Stay With Me

By velaskinswife

2.9K 127 15

Alam ni Verona na hindi siya mag-aasawa. Kung talagang mahal niya ang isang lalaki, alam niya sa sarili niya... More

▪︎ C A S T ▪︎
0
1
2
3
4
5
6
8
9
10
VICTORIA GIANNE ACOSTA

7

170 11 3
By velaskinswife


Nakatitig pa rin si Erik sa larawan ng kanyang lolo. Naaalala niya pa ito. Noong bata siya, pakiramdam niya higante ang lolo niya. Malaking lalaki ito sa taas na lampas ng six feet. 



Maskulado rin ito at lagi siyang kinakarga at pinasasakay sa mga balikat nito. By the time he was fifteen, magkasing-tangkad na sila ng matanda pero sa kanyang paningin, higante pa rin ito.


His grandfather was a quiet man. Tahimik lamang itong magsalita pero kapag nagsimula na ito, nakikinig ang lahat. He also commanded respect. Halata iyon sa kung paano ito pakitunguhan ng mahabang linya ng mga opisyal at marine na nakilala ni Erik noong kabataan niya. Lahat ng mga iyon ay may kwento sa katapangan at kabayanihan ni Captain Engle noon at ng iba pang mga ginawa nito hanggang sa tuluyan na itong magretiro bilang kapitan.



Siya ang kasa-kasama ng matanda dahil sila ang nakatira malapit sa bahay ni Lolo Kenneth. Nais niyang sumunod sa yapak nito pero sa huli, pagiging architect talaga ang gusto niya. Hindi siya pinigilan ng matanda, sa halip, in-encourage pa siya nito.


He died when Erik was nineteen. At naaalala pa niya ang huling salitang ibinulong ng matanda bago ito nalagutan ng hininga.



"Eoncia," aniya bago sinulyapan si Ron. "Siya ba si Eoncia?"


Tumango ito. "Eoncia daw ang nickname ni Lola noong bata pa siya." sabi nito. "Pero mula nang matapos ang giyera, hindi na raw niya ginagamit ang pangalan na yon. Pano mo nalaman?"



Muli nilang binalingan ang larawan. Magkatabi lamang ang dalawa sa gitna ng isang grupo ng mga sundalo at mga medical personnel. Ni hindi nagdidikit ang mga balikat ng dalawa. Pero alam ni Erik na ito ang 'Eoncia' ng kanyang Grandpa.



"Noong teenager ako, siya ang unang nakaalam na may girlfriend na ako. Close kaming dalawa, kaya siya ang una kong sinabihan. Tahimik siya noon. Akala ko malungkot siya, then he told me about his first heartache bago pa raw niya nakilala ang lola ko. He said her name was Eoncia and that he met her in Corregidor. And that she broke his heart."



Nakadama siya ng maliit na kirot sa kanyang dibdib at muli niyang binalingan si Ron. Halos makita niyang gumana ang utak nito at halos maramdaman din niya ang pagkalat ng pag-aalala sa puso nito. Inabot niya ang kamay ng dalaga. Malamig iyon. Nararamdaman din niya ang panlalamig ng katawan nito.



"Ron, bakit?"



"Wala siyang sinabi sakin noong nabubuhay pa siya." Sinulyapan nito ang librong binabasa. "Wala ring binanggit si Lola Veoncia sa diary niya tungkol sa lolo mo."



Hindi siya dapat magalit para sa kanyang lolo pero nakadama siya ng pagkainis doon. Unfair iyon. Sa kahuli-hulihang sandali ng buhay ng kanyang lolo, pangalan ng isang babaeng ni hindi pala nagpahalaga rito ang ibinulong nito.



Hinaplos ni Ron ang kanyang pisngi. "Hindi nag-asawa si Lola." bulong nito bilang sagot sa kanyang iniisip. "Kung hindi man niya nabanggit ang lolo mo, mukhang hindi rin siya nakaget-over sa kanilang dalawa."



Hinawakan niya ang kamay ni Ron at hinalikan ang palad nito. Gaano kaya kadali o kahirap ang makipagrelasyon sa isang taong nababasa ang mga naiisip at nadarama mo?



"How did he die?" tanong nito.



"Nagkasakit na lang siya one time. Akala namin trangkaso lang. Pero hindi na siya gumaling. I was with him when he died. He whispered your grandmother's name."



Namasa ang mga mata nito. "Kailan siya namatay?"



"I was nineteen," sagot niya at ibinigay ang eksaktong petsa ng kamatayan ng kanyang abuelo.


Namilog ang mga mata ni Ron. "My grandmother died three days after your grandfather did." anito. "Naaalala ko pa na bigla na lang siyang natigilan isang araw. Nasa kusina kami kasi tinuturuan niya akong magluto. Hindi ko makakalimutan yon kasi bigla na lang siyang umiyak. Then nahiga na siya at nagkasakit na. Hindi ko na siya makausap. She died a few days later."Sa tingin mo," simula ni Erik bagaman hindi alam kung paano isasatinig ang mga kataga. "Sa tingin mo ganito rin sila? That they were connected?"



"If they were, hindi sinabi sakin ni Lola." Humigpit ang pagkakahawak nito sa kanyang kamay. "I think she loved your grandfather until the day she died."



"Pero bakit sila naghiwalay?" naguguluhan niyang tanong. "Bakit noong ikinukwento siya ni Lolo, parang sinaktan siya ng sobra ng lola mo?" Muli, nadama niya na alam ni Ron ang dahilan. Napuno ng pag-aalala ang mga mata nito. "Alam mo kung bakit," giit niya. "Tell me."



Tumayo ito, naglakad patungo sa binatana at niyakap ang sarili. Naramdaman niya ang tensyon nito. Tumayo rin siya at sumunod dito. Mula nang magkaroon sila ng kakaibang koneksyon, parang hindi na niya kaya ang malayo rito.



Masakit na sa kanya ang hindi ito mahawakan, lalo na't nararamdaman niyang balisa ito. Niyakap niya ito at ipinatong ang baba sa tuktok ng ulo nito. Saglit itong natigilan pero naramdaman niyang nag-relax din at sumandal sa kanya na tila ba humuhugot ng lakas.



"Tell me," bulong niya habang marahang gumagalaw na tila ba naghehele ng bata. Nang maramdaman niya ang pag-aagam-agam nito, tumungo siya para halikan ito sa sentido, sa pisngi, sa gilid ng leeg at sa kurba ng balikat nito. "Tell me," ulit niya.



She nuzzled closer. "Bakit ganito ka sakin ngayon?" tanong nito.



Alam niyang nagdadahilan lamang ito para hindi kaagad sagutin ang kanyang katanungan pero hinayaan niya ito.



"Hindi mo ako gusto nung una mo kong nakilala. Di ba, hindi ako kasing ganda ng mga kapatid ko?"



Kinagat niya ang pang-ibaba nitong labi. "Kung di mo ako nilayasan nun, di nalaman mo sana na mabilis nagbago ang isip ko at sayo pala ako mahuhumaling." Napangiti siya sa masayang tawa nito. "I'm not kidding," sabi niya bago idinaan ang dulo ng ilong sa linya ng leeg nito. "You enticed me."


"Entice," bulong nito. "I like that word."


Muli niya itong hinalikan sa panga. "Now," he breathed. "Tell me what you know."


Muli niyang nadama ang tensyon sa katawan nito pero sumandal ito sa kanya at huminga nang malalim.


"I think naiintindihan ko kung bakit ginawa yon ng Lola ko," simula nito habang nakatingin sa labas ng bintana kung saan tanaw ang hardin sa bakuran ng bahay. "Hindi kami ordinaryong pamilya, Erik. May dugo kami ng babaylan. May nakaaway na mangkukulam yong ilan sa mga ninuno namin at isinumpa niya ang pamilya namin. Na walang babae sa pamilya namin ang makakahanap ng wagas na pag-ibig dahil lahat ng mamahalin namin, kukunin samin ng sumpa."



Tiningala siya nito. "I think, pinakawalan ni Lola ang Lolo mo dahil sa pagmamahal. Dahil sa sakripisyo niya, matagal pang nabuhay ang lolo mo."








"NO." MARIING SAAD ni Erik.


Walang isinagot doon si Ron.


Gayunpaman, nagkaintindihan sila. Hinarap niya ito at pinakawalan lamang siya nito para lang makaikot sa mga bisig nito bago siya muling hinapit sa baywang.


"No," ulit nito. "You are not going to do the same thing."


"Iniligtas nun ang buhay ng lolo mo," bulong niya. "Kung hindi siya iniwan ni Lola, baka namatay siya noong magkasama sila. Wala ka sana ngayon."


He kissed her. Hard. Nang mag-angat ito ng ulo, masidhi ang emosyon sa mga mata nito.


"Don't even think about doing it," babala nito. "Kung talagang mahal niya ang lolo ko, ipinaliwanag niya dapat ang tungkol sa sumpa. What did she do? She broke his heart instead of letting him fight for her. Fight with her." Umiling siya. He cupped her face in his hands. "You are not going to do that to us."


Nalaglag ang panga ni Ron. Sandali pa lamang niyang nakikilala si Erik at kahit hindi maganda ang una niyang impression rito, unti-unti niyang nakita ang tunay nitong ugali.


Masipag ito at hindi takot magtrabaho. Hindi rin ito maarte kung iisipin, considering galing ito sa mayamang pamilya. Kasabay kumain ng mga karpintero at nagkakamay pa. Hindi rin nahihiyang lumpit dito ang mga tauhan dahil mabait ito. Maalalahanin pa ito sa kanilang magkakapatid at malambing. At ilang lalaki ang makakaisip na mag-ampon ng pusa?


At nang bigla na nga lang sumulpot ang kakaiba bilang koneksyon, hindi ba't nabasa na niya ang tunay na kabaitan ng puso nito? Paano pa niya magagawang protektahan ang sariling puso sa isang lalaking tulad nito?



Pero hindi iyon maaari. Dahil kapag umibig siya rito, para na rin niyang siniguro ang kapahamakan nito.



"You don't even like me," bulong niya na may himig na ng desperasyon.



"I like you too much," angil nito bago siya muling hinalikan.



Suminghap siya bago ibinaling ang ulo para makaiwas sa mga halik nito. His teeth clamped on the side of her neck, making her shiver.



"This is going too fast."



"Is it?" bulong nito. "Gaano kabilis ba kapag nababasa mo na ang isip ng boyfriend mo? O kung alam kong eksakto ang gusto ng girlfriend ko?"



"Hindi mo ako girlfriend." anas niya.



Hindi nga ba? Gayong nakayakap siya rito at idinadaan ang kanyang mga labi sa leeg nito?



"Give me ten minutes," hamon ng lalaki. "Pagkatapos non, I'm sure mababago ko ang isip mo."



Mahina siyang tumawa bago idinikit ang noo sa balikat nito. Nakaupo na pala siya sa pasamano ng bintana at nasa pagitan na pala ito ng kanyang mga hita.



Hindi niya inaakalang magiging ganoon siya, na hindi mapigilan ang sariling katawan sa pagtugon sa mga halik at haplos nito.



"Nababasa mo ang naiisip ko." giit nito. Binalingan niya ito at nakitang kunot ang noo ng binata. "Hindi mo ba makita kung gaano ako kaseryoso sayo?"



"Hindi ko na binabasa ang isip mo, di ba?" mahina niyang sagot. "I invaded your privacy at the most basic level. I don't want to do that again. It's wrong."



"Pero kung yun lang ang paraan para malaman mong hindi kita niloloko, I'd gladly open myself up to you."



Umiling siya pero mapilit ito. Muli siyang umiling at ipinatong ang palad sa dibdib nito.



"Okay na ko." nakangiti niyang saad. "Hindi ko kailangang tingnan ang laman ng isip mo." Huminga siya nang malalim at binitiwan ang mga katawang unang beses pa lamang niyang sasabihin sa isang lalaki nang buong puso. "May tiwala ako sayo."



Nadama niyang lumukso ang puso nito bago ito tumungo para muli siyang halikan. She kissed him back. Pero imbis na maibsan ang tila ba uhaw niya para rito, lalo pa iyong pinag-igting ng lasa nito sa kanyang mga labi.




"Erik?" bulong niya.



"Hmmm?"




"I can't be your girlfriend." malungkot niyang saad. "I can't love you."




"I think you already do." sagot nito habang muling idinadaan ang dulo ng ilong sa kanyang balat.




Kahit pa, alam niyang hindi iyon maaari. At dahil alam niyang kailan man ay hindi sila pwedeng magsama nito, she wanted something from him. She wanted one night.




"Erik?"




"Hmmm?"




"I think... tama na ang paghihintay mo."




Nag-angat ito ng ulo at mataman siyang pinagmasdan. His eyes were intense and she could read his hunger. Pero alam niyang pinakikiramdaman siya nito at sinisigurong iyon ang gusto niya at hindi lamang dahil sa nagpadala siya sa nadarama niya para dito.

Continue Reading

You'll Also Like

45.6K 1.4K 60
"Why would I want to learn to love you when you can't even catch me?" "Arghh! I'm so confused! It's all your fault! kung bakit ako nagkakaganito..Kal...
20.7M 760K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
10.3M 474K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #03 ◢ Alpha Omega - refers to the twelve demigods destined for the upcoming rebellion. The world has changed. Time has stopped an...
382K 8K 100
Kathang Isip. .Puro what if's . .Eto yung personal interpretation ko sa mga spotted events ng favorite Real-Life couple natin ..