Writer's Block

By Yanalovesyouu

7M 283K 48.9K

A fantasy which seems to be more like a reality. Or a reality which seems to be more like a fantasy? Or perha... More

WB1
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 48

28.8K 1.2K 337
By Yanalovesyouu

"Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa Reyna Freya. Tungkol sa propesiya"

"Mama hindi mo ba nafi-feel na fake 'yan?" Hindi 'yan si Queen Freya, ako 'yan! Myghad this ghorl ha!" I rolled my eyes at pinagmasdan ang fake na Queen Freya kung sasagot siya.

"Ano ang tungkol dito?" Wow! Makatotohanan naman pala 'tong gawa ni Prinsesa Alexis, nagsasalita. In fairness ang galing ko pala talaga noon.

"Kailangang ialay ang buhay ng tagapagmana ng ikaapat na henerasyon, ang aking anak na si Prinsesa Alexis Queinsville upang makamtam na'tin ang kapayapaan. Iyan ang nakasulat sa propesiya, kung kaya't handa ajong makipagkasundo sa'yo para nang sa gayon ay hindi ito matuloy..." tumigil siya saglit at saka nagpatuloy.

"...handa akong gawin ang lahat para sa aking anak." It's too painful to see her like this. My heart melted in a torrent of tears trickling down my face. All I could do is cry and watch her speak. "Mama..." I whispered.

"Alexis, anak|?" Nagpalinga-linga si mama pero kahit lumingon siya sa direksiyon ko ay mukhang hindi niya ako nakita.

Narinig ba niya ako?

"Mali ang nakasulat sa propesiya Reyna Azaria." Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko nung marining ko ang sinabi ng fake Queen Freya. Maging si mama ay mabilis na lumingon sa kanya. "Mali? Paanong mali?"

Alexis! Alexis ano ba'ng nangyayari sa'yo waaa!

Hindi kaya may lason o kung anumang klase ng salamangka ang ginawa sa kanya nung nakalaban niya kanina sa paligsahan?

Hindi ko rin alam ang importante ay manumbalik ang ulurat ng mang--

"Alam niyo ang ingay niyo! Sasabihin na nung pekeng reyna kung ano ang sabi sa propesiya eh! Jusko kanino ba kayo nagmana ng kadaldalan?"

Waaa gising na siya!

Labis kaming nag-alala Alexis! Bigla ka na lamang bumagsak diyan sa hindi malamang dahilan.

Talaga ba? Basta ang alam ko bigla ko na lang nakita ang nakaraan sa pamamagitan ng panaginip. Hmm, weird.

True! Tignan mo tuloy ang kasuotan mo, basa na dahil sino ba namang matinong nilalang ang basta na lamang makakatulog sa sahig na may di kaayang-ayang amoy na tubig at mga lumot. Like duhh eeww!

Padabog kong kinamot ang ulo ko. "Ingay naman ng tatlong tutubing 'to!" Kala mo mga pretty.

Gusto kong bumalik sa pagtulog para ituloy ang panaginip ko. "Mamaya niyo na ako istorbohin okay? Kailangan kong malaman ang nangyari." Muli akong nahiga nung bigla ko ring ma-realize na nasa loob pa kami ng dungeon dahil sa isang basang sahig na hinigaan ko. "Eww!" Kadiri leste!

Eww talaga! Mahiga ka ba naman diyan sa sahig na may maruming tubig. Daig mo pa ang isang hampaslupa.

Pinaningkitan ko ng mga mata 'yung rakistang ipis. "Gusto mo lunurin kita dito ha?" I asked sarcastically.

Kahit wala akong ilong at bibig?!

Aba't talagang sumasagot pa.

"Mutatio vestimenta sua." I whispered as I stood up. Mukha nga akong hampaslupa sa itsura ko kanina. I'm now wearing a black long-sleeve cocktail dress. Syempre dapat pretty ako today dahil magkikita kami ng future mother-in-law ko hehe.

When we started walking, napaisip ulit ako sa mga nakita ko sa panaginip. Sobrang weird lang kasi, alam naman ni Prinsesa Alexis na maaaring pagbintangan si mama na pumatay kay Queen Freya, pero tinuloy pa rin niya ang plano niya.

"So bakit?" I asked myself.

Bakit ano, Alexis?

Sino ang kausap mo? Luhh may nakikita ka bang hindi namin nakikita mangmang?

Hindi kaya nahihibang na si Alexis? Napapadalas ang pagsasalita niya ng mag-isa. Nakakapag-alala na.

Hindi ko na pinansin ang tatlong lnggam dahil baka hindi ako makapag-pigil sa kanila ma-caldereta ko sila.

"Isang kahilingan lamang mahal na Prinsesa Alexis." Pinagmasdan ko ang higanteng pamilyar sa akin.

Hindi ako maaaring magkamali, si Djinn.

Mabilis kong nilingon si Prinsesa Alexis.

Tama, the reason why my wish wasn't granted ay dahil nakahiling na siya before. Now, I'm curious about what she wished for.

Ngumiti ng mapait si Prinsesa Alexis at saka lumingon sa gawi ko.

"Sa oras na mawalan ako ng ala-ala, kamatayan para sa sinumang nilalang na magtatangkang magsalaysay sa akin ng mga nangyari." Nanlaki bigla ang aking mga mata. Hayp! Kaya naman pala walang magtangka sa akin na magsabi ng mga nangyari noon.

"Bakit ba ayaw mong malaman ko ang mga nangyari?" Bakit ba ayaw ko? Bakit ayaw nung dating ako?

Lumingon siya muli sa akin. "Kapag sinabi ko sa iyo ang dahilan, para ko na ring sinayang lahat ng pinaghirapan at sinakripisyo ko."

Nakakainis! "Pero paano ko maiintindihan kung hindi ko alam kung ano 'yung dapat kong intindihin?"

"Kung may isang nilalang ka na dapat pagkatiwalaan, iyon ay ako. Ang sarili mo. At kung may isang nilalang kang dapat higitan, iyon ay walang iba kundi ako."

Hindi ko nasagot ang mga sinabi niya dahil nagsalita ang higanteng si Djinn. "Matutupad ang iyong kahilingan mahal na Prinsesa Alexis. Sa hinahanap, ang sinumang magtatangkang magsalaysay sa iyo ng mga kaganapan ngayon at ng mga magaganap pa hanggang sa ikaw ay mawalan ng ala-ala ay mamamatay."

Kumumpas ng kamay si Djinn kaya pinigilan ko ito. "Saglit" kumunot ang noo nito habang titig na titig sa akin. It's obvious na nakikita niya na rin ako. "Mahal na Prinsesa Alexis?" Lumingon siya kay Prinsesa Alexis, at saka muli lumingon sa akin.

"Tama, ako si Prinsesa Alexis. At nais kong baguhin ang aking kahilingan. Pwede pa naman diba?"

"Hindi ko na maaaring ibahin ang kahilingan, ngunit maaari ko pa rin itong i-rebisa dahil hindi ko pa naisasagawa ang buong ritwal."

Nice! "Sa oras na mawalan ako ng ala-ala, kamatayan para sa sinumang nilalang na magtatangkang magsalaysay sa akin ng mga nangyari, dahil unti-unti ring babalik ang aking ala-ala."

"Masusunod po, Mahal na Prinsesa Alexis."

"Hindi maaari! Ang naunang kahilingan ko ang iyong tuparin." Mabilis akong lumingon kay Prinsesa Alexis. Maging si Djinn ay mabilis din siyang nilingon dahil ramdam ang awtoridad sa pananalita nito.

"Tu non suscipies vocem verbum" Kasunod ng mga binitiwan niyang spell ay ang pagkawala ng kakayanan kong magsalita. Letse!

Muli siyang nagsalita habang naglalakad ng marahan palapit sa akin. You can see through her eyes how powerful she really is. "Hindi ka maaaring magpabigla-bigla ng desisyon mo Alexis. Tandaan mo, nakasalalay sa iyong mga kamay hindi lang ang sarili mong buhay kundi maging ang buhay ng milyung-milyong nilalang na nandirito sa kabilang mundo. Lahat sila ay walang ibang ninanais kung hindi ang mabuhay ng matiwasay. Bilang prinsesa at kaisa-isang tagapagmana ng ikaapat na henerasyon, huwag mong sirain ang mga ito dahil lang sa kasakiman." That hit me. Suddenly, I find myself crying, kahit hindi ako makapagsalita.

"May tiwala ako sa'yo. Dahil higit kaninuman, ako ang mas nakakakilala sa sarili ko. Alam ko kung gaano mo kagusto malaman ang mga nangyari. Kung gaano ka kapursigido alamin kung ano ang dahilan at bakit mo nagawa ang mga gagawin ko. Ako na mismo ang sasagot ng mga katanungan na iyan."

Lumapit pa siya sa akin at saka tumitig sa mga mata ko. "Bilang isang prinsesa at tagapagmana ng ikaapat na henerasyon, kailangang protektahan ko ang buong kaharian sampu ng mga nasasakupan nito."

Unti-unti ay naramdaman ko ang panunumbalik ng kakayanan kong magsalita. Kung totoo nga ang sinasabi niya sa'kin na dahilan, bakit? "Kahit ganoon ka nila kung tratuhin? Kahit kitang-kita ko kung paano ka nila pag-tsismisan at i-down? 'Yun ba? 'Yun ba 'yung mga nilalang na gusto mong protektahan?" Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko dahil naiinis ako.

She smiled at me. "Maaaring tama ka. May mga hindi pagkakaintindihan ang mga nilalang dito sa kabilang mundo. Ngunit tulad mo, nasasabi lamang nila ang mga ito at nagagawa dahil hindi nila alam ang totoong mga ganap. Hindi nila batid kung ano ang layunin iba, tulad ko."

"Nakita ko kung paano ka nila laitin, at tama ka. Higit kaninuman, ikaw ang mas nakakakilala sa akin, and so do I. Higit kaninuman, ako rin ang mas nakakakilala sa'yo. Kaya tigilan mo mga sinasabi mo sa'kin. Alam kong nainis ka sa mga ginawa sa'yo ng mga nilalang na iyon."

"Lanuae Magicae"

In just a snap of her finger, a mist seems to surround us from nowhere. The lighting changes softly but abruptly in only a couple of seconds. We are now both standing on top of a tower. Ito 'yung unang lugar sa panaginip ko kung saan ko siya nakitang nakatayo. Lumapit ako sa kinaroroonan niya at pinagmasdan ang mga nilalang sa ibaba ng tower.

"Maaaring tama ka, may mga pagkakataong hindi ko ikinatutuwa ang mga sinasabi patungkol sa akin ng ibang mga nilalang. Lalong-lalo na ang may mga katungkulan sa palasyo." I shifted my glance at her. Nakatitig pa rin siya sa mga nilalang na nasa ibaba. "Ngunit hindi ibig sabihin nun ay magbabago ako para sa kanila. Hindi rin ibig sabihin nun babaguhin ko ang pananaw at layunin ko." I saw a bitter smile drawn on her face.

"Hindi mo kailangan alamin ang lahat ng nangyari para malaman kung ano ang gusto mo, Alexis." She placed her right hand on my chest. "Alam mo sa sarili mo kung ano ang nais mo. Huwag mong ulitin ang pagkakamaling nagawa ko."

WIth that, kumunot ang noo ko. "Anong pagkakamali?"

ALEXISSSS

Hala hindi kaya pumanaw na siya?

Ayan mukhang nagising na muli siya.

"Ano ba! Kanina pa kayo ah." Hayp na 'yan! Kausap ko pa si Prinsesa Alexis eh. Ang dami kong gustong malaman. "Ahhhh nakakainis!" She has a point, hindi ko na siguro dapat alamin kung anuman ang nangyari noon. Pero pakshet! Hindi ako mapakali eh.

Pero tama siya. I should trust her, not because she asked me to, but because she's me. And I have to trust myself.

Alexis ayos ka lang ba?

Lumingon ako sa tatlong kiti-kiti. They're all looking at me innocently kahit alam kong nilalait nila nila ako sa mga isipan nila sa mga oras na 'to. "Tara na" Nakangiting pag-aaya ko.

Daig ko pa ang nagmuni-muni at nagkaroon ng self-realization. Ikaw ba naman makausap mo ang past self mo, tignan na'tin kung ano ang sasabihin niya sa'yo.

Muli kaming nagpatuloy sa paglalakad, wala akong imik habang ang tatlong butiki ay tuloy sa pag-daldal hanggang sa makarating kami sa palapag kung saan naroon si Reyna Freya.

"Nagbalik ka aking prinsesa" Mula dito sa kinaroroonan namin ay tanging mga nanlilisik na mga pulang mata lamang ang nakikita namin.

I chuckled dahil natahimik 'yung tatlong butete. "Ano kayo ngayon? Bakit ayaw niyo magsalita?"

OMG galit siya Alexis, tignan mo ang mga mata niya.

Tama! Nakakatakot siyang tumingin. Pulang-pula ang mga mata niya. Siguro gusto niya tayo kainin.

Isa ba siyang salamangkera o bampira?

Sa tingin ko'y kampon din siya ng kadiliman.

Huwaaaa nakakatakot. Mukha siyang makapangyarihan, maaari niya tayong paslangin.

O baka naman mag-kasabwat sila ni Alexis tapos may pina-plano silang masama sa atin huhuhu

"Good evening, Reyna Freya." masayang bati ko sakanya.

Unti-unti siyang naglalakad papunta sa kinaroroonan namin habang pilit kong inaaninag ang mukha niya. I really can't tell if she's smiling or what. Para kasing ang sama ng mga tingin niya pero half smiling.

Huwaaaa tinawag siya ni Alexis na Reyna Freya. Hindi ba iyon ang reyna ng kadiliman?

Waaa sabi ko na masama siyang nilalang eh.

Bakit ba kinakarir mo ang makikipag-kaibigan sa mga masasamang nilalang?

Mabilis na lumipad papunta sa likuran ko ang tatlong hamster.

Alexis kahit ano'ng mangyari mangako ka, huwag na huwag mo kaming ibibigay sa kanya.

Ano kaya kung hintayin na lamang na'tin si Alexis sa baba?

HIndi maaari, paano kung may gawin siyang masama kay Alexis?

Wow! Concern. Pero ang OA naman nitong tatlong paniki ha. Hindi ko alam tuloy kung matatawa ako sa kanila o ano eh. "Ano ba kayo, mabait 'yan! Friends kami niyan. Umm.. Reyna Freya, ito nga po pala ang--teka nasaan na ang mga 'yun? Kanina lang nasa likod ko sila eh." Hays mga siraulo talaga bigla nalang nawala.

I shifted my gaze at her hanggang sa unti-unti akong nakaramdam ng antok.

I slowly opened my eyes. In front of me is a caldron filled with a steaming potion with a lot of messes, spilled potions and some burnt stuff on the table. And based on how it looks, it seems that she had enough trial and errors.

"Hmm" a voice of a little girl captured my attention.

Napangiti ako nung makita ko kung sino ang may gawa ng ito. Kung iba-base ko sa itsura niya ang edad niya, siguro ay nasa labing tatlong taong gulang lamang siya "Prinsesa Alexis." I whispered without breaking my smile. Lumingon siya sa akin at saka ngumiti. "Alam mo masaya ako ngayon." Hindi man lang ba siya nagulat kung sino ako?

"Talaga? Bakit naman?" Komportableng sagot ko. I looked around and saw a wooden chair kaya agad akong lumapit dito at saka umupo. "Kasi natapos ko na 'yung ginagawa kong potion kagabi pa," Kinuha niya iyong maliit na bangkito at saka lumapit sa lamesa at tumungtong dito. Ang cute ko!

"Para saan ba 'yan?" Usisa ko.

"Para ito sa Inang Reyna Azaria." Sagot naman niya habang isinasalin ang kulay asul na likido sa isang maliit na bote.

"Prinsesa Alexis nandito po ba kayo?" Sabay kaming nakarinig ng boses ng mga babaeng parating.

"Sino 'yung mga 'yun?" tanong ko.

"Sshh mga tagasilbi sila dito sa palasyo" She gestured her hand to be quiet and gazed into the door before jumping off the little chair, holding the bottle of potion. "Fac omnis invisibilia" Kasunod ng mga binitawan niyang salita ay ang paglalaho ng lahat ng nasa loob ng kwartong kinaroroonan namin, maging ang batang Prinsesa Alexis and even myself turned invisible. Wow!

"Prinsesa Alexis?" Bumukas ang pinto pero napakamot ng ulo ang dalawang babae na pumasok nung wala silang makitang kahit ano."Doon tayo sa hardin, baka doon nagtungo ang prinsesa," suhestiyon nung isa.

We both chuckled nung makaalis ang dalawa.

"Lanuae Magicae" Wika ko, as I snapped my finger. "Explico" she mumbled at saka tumakbo sa marangyang kama na nasa harap namin. "Paano mo nalaman 'yun?" tanong niya sa akin.

"Yung teleport spell ba?" Tanong ko sa kanya na mukhang sabik na sabik na naghihintay ng sagot ko. "Bakit naman hindi?" Tanong ko para lalo siyang magtakha. Ang cute niya! Feeling ko tuloy ibang bata ang kausap ko. "Hindi ko pa kasi naisusulat ang salamangkang 'yan sa aking aklat kaya nakakapagtakha kung paano mo nalaman. Sa palagay ko ikaw ay isang mahusay na salamangkera" Natawa ako sa sinabi niya. Bumaba siya sa kama at saka tumakbo sa isang pagkalaki-laking bookshelf. Naglalaman ito ng iba't-ibang uri ng libro.

"Ikaw ba ang may gawa ng lahat ng 'yan?" Tanong ko sa kanya.

"Tayo" sagot niya at ngumiti sa akin pagkakuha niya ng isang libro. "Alam mo na?" Alam na ba niya na ako ang future version niya? "Oo" she chuckled. Ano pa nga ba ang ie-expect ko sa isang batang Ultimate Magus?

Iniabot niya sa'kin ang libro na hawak niya.

"Book of Spells" Ito 'yung nakita ko dun sa bahay nung mukhang nakakatakot na mangkukulam na si Gynweilla.

"Ito ang isa sa mga aklat na ginawa ko, gusto mo ba ng sariling kopya?" Kinuha ko mula sa kamay niya ang aklat saka tinignan ang mga pahina. May mga nakasulat. Unlike doon sa libro na nasa bahay nung mangkukulam.

Binalik ko ang tingin sa batang Alexis. Ang inosente niyang tignan, hindi mo aakalain na sobra siyang makapangyarihan. "Yung ginawa mong potion, aanhin ni mama iyon?" Tanong ko nung maalala ko ang potion. "Para sa Inang Reyna, mayroon kasi siyang malubhang karamdaman." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Ano'ng sakit niya?"

"Nilalason siya ng mga nilalang na pinagkakatiwalaan niya. Ngunit hindi ko maaaring sabihin iyon sa kanya, kaya gumawa ako nito." Iniabot niya sakin ang bote na dinukot niya mula sa maliit na pouch na nakasabit sa kamay niya.

"Sino ang gumagawa niyon kay mama?"

"Sasabihin ko sa iyo sa isang kondisyon" ngumiti siya sa akin pagkalapad-lapad kaya sinimangutan ko siya. "Kotongan kaya kitang bata ka" Kalma Alexis, tandaan mo, old self mo 'yan.

-

Hindi ko alam kung ilang oras 'tong ginawa namin. Ang totoo niyan, hindi ko alam kung ano itong ginagawa namin. Parang gago din naman kasing kausap 'tong batang Alexis.

Pinagmasdan ko ang dalawang bote na nasa harap ko ngayon. Ang isa ay may lamang kulay pulang likido. And the other one is green.

"Nakasisiguro ako na magagamit mo ito." Iniabot niya sa akin ang isang maliit na pouch saka inilagay ang dalawang maliit na bote.

"Sa oras na magkaroon ng banta sa buhay ng ating ina, magagamit mo ang pulang likido upang ma-preserba ang kanyang katawan. Ang kulay lumot na likido naman ay upang makalimot ang isang nilalang sa isang partikular na pangyayari" Para akong bata na pinagmamasdan siya habang sinasabi sa'kin kung para saan 'yung mga potions na ginawa namin.

"Labis akong namamangha sa iyo dahil kaya mong maglakbay sa iba't-ibang panahon." Wow time traveler pala ang peg ko? Pero oo nga 'no? "Kung kaya't nakakatiyak akong kakailanganin mo ito sa hinaharap"

"Pero going back, hindi mo pa sinasagot ang tanong ko." Tumigil ako saglit. "Sino ang lumalason kay mama?" Tanong ko.

Habang tinititigan ko ang batang Alexis ay nararamdaman ko rin ang disappointment sa mga mata niya. "Si Reyna Freya"

"Aking prinsesa" nagising ako mula sa pagkakahimbing ko nung makarinig ako ng tinig ng isang babae. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko and saw a pair of red eyes staring back at me. "Reyna Freya"

Continue Reading

You'll Also Like

32.4M 1M 97
She can see the future, her name is Jill Morie. They are Peculiars, they exist. And this is their tale. ***** Jill Morie, the girl who can see the...
31.4M 534K 55
Have you ever had sex with a complete stranger? What if you did? What are you going to do if you had sex with a stranger? Yung tipong kahit itsura ni...
1.9M 68.4K 51
A school where different kinds of vampires such as pure bloods, noble vampires and hybrids study and train to be a true vampire. It all started with...