Esqueza Series 1: Marrying Th...

By xMissYGrayx

467K 12.5K 2K

Alzera Maghinang thought she's in win-win situation marrying her boss' son, Zeus Esqueza. Ano pa nga ba hihil... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chaptet 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31

Chapter 17

11.3K 326 31
By xMissYGrayx




"Ito ba bagay sa akin?"

Lumabas na ako mula sa fitting room. Itinatali ko ang buhok ko habang pinapakita ang tube style, off shoulder knee length white dress kay Zeus. Actually, ilan minuto na ako nagsusukat ng damit para sa dinner with the Esqueza's mamaya. Hindi ko alam kung bakit ko pa kailangan mag-suot ng magarbong damit kung dinner lang naman ang pinunta namin dahil may mga maayos naman ako na damit sa bahay nila.

Zeus was busy scrolling on his phone as he lifted his head to look at me. Natigilan ito saglit. Kumunot ang noo ko dahil sa pag-iwas niya ng tingin.

"Looks okay," he answered. Ibinalik nito ang atensyon sa cellphone at nagdikwatro.

"Ang saya mo naman kasama sa ganito. Ugh, nakakailan okay kana. So, ano nga? Ito nalang? Pamilya mo 'yon, alam mo kung anong nababagay na damit na dapat suotin," nakangusong sabi ko.

Tumingin ako muli sa salamin upang tingnan ang itsura nito sa likod. It was a good dress. It was giving me the summer vibe. Hindi pa ata ako nakakasuot ng ganitong kaganda na damit sa buong buhay ko.

"Ma'am, bagay po sainyo," kumento ng sales lady sa gilid ko. She was holding all the dresses na nasukat ko. "Ayan ang pinakabagay sa lahat ng sinukat niyo," nakangiting sabi niya sa akin.

"Make it fast, Alzera," naiinip na suway ni Zeus.

Inirapan ko siya at pilit ngumiti sa sales lady. "Nako, naiirita na ang boss ko. Mukhang ito talaga pinaka bet ko rin sa lahat. Ito nalang kukunin ko."

"Sure, ma'am."

Sinundan ko ang sales lady papunta sa counter at inilabas na ang debit card ko kung saan naipon ang sweldo ko from the following sahod. Sinamaan ko muna ng tingin ang nakatalikod na si Zeus habang naglalaro ang daliri ko sa counter.

"Ma'am, that's a hundred and ten thousand pesos."

"Ano?! H-hundred?! Baka naman nagkamali ka ng scan, girl. Isa lang binili ko, pakiulit naman."

Gulat na gulat ako sa price ng damit na ito! Hindi naman mukhang mamahalin. I mean, mukhang mamahalin, sige na, pero hindi ko akalain na ganito kamahal! Maganda nga pero hindi pasok sa banga ang budget ko. Nai-stress ako bigla!

"Here, take this," sumingit si Zeus sa gilid ko at may inabot na card sa babae.

Hinawakan ko agad ang braso niya upang pigilan siya. "Seryoso kaba? Para sa isang damit? Gagastos ka ng ganyan kalaki? Hello? Are you okay?"

Nakasalubong ang magandang kilay nito. Tila ba mas lalong nababadtrip sa sinasabi ko.

"Take it, Miss, and don't mind her," naabot na nito ng tuluyan ang card na hawak at seryoso akong tiningnan.

"Ano?" hamon ko sakanya. "Bakit mo ako tinitingnan ng ganyan? May point naman ako, ah?!"

Zeus smiled at the counter and didn't bother to answer me. Inabot na saamin ang damit na katumbas ng halos apat na buwan kong sahod. Mabilis na naglakad si Zeus patungo sa sasakyan. Everyone were greeting him with the smile, tango lang ako ibinabalik niyang pagbati sa mga tao.

"Seryoso kaba talaga? Aanhin ko naman ba 'yan? Hindi kaba nanghihinayang sa pera?" kulit ko nanaman nang makapasok sa sasakyan.

I know he was rich. Pero hindi ko lubos akalain na kaya niyang gumastos ng ganitong kalaking halaga para lang saakin. Ako lang naman ito, masaya na ako sa mga galing U.K: ukay-ukay.

"Tapos ngayon, hindi ka sasagot. Gosh naman, mahal na prinsipe. Ngayon gabi ko lang naman gagamitin ito. Nakakapanghinayang tunay ang presyo!"

"It's all yours, Alzera. Isipin mo nalang na regalo ko 'yan sa'yo. I don't mind spending that much, I can earn it with a snap of my finger."

Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi dahil sa niyabang niya ako dahil alam ko naman malaki talaga kinikita ng kumpanya nila. Kundi dahil saakin na raw itong dress?! What?

"Uy, seryoso ba 'yan? Walang halong biro?"

"Do I look like I'm joking? Ano naman gagawin ko dyan? Susuotin ko?" mapaklang saad nito. "It's just a dress, Alzera. And not a big deal."

Ngumiti ako ng marahan dahil sa naglalaro sa isip ko. "Promise 'yan, ha? Ang puti-puti pa naman niyan dress. Hindi ko padudumihan 'yan ngayon gabi. Dahil ibebenta ko 'yan pagkatapos ko gamitin!"

"Fine," he said, tila pagod na makipagtalo saakin. "Whatever you want."

"Hindi mo naman sinabi agad," niyakap ko ang paper bag palapit saakin. "Magdadala nalang ako ng extra na damit para puwede ko agad itong hubarin. So that 'pag binenta ko ito bukas, mukhang bago ulit."

He shaked his head. Hindi ko mabasa ang mukha niya dahil sa salamin na nakatakip sa mata niya but I think I made him smile a little.

Oh, Zeus Esqueza, ha? Baka ma-fall ka, kuyey. Isip-isip ko habang pinag-iisipan kung kanino ko ito ibebenta bukas. I'm excited! Kaya pala nangangati ang kamay ko no'ng nakaraan araw dahil magkakapera ako agad. Ha!

🖤 🖤 🖤

Nagkagulatan kami pareho nang pagkalabas ko ng kwarto sakto naman ang paglabas din ni Zeus. Pakshet. Napakagat-labi ako. He looked so fucking handsome wearing a tuxedo. Kahit na araw-araw ko siyang nakikita nakasuot ng ganito, this one was different. Nakakalaglag panty ang itsura niya ngayon. His hair was in place like the usual. Mas umaangot tuloy ang ka-gwapuhan niya ngayon.

"You look cute."

Cute? Seryoso ba ako sa sinabi ko? Cute?! I don't mean it! Sino ba naman babae ang magsasabi na cute lang ang itsura ngayon ni Zeus Esqueza? He looked like a fucking model that was brought to my life. Pero syempre, ayoko naman i-feed ang ego niya baka isipin niya masyado akong naglalaway sakanya. Never!

"You look lovely."

I blushed. Napahawak ako sa white feather earing ko. Bigla akong nahiya sa sinabi niya. "Hindi ah! Sakto lang naman..."

"I don't say this alot. But tonight, you really are."

"Uy, ano kaba! T-thank you..." bulong ko habang nakayuko. "Tara na kaya?" nahihiyang yaya ko sakanya.

Humakbang siya papalapit saakin na ikinagulat ko. I took a step back right away. "W-why, Zeus? May problema ba? Bakit bigla kang lumalapit ng ganyan?"

Nagpakawala ito ng mahinang tawa at inilapit ang braso niya saakin. "You might fall off. Ayokong mahulog ka."

Inirapan ko siya at humawak sa matipuno niyang braso. "Kasi 'pag nahulog ako, ako lang din masasaktan?"

Naglalakad na kami pareho nang tumawa muli si Zeus. H'wag ka nga tatawa-tawa, mamaya mahulog ako ng tuluyan.

"Kapag walang sumalo sa'yo, perhaps, you will get hurt."

"Maghahanap lang pala ng sasalo, eh..."

We reached the final step. Nang lingunin niya ako. "Huh? You saying something?"

Nagpatuloy kami sa paglalakad papunta sa labas habang nagpapakiramdaman. "No, I'm just saying thank you for today. Nakakadami kana ng ginagawa para saakin. Masyado na ako naninibago kasi. Parang nung isang araw lang, hate na hate mo ako. But now..."

"Because we have a deal," he reminded me. "And I appreciate what you can do for me. Marunong ako tumanaw ng utang na loob, Alzera."

Ngitian ko siya ng kay tamis-tamis nang buksan niya ang pinto ng nakaparadang sasakyan. I didn't bother to answer him anymore. It was a mixed emotion hearing that deal and what he could do for me to keep it. Para sa lovelife ni Zeus Esqueza! Magpapakatanga muna tayo! Kahit ako na ang magmumukhang tanga sa huli.

But what if, I win this one? Ako ang piliin niya? Then we get to live our happily ever after? Kahit na sa mga libro at palabas lang iyon nangyayari. I'm not giving up for now. Minsan lang ako makaranas ng lovelife na mala-fairytale, I would rather enjoy the process than stress myself out.

Hindi ko tuloy namalayan na nakarating na kami sa location nang dinner night nila. We were welcome by the hotel staff. Agad naman binigay ni Zeus ang susi rito nang makalabas kami.

Once again, he offered his arm to me. Kinapit ko naman ang kamay ko roon. I was nervous and excited to meet the rest of their clan dahil lagi silang mga busy, ngayon ko lang ata sila makikita ng kumpleto.

We were escorted which way to go. Nang makarating kami sa function room. Mas lalong nanginig ang kalamnam ko dahil nakita ko si Mr. and Mrs. Esqueza welcoming their guests.

"I-I thought, dinner niyo lang magpapamilya? Bakit ang daming tao? Madami kabang kapatid sa labas at hindi ako na-inform?"

Zeus chuckled beside me. "Doesn't matter. Just smile and nod, Alzera. Smile and nod until we make them believe we are now okay."

"Tse. Hindi naman 'yan ang gusto kong sagot, Zeus Esqueza. Alam ko kung ano posisyon ko sa buhay mo. Pero huwag mo naman masyadong pamukha, medyo masakit na sa pride, ha?"

"Alzera!" tawag ni Ma'am Iris saakin at tumakbo palapit sa kinatatayuan namin habang hila-hila ang kamay ng kanyang asawa ni si Sir. Zach.

"H-hello po, Ma'am, S-sir, welcome back po sainyo. Sana nag-enjoy kayo sa bakasyon niyo. Ang dami niyo po palang kamag-anak, noh?"

Tumawa si Ma'am Iris. "Well, everyone's welcome naman to this party." Lumapit ito kay Zeus at kinurot ang pisngi. "Kumusta naman ang napakagwapo kong anak? Did you enjoy your time while we're gone?"

Ma'am Iris gave Zeus a kissed on his cheeck. Paranf namula tuloy ang pisngi ni Zeus. "Ma, naman... Not here."

"Oh, not here!" natatawang sabi nito. "Baby kita forever and you know that," she told him. Yumakap si Ma'am Iris dito at tinapunan ang tingin si Sir. Zach sa harap namin.

"Aren't you giving him a tight hug, love?" biro nito kay Sir. Zach.

Mas lalo akong kinabahan sa tingin na binigay saakin ni Sir. Zach. He was really intimidating na tanging ang asawa lang ang nagpapaamo sa seryoso nitong mukha. When he looked at Ma'am Iris again, he was smirking.

"Congratulations, son."

Bumitaw na ako kay Zeus nang yumakap din si Sir. Zach dito at ginulo ang buhok ng anak. Walang nagawa si Zeus kundi hayaan ang ama.

"Congratulations to what, dad?" nagtatakang tanong ni Zeus dito.

"About your engagement." Humalakhak si Ma'am Iris sa tabi nito. "We will make you two official tonight and that's why you guys are here."

_______

Continue Reading

You'll Also Like

11.6M 473K 65
(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw si...
175K 10.7K 29
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
37.7K 587 57
Ayara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the p...
12.2M 536K 57
(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt of becoming one... But from a young age...