya.

"W-wala. Wala!" Umiling ito at nagbigay ng nahihiyang ngiti.

Kumunot ang noo ni Perci. Pamilyar 'yung mukha ng babae.

"Sige! Pasensya na baka mali ako ng napuntahang bahay!" Sabi ng babae bago ito tumakbo palayo.

"Madapa ka!" Sigaw ni Perci dahil sobrang bilis talaga ng pagkaripas ng babae ng takbo.

At saka niya lang natandaan kung saan niya ito nakita dati.

"Siya ba 'yun? Anong ginagawa 'nun dito?"

September 18, 2009

"Tangina mo Perci Jackson ah. 'Yung bente ko, ibalik mo!"

"Hindi nga ako kumuha!" Sagot ni Perci sa kaklase niyang si Samuel kasabay maglakad simula eskuwelahan hanggang bahay. "Ikaw makalat sa gamit, sa'kin mo sinisisi?"

"Ikaw lang naman lumapit sa bag ko. Nasa labas lang 'yung bente! Tangina talaga! Wala na akong pambiling gulaman at kwekwek!"

"Kumain ka na lang sa inyo."

"Sayang pa rin bente, putsa! Tangina!"

"Bakit galit na galit ka, gago sige ilakas mo pa 'yang mura mo. Marinig ka ng kuya ko, ako na naman malalagot 'don!" Si Perci lang yata ang malakas ang loob sa mga ka-edad niya na pumuna ng mga ganitong bagay.

Walang peer-pressure. Walang pakialam kung maasar siya tungkol sa kuya niya. Dahil totoo naman, hindi niya naman maitatangging umaasa siya dito.

"Gago. Sino 'yan?" Turo ni Samuel sa babaeng naka-abang na naman sa labas nila.

Ngumiti si Perci. Tinulak si Samuel palayo at patakbong lumapit ng bahay.

"Hello? Namali ka na naman ba ng bahay?"

Ngayon kahit hindi pa rin siya siguradong ito 'yung tumulong sa kanya noong nakaraan, sigurado siyang ito 'yung nakatayo din dito noong isang bwan.

"Kapatid mo ba si Simon Odyssey?"

This time, hindi ito nahihiya at diretso sa mga tanong. Bago siya nakasagot, inilahad nito ang kamay nito.

"Lee." Sabi ng babae habang inaantay na iaabot din ni Perci ang kamay niya.

Hindi naintindihan ni Perci ang sinasabi ng kaharap. He thought she was just saying his surname.

"Lee nga."

"Haha! Ako!"

"Ikaw?" He became more confused.

"Ang cute mo! Magkaiba kayo ng kapatid mo." He heard her chuckled the fanciest laugh he has ever heard. "Pangalan ko Lee. Oh 'di ba? Pangalan ko lang 'yung family name niyo ni Odyssey."

That's when Perci realized that this girl is here because of his brother.

"Ah..." He stood beside her habang hinahanap ang susi. "Hinahanap mo si kuya?"

"Oo sana." She laughed again. "Ako 'yung dati. 'Yung nakatayo din dito?"

"Ah... oo." Perci said. He thought he's gonna hear her say another incident from the past, pero hindi. So he just placed the key on the door knob and asked her a few things before he turned it. "Natatandaan naman kita. Pero bakit tumakbo ka 'nun?"

"Akala ko kasi namali talaga ako ng bahay."

"Bakit mo ba hinahanap si kuya?" He looked into her uniform. "Bakit hindi pa kayo sabay, parehas naman kayo ng high school."

"Ayaw kasi niya ako kasabay." She whispered as she smiled even more. "Kaya nauna na ako dito."

"Ha?" Hindi pa rin maintindihan ni Perci ang sinasabi ng babae.

"Kaya sana, papasukin mo ako sa bahay niyo. Gusto ko lang naman maging kaibigan kuya mo."

Tinanggal ulit ni Perci ang susi.

"Hindi naman pala kayo magkakilala. 'Di kita papapasukin 'no. Baka masamang tao ka."

"Grabe siya! Tignan mo nga, isang sipa mo lang sa'kin tatalsik na ako. Wala akong gagawing masama!"

"Ayaw ko nga. 'Di naman pala kayo magkakilala ni kuya."

"Magkakilala kami. Hindi lang kami close. Eto naman." Hinawakan ni Lee ang dulo ng manggas niya. "Sige na! Ganito... maglaro tayo ng PSP. Game?"

"PSP?"

Nilabas ni Lee ang gaming console at binigay sa kanya.

Please? She pouted.

And that's when the memory hits. He is finally sure she is the same person he has seen a year ago.

"S-sige na nga." Inagaw niya ang PSP at pinapasok ito sa bahay nila.

Lee smiled thinking he was sold because of the gaming console.

July 13, 2019

"Stop! Tigilan mo 'yan!" Gustong maiyak ni Lee habang patuloy si Ericka sa pagbabasa ng mga journal entry ni Perci.

Pero mas nilakasan pa nito ang boses.

"Feb 17, Isang taon na sila kahapon. Ang bilis. Dati akala ko hinding-hindi titignan ni kuya si ate Lee bilang babae. Pero siyempre, mali na naman ako. Si ate Lee pa ba? Kapag nakita mo kung gaano siya ka-simple— kabusilak 'yung puso. Simpleng tawa niya lang nakakahawa na. Mahuhulog ka sa kaniya! Walang magiging immune doon kahit na sino, maging si kuya. Naisip ko tuloy, kung hindi ko pa siya pinapasok sa bahay dati, hindi ba siya makakapasok sa buhay namin?"

Punong-puno ng diin ang boses ni Ericka.

"Tigilan mo na ate Ericka... Please." Lee is almost begging.

"Tinanong ko si kuya kung naalala niya ba kung kailan niya unang nalaman na may gusto na rin siya kay ate Lee. Ang sagot niya hindi niya alam. Basta daw, nagising na lang siya na alam niya na, hindi niya lang masabi. Sinagad ko na 'yung mga tanong. Inalam ko kung natatandaan niya ba kung kailan sila unang nagkita. Ang sabi ni kuya, July daw 'yun ng 2008. Matagal na. Pero naisip ko, mas matagal pa rin pala 'yung sa'kin. Halos dalawang bwan bago niya nakita si kuya, nakita niya na ako. Pero bata lang naman ako sa paningin niya. Gusto ko na siya dati pa..."

Napayuko si Lee. Hindi niya maintindihan kung papaniwalaan niya ba ang binabasa ni Ericka. Bata lang si Perci noong una niya itong makita. Pero 'yung mga salita na binanggit ng kapatid nito, parang galing sa iba.

"Gusto mo pa bang magbasa pa ako ng iba?"

"W-what do you want?" She said helplessly.

*later*

המשך קריאה

You'll Also Like

6.6M 153K 62
Meet Alex. Isang simple teenager na walang ibang ginawa kundi ang magaral ng mabuti. But after an accident, she started dreaming about a guy she neve...
14.1M 308K 60
[SELF PUBLISHED - 2016]
1.9M 76K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.