How To Make A Serial Killer

By Serialsleeper

694K 47.2K 40K

Crime and murder podcaster Wren Lozarte is desperate to earn money for her ailing uncle so she accepts a stra... More

special announcement
note
how to make a serial killer
|o1 : The offer she couldn't refuse |
|o2 : The Fearmonger Project |
|o3 : The Brains |
| o5 : Breadcrumbs |
| o6 : Fluke |
| o7 : Creation |
| o8 : Believe me |
| o9 : Among us |
| 1o : Scarlet |
| 11 : Freak Out |
| 12 : What's your sin? |
| 13 : Heartbreaker |
| 14 : Hunter Hunted |
| 15 : Wicked Intentions |
| 16 : Hero |
| 17 : The rope that binds us |
| 18 : Surrender |
| 19 : Guilty |
| 2o : Oh crap |
| 21 : Same feathers |
| 22 : Scandal |
| 23 : Snitch |
| 24 : Good Girl |
| 25 : Dead |
| 26 : Promise |
| 27 : Next |
| 28 : Happy Birthday, Wren |
| 29 : Reckoning |
| 30 : The Ringleader |
| 31 : Judgment Night |
| 32: Run like hell |
| 33 : The Aftermath |
| 34 : The Truth Underneath |
| 35 : Mother |
| 36 : Home |
| 37 : The Good Son |
| 38 : Cruel |
| 39 : Redemption |
| 40 : Lozarte |
epilogue

| o4 : If I were you |

21.1K 1.2K 1.3K
By Serialsleeper


----- CHAPTER o4 -----


"Elianna, saan galing 'to?!" gulat na bulalas ni Tito Maynard nang makita ang pera sa loob ng sobreng iniabot ko sa kanya. Sa sobrang gulat, natawag niya pa ako sa una kong pangalan.

"It's from a new sponsor of my podcast." I smiled at him reassuringly. If liars do go to hell, I sure am toast. Fuck yeah.

Tito Maynard placed his hand above his stubbled jaw. He shook his head, eyes beginning to water. "I can't accept this. Pinaghirapan mo 'to."

I chuckled, trying to ease the mood in the air. "Tito naman, para naman tayong hindi pamilya niyan. Besides, I'm no longer a little kid. I can help you now."

Tito looked up and sighed. I smiled when he nodded.

"Thank you, Wren," he said quite tearfully.

"No. Thank you, Tito," giit ko. "You sacrificed so much for this family already. It's time for me to help."

Lumapit sa akin si Tito at binalot ako sa isang yakap. I'm not a fan of hugs or anything mushy, but I'll take what I can get, especially when it's from family.

***

Nakatoka ulit ako sa counter ng hardware nang mamataan ko ang pagpasok ni Stu suot ang kanyang kulay asul na police uniform. Come to think of it, he looks pretty buff and neat in his uniform. Hindi ko masyadong napansin ang tangkad at tindig niya noong nakaraang araw.

Puberty hit him like a firetruck.

"The hell are you doing here, Popo?" pabiro akong umingos.

"Wren." He smiled and scratched the tip of his eyebrow. "May ipapakiusap lang sana ako."

"Kung uutang ka, wala kang mapapala dahil gipit—"

"'Wag mo sanang sasabihin kay Bailey ang tungkol sa Project."

"Dude, we signed a non-disclosure agreement. Of course, I'm not going to tell your sister," giit ko. "You better not tell my uncle as well."

He pursed his lips and raised both of his hands, gesturing that I won't have a problem with him.

"The things we do for money. Tsk-tsk." Napailing-iling ako sabay ngisi. "Must be tough for you, huh? Considering the badge and all. Serve and protect, not scare people just to sell stuff."

"Kung hindi ko lang talaga kailangan." Marahas siyang bumuntonghininga at sumandal sa counter. This project must be taking a toll on him. Poor Popo.

I patted his shoulder. "Don't worry, Stuart Little. There are thousands of Dirtier Popos in the country."

Nilingon niya ako at pinaningkitan ng mga mata. Pikon.

"Balik ka na nga lang doon sa station. Dinistorbo mo pa ako." I snarked and rolled my eyes.

"Oo na." Umingos siya at nagkamot ng ulo, dahilan para matawa ako.

Funny how the other day siya ang nang-iinis sa akin, tapos ngayon ay ako naman.

Nang makaalis si Stu ay naisipan kong sumilip sa private messaging application na gawa mismo ng Tramwell Industries. Wala pa namang tao sa counter so I might as well make the most out of my time.


11:13 AM

Kenzo:

Tahimik naman

Ashton:

Edi mag-ingay ka

Kenzo:

Hahahaha

Julian:

Ito 'yung inaaway na pero tatawa pa rin

Ashton:

Tapos sa isip niya pinapatay na pala ako

Kenzo:

Hindi naman ako ganyan hahahaha

Julian:

Most villains act nice at first

Ashton:

word

1:56 PM

Zambrano:

Tuloy na ba tayo mamayang gabi?

Herbert:

Sandali lang di ko pa tapos ang maskara

Bart:

You can't rush perfection

nag-iisip nga din ako paano itatakas 'tong paa ng bangkay

Lindsey:

What the fuck?????

Bart:

Hindi mo ba pinanood ang video ng usapan nila kagabi?

Lindsey:

Mahina internet hehe

Zambrano:

How about the costume?

Jasmine:

Going to thrift later

Zambrano:

Don't forget the precautionary measures. The clothes must not be too distinct

otherwise, it's going to be traceable

Jasmine:

i know

sino nga pala ang actor? i need him for the fitting

Levi:

Ne Eomma


Natawa ako sa reply ni Levi. Adik yata sa Kdrama ang isang 'to. Hindi ko inaasahang sa kanya pa talaga ito manggagaling dahil mukha siyang mahinhin na church boy. At mas lalong hindi ko inaasahan na siya ang gaganap na serial killer namin.


Micky:

Kdrama pa sige

Ashton:

Alis na tayo, nandito na si Micky

Micky:

Isang daang pakyu sa 'yo

Ashton:

Dalawang daang pakyu too

Zambrano:

Idiots

Wren:

Tatlong daang pakyu sa inyo

Julian:

Sinasabi ko na nga ba't lalabas ka kapag gaguhan na ang usapan

Wren:

you know me so well

Bart:

Ayos din 'tong app nina Sir Andros, gumagana rin kahit free data

parang fb messenger lang din

Ashton:

Galing kasi ng Tramwell Industries

*coughs* taas sahod

Kenzo:

Nandito na yata ang lahat except do'n sa pulis

Wren:

Stu's at work

Bart:

Ay, may boyfriend na pala tong si Ms. Milkshake :(

Wren:

Gusto mo talagang makurot ang man boobs mo, meow???

Ashton:

Uy sexual harassment!!!

Bart:

ITS BARTHOLOMEW!!! WALANG O!!!

Lindsey:

I really thought may o

ang cute

Zambrano:

Everyone, make sure you have all watched our conversation last night

Sir Andros recorded it for all of you to watch, so you better not show it to anyone outside the group

Wren, remind Stuart to watch it

Julian:

Who made you the leader, Zambrano?

Zambrano:

I'm the only sane one in here

we don't have any other choice

Ashton:

Grabe, nanonood ka naman paps

Julian:

Fair point

Lindsey:

Can't watch the video huhu free data here

Ashton:

Gusto mo ng load?

Lindsey:

Yes please

Ashton:

How much do you need?

Lindsey:

100 para pang 1 week na hihihi

Uy dumating na!

Bilis naman!

Thank you!!!

Ashton:

Pay me 120 tomorrow. Dagdag 10 pesos na interest sa bawat araw

Zambrano:

Wtf

Ashton:

May sinabi ba akong libre?

Lindsey:

Isang milyong pakyu sa 'yo

***

Absent ang teacher ko para sa 7 – 8 PM class ko kaya naman lumabas na lang muna ako ng classrom at naglakad-lakad. Sobrang sarap ng simoy ng hangin sa paligid. Medyo nilalamig na rin ako kaya sinuot ko na ang jacket ko.

"Huli ka, siraulo!"

Napatalon ako sa gulat nang bigla na lamang sumulpot sa harapan ko si Meow. Tawang-tawa siya dahil sa naging reaksyon ko kaya naman hinubad ko ang backpack kong gagamitin sanang panghampas sa kanya, kaso bigla siyang tumakbo kaya napahabol ako nang wala sa oras.

"Habol!" mapang-asar na sigaw ni Meow. For a chubby dude, he sure runs pretty fast. O sadyang mabagal lang ba talaga akong tumakbo? Fuck. I have to work on my cardio.

"Humanda ka sa aking pusa ka!" sigaw ko habang hinahabol ko siya at pilit na pinapatamaan ng backpack na ipinapalo ko sa kanyang direksyon.

Para kaming mga tangang paikot-ikot sa malaking fountain na nasa gitna ng campus grounds. Nakaramdam na rin ako ng pagod kaya naman naupo ako sa maliit na haligi ng fountain, hinahabol ang hininga ko.

Hindi ko napigilang lumingon sa may kalakihang fountain. Sa tuktok nito ay ang rebulto ng isang batang nagpapalipad ng isang kalapati — lumalabas mula sa bibig ng ibon ang tubig na dumadaloy sa kabuuan ng fountain. Sobrang sarap nitong pagmasdan lalo na't may mga makukulay na ilaw sa ilalim ng tubig.

"Paliguan na ang walang ligo!"

Napasigaw ako sa gulat nang bigla na lamang may humawak sa magkabila kong balikat. Out of reflex, mabilis akong napaharap at napahawak sa braso ng hayop na gustong tumulak sa akin sa tubig — si Ashton.

"Gago kang pakshet ka!" mura ko agad sa kanya at mabilis na tumayo. Mamaya maging totoo ang biro niya.

"Hoy nasa university tayo, gago!" natatawang saway sa akin ni Ashton. Tumitingkad ang red highlights sa buhok niya dahil sa ilaw na nakapaligid sa amin.

"You guys are so fucking noisy."

Kapwa kami napalingon at nakita namin si Zambrano na nakaupo rin pala sa gilid ng fountain, nagbabasa ng kanyang libro at parang may sariling mundo.

Nakita namin si Meow sa likod ni Zambrano. Dahan-dahang naglalakad habang nakalapat ang isang daliri sa labi. He's trying to sneak up on Zambrano to probably pull the same prank Ashton pulled on me — iyong kunyare itutulak sa fountain pero hahawakan naman nang mahigpit para 'wag matuluyan. Ugh. Akala yata nila high school pa kami.

"Bartholomew, I can hear your heavy footsteps," walang emosyong sambit ni Zambrano nang hindi man lang inaalis ang tingin sa binabasang libro.

Nagtawanan kami ni Ashton samantalang si Meow naman ay agad na napabusangot.

"Nandito lang pala kayo!" Tumatakbo palapit sa amin si Herbert habang inaayos ang suot na eyeglasses. Para siyang batang hirap na hirap sa dala niyang malaking backpack. Medyo natatakpan din ang mukha niya ng overgrown niyang bangs.

"Are you done with the mask?" Sinara ni Zambrano ang binabasang libro at nagtaas ng tingin sa aming lahat.

Ngumiti si Herbert at tumango sabay tulak ulit ng eyeglasses niya gamit ang dalawang daliri. "Gusto n'yong makita?"

Nilibot ni Zambrano ang tingin sa paligid kaya kahit kami ay napagaya rin sa kanya. Kasagsagan pa ng klase kaya naman wala masyadong estudyante sa campus grounds; kami nga lang din ang nasa fountain.

Zambrano nodded. "How many did you make?"

"Itong isa lang muna." Inilabas ni Herbert ang isang parang plastic na maskara mula sa kanyang bag. Namangha kaming lahat lalo't kinabitan niya pa talaga ito ng wig at pati ng kilay.

"Dude is that transparent? Hindi ba makikita mukha ni Levi diyan?" tanong ni Meow.

Herbert shook his head confidently. "Transparent lang siyang tingnan dahil hindi pa naisusuot pero nasisiguro ko sa inyo, maitatago niyan ang mukha ni Levi. Sa katunayan, may silicone 'yan sa loob. Dagdag lang 'yang plastic para sa distortion effect, para mas creepy ang dating."

"That is hella cool," komento ko kaya napatingin si Herbert sa akin. Nag-thumbs up ako sabay ngiti pero mabilis siyang umiwas ng tingin. Nahiya pa.

"Pasubok nga." Kukunin sana ni Meow ang maskara pero mabilis siyang pinigilan ni Zambrano.

"You idiot, people might see you," pabulong na giit ni Ashton.

"Kung maka-idiot ka, lamang ka lang ng kaunting talino sa akin!" bulalas ni Meow kay Ashton.

"Valedictorian ako noong elementary, gago ka ba?" Humalakhak si Ashton. Yabang. Nahiya ang best in reading ko.

Narinig naming may nagtatawanan mula sa likod namin kaya sabay-sabay kaming lahat na napalingon.

"Uy ano 'to? Meeting ng mga nerd?"

Napairap na lamang ako nang makitang papalapit sa amin ang apat na lalaking akala mo ay F4. Namukhaan ko agad si Donovan, 'yong nambully kay Herbert. Kung hindi lang talaga 'to kapatid ni Andros, bibili ulit ako ng milkshake para lang ibuhos sa kanya.

"Donovan . . ." tila ba bored na bati ni Zambrano.

"Nasaan na 'yong essay ko?" maangas na tugon ni Donovan.

"Patapos na." Bumuntonghininga naman si Zambrano.

Ashton cleared his throat and raised his one hand. "Ah, Donovan, baka gusto mong ako na lang gumawa? 500 lang tapos ikaw na—"

"Tinatanong ba kita?" May pagbabanta sa tinig at tindig ni Donovan habang may ngisi sa kanyang mukha.

"H-Hindi . . ." Nahihiyang tumawa si Ashton.

Bwisit. Parang ang sarap nang bigwasan nitong si Donovan. Kung hindi lang talaga 'to kapatid ng nagpapasweldo sa akin.

Dumako ang tingin sa akin ni Donovan. Naningkit ang mga mata niya, parang pilit akong inaalala.

Napangisi ako at taas-noo ko siyang tiningnan pabalik. Alalahanin mo ako, boy! Ako 'yong nambuhos sa 'yo ng milkshake! Maasar ka!

"Ikaw 'yong . . ." Kumunot ang noo niya nang marahil ay tuluyan akong namukhaan.

I nodded and let out a giggle just for the hell of it. "Sorry about the milkshake. Malamig ba?"

He clucked his tongue and shook his head. I can tell by the look of his eyes that I got under his skin. I guess the only thing that's keeping him from punching me is the fact that I'm a girl. I hate double standards but hey, here's a perk.

Ibinalik niya ang tingin kay Zambrano. "I need that essay by tomorrow."

Pagkatapos kay Zambrano, dumako naman ang tingin niya kay Herbert. "Uy, Delgago, andiyan ka pala?"

"It's Delgado," pagtatama ko. Wala na. Hindi na ako nakapagpigil. "You should really learn your friends' names," dagdag ko pa sabay ngisi.

Napatingin ulit si Donovan sa akin. His lips twitched in fury. "Am I talking to you?"

"You are now." Napahalakhak ako. Narinig ko naman na nagtawanan ang mga kaibigan niya at ganoon din sina Ashton.

Mabilis na nilingon ni Donovan ang mga kaibigan niya at pinanlisikan niya sila ng mga mata. Nahinto sila sa pagtawa. Bumuntonghininga si Donovan at muling humarap sa akin, taas-noo, at halatang pilit na pinapakitang hindi siya apektado. Tough boi.

"Are you new here?" Donovan asked with a glint of mischief on his eyes.

"Nope." I shook my head. "Born and raised," I lied flawlessly.

He looked at me from head to toe and smirked. "If I were you, I'd be more careful."

Ngumisi ako at nag-thumbs up. "Thanks for the concern, kuya."

Umiling-iling siya at napamulsa. Isa-isa niya kaming sinamaan ng tingin bago tumalikod at naglakad palayo, nagpupuyos sa galit. Sumunod naman agad ang mga epal niyang kaibigan at sinamaan din kami ng tingin. Punyeta. Nasa high school pa yata mga utak nila.

Nang tuluyan silang makalayo, pansin kong tahimik pa rin sina Zambrano, Ashton, Meow, at Herbert kaya mabilis ko silang hinarap. Natawa ako nang makitang nakapako sila sa kinatatayuan, parang takot na takot. Lumingon pa ako para siguraduhing walang multo sa likod ko.

"Problema n'yo?" Natawa ako.

"You basically put a target on your forehead. Good luck, Wren." Ashton patted my forehead.

"Hindi mo siya dapat kinalaban nang ganoon," sabi naman ni Herbert na parang mas takot pa kaysa sa akin.

"I can taste the tension like a cloud of smoke in the air . . ." Napasinghap si Meow.

"The fuck. Did you just quote Jessie J's Domino?" Naningkit ang mga mata ko.

"Mag-iingat ka sa isang 'yon, Wren," sabi pa ni Zambrano.

Napabuntonghininga na lamang ako. "Look, guys like him are all talk and show. 'Wag nga kayong matakot do'n. Matatanda na tayo. Hindi na 'to high school para magpaapekto sa isang patapong gaya niya." And with that I walked away to head for my class.

***

Napasulyap ako sa relo ko at napabuntonghininga nang makitang 9 PM na. Gabi na pero heto kami ni Bailey at naglalakad pa rin sa sidewalk patungo sa sakayan ng jeep pauwi. Lokong professor. Sa dami ng pinagawa niya ay kami na tuloy ang huling batch ng mga estudyanteng lumabas ng university.

"Nasiraan ba si Klaus?" tanong ko dahil himala kasing nagko-commute ngayon si Bailey eh halos araw-araw siyang hatid sundo ng tisoy niyang jowa.

"Ng sasakyan?" Bailey stopped walking.

"Ng bait," I answered flatly. "Gaga, malamang sasakyan," bawi ko.

Bailey laughed and continued walking while hugging her books. "Absent. Date night kasi ng parents niya kaya kailangan niyang samahan sa bahay ang mga kapatid niya."

"Oh." Napatango-tango ako.

"Uy, may waiting shed. Diyan na kaya tayo maghintay para makaupo na tayo?" suhestyon ko nang matanaw 'yon. I really need to exercise more and eat healthier. Bilis kong mapagod.

Bailey agreed kaya naman nang marating ang waiting shed, naupo agad kaming dalawa. Dahil gabi na, wala masyadong dumadaang sasakyan at wala rin akong nakikitaong tao bukod sa amin.

"Hmm! Ang baho!" bulalas ni Bailey kaya kahit ako ay napangiwi rin dahil sa masangsang na amoy. Parang may isang dosenang patay na daga.

"Natapon ba ang perfume mo?" biro ko kaya sinamaan niya ako ng tingin.

Tinakpan ko ang bibig at ilong ko gamit ang likod ng kamay ko, si Bailey naman ay naglabas ng panyo.

"Hala, may nakaiwan ng bag!" Bailey suddenly blurted out and pointed the edge of the bench.

Nakita kong mayroon ngang isang paper bag sa sahig. Nilibot ko ang paningin sa paligid, nagbabaka sakaling makita ko ang nakaiwan pero bigla akong kinilabutan nang may mapansin akong kakaiba sa kabilang kalsada. Parang may aninong nagtatago sa halamanan, sinisilip kami.

"Bailey . . ." Mabilis akong tumayo, hindi inaalis ang tingin sa aninong tila ba nakatingin pabalik sa akin.

Naningkit ang mga mata ko habang pilit na inaaninag ang anino. Medyo malayo ito sa poste ng ilaw pero sigurado ako sa pigurang nakikita ko.

"Wren . . ." tawag ni Bailey sa akin pero sadyang nasa anino ang atensyon ko.

Nagsimula akong humakbang. Tatawirin ko sana ang kalsada para lapitan ito pero laking gulat ko nang bigla na lamang umalingawngaw ang napakalakas na sigaw ni Bailey. Mabilis akong napalingon at mas lalo akong nagulat nang makitang bagsak na sa sahig ang takot na takot na si Bailey.

My heartbeat pounded as I followed her line of sight.

Natakpan ko ang aking bibig sa sobrang gulat nang makitang nakatumba na ang paper bag at lumabas mula rito ang isang putol na paa at kamay. Naaagnas at nilalangaw na.

Narinig ko ang isang kaluskos kaya awtomatiko kong naibalik ang tingin sa halamanang nasa tapat namin at nakita kong wala na ang anino.

What the hell!



----- HOW TO MAKE A SERIAL KILLER -----

Continue Reading

You'll Also Like

Never Cry Murder By bambi

Mystery / Thriller

3.4M 177K 56
The Ripper Series #3 :: How far would you go to avenge and save the ones you love?
3.8M 76K 16
Slaughter High is now available on bookstores for just 58 pesos! Grab a copy and don't miss out on Parker and the gang's deadly journey! <3
1K 55 15
Drunk Love "A short story that takes you to a new face of romance." This is a valentine's day special, so I'll try to finish this story at that very...
24.7M 1.1M 123
The third and final volume of Project LOKI. Join Lorelei, Loki, Jamie, and Alistair as they bring down Moriarty's organization. Looking for VOLUME1...