Teenage Greek gods: The Dark...

By invadersim

15.2K 474 112

[THE FINAL BOOK OF THE SAGA] Nakabalik na si Amber, Zeus at Poseidon, pero hindi pa tapos ang lahat. Ang espi... More

Teenage Greek gods: The Dark Spirit
Chapter 1 : White Page
Chapter 2: A Gloomy Dinner
Chapter 3: The Riddle
Chapter 4: Icarus
Chapter 5 : Prophecy 2.0
Chapter 6 : Take the Reins
Chapter 7 : Puppet
Chapter 8 : Rest in Peace
A NEW BEGINNING
Chapter 9: The Funeral
Chapter 10: Letters
Chapter 11: The Lone Poseidon
Chapter 12: The Prisoner
Chapter 14: Mentors and Helpers

Chapter 13: Under

346 12 4
By invadersim

Previously...

Nagising si Hestia sa isang kulungan sa Tartarus at laking gulat niya nang malaman na si Hera ay reyna-reynahan rito...

Matapos ang mahabang paglalakbay at paglaban sa mga wild wolves ay nahanap din ni Poseiodn ang isang lumang kaibigan sa isang templo...

May nalaman si Kat tungkol sa sikretong lagusan na ginagamit ng Fates para sa kanilang affairs...


Chapter 13 – Under

PAGKAAPAK PA LANG ng mga paa ni Kat Embers sa lupa ng isla ng Mount Olympus ay agad niya itong ginamit upang tumakbo patungo sa palasyo, gamit ang magical stairs na mas maiksi mong lalakbayin kumpara sa dami ng steps na pinapakita nito. Nagtatakang tinignan ni Kat ang mga tao, hindi pamilyar sa kanya ang mga nasa daong. May mga barko din na ngayon niya lang nakita. Sino ang mga ito?

Pero hindi ito ang kailangan niyang isipin ngayon. Ang sulat na pinadala niya sa pamamagitan ng clumsy magic, natanggap kaya ni Zeus? Nakapaghanda kaya sila?

Walang anu-ano'y nahanap niya ang sarili niya sa higanteng mga pintuan ng throne room. Nakabukas ito nang bahagya at mula rito ay nakikita niya ang mga taong hindi niya rin makilala. Tahimik silang naglalakad, naguusap, may marahan na saliw ng musika, at amoy na tila usok mula sa insenso.

Pumasok siya at nakita ang mga taong nakapalibot sa isang shroud na nakapatong sa isang golden table. Sa tabi nito ay ang hearth – pero walang apoy ito. Hindi kaya -- totoo ba ang sinabi ng Fate na iyon?

"Hestia?", bulong ni Kat.

Dahil nga tahimik ang lahat ay narinig pa rin nila ito kahit halos hindi na bumuka ang kanyang bibig. Tinignan siya ng mga tao.

"Kat Embers, sa wakas."

Tumingin si Kat sa gilid niya at nakita si Zeus at isang lalakeng hindi niya kilala na lumapit sa kanya.

"Si Hestia ba iyan?", sabi ni Kat, ang kanyang mga mata ay napupuno ng luha.

"Hindi. Si Paris yan. Si Hestia ay nasa huli na niyang hantungan.", sabi ni Zeus.

Umiling nang umiling si Kat na para bang matatanggal ang kanyang ulo. "Hindi totoo iyan! Sabihin mo sa aking hindi totoo iyan!" Mas malakas na ang boses niya.

"Huminahon ka, Kat.", sabi ni Zeus, pilit siyang inaabot pero umuurong ang Phoenix.

"Master Zeus, may problema ba?" Tumingin si Kat sa nagsalita, isang matandang nakasuot ng mahabang itim na robe, tila takda ng pagdadalamhati. May suot itong korona na parang konting galaw niya lang ay malalaglag na.

"Wala, King Priam. Pagpasensyahan niyo na.", sabi ni Zeus. "Sumama ka sa amin, Embers."

***

Habang naglalakad sila sa hallways ay hindi mapigilan ni Kat na mapadapa at halos humandusay na. Hindi makapaniwala ang kanyang puso at isipan. Si Hestia? Ang kanyang milady!

"Paano nangyari ito?", tanong niya.

"Mahabang usapin. Ipapaliwanag ko pagdating sa aking kuwarto. Siya nga pala, ito si Pan."

"Kumusta ka?" Nagsalita ang lalakeng may maamong mukha at mahaba ang buhok na nakatali.

Syempre! Si Pan! Ang nagbabalik na god of the Wild. Ngumiti lang na punong puno ng lungkot si Kat. Kung normal na araw lang ito ay malamang magpapa-autograph siya sa balat. Marami siyang naresearch sa haba ng buhay niya about kay Pan pero sa oras na ito ay wala siyang maisip na tanong para i-confirm ang ilang unverified information.

Pumasok na sila sa kuwarto at kinuwento ni Zeus lahat kay Kat. Simula noong umalis ito ay inatake ang BGC ni Daedalus na ngayon ay tila inabandona na ang lugar at ibang mga cities naman sa Greece ang inaatake – mga towns parehong sa mundo ng mga mortal at ng Greek mythology. Matapos ay kinuwento ni Zeus na si Hades ay si Minos, Judge of the Dead, in disguise. At ang Underworld ay under his spell. Nakita nilang wala nang buhay si Hestia sa isang museo sa BGC, inatake muli sila ni Minos kasama ang espiritu ni Daedalus na kanyang kontrolado na para bang aso niya ito. Nasugatan nang matindi si Paris at binawian rin ng buhay. Si Poseidon naman ay hindi mahagilap kung saan...

Matapos sabihin ni Zeus lahat nang nangyare sa kanya ay napatulala lang si Kat. Kinalaunan ay nagtanong siya, "Natanggap mo ba ang sulat?"

Tumango si Zeus. "Sigurado ka ba sa nakita mo?"

"Sigurado ako, Zeus. Ilang taon nang walang tigil kong buhay ay ginugol ko sa pagdiskubre kung nasaan ang Labyrinth ni Daedalus. Alam ko ang mga pader na iyon. Mayroon pa nga akong bato mula doon sa aking tahanan sa White Page.", balik ni Kat.

Si Pan naman ang nagsalita. "At tingin ko akma na gagamitin ng Fates at ni Minos ang Labyrinth. Una, ginawa ni Daedalus ang Labyrinth para kay Minos at sa ilang eons na nakatago ito ay mas lumakas ang deep magic ng lugar na iyon at naging konektado siya sa iba't ibang dimensyon. Tingin ko isa sa mga dimensyon na ito ay kung nasaan ang mga Fates."

"Kung gayon tumungo na tayo sa Crete. May may alam ba sa inyo kung nasaan ang lagusan patungo rito?", sabi ni Zeus na pabalik balik na naglalakad sa loob ng kuwarto.

"Tingin ko ay alam ko kung nasaan ang isa sa mga lagusan ng Labyrinth. Pero kailangan natin maging maingat dahil sigurado ako na may bantay na rito. Lalo na't alam ng Fates na nakita ni Kat kung saan sila nagtatago."

"Saan ang lagusan?", tanong ni Zeus. "At paano mo naman nalaman ito?"

Huminga nang malalim si Pan at pinaglaruan ang pendant na ngipin sa kanyang necklace. "I'm the god of the Wild, Zeus. At ang Labyrinth ay nakatago sa ilalim ng lupa. Lupa, the nature, one of my domains. Iisa lang ang lagusan ng Labyrinth at sigurado akong puno ito ng bantay at deep magic seals. Ang pwede nating tsansa ay sa loob mismo ng mga pader ng Labyrinth. I can open an entrance anywhere pero hindi kaya magisa. I need the power of an Olympian."

Tumindig si Zeus. "Ibig sabihin kaya mong magbukas ng lagusan sa Labyrinth dito mismo sa kuwarto?"

Umiling si Pan. "Hindi, Zeus. Kailangan ko ng lupa, syempre. Pwede ang kagubatan sa baba nitong palasyo."

"At paano naman ako makakatulong?"

"Simple lang. Kumusta ang singing voice mo?"

"Anong singing voice ang pinagsasabi mo?", mabilis na balik ni Zeus.

"Nature becomes calm and harmonious through music at baka mabuksan natin ang isa sa mga hedges ng Labyrinth – na gawa sa halaman at lupa through the singing voice of a powerful entity. At ikaw ang pinakamalakas na entity sa Olympus ngayon, Zeus."

Napalunok si Zeus at naramdaman niyang namumula ang kanyang mukha, na para bang may nakain siyang maanghang. "Uhm, hindi pa ako nakakanta muli. Ang huli kong pagkanta ay noong...noong nagback-up singer ako para kay Hes—Amber pa siya noon. Noong lumaban kami sa isang battle of the bands sa mundo ng mga mortal."

"Sigurado akong maganda ang iyong tinig, master Zeus.", sabi ni Kat.

"Niloloko mo ba ako?", balik ni Zeus na napaupo at huminga nang malalim. "Pero, whatever it takes. Kahit pa kahihiyaan ang ididulot sa akin. Gagawin ko. Basta mahanap lang natin ang mga Fates, at si Minos at ang kanyang alagang si Daedalus at tapusin ang masamang balak nila sa mundo."

"That settles it, then. I'll meet you below?"

"Sige, maghahanda lang ako. Kakausapin ko si Athena upang simulan ang pagbantay sa Olympus. We need forces here. Baka simula na naman ito ng giyera. At sa tingin ko tayong tatlo lang muna ang puwedeng pumunta roon. Lalo ka na Kat, kailangan namin ng imortalidad mo para manalo sa laban na ito."

Tumango si Kat. "Para kay Hestia."

"Para kay Hestia", bulong ni Zeus.

***

"Well, well. Tignan mo nga naman kung sino ang nasa harap ko!"

Ito ang unang sinabi ni Hera nang mapagtanto niyang si Hestia ang nasa harapan niya. Si Hestia naman ay hindi alam kung ano ang mararamdaman. Tila nagyelo ang buo niyang katawan. Si Hera? Nandito sa Tartarus? Tama nga naman, nang matalo siya ng noong giyerang sinimulan niya ay dinala siya sa Tartarus. Hindi lang akalain ni Hestia na mapupunta siya rito at madadatnan nga ang ex-wife ni Zeus.

"Hera? Anong --"

"Tama ako nga. Well, welcome to my new dominion. Call me the White Peacock, you peasant!"

Si Hera nga ito. No doubt about it.

"Anong nangyari, White Peacock? Paano ka naging pinuno rito? Nagsimula ka ng giyera! Dapat nagdudusa ka!"

"Sino ka ba sa akala mo? Wala kang galang, uod!", sigaw ni Don Go na akmang sasampalin si Hestia. Tinaas ni Hera ang kanyang kamay.

"Ah, ah! Hayaan niyo siya. Hindi niyo ba siya nakikilala?"

Ang mga alagad ni Hera ay nagsimulang magbulungan. Nakangising nagsalita si Hera. "Siya si Hestia. Welcome back, sister. Our first born."

Parang may animo'y mainit na hangin ang bumalot sa ibang lugar at ang mga tao at halimaw ay nagsimulang umurong, pati so Don Go na bumubulong ng "Hestia? Ang goddess? Imposible..."

"Hindi iyan importante sa ngayon. Ang kailangan kong maintindihan ay kung nasaan ba ako at bakit ako nandito!"

Ibinaba ni Hera ang kanyang baso ng wine at tumayo. Naglakad ito pababa ng kanyang trono na para bang nasa catwalk. "Hindi ba halata? Nasa pinakanakakasulasok na lugar ka, Hestia! Ang nasa ilalim ng Underworld! Ang Tartarus! Kulungan ng mga pinakamasamang halimaw, tapunan ng mga isinumpang mga kaluluwa, ang kalaliman ng mundo."

"Bakit ako nandito?"

"Aba malay ko sa'yo!"

"Hindi – hindi mo ba alam ang nangyayari sa itaas? May namumuo na namang giyera! Si Daedalus --"

"Daedalus? Ang pipitsuging multo na iyon? Oh well, wala kaming pakialam sa nangyayari sa itaas. Itinapon niyo kami dito, remember? Problemahin niyo ang problema niyo at proproblemahin namin ang problema namin. Titles don't matter here, baby girl."

"Pero ikaw si White Peacock at sigurado akong ginamit mo ang pagiging asawa ni Zeus para makarating kung nasaan ka."

"That's where you're wrong, darling. Hindi mo alam ang pinagdaanan ko sa lugar na ito para sa aking pusisyon ngayon. I earned my place."

Nakarating na si Hera sa harap ni Hestia. "At ikaw din, Hestia. Kailangan mong magsumikap para hindi ka manatiling isang maliit na preso na naglilinis ng kubeta! Dito ka habang buhay, Hestia. Hindi ko alam kung anong krimen ang ginawa mo pero sigurado akong you deserve to be here! Pwede kang makatakas dito pero hindi mo kakayanin ang nasa labas ng lugar na ito – kung nasaan ang totoong Tartarus, kung nasaan ang totoong kulungan ng most ancient at darkest entities. Good luck sa iyo, sister.", pagkatapos nito at tumawa si Hera, ang tawa niya na parang alon. Sumabay ang mga minions niya sa kanyang pagbulahaw.

Matapos nito at tinignan niya muli si Hestia. "Bakit hindi natin simulan ang iyong initiation? Narinig ko na matapang ka raw at sa sobrang tapang mo ay nilabanan mo pa itong aking right hand man na si Don Go?"

"Mali ang ginagawa niyo! Paano ito naging makatarungan? Nasaan ang nagpapatakbo ng lugar na ito? Nasaan ang gobyerno ng Underworld? Paano kayo naghahari rito?"

Napangiti si Hestia. "Sa totoo lang, hindi rin namin alam. Ilang linggo na rin kaming walang kuneksyon sa Underworld. Wala officials na dumarating. Lahat sila wala. Maliban na lamang sa mga Wardens at ako, well, I'm keeping peace and order. Hindi ba dapat maging thankful sila sa akin?"

"Pinatay mo si Hades."

"WHAT?", nanlaki ang mata ni Hera. "Patay na siya? Nakakatawa naman na ang god of the Underworld ay malalason sa sarili niyang gamot. Hindi ko alam kung paano siya namatay, darling, at hindi ko na tatanungin pero sigurado akong kasalan niyo iyon."

"Anong gusto mo, Hera?"

"Kalabanin mo ako. I want a rematch, Hestia."

"Kalabanin?"

"One on one. Right here at my throne room."

"Buang ka na talaga."

"How dare you! Baka takot ka lang, girl? I have no power, alala mo? I'm a normal human being. Ganda lang ang laban."

"Ano naman ang kapalit kung lalabanan kita?"

"Hmm, mukhang nagiging matalino ka na. Kahit ano! Gusto mo bang tumaas ang rango dito? Ibibigay ko! Basta labanan mo ako!'

"Information."

"Huh?"

"Impormasyon kung paano makakalabas rito."

"Mukhang ikaw ang buang, girl. Tingin mo makakasurvive ka paglabas mo rito? Pag-apak mo pa lang sa labas ay siguradong lalagukin ka ng kung anong halimaw. You won't stand a chance."

Si Hestia naman ngayon ang nakangiti. "Tila may soft spot ka na sa akin, Hera? Concerned ka ata sa akin?"

"Psh, shut up! Ganun pala ang gusto mo eh. Sige, ibibigay ko! Basta talunin mo lang ako, weakling."

Sumuntok si Hera. Hindi ito inaasahan ni Hestia kaya ang kamao ng goddess of the cows ay kulang na lang ay pumasok sa kanyang bibig. Tumalsik siya at gumuglong-gulong sa paanan ng mga ibang preso. Tao na nga si Hera pero may trace pa rin ng pagiging diyos niya. Medyo masakit ang suntok niya eh. Mabilis na tumayo si Hestia at siya naman ang sumugod. Sinipa niya ang kanyang mga paa. Nakailag ang babaeng peacock. Mas lalong hindi inaasahan ni Hestia ang sunod na ginawa ni Hera. Humawak ito sa kanyang mga balikat at ang kanyang katawan ay tumaas sa ere, umikot siya at bumagsak sa likod. Siya naman ang sumipa. Natamaan sa likod si Hestia na napaurong. Masakit din ito. Lumalakas ang hiyawan ng mga tao.

"Nagagawa mo na iyon? Prim and proper ka..."

"Not here, darling. You need to fight if you wanna see another day!"

Pagkatapos niya sabihin ito ay hinila niya pababa ang zipper ng kanyang puting jumpsuit. Binababa niya ito pero hindi tuluyang hinubad bagkus ay tinali niya ang pantaas sa kanyang baywang. Nakita ni Hestia na siya ay naka-tank top na lang at ang kanyang mga braso ay namumugto sa muscles. Mukhang naadik sa gym si Hera dito.

Muling tumakbo si Hera patungo kay Hestia. Pinalipad niya ang kanyag mga kamao sa ere pero alam na ni Hestia ang kanyang mga galaw kaya madali niyang nasasalag ito ng kanyang mga braso. Pero ang nakakagulat dito ay hindi siya tumitigil. Matindi ang stamina ni Hera ngayon. Hanggang sa ini-swipe ni Hera ang kanyang mga paa sa paa ni Hestia. Ang sunod na lang niyang namalayan ay nakapatong si Hera sa kanya at ang mga hita nito ay umiipit sa kanyang ulo. At ang mga kamao niya ay dumudurog sa kanyang mukha. TACK! May nabasag na buto sa kanyang sa pisngi – pati na rin sa kanyang ilong. Nalulunod na siya sa dugo.

"Ano, Hestia? I prepared for this. Now, savor my wrath!"

Nagwawala na ang mga taong nanonood sa kanila.

Bakit hindi siya makagalaw? Bakit – bakit wala siyang nararamdamang kapangyarihang dumadaloy sa kanyang katawan?

Sa wakas ay tumigil na si Hera. Hingal na hingal itong nagsalita. "Alam mo kung bakit ka mahina?" Dumura ito. "All your powers are cancelled here in Tartarus. This is no place for gods! Pero iba ka, ako, isang mortal na lang ay malakas pa rin ngunit ikaw...tila may kulang talaga sa iyo? Olympian ka ba talaga, Hestia?"

Hindi sumagot si Hestia, bagkus ay nakatingin lang siya kay Hera gamit ang kanyang namamagang mga mata.

"SUMAGOT KA!"

Bumulahaw si Hera at sinuntok si Hestia sa puso nito.

Parang may nag-gong sa tabi ng kanyang tenga. Pakiramdam ni Hestia ay lumutang siya nang bahagya. Nawala sa paningin niya si Hestia. Dumilim ang kanyang paningin nang saglit at nang luminaw ito ay nakita niya si Hades sa kanyang harap. Nagsalita ito pero ang kanyang boses ay parang mula sa ilalim ng tubig.

"Eto. Si Minos. Sa harap mo. Ako si Minos."

"Ano?", sumagot si Hestia.

Sinaksak siya sa dibdib ni Hades. Napasigaw si Hestia.

"Tama, Hestia. Ako si Minos. King Minos to be exact. Nasaan si Hades? Well, stuck pa rin sa Elysium..."

May yelong namumuo sa puso ni Hestia...hindi niya maipaliwanag ang sakit...

"Mamamatay ka, Hestia. Hindi ka pa kumpletong god, Hestia at sinigurado kong mapapatay ka nito."

Pinihit pa ni Hades ang kutsilyo. Hindi...hindi ito si Hades! Si Minos! Ginamit niya ang katauhan ni Hades! Muling napasigaw sa sakit si Hestia nang may humila sa kanya. Hinihigop siya ng hangin. Kita niya ang kanyang katawan at si Minos na nakasaksak sa kanyang puso. Nalaglag siya sa dilim...

"Hoy, babae! What's wrong with you?", sabi ni Hera.

Nakatayo na ito malayo sa kanya. Ang dugo ay patuloy na dumadaloy sa kanyang ilong. "It's not like that's gonna kill you. Bakit ka nagwala at sumigaw sigaw! And why are you yelling Hades and, what, King Minos' name? Weird mo! Umalis ka na dito!"

"Impormasyon, Hera...kailangan kong umalis rito. Naalala ko na ang lahat."

"Natalo ka, Hestia? Remember. And I keep my word. And it's not like we're old friends, girl. Now get out!"

***

Tinapon si Hestia ng mga Wardens sa mesa kung nasaan si Mouse, Regina, at Charlotte. Ang mga ibang preso ay patuloy sa pagbulong, may iba pang tumatawa sa estado ng mukha ni Hestia.

"Hestia! Are you okay?", iyak ni Mouse nang makita siya.

Tinulungan siya ni Regina na maupo ng maayos. Matapos ay kumuha ito nang bimpo mula sa kanyang bulsa at inilagay sa nagdudugong ilong ni Hestia. "Keep the pressure."

"Obvious naman na hindi siya ok, Mouse!", sabi ni Charlotte. "Ang mga walang hiyang iyon! Walang ginagawa kundi mas pahirapan ang buhay natin dito!"

"Shh! Baka may makarinig sa iyo, Charlotte."

"Tsk.", ang sagot ni Charlotte.

"Anong nangyari?", tanong ni Regina.

Umubo ng dugo si Hestia. Binuksan niya ang kanyang jumpsuit gamit ang zipper at tinignan ang kanyang dibdib. Kung saan siya sinaksak ni Minos...at doon sa balat na nagtatakip sa kanyang puso ay isang marka. Pahaba ito at kulay itim.

"Tao at halimaw lang ba ang nakukulong dito?", tanong ni Hestia.

"Ahh, kadalasan.", sabi ni Regina.

"Sometimes, spirits get trapped in here too.", sagot ni Mouse. "Yup, some are spirits here and they do not know that they are spirits because they can also be touched so they can be detained better. That's the ancient power of Tartarus."

Tumango si Hestia. Naiintindihan niya.

"Kailangan ko ang tulog niyo.", giit niya, pinipisil ang bimpo sa kanyang ilong. "Ang aking dugo...kulay pula na ito.", sabi ni Hestia.

"Well, that's normally the color of blood.", sabi ni Mouse.

"Kayong tatlo...kailangan niyo akong tulungan. Kailangan kong malakabas rito...sa buong Tartarus. Kailangan ko siyang hanapin! Kailangan kong hanapin si Minos!"

***

Tahimik na bumaba si Zeus sa gubat ng isla ng Olympus. Sa daan ay nagbobow sa kanya ang mga tao, mga halimaw, at kung anu-ano pang nilalang. Kakagaling niya lang sa pakikipagusap kay Athena, Artemis, at Apollo. Tatlo sa kanyang pinagkakatiwalaan. Binigay niya ang responsibilidad sa kanila na protektahan ang Olympus, at kabilang na dito ang paghahanap ng mga allies at pagfortify sa buong isla, kung sakaling may mangyari sa kanila at kung sakaling umatake si Minos habang wala sila. Nakasuot ng cloak si Zeus at sa ilalim nito ay isang magaang golden armor.

Pagdating niya sa gubat ay hindi niya mapigilang maalala ang kanyang dalawang kapatid, lalo na si Hestia. Bakit ganon? Bakit magisa na lang siya ngayon?

Sa isang clearing – ang parehong clearing kung saan naging mortal siya nang saglit noong kalaban nila ang kanyang ex-wife ay nadatnan niya si Kat Embers at Pan, tulad niya ay nakasuot din ng itim na cloak ang dalawa. Sa ilalim nito ay siguradong nakasuot sila ng armor at dala ang kanilang mga armas.

"Zeus, handa ka na?", iyan ang bungad ni Pan nang makita si Zeus na papalapit sa kanila.

Lumunok nang malakas si Zeua at umubo. Handa nga ang kanyang ang mga gamit, ang kanyang armas, pero handa nga ba ang kanyang boses? Napakamot ng ulo si Zeus. Tinignan niya si Kat.

"Kaya mo iyan, Master Zeus! Para kay Hestia."

"Hehe, sige.", iyon lang ang nasambit ni Zeus. "So, paano tayo magsisimula?"

"Simple.", sa brown na satchel na dala ni Pan ay may hinila itong kahoy na patulis. Yung para bang ginagamit pang patay sa mga bampira. May binulong si Pan na mga salita na hindi naintindihan ni Zeus. Walang anu-ano'y may mga tumubong puting bulaklak sa kahoy at may mga nagliliwanag na mga linya ang lumabas dito. Tinaas ito ni Pan at gumuhit siya ng pabilog sa ere na kasing tangkad ng tao. "It's time, Zeus. Sing, with power."

"Ah, eh."

Hindi alam ni Zeus kung bakit siya pumayag dito. Oo nga, para i-avenge si Hestia at para harapin ang Fates, pero sobrang pambababa ng dignidad niya ito. Kahit pa si Kat at Pan lang ang saksi. Ilang libong taon na ba nang huli siyang kumanta? Hindi...eons. Noong mamatay ang kanilang inang si Rhea. Sa kanyang funeral...

Binuksan ni Zeus ang kanyang bibig at inawit ang himno na inawit niya noon. Walang liriko, kundi musika na nanggagaling sa kanyang puso.

Nanlaki ang mata ni Pan. "Zeus...that's actually sounds --"

"Good.", sabi ni Kat na hindi rin makapaniwala sa kanyang naririnig. Inaasahan niyang parang pusang sinasakal ang boses ni Zeus pero napakahalina nito. Pakiramdam mo ay lumilipad ka o parang kumakain ka nang madaming tsokolate.

Nakapikit si Zeus na umaawit. At mula sa kanyang bibig ay may mga berdeng ilaw na umiikot sa ere patungo sa bilog na ginuhit ni Pan. At kada nadadagdagan ito ng berdeng ilaw ay nagkakaroon ng bricks. Unti-unti ay nagkakaroon ng pabilog na pader. Ito ba ang isa sa mga pader ng Labyrinth?

Matapos kumanta ni Zeus ay namula ito. Pagtingin niya kay Pan at Kat ay pumapalakpak ito. "Walang dapat makaalam nito!", sabi ni Zeus. "Pan, ano ang sunod?"

Tumango si Pan at lumapit sa pader na bilog. Hinawakan niya ito at tumingin kay Kat. "Ngayon ay oras na para tibagin ito."

Nilabas ni Kat ang kanyang kukri knives. Tumabi si Pan. Tumakbo si Kat, umikot-ikot at hiniwa ang pader. Sumabog ito at ang pader kani-kanina lang ay madilim na lagusan na ngayon.

"Get ready. Hindi natin alam kung ano ang dadatnan natin.", utos ni Zeus.

Unang pumasok si Zeus. Ang kanyang lightning bolt ay puno nang kapangyarihan sa kanyang mga palad. Sunod si Pan na hawak ang kanyang plawta at si Kat na nakaporma gamit ang kanyang kukri knives.

Gamit ang asul na liwanag na nanggagaling sa lightning bolt ni Zeus ay marahang naglakad ang tatlo. Ang hallway na kanilang nilalakaran ay may dilaw na pader, ganun na rin ang kanilang nilalakaran. Ang mga bricks ay parang eons na nang ginawa. Mga sapot, mga kalansay, mga insekto, at kakaibang mga sulat ang nakikita nila bawat liko. Sa wakas, matapos ang ilang minutong paglalakad sa nakakasulasok na pasilyo ay dumating ang tatlo sa malaki at madilim na kuwarto. Mataas ang kisame at ang asul na liwanag mula sa lightning bolt ni Zeus ay nagbibigay nang nakakapanindig-balahibo na pakiramdam. Sa harap nila ay apat na lagusan at lumalabas mula rito ay mainit na hangin.

"Saan na tayo ngayon?", tanong ni Kat.

Maging si Zeus ay hindi alam. Tumingin ito kay Pan.

Nagsalita ito habang nakatingin sa mga lagusan. "Now, I formally welcome you, guys, to the Labyrinth of Daedalus."

TO BE CONTINUED

Continue Reading

You'll Also Like

138K 4.9K 69
Elaine Hidalgos is stuck of being the richest person without her parents guide, but after dying at the car crash, she awakened in a fantasy world...
1.5M 62K 116
Unveil the mystery of the mysterious girl.
10.5M 480K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #03 ◢ Alpha Omega - refers to the twelve demigods destined for the upcoming rebellion. The world has changed. Time has stopped an...
265K 7.8K 55
What if a mafia queen got reincarnated as a weak? bitch?slut? princess....... and that body becomes her body??? will she accept the truth??or not?? S...