Stay With Me

By velaskinswife

2.9K 127 15

Alam ni Verona na hindi siya mag-aasawa. Kung talagang mahal niya ang isang lalaki, alam niya sa sarili niya... More

▪︎ C A S T ▪︎
0
1
3
4
5
6
7
8
9
10
VICTORIA GIANNE ACOSTA

2

200 10 1
By velaskinswife


Nasa kalagitnaan ng paghahalungkat sa kanilang attic si Ron nang marinig ang doorbell. Nagpunta sa isang supplier ang Ate Paris at Ate Syd niya samantalang nagpaalam si Toia na pupunta sa grocery. Naubusan ito ng powdered sugar na gagamitin sana sa dessert na ginagawa nito para sa welcome home-slash-dinner party nila para sa arkitektong kaibigan nina Ynoh at Rome.

Dahil siya lamang mag-isa sa bahay, napilitan siyang tumakbo pababa kahit pa basa sa pawis at marumi ang kanyang mukha. Magulo na ang kanyang ponytail at nakadikit sa kanyang noo at pisngi ang ilang hibla ng kanyang buhok. Marumi rin ang kanyang tshirt at maalikabok ang kanyang mga kamay at braso. At nang magbukas siya ng pinto, hindi niya napansing hawak niya ang isang basahan at bitbit pala niya ang walis.

Nakatalikod sa gate ang lalaking nag doorbell. Matangkad ito, matipuno ang pangangatawan na halata sa suot nitong puting polo shirt. Malapad ang mga balikat nito. Humarap ang lalaki nang marinig siya at umangat ang isa nitong kamay para hilahin paalis ang suot nitong sunglasses. Ngumiti ito sa kanya.

Hindi niya alam kung bakit huminto ang kanyang puso bago dumagundong. Gwapo ang lalaki, oo, pero hindi naman siya iyong tipo ng babae na ganoon ang nagiging reaksyon sa lalaki kahit pa gwapo.

Pero ngayon, habang nakatulala sa magaganda nitong mga mata, nakadama siya ng init na mabagal na gumapang mula sa kanyang sikmura patungo sa iba pang parte ng kanyang katawan. Mga parte ng katawan niya na hindi niya alam na naroon pala.

Maputi ang binata at matangos ang ilong. Maganda ang hubog ng mga labi nito at mataas ang mga cheekbones. Gusto niyang iangat ang kanyang kamay para idaan ang isa niyang daliri roon. Sa halip, ikinuyon ni Ron ang kanyang mga palad sa handle ng dalang walis.

Itim ang tuwid nitong buhok na maiksi. His eyes were a light shade of brown. Pinagmasdan siya nito at alam niyang namula ang kanyang mga pisngi. Ang dumi-dumi niya. Mukha siyang taong grasa habang mukhang ayos na ayos at mabango ang pinakagwapong estranghero na nakita niya.

Gayunpaman, hindi iyon dahilan para magmukha siyang tanga na nakatitig lang dito. "Ano po yon?" tanong niya na lumapit sa gate.

"Hi." bati ng binata. "Ako si Kentdro Erikson Santos, yong bagong arkitekto ng Europa."

Oh my God!

Ito ang nagdisenyo ng floor plan ng second btanch ng Europa? In fairness, kasing gwapo ito ng talent nito.

Mabagal na ngumiti ang lalaki. Nahalata siguro nito na nakatitig lang siya rito. Napahiya siya at nagbukas ng bibig para magsalita pero naunahan siya nito.

"Nandyan ba ang mga amo mo?"

Nabigla si Ron at mabilis na umangat sa kanyang magulong buhok ang isang kamay bago napansing hawak niya ang basahan. Naipit na rin pala niya sa ilalim ng isang braso ang hawak na walis. Namula siya bago ibinaba ang mga gamit na panlinis sa tabi ng pinto.

"Sorry, marumi ako." sabi niya bago lumabas ng bahay at lumapit sa gate para pagbuksan ito. "Ang totoo, isa ako sa mga amo. I'm Verona, the third sister."

Nagliwanag ang mukha ng lalaki nang pumasok ito ng kanilang bakuran. "Oh! I'm sorry!" bulalas nito bago tumawa. "Pasensya na talaga. Naunahan na naman ako ng bibig ko."

"Okay lang." nahihiya rin niyang sagot. "May hinahanap kasi ako sa attic. Naisip ko nang magwalis doon. I wasn't expecting you to be early."

"Nauna kaso ako kina Rome."

"Halika, pasok ka." aya niya bago ito iginiya patungo sa front door ng kanilang bahay.

"Why don't we do this again?" nakangiti nitong sabi nang makapasok ito ng bahay. "I'm Kentdro Erikson Santos." anito na inabot sa kanya ang isang kamay.

Nahiya siya na tanggapin ang palad nito. Ipinunas pa niya ang kamay sa kanyang shorts bago nakipagkamay rito. Nang magdikit ang kanilang mga palad, nakadama siya ng matinding init. Hindi niya napigilan ang mabilis na pagpasok ng mga imahe sa kanyang isip.

Mga imahe na alam niyang hindi galing sa kanya kundi sa lalaki. Kasama roon ang isang opinyon na buong buhay na niyang naririnig o nararamdaman, salamat sa kanyang abilidad, mula sa halos lahat yata ng nakilala niya.

'She's pretty enough pero pangit kung ikukumpara sa mga kapatid niya.'

Lumipad sa mga mukha nito ang kanyang mga mata. Nakangiti pa rin ito, walang kaalam-alam na sa isang iglap, nabura ang atraksyon niya para rito. Mabilis siyang nakipagkamay bago halos hinablot ang palad.

"Upo ka muna," sabi niya. Hindi niya napigil ang panlalamig ng tinig. "I'll get you something to drink."

"You don't have to--"

"Yes," matigas niyang saad. "I have to. So if you'll excuse me."

Nagtungo siya sa kusina at nagsalin ng fresh lemonade sa isang baso bago mabilis na dinala iyon sa living room. Ibinaba niya ang inumin sa mesa sa tapat ng lalaki. Bago pa ito nakapagsalita, muli siyang nagpaalam na magbibihis lang saglit. Muli niyang kinuha ang kanyang walis at basahan bago umakyat sa ikalawang palapag ng kanilang bahay.

Sanay na siya, hindi ba? Alam naman niyang hindi talaga siya nasaktan nang todo nang marinig ang kaisipan na iyon? At bakit noon lang siya na-disappoint nang ganoon sa lalaki?

PASULYAP-SULYAP si Erik kay Ron habang kumakain sila. Hindi kasi niya maintindihan kung bakit ganoon na lang ang trato ng babae sa kanya.

Kanina, isang oras yata siya nitong iniwan sa ibaba ng bahay sa paghihintay sa mga kapatid nito. Okay, so kasalanan niya na napagkamalan niya itong katulong pero hindi naman niya masisisi ang sarili. May hawak itong walis at basahan. At sa isang bahay na kasing-laki ng bahay ng mga Acosta, parang imposible na walang kasambahay ang mga ito.

Saka okay naman ito nang mag sorry siya, hindi ba? Wala siyang nakitang pagkainsulto sa mukha nito. Pero nang nagkamay sila at bigla na lang nitong hinablot ang palad na para bang napapaso ito sa hawak niya, doon lang niya nakita ang pagkainis sa mga mata nito. Wala naman siyang sinabing masama.

Nakadating na sina Paris nang muli itong bumaba. Nakapag shower na ito at maayos na ang suot. Wala itong makeup pero halatang mabango. Nang dumaan ito sa tapat niya para batiin sina Ynoh at Rome, nalanghap niya ang amoy ng mga bulaklak.

Hindi siya nito nilingon at tipid lamang na ngumiti sa direksyon niya nang muli siyang ipakilala ni Ynoh. Nang pumasok na sila sa dining room para sa hapunan, naupo ito sa silyang pinakamalayo sa kanya.

"Gusto mo pa ng ulam, Verona?" tawag niya mula sa kinauupuan matapos lagyan ng sabaw ng paksiw na baboy ang kanin sa pinggan niya.

Sinulyapan siya ng dalaga, halatang nagulat. Umiling ito. "No, thank you." tipid nitong saad bago muling humarap kay Rome at patuloy na nakipagkwentuhan sa katabi.

'Okay, so talagang hindi gumagana ang charm mo sa kanya, Santos. Tanggapin mo nang hindi araw-araw Pasko.'

Hindi talaga niya ito maintindihan, Mula nang magbinata siya, nagmulat na lang siya ng mga matang wala siyang nakilalang babae na immune sa charms niya. Sa habulin siya. Siya iyong nililigawan ng babae. Hindi pagyayabang iyon. Katotohanan lang.

Hindi naman sa playboy siya, hindi siya nagsasabay-sabay ng girlfriend. Sunud-sunod lang. Pagkatapos ngayon, hindi niya maintindihan kung bakit binabagabag siya ng isang babaeng hindi naman niya type in the first place.

Okay, so maganda rin ito. Hindi kasing ganda ng mga ate nito but she had an intriguing face. She was cute. Siguro ang paborito niya at pinakamaganda nitong facial feature ay ang bilugang mga matang napapaligiran ng makakapal at malalantik na pilik. Halos mabasa niya ang iniisip nito dahil lamang sa mga mata nito. And her smile was adorable, a little shym a little guileless, a lot sexy.

'Okay, saan nanggaling yon?'

Natawa siya sa sarili. Hindi niya type ang mga inosente ang itsura. But she was intriguing, hindi niya ikakaila iyon. A girl didn't have to be your type to be intriguing.

"Teka, may gusto akong marinig na kwento," ani ni Paris at naputol ang pag-iimaging ni Erik. "Paano kayong naging magkakaibigan? Given na si Ynoh at Rome ay brothers pero mas matanda ang hon ko sa inyo." malambing na hinaplos nito ang pisngi ng nobyo.

"Kasalanan ni Erik yan." tawa ni Ynoh.

"Ako?" inosente niyang bulalas.

"Kaya siya ang magkukwento."

Binalingan siya ng mga Acosta, maliban kay Verona na naging abala sa laman ng pinggan nito. Hindi niya alam kung bakit nainis siya roon. Hindi sa gusto niyang makinig ang babae sa kanya. Ano ngayon kung hindi ito interesado sa kwento niya?

"Grade two kami non," simula nito.

"Grade five ako," natatawang singit ni Rome.

"First day of school, pumasok ako nang pogin-pogi sa Ateneo Grade School."

"Ang taas nga ng medyas mo non." sabat ni Ynoh. "Knee socks yata."

"Shh!" saway niya nang magtawanan ang mga nakikinig bago siya nagpatuloy. "Sabi ko nga, poging-pogi ako non. Recess, naglalaro ako sa playground--"

"Kasama mo yaya mo." hirit ni Rome.

Itinuro niya ito. "Yan. Yan mismo ang dahilan bakit ako napaaway non." tawa niya. "Six years old ako non, okay? Galing akong States so medyo takot ako sa mga tao dito. Wala akong kilala kahit na sino. At least yung ibang estudyante magkakaibigan na sila sa grade one pa lang. Kasama ko yaya ko noon, nasa swing kami, pero umalis yata siya saglit para bumili ng Zest-o so naiwan ako sa swing. Spokening dollar ako non. Di ako marunong magtagalog. May lumapit saking mga bully, tinukso ako na ang laki ko na raw may yaya pa ako, tapos bakla raw ako kasi ang puti ko. Makatarungan ba yon? Anong magagawa ko? Amerikano ang lolo ko?" madamdamin niyang pahayag na ikinatawa ng mga nakikinig. "Kinakantahan nila ako ng Boy Tisoy tapos tinulak ako nung bully. Nagalit ako. Sinuntok ko siya. Good luck naman sakin kasi ang liit ko di ba? Sunod na alam ko na lang, may tatlo nang tumutulong sakin mambugbog. Hinuli kami ng gwardiya tas dinala sa principal's office. Doon ko nakilala yang dalawang yan saka si Benett. Paglabas namin ng office, best friends na kami."

Tumatawang hinarap ni Paris ang nobyo. "Basag-ulero ka pala?"

Ngumiti si Rome. "Kung ikaw ang nakakita ng lampayatot na binubugbog ng mga grade three studenst, makikiligtas ka rin."

"Buti malaki katawan ni Rom nun. Mula nun, wala nang kumanti sakin." dagdag ni Erik.

Halata ang amusement sa mukha ng mga Acosta. Naaliw sa kwento niya ang mga ito. Maliban sa isa.

"Excuse me," paalam ni Ron bago tumayo mula sa mesa. "Narinig ko yata yong oven. Ako na ang maglalabas ng brownies, Toia." sabi nito bago sila iniwan para magtungo sa kusina.

Parang napigtal ang pasensya ni Erik doon. Pasensyoso siyang tao pero nakakapikon talaga itong si Verona. Hindi niya alam kung bakit. Wala dapat dahilan. Basta ang alam niya, may galit ito sa kanya na hindi niya alam kung ano at hindi siya iyong tipo ng tao na kayang palampasin iyon.

"Excuse me lang din," sabi niya bago tumayo mula sa sariling upuan para sundan ang dalaga sa kusina. Naabutan niya itong nakatungo sa oven kung saan hinihila nito palabas ang isang baking tray ng mabangong brownies. Na-distract siya, una ng pang-upo ng dalaga. She had a very cute butt. Ikalawa, ng amoy ng brownies.

Pero nang bumaling ito patungo sa counter ay nagkaroon yata siya ng frostbite sa lamig ng tingin na tinapon nito sa kanya, natauhan siya.

"May problema ka ba sa akin?" tanong niya na mababa ang tinig para hindi marinig ng mga nagtatawanan pa sa dining room ang boses niya.

"Bakit ako magkakaproblema sayo?" tanong nito na namimilog pa ang magagandang anime eyes.

At bakit niya naisip na maganda ang mga mata nito? Hindi siya mahilig sa bilugang mga mata. Chinita ang gusto niya.

"I don't really know you." patuloy nito.

"Yon na nga. Hindi mo ako kilala." frustrated niyang balik. "Pero bakit parang may galit ka sakin?"

"Wow, kuya," sarkastikong saad nito na ibinaba ang baking pan sa ibabaw ng isang hot pad sa kitchen island. "Special ka? Kanina lang kita nakilala, magtatanim na ako ng galit sayo?"

Lalapit sana siya rito pero kumuha ito ng isang malaking kutsilyo at sinimulang i-slice ang brownies. Nanatili siya sa kinatatayuan. Buti na iyong safe.

Humalukipkip siya. "Hindi ako manhid. Nararamdaman kong galit ka sakin. Stop with the passive-aggressive crap. Kung may problema ka sakin, sasabihin mo nang maayos natin to."

"I'm not being passive-aggressive." Mapang-asar pa itong tumawa. "Believe me, kung galit ako sayo, malalaman mo yon."

'Ano kaya ang problema nito?'

Dahil sa kaiisip kung anong issue nito sa kanya, nanatili siya sa tapat nito para panoorin ito habang naghihiwa ito ng brownies na para bang may sinusundan itong ruler. Nakakunot ang noo nito at halatang iritado pero hindi siya nito tiningala.

Her hair was in a loose bun at the back of her head. May ilang hibla na nahuhulog sa gilid ng mukha nito at kumukurba sa leeg nito at sa likod ng tenga. Kulot ang buhok ng dalaga. Hindi iyong kinky. She had big curls na alam niyang ginagastusan pa ng ibang babae para lang maging ganoon ang buhok. Hindi siya mahilig sa kulot. Sa katunayan, wala siyang naging crush or girlfriend na kulot. Kaya hindi niya alam kung bakit ganoon na lang siya kainteresado sa itsura ni Verona.

Hindi rin siya nagkainteres sa suplada at mataray. Gusto niya iyong mga masayahin na bubbly na cheerleader type. Hindi kumplikado ang mga ganoon. Hindi katulad nito na mukhang challenge. Parang nabuhay ang dugo niya sa naisip. He loved challenges and had never back down from one.

'What if I seduce her?'

Bakit nga hindi? She has a gorgeous body. She was petite but full figured, with curves that he'd love to follow with his hands. She also had awesome breasts. Breast man siya. Mahirap hindi maging breast man sa ganda ng dibdib ng mga babae.

Verona's breasts were full and well-shaped. Hinayaan niya ang sariling isipin ang magiging sukat ng mga iyon sa kanyang mga palad, or the feel of them in his mouth...

Lumipad ang mga paningin niya pabalik sa mukha nito mula sa pinapantasyang mga dibdib nang madinig niyang suminghap ito. Halos manlisik sa galit ang mga mata nito na tila ba nabasa nito ang biglang pumasok sa isip niya. Marahan nitong ibinaba ang hawak na kutsilyo at tinapunan siya ng isang tingin na puno ng pagkamuhi.

"Toia!" tawag nito bago siya nilampasan palabas ng kusina. "Ikaw na ang bahala sa dessert. Nahiwa ko na. I-serve nyo na lang."

Hindi na bumalik sa hapag-kainan si Ron. Pinanood niya itong lumiko patungo sa pasilyo sa sala kung saan alam niyang naroon ang hagdan paakyat sa ikalawang palapag.

Nakadama siya ng pagkapahiya at galit sa sarili pero hindi niya alam kung bakit, at kung para saan. Dahil naisip niya iyon? Sure, he was a jerk for thinking it pero ano ngayon? Mind reader ba ang dalaga at nabasa nito ang naisip niya?

"Well, this is awesome," sarkastiko niyang bulong sa sarili bago tinungo ang kitchen island at dinampot ang mga nakahanda nang mga platito para dalhin sa dining room.

Continue Reading

You'll Also Like

169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
382K 8K 100
Kathang Isip. .Puro what if's . .Eto yung personal interpretation ko sa mga spotted events ng favorite Real-Life couple natin ..
20.7M 760K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
45.7K 1.4K 60
"Why would I want to learn to love you when you can't even catch me?" "Arghh! I'm so confused! It's all your fault! kung bakit ako nagkakaganito..Kal...