Ellaine
“Ellaine, gising ka na,” narinig ko ang boses ng isang babaeng ilang taon na pamilyar ang boses niya sa akin. Kay Vani ito galing.
Kumakatok na ang tiyan ko sa akin. Nanghihingi na siya ng pagkain. Anong oras na kaya? Parang ang tagal kong hindi pa kumakain.
“Ellaine, ayos ka na ba?” tanong sa akin ni Vanilla. Bumuka ang mga mata kong ayaw magpa-istorbo pagkatapos ng mahimbing na tulog na plano pang pahabain.
Medyo blurry pa ang paningin ko at sa simula ay ilaw lang ang nakikita ko. Ilaw na para bang nakakabulag at maputi.
“Nasa langit na ba ako?”
“Buhay ka pa! Huwag ka naman excited na iwan kami at alam mo naman na ayaw ko iyon,” sagot sa akin ni Vanilla. Sa lakas ng boses niya ay biglang umayos ang aking paningin.
Nakita ko ang mga mata ni Vanilla. Ang kanyang mga mata ay parang ipinaparating na nag-aalala siya sa akin. Hala, ano ba talagang nangyari? Naalala ko noong isang araw na umuwi lang naman kami para gamutin yung sugat ko sa paa.
Yung sugat ko sa paa…
Eeh! May sugat nga pala ako sa paa. Hala sana hindi na ito masakit ngayon. Ano na kaya ang hitsura nito?
Tapos, nagkasakit pa pala ako. Pagising-gising ako at wala akong matandaan sa mga lumipas na araw. Parang nakahiga nga lang ata ako kahapon.
“Ano bang nangyari?”
“Eh… kasi… ganito iyon,” nanahimik si Vanilla sandali saka ipinagpatuloy. “Isang araw kang hindi nagising kaya akala namin mawawala ka na,” dagdag niya at biglang nanlaki ang mga mata ko.
Naalala ko na! Ang sakit ng buong katawan ko, nahihilo ako, at gustong magpasuka ng laman ng tiyan ko pati na rin ang mga laman loob. Kailanman ay hindi pa ako nagkaroon ng sakit na mas malala o kasinlala niyon.
“Gutom na ako, tara kain tayo.”
>>>
Kinamusta ako ng lahat pagbaba ko sa sala. Nag-aalala sila sa akin at buti na lang ay magaling na ako.
Siguro ganoon lang talaga ang nangyari. May mga bacteria o virus siguro dito na wala naman sa ibang lugar. Yung nangyari sa akin ay parang noong nagkasakit lang si Warren. Malubha pero hindi naman nakamamatay.
Medyo masakit pa yung kanang binti ko. May telang nakalagay doon para hindi madumihan ang sugat kaya nanginig ako likod ko sa isip na masakit ito kapag tinanggal. Inaalalayan ako ni Vanilla na maglakad dahil kung hindi ay napupuwersa ang muscle sa loob ng binti ko.
“Ayos ka na ba Ellaine?” tanong sa akin ni Bryce. Napangiti ako noong narinig ko ang boses niya.
Ito na nga siguro iyon, yung tinatawag nilang pag-ibig.
Matagal na akong may gusto sa kanya. Kumpara sa iba, makikita mong mabait talaga siya at concerned sa iyo. Kapag aksidente ko siyang nasasaktan minsan ay hindi siya nambabawi tulad ni Karl at hindi naiinis tulad ni Warren. Masarap din siyang kausap dahil alam kong nakikinig siya sa bawat salita ko. Kung hindi si Vanilla ang kasama ko ay si Bryce naman. Naalala ko na miss ko siya noong umalis kami dito at pumunta ng Femline.
Sa bawat gabi, naiimagine ko na magiging masaya ang buhay ko kasama siya tulad lang ng mga storya sa libro.
“Ayos lang siya. Medyo pagod lang kaya hindi makapagsalita,” biglang salita ni Vanilla at ngayon ko lang na-realize na nalitang ako nang ilang saglit.
Kumain na kami pagkatapos niyon. Nagpakahirap akong umakyat para magtoothbrush at maligo. Hindi naman pwede na kakausapin ko ang iba gamit at maamoy nila ang mabaho kong hininga o katawan. No way!
Pero sa totoo, hindi ako maliligo kung hindi lang ako mangangamoy. Ayoko na ulit makita yung sugat ko sa binti at ayoko maramdam ang hapdi kapag binabasa ito.
Bumaba ulit ako dahil alam kong nandoon si Bryce na nakaupo sa couch. Naki-upo rin ako doon at nagkunwari akong nagbabasa ng libro. Paminsan-minsan ay tinitingnan ko siya.
Nakarinig ako ng mga apak ng sapatos sa hagdanan. Tumingin ako kung sino iyon at nakita ko si Vanilla kasama sina Warren. Hunter, at Karl. Nakasuot sila ng pantalon at may mga dala silang bag.
“Vani, saan kayo pupunta?” tanong ko sa kanya.
“Maghahanap lang kami ng mga supplies saka damit,” sagot ni Hunter sa tanong ko.
“Ikaw si Vanilla?” tanong ni Vani kay Hunter.
“Halika na nga,” sabi naman ni Warren at naglakad na sila paalis. Kumaway si Vani sa akin at sinabi niya gamit ang kanyang bibig lang na susubukan niyang hanapan din ako ng damit.
Ngayon, naiwan lang talaga kaming dalawa ni Bryce dito. Nasa labas si ate Annie at nag-aalaga ng mga halaman at nag-aayos ng bahay.
“Ellaine,” sabi ni Bryce. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Nakita kaya niya ang ang mga pagsulyap ko.
“Bakit?” tanong ko na hindi inaalis ang mata ko sa libro. Masyado akong nahihiya para lumingon sa kanya. Nasa malaking couch kami nakaupo ngayon at kahit hindi ako tumitingin, naramdaman ko na lumapit siya sa akin nang unti.
“Ano nga palang nangyari noong pumunta kayo sa Femline? Anong mayroon ba sa inyo?” tanong ni Bryce at napangiti ako. Yes! Hindi niya alam yung ginawa ko kanina. Yes! May excuse ako para ibaba ang hawak kong libro ngayon at kausapin pa siya.
Ikinuwento ko sa kanya ang lahat ng nangyari at lahat ng alam ko sa buhay ng mga babae sa Femline. Sa pagsasalita ko ay kitang-kita ang pagtango niya sa mga sinasabi ko at kapansin-pansin naman ang pagtatanong niya sa mga interesting na bagay.
Nakwento ko rin yung insidente noong may mga narinig kaming putok ng baril. Sabi ni Vanilla na pagtingin daw niya sa likod, may isang lalaki daw na patay.
Medyo ayoko na yung pinag-uusapan namin dahil dark at sad na iyon. Siya naman ang tinanong ko tungkol sa buhay niya. Simula kanina ay hindi pa namin binababa ang mga libro namin. Usap lang kami nang usap.
“Alam mo ba na hanga ako sa iyo?” tanong niya bigla sa akin at namula ang mga pisngi ko. Wah! Napaka-straight naman iyon.
“Bakit?” agad ko naman na sagot. Syempre, gusto ko naman malaman yung dahilan kung bakit hanga siya sa akin.
“Kahit na mahina ka at madalas kang nasasaktan, pinipilit mo pa rin na gawin ang pinakakaya mo. Susubukan mo pa rin makisabay sa iba kahit nahuhuli ka na sa kanila,” sabi niya sa akin. Walang sino pang tao ang nagsabi niyan sa akin. Bakit kaya niya ito nasabi sa akin?
“Ang cute kaya niyon,” mahina yung boses niya noong sinabi iyon pero rinig na rinig ko.
“Ahahaha! Kung makabola ka naman sa akin… wagas! Haha,” tumawa na lang ako para hindi ipahalata sa kanya ang nararamdaman kong hiya at saya ngayon. Binuo nito ang araw ko. Ang sarap talaga sa pakiramdam.
“Hindi! Walang halong biro iyon. Promise,” sabi niya sa akin. Nakita ko ang lapit na pala niya sa akin kaya tinulak ko siya at napahiga yung katawan niya sa couch.
“Aray. Bakit? Totoo naman,” dagdag pa niya. See? Kahit tinulak ko siya nang pagkalakas-lakas ay wala pa rin sa kanya. Gentle, iyon ang nararamdaman kong aura sa kanya. Iba ito sa sinasabing gentleman. He’s just that.
“Hehe, salamat,” sabi ko at umupo na siya nang maayos. Naging tahimik kami nang ilang saglit bago ako nakarinig ulit ng boses. Pero hindi ito galing kay Bryce.
“Bryce, pwede mo ba akong tulungan dito?” tanong ni ate Annie mula sa taas ng hagdan. Nag-aayos siguro siya at may kailangang buhatin. O baka naman ay magtutulak sila ng kabinet para maiba naman ang hitsura.
”Sige,” sagot naman ni Bryce. Nilatag niya yung libro niya doon sa table at nagsabay kami. Nagkatinginan kami nang ilang saglit bago tumayo siya at umakyat sa taas.
Naiwan lang ako dito mag-isa, inuulit ng utak ko sa akin ang lahat ng nangyari kanina.
>>>
Nakaupo kaming lahat ngayon dito sa sala. Pinagigitnaan ako sa couch ni Vanilla sa kaliwa at ni Bryce sa kanan. Nasa dalawang magkabilaang upuan naman si Warren at Hunter at nandoon sa isa pang maliit na couch si Karl.
Hawak-hawak ko ngayon ang mga bigay na damit sa akin ni Vanilla galing sa kung saan lugar. Ang ganda nga ng mga binigay niya sa akin. Hapon na noong dumating sila at iyon din yung oras na sinabi ni Karl na may mahalaga kaming pag-uusapan.
“Teka, ano bang mayroon?” tanong ni Vanilla kay Karl. Pinatawag niya kasi kaming lahat kasama si ate Annie.
“Ah, may ipapakita lang ako sa inyo,” sagot naman ni Karl. Binuklat ni Karl yung notebook niya para hanapin yung ipapakita niya sa amin. “Heto.”
Tiningnan ko nang maigi ang nakalagay doon. Isa itong doodle ng pangalan na Jessica na may mga heart pa at sa baba naman ay yung pangalan ni Karl.
“Dude, mali yung ipinakita mo,” sabi ni Warren. Agad na nilipat ni Karl yung pahina sa notebook niya at tumawa ang lahat. Sino si Jessica?
“Ay sus, ikaw talaga,” sabi naman ni ate Annie. Hiyang-hiya naman si Karl sa nangyari.
Naayos na niya at ipinakita niya sa amin ang isang pahina na may mga nakalagay na date at notes. Nakakagulat lang, mas maganda pa ang handwriting niya sa akin. Printed ito at may mga nalalaman pa siyang arrows at bullets.
“Nakalagay dito ang lahat ng nakuha kong impormasyon sa presidente galing doon sa mga babae sa Femline,” paliwanag ni Karl.
“Paano mo naman sila nakausap?” tanong ni Bryce. Naramdaman ko ang pagtama ng kanyang bisig sa aking kamay naman. Makinis ang kanyang balat.
“Gamit ito,” kinuha ni Karl sa kanyang bulsa ang isang parang cellphone na bagay. “Nakakapag-usap kami gamit ito kahit malayo. Umalis kasi ako dito dati at nakipagkaibigan kami sa ibang grupo na may parehong plano sa amin.”
“Plano?” tanong ni Warren.
“Plano na ibalik ang dati kung saan magkasama na nabubuhay ang mga lalaki at babae,” singit ni ate Annie, “Sa tingin namin, may masamang balak ang presidente kaya naging ganito ang buhay natin.”
“Hindi raw patas talaga ang buhay ng mga babae at lalaki. Sadya ito ng presidente,” sabi naman ni Karl.
Binasa ko na ang nakasulat sa notebook niya. Ito ang nakalagay.
>>
April 14, 2027
èIsang grupo ng mga babae ang nahuli noong nalaman na sila ay may ginawang maliit na paaralan na pampubliko. May tatlong nakatakas at itinago ito nina Jessica at ng mga kasama niya sa bahay nila.
May 27, 2027
èNarinig ni Joy sa mga pulis na babae na isang bayan ang sinunog ng gobyerno dahil ito’y nag-alsa. Walang iniwang buhay ang gobyerno at kinuha nito ang lahat ng produkto na nasa bayan. Idadala raw ito sa kabilang pader.
June 12, 2027
èNahuli si Joy ng mga pulis nang malaman na nakikinig siya sa usapan nila. Mukhang classified information ito. Napatakas ni Joy si Patricia ngunit hindi na nila nakita si Joy.
è Ang nalaman ni Patricia ay pinsan ng presidente ang isa sa pulis na babae.
August 18, 2027
èSa isang liblib na lugar ay nakita nila ang nabubulok na bangkay ni Joy. Nalitaw ang katawan niya sa lupa noong umulan ng malakas .
September 2, 2027
èWalang nagbalita sa mga babae tungkol sa parating na bagyo.
September 5, 2027
èMahigit 200 ang namatay at may doseng nawawala.
September 12, 2027
èSi Patricia ay nagvolunteer na maging police para makakuha pa ng mas maraming info. Pinayagan naman siya ng gobyerno nang hindi alam ang totoong pakay niya.
October 24, 2027
èNalaman ni Patricia na may ibang grupo ng rebelde ang nahuli kaya naghahanap pa ang gobyerno. Hindi pa siya sigurado pero parang narinig niya na kontrolado ng gobyerno ang virus.
>>
“Ellaine.”
“Ellaine.”
“Ellaine!” malakas na salita ng isang boses at biglang nagising ang diwa ko.
“Ha?! Bakit?” tanong ko sa kanila.
“Ayos ka lang ba? Kanina ka pa nakatulala diyan,” sabi sa akin ni Vanilla.
“Oo, binasa ko lang yung sinulat ni Karl.”
“Maliwanag ba ang gagawin?” tanong naman ni ate Annie. Nagulat ako dahil hindi ko iyon narinig.
“May gagawin?”
“Oo! Hindi kasi nakikinig!” pinagalitan ako ni Hunter. Nagsitayuan na kaming lahat at lumapit siya sa akin para ipaliwanag ito. “Gamit yung inayos na cellphone ni Karl, subukan mo raw makipag-usap sa ibang babae,” binigay niya sa akin yung cellphone.
“Sige…” napatigil ako nang sandali nang may nakita akong nagbigay ng interes sa akin. Napatingin ako kay Vanilla na kausap si Bryce. Nakangiti siya ngayon at kapag kausap niya si Bryce, parang mas mataas nang unti ang boses niya. Sa mata sila nagtitinginan.
Noong tapos na silang mag-usap at lumayo na si Bryce, nakita kong sumilip ng tingin si Vanilla sa kanya.
Biglang pakiramdam ko tumalbog ang puso ko sa dibdib ko.
Posible bang may gusto din si Vanilla kay Bryce?