The Sunset's Cry (Nostalgia O...

By juanleoncito

2.9K 526 160

//Will be scheduled for MINOR revision// "Umiiyak ba ang araw kapag ito ay nakahalik sa dagat?" His promise i... More

PANIMULA
PAUNANG SALITA
PROLOGO
KABANATA I: Takipsilim
KABANATA II: Pag-alangan
KABANATA IV: Bungad
KABANATA V: Bisita
KABANATA VI: Galak
KABANATA VII: Napaisip
KABANATA VIII: Pagsang-ayon
KABANATA IX: Nahumaling
KABANATA X: Ramdam
KABANATA XI: Mapanukso
KABANATA XII: Pikit-mulat
KABANATA XIII: Naghahangad
KABANATA XIV: Pag-oobserba
KABANATA XV: Pinagmulan
KABANATA XVI: Tahanan
KABANATA XVII: Pagtuon ng Pansin
KABANATA XVIII: Hindi Makapaniwala
KABANATA XIX: Tensyon
KABANATA XX: Kasama
KABANATA XXI: Lungkot
KABANATA XXII: Balang Araw
KABANATA XXIII: Bagabag
KABANATA XXIV: Sumasagi
KABANATA XXV: Pagtanaw
KABANATA XXVI: Pag-amin
KABANATA XXVII: Pagkakataon
KABANATA XXVIII: Nagpapakasasa
KABANATA XXIX: Pagdating
KABANATA XXX: Trafalgar Square
KABANATA XXXI: Paggaan ng Loob
KABANATA XXXII: Asahan
KABANATA XXXIII: Tanong
KABANATA XXXIV: Masaya
KABANATA XXXV: Panaginip
KABANATA XXXVI: Sabi-Sabi
KABANATA XXXVII: Malamig na Luha
KABANATA XXXVIII: Katotohanan
KABANATA XXXIX: Makulimlim
KABANATA XL: Aligaga
KABANATA XLI: Pamamaalam
KABANATA XLII: Bumubuti
KABANATA XLIII: Bagong Umaga
KABANATA XLIV: Ngiti sa Labi
KABANATA XLV: Dapithapon
EPILOGO
AUTHOR'S NOTE

KABANATA III: Pag-alok

106 25 1
By juanleoncito

Rinig ang huni ng ibon at ingay ng magtataho sabay pagtingin sa orasan alas siyete. Agad na napabangon at ramdam pa rin ang sakit ng ulo kung kaya't nakatulog na pala kagabi rito sa upuang inuupuan ko.

Nalusaw na lamig ng alak at makalat na sala ang bumungad sa aking mga mata. Napahimas sa mukha sabay pag-ayos ng buhok at napatayo kung kaya't napasilip sa bintana na ang tanging tanaw ay ang liwanag ng araw.

Napahinga ng malalim at napailing, sinimulang ayusin ang mga kalat sa sala upang ito nama'y maging kaaya-aya. Napatingin muli sa papel na nakalapag sa mesa at napapikit pagkatapos ay ipinatong ito sa taas ng mga librong nakahilera sa kabinet. Nagmamadaling inayos ang mesa, kinuha pati na rin ang bote ng alak na pawang may laman pa kasabay ang mga upos ng sigarilyo upang walang bahid ang kalat.

Agad na tumungo sa kwarto, naghanap ng masusuot sa araw na ito. Kailangan ko ba talagang pumunta roon at kausapin ang mga naroroon? Napailing, napahinga ng malalim kumuha ng damit at inalapag ang mga ito sa kama.

Sinimulang hubarin ang damit pagkatapos ay ibinalot ang tuwalya sa baywang. Walang ganang kumain kung kaya't napag-isipang maligo na lamang. Pumasok sa banyo, binuksan ang paliguan, bitbit pa rin ang sakit ng ulo na natatamasa. Binasa ang buhok kasabay na rin ang pag-iisip ng malalim, tila bang napatigil, natulala habang dire-diretso pa rin ang pag-agos ng tubig.

Ilang minuto'y natapos nang maligo, binalot muli ang beywang ng tuwalya pagkatapos ay lumabas. Tila bang gumaan ang pakiramdam ko kasabay ang pagpapatuyo ko ng buhok. Nagbihis, nag-ayos ng sarili, suot-suot ang kulay puting polo't kulay asul na pantalon sabay suklay ng buhok at nagpabango.

Kinuha ang bag kung kaya't napagpasyahang umalis kasabay ang pagpaandar ng sasakyan upang ito'y ilabas sa garahe. Isinara ang gate at ngayo'y pumasok muli sa sasakyan, sinimulang humarurot sa daan at tuluyang lumisan.

Landas patungong opisina kung kaya't hindi natatanaw ang ganang magpakita sa kanila. Anong dahilan ng pagtawag nila sa akin kung kaya't hindi naman kinakabahan.

Ilang minuto'y lumipas, narating ang paroroonan, agad namang pumasok nang naipark na ang sasakyan. Tumungo sa elevator upang makarating sa opisina.

"Oh Lance, sakto. The production team is now in the meeting room. Hinihintay ka na nila." bigkas ni Rex nang nakita niya akong naglalakad patungong opisina.

Rex, Rex Vargas. Isa sa mga screenwriters ng Andromeda Films. Siya rin ang naging kasabayan ko rito sa script department kung kaya't si Jim naman ay nasa location department.

"Tss. Seryoso ba talaga 'yan bro? Bakit ba nila ako tinawag? Dahil ba 'don sa nangyari kahapon? You know what Rex, I was about to write a resignation letter at buo na ang loob kong mag-resign. Kailang---" sunod-sunod na paghabi ko ng salita kung kaya't hindi ko na natapos ito nang may isang boses na lumitaw sa harapan naming dalawa.

"Resignation Letter? Hmm. Think of it twice. Halika na, they are waiting for you in the meeting room." pagsulpot ng boses ni Mrs. Javier, isa sa mga production managers, at ito'y dumiretsong naglakad papasok ng kwarto.

"S-Sige na bro. Pumunta ka na roon. Good Luck." salita na lamang ni Rex kasabay amg pagtapik niya sa balikat ko't nagsimula naman akong maglakad patungo roon.

Naglalakad, tila bang nagdadalawang-isip. Hindi ko na alam. Ipinatuloy muli ang paglalakad hanggang sa narating ang pupuntahan. Tila bang blangko ang kanilang mga mata nang ako'y pumasok, ano bang iniisip nila? Tumango na lamang at huminga.

"Mr. Samaniego, dumating ka. Take a seat." pagbati naman ng isa sa mga producers habang ako nama'y umupo na.

"Let's get into the bush, ba't niyo ako pinatawag? By the way, this is my resig---" tuloy-tuloy kong pagbigkas kung kaya't naudlot ito nang agad na nagsalita ang isa sa mga producers.

"Take it easy, Mr. Samaniego. Anyways, what is that again? A resignation letter? Hmm, just keep it. Hindi 'yan 'yung dahilan kung bakit ka namin pinatawag." sagot naman ni Mr. Lacson, ang head of production ng kompanya.

"A-Ano?" pag-utal ko habang bigla naman akong napahinga ng malalim.

"Pinatawag ka namin because the company will be offering you a movie, you'll be the writer and of course you'll be the director. Isn't it good, right?" pagsagot namang muli ni Mr. Lacson na nagpakunot ng noo ko.

"You will offer me a movie at hindi lang writer, direktor pa? Akala ko ba you will fire me out dahil doon sa nangya---" pagsalita ko pang muli kung kaya't naudlot sa ikalawang pagkakataon nang nagsalitang muli si Mr. Lacson.

"Don't mind that okay? T-The company sees a potential in you. We all know that attitude is the primary asset in this field nonetheless it is forgivable and it is no big deal but in the second time, if that incident will happened again, the company may terminate you." paliwanag namang muli ni Mr. Lacson habang ako nama'y hindi pa rin naliliwanagan sapagkat napaayon na lamang doon.

"I bet you understand us. Let's jump immediately to the initial planning of the project. So, this movie could be a breakthrough. Napag-isipan ng board na ililinya natin ito sa Cine Filipinas Film Festival, it could be our entry to the film fest that's why we need to double the work kasi the deadline will be on August and now we're on February." bigkas ni Mr. Lacson habang ako'y hindi maiwasang magdalawang-isip sa proyektong ito.

"Ah, sandali. Hindi ba maikli 'yung panahon para gawin ang pelikulang 'to?" pagtatanong ko.

"That is why we need to double the work. You should be starting to work with it this night and take the point about mass favorites, kailangan nating sabayan 'yung galaw ng mga audiences natin whether they are adult or not." bigkas pang muli ni Mr. Lacson.

Tila bang sa pagkakataong iyon ay napahimas na lamang ng buhok at agad na nagsalita.

"What do you mean? A romantic movie? Tss---" pagtatanong ko sabay pag-ikot ng mata at napasandal na lamang sa upuan.

"Exactly! Point taken." sagot ni Mr. Lacson sabay pagngisi nito.

"Why Mr. Samaniego? Are you not fond of doing romantic movies? How about the movie of Director Art, I thought you were the head writer of that movie?" bigkas muli ni Mr. Lacson na nagpahinga sa'kin ng malalim. "What's the title of it again?" dagdag niya pa.

"To Our Nowhere." pagsagot ko na lamang upang matahimik na.

"Baka naman, you are still digging up the past kaya ang bitter mo pa sa mga romance, romance na 'yan. I know you, Mr. Samaniego. Don't just settle on that." pagbigkas ni Mrs. Javier na nagpahinto sa paggalaw ko.

"Yes Mr. Samaniego, the company trusts you, ilang taon ka na ring writer dito and this might be the boom that you wanted. Ano, is this a deal?" ani rin ni Mr. Lacson habang ang iba nama'y napatango rin.

Hindi ko maggawang magsalita kung kaya't napatango na lamang at napangiti ng bahagya kasabay din ang palakpak ng iba.

"You must present first the screenplay to us before the contract will do and after that will see for casting. Is that okay to you?" dagdag ni Mr. Lacson nang napatayo na ito sa kanyang kinauupuan.

"Y-Yes sir. T-Thank you for trusting me." pagsagot ko at napatayo kasabay ang pagkamay ko sa kanilang lahat.

"No worries, thank you also for accepting." pagsagot niya.

Hindi ko pa rin lubos maisip bakit parang ang bilis-bilis ng mga pangyayari kasabay ng paglabas ko ay bumungad sa akin ang salitang binitawan ni Rex.

"Congrats bro, I heard you'll be having a new project." pagbungad sa akin ni Rex kasabay ang pagtapik niya sa balikat ko.

"S-Salamat bro p-pero bakit parang ang bilis ng pangyayaring 'to kahapon pa ako naguguluhan eh." pagsagot ko naman sa kanya at napapikit na lamang.

"'Yan na naman tayo sa mga iniisip mo eh. Alam mo Lance dapat maging masaya ka. Biruin mo, you've given another project? Iilan nalang tayo sa industriyang ito na sunod-sunod ang mga proyekto, minsan nga ang iba, wala eh. Eh kasi naman napupunta doon, sa mga sikat na writers." pagbigkas muli ni Rex na nagpaisip lalo sa'kin ng malalim.

"Pero---" pag-angal ko sana ngunit hindi ito natuloy.

"Saka na 'yang mga pero, pero. Oh ano, what's the plan?" pagtatanong niya habang nagpatuloy muli sa paglalakad papasok ng opisina.

"They gave me a project na ililinya sa CFFF---" bigkas ko sabay pag-upo sa upuan at agad namang sumagot si Rex.

"What?! Lance, grab that chance. Malaking proyekto nga 'yan." pagkagulat ni Rex.

"Hindi lang writer, direktor pa." pagbigkas kong muli na mas ikinagulat pa ni Rex.

"What?! Congrats! Alam mo kung ako 'yung in-offer-an niyan, sus, hindi ako magdadalawang-isip. A-Ano pa bang pinoproblema mo? Pinag-aralan naman natin 'yang pag-didirek ah." paliwanag muli ni Rex.

"A-Alam ko. P-Pero---" pagsagot ko kung kaya't naudlot nang nagsalita agad ito.

"Bro, nababasa kita. Romance ba? Tss. Lance, hindi ka bata. Matagal mo na dapat kinalimutan 'yang mga issue mo sa buhay. Kailangan mong maging even sa trabaho mo." ani muli ni Rex kasabay ang pag-upo na rin nito sa upuang nasa harap ko.

Kasabay ang hindi maintindihang mga katanungan sa isip, bumukas ang pinto ng opisina kasabay ang pagpasok ni Jim.

"Oh anong balita?" salitang binitawan ni Jim nang ito'y pumasok sa opisina.

"Eto, nagdadalawang-isip daw. Romance daw kasi ang in-offer. Take note, hindi lang writer, direktor pa tapos potential entry pa para sa CFFF. Ewan ko ba, kausapin mo nga 'to Jim. Lalabas muna ako, kukuha lang ako ng kape." pagbigkas ni Rex sabay pagtayo nito sa kanyang kinauupuan at tuluyang lumabas ng opisina.

"Alam mo Lance, hindi kita maintindihan. Akala ko ba ito na 'yung hinihintay mo? Nagpapakapraning ka na naman diyan sa mga iniisip mo. Bro, kung iniisip mo na naman---" bigkas ni Jim sabay pag-upo niya sa upuan.

"Bro, it's not about that---"

"Oh hindi naman pala, siguro, stressed ka lang eh. Stop that drama bro, hindi 'yan makakatulong sa'yo." pangaral ni Jim na nagpatahimik sa akin.

Hindi ko talaga naiintidihan bakit parang hindi ako masaya? Siguro nga tama si Jim dahil lang 'to sa stress. Mas mabuti pang hihimayin na lamang ang pagkakataong binigay sa akin.

Ngayo'y narito sa bahay, sisimulan ang paghahabi ng mga linya. Matatapos ko pa kaya?

Nakaupo, sarili'y nakatuon lamang sa kompyuter, nagsusulat ng maaring takbo ng istorya. Kapeng nakalatag sa mesa sabay pagsuot ng salamin. Iniisip ng mariin ang magiging paksa ng istoryang gagawin. Hindi ko maiwasang matulala pawang hindi na sanay.

Tumatakbong oras, nagsisiunahang mga letrang tatagpi sa istorya. Sunod-sunod na mga imahinasyong nagpapadali sa aking katha.

Ilang araw ang lumipas, ilang gabing nakatunganga sa laptop na tanging gusto lamang marating ay ang katapusan ng inaasahang istorya. Ilang kapeng inubos, walang kain tanging paghilamos tila bang napatigil nang biglang may naalala.

"Walking down the street of Trafalgar Square. Brian still chose to go to London, maybe eventually he could achieve his dreams once more---"

Talatang nagpatigil sa paggalaw, hindi mahagilap ang ngiti sa mga mata kung kaya't luha ang natatanaw. Agad namang pinawi ito at napaisip kung bakit naisulat.

Kumuha na lamang ng yosi sabay pagsindi nito, walang ibang pwedeng libangan kung kaya't pinalaboy na lamang ang usok nito. Huminga na lamang ng malalim at ipinatuloy ang pagtatagpi ng storyang maaaring tungkol sa akin.

Continue Reading

You'll Also Like

1M 33.4K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
5.6K 337 51
Complete. [ Again series book 1 of 4 ] "β„Œπ”žπ”­π”­π”¦π”«π”’π”°π”° 𝔦𝔰 𝔩𝔦𝔨𝔒 π”ž π”‘π”¦π”žπ”ͺ𝔬𝔫𝔑--π”―π”žπ”―π”’ π”žπ”«π”‘ π”₯π”žπ”―π”‘ 𝔱𝔬 𝔣𝔦𝔫𝔑. 𝔅𝔲𝔱 𝔦𝔣 𝔢𝔬𝔲...
Barely Naked By Cher

General Fiction

1M 31.4K 16
Nautica Consunji is the youngest daughter of the business tycoon, Yto Jose Consunji. She is a part of an influential clan and because of this, all he...