Kiss Back And You're Mine (PU...

By MissWordsworth21

15.6M 364K 32.4K

JAGUARS' SERIES 1: Shieldler John Wright Highest Rank: #1 in School #2 in Humor Si Hannah makulit, laging nak... More

KBAYM Prologue
CHAPTER 1: Jeepney
CHAPTER 2: Hannah Marie Adaipmil
CHAPTER 3: Shieldler John Wright
CHAPTER 4: The Encounter
CHAPTER 5: The Jaguars
CHAPTER 6: Noticeable
CHAPTER 7: Ihaw, Welcome Party!
CHAPTER 8: You're MINE!
CHAPTER 9: King of Jaguars
CHAPTER 10: Shaine Jana
CHAPTER 11: Feelings and I
CHAPTER 12: What Happened?!
CHAPTER 13: The Reason
CHAPTER 14: Revelation (PART 1)
CHAPTER 15: Revelation (PART 2)
CHAPTER 16: Revelation (PART 3)
CHAPTER 17: I'm Sorry
CHAPTER 18: His Family Background
CHAPTER 19: Harold Mick Adaipmil
CHAPTER 20: War is getting Near
CHAPTER 21: Mafia Ali/ The Enemy
CHAPTER 22: Two Weeks Later
CHAPTER 23: Missing You
CHAPTER 24: Ang KULIT!
CHAPTER 25: All of me
CHAPTER 26: Loving You
CHAPTER 27: Loving You (PART 2)
CHAPTER 28: The Result
CHAPTER 29: The Result (PART 2)
CHAPTER 30: The Game
CHAPTER 31: The Celebration
CHAPTER 32: First Monthsary
CHAPTER 33: First Monthsary (Part 2)
CHAPTER 34: Adaipmil Agents
CHAPTER 35: The Talked
CHAPTER 36 : Avoidance
CHAPTER 37 : The Kiss
CHAPTER 38: Preparation
CHAPTER 39: Jaguars VS. Eagles (PART 1)
CHAPTER 40: Jaguars VS. Eagles (PART 2)
CHAPTER 41: When Jaguars Get Drunk
CHAPTER 42: Birth Date
CHAPTER 43: Party and Plans
CHAPTER 44: Hold my Hand
CHAPTER 45: Love and Tears (PART 1)
CHAPTER 46: Love and Tears (PART 2)
CHAPTER 47: Love and Tears (PART 3)
CHAPTER 48: My Suitor, My Lover
CHAPTER 49: He's Trained
CHAPTER 50: Her Shield (PART 1)
CHAPTER 51: Her Shield (PART 2)
CHAPTER 52: Ali's Vengeance (PART 1)
CHAPTER 53: Ali's Vengeance (PART 2)
CHAPTER 54: Make them Safe
CHAPTER 55: Bullet of Love (PART 1)
CHAPTER 56: Bullet of Love (PART 2)
CHAPTER 57: Bullet of Love (PART 3)
CHAPTER 58: The Letter
CHAPTER 59: Two Years Later
CHAPTER 60: YOU ARE MINE FOREVER
CHAPTER 61: The Reception
CHAPTER 62: Body and Soul as ONE
CHAPTER 63: Life With You
CHAPTER 64: When Mrs.Wright Conceive!
Epilogue
KBAYM Frequently Asked Questions (FAQ's)
PASASALAMAT ni YNA
KBAYM SPECIAL CHAPTER
PUBLISHED BOOK

CHAPTER 65: This is Not the END

208K 3.9K 496
By MissWordsworth21

Joel's POV

"WENGYA, wala na bang ibibilis itong elevator na 'to?" reklamo ni Howard habang nakahawak sa tiyan nya. Kakauwi lang namin galing sa bahay nina Captain, di ko pa ba nasasabi sa inyo na nasa isang condominium building lang lahat kaming Jaguars, halos magkaka-dikit lang ang condo unit namin, sa isang buong floor kami lang Jaguars ang nag-o-occupied. Pag-aari ni Dela Cruz itong buong building, nasa real estate ang business ng gago.

Tiningnan ko ang ibang jaguars, halos lahat sila pinagpapawisan na ng malamig, sa pagpipigil, taeng tae na kasi ang mga 'yan, di kasi nila natanggihan yung pinakain sa kanila ni Hannah kanina.

FLASHBACK

KATATAPOS lang i-anounce nina Captain ang balita na buntis si Hannah, nandito pa rin kami sa living room.

"Kainis yung mga taong, nalulunod sa dagat o sa pool, tapos ang lakas sumigaw ng di ako marunong lumangoy! Di ako marunong lumangoy! Badtrip" napatingin kami kay Howard.

"Bakit tol?" tanong ko, mukha kasing asar na asar sya.

"Ako nga, di marunong mag-piano, sinisigaw ko ba?" sagot ni Howard

Napa-face palm na lang kami, suko na kami sa taong 'yan..

Magsasalita pa sana ulit si Howard kaya lang, pumasok na sa eksena ang mga girls, may dala silang avocado na nasa baso na.

"Pinapabigay ni Hannah." sabi ni Greshel. Bigla akong natakam dahil sa amoy no'n.

"Gusto ko kumain ng avocado pero mas gusto kong makita na kayo ang kumakain." sabi ni Hannah at naupo sa tabi ni Captain.

"Wow! Avocado, sana lagi ka na lang naglilihi Hannah para laging umuulan ng pagkain." Sabik na sabi Howard.

Binigyan kami ng mga girls ng kanya kanyang baso na may laman na avocado. Pero laking gulat ko ng makita kung ano pa ang kasama ng avocado na nasa baso.

Wengya, naka-move on na nga ako sa champorado na may kalamansi, pero heto na naman ang nakakasukang itsura ng pagkain, may ketchup, pamintang durog, asukal na pula at halimuyak ng patis.

Halatang pinipigilan lang ng mga babae ang tawa nila.

Tiningnan ko ang Jaguars, tangina, nilalantakan na nila yung nakakasukang itsura ng avocado. Parang naduduwal ako habang pinapanuod ko sila.

Napatingin ako kay Captain, ang sama ng tingin nya, kaya naman pala nilantakan agad ng Jaguars, wala akong nagawa kundi ang maluha luhang kainin din yun.

"pffftt hahahaha" lakas makatawa ng babae ni Turner at Dela Cruz.

"Ang sarap, meron pa ba? Punong puno ang bibig ni Howard." inabot ko sa kanya yung hawak ko. Kinuha naman nya yun, ako ang sinasamaan ng lasa sa nakikita ko langya.

END OF FLASHBACK

"Lalabas na tungunu!" impit na sigaw ni Gibson.

"Babe okay ka lang?" di na matanong ng ayos ni Greshel si Dela Cruz. Umakbay lang si Dela Cruz sa kanya.

Pagkabukas na pagkabukas ng elevator kumaripas agad ng takbo palabas ang Jaguars.

Nadaanan ko pa si Fisher, di magkaintindihan sa pagpapasok ng susi.

"Ano brad? Kaya pa?" pang aasar ko.

"Poooooot!" isang malakas na utot lang ang sinagot nya sa'kin.

"Katakawan nyo!" sabi ko na lang at tumuloy na sa sarili kong unit.

"Fvck!" napamura ako ng bigla na lang padarag na pumasok si Freeman sa unit ko, at dahil nagmamadali sya, bumangga ako sa pader.

"Taenamo ka Freeman, makikitae ka na nga lang, purwesyo ka pang gago ka!" sigaw ko habang hinihimas ang gwapo kong mukha na tumama sa pader.

Narinig ko pa ang lagunos na pagbabawas niya. Naupo ako sa sofa. Mga ilang minuto pa ay lumabas na din si Freeman.

"Aaah, success!" himas ang tiyan na lumapit sa'kin ang ugok.

"Wengya naghugas ka ba ng kamay mo?" lumayo ako ng konti sa kanya, nang umupo sya sa tabi ko..

"Mabango ang avocado di ba? Yun din ang nilabas ko kaya ibig sabihin mabango din ang---taena" di na nya natuloy ang sasabihin nya ng batuhan ko sya ng sapatos.

Tumayo na ako, para makapag-shower at makapag pahinga.

"Gwapo ako, araw-araw." napalingon ako kay Freeman.

"Gago! May kape ako dyan, magkape ka muna, para kabahan ka naman sa sinasabi mo." sabi ko at tuluyan ng pumasok sa kwarto ko.

"Sus! Inggit ka lang Sunog." narinig ko pang sabi nya.

Tumuloy ako sa shower room. At habang nasa ilalim ako ng shower, di ko mapigilan ang di mag emote. Ang bilis ng panahon wengya, parang kailan lang punong puno pa kami ng kalokohan, pero ngayon, may asawa na ang isa samin, at di magtatagal, susunod na di ang ibang Jaguars.

Bago pa ako, umatungal dito, e tinapos ko na ang pagligo. Pagkatapos kong magbihis, lumabas ako ng kwarto ko para lang magulat.

Napatakip ako sa dibdib, nakaboxer short lang ako at walang pang itaas.

"Tangina anong ginagawa nyo dito sa unit ko?"

"Langya, meron din kami nyan Burns, kala mo naman kukunin namin 'yang abs mo." sabi ni Turner at naupo.

Oo nandito ang Jaguars sa unit ko, and guess what may dala silang alak.

Ngayon ko lang napansin na ang iba sa kanila, nakaboxer lang din at white tshirt, mukang kinatok lang sila ni Miller sa mga unit nila.

Lumapit ako sa kanila at naupo na din.

"Dela Cruz, bakit ka nandito? Sinong kasama ni Greshel sa unit nyo?" tanong ko sabay kuha ng can beer.

"Pinalayas nga ako ng dalawa, nandun kasi yung babae ni Turner, may gagawin daw silang project at ayaw daw nila ng asungot." reklamo ni Dela Cruz.

"Tss, naumay na sa pag mumukha mo."agad na pang-aasar ni Turner.

"Wow ha, hiyang hiya ako sa di pagpansin ni Mychiel sayo" sagot naman ni Dela Cruz.

"Anong meron bakit may painum ka, Miller?" tanong ko naman kay Miller at hinayaan magbangayan ang dalawa.

"Wala naman, nakakamiss lang makipag-inuman sa inyo." sagot ni Miller, mukhang di lang ako ang tinamaan ng pagiging emo ngayon.

"Ge' banat na." sabi naman ni Spencer at inumpisahan ang pa- inom. Ayokong magkwento tungkol sa pinagdadaanan ng taong 'yan, hintayin nyo na lang yung oras na sya ang magkwento sa inyo.

Napatingin kaming lahat kay Howard, nilalatantakan nya yung pulutan.

"Hoy Howard, hindi 'to picnic, ito ay inuman, taena wag mong kalungin 'yan." sabi ni Gray sabay agaw ng pulutan kay Howard.

"Teka nasan pala si Young?" tanong ko ng mapansin na wala si Bata.

"Di ko na dinaanan, alam nyo naman 'yon, ayaw alisin ang mga mata kay Freya." sagot ni Miller. Napatango na lang ako, kung sabagay ang hirap kasi ng sitwasyon nila, alam namin na nag iingat lang si Young, kahit maloko din ang taong yun, alam namin ang nararamdaman nyang takot.

"E si Montereal?" tanong ko ulit.

"Wala pa sa unit nya, mukhang may date yata." sagot ni Fisher.

Tiningnan ko isa-isa ang Jaguars at ngayon ko lang narealize kung ano ang mga dala nila bukod sa dala nilang mga beer.

Si Freeman may dalang unan. Nakapajama lang sya at walang pang itaas.

Si Fisher naman may dalang kumot, nakaboxer short sya at nakasando.

Si Gibson, may dalang blindfold, nakaboxer short din at V-neck na damit.

Si Gray, walang dala pero nakapajama at sando na din.

Si Howard may dalang unan at kumot with matching blindfold na nakalagay sa ulo nya. Nakaboxer din ang gago, walang pang itaas.

Si Miller walang dala kundi alak, nakapajama pero walang pang itaas.

Si Turner, wala din dala, pero nakapantulog din.

Si Spencer naman, nakapajama at sando din pero may nakapatong sa balikat nya na hoody jacket.

At si Dela Cruz, nakasuot ng spider man na boxer short at sandong puti.

Anong ibig sabihin nito?

"Tapos ka na bang pagnasahan kami? Ha Burns?" nakatingin pala silang sa'kin. Sinamaan ko sila ng tingin.

"Taena nyo, wag nyong sabihin na----" di ko na natuloy ang sasabihin ko.

"Dito kami matutulog sa unit mo." they said in unison.

"Mga hayop kayo, dayo pa kayo dito." pinagbabato ko sila ng mani. Di naman sa ayaw ko na nandito sila, kaya lang iba ang mga 'yan kapag nakikitulog. Mauubos ang supply ko ng pagkain.

Katakot takot na foodtrip muna ang gagawin ng mga 'yan taena.

Pero on the other hand masaya ako dahil, may mapapagtripan na naman ako ngayong gabi.

Nag umpisa ang kwentuhan at inuman.

-----------------

Xevier's POV

DI KO NAPIGILAN ang di mapamura, dahil sa ingay ng doorbell. Dumapa ako at nagtakip ng unan sa ulo. Bumabalik na ulit ang diwa ko sa masarap na pagtulog, nang bigla naman tumunog ang cellphone ko.

Tangna, ang lakas mambasag ng tulog ng may tulog. Padaskol kong kinuha ang cellphone ko na nasa side table lang naman..

"Go to hell" sagot ko dun sa tumatawag at di na pinagkaabalan tingnan kung sino man yun sabay baba ng tawag at muling pinikit ang mata.

Walang pang isang minuto ay tumunog ulit 'yon.

"Go to hell!" nakakapang init ng ulo taena.

"Get out on you're fvcking unit, so I can bring you to hell." napamulat ako ng mata.

"Buddy?" tiningnan ko ang caller. Susmiyo marimar.

"Hehe buddy, anong atin?" tanong ko gamit ang malambing na boses. Parang nararamdaman ko na ang aura ni Shield.

"Get the fvck out buddy." napatayo ako sa kama at lumabas ng kwarto deretso sa may pinto. Pagbukas ko ng pinto. Damn! Nakatayo si Buddy at asar na asar ang itsura.

Nakasando at pajama lang sya, problema nito?

"May problema ba?" tanong ko agad.

"Come with me." Napa-cross arm ako sa sinabi nya.

"Buddy wag po, inosente pa po ako."

"Cut that crap, I need you're fvcking help." Asar na sabi ni Shield

Sabi ko nga, hehehe. Di na muna ako nagtanong kung tungkol saan, baka mabigwasan pa ako nyan dahil sa pagsigaw ko sa kanya kanina sa phone.

Papasok na sana ulit ako sa unit ko, nang hilahin na ako ni Shield sa leeg. Wengya, nakapajama din lang ako at sando.

Akala ko dederetso na kami sa elevator, laking gulat ko ng tumigil kami sa harap ng unit ni Burns.

Nagdoorbell sya dun, pero walang nagbubukas, at dahil mainipin ang isang yan, kinalampag na nya ang pinto..

Maya maya pa ay bumukas na yun. At nabungaran namin ang nagtatagal pa ng muta na si Howard.

"Good morning captain!" bati nya. Mukhang di pa nagigising ang diwa ng gago.

"Burns may bisita ka!" sigaw nya, di pa siguro pumapasok sa utak nya kung sinong bisita ang tinutukoy nya. Teka, wala nga palang utak ang isang 'yan.

Pumasok si Buddy sa loob, pumasok din ako.

"Howard, gising na." sinampal sampal ko pa ang nakatayong si Howard. At nanlaki ang mata nya ng makita si Shield.

"C-Captain? A-Anong ginagawa mo dito?" tanong nya. Napatingin naman ako sa salas ng unit ni Burns. Taena, ngayon ko lang napansin na nadito pala lahat ng Jaguars, si Young lang ang wala. Anong nangyari? Wag nyong sabihin sa'kin na nagkasiyahan sila ng hindi man lang ako sinali?

Yung paa ni Dela Cruz nasa mukha ni Gray, yung kamay ni Gray nasa dibdib ni Miller, yung legs ni Miller nakayapos sa legs ni Spencer. Suma tutal para silang pinais na isda sa pwesto nilang yan.

At dahil medyo inaantok pa ako, di ko napigilan ang sarili ko na magdive sa kanila.

"Aahh tangina!" nagising sila sa ginawa ko.

"Wengya Montereal, mamaya mo na kami landiin inaantok pa kami." reklamo ni Freeman.

"Mga gago nandito si Captain, kailangan daw nya ang tulong natin." sagot ko at gumulong pa sa ibabaw nila, pirat ang mga ugok..

"I'll give you 5 minutes jaguars. I'll wait at the lobby." bago pa makasagot ang Jaguars ay nakalabas na si buddy ng unit ni Burns..

Wengya tulog pa ang iba, di yata narinig ang sinabi ni Shield..

"Tangna nyo, kung mahal nyo pa ang buhay nyo magsibangon na kayo!" malakas na sigaw namin dalawa ni Howard. Gusto kong matawa ng sabay-sabay na bumangon ang Jaguars.

"Five minutes lang ang binigay ni Captain, mauna na ako sa inyo, mahal ko pa ang buhay ko." nagmamadaling sabi ni Howard at lumabas na ng condo.

"Langya, bahala na kayo sa buhay nyo, di nyo alam kung ano na ang higit na kayang gawin ni buddy sa inyo."sabi ko sabay labas na din ng condo ni Burns. Naabutan ko pa si Howard sa elevator.

Sasara na ang pinto nang bigla na lang nagsipasukan ang Jaguars. Partida dito pa sila nagtanggal ng muta, pupungas pungas sina Gibson at Fisher. Gulong-gulo pa ang mga buhok nila.

"Tungunu, wala pala akong suot na tsenelas." narinig kong sabi ni Gibson.

Tiningnan ko silang lahat, yung iba sa kanila, nakapatong pa sa balikat ang damit pang itaas, ang iba naka-boxer at ang iba naman ay nakapajama, palagay nyo makakaligo pa kami sa 5 minutes?

Wag kayong tatawa tawa dyan kung ayaw nyong pektusan ko kayo mga readers kayo.. Sigurado ako naiisip nyo ang abs namin noh? Sus tanggi pa..

"Mga hayop kayo, basta nyo na lang pinahihila ang mga damit ko.." reklamo ni Burns, sa drawer nya kasi kumuha ng damit ang ibang jaguars..

"Ano naman kaya ang problema ni captain?" tanong ni Gray..

Nasa 12th floor ang mga unit namin, pagdating ng 5th floor may dalawang babae ang sumakay. Gulat na gulat nga sila ng makita kami. Buti na lang malaki itong elevator kaya kasya kami at may space pa..

Halatang kinikilig ang dalawang babae, wengya wala pa kaming sinasabi kinikilig na sila?

*TING *

Bumukas ang pinto, nasa lobby na kami, mabilis ang kilos ng jaguars dahil 30 seconds na lang 5 minutes na..

Naabutan namin si Shield nakaupo sa may sofa.. Napakunot ang noo ko ng mapatingin ako sa labas, madilim pa?

"Wengya, alas singko lang?" sabi ko ng mapatingin ako sa malaking orasan na nandito sa lobby.

"Akala ko pa naman, ako lang ang itatanan ni captain, may mga chaperone pala.." napalingon kami sa nagsalita, si Young pala. Buti pa sya nakahoody jacket, bigla ko tuloy naramdaman ang lamig..

"Hoy gago! bakit mo iniwan mag isa si Freya..?" tanong ko..

"Iniwan? kahit kelan di ko iiwan si Aishi, may kumidnap sa kanya, nagising na lang ako na wala na sya sa tabi ko.." napakunot ang noo namin sa sinabi ni young..

"She's with Hannah, same with your girls, Dela Cruz and Turner.." napatingin naman kay buddy..

"Wengya nadudukot na ang mga babae nyo, wala pa kayong kaalam alam.."-Freeman..

"Eh captain, ano bang meron?" tanong ni Dela Cruz at di pinansin si Freeman..

------------------------------

Elvin's POV

Nakasakay kami ngayon sa van ni captain, si Montereal ang nagdadrive..

San kami pupunta?

Sa san Andress.. Lugar kung saan nagmula ang angkan ng mga Adaipmil.

Bakit?

Dahil gusto daw ni Hannah ng manga, di basta basta mangga na nabibili sa supermarket, kundi mangga na bagong pitas at galing mismo sa farm ni tandang Herald..

Ganun ba talaga lahat ng nagbubuntis? Dapat lahat ng gusto ibibigay? At lahat kami damay?

Tiningnan ko ang jaguars, nakatulog na naman sila..

Si Burns, nakasiksik sa kili-kili ni Young, at ang iba halatang lamig na lamig na.. Sinong di lalamigin sa sando?

Pagkatapos ng mga isang oras, nakarating na din kami sa Hacieda ng lolo ni Hannah.. Sinalubong kami ng mama ni Tina, si tita Cheena..

"Good morning po inay.." bati ni Montereal,..

"Lakas maka-inay ni Montereal, nanay mo? nanay mo?" pang aasar ko..

"Gag--- mamaya ka sakin.." Montereal..nahiya syang ituloy yung sasabihin..

"Mga apo kong pogi!" napalingon kami kay lolo Herald..

"Yan naman ang gusto ko sa inyo, tanda di kayo nagsisinungaling.." nakangiting sabi ko..

"Mapwera lang sayo Howard.."-Lolo Herald, wengya ang hard..

"Mano po lo.." si captain..

"Pagpalain ka apo.."

"Mano din po tanda.." tinalikuran na ako, =__= magkasundo talaga kami nyan..

"Halina kayo at kanina pa kayo hinihintay ng puno na kukuhanan nyo ng mangga para sa apo ko.." masayang sabi nya..

Di ba uso ang paalmusal dito?

[Sa Manggahan]

Wengya ang daming puno ng mangga dito, at halos lahat ang yayabong ng bunga..

"Magandang umaga po.." yan ang kanina pa bati samin ng tauhan ni tandang Herald..

Kanina pa kami naglalakad ang laki ng lupain nila Hannah, hanggang sa tumigil kami sa harap ng isang puno..

"Dito na kayo pumitas, si Hannah mismo ang nagtanim ng punong yan.." nagulat kami sa sinabi ni tanda..

Ganun na din si captain.. Tapos unti unting syang napangiti.. Pag ibig nga naman.

"Oh Howard akyat na.." tiningnan ko ng masama si Burns..

"Mahulog pa ako dyan.."

"Ligtas yan, si Hannah nagtanim nyan eh.."

"I'll go up.." napatingin kaming lahat kay captain..

"Nak ng, geh lover boy, akyatin mo ang punong tinanim ng asawa mo.."-Montereal..

Sinimulan na nga ni captain ang pag akyat, aba, di ko akalain na may sa unggoy din pala sya, manang mana sa buddy nyang si Montereal..

Biglang may tumama sa ulo ko..

"Taena sinong gago ang bumato ng mangga sa ulo ko?" asar na sigaw ko.. At lahat ng jaguars sabay sabay na tinuro ang taas ng puno..

"100 push ups Howard.."

"pfftt hahaha, pag tinamaan sa ulo, binato agad? Di ba pwedeng napatakan lang muna?"- Gibson..

"Alam mo Gibson, para kang mangga.."- sabi ko habang pumupwesto sa pag pupush up..

"Bakit Howard bebe? Dahil ba masarap akong akyatin?"

"Hindi, ang sarap mo kasing balibangin.." sagot ko..

"Ang hard mo bebe, mamaya magbalibangan tayo.." kadiri amput*

Ang ibang jaguars, nanungkit na din ng mangga.. Lumapit ako sa kanila pagkatapos kong magpush up, hanggang bente lang ang kaya ko ngayon, di pa ako nag aagahan eh.. utang muna ang eighty na push up..

"Ano pong tawag dito?" tanong kay manong na nag aasist sa panunungkit ng jaguars.. May hawak akong isnag mangga.

"Ah yan po ay kinalabaw na mangga.."

"Bakit po naging kinalabaw? Umaatungal din po ba ang manggang ito?" tanong ko ulit..

"Ah hindi po senyorito, dahil lang po sa hugis at laki nito, na tulad ng isang kalabaw.."

Mas lalo akong naguluhan..

Malaki ang kalabaw di ba? Eh wala pa nga sa ang laki ng mukha ng kalabaw ang manggang ito ah..

"Wag ka ng magtanong ulit Howard, dahil sumasakit na ang batok na manong sayo oh.." sabi ni Fisher.. Binato ko sya ng manggang hawak ko, nasalo lang ng gago..

"Wengya, alam ko na kung bakit di tayo pinag almusal ni captain.." naalingon kami kay Dela Cruz..

"Bakit?" tanong ko.. Bigla ko na naman naramdaman ang gutom..

"Para hindi natin lantakan ang mga mangga dito.." napaisip ako.. Oo nga no? Kanina pa din ako natatakam sa amoy ng bagong pitas na mangga.

"Bakit parang kinakabahan ako sa manggang yan.." narinig kong sabi naman ni Gibson..

"Ako din.." Freeman..

"Di kaya, sa atin na naman yan ipakain ni Hannah tapos may kung ano ano pang kasama?" -Burns..

"Let's go jaguars!" napalingon kami kay captain, ang bilis nya mamitas..

"Oh captain, mukhang inalmusal ka ng mga langgam sa taas ah.." namumula ang braso nya, at may mga pantal..

Pagkatapos namin magpasalamat kay tanda ay umalis na din kami.. Nakatatlong kaing ng mangga pala kami. Pabalik na kami ngayon..

Nakatulog ulit sa byahe ang jaguars..

"Captain, maawa ka naman sa mga babae na nandyan sa loob, baka malaglag ang panty ng mga yun, lalo na at ganito lang ang suot namin.." nagising ako dahil sa reklamo ni Dela Cruz..

"Let's go!" boses ni captain, narinig ko pa ang pagsara ng pinto ng van..

"Hoy Howard tara na, mamaya mo na ituloy ang panaginip mo.."-Burns..

Pagbaba ko ng van, wengya nasa harap kami ng supermarket.. Dito pa lang sa parking area, ay pinagtitinginan na kami. Sinong di mapapatingin samin eh, bukod sa nakapajama lang kami yung iba naman ay nakaboxer short lang at sando.. Isang malaking eskandalo..

Pagpasok namin sa loob, samin agad ang atensyon ng lahat, sino bang di mapapalingon kung may labing tatlong lalaki ang nakasando lang at nag uumapaw ang kagwapuhan, syempre dahil nasa unahan ako..

Wengya pati paggogrocery? Kasama kami?

Kanya kanyang hila kami ng cart, makapag grocery na din nga paubos na ang stock ko...

At dahil wala kaming dalang pera, si captain ang nagbayad ng lahat ng kinuha namin.. Di naman sya nagkomento.

"Miss can you touch me?" sabi ko sa babae na nasa cashier. Halatang kinikilig sya..

"Why?" tanong nya..

"So I can tell my friends I've been touch by an angel.." I said..

"pfftt hahahaha mga banat mo Howard.."-Turner..

"Wag kang maniwala dyan miss, may asawa na yan labing lima, at lahat yun buntis na.."-Young..

"Langya kayo.." natatawa lang samin ang mga tao dito sa supermarket..

"Ang cute nilaaa grabeee!"

"May mga asawa na nga kaya sila? Haaays ang swerte ng mga babae sa buhay nila.."

"KyaaaahhH! Ang gwapo nung nakahoody jacket, kamukha ni WooHyun ng infinite, grabeee kinikilig ako.."

"Girls kalma!" sabi ko dun sa mga babae, aba baka himatayin ang mga yan mahirap na..

Nilingon ko naman si Young.

"Tss WooHyun, mas gwapo ako sayo kaya wag kang ngumiti ngiti dyan gago.."

"Sige lang Howard, libre mangarap.."-Young..

Pagkatapos namin sa supermarket.. Huminto naman kami sa Mcdo..

"Salamat naman at nakahalata ka captain.." nagbabaan na kami..

"Nangingitim na daw sa gutom si Burns kaya kakain na tayo.." biro ni Montereal..

Pumasok kami sa loob. At tulad ng inaasahan, nasa amin na naman ang atensyon..

Puwesto kami dun sa mesa na pinagdikit dikit ng mga crew..

"Tingnan mo Dela Cruz, agaw atensyon talaga yang spiderman mo.."' narinig kong sabi ni Gibson.. Napatingin naman kami sa boxer ni Dela Cruz..

"ulol, laki ng inggit mo.."-Dela Cruz..

Di nagtagal naiserve na din ang order namin.. Eto naman ang gusto ko kay captain, hindi kami tinitipid.. Halos mapuno ang mahabang lamesa..

Nilantakan agad namin.. Nasa kalagitnaan kami ng pagkain..

"Maraming salamat jaguars.." napatingin kami kay captain.. "Salamat dahil, mga gago kayo.."

"Iiyak na ba kami captain?"-Fisher..

"Tss!'

Alam namin kung gaano kasaya si captain sa buhay nya ngayon at masaya kami para sa kanya.. Mula umpisa hanggang ngayon, di magbabago ang pagtingin namin sa kanya, sya pa din ang captain namin..

"Lagi nyong tatandaan na nandito pa rin ako para sa inyo.." sabi pa nya.. Nakakalungkot, oo pero kapag nakikita namin ang saya sa mukha ni captain, lahat kami nagiging masaya na din..

"Kung di nyo na kaya ang mga problemang pasan nyo, nandito pa rin ako at ang buong jaguars para damayan kayo.." napatingin kami kay Young, Spencer at Miller..

"Wag kayong sumuko, makukuha nyo din ang kaligayahan nyo.." -captain..

"Hindi dito nagtatapos ang lahat, nagsisimula pa lang tayo.." dagdag pa nya..

"tamaaaa!" napatayo ako sa sobrang saya, dahil sa kaalaman na, di pa naman talaga dito nagtatapos ang lahat..

"Go! Jaguars! go!" sigaw naming lahat.. 

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 28.5K 57
Jethro Ephraim Silvano is one of the dangerous person you will encounter. He's also a smart and talented person. Everyone likes him because he's almo...
AURORA By Deam

Teen Fiction

31.4K 1.3K 23
NOT A FAIRYTALE SERIES 1: AURORA Because of her comatose state, Aurora De Garcia has been dubbed "Sleeping Beauty." Although, She didn't eat a poison...
11.9M 284K 55
Nagpakasal ang isang man-hater na si Sapphire sa isang super "friendly" na lalaki na si Johann for the sake na makuha niya ang mana niya. Magkasundo...