Will You Still Love Me Tomorr...

By forgottenglimmer

2.8M 75.1K 18.3K

"If tomorrow comes and I forget about this, and I forget about you, will you still love me?" Yesterday. Love... More

Prologue (June 24, 2019)
Chapter 01 - Pride is all I have (June 25, 2019)
Chapter 02 - Without shame and reservations (June 25, 2019)
Chapter 03 - Every fiber of my being (June 26, 2019)
Chapter 04 - Welcome back (June 27, 2019)
Chapter 05 - Good day (June 29, 2019)
Chapter 06 - I count the steps that you take (July 01, 2019)
Chapter 07 - Far more thought than he let on (July 02, 2019)
Chapter 08 - More than he can ever think of (July 02, 2019)
Chapter 09 - Put on the spot (July 03, 2019)
Chapter 10 - Was usually calm (July 04, 2019)
Chapter 11 - Give up (July 23, 2019)
Chapter 12 - Looking in the mirror (July 23, 2019)
Chapter 13 - Kool-Aid (July 24, 2019)
Chapter 14 - And then they meet again (Aug 08, 2019)
Chapter 15 - Ghost (October 08, 2019)
Chapter 16 - Pride and Shame (October 08, 2019)
Chapter 17 - Really Good Day (October 11, 2019)
Chapter 18 - Diffidence (October 13, 2019)
Chapter 19 - Finally (October 26, 2019)
Chapter 20 - Rain is Falling (November 03, 2019)
Chapter 21 - Caught up (November 09, 2019)
Chapter 22 - L (November 10, 2019)
Chapter 23 - Pining (November 11, 2019)
Chapter 24 - Pain against pain (November 13, 2019)
Chapter 25 - Some answers (November 15, 2019)
Chapter 26 - Antiphrasis (November 16, 2019)
Chapter 27 - Family Affair (November 18, 2019)
Chapter 28 - The Worthy (November 19, 2019)
Chapter 29 - Green-eyed Monster (November 21, 2019)
Chapter 30 - Ghost from the past (November 22, 2019)
Chapter 31 - Cycle (November 24, 2019)
Chapter 32 - Getting back (November 24, 2019)
Chapter 33 - Closer (November 25, 2019)
Chapter 34 - How far can love go (November 26, 2019)
Chapter 35 - Intimate (November 27, 2019)
Chapter 36 - Always (November 30, 2019)
Chapter 37 - Cope (December 01, 2019)
Chapter 38 - Feel (December 02, 2019)
Chapter 39 - Intersecting Paths (December 03, 2019)
Chapter 40 - Make me (December 04, 2019)
Chapter 41 - Necklace (December 05, 2019)
Chapter 42 - Warming up (December 07, 2019)
Chapter 43 - Arms (December 08, 2019)
Chapter 44 - Try again (December 10, 2019)
Chapter 45 - Sinners (December 12, 2019)
Chapter 46 - Rings (December 13, 2019)
Chapter 47 - Together (December 14, 2019)
Chapter 48 - Better with you (December 15, 2019)
Chapter 49 - Bittersweet (December 16, 2019)
Chapter 50 - Respect (December 18, 2019)
Chapter 51 - Begrudge (December 21, 2019)
Chapter 52 - Inner demons (December 22, 2019)
Chapter 53 - Going back to me (December 22, 2019)
Chapter 54 - The promise (December 23, 2019)
Chapter 55 - Good friend (December 25, 2019)
Chapter 56 - Out of it (December 25, 2019)
Chapter 57 - Flowers (December 28, 2019)
Chapter 58 - Trust (December 31, 2019)
Chapter 59 - Recoil (December 31, 2019)
Chapter 60 - Protect (December 31, 2019)
Chapter 62 - Intimidate (January 02, 2020)
Chapter 63 - Saving grace (January 02, 2020)
Chapter 64 - Unperceived (January 04, 2020)
Chapter 65 - She's a family (January 04, 2020)
Chapter 66 - Mother (January 04, 2020)
Chapter 67 - Band of gold (January 05, 2020)
Chapter 68 - Circumstances (January 05, 2020)
Chapter 69 - Husband (January 05, 2020)
Chapter 70 - To destroy (January 05, 2020)
Chapter 71 - Her big heart (January 06, 2020)
Chapter 72 - Lies (January 11, 2020)
Chapter 73 - To die (January 11, 2020)
Chapter 74 - Love endures (January 11, 2020)
Chapter 75 - Love is patient (January 11, 2020)
Chapter 76 - Love is kind (January 11, 2020)
Chapter 77 - Love never gives up (January 11, 2020)
Final Chapter - If tomorrow ends (January 11, 2020)
Epilogue - Angel in person (January 11, 2020)
Final Author's Note
Paperback Now Available

Chapter 61 - Love loudly (December 31, 2019)

20.9K 679 190
By forgottenglimmer

Chapter 61 - Love loudly

February 22, 2011

Hindi mapigilan ni Lee na mapangiti nang makita niya na naman si Odyssey na nag-aantay sa kanya sa gate ng school.

Kahapon pa lang sila nagbalik sa eskuwela matapos masuspinde noong isang linggo at ganitong-ganito na ang itsura nito kahapon habang inaantay siya. Pero nang itanong niya, itinanggi pa ni Odi na inaantay nga siya nito.

Kaya nagmamadali siyang lumapit dito para mang-asar. She is just too happy.

"So ano, sa lagay na ito, hindi mo pa rin ako inaantay?"

Umangat ang ulo ni Odi mula sa pagkakatitig sa semento ng kalsada at may bakas na maliit na ngiti.

"Hindi naman talaga kita inaantay." Inulit lang nito gawi kahapon. Pinaghugpong ang mga hinliliit nila.

"Aba..."

"Halika na?"

"Tara." Tumango siya dito bago niya narinig na nagsalita ulit ito. Mahina pero ramdam niya.

"Sinabi mo na ba?"

"Alin?"

"Sinabi mo na ba sa kanila... na tayo na?"

"Kanino?" Natawa si Lee dahil alam naman niya. Gusto ni Odi na sabihin niya ng pormal kila Julius Javier at sa kuya Aldrin niya na sila na.

"Lee..."

"Kung hindi pa ba obvious, ewan ko na lang." Sagot ni Lee. "Sabagay, hindi rin obvious na inaantay mo ako—"

"Oo na. Inaantay na kita. I have been waiting for you and I will wait for you every morning."

Ngumiti si Lee. At least Odi is much more honest about his feelings now. Gusto niyang haplusin ang buhok nito out of fondness. Pero pinigilan niya dahil nasa loob na sila ng school.

"Pogi mo." Nanggigigil siya.

"Sasabihin mo na ba?"

"Sinabi ko na. Sa dami ba naman ng bagay na pinagkalat ko, hindi pa ba mauuna 'yung balitang tayo na?"

Ngumiti si Odi.

July 12, 2019

"Ikaw talaga..." Hinawakan ni Lee ang pisngi ni Odi at hinaplos iyon. "Hindi ka naman pinigilan ng ate mo umalis?"

"Okay na kasi ako."

"Ikaw lang nabutasan diyan na nagsasabing okay siya." Tinuro niya ang lalamunan nito.

"Alam mo 'yung tracheostomy, para talaga 'yun sa mga hindi makahinga na mga may paralysis. O kaya 'yung may head trauma tapos hindi makahinga sa bibig. Mga ganung case. 'Yung mga may obstruction na malala. Sa'kin, emergency lang na binutasan kasi nga namaga na 'yung membranes ko."

"Kaya nga!"

"Pero nagsubside naman agad. Kaya sinara na din agad. Hindi ko kinailangang huminga gamit 'yun tube ng mahabang panahon. Kaya kumalma na kayo nila ate. Napakaliit nito tapos nasara naman agad. Maayos na ako. Wala naman akong masamang karamdaman. Tapos na 'yung allergy ko. Please stop worrying and allow me to be with you."

Natawa si Lee. Naalala ang nangyari kanina.

"Masaya ka na?"

"Bakit ang show-off mo?"

"Ayaw mo ba?" Odyssey started the ignition.

"Gusto." She said with all honesty.

Kahit kaninang umaga pa lang nila pinagusapan ang pagsasabi sa mga tao ng relasyon nila, she didn't expect that it would happen so fast. That the circumstances would want it happy that fast.

"If something bad happens, kapag napasama lagay mo sa uni, then I'll move you to another Harvard." He jests.

"Harvard ka diyan!"

"Buti pinayagan ka ni ate Ericka umalis? Nagsinungaling ka?"

Ngumiti si Odi.

"Sabi ko sa kanya, pupuntahan lang kita, tapos didiretso na ako sa ospital para doon magpagaling. Pwede ko namang gawin. Tulog lang ako sa ospital ng weekend para mapanatag na si ate Ericka. Payag ka ba?"

"Mas mabuti!"

"Kahit kaunting butas lang talaga 'to?" Napailing si Odyssey. "Kung hindi lang sobrang dikit ni ate, mas gugustuhin ko sa bahay."

"Ikaw talaga. Dadalawin ka pa rin 'nun."

"Okay lang. Kesa naman susubuan pa ako."

"Susubuan?" Hindi makapaniwalang tanong ni Lee.

"You won't imagine."

"Hindi talaga." Natawa si Lee. Kahit siya, hindi naman umabot sa sinubuan niya si Odyssey kahit sobra-sobra na 'yung paghanga niya dito. "Luluhuran oo, pero hindi susubuan."

"Isusubo, pero hindi susubuan?"

Akmang kukurutin ni Lee ang nagmamaneho pero pinigilan ito ng kanang kamay ni Odyssey.

"I'm driving!" Natatawang reklamo ni Odi.

"Driving-driving? Bastos naman!" Napailing si Lee pero pumirmi na pagkakaupo. "Magaling ka na nga talaga."

Nang makarating sila sa opisina, tinignan siya ng maigi ni Odyssey bago nagtanong.

"Are you ready?"

And she knew what he meant. Kahit hindi pa sabihin na hanggang dito sa opisina, they'll reveal their relationship, naiintindihan ito ni Lee.

"Sige na nga... Makukuha ko pa rin naman siguro tiwala nila kahit malalaman na nila na tayo pala."

"Won't they give you some more merit just because you're honest? 'Yung hindi na tayo nagtatago?"

Ngumiti na lang si Lee.

"Ganito din dito. If this relationship will take a toll on your employment in this company, I'll let you go."

"Saan mo ako ile-let go?" Nakangiting tanong ni Lee.

"Siyempre sa kumpanya." Odyssey almost rolled his eyes. "Ang kulit mo ngayong araw, Lee. Humanda ka sa'kin 'pagbalik ko galing ospital."

"Bakit, hindi ka ba pwedeng dalawin?"

"But I can't bully you there—"

"Odyssey para kang adik talaga!"

Bumaba bigla si Odi para maiwasan na naman ang akmang pagkurot ni Lee pero para lang pagbuksan siya ng pinto.

He held his hand for hers to hold.

At sabay silang naglakad papasok ng opisina.

No more pretenses.

Iba-ibang reaksyon mula sa mga natitirang empleyado na nandoon pa sa loob ng opisina kahit maggagabi na.

Gulat na gulat si Lina. Hindi inaasahang makikita si Lee na kahawakang-kamay ang big boss ng kumpanya.

"L-lee?" She even managed to call her at binigyan lang siya ng nahihiyang ngiti ni Lee at patuloy naglakad pa sa loon.

May mga ibang tumingin lang din at nagpatuloy sa ginagawa. Some did a second look, pero umaktong walang nakita. Mayroon din namang halata ang paglaki ng mga mata dahil hindi inaakalang makikita nila si Odyssey Lee na may makakahawakang kamay, at isang empleyado pa.

Nang makapasok sa executive offices, Lee suddenly had a little hesistation, lalo na nang nasa harap na sila ni Danielle na katabi ni Jay Torralba na naglalakad at may hawak na kape.

Pero nang higpitan ni Odyssey ang kapit sa kanya, coupled with Dani's warm and approving smile, napangiti na rin si Lee.

Nakita niya ang bahagyang paglunok ni Jay Torralba kasabay ng pagbaba ng tingin nito sa magkahawak nilang kamay.

Huminto si Odyssey sa tapat ng mga ito bago humarap sa kaniya. Iniayos pa nito ang ligaw na buhok niyang humarang sa mata.

"I'll update you after I admit myself in. Be good."

Napapikit siya nang halikan siya nito. It was brief peck on the lips, but it made her heart flutter kaya natagalan ang pagpikit niya.

Napadilit na lang muli si Lee nang magsalita na si Odi.

"Jay."

Jay Torralba straightened his back. Dani alternately looked at her colleagues.

"Nandiyan pa si Vincent?"

"S-si Vincent?"

Kinuha ni Odi ang telepono niya at tinawagan si Vincent ng Management Informations Systems Department.

"Vince? Akyat ka dito sa kay Jay."

Lee couldn't understand what was happening dahil nasa labas siya ng conference room nang mangyari ang usapang ito. So she was standing there awkwardly, waiting for for things to unfold. Dahil hindi pa rin pinapakawalan ni Odi ang kamay niya.

Hindi niya alam kung bakit kailangan niya itong makita.

Si Dani naman ay natatawa habang tuloy-tuloy inuubos ang kanyang kape.

"Sir?" Dumating ang isang lalaking long-haired na hindi pa nakikita ni Lee kahit kailan. Hindi kasi ito umaalis sa madilim na opisina na punong-puno ng mga computers. Ito kasi ang nagma-manage ng IT systems nila.

Napatigil din ito nang makita si Odyssey na may kahawak-kamay na babae.

"Sir? Ano po 'yun?" Ulit nito nang tuluyang makalapit.

"Sir, sir ka pa. Magkano pustahan niyo ni Jay?"

Lumaki ang mata ni Jay Torralba. He finally caught up to what is happening.

"Odi... I'm."

"10k po sir." Biglang naging masigla si itsura ni Vincent.

Naglabas ng pera si Odi at nilagay sa palad ni Vincent.

"Next time huwag niyo na ako pagpupustahan." Nilakasan pa ni Odyssey ang boses at humigpit pa ang pakakakahawak sa kamay ni Lee. "The love of my life since high school— Lee here, is my girlfriend. Masyado na kaming maraming pinagdadaanan para intindihin pa 'yung sasabihin ng iba dahil lang nagta-trabaho siya dito. If anybody has issues with her, especially you guys na who are working in this shift, you can raise it now."

Nagantay si Odyssey nang magsasalita, pero nanatiling tahimik ang lahat.

"She is studying while working so please give her some slack. I hope you can all do this as a favor for me. Ngayon lang." Odi suddenly becomes soft and mild, removing all his authoritative voice. It almost sounded like he was begging.

Walang nagsalita sa una, but later, a lot gave their congratulatory message. Niyakap din ni Dani si Lee sabay bumulong.

"I'm really sorry. Paano ba ako makakabawi sa'yo?"

"Hindi naman kailangan..."

"Please?"

"Uhm... Pwede na ako sa later dinner mamaya." Nakangiting sagot ni Lee.

"Anong later dinner 'yan?" Tanong ni Odi.

"Magpa-admit ka na sa ospital. Magpapahatid na lang ako kay Danielle."

Tumaas ang kilay ni Dani.

"What's wrong?"

"Wala lang. May tinatakasan lang ako sa bahay..." Sagot ni Odyssey. "Dumating ate ko."

"Ate mo?"

Hindi na nagpaliwanag pa si Odyssey. But he agreed and asked Dani to take care of her bago dumiretso sa ospital.

'Pagkatapos ng mga trabaho, dinala ni Dani si Lee sa The Peak. Isang multi-level bar and restaurant sa tuktok ng building occupying 60th to 62nd floor. Nandoon sila sa grill roofdeck sa pinakatuktok.

"Ang ganda dito... romantic."

"Dalhin mo si Odi minsan." Si Dani while guiding her towards the tables. "Mas maganda sana dito before sunset, pero siyempre hindi na natin naabutan dahil sa work..."

"Okay lang."

They were greeted with choices of cured ham.

"Pata Negra, Jamon Iberico from Spain, Jamon de Bayonne from France or Culatello di Zibello from Italy?" Tanong ni Danielle kay Lee.

"Kahit ano..." Lee answered honestly. She has far forgotten about these kinds of luxurious feast. Maaring sanay nga siya dati sa mga ganitong kainan, pero nakakapanibago ulit.

Dani smiled and volunteered to get the food for her before they settled to the open deck overseeing the cityscape.

Nang makaupo, they leisurely ate their food. Masyadong natuwa si Lee sa baked US scallop, mushroom at gruyere cheese na pinili din ni Dani para sa kaniya.

After everything, aminado si Lee na lumaki ang tiyan niya. Naalala niya tuloy ang komento ng mga kaklase niya tungkol kay Dani. She remembered she just had a minor operation.

"Dan, okay lang ba sa'yo nagkakakain ng ganito? Tapos nagpupuyat ka na agad? Hindi ba kaka-opera mo lang?"

Ngumiti si Dani.

"It's okay. I'm gonna take a long leave after today." She smiled painfully.

Naintindihan naman ito agad ni Lee. She put down her drink at tumingin ng maayos kay Danielle.

"Dani..."

"Baka nga, mag-consultant na lang ako 'pagtapos ng mahabang sick leave."

"You don't have to do this. Kung dahil lang sa'kin, huwag mong gaw—"

"I'm not doing this just because I was sorry, Lee." Hinawakan niya ang kamay ni Lee. "I am also leaving for my sake."

"Dan..."

"I would be lying if I say hindi ko na siya gusto." Matapat niyang pag-amin. "Alam mo 'yung pakiramdam na ganito 'di ba? Ang pagkakaiba lang siguro natin, mine is unrequited."

"Danielle." She has no words. Lee just kept calling her name.

"Baka mas makabuti 'yung lumayo. Baka mas makabuti sa'kin, don't you think."

Lee couldn't agree. Dahil siya nga, lumayo na rin siya noon. At mahabang-mahabang panahon 'yun, pero nawala ba 'yung nararamadaman niya kay Odi? Hindi.

But she wouldn't say these words to her. She knew it was her hopeful attempt to keep her dignity, and sanity.

"Pagpasensyahan mo na talaga ako, Lee."

"No... Naiintindihan ko naman."

But Dani didn't continue to argue on which one of them felt more valid and hurt. Alam niyang desidido na nga ito sa pag-alis.

"Alam ba ni Odi??"

"I will mail them tonight."

"Baka naman ma-sakripisyo ang pagkakaibigan niyo?"

"When I dared to like him, I have already sacrificed our friendship."

Wala nang naisagot si Lee kay Danielle. Nanatili na lang silang nakatitig sa mga ilaw na nanggagaling sa mga gusali sa paligid hanggang matapos ang gabi.

Nang ihatid ni Danielle si Lee sa bahay ni Odi, nagyakap muna sila ng mahigpit. Dahil kahit hindi sila malapit na magkaibigan, they shared the same pain. The pain in loving Odyssey. Magkaiba nga lang ng landas. And this is the connection that they will never lose.

July 13, 2019

Alas-dos na pala ng madaling araw nang tuluyang makapasok si Lee ng bahay. Kaya dahil dito, dahan-dahan siyang kumilos dahil alam niyang natutulog na ang mga tao.

'Pagdating niya sa taas, bahagya niyang narinig ang paggalaw mula sa kwarto ni Perci.

Naalala niya tuloy ang sinabi nito na susunduin pa siya ngayong gabi pero hindi na nito nagawa dahil bukod sa dumating ang kuya nito kanina, si Dani naman ang naghatid sa kanya ngayon.

Dahil mukha namang gising pa ito, dumiretso si Lee sa tapat ng pintuan nito at akmang kakatok.

Pero hindi pa lumalapat ang kamay niya sa pintuan, napaigtad si Lee dahil bigla na lang itong bumukas— at hindi si Perci ang lumabas mula dito.

"Ate Ericka?"

Nagkagulatan pa sila. Dala-dala ni Ericka ang ilang mga notebooks.

"Si Perci?" Tanong ni Lee nang hindi ito magsalita.

"Umalis..." Iniwas ni Ericka ang katawan niya kung saan nakapuwesto si Lee at naglakad.

Nagsalubong ang mga kilay ni Lee. Sinusumbong pa lang sa kaniya ni Perci ang pagpasok ni Ericka sa kwarto nito ng walang pahintulot, tapos ngayon makikita niya ito mismo? At hindi lang basta pumasok, may dala-dala pang gamit si Ericka palabas.

"Kay Perci po ba 'yan?" Ani Lee at sumunod dito.

Biglang humarap si Ericka. Sinalubong ang mga tingin ni Lee.

"Sasabihin ko na, dahil makulit ka."

"Ang alin po?"

"'Yung mga nabasa ko..." Umiling si Ericka. "Hindi mo alam? Tss. Hindi ako naniniwala."

"Ang alin?" Lee is so confused. Hindi niya alam ang sinasabi ng kapatid nila Odi na nabasa nito na dapat alam niya.

"You need to leave now, Lee. Hindi pwedeng mag-away ang mga kapatid ko nang dahil sa'yo."

*later*

Continue Reading

You'll Also Like

928K 31.9K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
Hatid By calistaluhv

Teen Fiction

59.6K 2K 45
𝐇𝐚𝐭𝐢𝐝 ∥𝘊𝘖𝘔𝘗𝘓𝘌𝘛𝘌𝘋 - "Lets just stop this, because we already know... I lost. I know that I will regret this but, this is the only way...
258K 14.2K 27
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
133K 3.9K 59
Ako si Jezairyle Faith Abuena, the girl na makulit. Hindi ako nerd and I'm also not that lowly kind of student. Normal lang ako na student dito sa CB...