The Coldest Ice

By gryffndork

45.1K 714 120

All rights reserved. More

Chapter One: Hot and Cold
Chapter Two- Vulnerable
Chapter Three- Risks
Chapter 4.1 - Questions
Chapter 4.2 - Answers
Chapter 5- Regrets
Chapter 6- Numb
Chapter 7- Saranghae
Special Chapter: Pat
Chapter 9- Soon
Chapter Ten- Moment of Truth (I)
Chapter 10: Moment of Truth (II)
Chapter Eleven (sort of)
Chapter Eleven (really)- Prayers
Chapter 12- Rain
Chapter 13- Not Jealous
Chapter 15- Sing
Special Chapter 2: Pat
Chapter 16- Finally
Chapter 16- California
Chapter 18- LDR
Chapter 19-Missing You
Chapter 20- Where are you?
Chapter 21- Taken for Granted
Chapter 23- Gone once more
Chapter 24- Tips?
Chapter 25- Siblingzoned
Chapter 26- New home
Chapter 27- Date
Chapter 28- Pendant
Chapter 29- Welcome back, Mark!
Chapter 30- Shots
Chapter 31- Ice and the truth
Chapter 32- Ice x Troy
Chapter 33
End of Book 1
Author's Note

Chapter 22- 'Welcome' back

614 9 2
By gryffndork

The wait is killing me.

It's almost February, still, no Ice. Nagtataka na ang mga kaklase ko. Nasaan ka na ba kasi, Iris?

Naputol na rin pati ang communication ko kay Fen. Hindi siya nagrereply sa akin. Bantay sarado ni Karen lahat ng flights from China to Philippines. Kahit si Fen, nasa China pa rin. Kung dati, nakakausap ni Karen si Ice, umamin sa 'kin si Karen, ngayon, wala na daw talaga.

Karen had this crazy idea that we follow Ice at China, but Kevin disagreed. Sabi niya, kung tayo daw, binabantayan ang flights nila Ice, malamang, binbantayan rin kami ni Papa niya. I can sense they are not telling me something, pero mas bothered ako sa fact na wala pa rin si Ice hanggang ngayon.

"We can fly to Hong Kong instead, then from there, cruise," Karen suggested.

"Kakailanganin pa rin ng passports, masisilip at masisilip tayo." Kevin said. "If there is only a way to go to China without having our passports used..."

"Hmm, maybe illegally," Karen said.

"Karen..."

"Nababaliw na rin ako ano, hindi lang naman si Troy ang nag-aaalala kay Iris, ako din. Her father is a wicked man. Kaya nga nagrerebelde si Fen. Kaya siya tumatakas. Ice may be smart, but hindi niya kaya ang Papa niya."

I sighed. Pakiramdam ko, ako ang pinaka-useless dito. Pakiramdam ko ako lang ang walang naiitulong. And guess what? They're even doing this for me.

"Hey, naisip ko, almost two weeks ng absent si Ice. Pero hindi pa rin siya dropped, in fact, kapag may quizzes or seatworks at magrerecord ng scores, linalampasan lang nila pangalan ni Ice na para bang.. alam nila na wala siya?" Kevin said.

"Tama, at pagnagtatanong ng attendance, iniiskip nila si Ice. S-sa tingin niyo may alam ang faculty?" I asked.

"They certainly have," Karen said.

~•~

The whole morning, walang klase. Deliberation ng grades for third quarter. Nagmemeeting ang teachers para sa mga grades.

Napatingin ako sa upuan ni Ice. Nakakalungkot talaga.

Hindi ko magawang magbasa ng libro, na madalas kong ginagawa pag free time ko. Naaalala ko lang siya. Hindi ko alam kung meron pa bang kami, kasi wala na kaming communication. Bakit kasi ang kumplikado? Alam kong hindi ako tanggap ng Papa niya, at pero akala ko ayos na.

Hindi ko alam kung ano ang dapat ko maramdaman. May kasiguraduhan ba na babalik pa siya? Kayang kaya niya ako iwan. Kaya niya na wag na bumalik.

"I love you, no matter what happens."

Iyan lang naman ang pinangangahawakan ko ngayon. Mahal niya ko. I never doubted it once, kahit bilang na bilang ko ang mga beses na sinabi niyang mahal niya ako.

"Troy," lumapit sa akin si Karen. "Are you okay?"

Triny kong ngumiti, para sabihing ayos lang ako, pero kahit 'yun di ko magawa.

"Kapag bukas wala pa si Ice, I swear magpapabook na ako ng flight to China para sa ating tatlo," she promised.

"Ano ba kayo, ayos lang ako," I lied. "Sabi naman ni Ice babalik siya, hintayin na lang natin siya."

"Hold on, okay? Ice really loves you," she assured.

"I know."

~•~

"Kung buong araw lang naman pala tayo walang klase, dapat di na ako pumasok," Kevin said.

"Akala ko ba tapos na ang deliberation ng grades?" I asked.

"Oo, pero nasa office pa daw 'yung mga teachers."

"Parang narinig namin, ang topic daw, tayong mga third year?" sabi nung mga classmate namin.

"Oo nga, kanina tinanong kung may ginawa daw tayong kalokohan? Napuruhan daw adviser natin eh."

I looked at Kevin and Karen. Naconfirm ang hinala namin.

"Mr Sy, Mr and Ms Henares, pinapatawag kayo sa office," sabi ng isang teacher na kumatok sa room namin.

Nagkatinginan kaming tatlo.

~•~

"Kayo ang closest friends ni Iris, hindi ba?" the Principal asked. "And it also happened na ka-close mo, Troy, si Mr Mendrez?"

I nodded.

"I was very shocked when Mr Mendrez filed a withdrawal. Dito na lumaki ang batang iyon, simula pre-school hanggang highschool, and alam niyo 'yan Ms and Mr Henarez, naging kaklase niyo siya back in elementary."

Tumango naman silang dalawa.

"Right after Mark withdrawn, kinabukasan, isa na namang letter ang naghihintay sa desk ko. This time it's from Ms Mercedes."

Tinignan ko siya, kasi hindi ko mawari kung ano ba ang ipinunta namin dito.

"We are all aware of Ms Mercedes' rank. Matalinong bata 'yun, and she quitted school to follow Mark, and yes, that is none of my business," sabi ni Principal na para bang pinangugnunahan kami.

"Malaki ang population ng school natin, but never did such thing happened, na tatlong students ang nagdrop."

"Tatlo?" I asked. "S-sino po 'yung..."

Hindi. Sabi niya babalik siya. Hindi.

"Ms Epino just filed withdrawal, and she just left before you entered this room."

"N-nakauwi na po si Iris?" tanong ni Kevin. Karen gasped and started crying.

"Yes," principal said.

I stood up and left the room, kahit di pa kami dinidismiss ng principal. She didn't called out for me, mukhang ineexpect niya.

Ice is home. Nasa Pilipinas na siya. I can see her. I want to see her.

Agad akong kinuha ang bag ko sa classroom. Ayaw pa ako palabasin ng guard kasi on-going pa ang mga klase kaso sabi ko may emergency, at nagmakaawa ako. Naawa naman yata at pinalabas ako, kahit walang permission slip mula sa principal.

Nagmamadali akong makauwi. Nandoon kaya si Ice? Sana. Gustong gusto ko na siya makita.

~•~

"Troy? Bakit ang aga mo--" tanong ni Mama.

"Ma, nakauwi na si Ice," sabi ko.

She nodded. "Naghihintay siya sa kwarto mo."

Napahinga ako ng malalim at halos madapa ako paakyat ng kwarto ko.

Pagkabukas ko ng pinto she was sitting on my bed.

"T-troy..."

"Iris."

Bakit ganito ang nararamdaman ko? Sobra sobrang kalungkutan. Nandito siya sa harapan ko, pero pakiramdam ko, wala siya. Pakiramdam ko iniwanan na niya ako. Damn,  I missed this girl, so much. I want to go and hug her tight but I am frozen.

"Explain," sabi ko.

"Alin ang gusto mo malaman, Troy?"

"Lahat."

"I lied to you. Hindi talaga vacation 'yun. I'm supposed to stay there for good," sabi niya. "I'm sorry."

Sorry, the word echoed on my head.

"Supposed to?"

"Yes. Kinausap ako ni Papa nung umuwi sila. Remember? When we went to Punta Fuego? He said that doon na ako titira. I refused. Sabi niya wala akong magagawa. So I escaped from China. But I was followed, of course. He talked to the principal a while ago to file my withdrawal. Tumakas ako."

"Ano na ang plano mo ngayon?" I asked.

"Let's just go somewhere far away, Troy."

Tumigil ako. Inaaya niya ba ako magtanan? Pero hindi pwede! She's got a good future ahead of her, she can't throw that away for me. Masyado pa kaming bata. At ayokong iwan ang mga magulang ko. Alam kong sila ang haharap sa pamilya ni Iris pagnataon at.. hindi maganda ang mangyayari.

"Iris..."

"No, not like what you think, siguro isang buwan. Please. I have a plan."

"Ano?"

"We leave. 'Y-yung maid ko, she said we could stay at her place. O kaya kay Claire. Then we come back and convince them I am pregnant. Papa will have no choice."

"Pero Iris... hindi mo naman.."

"I can't lose you Troy," she closed her eyes.

Lumapit ako sa kanya at yinakap siya. She started crying. "Now I am having these crazy ideas. I'm gonna do everything, Troy. I love you that much."

I hugged her tighter. "Let's try talking to your parents. Pag wala pa rin, we'll do that crazy plan of yours."

"I'm sorry... really. For not telling you. Gusto ko maconvince si Papa na dito na lang ako, ayoko ng problemahin mo rin, but.." she hugged me tighter. "I'm sorry Troy."

Yinakap ko siya ng mahigpit. I want to tell her everything's gonna be alright, but sa ngayon, parang napakalayo namin sa 'okay'.

"Troy! Troy!" sigaw ni Mama mula sa baba. Agad kaming bumaba ni Iris.

"P-po?!" Nagpapanic ako.

"Papunta na dito ang Papa ni Iris! Umalis na kayo!"

"May contact kayo sa kanya? Alam niyo na nakauwi siya?" Hindi ito ang tamang panahon para magalit ako pero..

"Oo. Wag ka na muna magtanong! Umalis na kayo! Malilintikan ako nito sa Papa mo!"

Lumabas kami ni Ice. May dala pala siyang kotse.

Sumakay kami at siya ang nagdrive. Hindi pa naman ako masyado marunong eh. Pagtingin namin sa likod, may dalawang itim na kotse na ang nakasunod. Humarurot si Ice. Nakarating kami sa mainroad. Sobrang bilis ng pagmamaneho ni Ice. Medyo nawala na ung Papa niya na nakasunod sa amin. Unti unting umulan kaya't mas nahirapan si Ice. Madulas pa ang kalsada. Lalong bumilis ang takbo ng kotse namin ng makita namin na nasa likod na namin ang Papa niya.

Masyado nang mabilis ang takbo ng kotse.. maulan, madulas ang kalsada. Tuluyan na siya nawalan ng kontrol. Bigla siyang nagpreno. Tumama ang ulo ko kung saan at biglang nagdilim ang paligid.

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 25.3K 37
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
639K 39.9K 59
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...
7.9M 480K 46
[PUBLISHED UNDER LIB] #3. "If I won't have you then might as well kill me, attorney."
125M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...