Stay With Me

By velaskinswife

2.9K 127 15

Alam ni Verona na hindi siya mag-aasawa. Kung talagang mahal niya ang isang lalaki, alam niya sa sarili niya... More

▪︎ C A S T ▪︎
0
1
2
4
5
6
7
8
9
10
VICTORIA GIANNE ACOSTA

3

164 9 1
By velaskinswife


"Baka sumakit ang tyan ng mga customers natin niyan," puna ni Toia.

Nag-angat ng ulo si Ron.

Napangiti ang kanyang kapatid bago itinuro ang malaking bowl kung saan niya hinahalo ang cream cheese, sugar and eggs mixture para sa Chocolate Chip Cheesecake Brownies. Online ang business nila ngayon habang hindi pa muling natatapos ang mga branches ng Europa. Tumigil siya sa paghahalo at itinulak palayo sa kanya ang bowl.

"Sorry," napahiya niyang saad. "May iniisip lang ako."

"Mukhang bayolente." nakangiti pa ring puna ni Tia. Nakatayo sa tapat niya sa island ng kanilang kusina, nakasuot ng apron sa ibabaw ng tshirt at shorts habang pinapantay ang pagkakalagay ng chocolate chip dough sa isang baking pan. "Katakot ang facial expression mo, eh."

Natawa si Ron. "Sorry talaga," ulit niya.

Huminto sa ginagawa si Toia. "Pwede kang magkwento." udyok nito.

Bumuntong hininga siya bago inabot ang bowl ng chocolate chip dough at kumuha nang kaunti mula sa gilid niyon.

"Naiinis kasi ako kay Erik."

Halatang nagulat si Toia. "What? Bakit naman?"

Alam niyang bumenta ang binata sa hapunan noong nakaraang gabi. Nagustuhan ito ng kanyang mga kapatid dahil masarap itong magkwento at charming.

'Charming nya mukha niya.'

Tinikman niya ang dough galing sa kanyang daliri. "Hindi ko kasi feel ang ugali niya."

"Bakit nga?" Inabot ni Toia ang bowl ng cream cheese batter. "Mukha siyang mabait. Magalang. Saka guwapo, ha."

Pinag-isipan niyang mabuti ang sasabihin habang pinapanood na ilipat nito ang cream cheese batter sa ibabaw ng chocolate dough. "Guwapo siya pero may pagkamahangin, eh. Basta mayabang ang una kong impression."

'Sinungaling. Una mong impression ay 'Gusto kong maging ina ng mga anak niya!'

"FIrst impression lang naman," patuloy si Toia na ngayon ay naglagay na ng chopped walnuts sa ibabaw ng cream cheese. "Baka kapag nakilala mo, mabait talaga. Hindi naman siguro magiging kaibigan nila Kuya Rome yon kung hindi maganda ang ugali."

Muli siyang kumuha ng dough sa bowl. "Sana," aniya.

'Dahil sayang talaga ang kagwapuhan niya.'

"Ano ba kasi ang nangyari?" tanong muli ng kapatid. Nailagay na nito sa oven ang baking pan at naupo na sa kanyang tapat para pagtulungan nilang kainin ang naiwan chocolate chip dough sa lalagyan. Ritwal na nila iyon sa tuwing tutulong siya sa pagbi-bake. "Halos hindi mo siya pinansin buong dinner, tapos nilayasan mo pa sa kusina. Did you read his mind?"

Nagkitbit-balikat siya. "Hindi ko sinasadya. My shields could have been lowered o malakas ang isip niya."

Dinilaan ni Toia ang dough na nasa isa nitong hinlalaki. "Anong nabasa mo?"

Ayaw niya iyong sagutin. Paano ba niya ipapaliwanag dito ang naisip ng binata na hindi siya magmumukhang bitter o kawawa?

'She's pretty enough pero pangit kung ikukumpara sa mga kapatid niya.'

Bumuntong hininga siya. Bakit ba? Sa kailangan niya ng kausap tungkol sa damuho eh!

"Naisip niya na hindi nyo ako kasing-ganda."

Nanlaki sa pagkainsulto para sa kanya ang mga mata ni Toia. Napangiti siya. Maaasahan talaga ito.

"Sinabi niya iyon?" anito, tila hindi makapaniwala.

"Naisip niya." pagtatama niya. "Siguro pinakitaan siya nila Kuya ng mga pictures ninyo kaya ang taas ng expectations niya sa beauty ko."

"Loko yon ah. Gusto mo kulamin na natin? Nagbabasa ako ng mga tunay na kulam ngayon. Pwede ko syang pagpraktisan."

Tumawa siya bago kinurot ang ilong nito. "I love you." sabi niya. "And no thanks sa pagkulam. Bad yon. Sabi nga, 'bring harm to none', di ba? Babalik yon sayo. Although gusto ko sana talaga siyang kulamin nang makatikim naman."

Madilim pa rin ang ekspresyon ni Toia. "Kapal niya, ha."

"Hindi pa nga yon ang malala. Naisip din niyang challenge ako at baka maganda kung i-seduce nya ako."

At namula siya nang maisip iyon. Dahil sa kabila ng pagkainsulto, hindi niya maikakaila, at least sa sarili, na nakadama sya ng kakaibang init ng mabasa ang mga intensyon ni Erik. Ngayon nga lang, parang mabigat ang dibdib niya dala ng alaala ng mga pantasya ng bastos na binata.

"What?" bulalas ng kapatid na namimilog ang mga mata. "Diyos ko Ate! Patubuan natin ng pigsa sa ilong!"

Tumawa siya. "Hayaan na natin. At least alam ko kung may gagawin syang masama. Saka opinyon kung di siya nagagandahan sakin. May karapatan siya sa opinyon niya. Ayoko lang makipagplastikan."

"Okay, fine. Isang maliit na kulam lang. Lagyan lang natin ng kulugo sa dulo ng ilong o unti-unti nating kalbuhin sa tuktok ng ulo. Hindi niya malalaman."

Muli siyang tumawa. "Huwag na! Baka ikaw ang makalbo, no!"

Inabot nito ang kamay niya at tiningnan siya nang direcho sa mga mata. "Pero, Ate, alam mo na maganda ka, di ba?"

Napangisi siya. "Syempre. Acosta kaya ako."

Nawalan ang pag-aalala sa mga mata nito. "Kasi baka maniwala ka sa kanya, eh."

"Hindi naman siya ang unang nag-isip ng ganon." aniya. Sa katunayan, iilan lang ang taong hindi ikinumpara ang itsura niya sa mga kapatid. Hindi siya pangit pero she was the plain one. She had always been the plain one. "At hindi rin siya ang huling makakapansin non. Sanay na ako. Saka yon nga, alam ko namang maganda ang lahi natin kaya maganda talaga ako."

"Pero kukulamin ko pa rin siya." nakasimangot na saad ni Toia.

Bumungisngis siya. "Alam ko na. Minsan, ayusan mo na lang ako nang bonnga. As in kailangang magandang-maganda ako tapos ipapakita ko sa kanya kung anong namiss niya dahil naging antipatiko siya."

Lumawak ang ngisi ng bunso nila. "Deal!"

Ngumiti na rin siya bago muling kumuha ng dough sa mixing bowl. Iyon lang ang kailangan niya, ang maglabas ng sama ng loob. Pagkatapos noon, move on na. Wala naman siyang mapapala kung mag-dwell siya, lalo na kung sa mga taong tulad lang ni Erik.

"Pwede akong magdala ng dessert sa job site mamaya." aniya. "Kung may extra tayong brownies or kahit anong matamis? Dadalhan ko ng tanghalian sila Mang Manny."

"Cookies," sagot ng kapatid. "Maraming cookies dito."







PINUNASAN NI ERIK ng isang braso ang pawisang noo. Nagsimula na ang sabay na construction ng dalawang branches ng Europa. May kalahating oras na siguro silang nagbubuhat ng mga sako ng semento papasok sa site at masakit na ang mga braso at balikat niya. Ipinagpag niya ang maruruming kamay bago binalingan ang bisor ng mga karpintero.

"Sabi sayo, Sir, hindi mo na kailangang magbuhat-buhat," ani Mang Manny na nag-abot sa kanya ng isang bote ng mineral water. "Nakakahiya naman sayo."

Ngumisi siya. "Mabuti na po ito." sagot niya bago pinihit ang takip ng bote. Halos maubos niya ang laman niyon nang ilang mahahabang lagok. Gusto rin sana niyang ibuhos sa ulo niya ang natitirang laman ng dahil sa init. "Matagal na rin po akong walang manual labor."

Pinanood nila ang iba pang mga trabahador na kanya-kanya ang gawa sa loob ng tindahan. Magagaling ang mga ito. Hindi kailangang bantayan dahil masisipag at alam na ang gagawin.

"Mang Manny, kayo rin po yung gumawa dito noon, ano?" tanong niya.

"Oho, sir. May ilang mga bago pero kami rin yong unang gumawa dito. Kung sinuman ang nagpasabog nito, tunay namang demonyo." Sinulyapan niya ang matanda. Halata ang galit sa mga mata nito. "Mababait po sina Ma'am Paris." patuloy nito. "Hindi ko lang lubos maisip kung bakit mayroong galit sa kanila na kayang gawin iyon."

Muling itinaas niya ang bote ng mineral water sa kanyang mga labi at inubos na ang laman niyon. Nakahanap siya ng pagkakataong mag-interview.

"Mabait nga po sila," pasimple niyang simula. "Pero parang suplada po yong isa, si Verona."

Tumawa ito. "Naku, mahiyain lang po si Ma'am Ron. Tahimik po noong una pero nung nakapalagayang loob na po kami, mabait din po siya. Tagadala po sya ng pagkain dito noon. Saka kahit hindi po kailangan, hindi nakakalimot na magdala ng merienda kung nagagawi dito."

Pilit na inimagine ni Erik ang seryoso, may pagkamataray pero intriguing na mukha ni Verona. Naalala niya ang araw na una niya itong nakita kung saan medyo may pagkamahiyain nga ito nang kausapin niya pero may charming itong ngiti. Hanggang sa makipagkamay siya rito at nagbago na ang anyo nito. Tinungo niya ang kamay niya at bagong manicure ang mga kuko?

Kamay kaya ang puhunan niya. Arkitekto siya pero tumutulong siya sa mga trabahador nila kung kailangan o kung gusto niya. Humawak siya ng martilyo at lagari. Inaasahan ba nito na malambot ang kamay niya at bagong manicure ang mga kuko?

Nahiya tuloy siya nang makita ang mga kalyo niya. Baka kailangan na nga niya magpa-hand spa...

'Anak ng teteng. Naisip mo lang si Verona, magpapahand spa ka na! Kung gusto nya ng maarteng lalaki, pwes maghanap siya ng iba! Sa tingin ba niya hindi magaling humaplos ang kamay na may kalyo? Hah!'

At bakit iyon ang naisip niya? Para namang interesado siya kay Verona na gusto niyang maging ideal guy nito.

Bumalik sila sa trabaho. Hindi na niya namalayan ang oras hanggang sa halos alas doce na pala. Nakatayo siya sa tapat ng isang mesa, nagsusukat ng kahoy para sa kisame. May lapis na nakasiksik sa likod ng isa niyang tenga. Minarkahan niya ang isang parte ng plywood at nagtaas ng ulo nang marinig ang tinig sa pintuan.

"Wow, ang bilis nyo namang magtrabaho!" anang isang babae an hindi niya iisiping si Verona kung hindi niya kaagad namukhaan.

Masaya kasi ang tinig nito. Kumurap-kurap siya. Naka capris ang dalaga at kulay dark green na baby tee. May dala itong isang malaking bag na ibinaba nito sa mesang mabilis nabakante ng mga kagamitan.

"Syempre naman, Ma'am!" biro ng pinakabata sa mga trabahador. "Kayo yata ang paborito naming kliyente. Bibilisan talaga namin. Nanginginig pa."

Tumawa ang dalaga at inalis ang laman ng isang bag. Mga Tupperware iyon na may lamang kanin at dalawang klase ng ulam. "Kain na muna kayo," sabi nito. "Para mas mabilis niyong matapos tong tindahan."

Nakikipagbiruan ito at nakangiti! At mas nadagdagan ang ganda nito dahil naiilawan iyon ng tunay na tuwa. Gustong batuhin ni Erik ng martilyo ang trabahador na nakangiti pa rin dito na para bang na-lovesick.

Tumikhim siya. "Anong ulam?"

Mabilis siyang binalingan ng dalaga. Gaya ng inaasahan, nawala ang ngiti nito.

"Binagoongan ni Ate Paris." pormal nitong sagot bago naglabas ng paper plates at plastic utensils mula sa dalang bag. Mukhang nasira niya ang araw nito. "Kumain na muna kayo." muli nitong aya.

"Kain din kayo, Ma'am." sabi ni Mang Manny.

"Sige lang po. Kumain na po ako sa bahay. Punta lang po ako sa Market! Market! Babalikan ko na lang po yang mga lalagyan."

Tumalikod ito at naglakad patungo sa pinto palabas ng construction site. Napigtal ang pasensya niya. Nagsasawa na siya. Kung galit ito sa kanya, di galit ito sa kanya, pero huwag siya nitong gaguhin na hindi niya alam kung bakit.

Mabilis niya itong hinabol. Bago pa niya nahablot ang braso nito, hinarap na siya ng dalaga. Gayunpaman, hinawakan niya ang braso nito at iginiya ito sa silid na alam niyang dating opisina ni Sydney.

"Cut the bullshit, Verona." galit niyang saad nang maisara ang bagong lagay na pinto.

"Don't use that word on me!" galit ding sagot nito. "Gusto mong malamang kung anong problema ko?" Pinangunahan siya nito. "Ang problema ko ay yong mga lalaking akala mo kung sinong gwapo para manghusga ng hitsura ng ibang tao. Problema ko rin ang mga lalaking gustong mang-akit ng babae dahil lang sa challenge siya. Walang kaso kahit hindi ako maganda sa tingin mo. So in short, ikaw ang problema ko."

Nakatitig lamang siya kay Verona, natulala sa mga sinabi nito, bahagyang nakabukas ang bibig, kunot ang noo. Those were his exact thoughts about her pero paano nito nalaman?

'Huwag kang aamin. Deny everything!' "Why the hell would you think that? Aray!" Dinudot kasi nito ang noo niya. Mabilis niyang hinawakan ang kamay nito.

"Ayan! Deny everything ka diyan!" asik nito bago hinila ang kamay at inabot ang doorknob. Inilagay niya ang isang palad sa pinto.

"What the hell are you?" tanong niya.

"I'm a telepath, okay?" pasigaw na sagot nito. "I can read minds."

Alam niyang hindi kailangang maging telepath ng dalaga para mabasa nito ang nasa isip niya nang mga oras na iyon.

"Hindi ako baliw." nagngangalit ang ngipin nitong saad. "Know what? Just forget it."

Sa sobrang gulat at pagtataka niya, hindi na niya ito pinigilan nang muli nitong hilahin pabukas ang pinto.

Continue Reading

You'll Also Like

2.8K 130 48
naging magkaibigan sina anna kylie padilla at si ruru madrid.. sa kadahilan sing na kanilang ama..hanggang sa magka-ibig-an silang dalawa at saka si...
45.7K 1.4K 60
"Why would I want to learn to love you when you can't even catch me?" "Arghh! I'm so confused! It's all your fault! kung bakit ako nagkakaganito..Kal...
109K 3.9K 69
Elaine Hidalgos is stuck of being the richest person without her parents guide, but after dying at the car crash, she awakened in a fantasy world...
9.9M 494K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...