GENERAL'S PROVERBS
MALACAÑANG PALACE
Tinipon ni Agatha ang lahat ng kanyang mga kawal at mga tauhan para gagawin ang kanilang plano na bihagin ang mga tao na hindi nagbibigay ng katapatan sa kanila wala silang kaalam-alam na naunahan na pala sila ng mga diwata pagkat nakalikas na ito dalawang araw na ang nakalipas.
AGATHA:Libutin ninyo ang bawat sulok ng lugar na ito titiyakin ninyo na wala kayong pagkakataon na papalagpasin kung may manlaban man mapabata o matanda paslangin niyo hangga't maari!
MGA KAWAL AT TAUHAN:Masusunod Hara!
Saka nagmartsa ang mga kawal ang mga tauhan kasama ng mga Mashna naisipan ni Andora at Marcelo na hatiin sa labingdalawang hanay ang mga kawal upang maging mas madali ang kanilang gawain na maghanap ng mga bibihagin ngunit sa kanilang ilang oras ng paglilibot ay wala silang napala pagkat ang bawat lugar na kanilang napuntahan ay wala ng tao dahil nakalikas na.
ANDORA:Tanakreshna!nasaan na ang mga tao?!
MARCELO:Hindi kaya tinago ng mga diwata?kaya mabuti pang puntahan natin sila sa kanilang tahanan.
ANDORA:Huwag tayong padalos-dalos Mashna baka magagalit ang ating Hara mabuti pang bumalik nalang tayo sa palasyo.
Tumango naman si Marcelo bilang pag-sangayon saka sila nag-ivictus kasama ang mga kawal.
SA ELEMENTIA
KAHARIAN NG CELESTIA
Nasa gitna ng pagpupulong ngayon ang mga pinuno ng apat ng kaharian upang pag-usapan kung paano lulutasin ang problemang naganap sa kanilang mundo pagkat nasakop na ng mga halimaw ang halos kalahati ng Elementia.
LIAM:Bilang Hari ng Celestia ay binubuksan ko na ang pagpupulong na ito.
JACINTHA:Salamat sa pagbubukas mo sa ating pagupulong Haring Liam,batid na natin na nasakop na mga halimaw ang halos kahalahati ng ating mundo ang pag-uusapan natin kung ano ang ating plano para puksain ang mga ito.
LUCAS:Maari naman natin silang sugurin sa kanilang pugad,ngunit sa ngayon ay aalamin muna natin kung saan ang pugad ng mga iyon.
AVA:Magandang ideya iyan ngunit kailangan nating pag-aralan ang kanilang mga galawan upang malaman natin kung paano natin sila lalabanan.
LIAM:Kailangan din natin magplano kung paano natin sila susugurin,kaya ngayong gabi ay simulan na nating maghanap sa kanilang pugad kasama ang ilang mga kawal.
TARIQUE:Oo,ang pinagtataka ko lang ay kung saan nanggaling ang mga iyon na bigla nalang sumusulpot dito.
OTIS:Iyan nga din ang pinagtataka ko,ngunit may sapantaha ako na ang mga nilalang na ito ay maaring mga alagad ni Lucio.
KEVA:Maari nga iyon pagkat wala tayong ibang kalaban kundi si Lucio alam namin natin na may kakayahan siyang lumikha nga nilalang.
AMELIA:Kung si Lucio man iyon ay natitiyak kong nilikha niya ang mga halimaw na iyon upang makaganti sa atin.
JACINTHA:Parang ganon na nga atin nalang ay ihanda natin ang ating mga sarili,bago pa isara ang pagpupulong na ito may nais pa ba kayong itanong o idagdag sa plano?
AVA:Siya nga pala sa ating paghahanap ay hahatiin natin ang ating hanay sa apat kami ni Lucas sa timog,Keva at Otis sa silangan,Tarique at Amelia sa hilaga,habang si Jacintha at Liam ay sa kanluran.
LIAM:Masusunod Mahal na Reyna bukod dito wala na kayong idadagdag pa?
OTIS:Wala na
LIAM:Kung ganon ay bilang Hari ng Celestia ay isasara ko na ang pagpupulong na ito!
Pagkatapos ng pagpupulong ay bumalik na sa kanilang kaharian ang ibang mga pinuno upang maghanda para sa paghahanap sa pugad ng mga halimaw.
SA ENCANTADIA KAHARIAN NG LIREO
MINEA'S PROVERBS
Nasa silid pulungan kami ngayon pinanood ang mga kaganapan sa labas ng Encantadia nakita namin na nagtungo sa palasyo ang aking mga anak kasama si Cassiopea nakita namin ang paglapit ni Pirena at Danaya kay Berto hanggang sa labanan na nagaganap.
MINEA:Patnubayan nawa sila ng ating Bathala.
NUNONG IMAW:Natitiyak akong hindi sila pababayaan ni Emre Hara.
RAQUIM:Tama si Nunong Imaw,kung magkagulo man nandito tayo para tulungan sila.
MINEA:Avisala sa pagpapagaan niyo sa aking loob,malakas ang aking kutob na guguluhin ni Agatha ang panig nila Alena at mga mortal na prinotektahan nila at aabot sa punto na mapipilitan ang aking mga anak na kumampi sa mga kaaway para sa ikabubuti ng lahat, na naway hindi mangyayari.
RAQUIM:Matatag ang loob ng magkakapatid Hara at gagawin nila ang lahat upang malagpasan ang pagsubok na ito sa gabay ni Emre.
NUNONG IMAW:Kaya manalig lang tayo hara.
MINEA:Oo manalig lang tayo.
SA FORBES TAHANAN NG MGA DIWATA
GENERAL' PROVERBS
Nanatili pa rin sa board room sina Azulan,Ybrahim,Memfes,at Aquil upang pag-usapan ang tungkol sa bagong project na pinag-usapan nila bago natapos ang kanilang meeting.
YBRAHIM:Shall we still go for the new project?dahil kung itutuloy natin iyan ngayon ay may posibility na e sabotage iyon ng mga kalaban natin sa negosyo alam naman natin na halos lahat ng malalaking tao dito sa Pilipinas ay kumakampi na sa mga kalaban at hindi natin alam kung kailan magiging okay ang lahat.
AQUIL:May possibility din na malalaman nila ang ating plans para sa ating negosyo at maari nila iyong sirain.
AZULAN:Take it easy man,oo mas marami sila sa atin pero mas marami tayong connection kaysa kanila,hindi naman ito malalaman ng mga competitors natin liban siguro kung may magtataksil sa board members natin.
MEMFES:Tama si Azulan kaya huwag na kayong negative Aquil and Ybrahim ang isipin nalang natin na ang new project na sinabi ng mga business partners natin ay malaking tulong para sa company natin,and e push through pa rin natin iyon pero saka ng magiging okay na ang lahat.
Pagkatapos mag-usap ng mga Rama,Mashna,at Rehav ay lumabas na sila sa function room ilang sandali lang ay dumating na ang magkakapatid na Sanggre at Cassiopea sinalubong agad nila Aquil,Azulan,at Ybrahim ang kanilang mga asawa habang si Memfes ay ang kanyang katipan na si Alen saka dumeretso sila sa sala
AZULAN:Avisala eshma na ligtas kayo,kumusta na ang paghahanap niyo ng batyaw?
PIRENA:Si Berto ang naisipan namin maging mata at tenga natin,hindi pa man siya pumapayag ngunit natitiyak akong papayag iyon.
YBRAHIM:Mabuti naman kung ganon ang susunod nating aalamin ay ang susunod na galaw ng mga kalaban.
CASSIOPEA:Kung malalaman nila Ether na inilikas na natin ang mga tao ay natitiyak akong magtutungo sila dito upang alamin kung saan natin itinago ang mga mamamayan.
ALENA:Kung magtutungo sila ay lalansihin natin sila Ether sasabihin natin na nasa Albay natin inilikas ang mga tao.
CASSIOPEA:Magandang plano iyon Hara ngunit nais kong ako mismo ang magsabi pagkat may kakayahang makakita ang aking kapatid kung nagsisinungaling ang isang nilalang.
ALENA:Kung iyan ang iyong nais Bathaluman.
Ilang sandali lang ay dumating na din si Mira,Angelo,Lira,at Paopao.
DANAYA:Mabuti na nakabalik na kayo,kumusta ang inyong paghatid nila Dasha?
LIRA:Mabuti naman po Ashti,alam niyo miss na miss na nila kayo.
MEMFES:Ganon nga din kami nanabik na rin sa kanila.
AQUIL:Wala bang nagagalit o kaya nagtatampo sa kanila dahil halos isang linggo na kami di nagkita at walang komunikasyon.
MIRA:Wala naman po Aldo nauunawaan naman nila ang sitwasyon.
AQUIL:Mabuti naman kung ganon.
ENCANTADIA SA DEVAS
EMRE'S PROVERBS
Hindi na maaring maghari pa ang kasamaan tama na ang nangyari dati na sinakop ng kadiliman ang buong Encantadia hindi ko hahayaan na mangyari ito sa labas ng Encantadia pinakita sa akin ni Evades ang mga susunod na kaganapan na may mas malakas na kalaban na darating at ang limang brilyante ng kalikasan ay hindi magiging sapat upang talunin ang nilalang na ito kailanganin ng mas malakas ng pwersa kaya naisipan kong lumikha ng panibagong brilyante na mas malakas pa kaysa limang brilyante ng kalikasan.
EVADES:Magandang ideya iyan Bathala,ngunit nagtataka ako kung sino ang mga mangangalaga niyan.
EMRE:Nakatatakda na sa propesiya na ang mga itinakda ang mangangalaga nito walang iba kundi ang mga anak ng mga Sanggre,ngunit bago pa nila ito mahahawakan ay kailangan muna nila magakaroon ng katangian ng tagapangalaga.
EVADES:Ang ibig mo bang sabihin na kailangan muna silang sanayin?
EMRE:Oo,Menantre kailangan muna silang magsanay kaya ipagkakatiwala ko muna ang brilyanteng ito sa aking anak nais kong si Angelo mismo ang magsanay sa kanila.
EVADES:Mas maganda siguro kung dito mismo sila magsanay sa Encantadia pagkat wala ng mga kalaban dito.
EMRE:Iyon na nga ang naisip ko,ngunit hindi sa isla ni Cassiopea pagkat maari itong matunton ng mga kalaban di ko nanaisin na mangyari pa iyong nangyari nung nakaraan nais ko na sa bagon kaharian sila magsasanay.
Bagong kalaban?Makakaya kaya itong labanan ng mga diwata?
ABANGAN SA SUSUNOD NA KABANATA..