Mhorfell Academy of Gangsters...

By alerayve

25.8M 641K 136K

[FIL/ENG] The Mhorfell Academy of Gangsters was innovated mainly for the accommodation of the so-called black... More

Prologue
Chapter 1: Meeting the King
Chapter 2: Upcoming Storm
Chapter 3: Welcoming
Chapter 4: Our So-Called Party
Chapter 5: Troublemakers
Chapter 6: Single Arrow
Chapter 7: Show Some Skin
Chapter 8: Competition
Chapter 9: Charlene
Chapter 10: Watched
Chapter 11: Symptoms
Chapter 12: End of the First Round
Chapter 13: Magic Word
Chapter 14: Promise
Chapter 15: Fire and the Shooting Stars
Chapter 16: Message
Chapter 18: The Prince's Sword Dance
Chapter 19: Hide and Seek
Chapter 20: Coming Back
Chapter 21: Fear
Chapter 22: Ally
Chapter 23: Hypothesis
Chapter 24: The Missing Mafia Pendant
Chapter 25: Alex Syndrome
Chapter 26: Recollection
Chapter 27: Aftermath
Chapter 28 - Peace Inside the Woods
Chapter 29 - Second and Third Examinations
Chapter 30 - Good Luck To Us, Bastards
Chapter 31 - Don't Ever Dare To Mess With Him
Chapter 32 - The Incident
Chapter 33 - Saving The Idiot
Chapter 34 - The Crying Little Girl In The Midnight
Chapter 35 - All Hail For The Princess
Chapter 36 - Celestial Key of the Pacific
Chapter 37 - Regaining and Solving
Chapter 38 - Dinner Meeting
Chapter 39 - The Only One Left
Chapter 40 - She is The Key
Chapter 41 - She's Dead All Along
Chapter 42 - Seal
Chapter 43 - Trip to the Principal's Office
Chapter 44 - Acting is Over
Chapter 45 - Who's Next?
Chapter 46 - Alex is Kirsten Theory
Chapter 47 - Another Meeting With Her
Chapter 48 - Strange Things Did Happen Here
Chapter 49 - Secret Letters
Chapter 50 - Crashing To A Party
Chapter 51 - Values
Chapter 52 - Love Story
Chapter 53 - Overload
Chapter 54 - The Meaning Behind The Arrows
Chapter 55 - You'll Be Fine
Chapter 56 - Happily Ever After
Chapter 57 - Access Granted
Chapter 58 - The Real Demon
Chapter 59 - Her Most Epic Birthday
Epilogue
Author's Note (Important)
GIVEAWAY!
ORDER NOW!

Chapter 17: School of Mystery and Danger

499K 11.4K 2.5K
By alerayve



ALEX'S POV



"Yes, Uncle?"



[Are you doing fine? O kailangan na naman ako sa principal's office?]



I can't but to giggle with how worried he is about how I'm doing here. The always protective uncle, of course. "Hindi pa naman, Uncle Johan. Just trust me, okay? So, did you only call me to check me out?" I asked as I still walks away from the infirmary.



[Uh no. I just want to inform you that your brother will be coming back soon. He wants to meet you soon. You're about to have your debut on March. Xander will be handling it.]



Napabagsak naman ang mga balikat ko sa balitang dala nito. Yes, I'm happy that my elder brother is coming back but debut? Nah. It's only for those girls who wanted to be princesses of the day. I don't need that. Not because I'm already being treated like a princess in our family but because I don't feel like one and I don't think I deserve to feel to be like one.



[You still there?]



"Ah, opo. Sige po. I need to go now." pagsisinungaling ko. Ayoko nang humaba pa ang usapan at baka pati ang pagpapakasal ay mabanggit pa.



Mayroong kagawian ang pamilya namin na sa pagsapit ng ikalabing walong kaarawan ng mga babaeng miyembro ay nararapat na silang maipakilala ng pormal sa mga kakilala, kasosyo sa mga negosyo at iba pa sa pamamagitan ng gaganaping selebrasyon. Ito na rin ang gagamiting tiyansa upang mahanapan ang isa ng mapapangasawa nito.



In short, an arranged marriage. It sounds ridiculous since it's the twenty-first century and yet this method is still a common thing to tie two people in a marriage where only their families will benefit.



Kahit na ba sabihin ko pang kilalang-kilala na ako ng tiyuhin at kuya ko, paniguradong doon din ang hantungan ko. I don't want to though. Our family traditions suck.



Nagpaalam naman na rin siya kung kaya't kapwa na naming binaba ang aming mga telepono. Malakas na buntong hininga na lang ang nagawa ko.



This is not the time to be stressed, Alex.



Alright. Time to go back to the infirmary to see if the king is fine now or maybe dying.



Pagkabalik ko ay nakakapagtakang tahimik at pawang ang pwesto na lamang ni Spade ang may nakatabing na kurtina na ibig sabihin ay siya na lamang ang pasyenteng naririto. Hindi ko tuloy maiwasan na mapalingon sa doktor na nagbabantay dito sa bungad pagkapasok pa lamang. Ngunit pati siya ay napakibit balikat na lang sa akin.



Don't tell me those students ran away just because of his presence? Or did he scare them for them to leave the premise? Ugh, whatever.



Nilapitan ko ang pwestong pinag-iwanan ko sa kanya at saka marahang hinawi ang kurtina. "King, are you-"



"Kirsten..."



Natigilan na lang ako sa natagpuan ko. The king looks so bothered while on his sleep. You can't find any sign of peace on his face. He seems so stressed and lonely.



Hinigit ko ang nag-iisang upuan naririto sa tabi niya at dito umupo.



I can't believe I could see him like this. Naalala ko tuloy ang turo ni Ginang Santos kanina sa unang klase ko.



All kings must be fierce and rule like steel. However, kings may have been as soft and fragile like kids on the background, for they are the people who have to be strong in all times and can not show even a flinch of terror in front of his kingdom.



"Kirsten..." usal muli nito.



Ewan ko ba pero nakaramdam ako ng lungkot nang biglaan habang pinagmamasdan ko siya. Para bang hirap na hirap siya. At bakit niya ba paulit-ulit na binibigkas ang pangalan na iyon?



He said he already found Kirsten.



That's right. That is the name that was mentioned by the person who called last time to tell us that three of our students have been killed. While in all actuality, he is the one behind the killings.



"Don't f-follow me... You'll g-get h-hurt." at sa pagkakataong ito ay makislap na butil ang nahulog mula sa mga mata niyang nakapikit. Mga luhang hindi napigilan ng pagpikit upang lumabas.



Nung nakaraan pa namin napapansin ang pagkabalisa at madalas na pagkalutang ni Spade. Wala kaming kamalay-malay kung ano ba ang nangyayari sa kanya at kung ano ang bumabagabag sa kanya.



Subalit ayon kay Thelina, may kung sinong nabanggit din si Spade sa kanila noon na nagngangalang Kirsten. Isang kakilalang hindi na gaano pang naikwento sa kanila ng kaibigan ngunit nakasisigurado sila na ito marahil ang muling nagpabuhay sa dugo niya nang marinig ang mensahe ng taong tumawag.



But who is she? Who is she to make you look so miserable and vulnerable? Is she someone special to you? Is she someone who seemed to be your weakness?



Whoever she is, she's very lucky. She is Spade's achilles' heel.





Nailabas ko na lang ang panyong mayroon ako sa bulsa ko at bahagyang tinupi pa itong muli nang madampian nito ang pisngi ni Spade na nadaanan ng luhang bumagsak.



Nakakalungkot siyang tingnan ng ganito.



"Andito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap."



Halos mapatalon naman ako sa gulat nang makita ko ang pagdating ni Dereen. Napahawak pa tuloy ako sa aking dibdib. Akala ko pa naman kung sino na.



"Bakit? May balita na ba?" nasabi ko na lang habang muling binabalik ang postura ko.



"Nakasalubong ko si Juno kanina. He told me that he invited you to a party on Reighzine." nakapamewang niyang sagot sa akin.



"Then?" bitin kong tanong.



"Well, coincidentally, Sky received a tip that the suspect for the murder last time will be attending the party. Therefore, we must prepare to catch him up."



"Is that so? Sige. Mag-iingat ako." paninigurado ko sa kanya.



Napataas naman ang kilay niya sa sagot ko. "Ako? No, Alexandria. We will come with you."



And this time, it is my turn to raise my brow against her.



"We will come whether you like it or not. That's final. After all, the message is quite a threat to you. Hindi mo man lang ba naisip 'yon?" magkasalubong na kilay niyang pangangaral sa akin na para bang bata pa rin ako para magdesisyon.



I admit, Dereen has a point. That person was able to pass the school's security with ease and took three lives swiftly like wind with no such trace of his crime. Kailangan talagang mag-ingat at hindi ko masisigurado na makakaya ko kung sakaling ako ang maging target niya sa gabing iyon.



Furthermore, it might not only just a threat for me but also to my friends. Iisa lang naman kasi ang unang pumapasok sa mga isipan namin sa tuwing may nagkakagulo sa mga lugar na kinaroroonan namin. At iyon ang mga humahabol sa amin noon pa man. Ang mga taong nagdala sa amin sa kaharian ng demonyong iyon. Ang demonyong dahilan ng lahat ng paghihirap namin sa loob ng apat na taon. 



Napatango na lang ako sa suhestiyon niya. That message was a threat to me. I have to be fully aware of myself and my surrounding.



We decided to leave together for us to get ready. As for Spade, I asked the doctor in charge to watch over him while the Heads are still not here.



We were almost on the entrance of Queen Anne's when Celine called Dereen out for something. I guess it's something related to the Performing Arts Club or what so ever so I told her that I will be coming in first.



Hinintay ko munang makalayo sina Dereen bago ako tuluyang pumasok. Gayunpaman, napatigil ako sa paghakbang nang mahagip ng paningin ko ang isang matandang lalaki na nakaupo sa mga malalamig na baitang ng gusali.



May kung anong humatak sa akin para lapitan siya. At tutal lumapit na rin ako ay naglakas loob na rin akong kausapin siya. "Manong? May problema po ba? Bawal po ditong umupo. Baka masita po kayo." mahinahon kong pagpapaalam sa kanya nang nakayuko ng bahagya upang maaninagan ko ang mukha niya.



Mabilis naman nitong itinago ang litratong sa tingin ko ay kanina pa niya hawak sa loob ng kanyang dalang bag. "Nako, iha. Pasensya na. Aalis na rin naman na ako. Teka..." at abang napatingin naman ito sa akin mula ulo hanggang paa.



Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maging reaksyon dahil medyo kinilabutan ako sa kung paano niya ako tingnan kaya naman, "Bakit po?" tanong ko.



Napansin ko namang balak abutin ng kanyang kamay ang mukha ko. Nakakakaba na hindi ko matukoy pero hindi ko rin magawang lumayo sa kanya sa hindi malamang dahilan nang tumama ang tingin ko sa mga mata nito.



His eyes are so alluring and somehow, manipulating.



"-ra... Wala ka pa ring kasing ganda. T-Tunay kang isang dyosa." I wasn't able to hear what he said before these but it's enough to make me shiver.



Strangely, I somehow can not take my eyes off on his eyes too! Ano bang mayroon sa matandang ito?



"Alex? Anong ginagawa mo diyan? Halika na. Akyat na tayo."



At napakurap na lang ako ng ilang beses. Sa paglingon ko ay si Dereen na nakatingin sa akin na tila nagtatanong at nagugulumihanan sa kung ano ang ginagawa ko.



Nabagabag na rin ako pero nagawa ko pa ring balikan sana ng tingin ang matanda ngunit para bang isang bula ay bigla na lamang siyang nawala.



"Manong?" tawag ko at pinalibot ko ang mga mata ko sa paligid pero wala akong nakitang ibang bulto ng tao maliban lang sa aming dalawa ni Dereen.



Muli tuloy akong kinalabit ni Dereen sa pinaggagagawa ko. "Hoy. Ano bang hinahanap mo? Sinong manong e wala ka namang kasamang ibang tao rito nang maabutan kita? Kaya nga nilapitan kita kaagad e." turan nito na mas ikinakaba ko.



The fuck. I am not into paranormal stories and I seriously hate it. Xander used to love scaring me with those. Holy shit. Am I seeing things? Is that man only my imagination?



But I was able to talk to him!



"Mga iha, bakit hindi pa kayo pumasok sa loob?" dating ng napadaan naming guro sa asignaturang Filipino na si Ginang Romualdez.



Tulad ng nakasanayan naming imahe sa kanya ay lagi pa rin siyang nakasuot ng isang mahabang bistida na kulay rosas at tsalekong itim habang mahigpit na hawak ang makakapal na libro gamit ang kanyang mga kamay. Ni hindi pa rin niya nililinis ngayong araw ang kanyang salamin na malapit ng matabunan ng alikabok.



"Papasok na po kami, Ma'am. Siya nga po pala. May nakita o may nakasalubong po ba kayong lalaki na galing sa rutang ito?" Dereen asked.



Mukhang pati siya ay nababagabag sa mga ikinilos ko at sa mga nasabi ko. Totoo naman kasi. May nakita ako! May nakausap ako!



Nagtatakang namang napailing ang ginang bilang sagot. Mas lalong lumakas ang kabog ng puso ko. Who is the man who I just saw and talk to?



"Nakong mga batang ito. Magpahinga na nga lang kayo." payo nito na siyang kapwa na naming napagsang-ayunan ni Dereen.



Baka namamalikmata lang ako. Baka imahinasyon ko lang iyon. Calm, Alex. Relax.



Hawak ko na ang bukasan ng pinto nang muli kaming tawagin ng boses ng ginang. Abang napasulyap namin kami sa kanya na ngayon ay papunta na yata sa ruta ng Alfus Beige Building kung saan matatagpuan ang silid ng mga guro.



"Kahit noong wala pa kayo rito, marami ng kababalaghan at misteryong nagaganap sa eskwelahan na ito. Walang nakakaalam ng mga kasagutan sa bawat tanong ng mga estudyante. Naalala ko pa nga maramig sikretong ruta at mga lagusan ang lugar na ito. Minsan may mga nakaitim akong nakitang doon dumadaan." kwento niya.



When we were about to say something, she told us to hold out mouths. Hindi ko na tuloy alam kung maniniwala pa ako sa mga sabi-sabi ng mga kaklase ko tungkol sa kanya.



According to them, she was an alumni of this school. Moreover, Ma'am Romualdez have never left this school when she had been pranked by her classmates before. Kinulong daw siya sa isa sa mga bodega rito at dahil nga sa hindi na siya mapaalis dito ay binigyan na lamang siya ng isa sa mga silid dito upang matulugan.



Madalas daw itong nagbabagi ng mga kwentong walang makakapagpatunay na totoo o hindi. Sa madaling sabi, may katok o 'di kaya'y saltik na ang ginang sa apatnapu't walong taong pagtuturo nito dito.



Secret passageways? Maybe there were. Considering the numerous cases of death of the students and teachers here and the recent murder, there's a possibility.



Ako mismo, hindi ko rin talaga masabi kung may katotohanan nga ang mga kinekwento niya pero sa tagal niya rito, marahil nga ay may mga nasilayan na siya na kababalaghan na tanging siya lamang ang nakaaalam.



"O siya, mauna na ako, mga iha. Marami pa akong aasikasuhin. Magandang huwag ka na magpalaboy-laboy sa mga oras kapag pagabi na..."



We bowed our heads as a sign of respect to her bid of farewell.



"at huwag kang magpapahuli sa kanila."



Mabilis na napaangat ako ng ulo upang tanungin sana ang ginang ngunit nang pagkatingala ko ay malayo na siya upang tawagin pa.



Naramdaman ko na lang ang pagpatong ng kamay ni Dereen sa balikat ko. "That woman is really really weird. Don't let her bother you more. Come on, Fiacre brought some baked goods from their class." at hinayaan ko na na mahatak niya ako papasok ng gusali.



As I followed Dereen to our room, Fiacre excitingly jumped on me with a sketchbook on her hand. Luckily, I was able to maintain my balance. This girl is too thrilled on everything!



"Woah. Wait a minute. What are those?" tukoy ko sa mga sari-saring nakaguhit sa mga pahina na ibinibida niya sa mukha ko.



Parang bata naman itong ngumisi sa akin at bahagyang lumayo mula sa akin upang mas mapakita ang mga ginuhit niyang disenyo.



"I heard from Dereen that we are going undercover to a party to catch the killer. Kaya Alex, here you go!" at itinulak pa nito sa akin ang sketchbook kung kaya't napahawak na lang ako nito nang bigla niya itong bitawan nang iabot sa akin.



Kahit kailan talaga. Well, let's see what she has.



Dahan-dahan kong binuklat ito at dito ay nakita ko ang naging malaking pag-unlad ng talento ni Fiacre sa pagdidisenyo. And believe it or not, her designs are not about fancy dresses shoes, and jewelries. Well, they are but with a twist.



"Matagal ko ng tinatago ang mga iyan. I am waiting for the time that we can make use some of them. I think this is the time for it so I thought of showing it to you." Fiacre said.



Nakakamangha ang mga nakaguhit na mga kagamitan ginawan niya ng disenyo. Mga karaniwang kagamitan na sa totoo lang ay maaaring maging armas at sandata sa kung sinumang mga kalaban.



"Good job, Fiacre! Think you can make all the preparations for tomorrow night?" I asked her, fully giving my praise to her talent and help.



"Siyempre naman!" masiglang tugon nito at agad na niyang hininging muli ang mga disenyo upang makapagsimula na sa kanyang parte ng silid na ito.



I can't help but to smile with how much Fiacre improved. She is way happier now that we have the Heads as our companions. Hindi na rin gaanong masama ang tingin sa amin ng mga estudyante dahil paunti-unti na rin kaming nakikisalamuha sa kanila.



Freedom really makes way for your happiness.



"Habang tumatagal, mas nagpapakita ng mga senyales si Juno." ani ni Renneisme sa sopa habang inilalabas mula sa kahon ang iba pa sa mga kagamitan ni Fiacre.



I sigh when I got what she is talking about. "We're just friends, Rennei. E kayo ni Marc?" balik kong tanong sa kanya pagkabagsak ng aking pwetan sa sopa na kaharap lang ng kinauupuan niya.



Agad naman niya akong pinukulan ng mga nanlilisik niyang mga mata. Naitaas ko na lang ang dalawang kamay ko bilang pagsuko. Para binibiro lang eh.



"'Wag na 'wag mo ngang mabanggit-banggit ang kutonglupa na iyon." asar na wika niya at ibinalik na niyang muli ang kanyang konsentrasyon sa pagsansan sa mga kagamitan ni Fiacre.





Natatawang lumapit naman sa amin si Dereen habang dala-dala ang plato ng pagkain na ginawa ni Fiacre sa klase nila. "Hayaan mo na 'yan si Rennei. Ano pa bang bago? Nag-away na naman sila ng best friend niya." at humahagikgik pa rin ito nang ipatong nito ang plato sa mesa.



Tatawa pa sana kaming sabay ni Dereen pero napatahimik na lang kami nang ilabas ni Rennei ang pamaypay niya na ilang beses pa ang talim sa isang dosenang pangkaraniwang mga patalim.



Oops.



****



Mga nasa bandang mag-aalas nuwebe na ng gabi nang makaramdam kaming apat ng gutom. Tapos na naming asikasuhin ang mga gagawin at mga sandatang itatago namin sa mga kasuotan na personal na palang naihanda ni Fiacre noong nasa Hong Kong palang siya.



Kaunti na lang at matatapos na kami. That is why we decided to go out and buy some meals before the cafeteria closes. Kumuha lang kami ng kanya-kanyang masusuot laban sa lamig ng simoy ng hangin at sapat na pera para sa pagkain.



Pagkalabas namin ay may iilan pa ring mga estudyanteng nakakalat kagaya na rin ng mga ilaw na siyang nagbibigay liwanag sa bawat sulok ng paaralan. May ilang naninigarilyo habang nagmumuni. May iba namang naglalakad-lakad na tila ba kay lalim ng mga iniisip.



Nakakangatog ng balahibo ang malakas na hangin. Tinatangay rin ng hangin ang mga buhok namin at maraming nagsisilipana na mga tuyot na dahon. Sobrang tahimik na rin ang paligid na siyang mas nakapagdagdag pa sa dalang lamig ng hangin.



Nang nasa loob na kami ng cafeteria, hinayaan na lang namin na si Rennei na ang bumili at maghihintay na lang kami sa isa sa mga mesa rito. Malaki ang kantina kaya may kalayuan ang mapagbibilan ng mga pagkain.



Pagkaupo namin, isang malakas na buntong hininga ang nilabas ni Fiacre at Dereen. "This school is hell. It really sucks so much! Everything is spooky in here. Para bang araw-araw tayong nasa horror movies!" bulalas ni Fiacre pagkainat niya ng kanyang likod at mga braso.



Si Dereen naman na abala sa pagtipa sa cellphone niya ay naging iritado sa lakas ng boses ni Fiacre at tinakpan ang bibig nito. "Stop throwing tantrums here. A bit of dignity Miss Lei Fiacre Sancuevas. Don't you worry because it's good to practice living in hell like here before I send you to hell." may nakakapanindig na tono ang boses ni Dereen. Paalala lang ito na nagsisimula na siyang mainis.



Napairap na lang si Fiacre pagkataboy sa kamay ni Dereen na bumalik lang sa pagtipa. Nang makita naman niya ako ay dumaldal na naman siya. "Alex, hindi na ba talaga magbabago ang isip mo na sabihan ang HEAD na inimbitahan ka ni Juno? Don't you think it will be good if we have back ups? Paano kung hindi lang isa ang kalaban natin?"



I grinned with the question of hers. "Oho. Are you afraid, Ms. Sancuevas? Sa pagkakaalam ko, noong tayo ang gumagawa ng gulo, ikaw pa ang nangunguna sa pag-atake." sagot ko sa kanya nang nakahalukipkip. Ang lamig.



Hindi naman sa away ko na malaman nila. Sadyang masyadong mainit ang mga mata ng bawat isa ng mga eskwelahan at iniiwasan ko lang na magkaroon ng away habang naghihintay kami ng pagkakataon na mahanap ang salarin sa mga pagpatay. 



Napasimangot naman ito. "Dati iyon. I don't want to cause any harm or fight anymore. I'm a good girl na. Promise!" at tinaas pa nito ang isa sa kanyang mga kamay bilang pangangako.



Cutie.



I just gave her a smile. Our Fiacre is always the good girl that I have on my side. Nang dahil sa antok ay hindi ko na napigilan pang umub-ob sa lamesa at yakapin ang sarili ko.



"The name, Kirsten." agad akong napaangat ng ulo at mabilis na nabuhay ang dugo ko nang marinig ko na naman ang pangalan na iyon.



"I'm curious. Bakit kahit kailan hindi pinagamit sa iyo ni Kuya Xander at Uncle ang name na iyon sa'yo?" pang-iintriga ni Dereen na alam kong darating at darating.



Nito na lang muling naungkat ang bagay tungkol sa pangalan na iyan. Dumaan ang dekada na hindi nababanggit sa kahit saang sulok ng pamamahay namin ang ngalang Kirsten.



Kwento pa nga ni Uncle Johan ay galing pa ito sa pangalan ng yumaong lola ko. Kaya nga kahit ako, nagtataka rin kung bakit sa kabila ng halaga at kwento na mayroon sa likod ng pangalan na iyon ay hindi ito pinapagamit sa akin. Ni hindi ko rin alam kung paano nailulusot nina Uncle ang mga papeles kung saan tinanggal nila ang pangalawang pangalan ko.



No matter what I do in order to find any tiny reason for it, I can't find anything. Tumigil lang ako nang isang beses akong lubusang napagalitan nang dahil sa naisulat ko ang Kirsten sa isa sa mga eksaminasyon sa Antrenica. Kumalabog ang galit na boses noon ni Kuya at hindi niya rin ako pinalabas ng bahay ng isang linggo bilang parusa.



Ugh. Remembering those are enough for me to have a headache so I just shrugged as a response and got my head back to the table.



Base sa aksyon ko ay mukhang hindi na rin nila nagawang magtanong pa. Isa pa, dumating na rin si Rennei matapos ang ilang minuto. Thankfully, Rennei is done with the food. We need to go back as fast as we can or else we're doomed!



Naririnig na naming nag-aayos at nagliligpit ang mga taga-kantina nang nilisan namin ang lugar. Binilisan na namin ang paglalakad dahil sa oras na maglibot ang mga guwardiya ay paniguradong sa opisina ng isa sa mga awtoridad ng eskwelahan ang bagsak naming apat.



Mga ilang metro na lang at nasa bukana na kami ng gusali ng dormitoryo nang may humarang at pumalibot sa amin na mga nakaitim na lalaki at pawang nakatakip pa ang kanilang mga mukha. No doubt they were hired to kill us.



Batay sa posisyon namin, tanging ang dormitoryo lang ang pinakamalapit na mapupuntahan pero kung titingnan ang distansya, malabong marinig o mapansin din kami ng mga tao sa loob. Sabayan pa na maaaring tulog na ang karamihan o 'di kaya'y may kapwa na mga ginagawa. Wala kaming mahihingan ng saklolo. Heto na nga ba ang sinasabi ko. Dapat nagdala kami ng mga armas.



Nagkumpol kaming apat sa gitna at nagtalikuran. Nasa mga dalawampu sila at may mga hawak na iba't-ibang klase ng mga sandata. Latigo, shuriken, kutsilyo, katana, at iba pa. We're even more doomed! We just wanted to calm our hungry anacondas on our stomachs and now there's about twenty men who came to end our lives. 



Nilapag ni Rennei ang mga supot ng pagkain sa pinakalikod namin at pasimpleng in-activate ang smoky spray ng relo niya na siyang kakayahan para maglabas ng usok sa kapaligiran. Nang sa ganoon ay magkaroon kami ng sapat na oras para tumakbo at tumakas. It's just a matter of time and we are already counting in our heads. 



Then all of a sudden, the smoke is everywhere. 



It's not that we can't fight. We are only implying the decision we chose. To change. 



We only have half of a minute to run for our lives. Kaso mukhang tadhana talaga namin na makabunggo ang mga ito at naabutan nila kami. Hinanda na namin ang mga bagay na maaari naming magamit panlaban na nakatago sa loob ng mga dyaket at damit namin. Aasa na lang kami na kahit kakaunti ang mga ito ay masasaklolohan kami ng lakas na ginawad ng Escape. 



Nagpapakiramdaman ang bawat isa para sa tamang oras ng pagsugod. 



Bawat pagpatak ng segundo ay tila nakalilimutan na namin ang lamig na dala ng hangin.



"YAAAAAAAAAH DIE!" naunang sumugod ang isang lalaking may mahabang buhok at may dalang latigo.



Humakbang ako at sinalo ang tira niya. Pinulupot niya ang latigo sa braso ko kaya mabilis naman siyang napangiti. 'Wag ka munang magsaya. 



Ginamit ko ang braso ko para paikutin ulit ang latigo at mabalik sa may hawak ang pagkakapulupot nito. Hinatak ko nang biglaan ang latigo na siyang dahilan ng pagkabagsak niya sa lupa. Ngayong hawak ko na ang armas niya ay sa kanya ko naman hinampas ito sa leeg niya na siyang nagpasakal sa kanya. 



At dahil wala naman akong planong pumatay, hinagisan ko ito ng mga ipit ko sa buhok na sa totoo lang ay naibabad sa ilang kemikal na kayang magpatulog ng kahit na sino. Ang mga karayom na nasa loob nito ay ang siyang sumipsip na likido na iyon kaya sa oras na bumaon ito sa kanilang mga balat ay tiyak na makatutulog sila ng ilang oras.



Pagkatapos ng unang sumugod ay nagsisugod na rin ang lahat. Nilabas na rin nila Dereen, Fiacre at Rennei ang mga nadala lang nilang panlaban. Hindi naman kami masyadong nahirapan sa pagpapatumba sa labing lima lalo na't sabay-sabay kaming umatake. Gayunpaman, mukhang nahasa ang mga ito ng mabuti sa pakikipaglaban.



Sa ngayon, magkakatapat na kaming apat sa limang natitira. Lahat sila may hawak na mga matatalim at makikinang na katana. Nang magawa naming sulyapan ang mga natitira naming armas ay ubos na pala ang mga ito. 



Wala na kaming magagamit para sa pangdepensa at opensa. Kahit anong gawin ko ring pakikipaglaban, talagang ayaw akong lubayan ng antok. Ano bang problema ngayon ng katawan ko?! Hindi naman ako ganito dati! Argh! Bakit ngayon pa!?



Nang pasugod na kami, bigla na lang nawala ang balanse ko. Shit. 



Abang bumagsak na lang ako sa malamig na semento. Hindi ko ininda ang sakit ng pagkabagsak. Sa mga oras na iyon, nakita kong sinusubukan pa rin na kalabanin ng mga kaibigan ko ang mga kalaban. I'm seriously pissed off because I can't help them! 



Pinilit kong tumayo man lang ngunit walang silbi. Tila ba naparalisa ang buo kong katawan. Wala akong magalaw ni isa sa mga parte ng katawan ko. Binalot na rin ako ng lamig at ramdam ko na malapit na ring pumikit ang mga mata ko.



Naramdaman kong may mga umalo sa akin at bahagyang iniangat ako sa semento. Nang pinagsikapan ko pang idilat ang mga mata ko gamit ang natitira kong lakas, may tatatlo pang mga tauhan ang pasugod sa amin ng mga kaibigan ko. 



Hindi! Hindi pwedeng mamatay kami ng ganito lang! 



Kaya lang talagang hindi na kinaya ng mga talukap ng mga mata ko ang kung anong nagpapabigat dito kaya wala na akong nagawa pa kung hindi ipikit ang mga ito.



Sa bandang halos wala na akong ulirat at pag-asa pa ay naaninag ko ang pagdating ng tatlong bulto ng mga lalaki na tumapos sa mga natirang mga mamamatay-tao.



At doon nakahinga ako ng maluwag. Naging madali na sa akin na magpalamon sa panghihina at antok malaman ko lamang na ligtas na kaming apat mula sa kahit anong peligro.


Continue Reading

You'll Also Like

7.1M 366K 89
Ten missing teenagers. One house. One hundred cameras. A strange live broadcast suddenly went viral in all social media websites. What makes it stran...
6.9M 253K 30
The day Molly's attackers were set free was the day Mallary decided to take justice into her own hands. And Mallary knew that in order to do that, sh...
13.2M 375K 116
Exle Asper Rij is a 17-year old straight A student in her high school. Her grades and attitude towards studying allowed her to be accepted in an inte...
37.2K 1K 27
One section, one secret. This is the time to reveal it and everyone will regret. Highest Rank: #76 in Horror