NOW PLAYING: Be Your Everythi...

Door DoolyGotJams

3.2K 65 17

This girl? meets the bad guy. . . Simula ng mameet at magkacross and landas nila Chase Mason at Patricia, na... Meer

♡ PROLOGUE ♡
C2: Gamot
C3: Chase Mason

C1: Trangkaso

575 15 4
Door DoolyGotJams

♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡


Patricia's Point of View


Kanina pa ako nakatunganga at nakatitig sa kawalan. Kanina pa ako nakahiga. Kanina pa ako walang magawa. 


Nagkaroon kasi ako ng trangkaso. Kasalanan ko din kasi nalamigan ako kagabi. Alam ko na kasing umaambon, hindi pa ako nagdala ng payong.


Bwiset ayan naulanan ako. Samantalang ang purpose ko lang ay bumili ng instant noodles sa tindahan. Biglang bumagsak si ulan. Napunit pa yung jacket ko, letseng halaman kasi eh. Pakalat-kalat yung sanga.


Nagpasya akong mag-bukas ng facehook. Maglalaro nalang ako ng Criminal Case.


Pero bukod sa paglalaro ng Criminal Case, eh nag aabang din naman ako sa notification ko. At kung may nag-message ba sa akin. 


Nageexpect kasi ako ng message kay Kairi. Yung bruhildang iyon. Hindi man lang ako kamustahin. 


Naglaro ako ng Criminal Case. Pero mga ilang minuto din ay wala akong nagawa kundi mag logout. Wala na kasi akong energy. Bukas nalang ulit. At wala naman din akong nakuhang notifications. 


Forever alone ika nga.


Mga ilang oras pa ulit akong nakatunganga. Pumunta ako sa kusina para uminom ng gamot, pero nalimutan kong wala na palang biogesic. 


Kaya naisipan kong lumabas muna at mag lakad-lakad sa park, pagkatapos ay saka ako dadaan sa botika para bumili.. Ayoko din naman humiga lang. Hindi uso sa akin ang mga ganun eh. Kapag may sakit ako nakapaglalaba pa nga ako eh.


Malapit lang yung park sa amin. Ma-araw na din, hindi tulad ng mga nagdaang araw eh maulan. Nagsuot ako ng green na sweater at nag dala ng ipod para may music ako. Angsarap kasing lumabas sa tag-araw. Hapon na din kaya maganda ang sinag ni sun sa labas.


Binuksan ko na yung pinto at lumabas na.  


 Sa park.


Napansin kong madaming magjojowa ang nagdedate ngayon.


Nagkalat kasi sila sa paligid. Nag dadami na sila. Sadya ba talagang nag poproduce ang mga to?


Isa ba itong matuturing na problema sa ekonomiya ng lipunan. Madami na kasing mga kabataan ang kahit hindi pa nereregla eh may relationship goals na.


Hindi ko nalang pinansin ang aking sariling opinyon.


Dahil masyado nang lumalalim ang aking bawat salita. Ating itigil muna ang pag iisip ng mga hindi kanais-nais na mga bagay.


Nagpatuloy na ako sa paglalakad.


Napadpad ako sa may pond at umupo sa tabi noon. Nakinig ako sa music habang pinapakiramdaman ang magandang panahon.


Napapikit ako.


Feel na feel ko din kasi yung pinapakinggan kong kanta. Walang lyrics puro instrumental lang. Depende sa mood ko. Narerelax ako kapag ganito.


I hummed softly.


Sumabay lang ako sa tunog, habang nakapikit. Nung matapos na yung tunog, huminto na rin ako. 


Pagkatapos ay tumayo na ako para umalis. Kaso biglang tumunog yung cellphone ko kaya nilabas ko ito. Ang brand new iphone 6 na kabibili ko lang last week. Hindi naman sa nagyayabang ako, pero sorry dahil namention ko yung brand. 


Si Kairi yung tumatawag. 


Sasagutin ko na sana yung phone nang biglang may nagsnatch nito. 


"Oh my gosh! fuck fuck! Yung cellphone ko! Tulong!" sigaw ko.


Asan ang yabang mo ngayon Patty?


Hindi ko napigilan yung sarili ko. Hinabol ko yung  snatcher. Iphone 6 yun mga pre, Iphone 6.


"Huy! Ibalik mo cellphone ko!"  hinatak ko yung damit ng lalaki na kumuha ng cellphone. 


Tumigil yung lalaki at humarap sa akin.


"JUSKO!" napasigaw nalang ako nang maglabas ito ng kutsilyo at itutok ito sa akin. Syempre nakakagulat no. 


"Parang awa mo na, wag mo akong sasaktan." nanginginig kong sabi. Pero kalmado pa rin ako. Hindi ako pwedeng mamatay, sayang yung Iphone.


"Eh walanghiya ka palang babae ka eh! Kung  matalinong tao ka hindi mo na ako hahabulin!" sabi nung lalaki na maitim at bungi. 


"Eh bobo ka pala eh! Syempre iphone yan eh! Halika nga ditong g*go ka!" hinatak ko yung damit niya at pinatikman ng malaking uppercut. "G*go ka! alam kong hindi mo ako sasaksakin, eh peke yang  kutsilyo mo bro. Halika ditong magna ka!" binugbog ko ito. Pinag tinginan kami ng mga tao. Yung ibang lalaking nakakita na dapat tutulungan ako ay naunahan ko na. Naligtas ko na yung iphone ko. 


Pati pala sarili ko.


Napansin kong iba kasi yung kulay ng kutsilyo. Mahina ang loob ko kung totoong kutsilyo yan, malamang tumakbo na ako habang sumisigaw ng "mommy, mommy help me." Eh kung peke syempre confident ako.


Tumayo ako pagkatapos kong mabugbog yung snatcher.


"Letsugas ka! Magnanakaw! Ipapakulong kita!" sigaw ko. "Mga tao, nakita niyo tong taong to? Bugbugin niyo to, magnanakaw to!" tinuro ko siya habang  sigaw ng sigaw. Kinuha ko na yung iphone 6 ko saka tinadyakan muli ng hard yung snatcher.


After that, napagod ako. Biglang may babaeng lumapit sa akin at nagti-tili din. 


"Oh my gosh! This man also snatched my phone! Ibalik mo yung phone ko!" pinabugbog nito muli sa mga tao na nakakita yung snatcher na kumuha daw ng phone niya. 


Maganda itong babae. Maputi at matangkad. Mukhang mataray. 


Maya-maya pa ay lumabas din yung phone nito na nakatago pala sa brief ng lalaki. 


Natawa ako. Buti nalang maagap ako. Kundi naging masangsang na iphone 6 na yung akin.


"Oh my g--" natatarantang sigaw nung babae. "I will not accept this thing anym-- Arggh!" naglakad ito ng pabalik balik sa harap ko. 


"Hey girl. Diba nasnatch din yung phone mo? Lets work on this. Sampahan natin ng kaso ang lalaking to."


"Umm. Tinamad na ako eh. Sige bye." tumakbo ako ng mabilis. Ayoko ngang madawit sa mga ganyan. Atsaka hindi naman nakuha yung phone ko eh. Hindi din naman napunta sa loob ng brief. Okay na sa akin ang mabugbog siya.


Habang tumatakbo parin ako patungo sa pinakamalapit na botika ay nakatapak lang naman ako ng tae. 


Srsly.


"Tae naman oh." huminto ako sa isang lugar kung saan pwedeng mapagpunasan ng tae.


"Tsk. pakalat kalat kasi sa daan eh. Ayaw tumabi. Papansin talaga ang tae ng aso sa daan. Masyadong pafamous."


*SPLASH SPLASH*


*KUSKOS KUSKOS*


Abala ako sa pag kuskos ng "natapakang tae sa daan" nang maisip kong karma yata sa akin lahat ng nangyayari ngayon. Masyado kasi akong selfish at mayabang. May nagawa din kasi akong mali. It's about the-- nevermind. Next time ko nalang siguro ie-explain.


Nanlumo ang mukha ko. Nakakainis. Hindi lang naman ako yung may kasalanan nun eh. Alam kong seven years ago na yun pero naguguilty pa rin ako. 


Nung malinis na yung sapatos ko ay naglakad na ako papunta sa botika. Pero naginit yung ulo ko. 


Lutang pa rin yung utak ko.


"Tsk. Pero hindi lang naman ako yung may naging kasalanan nun eh. May nagawa din si Mika noon. After that nawala nalang na parang bula ang babaeng iyon? Hindi ko na maalala yung mukha ng naging bestfriend ko na nagbetray sa akin. Basta nalang niya akong iniwan sa kasalanan naming dalawa at ako ang umako lahat ng parusa at sisi.


"Ang unfair mo! Hindi kita tunay na kaibigan!" sinipa ko yung trashcan sa tabi. I dont want to remember that past anymore. Pero para lang itong bangungot na paulit ulit akong dinadalaw at pinapamukha sa akin na nakapatay na ako ng hindi ko sinasadya.


Hindi ko sinasadya.


Hindi namin sinasadya.


Pero nagi-guilty parin ako.


Nagi-guilty din kaya siya?


Mika, sana makita ulit kita.



End of Chapter One


♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡  


#JiminiFabo, #BalatngBanana 

I tell you. Jimin got jams. Ako lang nainiwala doon. 


Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

110M 3.4M 115
The Bad Boy and The Tomboy is now published as a Wattpad Book! As a Wattpad reader, you can access both the Original Edition and Books Edition upon p...