Writer's Block

By Yanalovesyouu

7M 283K 48.9K

A fantasy which seems to be more like a reality. Or a reality which seems to be more like a fantasy? Or perha... More

WB1
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 47

45.2K 1.5K 748
By Yanalovesyouu

Third Person's POV

Halata ang pagkabalisa ni Eureka dahil pabalik-balik siyang naglalakad habang iniisip ang sasabihin kay Alexis na ngayon ay kakalabas lamang ng portal at pabalik sa kinaroroonan niya kanina. "Sabihin ko na kaya kay bes ang totoo?" Tanong nito sa sarili. "Pero kahit naman sabihin ko hindi naman siya maniniwala."

Still pacing back and forth, she uttered again. "Pero hindi, kailangan malaman ni bes ang totoo."

Mabilis na lumipad ang tatlo upang salubungin ang paparating na si Alexis.

Ang husay ng ginawa mo kanina mangmang. Papuri ni Neesha.

Kasunod ng tatlong fairies ay ang pagsalubong ni Eureka sakanya. "Prinsesa Alexis, maaari ba kitang makausap sandali?" Tanong nito nung halos isang metro na lang ang layo nito sakanya.

Ngunit sa halip na pansinin ito ni Alexis ay diri-diretso ito na parang walang narinig.

Alexis tinatawag ka ng iyong kaibigan.

Hayaan mo siya Luella, taksil naman 'yan.

"Prinsesa Alexis!" Eureka tried to call her once again, habang nakasunod ito sa paglalakad ni Alexis. "Kung kasinungalingan lamang lahat ng sasabihin mo sa'kin, then I think you should stop wasting your time." Eureka was about to respond nung magsalita ulit si Alexis, "Kung ipipilit mo pa rin sa'kin na si Lucian ang masama, at kayo ang tama please lang, don't even waste my time dahil wala akong panahon makinig sa inyo." Mabilis itong tumalikod at mag-uumpisa na sana ulit maglakad nung magsalita ulit si Eureka.

"Nung gabing 'yun.."

-

Alexis' PoV

"Sinabi mo sa amin ni Samara na kahit ano'ng mangyari, huwag na huwag naming hahayaan na bumalik ang memorya mo."

I arched my eyebrow because it's pretty obvious that she's pushing it hard enough to convince me. But I keep on asking myself because of this gut sense, is this right?

Nandirito ako sa balkunahe. Lumingon ako sa mga salamangkero at salamangkera na nasa ibaba. Unti-unti silang naglaho hanggang sa marining ko ang boses ni Eureka.

"Sa huling pagkakataon Prinsesa Alexis tatanungin kita, sigurado ka na ba sa desisyon mo?" Hinawakan ni Prinsesa Alexis ang mga kamay ni Eureka. You can see the tension in her eyes.

"Alexis ano? Sigurado ka na daw ba?!" Nakapamewang ako dahil naiinip na ako sa isasagot niya. Sa totoo lang, alam ko na kung ano ang paniniwalaan ko, but it's not bad para kumpirmahin 'to mula sa'kin. Total, libre ko namang nakikita mga ganap noon, so susulitin ko na.

"Oo." Tipid na sagot niya. "Hello?! Ano 'yun na 'yun? Wala bang explanation man lang?" Pigilan niyo ko baka mabanggit ko salitang 'death' sa dating Alexis, very bobo ha.

I shifted my gaze kay Samara nung bigla siyang dumating. "Nakahanda na ang lahat para sa isasagawang ritwal ng Prinsesa Alexis. Doon tayo dadaan sa likod ng palasyo upang walang makapansin sa atin."

"Susunod kami, Samara" sagot ni Eureka sa kanya.

Lumapit ako kay Prinsesa Alexis para pagmasdan siya. "Ano na self? Bakit parang feeling confused ka? Ano ba talaga iniisip mo?" Tanong ko. I'm hungry for answers. I want to know everything that's running through her mind.

Pinaningkitan ko ng mga mata si Prinsesa Alexis at Eureka nung makaalis si Samara na parehas na walang kibo. I am just—or should I say, she's just staring at the floor while holding Eureka's hands. Si Eureka naman abangers lang ang peg. Tarantula! "Hindi porket mahaba ang life span niyong dalawa ay plano niyo nang paghintayin ako dito. Konting pakisama naman hello?! Hindi ako willing to wait." Saad ko. As if naman maririnig nila ako.

"Si Queen Freya.." there you go. Princess Alexis started talking. "Ano'ng napag-alaman mo tungkol sa kanya?"

"Sino'ng pumaslang sa kanya?"

"O totoo bang pinaslang siya?"

Sunud-sunod ang tanong ni Eureka kaya naman gusto ko siyang batukan. "Masyadong obvious pagka-tsismosa mo ghorl!"

"Buhay pa siya" tipid na sagot ni Prinsesa Alexis. Ikinagulat naman ito ni Eureka. "Buhay pa ang reyna? Kung ganoon ay nasaan siya?

"Hindi na iyon mahalaga"

"Ngunit Prinsesa Alexis, napatawan ng parusang kamatayan ang mahal na reyna Azaria dahil dito. Paanong hindi iyon mahalaga?"

"Kaya nga hindi na iyon mahalaga Eureka, dahil naniniwala akong hindi ko rin makakamit ang hustisya sa ginawa nila sa aking ina." See? Simula pa noon hindi na talaga ako tiwala sa kanila.

"Pero bakit mo sinasabi sa akin ito ngayon Prinsesa Alexis? Ano'ng pinaplano mo?"

"Nais kong ipaalala mo sa'kin, sa tamang panahon. Na si Queen Freya ang kaisa-isang nilalang na pinagkakatiwalaan ni Lucian" Eureka nodded after I said those words to her.

So tama nga ang iniisip ko. Na ang sinabi sa'kin ni Queen Freya sa dungeon na pinagkakatiwalaan niya ay si Lucian babes.

Unti-unting naglabasan ang salamangkero at salamangkera na tinatanaw ko mula dito sa balkunahe. "Nabanggit mo sa akin nung gabi ring iyon na buhay pa si Reyna Freya, at siya ang kaisa-isang nilalang na pinagkakatiwalaan ni Lord Lucian" ibinalik ko ang tingin ko kay Eureka. "What else did I say to you?" Pinagmasdan ko siya na saglit na nag-isip. "Wala na, dahil dumating na sila Loki nun para masimulan mo na ang ritwal."

I turned my back and started walking away. "Saglit lang Prinsesa Alexis, saan ka tutungo?"

"Wala ka nang pakialam dun" malamig na sagot ko sakanya ng hindi siya nililingon at saka nagpatuloy sa paglalakad.

Saan ka naman pupunta mangmang? Huwag mo kami iwan.

Tama! Sasama kami! Dahil baka dito pa mamatay sila Luella at Neesha.

"Dei deaeque te invoco. Portal apparere" I let the three cockroaches entered the portal first before me.

Waaaa nasaan ito 'yung kinaroroonan ng nakakatakot at masamang mangkukulam.

Waaa oo nga dito 'yun nakakulong

Alexis ano'ng ginagawa na'tin dito?

"Ikukulong ko kayong tatlo dyan sa loob" Pagbibiro ko. I chuckled nung makita kong nagtutulakan sila.

Ang sama mo talaga!

Sa tingin ko ito na 'yung sinasabi sa hula ni Chiara, dito na kayo papanaw dalawa, Neesha at Luella.

Mas lalo akong natawa dahil nakataas pa ang isang kamay ni Calista habang sinasabi iyon at masiglang-masigla pa.

Duh! Ako mamamatay? Mauuna pa ang mangmang sa'kin. SKL.

Ano ba'ng ibig sabihin ng duh Neesha? Palagi ko na iyan naririnig sa'yo.

Pati 'yung SKL Neesha nais ko rin malaman kung ano ang kahulugan.

Namalagi kayo sa mundo ng mga tao ngunit hindi niyo natutunan ang mga iyan? Puro kasi kalandian inaatupag niyong dalawa. Manang-mana kayo sa—

Tinignan ko ng masama ang rakistang daga dahil alam ko na ang sunod na sasabihin niya. "Subukan mong ituloy 'yang sasabihin mo bubuyog. Gugupitin ko mga pakpak mo at saka kita ihuhulog dyan sa malalakas na alon sa ibaba." Pananakot ko sa kanya at mukhang effective naman.

Grabe sya! Sasabihin ko lang naman na manang-mana sila doon sa mga beki sa kanto ninyo.

Ano 'yung beki?

Isa ba iyong uri ng bulaklak?

Napailing na lamang ako nung mag-umpisa na namang magtanong ang dalawa. "Hindi tayo matatapos dito sa kadaldalan niyong tatlo."

I started walking towards the tower.

Ano ba kasing gagawin na'tin sa loob Alexis?

Waaa hindi kaya na-uto na si Alexis ng masama at nakakatakot na mangkukulam na nakakulong sa loob niyan?

Magkaibigan na ba kayo?

May nalaman ako sa mundo ng mga tao na sa tingin ko ay bagay sa mga tanong ninyo sa mangmang.

Ano iyon Neesha?

Birds with of the same feather flock together.

Mabilis kong hinuli ang rakistang bubuyog dahil sa sinabi niya at saka ibinulsa. "Diyan ka muna." Napakadaldal eh.

Ano iyong sinabi ni Neesha?

Hindi ko alam!

Anong lenggwahe iyon?

Waaa napakasama mo ayoko dito

Natawa ko ng mahina at nagpatuloy sa paglalakad until we reached the entrance of the tower.

Desidido ka na bang pasukin ito ng mag-isa Alexis?

Masyadong mapanganib, samahan mo siya Luella.

Bakit ako? Hindi ba't hindi ka naman papanaw ayon sa hula? Kung kaya't ikaw ang sumama, Calista.

Ako ang sasama! Sumilip si Neesha mula sa bulsa ko bago tuluyang lumabas.

"Recludam" mahinang sambit ko kasunod ng pagkakatanggal ng lock ng malaking gate na gawa sa bakal sa harap namin. Mabilis namang nagtago 'yung tatlong bibe sa likod ko.

As I pushed the gate to open, a wave of a cold wind and the smell of the rotten flesh meets us. Medyo kadiri. It is not my first time here, pero kinikilabutan pa rin ako at mukhang never naman ako masasanay sa amoy nitong dungeon.

We can hear the droplets of water coming from the ceiling. A shallow water covers the sole of my feet as soon as I enter the dungeon.

Hindi ba't nakasumpa ang dungeon na ito?

Nakakatakot. Dahil—

Waaa ano iyon?

They started panicking nung makarinig kami ng kaluskos mula sa pinakatuktok na palapag nitong dungeon.

"May nalalaman ba kayo tungkol dito sa dungeon?" Tanong ko sa tatlong hamster at saka nagpatuloy sa paglalakad.

Paakyat na kami ng ikalawang palapag nung mag-umpisa na silang mag-kwento.

Tanging mga makakapangyarihang salamangkero at salamangkera lamang ang nakakapasok dito sa dungeon.

"Alam ko na 'yan eh, wala bang iba? 'Yung latest chika ganorn?" Natatawang tanong ko.

Latest chika? Ano iyon?

Duh! Heto na naman tayo, usapang mangmang. Ngunit ako ay may alam.

"Ano iyon?" Tanong ko kay sa rakistang ipis.

Ayon sa mga bali-balita noon, ang nakakulong dito sa nakakapangilabot na tower ay isang dating bampira.

"Bampira?" Patanong na bulong ko sa aking sarili.

Ikaw talaga mangmang minsan ang hilig mong ulit-ulitin mga sinasabi ko. Oo isang bampira. At ang sabi pa, ginawa lamang siyang nakakapangilabot na mangkukulam ng isang makapangyarihang salamangkera noon.

Waaa talaga ba?

Ngayon ko lamang nalaman ito.

Haka-haka lamang naman ang mga iyan. Aksidente ko lamang din na narinig sa pag-uusap noon ng mga makapangyarihang salamangkera at salamangkero.

A soft wind blew at unti-unting nag-iba ang itsura ng dungeon. From being deteriorated and ravaged probably caused by time itself, it now looks like a newly built dungeon. I moved three steps closer to the wall dahil nakakarinig ako ng mga boses at yabag ng mga paa na paparating.

"Mikael, natapos mo ba ang ritwal?" That's Scarlett, pero anong ritwal iyon? Magkakasama sila Seamus, Professor Scarlett at Mikael na naglalakad patungo sa direksyon ko. I'm near the stairs kaya for sure aakyat sila sa tuktok nitong hidden dungeon.

As far as I remember sa memories ko nung unang beses akong makatungtong ako dito sa hidden dungeon. Nabanggit ni Mikael doon na nanggaling sila dito para ayusin ang seguridad nitong dungeon.

"Right! So maybe iyon ang tinutukoy nitong si Professor Scarlett" I spoke my mind and followed them nung akyatin na nila ang hagdan.

"Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin kung sino ang gumawa nito kay Reyna Freya. Ngunit isa lamang ang nasisiguro ko,  isa itong makapangyarihang salamangkera."

"Nalalapit na ang paglilitis ng mahal na reyna Azaria. Sasabihin ba na'tin ang tungkol sa reyna Freya." Mga letse! So ano'ng ibig nilang sabihin? All this time alam nila ang tungkol dito pero hinayaan lang nila mamatay ang mama ko?

"Wag naman tayong bobo dito, kailangan nyong sabihin 'yon dahil kung hindi, mapaparusahan ng kamatayan si mama." Nakakainis!

"Sa tingin ko ay hindi magandang ideya na sabihin pa ang tungkol na rito. At isa pa, posibleng may alam din ang mahal na reyna Azaria dito." Sagot ni Seamus.

"Posible, but I doubt that." Imposibleng alam ni mama na nandito si Queen Freya sa loob. Pero does that mean na wala rin silang alam?

Pero...

"Hoy ikaw Seamus kaya ka una namatay pano ikaw ang pinaka-bobo myghad ha! Kung may alam si mama dito bakit hindi pa niya sinasabi? Alam naman niyang mamamatay siya."

I stared at them, walang bakas ng pagsisinungaling sa mga mukha nila. "How is that even possible?" Kung hindi silang tatlo ang gumawa, possible rin na 'yun ibang Mysthic Theurage.

Kung tama ang pagkaka-alala ko, ang sinabi ni mama na kasama niya noon nung makipagkita siya kay Queen Freya ay sila Mystic Theurage Seamus Brock, Mystic Theurage Mikael Grimswald, Mystic Theurage Gynweilla Mrinal, at High Wizard Samara Friggs.

I looked down a bit to gather my thoughts, until I noticed a sudden change on the floor I am stepping on.

Umihip ang malakas na hangin at nahawi ang mga halaman na nasa harap ko. Tila nasa gitna na ako ngayon ng kagubatan. I saw a white flash na kasing bilis ng kidlat na dumaan sa gawi ko kaya mabilis ko itong sinundan.

It stopped right in front of a big tree, hanggang sa unti-unti itong naging hugis tao. Or should I say salamangkera or bampira? Whatever. Basta hugis tao siya.

Kahit nakatalikod siya kilala ko kung sino siya.

Si Prinsesa Alexis.

"Wow" I was amazed nung yumuko ang puno at parang inilahad ang isa sa malalaking sanga nito. Tumungtong siya sa sanga kaya sumunod ako. Nung bumalik sa pagkakatayo ang puno ay marahan siyang naupo. I sat beside her na prente ng nakaupo ngayon.

"Uirtutem cunctis protege me mittere probado." She said, almost whispering. Alam ko ang spell na sinabi niya dahil ilang beses ko na rin itong nasabi. Ito 'yung spell na ginamit ko kay Loki kaya hindi niya naalis ang memories ko. And I also discovered na pwede rin 'to gamitin para hindi maramdaman ng ibang nilalang ang presensya mo. And I think she casted it para walang makapansin sa kaniya.

"Hindi ko naman alam na may lahi palang unggoy 'tong si Prinsesa Alexis at mahilig tumambay sa mga puno."

My eyes widened nung makita ko kung sino ang mga paparating. "Pallium" bulong ni Prinsesa Alexis. I jumped off the tree at saka lumapit kanila mama at Queen Freya.

Di kalayuan ay tanaw mula rito ang mga kasama nila.

Ibinalik ko ang tingin kila Queen Freya. Pinagmasdan ko siyang maigi. She's so pale at pulang-pula ang mga mata niya. So I assumed na bampira siya.

It means, someone turned her into a wizard para maikulong sa hidden dungeon.

"Right!" Mabilis kong nilingon ang nagsalita, I know she's under the invisible spell pero nakikita ko siya. 'Yung itsura niya ay parang naging ghost-like, more of like a smoke na korteng tao. And she's—looking straight at me. "Nakikita mo ako?!" Gulat na gulat na tanong ko sakanya—or should I say, sa sarili ko. Okay now this is getting creepier than ever.

But she's so damn powerful dahil hindi ko alam kung paano niya ako nagawang kausapin. These are just memories, pero nakakausap at nakikita ako ng sarili ko.

"Alam kong sa mga oras na ito ay gusto mong malaman ang mga sagot sa mga katanungan, kung bakit pipiliin kong alisin ang memorya ng lahat. Kung bakit ako nandirito ngayon, at ang mga susunod kong gagawin ay magdudulot ng mas maraming katanungan. Kaya hayaan mong ako na mismo ang sumagot ng mga iyon." Until now ay hindi pa rin ako makapaniwala, na nasa harap ko ngayon ang dating Alexis, at kinakausap ako. Tang*na lang diba? Sensyales ba 'to na nababaliw na ako?

Ilang saglit pa ay napalibutan si Queen Freya at mama ng isang maliwanag na ilaw.

Ibinalik ko ang tingin kay Prinsesa Alexis. "Ano ba ang totoo?" Diretsong tanong ko sa kanya.

"Hindi mahalaga kung ano ang totoo, ang mahalaga ay magtiwala ka sa kung anumang desisyon ang gagawin o ginawa ko."

"Tokis ka rin eh, kala ko ba sasagutin mo ang mga tanong ko?" Inis na tanong ko sakanya.

"Wala akong kakayahan na makipag-usap sa iyo ng matagal, ngunit nais ko na magtiwala ka sa mga gagawin kong desisyon sa hinaharap."

"Sana alam mo rin kung gaano ka ka-tanga sa paningin ko ngayon, and how you made everything difficult for me to understand." Inis na sagot ko sa kanya.

"Patawad, pero sana sa akin ka magtiwala at hindi sa sinasabi ng iba."

Lumingon siya kila mama na napapalibutan pa rin ngayon ng puting ilaw. "Timp de oprire" I know exactly what kind of spell she just casted. 'Yan 'yung pang-stop ng oras.

Kasunod nyon ay ang paghinto ng lahat. "Explico" she uttered at saka pumasok sa ilaw na nakapalibot kila mama at Queen Freya.

"Ano naman gagawin mo self? Hello?! Can you hear me?!"

"Kailangan kong ikulong si Queen Freya sa hidden dungeon."

"Wait what?!" Ibig sabihin siya ang nagkulong kay Queen Freya sa hidden dungeon?

"Dividatur enim corpus meum in duo." Kasunod nun ay nagkaroon pa ng isang Alexis. "Et figura corporis"

"Wow, nice." I was again amazed nung ang isang Alexis ay naging kamukhang kamukha ni Queen Freya.

"Kapag tinuloy mo ang pina-plano mo, mamamatay si mama" I said, trying to stop her. Kasi alam ko na ngayon ang gagawin niya. Iiwan niya dito ang isang Alexis na ngayon ay kamukhang-kamukha na ni Queen Freya at ikukulong sa hidden dungeon ang totoong Queen Freya.

"Kapag hindi ko 'to ginawa, mamamatay lahat ng nilalang dito sa kabilang mundo." Sagot niya sa'kin.

"Naririnig mo ba ang sarili mo? Mahahatulan si mama ng kamatayan." Mariing sagot ko. Feeling ko tuloy, magkaibang tao kami nitong dating Prinsesa Alexis dahil magkaibang-magkaiba paniniwala namin.

"Dei deaeque te invoco. Portal apparere." She casted another spell and a portal appeared right in front of us. Pumasok siya kasama ang katawan ng totoong Queen Freya na nakalutang ngayon sa ere.

Kasunod ng pagpasok nila sa portal ay ang paggalaw ng mga nilalang pati narin ng mga halaman at ang pag-ihip ng hangin, hudyat na umaandar na ulit ang oras.

Now the mystery behind the death of Queen Freya is clear.

Continue Reading

You'll Also Like

21.1M 543K 37
"Do you want to be his favorite obsession?" DAHIL sa isang trahedya, ikinubli ni Virgo ang kagandahang taglay. Itinago niya iyon sa pamamagitan ng pa...
1.9M 68.4K 51
A school where different kinds of vampires such as pure bloods, noble vampires and hybrids study and train to be a true vampire. It all started with...
24.2M 983K 41
Napansin agad ni Laura Arden ang mga kakaibang bagay sa bayan ng Van Zanth sa unang araw niya pa lamang dito. Lalo na noong nalaman niyang sa isang l...
124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...