Stay With Me

By velaskinswife

2.9K 127 15

Alam ni Verona na hindi siya mag-aasawa. Kung talagang mahal niya ang isang lalaki, alam niya sa sarili niya... More

▪︎ C A S T ▪︎
0
1
2
3
4
6
7
8
9
10
VICTORIA GIANNE ACOSTA

5

160 8 0
By velaskinswife


Kinabukasan, pilit na itinutulak ni Verona sa likod ng kanyang isip ang kailangan niyang gawin tungkol kay Erik. Nagtapos siya ng mga orders at gumawa ng bagong designs ng accessories. Nag-update siya ng website at nag-process ng online orders. Pagkatapos ng tanghalian, wala na siyang ibang kailangang gawin.



Maliban sa kausapin na ang binata.



No point in prolonging the agony.



Nagtungo siya sa Europa sa Serendra kung saan, sabi ng kanyang Kuya Rome, nagtatrabaho si Erik nang araw na iyon. Dahil sa pagpapaliban niya, inabot na siya ng alas cinco bago siya nakarating. Sa isip niya, kung wala roon si Erik, sorry na lang. Basta alam niya, nagpunta siya roon para kausapin ito. Malas lang kung hindi niya ito abutan.



Umikot ang mga eyeballs niya.



Yeah, right.



Umakyat siya sa ikalawang palapag ng gusali at tinungo ang job site. Nakasalubong niya si Mang Manny na siyang laging huling umuuwi. Ibig sabihin, wala na nga roon ang binata. Magkahalong disappointment at ginhawa ang nadama niya.



"Ma'am Ron!" masayang bati ng matanda.



"Hi, Mang Manny. Mukhang wala na akong maaabutan sa sita ah."



"Naku, nasa loob pa po si Sir Erik."



Huminto yatang muli ang kanyang puso. Sinulyapan niya ang pinto papasok sa Europa. "Ah, ano po ang ginagawa niya doon? Tapos na ang working hours ah."



Ngumisi ang matanda. "May project daw po siyang gagawin eh. Gusto raw niyang matapos ngayong gabi."



Tumango na lamang siya. "Sige po. Dadaan lang ako saglit."



"Sige Ma'am. Mauna na po ako." paalam nito bago muling naglakad patungo sa escalator.



Huminga siya ng malalim. She was so not ready for this pero wala na siyang choice. Para lang nag-aalis ng Band-Aid. Biglaan para sandali lang ang sakit. Lumapit siya sa Europa, kumatok at binuksan ang pinto.



Agad niyang nakita si Erik. Nag-angat ito ng ulo pero hindi siya sa mukha nito napatingin kunsi sa dibdib nito. Walang suot na tshirt ang binata at nakahantad sa kanyang paningin ang bawat linya ng matipuno nitong dibdib at well-defined abs.



She felt a slow burn in her belly bago siya kumurap at mabilis na nag-angat ng mga mata sa mukha nito. Arkitekto ito. Hindi ba nakaupo lang ang arkitekto? Bakit maskulado ang mga braso at dibdib nito? Bakit ito may six-pack?



"Hi," tila gulat na bati nito bago ibinaba ang hawak na lapis. Bumaling-baling ito sa paligid bago hinila ang isang tshirt na nakasampay sa likod ng monoblock. Mabilis nitong isinuot ang tshirt. Nakadama ng disappointment si Ron sa pagkakatakip ng biyaya pero ipinilig niya ang ulo at muling tiningnan sa mukha ng lalaki.



"Sorry, naistorbo ba kita?"



Umiling ito bago ibinaba sa sahig ang plywood na tinatrabaho nito. "Extra project lang." anito. "What brings you here? May problema ba?"



Ito na. Heart-to-heart talk na. Isinara ni Ron ang pinto sa kanyang likuran at tuluyan nang pumasok sa tindahan. Kailangan na lang pinturahan ang mga dingding sa tantiya niya.



"Ang bilis nyong magtrabaho." sabi niya para bigyan ng pagkakataon ang sarili na iorganisa ang mga gustong sabihin.



"Masisipag ang mga trabahador," sagot ng lalaki na patuloy lamang siyang pinanonood.



"Look," sabay nilang simula bago sabay ring tumawa.



"You first," he said.



Itinaas niya ang isang braso para ipakita rito ang suot niyance bracelet. "Thank you sa mga regalo," simula niya bago muling ibinaba ang braso. "You didn't have to but I appreciate them."



Ngumiti ito. "Tinanong ko sila Paris tungkol sa lahat ng paborito mo."



"Obviously." Mahina siyang tumawa. "And I also want to apologize for not talking to you pagkatapos nung... nung harana. It was petty and childish at alam kong kabastusan yon. I'm sorry."



Lumapit ito sa kanya at sumandal silang dalawa sa mesa. "That's okay. Naiintindihan ko kung bakit. I was an asshole. I want to apologize for everything that I said and thought and did." anito.



Umiling siya. "Naisip ko na ako ang dapat magsorry." sabi niya. "Ako ang nag-violate ng privacy mo sa tuwing binabasa ko ang iniisip mo. Wala naman batas na kahit sa sarili mong isip, di ka pwedeng magpakatotoo."



"But still," giit nito. "I was an asshole. Lalo na dun sa challenge part."



Napangiti siya. Bihira ang lalaki, ang tao, na umaamin ng pagkakamali.



"Yeah," tukso niya at mahinang tumawa si Erik.



"Ang dami kong atraso sayo." muli innitong simula. "Nahihiya na ako sa sarili ko, naiisip ko pa lang."



"Huwag mo na nga sabing isipin. Kalimutan na natin."



Nakatingin ito sa kanya at puno ng sinseridad ang mga mata nito. "Babawi talaga ako sayo."



Tumawa siya at umiling. "You don't have to."



Hindi naman talaga. Dahil kung hindi pa ito bumabawi sa lagay na ito, na niregaluhan na siya ng lahat ng bagay na gusto niya, at nag-effort pa talagang mangharana, baka hindi lamang niya ito patawarin. Baka matuwa pa siya rito. Matuwa, kiligin, mahulog at tuluyang ma-inlove.



"Yes, I do." pilit nito. "Hayaan mo lang ako, okay?"



She didn't want to let him pero ayaw na niyang makipagtalo. "Bahala ka." sabi na lang niya bago muling binalingan ang mga dingding. "Alam mo, may gusto akong design. Hindi ko lang magawa kasi kailangan ko pang guluhin yong mga estante dati."



"Anong design?"



"Gusto kong lagyan ng fairy tale forest na mural yong taas ng mga pader. Parang border lang palibot ng tindahan. Maliit lang, siguro mga six inches lang yong taas ng mural."



"Marunong kang mag-paint?" tanong nito.



Nilingon nya ito. "Oo," sagot niya. "Namana ko sa isa sa mga lola ko. Pero hobby ko lang. Mas magaling pa din ang kamay ni Ate Paris... and I'm sure hindi din ako kasing galing mo?"



Tumawa ito. "Marunong akong mag drawing pero hindi masyado kapag painting. Kung gusto mo, pwede kitang tulungan. Bigyan mo lang ako ng idea kung anong gusto mong design tapos gawin natin kapag tapos na ang work day nila Mang Manny."



Hindi napigilan ni Verona ang maliit na ngiting kusang lumabas sa kanyang mga labi.



"Kasama ba yan sa plano mong bumawi?"



Nang sulyapan niya ito, nakita niyang seryoso ang binata. "Know what? Not really. Gutso ko lang gawin para sayo."



And that, Ron thought, was the most honest thing she'd ever heard or felt from him. At ginawa ng mga salitang iyon ang hindi kinaya ng mga regalo nito. Hinaplos niyon ang kanyang puso.


Kasabay ng kilig at takot dahil alam niya, hindi iyon maaari. To protect him, she had to shield her heart.





KUNG BALIKTAD ANG sitwasyon at si Erik ang nakarinig na aakitin siya ng isang babae dahil challenging siya, baka sobra siyang nainsulto... bago niya patulan ang babae at turuan ng leksyon. Kung kaya ganoon na lang ang effort na ibinuhos niya sa panunuyo kay Verona. Alam din niyang hindi materyal na bagay ang gusto ni Ron pero saan pa siya magsisimula para pasayahin ito?



Di sa mga regalo rin.



Pero ngayon, hindi lang ang dalaga ang mapapasaya niya. Dahil sa regalo niya kay Ron, he'd hit two birds with one stone.



Huminto siya sa bukas na pinto ng library ng mga Acosta kung saan, ayon kay Toia, naroon ang ate nito. Nakatayo na si Ron sa tabi ng isang arm chair at nakatingin sa kanya. Lumukso ang kanyang puso. Dapat nakakairita kung hindi man nakakakba na may isang taong nakakadama sa kanya bago pa man siya nito makita. Sa halip, parang masarap sa pakiramdam.



Halatang hindi alam ni Ron kung ano ang ginagawa niya roon dahil sa nakakunot nitong noo at sa maliit at nagtatanong nitong ngiti.



"Oh," aniya bago pumasok sa library. "Hindi mo ba alam kung bakit ako nandito?"



"Hindi," iling nito at ibinaba sa tabi ng armcahir ang hawak na lumang libro.



"Hindi mo na ba binabasa ang isip ko?"



Muli itong umiling. "Nag-eeffort na akong hindi mabasa ang nasa isip mo. Respeto ko na yon sa privacy mo."



Na-touch siya roon. Kung siya siguro ang may ganoong klaseng powers, baka lagi niyang inuusisa ang mga naiisip ng ibang tao.



Napasulyap ito sa hawak niyang regalo. Kahit nakabalot iyon ng kulay berdeng wrapper at may kulay pink na ribbon, hindi maikakaila kung ano ang dala niya. Namilog ang mga mata ni Ron bago muling umakyat sa mukha niya ang paningin nito.



Lumapit siya at naupo sa sofa roon. Tinapik niya ang lugar sa tabi niya para paupuin ang dalaga. Para pa rin itong na-hypnotize na nakatingin sa dala niya. Lumapit ito at naupo. Inilagay niya sa pagitan nila ang regalo.



"I wanted to give you this."



"Erik, sabi ko naman sayo, hindi mo na ako kailangang bigyan ng mga regalo," giit nito.



"Think of it this way," nakangiti niyang umpisa, itinulak palapit dito ang regalo. "Ikaw ang regalo ko sa kanya."



Muling tinungo ni Ron ang regalo bago iyon inabot. Hinila nito paalis ang pagkakabuhol ng ribbon bago pinunit ang wrapping paper. Napakagat-labi ito at nagningning ang mga mata nang marinig nito ang mahinang ngiyaw galing sa loob ng regalo. Mabilis nitong inalis ang wrapping paper at binuksan ang pinto ng pet carrier. Sumilip ang itim at bilugang mukha ng isang kuting.



Nagpakawala ng isang masayang tawa si Ron bago inabot ang kuting at marahang kinarga. Kulay itim ang balahibo nito pero puti ang dulo ng mga paa kaya mukha itong may suot na medyas. Kulay berde ang mga mata ng pusa. Agad itong nagsimulang gumawa ng purring sounds. Humilig pa ang kuting sa dalaga nang idikit nito ang pusa sa dibdib nito.



"May pusa kasing nanganak sa zoo kung saan nagtatrabaho bilang vet yong kapatid ko. Tinanong niya ako kung gusto ko raw mag-ampon. Di ba yung mga witches sa mga movies may mga familiars? Yung mga alaga nila? Naisip ko lang na baka gusto mo siya."



Natatawa siyang sinulyapan ang dalaga. "Hindi kaya ako witch."



"Doesn't matter. May unique abilities ka pa rin." Inabot niya ang pusa at hinaplos ang pagitan ng mga tainga nito. "Saka hindi ko na kailangang itanong kung gusto mo siya," dagdag niya. "I think love at first sight na ito, on both sides."



Nag angat ng mukha si Ron at nanikip ang dibdib ng binata sa ligayang nakita niya roon.



"Thank you," anito na tila di makapaniwala sa regalo niya.



She looked so happy and radiant.



And indescribably beautiful.



"Sana lagi ka na lang may kasalanan sakin." saad nito. "Para lagi kang bumabawi."



Tumawa siya, "Yeah, well... pero hindi ko ginagawa ang lahat ng ito para bumawi lang, Ron. I've realized that I like making you smile."



Mataman siyang pinagmasdan ng babae. Parang hindi ito makapaniwala sa narinig. Nasiguro niyang hindi na nito binabasa ang isip niya kasi parang hindi to makapaniwala sa mga pinagsasasabi niya.



Well, sya rin.



Ang alam niya, hindi siya nagsisinungaling. He did like making her smile. He liked making her smile at him.



'Subukan mong lokohin si Ron, puputulin ko lahat ng mahahalagang parte ng katawan mo,' naalala niyang banta ni Rome.



Hindi na kailangan. Hindi niya sasaktan si Verona. At kung gagawin niya iyon, siya na mismo ang puputol sa mahalagang parte ng kanyang katawan.



He wanted to kiss her, hold her, touch her. He wanted to love her, be with her.



Be inside her.



"I'd better go," mahinang saad niya. His voice was made rough with wanting.



Kapag hindi pa siya umalis, baka makita nito kung ano talaga ang gusto niya at isipin pa nito na hindi siya sinsero sa pakikipaglapit dito.



It just seemed so fast. Mula noong maisip niya na hindi ito kasing-ganda ng mga kapatid nito, napabaliktad na nang lubos ang opinyon niya. Ngayon si Ron, with her shy smile and bright eyes, was the most beautiful of them.



Hindi niya maintindihan ang sarili. Hinid niya naiintindihan ang takbo ng mga pangyayari. Hindi niya alam kung paano, na sa napakaiksing panahon, hindi na siya bumabawi pero nagsisimula na siyang manligaw.



"Iiwan ko na lang sa baba yong mga supplies niya. Binilhan ko na siya ng kama, ng bowls, toys saka pagkain. He's a boy by the way."



Tumayo siya pero hinabol ng dalaga ang kanyang kamay. Napatingin siya rito nang sumara sa kanyang palad ang mga daliri nito. Tumayo rin si Ron, yakap yakap pa rin nito ang bagong alaga. Ngumiti ito sa kanya. Hindi niya maintindihan kung bakit parang may kasamang pagsuko at pag-aalala sa mga mata nito pero saka niya naramdaman sa loob niya na tanggap na siya ni Ron.



Tumiyad ito at hinalikan siya sa pisngi. Anh inosente ng halik. Yet it was like fire in his blood.



"Thank you," bulong nito. "For the cat."



Ngumiti siya at hinaplos ang pisngi nito bago nya ibinaba sa tagiliran ang kamay na ikinuyom niya bago pa niya mahawakan si Ron at gawin dito ang tunay niyang gustong gawin.



"You're welcome."



'You're welcome to my life....'

Continue Reading

You'll Also Like

2.8K 130 48
naging magkaibigan sina anna kylie padilla at si ruru madrid.. sa kadahilan sing na kanilang ama..hanggang sa magka-ibig-an silang dalawa at saka si...
9.9M 494K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...
4.4M 111K 46
Wild, untamed and fierce- that's Tatiana Faith Follosco. Para sa kanya, chill lang ang buhay. She loves to party with her friends and make crazy dare...
45.7K 1.4K 60
"Why would I want to learn to love you when you can't even catch me?" "Arghh! I'm so confused! It's all your fault! kung bakit ako nagkakaganito..Kal...