Stay With Me

Por velaskinswife

2.9K 127 15

Alam ni Verona na hindi siya mag-aasawa. Kung talagang mahal niya ang isang lalaki, alam niya sa sarili niya... Mais

▪︎ C A S T ▪︎
0
1
2
3
4
5
6
7
8
9
VICTORIA GIANNE ACOSTA

10

213 10 9
Por velaskinswife


Binalot nila ng kumot si Ron dahil malamig ang balat nito. Hindi pa rin ito umiimik, ni hindi kumukurap. Mabagal ang paghinga nito at mahina ang tibok ng puso. Hindi ito makuhang bitawan ni Erik. Nakaupo siya sa sofa at kalong pa rin sa kanyang kandungan ang dalaga.



"No, don't even think about it," madiin niyang bulong at sinulyapan siya ng mga kasama sa sala.



Tulala pa rin si Ron at hindi nagreresponde ang katawan. Kinailangan niyang tadyakan pabukas ang ginawa nitong pader sa pagitan ng kanilang mga isip. Dahil doon, nadidinig niya ang tinig nito sa kanyang utak.



'If I don't baka mahila kita rito. Hindi ko alam kung paano ako makakalabas.'




"Kung pasuin kaya kita?" tanong niya.




Pinandilatan siya ni Paris na nakaupo sa tabi niya.




'Ni hindi ko nga naramdaman na kinurot mo ako...'




Hinaplos niya ang noo ni Ron. Parang mas lumamig pa ang balat nito.




'Erik, please. Ayokong isama ka rito. I don't want to risk it. I need to cut our link.'




"Sinasabi ko sayo, Verona." banta niya. "Maramdaman ko lang ulit na sinusubukan mong putulin ang link natin, papasok talaga ako sa isip mo at jan na ako magtatayo ng mansion, okay?"



'Erik--'




"Hss!" inis niyang saad. "Anong gagawin ko dito sa labas nang wala ka? At least kung ma-trap din ako sa loob ng isip mo, magkasama tayo."




'Hindi nating pwedeng hawakan ang isa't isa dito.'




"Excuse me," nainsulto niyang simula. "Hindi lang sex ang habol ko sayo."




Pinandilatan siya ni Rome dahil sa sinabi niya. Hindi niya ito pinansin. Kasalanan ng mga ito kung trip ng mga itong makinig sa private discussion nila ni Ron. Wala siyang pakialam, wala siyang itinatago. Nakatitig lamang siya kay Verona na nakahiga na parang manika sa kanyang mga bisig.




'I love you.' isip niya. 'I need to be with you. Hindi ko hahayaan na isakripisyo mo ang pagmamahalan natin para sa kaligtasan ko. I will not let you go without a fight. Don't be stupid.'




'I am not stupid!'





"Of course you are." aniya nang malakas. "Gusto mong itapon ang relasyon natin. Hindi mo ako gayahin. I'm the one being smart here. I love you. I love everything about you. Every little thing. And if you wake up now, I'll show you just how much."





"Utang na loob, Santos." sabat ni Rome.




Hindi pa rin niya ito pinansin.




Tumungo siya at ginawaran ng halik ang malamig na mga labi ni Verona.




'What did you do?'




Nag-angat siya ng ulo. "I kissed you."




'Gawin mo ulit,' utos nito. 'Something happened. Something changes.'





Muli siyang tumungo para halikan si Ron. Nadama ba niyang kumibot ang mga labi nito? Nag-iinit na ba ang balat nito?




'Hinahalikan mo pa rin ba ako?'



'Yes.'




'Don't stop.'





So, he didn't. Mas humigpit pa ang pagkakayakap niya rito. His lips parted over hers to kiss, to caress, to taste. Oo, nawawala na ang lamig ng balat nito. Lumalalim na ang paghinga nito at nadarama niya ang pagbilis ng tibok ng puso nito. He angled his head, slipped his tongue between her now parted lips to slide it against hers. Naramdaman niya ang paghaplos ng pilikmata nito sa kanyang balat.




Still he kissed her, coaxing her, warming her. Hinayaan niyang paulit-ulit na ibulong ng kanyang puso na mahal niya ito at hindi niya ito iiwan kahit pa ito ang kailangan niyang awayin para lang mapanindigan ang sinasabing iyon ng kanyang puso. At nang simulan siya nitong halikan, halos mapahikbi siya sa ligaya at ginhawa. Nag-angat siya ng ulo at nakitang nakatingin na sa kanya ang dalaga, basa sa luha ang mga matang puno na ng buhay.




"Hi, Sleeping Beauty." bulong nito.




Ngumiti ito. Dahil doon ay ibinangon niya ito at mahigpit na niyakap. Sa loob ng kanyang isip, naroon pa rin ang kung anong tali na nagdurugtong sa kanilang dalawa. It made him whole. She made him whole. At hindi na niya ito pakakawalan pang muli.





















"KAY LOLA VEONCIA itong singsing." ani Paris.




Nakahiga na sa kama si Verona, nakapagbihis na, nakainom na ng tsaa at nagamot na rin ang mga galos sa paa na dala ng paglakad nito sa kalsada nang nakayapak. Katabi niya sa kama si Erik na hindi pa rin siya mabitawan.




"Ibinigay ito ng Lolo Kenneth mo sa kanya." patuloy ng ate niya, kay Erik nakatingin.




Sinulyapan ni Ron ang lalaking nagmamahal sa kanya. Pinagmasdan niya ang singsing na hawak ng Ate niya.




"Hindi raw yan tinanggap ni Lolo nang ibalik yan sa kanya ng Lola mo," sabi ni Erik. "Naikwento niya sakin ang tungkol sa proposal niya pero hindi ko akalain na makikita ko pa yang singsing." Sinulyapan siya nito. "O na ganito ang mangyayari."




"Kasama yan sa misteryo ng buhay." sabi ni Paris bago muling ibinaba ang singsing sa sidetable ni Ron. Tumayo ito at hinalikan sa noo ang kapatid. "Magpahinga na kayo. Alam kong pagod kayo pareho. Bukas na natin pag-usapan ito."




"Goodnight Ate.."




"Goodnight sweetheart." lumabas ng silid si Paris at isinara ang pinto.




Binalingan siya ni Erik.




Alam niyang kanina pa ito nagngingitngit. Gusto siya nitong kausapin--hindi, awayin-- dahil sa tinangka niyang gawin habang nakakulong sa sarili niyang isip.




"Yon lang naisip kong solusyon kanina." simula niya. "Sabi ni Aymi, pwedeng-pwede ka niyang dalhin kung nasaan ako dahil may connection tayo. Hindi ko kakayanin na ako ang dahilan ng pagkapahamak mo."




Hindi ito sumagot, sumukod lang sa ilalim ng kumot sa tabi niya. Nahiga ito at iniyakap ang isang braso sa kanyang bewang hanggang sa nakasandal na siya sa dibdib nito. He curled his body against hers.




"Parang hindi mo ako pinakinggan kanina bago ako umalis," may himig pagtatampo ang tinig nito. "Di ba sabi ko, I'm not going to walk away from you? And that I won't let you walk away/"



Sinulyapan niya ito. "Paano kung baliktad ang sitwasyon?" tahimik niyang tanong. "Kung ikaw ang may sumpa at nakilala mo ako? Hindi ba ito rin ang gagawin mo?"




Saglit na nag-isip ito bago umiling. "I'd let you fight with me." Bumuntong hininga ito. "I think, nandito tayo sa sitwasyon na ito dahil ito ang pinlano ni Lolo Kenneth at Lola Veoncia," anito. "I'd like to think, tinutulungan din tayo ng lahat ng mga lola ninyo para matalo itong sumpa."




Impit siyang natawa nang umakyat ang kamay ni Erik mula sa kanyang bewang at sumilid sa ilalim ng suot niyang tshirt.




"Tinakot mo ako," seryosong patuloy nito. "Hindi mo alam kung ilang taon ng buhay ko ang nalagas nung hindi na kita nararamdaman sa loob ko."




"I'm sorry." bulong niya.




"Just don't ever do that again," anito bago muling bumaba ang kamay sa kanyang tiyan, sa kanyang puson, hanggang sa garter ng kanyang suot na pajama bottoms. "Baka yon ang nangyari nang mamatay si Lola mo. Naputol yung link niya kay Lolo."




"Sa tingin mo ganito rin sila noon?"




Umiling ito bago muling naglandas ang mga labi nito sa kanyang batok at balikat. "Walang nasabi si Lolo pero I wouldn't be surprised kung yun ang ginawa ni Lola Veoncia. Pwedeng one way link, di ba?"




Pinag-isipan niya iyon habang patuloy siyang nilalambing ni Erik.




"I think so. It would explain things, too. Lalo na yung timing ng pagkamatay ni Lola. Nalulungkot ako para sa kanila.




Tinapik siya ng kausap. Nahiga siya at marahan itong dumagan sa kanya. His weight was delicious and his warmth was wonderful. Gusto lang niyang manatili sa ilalim ng proteksyon ng matipuno nitong katawan.




"Which is why hindi natin pwedeng sayangin ang pagkakataon na ito," anito bago siya ginawaran ng masuyong halik. "Regaalo to nina Lolo at Lola satin. Ayaw mo ba itong ipaglaban?"




Mataman siyang pinagmasdan ng nobyo at idinaan niya ang mga daliri ng isang kamay sa buhok nito bago iyon idinantay sa panga nito. "Ipangako mo sakin na hahayaan mo akong lumaban para sayo," hiling niya. "Kahit ano pa itong sumpa na ito.. kahit ano ang kailangan kong gawin para masiguradong ligtas ka, ipangako mong hahayaan mo ako."



"Basta ipangako mong hindi ka lalayo sakin at hindi mo susubukang putulin ang mental bond natin."



Natatakot siya dahil hindi niya alam kung paano ito protektahan pero nadarama rin niya ang tiwala nito sa kanya, ang paniniwala nito na kaya nilang lampasan ang kahit na anong sumpa nang magkasama. At higit sa lahat, alam niya kung gaano siya kamahal nito.



Iniangat niya ang ulo para halikan ito. "I promise."



"'di I promise rin." nakangiti nitong saad bago muling tumungo para paglandasin ang mga labi sa kanyang leeg.




"Anong balak natin ngayon?"



"Kailangan naming umuwi ng Siquijor," aniya na unti-unti nang nadidistract ng mga halik nito at ng mga haplos nito sa kanyang katawan. "I'm sure nandoon ang... Erik!"




Namimilog ang mga matang nag-angat ng ulo ang lalaki. Inosente pa itong nagkunyari na para bang walang ginagawang kabulastugan ang mga daliri sa kanyang katawan.



"Alam mo," umpisa nito. "mabuti pa bukas na natin pag-usapan ang pag-uwi nyo sa Siquijor."



Halos tumirik ang mga mata niya ng kumilos muli ang kamay nito sa loob ng kanyang suot na pajama.



"Mabuti pa nga siguro."




He chuckled. "I love you, my beautiful Verona." bulong nito. "And I will cherish you for the rest of my life."




Hindi na niya nasabi nang malakas ang kasagutan sa sinabi nito dahil itinulak na siya ng mga daliri nito sa kalangitan. Pero alam niyang alam nito ang kanyang sagot. Naririnig nito sa bawat tibok ng kanyang puso ang sariling pangalan.



Nabuo ang bagong pag-asa na hindi mananalo ang sumpa. Ipaglalaban nila kung ano ang mayroon sa kanila ni Erik kahit pa hanggang sa kabilang buhay. Gagawin nila ang lahat. Para sa mga naunang kababaihan sa kanilang pamilya at para sa mga susunod pa.




"You are mine Ron. Stay with me... and don't ever think of letting me go or I'll find you and I'll wring that beautiful neck of yours."








"KAMUSTA NA SI Ron?" bungad ni Rome sa kay Paris pagkalabas pa lang nito sa kwarto ng kapatid.



Napakagwapo pa rin nito. Hindi pa rin niya malimutan ang pakiramdam ng unang magtama ang kanilang mga mata.



"Ayos na, tsaka kasama naman niya si Erik, mukha namang mapagkakatiwalaan ang kaibigan mo." sabi ng dalaga at naglakad patungo sa terrace. 



Nakasunod lamang sa kanya si Rome na hindi man nagsasalita ay napupuna nito ang pagkaaligaga ni Paris.



Tumingala si Paris sa langit upang pagmasdan ang mga maliliwanag na bituin. Napapikit siya ng maramdaman ang pagyakap ng kasintahan mula sa likuran kasabay ng pag-ihip ng malamig at preskong hangin ng gabi.





Hindi niya maiwasan ang mag-isip. Ano ang maaari nilang gawin upang matalo ang sumpa. Natatakot sya para sa lalaking mahal niya, sa mga lalaking mahal ng mga kapatid niya... at lalong lalo na para sa mga kapatid niya. 




Halos mamatay siya sa takot ng makitang naulit na naman ang ganoong kalagayan ni Ron na huli niyang nakita sa burol pa ng Mommy at Daddy nila.




Hindi niya yata kakayanin kung may isa man sa mga kapatid ang masaktan. Kailangang may gawin siya.




"Hon..." simula nito. Napapakalma pa rin nito ang katawan niya, ang isipan niya.



"Hmmm?" 




"Tell me," sabi ni Rome.



"Tell you what?" inosenteng sagot niya.



"I know you. Did you see something?" he asked.



Bumuntong hininga sya.



Kanina nung hawak niya ang singsing ng kanilang Lola Veoncia, nakita niya... nakita niya ang hinaharap. 



Kapahamakan. . . sa kanilang pamilya. . . at sa mga lalaking mahal nila. . . 



Pumihit siya upang humarap dito. Hinaplos niya ang pisngi ng lalaking unang nagparamdam sa kanya ng tunay na pagmamahal. Napakaganda ng malalamlam nitong mata at wala siyang ibang mabasa doon kundi pagmamahal para sa kanya.



"Mahal na mahal kita Paris..." usal nito at ginawaran siya ng masuyong halik na buong puso niyang tinugon.



"Gusto kong bigyan mo ako ng anak Rome..." simula niya. "Hindi ko alam kung hanggang saan at hanggang kailan mo kayang lumaban para sa atin... sa akin... at maiintindihan ko kung sa huli ay sumuko ka para pareho tayong mabuhay--"



"Paris, stop--"



"No. You stop. Stop being so foolish. Ibigay mo na lang ang gusto ko. Gusto kong magkaroon ng isang little Rome na magpapaalala sa akin na minsan, may isang lalaking buong pusong tinanggap ang pamilya ko. Gusto kong maging ina ng anak mo..." lumuluha niyang sabi. Hindi rin niya maintindihan ang sarili niya... pero nararamdaman niyang maaari silang mapaghiwalay ni Rome.



"Then, marry me..." he dared.



She smiled at him sweetly... "I will... I will if only I can. But you know I can't."





The End. 



--------------

a/n. LOLS pasensya na po, I really do sucks. Hindi po ako marunong gumawa ng Endings. 



si VICTORIA GIANNE ACOSTA naman... I was thinking, JaDine? hehehehe . 

Continuar a ler

Também vai Gostar

Diventando Por dordz29

Ficção geral

16.8K 963 25
Diventando [Italian] - Becoming (n.) -the process of coming to be something -of passing into a state [This story is a figment of my imagination only...
3.8M 228K 77
"If Eve was the first woman on Earth── then, I am the last. My name is Dawn. The last girl on the planet. This is my diary." 🖇 COMPLETED Date Starte...
4.4M 111K 46
Wild, untamed and fierce- that's Tatiana Faith Follosco. Para sa kanya, chill lang ang buhay. She loves to party with her friends and make crazy dare...
10.3M 475K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #03 ◢ Alpha Omega - refers to the twelve demigods destined for the upcoming rebellion. The world has changed. Time has stopped an...