SWIPE HELP GONE WRONG - COMPL...

By WeirdyGurl

186K 10.1K 7.1K

Naniniwala si Emari Scroll Catapang na ang true love ay makikita lamang niya sa mga AFAM. Kaya swipe right si... More

Teaser
START
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Adorable End
DIRECTOR'S CUT EP1
DIRECTOR'S CUT EP 2
DIRECTOR'S CUT EP 3
DIRECTOR'S CUT EP 4
DIRECTOR'S CUT EP 5
DIRECTOR'S CUT EP 6
DIRECTOR'S CUT EP 7

Chapter 3

5.1K 269 129
By WeirdyGurl

"SCROLL -" natigilan si Alt nang makita ang natutulog na si Scroll sa tabi niya. Nasa basement parking lot na sila ng condominium building kung saan ito nakatira. He sighed and scratch his forehead. Ano pa bang magagawa niya? "Nagpaka-hero ka Alt kaya sige na, tapusin mo na lang."

Lumabas siya ng kotse at binuksan ang pinto sa gawi ni Scroll. Hinubad niya ang sling bag na nakasukbit sa katawan nito at ikinuwentas 'yon sa leeg pagkatapos ma-i-check na nandoon nga ang susi ng unit nito. Kinarga niya ito sa likod para lang mapangiwi. Ang bigat ng babaeng 'to! Damn it!

Iniyakap niya ang mga braso nito sa leeg niya and carried her securely on his back. Sumakay sila sa basement elevator at pinindot ang floor level kung saan ang unit nito. Nasa ground floor pa lang sila nang bumukas ang elevator at pumasok ang isang matandang babae na iba kung makatingin sa kanila. Hindi niya lang alam kung bakit gising pa ang matanda sa ganoong oras. It was already past 1 am on his watch.

Hindi lang sana siya mag-ri-react but the old woman was sort of giving him the skeptical look. Isama pang hindi nagawang takpan ang legs ni Scroll na ngayon ay hawak niya. In his mind, iniisip siguro nito na kinidnap niya si Scroll at gagawan ng masama. If he could defend himself without being too defensive, sasabihin niyang, mas gagawan pa siya ng masama ni Scroll.

Mariin niyang naipikit ang mga mata. Gumalaw naman si Scroll mula sa likod niya. Humigpit ang yakap nito sa leeg niya. He almost choke out kung hindi lang niya marahas na inalis ang mga kamay nito. Umungol ito pagkatapos.

"Walangya ka talaga..." she murmured. "Ayoko na... a-ayoko na... sa'yo."

At the corner of his eyes, he saw the old woman's grim expression. Binuksan nito ang itim na handbag nito at pasimpleng kinuha ang cell phone nito.

"Sinabi ko nang huwag maglasing, pero 'di ka pa rin nakinig," aniya, in an annoyed, low tone voice, enough for the old woman to hear. Natigilan din ang matanda. He continued, "sa susunod hindi na talaga kita papayagang sumama sa mga kaibigan mo. Kung ano-ano lang ginagawa n'yo. Hindi mo na naaalagaan ang mga anak natin."

Tumunog ang bell at bumukas ang pinto ng elevator. 'Yon na ang palapag ng unit ni Scroll. Finally! Lumabas siya ng elevator at dire-diretsong hinanap ang unit number nito. Kinuha niya ang susi sa bag at ipinasok 'yon sa keyhole. He has no idea what her pass code is.

Binati sila ng kadiliman pagpasok nila. Kinapa niya ang switch ng ilaw sa pader. Kumunot ang noo niya nang bumungad sa kanya ang magulong sala nito nang buksan niya ang ilaw.

What a mess!

Madaming nakakalat na damit at sapatos sa sofa at sahig. The kitchen is just adjacent to the living room at nakikita niya ang hindi pa nahuhugasang pinggan at mga baso. Sumasakit talaga ang ulo niya sa maduduming paligid.

"Alam mo sa tingin ko Scroll, hindi ka pa handang mag-asawa. Ako ang naawa sa asawa mo."

Inayos niya ang pagkakakarga niya rito at tinungo ang isa sa dalawang pinto na nandoon. Sa hula niya ay 'yon ang silid nito, base na rin sa nakalagay sa pinto nitong malaking pangalan nito.

Maingat na inihiga niya ito sa kama nito at kinumutan. Naupo siya sa gilid ng kama, agad niyang napansin ang family picture nito sa itaas ng bedside table. Inabot niya 'yon at tinignan.

"Kamukha mo pala ang Mama mo," aniya, sabay tingin dito. May dalawa pa itong kapatid. Isang lalaki at isang babae na mas bata rito. Lahat ay may malaking ngiti. He couldn't help his smile. "A happy family," komento niya.

Ibinalik niya ang picture frame sa miseta. Tumayo at iniwang nakabukas ang lampshade saka niya pinatay ang ilaw ng silid nito.

Bukas na niya ito sesermonan.



"WAS this the reason why Scroll called me last night?" Ipinakita ni Crosoft sa kanya ang isang video. Nanlaki ang mga mata niya nang mapansing 'yon ang eksena kagabi sa bar. "It's all over in the internet now."

"How did -"

"Asawa?"

"Long story," buntonghininga niya. Magulo pa ang isip niya. He didn't have enough sleep. Sanay naman siya sa puyutan pero umuga na siyang umalis sa unit ni Scroll. Umuwi lang siya para maligo at magpalit ng damit.

"So I was right after all? Masama ang Lewis na 'yon?"

He nodded. "Kung hindi ako dumating nang maaga baka kung ano nang nangyari kay Scroll. Baka nga lumulutang na ang bangkay nun sa estero."

"Ayaw kasi makinig sa'kin. Sesermonan ko talaga ang babaeng 'yon. Na saan na 'yong Lewis na 'yan?"

"I'm not sure. Balak ko sanang ipa-pulis 'yon."

"I'll call Peter. Pinsan ng kapatid ko. He has connections. Ipapa-persona-non-grata natin ang kanong 'yon at nang hindi na makatapak ng Pilipinas."

"Ask Scroll to coordinate with you about that."

"I also need your cooperation dahil witnessed ka sa pambabastos ng kano na 'yon kay Scroll."

"Wala namang problema sa'kin."

"What about the scandal video?"

"I'm not a celebrity like you, Crosoft. It will die down eventually. I'll hire someone to delete all the videos on the internet."

"Something is telling me it doesn't end there."

"What do you mean by that?" Ipinakita ni Crosoft sa kanya ang ilang mga online articles patungkol sa kanya at kay Scroll. "You see, Alt. Just because you work off cam doesn't mean you're not a public figure. Scroll is a famous fashion vlogger and you're a film director. Ano sa tingin mo ang magiging epekto nito sa career ni Scroll?"

Napa-isip siya.

"Kahit saang anggulo tignan, kawawa si Scroll. Mababansagan siyang malandi. Una, dahil pinalabas mong may kabit siya at asawa ka niya. Pangalawa, pwede mong itama, pero iisipin ng tao na gold digger siya."

"I screwed up, didn't I?"

"Out of all scenarios na pwede mong i-drama, Alt. Bakit 'yon pa?!"

Naalala niya ang huling nobela na nabasa niya. Ang sinabi niya kagabi ay mga linyang natandaan niya mula sa libro. He was so furious and annoyed with Scroll. When he saw Lewis, nalipat ang galit niya rito. He did no longer mind the people around them. O ang mga salitang nasabi niya.

"I-I don't know..."

Bumuntonghininga si Crosoft. "Mag-iisip ako ng paraan para malusutan n'yo 'to. Tang na juice, Alt! Nanggigil din ako sa'yo e. Matalino ka naman, pero ang tanga mo sa part na 'to."

"I'll call Scroll."

"No, ako muna tatawag. Sigurado akong hindi pa 'yon nagbubukas ng social media account niya."



BUMUNGAD kay Scroll ang malinis na sala. Pati ang kusina niya ay malinis din. Kinusot niya ang mga mata. Nanununo ba siya? Nag-hire ng ghost muchacha? Paanong luminis ang bahay niya?

"Alt?" usal niya.

Wala siyang ibang maisip na gagawa nun. Sa natatandaan niya, umalis siya ng unit niya na magulo ang bahay niya.

Napakamot siya sa noo. "Anong trip ng 'sang 'yon?" Umupo siya sa sofa at binalikan ang tinitignan na mga post sa social media accounts niya. "Alt Flores is secretly married to the famous fashion vlogger," basa niya sa headline ng isang showbiz news online link na kumakalat sa news feed niya. "Alt Flores cheated by his secret wife." Nanlaki ang mga mata niya. Fudge! "Emari Scroll, unfaithful wife to Alt Flores." Halos lahat ng social media sites ay naka post ang video nilang 'yon ni Alt. Everyone concluded that she cheated. "Tang na juice! Sino kayo para husgahan ako?"

Thankful siya sa pagtulong ni Alt sa kanya pero hindi niya alam kung matutuwa siya o sasabunutan niya ang lalaking 'yon. Sa ginawa nito, mas lumala ang sitwasyon nila. Kapag umabot 'to sa mga magulang niya. Naku! Pauuwiin talaga siya nito ng Cebu para mag-explain.

Kasalanan mo rin talaga 'to Scroll. Kung 'di ka ba naman tanga! Nagpauto ka pa roon sa Lewis na 'yon. Pasalamat ka't sinagip ka pa ni Alt.

Isang headline ang nakaagaw sa pansin niya. It was an article discreetly written for Alt kahit na hindi nakalagay ang pangalan nito. She didn't like the headline.

The who ang isang sikat na director na hindi na naman pinili, pinalitan pa ng isang foreigner.

"Tang na juice!" dinuro niya ang screen ng cell phone. "Ampocha! Napaka-judgmental ng mga walangya. Kumpara naman sa inyo, may puso naman si Alt. Mas may pakinabang naman siya sa entertainment industry at sa arts. Puro kayo chismis!"

Nanggigil siya sa mga bash. Na-e-stress ang mga kuko niya sa paa. Oo, imbyerna siya kay Alt but after what he did for her last night, kahit ano pa hilingin nito sa kanya, ibibigay niya. Kahit rebulto pa sa tabi ni Dr. Jose Rizal.

Marahas na itinabi niya ang cell phone nang tumunog ang door bell sa labas ng pinto. Tumayo siya para tignan kung sino ang nasa labas. Kaso nang silipin niya mula sa peephole kung sino 'yon ay walang tao pero may iniwang gift box sa ibaba.

Binuksan niya ang pinto at iginala ang tingin sa paligid. Walang tao. Sinong nag-iwan ng gift box na 'yon para sa kanya? Yumuko siya at kinuha ang box. Dinala niya 'yon sa loob at isinarado ang pinto sa likod.

"Hindi ko naman birthday, bakit may pa regalo?" tanong niya sa sarili habang tinatanggal ang red ribbon ng box.

Pagbukas niya ay bumungad sa kanya ang isang duguang manika. Impit siyang napasigaw at nabitiwan ang box. She felt her body shivered in fear at the mere sight of the terrifying doll. Her eyeballs are out from its socket. Sira-sira rin ang dress nito. She's scared of dolls. Lalo na 'yong mga vintage type of dolls na karaniwang ginagamit sa mga horror movies.

May trauma siya sa mga 'yon simula noong bata siya.

Hindi niya mapigilan ang panginginig ng mga kamay niya. Ramdam niya ang malakas na kabog ng puso niya. Sino ang magpapadala sa kanya nang ganoong bagay? Hindi siya natutuwa.

Naihiling niyang sana, dumating na si Alt.



"WHAT HAPPENED?" bumungad sa kanya ang nag-aalalang mukha ni Alt nang pagbuksan niya ito ng pinto. He rushed in her condominium as soon as she called him. Natatakot na talaga siya. Feeling niya, hindi siya safe. Parang may mga matang nakatingin sa kanya.

"Hindi ko alam," sagot niya. Pinapasok niya ito sa loob. "May nag-doorbell kanina tapos iniwan lang 'yong gift box. Pagbukas ko may duguang vintage doll. Her eyeballs are out and her dress was damaged. I got scared kaya tinungo ko ang security. Pero may mga balloons na tumakip sa mga cctv cameras sa hallway ng palapag namin kaya 'di rin namin sigurado kung sino nga. They're still checking the elevator cameras."

"Alam na ba 'to ni Crosoft?"

"I haven't told him. Ayokong maipit siya sa gulo ko. Wala akong ibang matawagan kundi ikaw lang. I'm sorry kung nadadamay ka na sa mga gulo ko."

"Calm down," iniwan siya nito at dumiretso sa kusina. Pagbalik nito ay may dala na itong baso ng tubig. "Here, drink this first." Inabot nito ang baso sa kanya.

"Thank you." Naupo siya sa sofa at uminimon ng tubig. "I have a feeling that Lewis is behind this. Maliban kay Crosoft at sa pamilya ko, sila lang ang may alam sa fear of dolls ko. Imposible namang i-prank ako ni Crosoft. He wouldn't do that."

Naupo ito sa tabi niya. "Nabanggit sa'kin ni Crosoft na may pinsan daw si Hanzel na maaring makatulong sa atin. We'll meet him. Baka nga, masamang tao talaga ang Lewis na 'yon."

Humigpit ang hawak niya sa baso. "I really think I screwed everything this time." Napabuntonghininga siya. "I dragged you in this mess na dapat ako ang umaayos." Malungkot na tinignan niya si Alt sa mga mata. She really feel sorry for Alt. "I'm sorry."

"You never say sorry to me before," may sumilip na ngiti sa labi nito.

And it was the very first time, she saw a little smile on his face for her. "Well, na realize ko lang na baka, naka-karma na ako. And here you are, kahit na napaka-busy mong tao, tinutulungan mo pa rin ako."

"Why does it sounded like, you just need me to redeem yourself from your sins?"

Natawa siya. "Loko ka! Hindi ah. Seryoso ako. I need you, Alt."

"That's the very first time I heard someone they needed me in their lives."

Kumunot ang noo niya rito. "Bakit ba feeling ko may hugot 'yon?"

"You're thinking too much, Scroll." Tumayo ito at dumiretso sa kusina. "I'm hungry, ano bang makakain dito?" May napapansin siya sa lalaking 'to. Kung makagalaw sa bahay niya, akala mo may-ari.

"Ikaw ba naglinis sa bahay ko?"

"You're welcome."

Natawa siya. "Hoy! Ba't mo ginawa 'yon?"

"Sumasakit ulo ko sa pagkaburara mo. Kababae mong tao, 'di ka marunong maglinis. Kapag nagka-boyfriend ka na, sasabihin ko talaga sa kanyang magdalawang-isip muna siyang pakasalan ka. You're hopeless, Scroll."

"Ano, itatapon mo na naman ako sa basurahan?"

Nilingon siya nito mula sa balikat. "Saan mo ba gusto? Sa non-biodegradable or sa biodegradable?"

Napaamang siya. "Wow, ha?!"

"Come here, I'll teach you how to cook."

"I know how to cook."

"What? Instant noodles?"

"Excuse me, Alt Flores, pero sa bahay namin, ako ang chef."

"Prove it."

She didn't know why, but she felt a little better now that Alt is around. Nawala ang takot sa puso niya at napalitan ng security. Just because Alt looks strict and passive all the time, it doesn't really mean, he's insensitive. In fact, he was actually kind and caring.

Continue Reading

You'll Also Like

2.2K 1.6K 39
STARTED: March 16, 2023 COMPLETED: July 10, 2023 (Will self-publish soon) *** Bata pa lamang si Vent, marami na ang humahanga sa kanyang kahusayan sa...
4.5K 214 25
Mara Afable finds it tough to entertain new people in her life after realizing she only has few months to live. *** Mara Afable has been fighting the...
5.9K 1.4K 30
Former Title: Hidden Love (COMPLETED, EDITED, REVAMPED) (SOON TO BE AVAILABLE ON GOODNOVEL!) Ako si Miranda Geneva Flores. Nag-iisang anak ng sikat n...
39.4K 1.2K 51
BOOK 1 Savannah Ysabel is a happy go lucky girl, but a hopeless romantic. She always break the rules and loves to explore. And there is Skyler Yohann...