His Missing Fiancée (Editing)

By LillMissBlue

421K 5.1K 202

Isang simpleng "nerd" lang si Airyll Anne Gomez at mayroong simpleng pamumuhay pero nang magpakita na ang mga... More

Prologue:
Chapter One - Airyll Anne
Chapter Three - Old Bad Memories
Chapter Four - Start of a New Life
Chapter Five - Unexpected Encounters
Chapter Six - Adjustment
Chapter Seven - St. Caroline Academy
Chapter Eight - Sacrifice
Chapter Nine - Despair
Chapter Ten - Torment
Chapter Eleven - Miseries
Chapter Twelve - Disorientations
Chapter Thirteen - Confidante
Chapter Fourteen - Pipe Dream
Chapter Fifteen - Reconciliation
Chapter Sixteen - Mess
Chapter Seventeen - Wreck
Chapter Eighteen - Chaos
Chapter Nineteen - Risk
Chapter Twenty - Chance
Chapter Twenty-One - Firsts
Chapter Twenty-Two - Elation
Chapter Twenty-Three - Pie-Eyed
Chapter Twenty-Four - Relief
Chapter Twenty-Five - Uneasiness
Chapter Twenty-Six - Engagement Party
Chapter Twenty-Seven - Solace

Chapter Two - Ken Richard

10.2K 241 12
By LillMissBlue

(Ken Richard's P.O.V.)

"Alex? Sigurado ka bang dito talaga nag-aaral ang fiancee ko? I mean si Airyll Anne Gomez?" tanong ko kay Alex. Kailangan ko na siyang makita kaagad. Kailangan kong maunahan si Xander.

"Opo, Prince Ken. Marami na po akong nakausap na nakaka-kilala sa kan'ya. Pero hindi pa rin tayo sigurado dahil mukhang ginawang confidential ni Ma'am Grace ang buhay ni Airyll."

Si Alex naman, pa-prince-prince pang nalalaman. Ang tigas talaga ng ulo, ilang beses ko nang pinagsasabihan at parang hindi naman niya ramdam na kaibigan na ang turing ko sa kan'ya. Masyado siyang masunurin sa walang kuwentang pakulo ng mga matatanda.

"Alex, huwag mo na nga akong tawaging Prince Ken. Kahit Ken na lang okay na. Nandito naman tayo sa pampublikong lugar." Tumango na lang siya. Mukhang magkakasundo sila ni Airyll at yun ay kung hindi pa tuluyang naimpluwensyahan si Airyll ng mga nag-aaral sa low-class na eskuwelahan na ito. "Naayos mo na ba yung mga papeles natin para sa enrollment sa Charleston?"

"Opo, Ken. Tara na po sa loob," sabi ni Alex at pumasok na kami sa loob ng Charleston.

Kung sakaling nandirito man si Airyll, hindi ko lubos maisip kung bakit dito siya pinag-aral ni Tita Grace. Kilala ang Charleston Academy sa pagiging tapunan ng mga estudyanteng siraulo, war freaks, bullies at patapon na ang mga buhay. Baka kapag nagkataon, isa na rin si Airyll sa mga nabanggit ko. Paniguradong magiging sakit siya sa ulo naming dalawa ni Tito Ricky.

Pagkapasok namin sa loob ay bumungad na sa amin kaagad ang kalokohang ginagawa ng mga estudyante dito. May isang babaeng nakasuot ng Nerdy Glasses ang nadapa dahil sa tali na iniharang ng mga estudyante sa daanan niya. Natanggal yung salamin niya at bumagsak siya sa lupa. May pumulot namang babae sa salamin niya at isa siya sa mga nambu-bully.

"Ito ba hinahanap mo Miss Nerd?" tanong nung nambu-bully na babae. Kahit mga babae dito walang class. Hindi man lang din pigilan nung mga taong nakapaligid sa kanila yung harap-harapan na pambu-bully na nagaganap. Natutuwa pa sila sa nakikita nila.

"Akin na nga yan Charie!" sigaw nung babae binu-bully sabay hablot dun sa salamin niya. Pero naitaas agad ito nung nambu-bully sa kan'ya kaya hindi niya ito nakuha.

Hindi ko alam kung bakit ganito ako umakto sa mga nasasaksihan ko ngayon. Gusto kong tulungan yung babae na kinakawawa nila. Kapag may nangyayaring gan'to sa St. Caroline, wala akong pakialam o ako pa minsan ang pasimuno.

"You're so tanga talaga miss nerd. Then isusumbong mo sa principal and teachers namin na kami yung may kasalanan kung bakit ka nagkakagan'yan," sabi ng isang babae na marahil kaibigan nung lider nila na nambu-bully.

"Ano pa nga ba aasahan mo sa sipsip?"

Sa totoo lang, may hitsura yung mga nambu-bully pero yung ugali nila, parang wala nang pag-asa. Mas lalo akong nakaramdam ng galit ng sirain nung Charie yung salamin nung binu-bully nila at itapon sa kan'ya. Napansin ko ring nangingilid na yung luha nung babae pero pinipigilan niya lang huwag umiyak.

Sa puntong iyon, bigla kong naalala si Airyll. Gan'yan yung hitsura niya noong mga bata pa kami at binu-bully siya sa eskuwelahan namin. Gusto niyang umiyak pero pinipigilan niya. Iyon siguro yung dahilan kung bakit ganito ang reaksyon ko. Ikinuyom ko yung mga palad ko. Kailangan siguro may gawin na ako. Papunta na ako sa mga nambu-bully pero biglang humarang si Alex sa daraanan ko.

"Ken? Prince Ken?!" tawag sa akin ni Alex at halatang kanina pa niya kinukuha ang atensyon ko.

"Bakit Alex?" tanong ko at tumingin ako sa likuran niya. Nagsimula nang magsipagbalikan yung mga estudyante sa kani-kanilang mga classroom. Pati yung binubully, wala na rin. Pero yung tatlong babae na nangunguna sa pambu-bully, nandoon pa rin na parang nanigas sa kinatatayuan nila. Ano kayang nangyari?

"Ken, na-confirmed ko na po na may isang nag-aaral dito na Gomez ang apelyido. Pero hindi po Airyll Anne ang pangalan niya, kung 'di Arianne Gomez."

Bakit gan'to nararamdaman ko? Pagkatapos kong makita yung binubully ng mga tao kanina, pakiramdam ko nandito sa eskuwelahan na ito yung hinahanap namin. Pati na rin ang sinabing pangalan ni Alex, parang may kakaiba. Dahil ba ito sa naaalala ko si Airyll at kinakain ako ng konsensya ko? Yayayain ko na sana umalis si Alex, dahil baka masayang lang ang panahon namin kapag nagpadala ako sa emosyon ko ngayon, pero may isang matandang babae ang lumapit sa amin na may dalang timba. Mukhang hardinera siya sa eskuwelahang ito.

"Hinahanap niyo ba si Airyll? Airyll Anne Gomez?" tanong niya sa amin. Napatingin kami kaagad sa kan'ya ni Alex. Hindi kaya, siya na ang susi namin para mahanap na si Airyll?

"Opo, manang. Alam niyo ho ba kung saan namin siya puwedeng makita?" tanong ni Alex sa matanda.

"Atin-atin lang ito. Si Airyll Anne Gomez at Airanne Gomez ay iisa. Tanging ako lang ang nakaka-alam ng lihim na iyon dito. Sinabi iyon sa akin ng kan'yang namayapa ng ina at ang habilin pa nito, kung may maghahanap daw sa anak niya na ang tawag ay Airyll Anne, sabihin ko raw sa kanila ang lahat ng nalalaman ko." Tumingin ang matanda sa pinangyarihan ng pambu-bully kanina. "Nakakalungkot nga lang isipin, wala na ang nanay ni Airanne at mag-isa na lang siya ngayon sa buhay. Tapos gan'to pa ang nararanasan niya araw-araw, lagi siyang pinagtutulungan ng mga kaklase niya. Gusto ko nga siyang tulungan pero ano nga bang magagawa ng isang hardinera lang sa eskuwelahan na ito? Wala pang respeto ang mga batang iyan. Mabuti na nga lang at hindi nila naiimpluwensyahan si Airanne. Sa kabila ng lahat ng paghihirap na nararanasan ng batang iyan, nananatili pa rin siyang mabait," sabi ni manang.

Tama nga ang kutob ko, dito nga namin matatagpuan ang hinahanap namin. Dahil sa mga nasaksihan ko at nalaman, kailangan ko na nga talagang maalis sa impyernong ito si Airyll, sa lalong madaling panahon. Kahit doon man lang matulungan ko siya at mabawasan ng kahit papaano ang mga kasalanang nagawa ko sa kan'ya. Kailangan din malaman agad ni Tito Ricky na wala na si Tita Grace.

"Maraming salamat po sa mga impormasyon."

May iniabot na kuwintas ang matandang babae. Tiningnan ko itong mabuti at hindi ako puwedeng magkamali, ito yung kuwintas na pilit na ipinapabigay ni Papa sa akin kay Airyll. Tiningnan ko yung matandang babae. Papaanong napunta ito sa kan'ya?

"Iyan ang makakapag-patunay sa lahat ng mga sinabi ko. Pagmamay-ari ni Airanne ang kuwintas na iyan at ayon sa kan'yang ina, ibinigay raw iyan kay Airanne ng kan'yang mapapangasawa sa takdang panahon," sabi ng matanda at nagpatuloy na siya sa pagdidilig.

"Bakit po nasa inyo pa rin po iyan hanggang ngayon? Ipinabibigay po ba iyan ng nanay ni Airyll sa maghahanap sa kan'ya?" tanong ni Alex.

"Sa totoo lang, pinapasangla na iyan sa akin nung nanay ni Airanne. Ibinigay na niya sa akin iyan dahil naging sanhi raw iyan ng trauma sa anak niya. Hindi ko naman alam kung anong trauma ang tinutukoy niya," sabi ng matanda.

Marami pa akong gustong itanong sa kan'ya pero tinawag na siya ng mga kasamahan niya. Trauma? Dahil sa nalaman ko, mas lalo akong kinain ng konsensya ko. Ang dami kong naidulot na hindi maganda kay Airyll, ngayon hindi ko alam kung papaano pa ako makakabawi sa kan'ya.

"Ken?" Tumingin ako kay Alex. "Tara na raw po sa room ng 4th yr. - Everlasting. Doon yung classroom ni Ms. Airyll."

Sinundan namin si Sir Matt, adviser nila Airyll, papunta sa classroom. Bago pumasok ay naghintay muna kami sandali sa labas ni Alex. Lumapit si Alex sa akin. Napansin niya yata na masyado akong tulala sa hawak kong kuwintas.

"Ayos lang po ba kayo?" Ngumiti lang ako sa kan'ya. "Kaya niyo po iyan."

Kinakabahan ako dahil sa tagal ng paghahanap namin kay Airyll at sa kasalanang nagawa ko sa kan'ya, hindi ko alam kung may mukha pa ba akong maihaharap sa kan'ya. Kahit gan'to ugali ko, marunong pa rin akong makonsensya.

"Good Morning, everyone!" masiglang bati ni Sir at binati naman siya kaagad ng mga estudyante niya.

"Well, take your sit class. Today we have two new late transferees. May you come in please."

Pumasok na kami ni Alex. Mukhang pinanindigan na talaga ng mga estudyante rito sa Charleston ang trademark nila na pagiging patapon. May kan'ya-kan'ya silang ginagawa. Yung iba natutulog, nakikipagdaldalan, harutan o kaya ay gumagamit ng cellphone. Agad kong hinanap si Airyll at nasa pinakalikod na bahagi siya ng classroom nakaupo, binubutingting yung salamin niyang nasira.

"Please Introduce yourselves," sabi ni sir Matt. Pinauna ko na si Alex.

"Good Morning Everyone my name is Alexandria Faye Santos. I came from St. Caroline Academy."

"Good Morning Everyone, I'm Ken Richard De Guzman. Best friend ako ni Alex. We both came from St.Caroline Academy."

Pagkatapos kong magsalita at ngumiti ay biglang nagtilian yung mga kaklase kong babae. Sa sobrang tinis ng mga tili nila ay halos mabingi na ako. Tiningnan ko si Airyll na halatang natigilan sa ginagawa niya. Hindi pa rin siya tumitingin sa direksyon namin. Hindi kaya, kilala niya ako o naaalala?

"Thank you for that wonderful introductions Ms. Santos and Mr. De Guzman. You may pick your own seats."

Pinagmasdan ko si Airyll. Siya pa rin yung dati kong matalik na kaibigan. Hindi sana magiging kumplikado ang lahat kung hindi lang ipinilit sa akin ang fixed marriage na ito. Marahil magkaibigan pa rin sana kami hanggang ngayon at hindi nangyari yung mga bagay na nangyari noon. Pero ano nga bang magagawa ko? Nakatadhana na yata sa amin ang ganitong uring traditsyon kapag ipinanganak ka sa mayamang pamilya. Wala kang karapatang magmahal o pakasalan ang taong gusto mo.

"Ken dito ka na lang umupo"

"Hindi Ken, dito ka na lang. Malamig dito"

"Hindi dito siya!"

"Dito nga siya eh. "

Ang ingay naman ng mga babae dito. Akala ko wala nang mas iingay pa sa mga kaklase at nakakasalamuha ko sa St. Caroline. Tolerable pa naman sila minsan pero dito mukhang hindi pa matatapos ang isang araw, lilipat na ako ng ibang school. Mabuti na lang at walang nakaupo sa tabi ni Airyll kaya sinenyasan ko na si Alex. Gusto ko lang ng payapang araw ngayon at tahimik.

"Girls, cut it down. Keep Quiet. Why don't you follow Ms. Gomez as a good example, for being quiet?" Akala ko tatahimik na sila dahil pinagalitan na sila ng adviser nila pero nakalimutan ko, nasa Charleston pala ako.

"Better not. That Nerd? How can be she a good example?" tanong nung Charie na nam-bubully kay Airyll kanina. Biglang natawa yung buong klase dahil sa inasta niya. Mali ang grammar niya at pati si Airyll natawa.

"There is something funny? May nakakatuwa ba, Miss Nerd?" tanong ni Charie at sabay tingin nang masama kay Airyll. Bakit ba lagi niyang pinag-iinitan si Airyll at ganito na lamang siya kung umasta?

"Yes. There is Ms. Perez. You have a nice language. What do you call your language again, English Carabao? Why don't you hire a translator, the one who can understand your language?" sabi ni Sir Matt na mukhang napahiya naman si Charie.

Ipinapangako ko, hindi matatapos ang araw na ito hangga't hindi ko naililipat si Airyll sa St. Caroline. Walang mga breeding mga kaklase niya, lalo na iyang Charie. Mas mapapabuti siya St. Caroline. Wala ring gagalaw sa kan'ya roon o magtatangkang gawin yung mga bagay na nararanasan niya rito.

"Shut up!" sigaw ni Charie na nangungulay kamatis na dahil sa hiya at inis.

"Uy, 'di wrong grammar! First time a," komento ng isa nilang kaklase.

"Indeed so Ms. Magalona. Ladies and Gents, please, settle down. Enough for that." Tumingin si Sir Matt kay Alex "Well, Ms. Santos, have you already chosen your seat?" tanong ni Sir kay Alex.

"Yes sir"

Naglakad na si Alex papunta sa direksyon ni Airyll. Kinausap niya ito na ikinagulat naman ni Airyll.  Pero kinalaunan, mukhang napapayag naman ni Alex ito at umupo na siya.

"How about you Mr. De Guzman? Where do you want to sit?" tanong ni Sir Matt habang nakatingin pa rin ako kay Airyll na nakikipag-agawan ng salamin kay Alex. Mukhang magkakasundo talaga sila.

"I want to sit beside Ms. Airyll Anne Gomez." Nagulat ako nang bigla kong nasabi yung buo at totoong pangalan niya. Pati mga kaklase niya, si Alex at Airyll mismo nagulat. Namutla si Airyll at kaunti na lang ay baka himatayin na ito. Nakalimutan ko na wala palang nakakaalam ng totoong pangalan niya rito.

"Pardon me? Who's that? We only have one Gomez here, and that's Ms. Airanne Gomez," tanong ni Sir Matt.

"Sorry din Sir. I just remembered someone." Nginitian ko na lang si Sir Matt.

"Then you can sit there Mr. De Guzman." Nakahinga naman ako nang maluwag.

Naglakad na ako at umupo sa tabi ni Airyll. Nagsimula nang mag-discuss si Sir Matt. Sobrang tahimik namin at napansin kong malalim yung iniisip ni Airyll. Hindi rin siya nakikinig kay Sir Matt. Nagtataka na siguro ito ngayon at iniisip kung sino kaming dalawa ni Alex.

"Ms. Airyll ito na po yung salamin niyo," sabi ni Alex. Doon ko lang napansin na ginawa pala ni Alex yung salamin ni  Airyll. Nagpasalamat siya at sinuot na niya yung salamin niya.

Natapos na yung klase at nagpaalam na si Sir Matt. Bigla namang lumapit si Charie at yung mga kaibigan niya. Ano na naman ba kailangan niya kay Airyll?

"Hi Miss Nerd. Siguro you're so happy na napahiya ako kanina and katabi mo si Ken. Pero don't be confident, hindi pa ako tapos sa iyo,"  sabi ni Charie na halatang nagpapa-cute at nagpapa-pansin sa akin, pero hindi ko siya pinansin. Kinuha ko yung phone ko at naglaro ng games pero yung focus ko wala doon. Pinapakinggan ko sila, baka ano na naman maisipan nilang gawin kay Airyll.

"Tama ka, friend. Dapat gantihan mo yang sipsip na yan at mang-aagaw."

Paano kaya kapag nalaman ng mga bullies na ito kung sino yung binu-bully nila? Baka sa sobrang takot at pagsisisi, tumalon na lang sila sa ilog. Panigurado akong kayang bilhin ni Airyll ang pagkatao ng tatlong ito o kaya ang buong Charleston dahil sa sobrang yaman nila Tito Ricky.

"Oh. Hi Ken, I'm Charie Andrea Perez," sabi ni Charie sa akin habang inaabot ang kamay niya sa akin at nagpapa-cute. Dinedma ko lang sila, wala akong balak makipagkilala o makipag-shake hands sa mga taong katulad niya.

"You know what, I don't have time to play with your stupidity. If you have that much time to waste, why don't you just spend it studying rather than doing pointless and unnecessary things? Para naman magkaroon ng sense yung existence niyo sa mundong ito at hindi nasasayang yung space na na-occupy niyo?" Napatingin ako kay Airyll at napansin ko ang pag-ngisi niya sa tatlong ito kahit nakayuko at kunwaring may inaayos. "By the way, ano kaya magiging reaksyon ni Jay kapag nalaman niya na yung jowa niya lumalandi ng iba? May ma-ospital kaya?" Napansin kong namutla si Charie sa kinakatayuan niya pagkatapos marinig iyon.

"Hindi pa kami tapos sa iyo. Humanda ka," sabi nila kay Airyll bago sila umalis.

"Kita mo yun, kinakausap ko yung sarili ko bigla na lang nagagalit. Wala talagang manners."  Natawa na lang ako sa sinabi ni Airyll habang nagbabasa ng libro.

"Airanne right?" tanong ko sa kan'ya.

"Yup? Why?" tanong niya habang hindi pa rin siya tumitingin sa akin.

"Wala lang. Sanay lang kasi ako na tinatawag ka nilang Airyll Anne." Sinarado niya yung librong binabasa niya at tumingin siya sa akin nang deretso sa mata na hindi ko inaasahan.

"Hindi ko alam kung ano'ng motibo mo pero ngayon pa lang sinasabihan na kita na wala kang mapapala sa akin."  Bigla akong napangiti. I guess people do really change but their eyes can't lie.

"Let's see." Halatang nainis si Airyll sa ginawa ko kaya nagbasa na lang ulit siya. I guess this would be fun.

Aasarin ko pa sana si Airyll pero ngayon ko lang napansin na wala pala si Alex sa upuan niya at sakto naman ay kababalik niya lang. Pero bakit parang may mali sa kan'ya? Agad siyang lumapit sa akin at may ibinulong.

"Prince Ken, confirmed. Nandito si Prince Xander, kasama si Alice. Natunton po nila tayo."

Shit. Kailangan ko nang maalis si Airyll dito. Panigurado akong may masamang balak yung hayop na iyon sa fiancee ko. 

"Alex, tawagan mo sila Ranz. Kailangan na nating makaalis kaagad dito," sabi ko sa kan'ya.

Kung ako lang, kaya kong patumbahin yung mag-amo na iyon. Pero kasama ko si Airyll, kailangang maiuwi ko siya nang buo dahil ako ang mananagot kay Tito Ricky.

"Masusunod po." Umalis na si Alex. Ngayon, kailangan ko na lang makumbinsi si Airyll at doon ko naalala yung kuwintas.

"Airyll, natatandaan mo pa ba ito?" seryoso kong tanong at ipinakita ko sa kan'ya yung kuwintas, dahilan para mamutla siya nang todo at mabato sa kinauupuan niya.

  -=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-

Continue Reading

You'll Also Like

109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...