The Things I Hate About You

By ceresvenus

169K 4.7K 963

Tosca is a famous influencer who pretty much spend all of her time on her night life. Bakit naman hindi eh it... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48

Chapter 36

3.5K 87 8
By ceresvenus

TOSCA

Laking pasasalamat ko na na resolve kaagad ang problema sa Puerto Galera. I don't think I could spend another day with score in there. It's just too awkward.

"Ma'am Julie, tapos ko na ang mga pinapagawa niyo. May kailangan pa po ba kayo?" Magalang kong untag sa admin manager namin.

"Naku, Tosca. Ilang beses ko bang sasabihin, huwag mo na akong tawaging ma'am. Ikaw nga dapat ang tinatawag ko noon eh." Nahihiyang sabi niya sa akin.

"Ano naman po ang itatawag ko sa inyo? Parang unethical naman kung Julie lang." Sagot ko.

Medyo nahihiya nga ako na pinag uusapan namin ito. Para sa akin kasi, boss ko siya. Hindi naman ako pinalaking matapobre ng pamilya ko. Hindi porket sa amin ito ay mag rereyna reynahan na ako.

"Oh siya, Ate nalang! Akin na nga yang mga files. Ang bilis mong mag-trabaho." Tumatawang sabi niya.

Inabot ko sa kanya ang mga hawak ko at nag-hintay ng susunod niyang iuutos. May dalawang oras pa kasi bago mag-uwian. Nilingon niya ako.

"Umuwi ka ng maaga Tosca. Sa monday nalang ulit. Naubos na ang mga pinapagawa ko sa'yo eh." Pabirong sabi niya.

Friday pala ngayon. Hindi ko namalayan. Ayaw ko pa nga sanang umuwi pero ayoko na ring tumambay sa office. Wala din naman si Clinton kaya wala din akong makukulit doon. Uuwi nalang siguro ako at matutulog. Na-miss ko iyong nasa bahay lang ako ng ganitong oras.

Dahil nga maaga akong nakauwi, dumaan muna ako sa isang organic grocery store para mamili. I decided to live better inside and out. Kaya naman no gluten and other toxic ingredients na ang mga pagkain ko. Hirap na hirap pa nga akong dalhin ang mga napamili ko sa sasakyan ko. Bawal kasi ang plastic kapag biyernes, kaya naka paper bag ang mga pinamili ko.

Ugh! Biglang mag ring ang cellphone ko! Napaka wrong timing pero baka importante kaya pilit kong sinagot.

"Hello?" Hirap na sabi ko. Hindi ko na natingnan kung sinong tumatawag dahil nag fo focus ako sa pagbubukas ng trunk ng sasakyan.

"Tosca! Gosh! Sumagot ka din!" Bulalas ng nasa kabilang linya.

It was Maddie. I recognized her voice.

"What's up?" Tanong ko.

Isinalpak ko ang mga grocery sa trunk at saka iyon sinara. Doon ko lang nahawakan ng maayos ang cellphone ko. Pumasok ako sa kotse ko at doon kinausap si Maddie. Diyos ko, napaka init! Itinodo ko nga kaagad ang aircon dahil hindi ko matagalan kapag ganitong nanlalagkit ako.

"When can you bond with us, ha? Masyado ka na atang busy sa work."

Hindi ko alam kung nagtatampo ba siya o nang-aasar lang.

"Maddie, I'm really busy. I'm sorry!" Apologetic na sabi ko.

Sa totoo lang ah namimiss ko na rin talaga ang mga kaibigan ko. I miss hanging out with them but I just have so much on my plate right now. Marami akong deadline na kailangang habulin.

"Hay. Kinakalimutan mo na talaga kami, Tosca." Malungkot na sabi niya.

Na guilty naman ako kay binawi ko din kaagad ang sinabi ko. My friends are so important to me. I have to make time fore them.

"Alright. I'll meet you guys later. Should we have dinner?" I asked.

"Yes! Omg, I'll tell Laine and Beatrice. I'll text you where, okay? See you later, Tos!"

Napangiti kaagad ako nang marinig ko ang excitement sa boses niya. Mababaw lang naman ang kaligayahan ng mga kaibigan ko. I'm sure they miss me already. Inistart ko ang sasakyan ko at nag-maneho pauwi. Magpapahinga na muna ako. Looks like I don't need to cook dinner after all.

Pasado alas siyete ay itinext ako ni Maddie kung saan kami magkikita. They want to eat at an Italian restaurant in Makati. Mag-damit daw ako ng maganda dahil mag na night out din daw kami mamayang gabi. Mixed emotions nga ako, parang gusto ko kasi uminom na ayoko.

Nauna pa akong makarating sa restaurant. Nanghingi nalang muna ako ng tubig habang hinihintay sila. Sunod na dumating si Beatrice at sabay na dumating si Maddie at Laine. Ang ingay ingay namin habang kumakain dahil naipon na ang mga kwento namin sa isa't isa.

"So how are you guys?" Excited na tanong ni Laine pagkatapos naming umorder.

"Oh my gosh. I really missed you guys! It feels like forever since we last hung out." Ani Beatrice.

"Oo nga eh. I have so much kwento!" Impit na tiling sabi ni Maddie.

"Oh, God! We're gonna have a long night." Natatawang sabi ko.

Maddie can't stop talking about this super philanthropic guy that she met. Natawa nga ako sa loob loob ko eh, they keep on making fun of me for falling in love with a guy that doesn't like me but from what I heard, I think this guy isn't so fond of Maddie as well. Nakakaloka talaga si cupid, kung kani kaninong lalaki nalang kami ibinabato. Why can't we just find a guy that loves us for what we are?

We spent the evening catching up with each other. Nag-picture picture pa nga kami para may mai-post sa insatgram. Nang matapos kaming kumain ay nagkayayaan na mag club. Ang katwiran nila ay nandon na rin naman daw kami, sulitin na namin. Ayoko na nga sanang sumama pero dahil biyernes naman at wala naman akong gagawin ay sumama na din ako.

Nagulat ako sa sunod-sunod na pag-bati sa akin ng mga taong nasa labas pa lang ng bar. They kept on asking what happened to me. Ang tagal ko daw kasing missing in action. I just laughed it off and went over with my business.

"Tosca! What a surprise!" Tili ng isang malayong kaibigan ko na namataan ko sa loob ng club.

"Hey, Gina! What's up?" Bati ko naman matapos naming mag beso.

"It's been so long! Are you finally settling down with your boyf? Mag-iisang taon na din kayo ah?"

Napawi ang ngiti ko sa sinabi niya. Parang biglang nasungkit ang kung ano sa loob ko at nawalan ako ng ganang mag-saya ngayong gabi.

"Uhm... Actually, Gina. We broke up." There I said it.

Nag-iba ang ekspresyon ni Gina. She suddenly have this long, apologetic face. Wala siyang nasabi dahil nahiya ata.

"Sorry, Tos. I didn't know."

Pinilit kong ngumiti. Tinapik ko ang kanyang balikat at nag-paalam na. My friends are waiting for me at the couch.

"It's okay. I gotta go, though." Paalam ko.

Tumango siya habang ako naman ay nag-martsa na palayo sa kanya. Huminga muna ako ng malalim bago ako tuluyang lumapit kina Maddie. I kept telling myself that I can't spoil this night. I just have to suck it up. Mayroon nang tequila at mga pulutan doon sa lamesa. Mukhang plano talaga nilang malasing ngayong gabi.

"San ka nanggaling? We are waiting for you! Come on, let's get drunk!" Pasigaw na sabi ni Beatrice na wala din namang binatbat sa ingay ng buong club.

The night is young but the people are already flooding the whole club. Ilang pamilyar na mukha pa ang namataan ko doon. Iyong iba nga nginingitian ko nalang ng hilaw. Plastic naman sila kaya bakit ko sila kakausapin?

Nakaka ilang rounds na kami ng shot ng tequila. Pinag papawisan na din ako kahit na malamig sa loob. Naglilikot ang mga ilaw sa buong club na nagti trigger ng pagkahilo ko. Mahina akong nag-mura habang bahagyang inuugoy ang katawan ko. I forgot how good it feels like when you're drunk. Parang ang gaan gaan ng katawan ko at nakalimutan ko lahat ng problema ko.

"Guys... Guys! Shmoke lang ako!" Nauutal na sabi ni Laine.

Siya ang pinaka may mababang alcohol tolerance sa aming magkakaibigan. Hindi na ako magtataka kung lango na siya. Tumatawa ako habang itinataboy siya at ganon din ang ginawa ni Maddie at Laine. Nahagikgikan kami habang nag-uusap ng pasigaw dahil sa nakakabinging tugtog sa loob ng club.

"Wala na, lasing na si Laine!" Humahalakhak na ani Beatrice habang pinapapaknang sisig sa lamesa.

"Nag wine na siya kanina eh. Tingnan niyo, she'll throw up after smoking." Maarteng sabi naman ni Maddie pero hindi mapigilan ang pag halakhak.

Tumatawa nalang din ako habang nakikinig sa kanila. Kanina pa kasi ako nag-sscroll sa instagram. It's weird that I kind of got bored. Bigla akong napa sulyap sa bandang kanan ko. Bumilis bigla ang pag-tibok ng puso ko. I could swear, I saw Scor in there! Pero noong tumayo na ako at tingnang mabuti ang mga couch na naroon ay wala naman siya. Namamalik mata lang ba ako?

Umupo ako ulit at dalawang beses na shumot ng tequila. Baka kulang ako sa alak kaya nagkakaganito ako. Nag-init ang lalamunan ko hanggang sa tiyan ko dahil sa ginawa ko. Tiningnan ko si Maddie at Beatrice at nag-dalawang isip kaagad ako kung sasabihin ko ba sa kanila ang nakita ko. I could be wrong. There's no way he's in here.

"Why the long face, Tos?" Untag sa akin ni Laine mula sa likod ko.

Sumasayaw siya kasabay ng tugtugin. She looked so tipsy but I just let her to her thing. Umiling ako at shumot pa ng isa bago tumayo. Hinatak ko ang pala pulsuhan niya patungo sa gitna kung saan maraming nag-sasayaw.

"Come on, Laine! Let's dance!" Sigaw ko.

I started dancing like there's no tomorrow. Sobrang disoriented ko na at nakapikit nalang ako habang umiikot ang pakiramdam ko. Sa tuwing dumidilat ako ay lalo lanh ako nahihilo dahil sa malilikot na ilaw.

"How y'all doin' today, everyone? Can I get an aye-oh!" Sigaw ng DJ.

"Aye-oh!" Sigaw ko kasabay ng sigawan ng mga tao sa club.

"I just wanna greet my home boy, Eliott Saavedra! Happy birthday, my man!"

Bigla akong napadilat at napatigil sa pag-sayaw. Eli? That's his full name, yes! Luminga linga ako at lumabas sa dagat ng mga tao pabalik sa mga couch. There I saw on the far end, Eli and his friends. Today is his birthday? I didn't know that!

"Eli! You didn't invite me to your party!" Bumulaga ako sa harapan niya at ng mga kaibigan niya.

Natigilan si Eli sa pagsasaya pero agad din siyang nakabawi. Tumayos siya at hinalikan ang pisngi ko.

"Tosca, I didn't know you were here? You wanna join us?" Aniya malapit sa tenga ko.

"No! I'm with my friends. Happy birthday!" Bati ko naman.

Lumayo ng kaunti sa akin si Eli. Itinapat niya sa akin ang hawak niyang baso na sa tingin ko ay Jack Coke.

"Oh, shot ka muna." Aniya.

Kinuha ko iyon at inisang lagok. Kung kanina ay bored ako, ngayon sigurado na ako. Umeepekto na ang ilang shot ng tequila na binanatan ko kanina.

"Don't let me spoil your party. I'll go back to my friends." Sabi ko pero hindi ko na alam kung paano ko nasabi ng buo iyon.

Maaanghang ang titig sa akin ng mga kaibigan ni Eli kaya ginusto ko na ding umalis doon. Alam ko na, malamang ay nagtataka din sila. But whatever, Scor and I is history.

"Tosca! Let's go to the stage! Look!" Untag sa akin ni Beatrice.

Tinuturo niya ang mga babae sa stage na sumasayaw sa remix ng isang usong kanta ngayon. Para na akong binubulungan ng demonyo dahil papalapit palang ako sa stage ay halos mag-wala na ako sa kakasayaw. The girls on the stage are taking off their tops. Nag-chant naman ang mga tao ng 'take it off' na ang tinutukoy ang bra nila.

"Oh shit, here I come!" Ani ko sa sarili ko.

Umakyat ako sa stage at sumayaw kasabay ng tugtog. Halos mabali ang leeg ko sa kaka-alog ng ulo ko kasabay ng katawan ko. Damn, I'm drunk.

"Take it off! Take it off!" Sigaw ng mga tao.

I held the hem of my top and I was about to pull it up when I felt someone grasp my  wrist so hard. Napa-tigil ako at napadilat. It was Scor, fuming mad.

"What do you think you're doing?" Mariing tanong niya.

Nanunuot ang boses niya sa pagkatao ko sa kabila ng ingay na naroon. Hinigit niya ako pababa ng stage. Nakakahiya nga! Pero sa tingin ko, wala nang pakialam ang mga tao sa akin doon. They were probably enjoying the other girl on the stage who took off her shorts.

"Let go of me, Scor! I'm dancing." Pwersahan kong hinila ang kamay ko mula sa kanya pero hindi niya ko binibitawan.

Padabog niya akong pinasandal sa gilid at saka ako na corner. Patay!

"Ano ba? Sasayaw ako." Nabubulol nang sabi ko.

Lalo ata akong nahilo nung nakalapit siya sa akin. I am right after all! I really saw him here!

"No, Tosca! Hindi ka mag-huhubad doon!" Galit na sabi niya.

Dinig na dinig ko kung paano siya marahas na humugot ng hininga. Dinig na dinig ko din kung paano siya manggigil. Nakita ko ang panga niya g nag-iigting na para bang mananapak siya ng wala sa oras.

"Scor! Alis diyan!" Sigaw ko la ulit pero hindi siya nag-papatinag.

Naiinis na ako kaya tinutulak ko siya. Pero wala ding epekto dahil ang laki niyang tao. Napapaatras lang siya sa tulak ko pero hindi niya ako pinapaalis. Bumabalik lang siya sa posisyon niya. Nauubos na ang pasensya ko!

Tumigil ako at tiningnan siya ng masama pero mas masama ang tingin niya pababa sa akin. Nakakainis.

Tumingkayad ako at pinisil ng iisang kamay ang magkabilang pisngi niya. Bumukas ang bibig niya at walang sabi sabi ko siyang hinalikan. Naka salpak kaagad sa bibig niya ang dila ko at nang tumugon siya ay buong lakas ko siyang itinulak at sa wakas ay nakawala ako sa kanya. I tried to run away from him as fast as I can. Pero hindi ko alam kung paano niya ako naabutan. Nahagip niya pa din ang braso ko at ramdam ko ang higpit noon pero hindi ako nasaktan. I'm too drunk and I'm numb.

"Scor, hindi mo ko bibitawan?" Gigil na tanong ko.

"Hindi, Tosca. You're drunk." Aniya sa isang pantay na tono.

"Isa! Maghuhubad ako dito. Try me." Parang batang hamon ko.

Hindi siya nagpatinag. Talagang hindi niya ako binibitawan. Gamit ang kamay kong hindi niya hawak ay pinilit kong punitin ang damit ko. Putangina, hindi na talaga ako nakapag isip ng diretso. Paulit ulit din siyang nag-mura at pinigilan ako sa ginagawa ko.

"Come on, Tos... Hindi ikaw ito." Nag-bago ang tono ng boses niya.

Hindi ko alam kung paano ko siya naririnig ng malinaw gayong kumakabog sa dibdib ko ang bawat beat ng tugtog. Hindi niya ako bibitawan. I just want to get away from him. Fine, hindi na ako sasayaw at maghuhubad pero pwede bang bitiwan na niya ako?

"And what made you think you know me?" Nanginginig ang boses ko nang sabihin ko iyon.

I just felt exhausted. Can I just move on? Because I'm really trying. Baki sa tuwing susubukan ko siyang kalimutan ay lumilitaw siya?

"Tosca, please. Wag mo na akong pahirapan. Iuuwi na kita." Pakiusap niya.

Nakita ko ang pamumungay ng mga mata niyang nakikiusap. I swear I almost gave in but I can't. Umiling ako at gamit ang kabilang kamay ko ay tinanggal ang kapit niya sa akin. Unti unting lumuwag ang hawak niya hanggang sa bitiwan na niya ako. Tinalikuran ko siya at nag-mamadaling lumabas ng club para tumawag ng taxi at umuwi. I cried on that stupid taxi while on my way home and then I cried some more before I could sleep.

Continue Reading

You'll Also Like

26.7M 929K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...
22.1M 713K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...
46.8M 1.4M 55
Blake Vitale was a mess. Alam niyang para siyang bomba na malapit nang sumabog. He can even hear the ticking of the clock in his head, the time bomb...
152K 4.9K 94
My wedding day came. I wore an expensive dress, inside a beautiful venue with a lot of guests among them are my family and his wives. On that day, my...