Saving The Governor-General (...

By blionsky

76.9K 3.2K 204

Most impressive rank: #1 police Most impressive rank: #1 tragic Most impressive rank: #4 time travel -- She i... More

Simula
FIRST UPS
KABANATA I
KABANATA II
KABANATA IV
KABANATA V
KABANATA VI
KABANATA VII
KABANATA VIII
KABANATA IX
KABANATA X
KABANATA XI
KABANATA XII
KABANATA XIII
KABANATA XIV
KABANATA XV
KABANATA XVI
KABANATA XVII
KABANATA XVIII
KABANATA XIX
KABANATA XX
KABANATA XXI
KABANATA XXII
WAKAS
-THANKS-
HELLO

KABANATA III

3.8K 157 10
By blionsky

"Paumanhin binibi ngunit sino ka? Bakit ka narito?" tanong niya. 

Sasagot na sana ako nang biglang nagsalita ang ina niya. 

"Martin.. anak." sabi ng kaniyang ina bago siya nawalan ng malay. 

"Ina!" mabilis niyang binuhat ang kaniyang ina patungo sa kalesa. Susunod sana ako kaso may kamay na humila sa may pulsuhan ko kaya napatingin ako sa kung sino ang humila sa akin. 

"Sandali! Saan mo ako dadalhin? At sino ka ba ha?" iritang sabi ko kasi naman walang pasabing nanghihila ehh. 

Binitiwan niya ako nang makarating kami sa mataong lugar. Inilibot ko ang paningin ko na hindi makapaniwala sa mga nakikita. Maliwanag ang sikat ng araw na nagbibigay sa mga tao ng komportableng pagtatrabaho. Nandito ba ako sa Intramuros? Bakit napakaluma ng mga pinaggagawa ng mga tao dito? Mula sa kasuotan, pati mga buildings? Parang mga noong sinunang panahon? Do I need to start believing that I traved back in time? Na hindi ko lang to panaginip o imagination? Na totoo ang lahat ng to? 

"Ipagpaumanhin mo binibini ang aking inasal. Ngunit wala na akong maisip na paraan upang mailigtas ka." sabi ng babaeng humila sa akin. Huh? Anong iligtas? Ano bang pinagsasabi nito? 

"Iligtas?" takang tanong ko. 

"Oo.. binibini. Nais kong iligtas ka sa kapahamakang iyon kanina. Sapagkat ikaw ay nakasaksi ng pangyayaring hindi mo dapat masaksihan. At ang higit sa lahat at ang pinakamapanganib ay pinakialaman mo ang mga bagay na may kinalaman sa Gobernador Heneral." paliwanag niya. 

"Huh? Gobernador Heneral? Sino naman yan?" tanong ko. 

"Nakakapagtaka kung bakit hindi mo kilala ang Gobernador Heneral. Siya ang may pinakamataas na katungkulan sa ating bansa. Kilala siya ng bawat Pilipino."

Teka. Ba't naging Gobernador Heneral ang may pinakamataas na katungkulan? Diba dapat ang presidente ng Pilipinas? Hindi kaya... 

"Sandali, ano na bang taon ngayon? At sino ang namumuno sa bansa?" kinakabahan ako sa magiging sagot niya. 
 
Please.... 

Please.... lang naman oohh... 

Mali naman ang iniisip ko hindi ba?? 

"Hindi man ako nakapag-aral pero batid ko naman ang mga bagay na iyan. Ang taon ngayon ay isang libo't walong daan siyamnapu. At ang kasalukuyang namumuno ay si Gobernador Heneral Santiago Martin de la Vega." sabi niya nang may malapad na ngiti. 

AAAAAAAANNNNNNNOOOOOOO??????!!!! 
HINDI YUNNN PWEDEEEEEE!!! 
Ano ba talagang nangyayari??? 
I'm out of words now!  What the.... This is crazy! Literally crazy!!! 

"Ahh... binibini, ayaos ka lang?" kahit hindi pa ako naka-recover tumango na lang ako. 

"Kung ganoon, hayaan mo akong magpakilala. Ako nga pala si Rosalina Concepción." nilahad niya ang kaniyang kamay sa akin kaya kahit ang lutang ko pa tinanggap ko na lang.. 

"Tawagin mo na lang akong Rosa. Ikaw ano ang pangalan mo binibini?" huh ako? Siyempre may pangalan ako noohh... 

"Ako naman si Brav---
Hindi ko na ituloy ang sasabihin ko kasi parang may bumulong sa akin na ang sinasabi ay
"Isabel Cruz." kaninong boses yun?  Atsaka nasaan naman siya?  Inilibot ko ang paningin ko sa paligid para hanapin ang nagsalita.

"May hinhanap ka ba?" mabilis kong hinarap si Rosa.  Nakalimutan ko pala siya. 

"Ahh.. Wala naman." sabi ko. Sino ba yung Isabel Cruz?  And what's creepy is kung sino ang nagsabi nun? 

"Ahh.. ang pangalan mo ayy... " hindi pa nga ako nakakasagot nagsalita na naman yung boses kanina. 

"Huwag mong sabihin ang totoo mong pangalan. Instead say the name of Isabel Cruz." 

 Huh? Bakit ko naman sasabihin ang pangalang Isabel Cruz ehh..hindi naman ako 'yun. Brave Anderson is my name. 

"Just do what I say! That's for the security of events." 

No way!! Naririnig mo ako? Pero paano? At sino ka ha? Maligno? Engkanto? 

"Psh.. You just look like crazy now. At nagtataka na si Rosa na kaharap mo lang."

Ano?! Aaiisshhh!!! May gana pa talagang mang-inis ha?! Oo.. Tama!! Si Rosa! 

"Ahh... ang pangalan ko ay Isabel Cruz." sabi ko. 

Hindi ko man kilala ang taong yun o kung tao ba talaga ang ugok na yun. Sa boses niya parang may parte sa akin na sumisigaw para magtiwala sa kaniya. That voice gave me hope. Hope that one of these days, everything will come to what should it be. 

--
Nandito ako ngayon sa harap ng bahay nila Rosa. Pagkatapos kasi naming magkausap kanina nalaman niyang wala akong matutuluyan and then she offered that I can stay in their house. Hindi kalakihan ang bahay nila. Yung tama lang para sa isang payak na pamilyang meron si Rosa. 

"Halika.. Tuloy ka sa aming munting tahanan. Paumanhin kung hindi kalakihan at magarbo ang aming bahay. Ito lang kasi ang aming maabot hindi yung mga naggagandahang hacienda ng mayayamang pamilya." paliwanag niya. 

Nginitian ko siya bago nagsalita, "Walang kaso sa akin yun. Ang mahalaga sa akin ay may katulad mo na handang tumulong ng mga kagaya ko kahit pa hindi mo gaanong kakilala." wow! Is this really me? That's a straight tagalog! Mukhang magkaka-nosebleed ako nito kakatagalog tapos ang lalalim pa. Hayyss. 

"Maraming salamat Isabel. Hindi ako nagkamali sa iyo, mabuti ka ngang tao." sabi niya. 

"Ina, ama,  kuya Tonyo at ate Maria.. Nandito na ako." masayang panimula ni Rosa. 

"Rosa... mabuti't narito ka na. Tamang-tama ang iyong pagdating at tayo'y kakain na." sabi naman ng isang mama sa loob. Hindi ko kasi kilala ehh... Kaya si mamang kakilala ni Rosa ang tawag ko. 

"Ahh... Kasi ama... may kasama po kasi ako..." tumingin naman si Rosa sa akin at pinapapunta ako sa kinaroroonan niya. Kaya ang si ako naman, sumunod at naglakad papalapit sa kaniya. 

Nakita ko ang pamilya ni Rosa na nakaupo sa hapag kainan nilang pamilya. 

"Ama, Ina, ito po si Isabel kaibigan ko. Nais ko po sana siyang tulungan sapagkat wala siyang matutuluyan kaya ama... maaari bang dumito muna siya habang wala pa siyang matutuluyan?" si Rosa yan habang ako nakayuko lang.. Ehh kasi naman.. Alangan namang tumingin ako sa kanila eh.. Hindi ko sila kilala. 

"Totoo ba yang sinsabi mo Rosa?" tumango naman si Rosa. 
"Aba'y mas mabuti ngang dumito muna siya. Napakadelikado para sa isang binibini na gumala-gala sa daan lalo na pagsapit ng gabi." sabi ng ama ni Rosa. 

Para namang hindi ko kayang ipangtanggol ang sarili ko!  Pulis kaya ako. Sanay humawak ng baril. Laging nakikipagpatentero kay kamatayan at lalong-lalo na sa mga kriminal.  Hayyss.. kung pwede ko lang sabihin yun. 

"Halika dito iha. Saluhan mo kami dito sa pagkain sigurado akong ika'y nagugutom na." sabi naman nung isang ale na katabi ng ama ni Rosa. Sinunod ko naman ang sinabi niya. Katabi kong umupo si Rosa habang ang katabi naman ni Rosa ay yung isa pang lalaki. 

"Ako nga pala si Emerlita ang ina ni Rosa. Tawagin mo na lang akong Lita." pakilala ng babaeng katabi ng ama ni Rosa. Okay so siya ang ina. Tapos itong dalawang natitira mga kapatid ni Rosa. Okay get it now. 

"Ahh... Kinagagalak ko pong makilala ang ina ni Rosa." I politely said. Teka tama ba ang mga sinasabi ko?  Kinagagalak? Tama ba yun? Aaiisshh...who cares?  Di naman sila nag-react nung sinabi ko yun kaya no problem. Tama yun. 

"Ahh.. Isabel.. Ito naman ang aking ama, ang pangalan niya ay si Bernardo. Ito naman ang kapatid ko, si kuya Antonio pero Tonyo ang palayaw niya. At heto naman si Ate Maria kapatid ko rin." nginingitian ko lang lahat sila kasi hindi ko alam ang sasabihin ehh.. Kaya ngitian lang yan. 

"Ate Rosa....nandirito ka na pala.. " sabi ng isang bata. Ang cute niya.. Ang sarap kurutin ng pisngi kasi ang lusog niya. Lumipat ang tingin niya sa akin at nagtaka. 

"Ate sino siya?" tanong niya. Ang cute talaga niya.. 

"Ahh.. Siya si ate Isabel, kaibigan ko siya Emman." paliwanag ni Rosa. Siguro bunso nila to.. 

"Magandang araw sa iyo ate Isabel." magiliw na bati niya sa akin. 

"Magandang araw rin sa iyo munting anghel." sagot ko ng may malapad na ngiti. 

"Isabel siya ang bunso namin, siya si Emman. Limang taong gulang pa lamang siya." si Rosa yan. Tumango lang ako bilang sagot. 

Ang dami nilang tinanong sa akin. Para akong na-hot seat ng wala sa oras kanina. Ang mga tanong lang naman ay.. 
"Ilang taon ka na Isabel?"
"Saan ka nakatira?" o di kaya'y "Nasaan ang mga magulang mo?" 
"May kasintahan ka ba dito kaya naparito ka?"
"May mga kamag-anak ka ba dito?"

Daig ko pa ang nasa isang interrogation. Ehh.. Kasi naman.. Wala akong maisagot. Wala naman akong kakilala dito dahil hindi ko rin alam kung bakit ako napunta sa panahong to. 
Tama! kailangan kong mahanap ang mga kasagutan sa mga tanong ko. Pero paano?  Kapag sinabi ko naman na nanggaling ako sa hinaharap, hindi nila ako paniniwalaan. Siguro nga iisipin pa nilang baliw ako. Paano ba 'to? 

Yung boses! Oo yung boses na nakipag-usap sa akin na isipan lang ang ginagamit. Tama. I need to find the owner of that voice. I have a strong feeling that he knows something in what's going on. 

---
Hi readers!!  Thank you for dropping by. Salamat at pinili niyo itong basahin. I hope you enjoy reading it. Salamat ulit. God bless you all!

Votes and comments are very much appreciated if there's any.

-blionsky

Continue Reading

You'll Also Like

290K 16.8K 62
"I just arrived in this world and suddenly I'm pregnant? HOW?!" -Candace Dulce ____________ Copy pasted from WRAWA so expect some errors in this stor...
71.6K 5.1K 117
Blue -Sabrina Lorraine Park *typographical and grammatical errors ahead.. Meet Blue- Sabrina Lorraine Park a highschool students full of talents,- b...
95.5K 3K 53
Synopsis "I became a character in the story where I don't even belong" Aila is a normal college teenager who once wished to exist in the fantasy wor...
39.7K 802 37
Alex, the playboy bassist of band Quintet, searching for his one true love through kiss. Mahanap kaya niya kung ang babaeng iyon ay nagtatago sa kat...