Stay With Me

By velaskinswife

2.9K 127 15

Alam ni Verona na hindi siya mag-aasawa. Kung talagang mahal niya ang isang lalaki, alam niya sa sarili niya... More

β–ͺ︎ C A S T β–ͺ︎
0
1
2
3
5
6
7
8
9
10
VICTORIA GIANNE ACOSTA

4

139 9 1
By velaskinswife


Hindi sumama sa hapunan si Ron kinagabihan. Hindi na sya muling bumalik sa job sites dahil hindi niya alam kung saan narron si Erik at ayaw niya itong makita.



Tumawag ito sa kanya pero hindi niya ito kinausap. Nagdahilan siya na marami siyang ginagawa. Hindi rin siya nag-rereply sa mga text nito.



Hindi na siya sigurado kung ano ang nadarama niya. Magkahalo na ang galit, pagkainis at pagkapahiya. Ano ang sasabihin niya rito? At ano ang pag-uusapan nila? Alam niya kung ano ang iniisip nito tungkoll sa kanya. Siya iyong baliw na pangit na Acosta. Hinid niya ito kailangan sa buhay nya, thank you very much.



Naglagay siya ng isang kulay dark green na crystal sa dulo ng wire na gagawin niyang dangling earring. Medyo nahuhuli na siya sa quota niya sa accessories pero noon lang niya naharap ang trabaho matapos ang nangyari sa Europa. Idagdag pa ang engkwentro nila ni Erik sa job site kahapon.



Napatingin siya sa isang orasan sa sala. Ala nuebe na ng umaga. Kung magsisipag siya, mamayang hapon, marami na siyang nagawang hikaw. Nagsisimula na siya ng isa pang pares nang may mag-doorbell.



"I'll get it!" anang Ate Paris niya na noon ay palabas ng kanilang bahay.



Medyo kumplikado ang bagong disenyo na gagawin niya at kailangan niyang bilangin ang maliliit na beads. Sobra siyang nagko-concentrate kung kaya nagulat siya nang ibaba ng Ate Paris niya ang isang vase ng tulips sa mesa sa harap niya. Lumipad sa mga mata ng kapatid ang kanyang paningin bago bumalik sa tulips. Paborito niyang bulaklak ang mga iyon.




"Flowers for you!" paawit nitong sabi bago iniabot sa kanya ang card. Naupo ito sa tabi niya bago tumawag. "Guys! May flowers si Ron!"




Mabilis na lumabas ng kusina si Toia at nagmamadali ring lumapit ang Ate Syd niya galing sa home office nito. Siniksik siya ng mga kapatid sa sofa.




(a/n. fvck shit! parang ansarap magkaroon ng mga kapatid na babae no? May makakasabay ka lumandi)




"Kanino yan galing?" tanong ni Ate Syd pero alam niyang alam na ng mga ito kung kanino mismo galing ang mga bulaklak.



"Kay Erik." aniya kahit hindi pa niya binubuksan ang envelope. At nang buksan niya iyon at binuklat ang card, isang linya lang ang nakasulat doon.



'Gel, I'm sorry. - E'



Tahimik ang mga kapatid pero nadarama niyang hinihintay ng mga ito ang kanyang reaksyon. Sinulyapan niya ang kanyang Ate Paris.



"Alam ba niyang hindi ko siya niloloko nang sinabi ko na telepath ako?"



Tumango ito. "We told him at dinner last night. In fact, alam na niyang lahat tayo ay may abilities."



Tumango rin siya nang minsan. Muli niyang isinilid ang card sa pagitan ng mga bulaklak bago tumayo at dinala iyon sa kusina kung saan hindi niya makikita. Pinanood siya ng mga kapatid nang bumalik siya sa sala at mabilis na inayos ang mga gamit sa paggawa ng accessories.



"Sa taas lang ako." paalam niya.



She didn't want him to be sorry. She didn't want anything to do with him.



Siguro dalawang oras na siyang nagtatrabaho sa library nang marinig niyang muling may nag-doorbell. Hindi niya sinilip ang bintana dahil alam niyang isa sa kanyang mga kapatid ang sasagot doon. Isinukat niya sa kanyang leeg ang bagong tapos na beaded necklace. Tiningnan niya kung maganda ang bagsak niyon sa kanyang dibdib bago niya inilock ang magkabilang dulo niyon.



Napaangat ang ulo niya nang kumatok sa pinto ng library si Toia. Malaki ang ngisi nito bago ibinaba ang isang kahon sa mesa sa kanyang tapat.



"For you." sabi nito.



"Okay," sagot niya pero nakasimangot sa kahon na alam niyang galing kay Erik.



Tinapos niya ang necklace bago iyon inilagay sa isang kahon. Sinubukan niyang magsimula ng panibagong accessory pero pumalatak siya bago binitawan ang mga kagamitan. Para kasing umaawit ang kahon at tinatawag ang kanyang pangalan.



Gumamit siya ng cutter para alisin ang tape na nagsasara sa kahon at iniangat ang takip nito. Sa loob niyon ay isang lalagyan ng paborito niyang chocolate caramel truffles.



Naningkit siya. Dahil parehong paborito niya ang mga regalo, hindi na maikakaila ng mga kapatid na tinutulungan ng mga ito si Erik na... na ano? Mag-sorry sa kanya?



Padabog niyang ibinalik ang takip ng kahon bago iyon iniwan sa ibabaw ng mesa. Muli niyang kinuha ang mga plastic containers ng beads at crystals bago dinala ang mga iyon sa kanyang silid. Padabog niyang ibinagsak ang sarili sa kama, kunot noo at madilim ang mukha.
Hindi siya madadala sa bulaklak at chocolate. Hindi siya ganoon.



Pero nang hapon na iyon ay isang bracelet na gawa sa paborito niyang mga Murano beads ang inihatid ni Paris sa kanyang silid, natulala na lang siya sa maliit na kahon.



"Gusto lang niyang mag-sorry, Ron," sabi ng kanilang panganay na nakaupo na sa tabi niya sa kama. HInaplos nito ang kanyang buhok. Hindi siya sumagot at nagpatuloy ito. "Mali ang ginawa niya pero hindi ibig sabihin hindi mo siya papayagang mag apologize. Mas mahirap kapag nagtanim ka ng sama ng loob, di ba?"



Huminga siya ng malalim. "Para namang masama akong tao."



Tumawa ito. "Of course not," sabi nito. "Nasaktan ka niya ang you have the right to be angry. Pero mahirap ang may galit, di ba?"



Sinulyapan niya ang ate niya bago muling bumuntong hininga. "Fine, I'll talk to him. Pero huwag ninyong i-expect na magiging friends kami ha."



Muling hinaplos nito ang kanyang buhok. "No expectations, sweetheart."



Muli niyang pinagmasdan ang bracelet. It was beautiful. Kung sana lang ibinigay iyon ng binata dahil gusto nitong ibigay iyon sa kanya imbis na bilang bribe para kausapin niya ito."



Pero tama ang Ate Paris niya. Mas mahirap na magtanim ng sama ng loob. Fine, para sa sariling peace of mind, kakausapin na niya ang lalaki.




Bukas.




Matapos mapagdesisyunan ang gagawin, isinuot niya sa kanyang palapulsuhan ang bracelet. Bumuntong-hininga siya. She loved it. Unang kita pa lang niya alam na niyang gusto niya iyon. Hindi na niya itatago iyon. Pati ba sa sarili niyang isip, kailangan pa niyang magsinungaling?



Napaangat siya ng ulo nang may marinig mula sa labas. Music. Parang galing sa gitara. 



Nagkatinginan sila ng Ate niya bago sila sabay na tumayo at nagtungo sa bintana.



Sa hardin sa ibaba, nakatayo ang tatlong lalaki. Nakaporma ang mga ito pero hindi naman naka-Barong na ayon sa isang awiting biglang sumagi sa isip niya, tinutugtog ni Rome sa dalang gitara ang isang... harana.




"The dawn is breaking..." simula ni Erik sa isa sa mga pinakapaboritong kanta nya. "A light shining through. You're barely waking. And I'm tangled up in you."



Pumasok sa silid niya ang Ate Sydney niya at si Toia. Sa terrace, tinunghayan nila ang tatlong nanghaharana. Alam ni Ron na ang mga ito ang nagpapasok sa tatlo.



Bumungisngis si Paris at binigyan ng flying kiss si Rome.



Nagpatuloy sa pag-awit si Erik na nakatingala lamang sa kanya. Hindi niya alam na nakatitig na lang din pala siya sa mga mata nito habang hawak ang bracelet na ibinigay nito na nakasuot sa kanyang palapulsuhan.



"I'm open, you're closed. Where I foloow, you'll go. I worry I won't see your face light up again."



Parang may kung anong tali na umaabot sa kanya mula sa mga mata ni Erik. May kung anong init. Na para bang habang nakatingin siya rito, hinahaplos siya ng tinig nito na tila ba mga daliri nito ang dumantay sa kanyang pisngi.



At noon lang niya naisip na bagay sa kanila ang kanta.



"Even the best fall down sometimes. Even the wrong words seem to rhyme. Out of the doubt that fills my mind, I somehow find you and I collide."



Nagpatuloy sa pagkanta si Erik, at ngayon ay sinamahan na ito ng Kuya Ynoh niya bilang second voice. Sa tabi niya, kinikilig ang kanyang Ate Sydney. Parang naging miyembro ng glee club ang tatlo. Given na ang kanyang Kuya Rome dahil professional singer ito pero akalain ba niyang maganda ang boses ni Ynoh at lalo na ni Erik?



Kahit hindi siya telepath o empath, madarama niya ang sinseridad ni Erik mula sa kinatatayuan niya sa terrace. He really was sorry for what he did, what he thought.



At hindi ba iyon ang mahalaga? Kahit pa hindi nito kasalanan talaga ang mga nagawa dahil, well, sino ba ang makakaisip na pigilin ang sariling utak para di makasakit ng damdamin ng iba?
Kung magpapakatotoo siya, tahasan ba niyang masasabi na hindi siya kinilig sa mga regalo ni Erik?



Nagmatigas si Ron. Tumalikod siya at pumasok sa kanyang silid. Nahiga siya sa kama, ipinasak ang mga earphones ng kanyang iPod sa mga tenga at nagpatugtog ng malakas na musika.




She could never be attracted to any man. She could never have a boyfriend. She could never fall in love. Hindi niya kakayanin na ang dahilan ng pagkamatay ng lalaking mahal niya ay ang pag-ibig niya para rito. Hindi niya maaaring bigyan ng pagkakataon, kahit katiting, ang sumpa.




Hindi niya alam kung bakit pero ramdam niya ang pagtakas ng ilang patak ng luha mula sa kanyang mga mata.




_________________________

a/n. Merry Christmas bakla, napaka supportive mo talaga! Love you sis, @areh0411 ♥ hold on, baka may susunod pa... maaga pa oh. May pa noche buena pa si Mayor hahaha 

Continue Reading

You'll Also Like

51.7K 939 36
Akala nila, forever na. Yun pala haggang doon na lang sila.
3.8M 227K 77
"If Eve was the first woman on Earth── then, I am the last. My name is Dawn. The last girl on the planet. This is my diary." πŸ–‡ COMPLETED Date Starte...
20.7M 759K 74
β—€ SEMIDEUS SAGA #01 β—’ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
336K 25.1K 40
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...