Stay With Me

By velaskinswife

2.9K 127 15

Alam ni Verona na hindi siya mag-aasawa. Kung talagang mahal niya ang isang lalaki, alam niya sa sarili niya... More

▪︎ C A S T ▪︎
0
2
3
4
5
6
7
8
9
10
VICTORIA GIANNE ACOSTA

1

272 8 0
By velaskinswife


Nagmulat ng mga mata si Verona Geline Acosta at kumunot ang kanyang noo nang makita ang mga bituin sa kalangitan imbis na kisame ng kanyang silid. Napabalikwas siya at pabaling-baling na tiningnan ang paligid. Inabot din ng ilang segundo ang kanyang pagod at puyat na utak bago niya nakilala ang hardin sa likod-bahay.

Naupo siya at pinagpagan ang mga braso kung saan dumikit ang mga damo. Basa ng hamog ang likod niya. Mukhang ag-sleepwalk na naman siya. Mabuti na lang at hindi siya lumabas ng gate.

Noong bata siya, sa kalye na siya naaabutan ng kanyang lola nang minsang maglakas siya ng tulog. Wala siyang naaalala sa ginagawa niya maliban sa mga pira-pirasong imahe ng mga panaginip niya habang naglalakad. Minsan may tumatawag sa kanya, nag-aanyaya na sumunod siya. Minsan may tinatakbuhan siya.

Tumayo siya at nagtungo sa bukas na pinto ng kusina. Walang ilaw sa ibaba ng kanilang bahay. Kumukurap ang oras sa kanilang microwave oven. Eksaktong alas tres ng madaling araw yon sa matingkad na berdeng digital numbers.

Witching hour, isip niya. Iyong oras kung kailan lumalabas daw ang mga multo at kung kailan mas mabisa ang kapangyarihan ng mga mangkukulam. Kinusot niya ang kanyang mga mata.

Isinara niya at ini-lock ang pinto ng kusina bago umakyat ng hagdan patungo sa kanyang silid. Tahimik ang buong bahay. Nasa kani-kanyang silid ang kanyang mga kapatid. Doon din natulog nang gabing iyon ang kanyang Kuya Ynoh at Kuya Rome.

Alam niyang gusto iyon ng kanyang mga ate nang sa gayon ay mas mabantayan nang maigi ang lalaking mahal ng mga ito. Gusto naman nina Ynoh at Rome dahil sa isip ng dalawa, sila ang nagbabantay sa mga Ate nya.

Isang linggo pa lamang ang nakalilipas nang masunog ang kanilang boutique--- ang Europa. Hindi na yata naubos ang nakalista sa To-do-list niya, mula sa pagpunta ng Quiapo para bumili ng mga supplies hanggang sa paunti-unting muling pagbuo ng mga accessories na pansamantala nilang binebenta online habang hindi pa muling narerenovate ang unang branch ng shop nila at hindi pa nasisimulan ang ikalawa. Madalas din silang kausapin ng pulis at mga imbestigador tungkol sa pagsabog ng tindahan.

Si Aymi, ang babaeng binigyan ng kanyang Ate Syd ng trabaho. Ito ang may pakana ng lahat, Hindi niya alam kung bakit hindi niya kaagad nakitaan ng masamang motibo ang babae. Siya na empath at telepath sa kanilang pamilya. Huli na ang lahat nang mabasa niya ang kadiliman sa kaluluwa nito.

Pumasok siya sa kanyang silid at itinulak pasara ang sliding lock sa kanyang pinto. Kailangan yata niya muling gamitin iyon gabi-gabi. Kung sakaling mag-sleepwalk siyang muli, mas mahihirapang iproseso ng kanyang tulog na utak na alisin ang lock na iyon kaysa sa kung lock lang ng doorknob ang gagamiting niya.

Nagshower siya at nagpalit ng damit bago bumalik sa kama. Papatayin na sana niya ang ilaw nang mapansin ang singsing ng isa sa kanyang mga lola sa ibabaw ng side table. Inabot niya iyon at pinagmasdan ang simpleng disenyo. Ginto iyon na may isang matingkad na asul na sapphire na napapagitnaan ng dalawang maliliit na diamante.

Isinilid niya sa isa niyang daliri ang singsing at napangiti dahil kasyang-kasya iyon sa kanya. Parang isinukat.

Pero alam ni Ron na hindi siya mag-aasawa. Kung talagang mahal niya ang isang lalaki, alam niya sa sarili niya na hindi niya kakayaning ilagay ito sa panganib, Malaki ang respeto niya sa katapangan ng kanyang mga ate at kuya pero hindi siya ganoon.

Isa pa, hindi siya iyong tipo ng babae na nakikita ng isang lalaki na makakasama nito habambuhay. Kadalasan, kilala siya bilang isa sa mga Acosta o kapatid ni Paris o ni Sydney o ni Victoria. Siya iyong pinakikiusapan ng lalaki na iabot ang bulaklak sa isa sa mga ate niya o ireto ang mga ito sa bunso nila.

No man saw her as her--- Verona. At sa takbo ng buhay niya, hindi na siya umaasang may lalaki pang makakakita sa kanya. Sa katunayan, sana walan nang lalaking magkainteres sa kanya.

Muli niyang inalis ang singsing at ibinalik iyon sa ibabaw ng mesa bago pinatay ang ilaw. Nahiga siyang muli at hinila ang kumot hanggang sa kanyang baba. Pinakiramdaman niya ang dilim, ang katahimikan at ang kanyang pag-iisa. It was exactly how she wanted her room and her life.

Bumaling siya sa kanan, niyakap ang kanyang unan at pumikit. Mabilis na siyang nakatulog at hindi na dinalaw pang muli ng panaginip.

MATINDING INIT ang sumalubong kay Kentdro Erikson Santos pero hindi niya iyon pinansin. Huminga siya nang malalim at pinuno ng polusyon ng Maynila ang kanyang baga. Napangisi siya. After two years, he was home.

Dala ang kanyang carry-on luggage, naglakad siya palabas ng arrivals area ng NAIA Terminal 2. Mas lumawak ang ngisi niya nang makita ang dalawang lalaki na naghihintay sa kanya.

"Nandito na pala ang muchacho at ang driver ko, ah." bati niya.

"Ulol," sagot ni Rome bago siya mahigpit na niyakap.

"Missed you too bro." biro niya bago binalingan si Ynoh na mahigpit din siyang niyakap.

"Bango mo. Amoy balik-bayan." tawa ni Ynoh bago siya pinagmasdan. "Lalo kang nagmukhang kano."

"Ah well," tawa niya.

Inabot ni Rome ang kanyang mga bagahe. "Anong pasalubong mo?" tanong nito habang itinutulak ang trolley patungo sa gilid ng kalsada kung saan huminto ang isang SUV.

"Ano pa? Di chocolates saka corned beef at Spam."

Tumatawa nilang isinakay ang kanyang mga bagahe sa likod ng sasakyan.

"Gusto mo muna bang kumain o derecho na tayo sa bahay nyo?" tanong ni Ynoh na naupo sa passenger seat.

"Sumakay si Erik sa likod at ilang beses na nauntog ang tuhod sa mga upuan sa harap ng sasakyan. He was six feet, two inches tall.

"Kain munta tayo." aniya matapos magpasyang itagilid na lang ang mga binti. "Ibang klase na tong gutom ko."

"Saan mo gustong kumain?"

"McDo!" tukso ni Rome na naupo sa kanyang tabi.

"Utang na loob naman! Kahit Jollibee naman."

Tumawa ang mga kaibigan at sinabihan ni Ynoh ang kanilang driver na ipagmaneho sila patungong The Fort. Nagkwentuhan sila at nagtawanan patungo sa isang restaurant. Nakaupo sila sa mga mesa sa Chef Laudico's Bistro Filipino sa Bonifacio Global City, hindi pa rin sila nagkakaroon ng ni isang segundo ng katahimikan.

"So, kailan ko ba makikilala yang mga girlfriends ninyo?" tanong ni Erik nang makalayo ang serbidor. Pinanood niyang lumitaw ang masasayang ngiti sa mga labi ng dalawang lalaki. Tumawa siya. "Diyos ko po! Ang corny ninyong dalawa."

Tumawa na rin ang mga ito.

Si Ynoh ang unang nagsalita. "Kung corny kami, naaawa naman kami sayo. Hindi mo alam kung anong namimiss mo sa pagiging single mo."

Umikot ang mga mata ni Erik. "Okay lang akong single." sabi niya. "Alalahanin ninyo, I hate commitments."

"Maniwala ka. bro..." sabi ni Rome. "Masarap ang commitment sa tamang babae."

Natatawa siyang napailing "Saka na natin pag-usapan ang pagkakaiba ng single blessedness ko at ng pagiging committed ninyo. Tell me about Acosta's. Curious ako sa kanila.."

Nagpalitan ng tingin ang dalawa.

"They're really special." ani Rome. "And not because were dating two of them. They're really special." Ngumiti ito na para bang may ibang ibig sabihin ang salitang 'special' kapag patungkol sa magkakapatid. "In-establish nila yong boutique nila as soon as Victoria, yong baby ng family, received her trust fund."

"A some sort of New Age boutique, right?" tanong niya.

"Yeah," sabi ni Ynoh na inalis ang mga braso sa ibabaw ng mesa nang dumating ang serbidor para ideliver ang kanilang mga inumin. "Malapit na dito yong site. We can bring you there if you want kaya lang marumi pa yon."

"Nong isang araw lang namin nakuha yong go-ahead galing sa pulis na pwede na kaming bumalik." patuloy ni Rome. "Kakatapos lang i-check ng insurance company yung site."

Ipinatong niya ang mga braso sa ibabaw ng mesa. "You almost died, man." seryosong sabi niya.

Mahinang tumawa si Rome bago nagkibit-balikat. "Masamang damo. Mahirap mamatay."

"How are they taking it?" patungkol niya sa mga Acosta.

"Pretty well for people who lost their livelihood," sabi ni Ynoh. "Actually, nagsisimula na nga sila ulit gumawa ng mga products nila. Open na ulit yung online store. They're strong women."

"And beautiful," dagdag ni Rome. "Lahat sila magaganda."

Hinugot nito ang cellphone mula sa bulsa, nagpunta sa folder ng images at ipinagmalaki sa kanya ang larawan ng nobya nitong kilala niya bilang si Paris. Maganda nga ang babae. Mukhang model pala ang panganay ng mga Acosta. Her smile was beautiful and her eyes sparkled with love and laughter, malamang para sa lalaking kumuha ng larawan nito.

Iniabot din ni Ynoh sa kanya ang cellphone nito para ipakita ang larawan ni Sydney. Maganda rin ito. Na-excite tuloy siyang makita iyong dalawang bunso. Lumabas ang isang pilyong ngiti sa mga labi niya.

"Don't even think about it." banta ni Ynoh.

"Bakit?" inosente niyang tanong.

"Kilala ka namin." sagot ng kaibigan. "Subukan mong lokohin si Ron o si Toia, puputulin ko lahat ng mahahalagang parte ng katawan mo."

Imbis na matakot o mainsulto, malakas siyang tumawa. Kilala siya ng mga kaibigan. Hindi niya maikakaila na hindi siya pang-serious relationship. Kilala rin niya ang mga ito. Kapag nag-girlfriend--seryoso sa relasyon. Umaabot ng taon.

Siya, dalawang buwan na yata ang pinakamatagal niyang relasyon. If these two fell in love with two of the Acosta women, indikasyon na iyon na pang girlfriend o asawa ang mga babae sa pamilyang iyon at hindi pang fling. Ibig sabihin, none of them were his type.

"Huwag kayong mag-alala," sabi niya. "Wala akong balak. Professional ako, promise. Arkitekto lang ako at kliyente ko sila. No monkey business."

"Dapat lang." ani Ynoh.

Tumawa siya bago nilingon ang waiter na may dalang tray ng inorder nilang pagkain. Okoy, ensaladang mangga, karekare, crispy pata at kanin. Maraming-maraming kanin.

Masayang nagkiskis ng palad si Erik bago sila nagsimulang kumain. It was definitely good to be home.

Continue Reading

You'll Also Like

45.6K 1.4K 60
"Why would I want to learn to love you when you can't even catch me?" "Arghh! I'm so confused! It's all your fault! kung bakit ako nagkakaganito..Kal...
11.1M 501K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...
382K 8K 100
Kathang Isip. .Puro what if's . .Eto yung personal interpretation ko sa mga spotted events ng favorite Real-Life couple natin ..
35.9K 1K 62
Xanthe Delos Reyes was known for being a 'Maria Clara' on her school.She have the brain,beauty and attittude.Lumaki si Xanthe sa isang maranyang pami...