His Queen

By JFstories

3.8M 134K 16.7K

The day he chose her is the day that her fate was already sealed. *** 'Yong guwapong lalaki na pasyente mo sa... More

SIMULA
HELIOS
Kabanata I
Kabanata II
Kabanata III
Kabanata IV
Kabanata V
Kabanata VI
Kabanata VII
Kabanata VIII
Kabanata IX
Kabanata X
Kabanata XI
Kabanata XII
Kabanata XIII
Kabanata XIV
Kabanata XV
Kabanata XVI
Kabanata XVII
Kabanata XVIII
Kabanata XIX
Kabanata XX
Kabanata XXI
Kabanata XXII
Kabanata XXIII
Kabanata XXIV
Kabanata XXV
Kabanata XXVI
Kabanata XXVII
Kabanata XXVII Part II
Kabanata XXIX
Kabanata XXX
Epilogo
HIS QUEEN
Now a free story!

Kabanata XXVIII

81.5K 3.1K 457
By JFstories



"TOUCH HER AND I'LL TURN YOUR ASS INTO DUST!" Kasing lamig ng hangin ang malalim at buong-buong boses ng nagsalita.

Nagsisugod ang mga nakahood na bampira ni Liana para lang maging mga abo. Parang mga putik na nagtalsikan ang mga bampirang ito at nang bumagsak sa marmol na sahig ng kuwarto ay mga abo na. At ang tatlong lalaki ang may gawa. Mga lalaking katulad ng nagsalita ay may taglay ring luntiang mga mata.

Ang maputlang si Liana ay lalong namutla nang makilala ito. Mabilis itong umalis sa ibaba ako at ginawang pananggalang ang unang bampirang nahigit sa kung saan. "H-how did you know this place?! Sino ang nagsabi sa inyo?!"

"Secret no clue." Ang may curly na buhok ang sumagot. Nakangisi ang mapula nitong mga labi at nakalitaw ang dalawang pangil.

"Cross..." naiiyak na sambit ko.

They're standing in front of the open glass window. Tila mga hangin na itinangay rito. Lahat ng lumalapit sa kanila ay agad na nagiging abo. Kasing bilis ng kisap-mata ang pagwasiwas ng mga kamay nila sa bawat magtatangkang sumugod na bampira.

My boys' hands are neat yet deadly. Mas matalas pa sa hinasang patalim ang mga kuko. Hindi kulubot, they're still the same. Hindi rin nalulukot ang kanilang mga mukha kahit pa lumalabas ang kanilang mga pangil, not like the other vampires na nagiging halimaw ang itsura kapag lumalabas ang pagkabampira.

Mula sa labas ng bintana ay may patalon na lalaking bampira pasugod sa mga anak ko. Itinaas ni Kaden ang kanang kamay at agad na natigil sa ere ang pasugod na bampira. Namilipit ito na tila hindi makahinga. Nang itikom ni Kaden ang palad ay nangisay ang bampira sa ere at nang bumagsak ay buhangin na.

Si Lourd ay tinitigan ang mga natitirang bampira at sa isang iglap, ang mga ito na ang naglalaban-laban. Si Cross ay ganoon din, nanlilisik ang kulay pula na nitong mga mata habang ang mga bampirang natitira ay unti-unting nagiging mga buhangin matapos saksakin sa dibdib ng matutulis na kuko ang mga sarili.

Ito ang kinaiinggitan ng mga kuya ko... ang kakaibang kakayahan ng mga anak ko kay Helios. Si Kaden ay may kakayahang patigilin ang paghinga, si Lourd ay kayang kumontrol ng isip, at si Cross ay kayang pumasok sa katawan ng kahit sino o anong malapit sa kanila. They can kill without dirtying their own hands if they wanted to. But, obviously ay hindi ganoon ang trip ni Cross.

"And where do you think you're going, Vampie?" Humakbang si Cross papunta sa nahuhuling bampira na akmang maglalaho na sa hangin. 

Mas mabilis siya kaysa rito kaya naabutan niya ang bampira at sa isang iglap, nakatarak na sa dibdib nito ang kanyang kamay. Ang kulay itim na dugong tumalamsik sa kulay puting polo ni Cross ay naging buhangin nang maabo ang bangkay ng bampira.

Humakbang palapit si Helios. I watched his teeth gnash as his raging eyes followed Liana.

Napaatras ang babaeng bampira. "You got it wrong, my love. I'm the real victim here!" Lalo pa itong namutla nang makitang paubos na ang mga alagad. "Plano talaga 'to nina Ria at Lucia! Narinig mo naman ang sinabi niya kanina di ba? She said wants to be free! Alam na ni Ria kung sino at ano siya, o kahit kayo ay kilala niya na!"

Lumipat ang paningin sa akin ni Helios. Mula sa nagliliyab na kulay pula ay bahagya iyong lumamlam.

"Plinano nila ang lahat at hiningi lang nila ang tulong ko. Hindi ako makatanggi dahil aaminin ko, makikinabang kasi ako rito. Ria wants to get rid of you, at syempre sasaluhin kita!"

Gusto kong sumigaw. Gusto kong sigawan si Liana dahil napakasinungaling niya talaga pero hindi ko magawang ibuka ang mga labi ko dahil ang bigat sa dibdib ng mga tingin ni Helios sa akin.

"Helios, alam na ni Ria kung sino ka at kung anong ginawa mo sa kanya. She hates you! Noon pa man galit na siya sa 'yo di ba?! At ito na iyon, gagantihan ka na niya kasi gusto niya nang tuluyang lumaya sa 'yo. Akala ko naman aalis lang siya kaya pumayag ako sa plano, pero gusto ka pala niyang patayin kaya nagalit ako! Iyong naabutan mo kanina, galit ako noon kaya gusto ko siyang saktan!"

Nakatingin pa rin sa akin si Helios. At maging ang triplets ay sa amin na nakatingin.

"Maniwala ka, Helios! Alam mo namang mula pa noon mahal na mahal na kita. Handa kong iwan si Donovan para sa 'yo kung tatanggapin mo lang ako. Tinulungan ko lang naman si Ria dahil sa akala ko wala siyang balak na saktan ka, but I was wrong! She wants you dead! Nakipagsabwatan siya sa kapatid niya at nagpadala pa ng mga bampira rito para lang abangan ang pagdating niyo! At ngayon pati ako papatayin na rin nila!"

Biglang may pumalakpak. Nang lumingon kami ay si Cross pala.

"Maniniwala na sana kami kung hindi ka kapit na kapit diyan sa vampire na sinasabi mong gusto kang patayin."

Biglang napabitiw si Liana sa kinakapitang bampira. Sinampal niya ito. "Hayup ka! Papatayin mo ako at si Helios! Hindi ako papayag!" Pinagtatadyakan pa nito ang kawawang bampira.

Nawala sa kinatatayuan nito si Cross at nang lumitaw ito ay nasa gitna na ni Liana at ng bampirang bugbog-sarado.

Gulat na napaatras si Liana. "Ay bampira!"

"Yes, I am a vampire, Madame." Nakangiting hinawakan ni Cross ang kwelyo ng hood ng natitirang alagad ni Liana. "And I kill vampire, too." Pagkasabi'y biglang naging abo ang may ari ng kwelyong hawak-hawak nito.

Kulay papel na sa kaputlaan si Liana habang nakatingala kay Cross. "M-mabuti naman at pinatay mo na iyon... K-kasi papatayin ako nun e..."

"Pasalamat ka hindi ako pumapatol sa babae," nagtatagis ang ngiping wika ni Cross saka pinitik sa noo si Liana.

"Ouch!" Namula agad ang noo nito.

Muling bumalik sa dating kinatatayuan si Cross sa loob ng zero second.

Sina Kaden at Lourd ay nasa akin na at kinakalagan ako.

"Are you okay?" kaswal na tanong sa akin ni Kaden. Si Lourd naman ay nakatingin lang sa akin.

Mangiyak-ngiyak akong tumango. "S-salamat..."


"It's Lucia who told me where you are," bulong sa akin ni Lourd.

"I heard that!" gigil na asik ni Liana. "I'm a vampire don't you remember?! I can hear everything!"

Umismid si Cross. "Maka everything naman 'to, feeling powerful."

"I heard that! Si Lucia ang nagsumbong sa inyo?! That brat!" Gigil pa rin si Liana sa nalaman. "Walanghiyang Lucia na 'yan! Inggrata kahit kailan!" Kusa rin itong natigilan nang marealized ang katangahan. "Oh, geez!"

"Why are you doing this, Lia?" pantay ang tonong tanong ni Helios.

"Helios, I can explain..." mangiyak-ngiyak ito. "Okay, fine!" Sa huli ay sumuko na lang dahil mukhang alam na ni Liana na hindi ito paniniwalaan. Itinuro ako nito. "I did this simply because I hate that woman!"

"Anong ginawa ko sa 'yo, gaga ka!" sa wakas ay nahagilap ko ang boses ko.

"Shut up! Kami ni Helios ang nag-uusap, wag kang sasabat!" bulyaw niya sa akin.

"Lia!" parang kulog ang boses ni Helios na nagpatahimik sandali kay Liana.

Nagpahid ng luha ang babae. "Bakit ba nagkakagulo kayo sa babaeng 'yan? Bakit ba hindi niyo pa siya tantanan?!"

"Because we need her, Liana!" Mula sa dilim ay lumitaw ang isang matangkad na lalaki. Nakaitim itong coat at itim ding pantalon. "What do you think you're doing?!"

Napatanga si Liana nang makilala ang dumating. Kahit ako ay natahimik nang masilayan ko ulit ang isa sa mga lalaking nagmalupit sa akin noon.

It's been hundred of years, my dear not so dear older brother.

Isa sa mga lalaking kinilala kong nakatatandang kapatid ngunit hindi ako itrinato na kahit tratong tao. Si Helios lang ang tanging nagparamdam sa akin ng importansiya ko. Dahil ang mga ganid na Pedrigal ay kailanman hindi nagkaroon ng magandang alaala sa akin. Hanggang ngayon, gusto lang nila ako para gamitin. Ang tingin pa rin nila sa akin ay gamit na kailangan lang dahil may silbi pa sa kanila.

Hinaltak nito sa braso si Liana. "Alam mo na ang dugo niya ang kailangan natin para mas lalo tayong lumakas. Mas malalakas na bampira ang malilikha ko kung makakainom ang mga ito ng dugo mula kay Euria!"

Nang magtama ang paningin namin ng isa sa mga kinilala kong kapatid ay ito mismo ang nagbawi ng tingin. Napangiti ako nang mapait. Walang kasing itim ang budhi.

"It's so nice to see you again, Euria." Ngumisi ang lalaki at lumitaw ang pangil na nakamtan lang nito dahil sa ninakaw niyang dugo sa akin noon.

"You will be forever a pathetic bloodsucking vampire, dear brother," mahinang wika ko.

Nagsalubong ang mga kilay nito.

"Kalokohan! Bakit kailangan pang lumakas?" Inis na tinabig ni Liana ang kamay ni Donovan. "Malalakas naman ang mga bampira, ah! Mas malalakas na di hamak sa mga mortal!"

"Pero hindi kasing lakas ng mga Vox!" Ang makinis na balat ng lalaki ay bahagyang kumulubot. It became slightly distorted. Nagtapon pa ito nang matalim na tingin sa akin bago harapin ulit si Liana.

"Bakit? Inaano ka ba ng mga Vox? Nananahimik naman sila, ah. Hindi naman nila tayo ginugulo sa kampo natin. Kung gusto mong lumikha ng maraming imortal, then do it, Don! Mayaman ka naman na e. Gawin mong bampira lahat ng tao at sakupin mo ang mundo, pero hayaan mo na si Euria! You hate your sister, right? So why not kill her instead?! Para tapos na 'to!"

"Hindi ko magagawa ang sinasabi mo dahil alam kong naghihintay lang ang mga Vox ng tyempo para pigilan ang mga plano ko."

"Buti alam mo," nakaismid na wika ni Cross.

"Shut up!" asik ni Liana dito.

"Hoy? Sino ka para sundin ko? Itsura mo!"

Nanlaki ang mga mata ni Liana. "Talipandas!"

"'Wag mo siyang pansinin, Mahal," alo ni Donovan sa nanggagalaiting asawa. "Darating ang araw na mawawala rin sila sa landas natin. Paghahandaan natin silang mabuti."

"Pati ba si Helios papatayin mo?"

Tumalim ang mga mata ni Donovan. "Oo. Sa harapan mo mismo nang magtigil na ang kalokohan mo."

Napangiwi ito. "A-ano bang sinasabi mo diyan, Mahal?"

"Tara na." Hindi na nakaangal ang babae ng hilahin na ito palayo ng asawa. Kinain ng dilim ang mga ito at tuluyan nang naglaho.

"May pinamanahan talaga sa luwag ng turnilyo si Lucia," palatak ni Cross.

"You shut up," gigil na bulong naman ni Lourd sa kakambal.

Inalalayan ako ni Kaden na umalis sa kama. Hindi ko maihakbang ang mga binti ko sa panghihina. Dahil siguro sa matagal kong pagkakahiga at pagkakadikit sa nakagapos sa aking pilak kanina. Nang tumingala ako ay nasa harapan ko na si Helios.

"I understand you loathe me, I deserve it."

"Y-you can explain some other time." Gusto ko siyang yakapin ngayon, pero bakit kasing lamig ng yelo ang mga tingin niya sa akin? Hindi niya ba alam na takot na takot ako? Hindi niya ba alam na nawalan ako ng kaibigan? Ako na ang nag-iwas ng paningin.

Mag-uusap kami ni Helios. Marami kaming dapat pag-usapan, but for now, I need to see Trois. Kailangang mailibing nang maayos ang katawan nito..

"Are you hurt?"

Napakurap ako nang marinig ang nag-aalala niyang tono. Dinama ko ang aking pisngi, umaagos pala ang luha ko. Umiling ako nang hindi sa kanya nakatingin. "No." Ayokong tingnan siya dahil baka hindi ko matiis at mayakap ko siya. Yayakapin ko siya, magpapasalamat ako at maraming itatanong at lilinawin pero ngayon si Trois muna ang dapat kong asikasuhin.

"There's dead body somewhere in this place." Suminghot-singhot si Cross.

"It's Trois..." sumisigok na wika ko. "P-patay na siya..." parang batang sumbong ko. "Pinatay nila..."

Kita ko ang pagkabigla sa mukha ni Helios nang mapatingin ako sa kanya. Ang malamig niyang ekspresyon ay nabura.

"Please... hanapin natin siya..." iyak na ako nang iyak. "Tulungan niyo akong maiballik siya sa pamilya niya. Dahil sa akin kaya namatay siya..." Napahagulhol na ako.

Hinagod ni Lourd ang likuran ko. "Hush, we will find him."

"Do you want to resurrect him?"

Nagulat ako sa tanong ni Helios. Nanlalaki ang mga mata ko sa kanya.

"You decide. You can still save him."

"No!" biglang sagot ko. "I will never... I can never do that to him." Umiiyak akong umiling. "That's the last thing I will do. Hinding-hindi niya gugustuhing maging isang..." Umiling ako. "I can never disrespect him that way..."

Tumango-tango si Helios. Hindi ko alam kung bakit parang may nakita akong pait sa mga mata niya.

"Ako nang bahala sa bangkay para madala sa pamilya niya," ani Lourd.

Matagal na nakatayo lang kaming lima. Walang mga imik. Kahit ang triplets ay parang nakikiramdam. Nakatingin pa rin sa luhaan kong mga mata si Helios.

"I just wanna ask you something," mahinahon niyang tanong sa akin.

"A-ano iyon?"

"Can you promise that you will take care of yourself?"

Napalunok ako. Hindi ko maintindihan ang pinupunto niya pero kinakabahan ako.

"Ria..."

"Oo n-naman... K-kaya ko."

Mapait siyang ngumiti. "That's all I want to hear."

Nagulat ako nang tumalikod na si Helios sa amin.

Inalalayan akong humakbang ni Kaden pero lalo lang akong nanghina at hindi makagalaw. Gusto kong lumingon si Helios at mag-alala sa akin. Gusto kong lingunin niya ako, kumustahin ulit, kargahin. Gusto kong bumalik sa mansiyon para alagaan niya ako hanggang sa ako'y gumaling...

Sa halip na lumingon ay nagsalita siya. "Kaden, take her from here."

"Sure, Uno." Kinarga ako ni Kaden kahit tutol ang aking loob.

"I'll help Kaden with her," presinta ni Cross.

Hindi na siya nagsalita ulit. Kasabay nang pag-ihip ng hangin ang paglalaho niya sa aming paningin. Umalis na siya. Iniwan niya na kami. Ako.

Kusang bumagsak ang mga luha mula sa aking mga mata. Wala akong pakialam kahit nakatingin sa akin ang triplets. Nasasaktan ako, at hindi ko iyon kayang itago sa akin.

Naramdaman ko ang paghagod ni Lourd sa likod ko. "Don't worry from now on, Ria, because you're now free. He set you free."

Nang tingnan ko si Cross ay seryoso siyang nakatingin sa akin. "This is what you want, right? He just gave it to you."

JF


Continue Reading

You'll Also Like

5.4M 207K 56
Kia likes Leonardo Saavedra, but she is stuck with the dead body of his younger brother, Dipen, who died in an incident that involves her. Is she rea...
1.3M 42.7K 34
THE WATTY AWARDS 2021 WINNER: ROMANCE Due to an unexpected pregnancy, ex-lovers Ryo and Frankie are forced to live under the same roof. They can't st...
1.8M 53.7K 30
Rejecting Iya's confessions is Jacob's norm. After sharing three kisses that Jacob claimed as meaningless, will Iya finally give up--or will she keep...
13.4M 304K 62
The hidden daughter of the Parkers, Devi, longs for acceptance and happiness from her family. When her father sends her to the Devil's Hell Universit...