HIS HIDDEN IDENTITY (BOOK 1)...

Por Vis-beyan28

678K 11.2K 519

(RAW/UNEDITED) Ahlisha Zoxzhen Bustamantelo has a simple life. She studies at public school and she always en... Más

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 31
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 59
Epilogue
Important Note
BOOK 2

Chapter 58

8.1K 131 6
Por Vis-beyan28

Chapter 58: 'Letting Go'

December 25, 2011

Ayna's POV

"Merry christmas, tita."-nakangiting bati ko kay tita ethelly at mabilis na nakipagyakapan sa kanya.

Ginantihan naman niya ako at nginitian ng malungkot. Magang maga ang mata nito dahil galing sa pag iyak. Ganun din si tita leyah na nasa tabi nito. Wala naman akong magawa kundi ngitian sila para kahit papano ay gumaan ang pakiramdam nila dahil nalulungkot sila sa nangyari pero kahit ako ay di kona mapigilang maiyak.

Halos dalawang linggo na ang lumipas ngunit hindi pa din kami nakaka move on sa madilim na pangyayaring yun. Wala kaming magawa kundi ang umiyak sa nangyari. Alam kong malala ang nangyari kay khanz at ahli dahil sa mga tama nila ng baril pero nagpapasalamat kami dahil nagamot agad ang mga sugat ni khanz at nakauwi na galing sa hospital noong isang linngo lang.

Pero, si ahli....

Lalo akong napaiyak dahil sa nangyari sa kanya. Hindi namin aakalain na sasaluhin niya ang bala na para kay khanz dahilan para mahulog sila at tumama ang ulo niya sa bakal.

Dahil sa ginawa niyang yun ay malaki ang pinsala na nakuha niya lalo nat may tama din siya sa hita. Kung sino man ang may gawa nun ay walang awa. Masamang tao at walang puso.

"T-tita, magpahinga muna kaya kayo?"-pilit kong hindi pinahalata ang boses kong nanginginig. Pero hindi ko nakaya dahil mas lalo akong naiyak sa itsura nilang ni walang pahinga man lang.

"Hija, were okay."-pilit na nginitian ako ni tita leyah bago tinignan ang natutulog na anak sa kama. Walang malay, maraming naka kabit na tubo sa katawan.

Nagkatinginan na lang kami ni hans at morreth na tahimik lang na nakaupo sa gilid. Pareho din silang malungkot at nag aalala.

Tandang tanda ko pa kung paano namin sinugod si ahli at khanz sa hospital. Pareho silang basa at walang malay. Marami silang tama ng bala at mga sugat. Lalo na si ahli. Dumudugo pa ang ulo dahil sa pagkatama nito sa bakal.

Hanggang sa sinabi ng doktor na nagamutan na si khanz, nakahinga kami ng maluwag pero ng malaman namin ang kalagayan ni ahli, naiyak na lang kaming lahat. Nagamot na nga ang mga sugat niya, natanggal na ang bala sa hita at likod niya pero wala kaming kasiguraduhan na magigising pa siya. Na coma siya pero hindi namin alam kung hanggang kailan siya matutulog. Nakakalungkot isipin na hindi na magigising si ahli.

Ilang araw na ang lumipas, umaasa kami na sana, sana bumalik siya. Sana, magising na siya. Kapag talaga hindi, ako ang babaril sa kanya. Na miss ko na ang bestriend ko.

Umupo ako sa tabi ni morreth at bumuntong hininga.

"Anong balita kay khanz?"-tanong ko habang nanatiling nakatingin kay ahli na payapang natutulog.

Narinig ko ang malungkot niyang buntong hininga. "Ayaw niyang lumabas ng kwarto niya. Palagi siyang nagkukulong, kulang na lang hindi na siya kumain. Ginawa nila tita jeane, ang mommy ni khanz ang lahat pero wala talaga."

Lalo akong nalungkot sa kalagayan ni khanz. Naaawa ako dahil sinisisi din niya ang sarili niya sa nangyari kay ahli. Wala naman kaming magawa dahil pati sina renzo ay hindi din siya nakikinig. Alam kong si khanz ang higit na nasasaktan kaysa sa amin dahil sa pagka coma ni ahli.

Hindi na lang ako umimik. Wala naman na akong ibang sasabihin. Pinagmasdan ko na lang si ahli hanggang sa mapansin ko ang suot niyang singsing. Parang gusto kong umiyak dahil alam kong si khanz ang nagbigay nun. Bakit ba nangyari sa kanila ito?

Habang pinagmamasdan ang singsing na yun ay nanlaki ang mga mata ko ng makita kong gumalaw ang hintuturo ni ahli.

"O-oh my god! Ahli!"-gulat kong sigaw ng dahan dahan niyang minulat ang kanyang mata kaya lahat kaming nandito ay nataranta kasabay ng galak.

Lahat kami ay nagsitayuan para makalapit sa kanya.

"Oh my god! Anak...."-naluluhang sambit ni tita leyah habang di malaman kung hahawakan ba ang anak o hindi. Samantalang umiiyak na lang sa tabi si tita ethelly habang yakap siya ni hans.

"Call the doctor morreth."-utos agad ni tita leyah.

"Yes, tita."-mabilis na lumabas si morreth samantalang ako ay nakatitig sa kanya. Napaka inosente niyang tignan dahil nagtataka ang kanyang mata. Hindi naman ito makapagsalita dahil may nakakabit na tubo sa kanyang bibig.

"Anak..."-sabik na yumakap sina tita ethelly at tita leyah sa kanilang anak. Napangiti naman si ahli habang natatawa pang pinagmasdan ang mga ito na umiiyak.

"A-ate."-pati si hans na masungit ay napapaiyak na din sa tuwa.

Nagyakapan sila bago ginulo ni ahli ang buhok nito. Napatingin naman siyasa akin kaya napaiyak na lang ako.

"B-bestfriend! Buti gumising ka na, mangangaroling pa sana tayo nila gelo kaso tapos na ang christmas!"-para akong tanga na umiiyak habang tumatawa. Natawa na lang din sina tita habang si ahli ay napapailing na lang.

Para sa akin isa itong himala dahil nagising siya. Sinabi ng doctor noon na mahihirapan siyang gumising at pwede ding taon ang lilipas para gumising siya pero heto, dalawang linggo lang pero bumalik na siya samin.

Agad naman kaming nagsitabihan ng pumasok ang doctor, kasama na ni morreth sina gelo, lester, norine, haeni at sina casz, drex, zad at renzo. Kulang na lang dito ay si....khanz.

Mabilis na tumabi sa akin si renzo at hinapit ako sa bewang. Nakangiti kaming lahat habang pinagmamasdan namin si ahli na chine-check ng doctor. Tinanggal na din niya ang tubong nakakabit sa bibig nito para masagot lahat ng tanong ng doctor.

"Everything is going well. She's fine at kailangan lang muna niyang manatali ng ilang araw dito para makita ko ang progress."-nakangiting anunsyo ng doctor.

"Thank you doc."

"Welcome. Ill be back later, so can you excuse me?"-magalang nitong sabi bago umalis kaya naman ay napasigaw kami sa tuwa habang si gelo ay mabilis ng yumakap kay ahli.

"Kahit kailan talaga..."-iiling na puna ni ahli habang pinagmamasdan si gelo na nakanguso.

"Ghad, ahli! You're making me worried!"-irap ni norine pero halata namang masaya.

"Akala namin, hindi ka na gigising."-biro ni renzo kaya mabilis ko siyang kinurot sa braso. "Ouch! Biro lang naman eh."-nguso niya kaya inirapan ko na lang siya.

"May hindi ba ako alam sa inyo?"-taas kilay na tanong ni ahli kaya ako naman  ngayon ang napanguso.

"Sinagot na niya ako."-ngingising balita ng loko kaya namula ang pisngi ko sa hiya.

"Ay kami rin!"-tinaas pa ni norine ang kamay niya at saka kinawit ang kamay sa braso ni lester.

"Tss. Assumera."-masungit na umirap si lester kaya natawa kaming lahat.

"Sus! Indenial pa tong kaibigan ko!"-kantyaw pa ni gelo kaya lalong nairita si lester.

"Zad..."-natigilan lang kaming lahat ng magsalita si ahli.

"Yes?"-nakangiting tugon nito.

"N-nasaan si k-khanz?"-ang dating ngiti naming lahat ay unti-unting nawala.

Nagkatinginan kami habang naging malungkot naman si ahli.

**

December 29, 2011

Ahli's POV

Tatlong araw na ang lumipas ng makauwi ako galing ng hospital. Lahat ay naging masaya sa pagbabalik at paggaling ko ng mabilis pero pakiramdam ko may kulang. Masaya ako sa pamilya ko pero may nararamdaman pa din akong lungkot.

Napagdesisyunan na ding sa mansion nila mommy ako titira. Bagamat ayaw kong iwanan sina mama sa bahay, masaya na din ako dahil may chance akong maging mas close si mommy. Hindi na ako tumutol dahil kahit kailan ko gustong dalawin sina hans ay hinding hindi tatanggi si mommy.

Dapat masaya na ako dahil wala na si valdez. Dapat masaya na ako dahil wala ng taong gusto akong patayin pero bakit sa pagdaan ng araw ay hindi ko magawang maging masaya. Araw araw akong umiiyak sa kwarto. Araw araw akong umaasang sana, sana dalawin ako ni khanz pero ni anino niya hindi ko makita.

Palagi akong tumatawag at tine-text siya pero hindi man lang niya ako sinasagot. Nag aalala na ako sa kanya kahit nabalitaan ko namang okay na siya pero hindi man lang niya ako sinisipot.

May nagawa ba akong mali para hindi man lang niya ako madalaw? May nasabi ba ako noon na kinagalit niya?

Nag aalala na talaga ako ng sobra. Naghihinala na din ako na may sinisikreto sina zad sa akin tungkol kay khanz.

"Couz, are you sure you wanna go?"-nag aalalang tanong ni morreth ng magkita kami sa garahe ng mansion. Wala na ang aura niyang pagkataray.

Nginitian ko siya para naman hindi na siya mabahala pa. "Oo naman. Namiss ko na siya morreth. "-malungkot kong sambit.

Napabuntong hininga na lang ito at saka binuksan ang passenger seat ng kanyang kotse. "Get in."

"Salamat."-sinsero kong sabi at pumasok na.

Mabilis naman siyang umikot para pumasok sa driver seat at pinaandar na ang sasakyan. Tahimik lang kami sa byahe habang ako ay nakatingin sa daan. Wala akong ibang maisip kundi si khanz. Kung okay na ba talaga siya? Kung may nangyari bang masama sa kanya? Lalo akong nag aalala.

Napahawak ako sa singsing na bigay niya. Kahit kailan, hindi ko naisipang tanggalin to sa daliri ko. Kahit maligo ay hindi ko hinihiwalay sa akin. Ito na ang pinka importanteng bagay sa akin na bigay ni khanz at ayokong mawala pa.

"Nandito na tayo."-anunsyo niya ng nasa harapan na kami ng mansion nila khanz. Bagamat kinakabahan, desidido na akong makita siya.

"I will wait couz. Just call me if something happens."-nag aalala niyang tanong.

Nginitan ko na lang siya ng tipid bago bumaba.

Kinakabahan akong nagtungo sa gate nila dahil baka hindi nila ako papasukin pero nagulat ako ng bumukas na lang ito kaya nakahinga ako ng maluwag.

Naglakad ako papasok sa mansion nila. Akala ko may bubungad sa aking mga katulong ng ni wala akong makitang tao. Nagtataka man ay nagpatuloy ako sa pagpasok. Hindi ko na din napansin ang ganda ng bahay nila dahil sa sobrang kaba.

Ano kaya ang magiging reksyon ni khanz kapag nalaman niyang gising na ako? Sasaya ba siya?

"What do you mean?!"-kusa akong natigilan sa gulat ng makarinig ako ng sigawan sa may sala.

Kitang kita ko kung sino ang nag uusap. Si khenner at khonner. Halatang naiinis si khonner sa presensya ng kapatid ngunit hindi yun pinansin ng kambal.

"Were going home."-pormal nitong sambit. Nakatayo sila sa gilid ng hagdan habang seryosong nag uusap. Ayoko man sanang makinig pero wala akong magawa dahil napako na ako sa kinatatayuan ko.

Tama pa ba tong ginagawa ko?

"Yeah I know!"-iritadong singhal ni khonner. "But I can't believe you're taking khanz too!"

Tuluyan na akong nabato sa kinatatayuan ko habang ramdam ko ang kabog ng dibdib ko.

Anong ibig niyang sabihin? Sasama si khanz?

"That's not my decision. It's khanz own decision khonner."-seryosong depensa nito.

Katulad ng kay khonner, hindi din ako makapaniwala. Paanong aalis si khanz? Iiwan ba niya ako? Bakit wala man lang siyang sinabi? Bakit sa iba ko pa malalaman?

Parang may anong kirot sa puso ko ng marinig yun. Nangiligid ang luha sa aking mata at di na napigilang magsalita.

"A-aalis si khanz?"-tanong ko kaya naman napatingin silang dalawa sa gawi ko. Nagulat si khonner samantalang napangisi naman si khenner sa akin.

"Ahli...what are you doing here?"-kinakabahang tanong ni khonner at akmang lalapit sa akin ng magsalita si khenner.

"Why don't you ask khanz?"-ngisi niyang tanong na naging dahilan ng pagkabato ni khonner sa kinatatayuan.

Nagtataka ako sa reaction ni khonner. Ano bang nangyayari at wala man lang akong alam?

"No. Stay there. Ako na ang tatawag sa kanya."-ma awtoridad na sabi sakin ni khonner.

"Go upstairs and see what he's doing. Para naman mamulat ka na sa katotohanang hindi kayo para sa isa't-isa."-mapanuyang nginisihan ako ni khenner.

"I warned you bustamantelo at kapag dumating ang araw na mare-realize mo ang mga sinabi ko, huwag mong isisi lahat sa akin dahil pinagsabihan na kita.  If I were you, I will do what I have said. It's better the sooner."

Bumalik sa isip ko ang mga sinabi sa akin ni khenner noon. Ito na ba? Ito na ba ang tinutukoy niya? Bakit parang ang sakit? Kumikirot ang dibdib ko habang paulit ulit na naririnig ko ang kanyang boses.

"No!"-mabilis na angil ni khonner.

"M-may nililihim ba kayo sakin?"-kunot noo kong tanong. Kita ko ang pagkagulat sa mukha nito kaya alam kong mayron nga.

Ibig sabihin, matagal na palang naglilihim sina zad. Alam nila ang nangyayari pero hindi man lang nila sinabi sa akin ang totoo. Bakit? Sa anong dahilan?

"Aakyat ako."-matigas kong sambit at walang pakealam kung ano man ang reaksyon nila.

Kita ko pa ang pagngisi ni khenner pero hindi ko na yun pinansin. Kung totoo ang sinasabi nito, hindi na sana niya ako hahayaang umakyat. Tapos si khonner, pinagkatiwalaan ko din siya pero anong ginawa niya? Kung hindi ko pa nalaman baka mas lalo lang nitong ililihim sa akin.

Halo halong emosyon ang nararamdaman ko ng nasa tapat na ako ng kwarto niya. Kaba, takot, pag aalinlangan. Hindi ko na alam kung makaka kalma pa ba ako o hindi. Hindi ko alam kung anong dadatnan ko dito. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Pls, khanz...

Nanginginig ang mga kamay kong hinawakan ang door knob at napalunok ng dahan dahan ko yun binuksan. Maliit lang na siwang ang ginawa ko bago sumilip pero halos malaglag ang panga ko sa gulat ng makita kung sino ang nasa kama.

Tuluyan ng tumulo ang mga luha ko kasabay ng pagkirot ng dibdib ko. Halos hindi na ako makahinga sa sobrang paninikip.

Ang lalakeng minahal ko ng sobra na inaakala kong hindi niya ako lolokohin ay siya ding bubuwag sa paniniwala kong yun. Ang lalakeng minahal ko ng sobra pa sa sarili ko ang siya din palang magpaparanas sa akin ng sakit. Nagsakripisyo ako dahil mahal ko siya pero ano tong nakikita ko?

Kapwa nakahiga silang dalawa ni thamy sa kama habang hubo't hubad ang kanilang katawan na lalong nagpakirot sa puso ko.

"Hmmm...nasabi mo na ba kay ahli ang totoong rason mo?"-pakinig kong tanong ni thamy habang magkayakap sila. Nakakumot ang parehas nilang katawan.

Pakiramdam ko gumuho ang matayog na pagmamahal ko sa kanya. Gusto kong sumigaw, gusto ko silang sugudin pero tangina! Parang napako ang paa ko dito. Wala akong magawa kundi ang umiyak.

Pls, khanz sabihin mong mahal mo ako. Kakalimutan ko tong nakita ko. Pls, nagmamaka awa ako sayo. Mahal na mahal kita...

Ang mga mata ko ay nagmamaka awa. Hinihiling na sana sambitin ni khanz ang mga salitang gusto kong marinig.

"Not yet. Baka hindi na. Pupunta na kase akong korea at sana hindi niya malaman. Ayoko siyang maging sagabal sa plano ko."-seryosong sagot nito kaya lalo akong napaiyak.

Napatakip ako sa aking bibig habang umiling iling. Ang natitirang pag asa na nasa akin ay naglaho.

Paano mo nagawa sa akin to khanz? Akala ko ba mahal mo ako? Ramdam ko eh, bakit parang biglang nagbago. Pagkagising ko galing sa trahedyang yun ay ito pa ang bubungad sa akin? Wala na bang mas masakit?

"You atleast tell her the truth. That bitch, ang bilis mauto! Akalain mong sa simula pa lang, niloloko mo na pala siya! Pathetic."-natatawang aniya.

Napakuyom ang kamao ko sa galit. Simula pa lang, niloloko niya ako! Simula pa lang, puro kalokohan ang pinapakita niya sa akin. Puro kasinungalingan!

Hindi ko na nakaya ang mga naririnig ko. Parang natabunan lahat ng galit ang pagtitimping mayroon ako. Wala na ako sa isip na sumugod sa kanila kahit nasasaktan na ako.

"Anong ibig sabihin nito?!"-naluluhang sigaw ko na naging dahilan ng pagkagulat nila. Pero kalauna'y napangisi si thamy habang naging malamig ang mukha ni khanz. Lalo akong nasaktan sa ginawa niya.

"Oh, look whose here."-mapanuyang  umupo si thamy sa kama habang nakatakip sa katawan niya ang kumot. Lalo akong nakaramdam ng galit.

Bumaling ako kay khanz. "Anong Ibig sabihin nito k-khanz?"-pumiyok ang boses ko ng sambitin ko ang pangalan niya.

"B-bakit mo ako niloko? A-anong nagawa ko sayo? A-akala ko ba mahal mo ako?""-naluluha kong tanong. Unti unti akong bumibigay sa mga sinasabi ko. Pakiramdam ko lahat ng ng nangyari noon sa amin ay mga pawang pagpapanggap lang. Pero bakit ramdam ko na totoo? Bakit pakiramdam ko lahat ng sinabi at ginawa niya ay totoo?

Bumuntong hininga si khanz na para bang tinatamad kaya lalo akong nakaramdam ng sakit. Kailan ba to mawawala sakin?

"All I said and done to you are all lies."-dumilim ang kanyang mukha.

"Dahil dinamay ka ni mondriguez sa sitwasyon ko naisipan kong gamitin ka. Ginawa kitang pain para mahanap ang lungga nila. As well as arevalo and valdez. Alam mo kase ang mahirap sayo? Mabilis kang magtiwala. Now, you didn't even realize that I was using you all along and now that asmodeous is gone, you are not worth it anymore to me."-nakangisi itong tumayo. Naka suot na pala ito ng short pero hindi ko na yun pinansin.

Bawat salita na sinabi niya ay parang kutsilyong unti unting tumatarak sa puso ko. Natulala na lang akong napaluha dahil sa katangahan ko. Akala ko minahal niya ako....yun pala...napahagulgol ako sa sakit. Patuloy ang pagbuhos ng luha ko na para bang wala itong katapusan. Bakit sobrang sakit kapag siya na mismo nanggaling ang mga salitang yun?

"S-sabihin mong hindi totoo yan k-khanz...."-nagmamakaawa kong sabi dahil kahit anong tanggi ko, hindi ko siya kayang iwan. Nangako kami sa isa't-isa. Nangako siyang hindi niya ako bibitawan.

"M-minahal mo ako...ramdam ko eh. Ano bang nangyayari sayo? N-nagbibiro ka ba sakin?"-hindi ko pinansin ang mapanuyang tingin ni thamy. Mabilis akong lumapit kay khanz na ngayon ay may hawak na sigarilyo.

Bigla na siyang nagbago. Ayaw niya ng naninigarilyo pero bakit ginagawa na niya yan ngayon? Pagpapanggap din ba ang ginawa niyang yun?

"Stay fvking right there."-nagbabantang sambit niya pero hindi ako nagpatinag. Mas tumalim ang titig niya sa akin.

"K-khanz....mahal kita. B-bumalik ka na sakin. Kakalimutan ko lahat, kakalimutan ko....."-napahagulgol ako at dahan dahang lumuhod sa harapan niya. Kahit mahirap, kahit masakit....bumalik ka lang sakin khanz. Mahal na mahal kase kita.

"I never once love you, ahli."-matigas nitong sambit na lalong nagpadagdag sa kirot na nararamdaman ko.

Marahas akong umiling. "H-hindi. Minahal mo ako! Naramdaman ko! Pls, hindi ko kaya! Kahit saktan mo ako khanz, bumalik ka lang. Kahit magkita kayo ni thamy basta mahalin mo ako. Titiisin ko...."

"Hindi na ako babalik sayo ahli. Just fvking accept and leave bago magdilim ang mukha ko. Nakakairita ka!"-marahas niyang winaksi ang mga kamay kong nakahawak sa tuhod niya kaya lalo akong naiyak.

Nasan na yung khanz na hindi ako kayang saktan? Nasaan na yung khanz na kahit anong gawin ko ay tanggap niya? Nasaan na yung dating khanz na minahal ko? Puro pagpapanggap ba lahat yun?

"Leave ahli. You do not belong here."-nakangising sabat ni thamy pero hindi ako nagpatinag.

Kahit anong mangyari, hindi ako aalis hanggat hindi sabihin sakin ni khanz na mahal niya ako. Yun na lang ba ang panghahawakan ko kung puro kasinungalingan lang naman?

"Khanz, dito na lang ba tayo matatapos? Sa lahat ng pinagdaanan natin, kailanman hindi ka bumitaw pero dahil lang sa malanding babaeng yan ngayon ka lang susuko?! Ano bang kaya niyang ibigay sayo? Ano bang mayron siya na wala ako?! Yan ba ang gusto mo?! Makati at malandi-----"

*paaaaak!!!!*

Natigilan ako sa ginawa niya. Natulala habang pigil ang hiningang napahawak sa pisngi kong sinampal niya. Sa kauna-unahang pagkakataon, nagawa niya akong saktan. Hindi lang emosyonal kundi pisikal.

Nag iba na talaga siya...

"Don't you dare fvking raise you're voice inside my territory! Tangina! Umalis ka na kung ayaw mong kaladkarin kita palabas! Fvking leave my house!"-galit na galit na sigaw niya na lalong nagpakirot sa dibdib ko.

Parang pira pirasong nawasak ang puso ko sa ginawa niya. Wala na bang ititira ko sa sarili ko? Nagpakababa na ako para sa kanya, nagmakaawa sa harapan niya, hinayaan ko siyang sampalin ako pero wala padin akong napala. Ito lang ba ang makukuha ko? Wala na bang mas masakit? Kase....kase hindi ko na kaya. Unti unti na akong sumusuko...

Ng hindi ako kumilos ay marahas akong hinawakan ni khanz at kinaladkad pababa. Marahas, walang pake at ramdam ko ang galit niya. Tahimik lang akong umiyak hanggang sa malampasan namin si khenner. Nakangisi ito na para bang tuwang tuwa pa ng makita ako.

Kaya ba binalaan na niya ako noon dahil alam niya ang plano ni khanz? Bakit hindi ako nakinig? Bakit sa lahat ng oras, siya pa din ang pinili ko kahit linoloko niya ako.

"Huwag ka ng bumalik, dahil wala ka ng babalikan."-walang emosyon niya akong binitawan dahilan para mapaupo ako sa lupa.

Akala ko tutulungan niya ako pero iniwan lang niya ako. Iniwan akong luhaan at nasaktan. Iniwan niya akong walang kalaban laban. Lahat ng pangako niya sa akin ay unti-unting naglaho sa aking isipan.

Kasabay ng pagtulo ng luha ko ay ang malakas na pagbuhos ng ulan. Hindi ko inalintana kung mababasa ako dahil napahawak ako ng mahigpit sa aking dibdib. Hindi ko na kaya ang sakit....gusto ko ng mawala ang sakit.

Gusto ko na siyang kalimutan...

Seguir leyendo

También te gustarán

9.9M 365K 53
I was called as the hummingbird with wings that could bring gorgeous chaos, a bird with sharpest beak and a bird with deceiving voice. I have the fea...
23.4M 780K 60
Erityian Tribes Series, Book #3 || Cover the world with frost and action.
6.5M 330K 99
Carnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey Manelli. Dahil dito, hindi naging madal...
690 79 37
| Lady Blue book 2 | After a few months, their online conversation came to an end. Lady Blue knew that she will soon need to face the guy who kept bu...