From A Distance

By hunnydew

1.3M 24.2K 12K

From the moment his eyes laid upon her, she has started running in his mind. Curiosity must have killed the... More

Prologue: Laging Nakatanaw
1. Taga-hanga
2. Basketball
3. Idol
4. Kamangha-mangha
5. Crush
6. Yakap
7. Lakad-Takbo
8. Mabuting Kaibigan
9. Libreng Pakain
10. Kulog at Kidlat
11. Ulan at Luha
12. Selos
13. Ligaw
14. Inis
15. Tuliro
16. Punong Abala
17. Kaguluhan
18. Napagtanto
19. Pagtatapos
20. Bakasyon
21. Kaibigan o Kaaway?
22. Karibal
23. Asaran
24. Pagbabago
25. Pakikipag-Usap
26. Makita kang Muli
BONUS: Pelaez Brothers' Bonding Time (PBBT)
27. Maligayang Kaarawan
28. Ngiti
29. Parada
30. Husay
31. Emergency!
32. 'Di Kapani-Paniwala
33. Louie Antoinette Kwok
34. Unang Hakbang
35. Ayos
36. Hamon
37. Habilin
38. Paglabas
39. Susubukin
40. Pagsasanay
41. Pasado kaya?
42. Pamilyang Pelaez
43. Usapang Ligawan
44. PPP: Panliligaw sa Paraan ng Pelaez
45. Tama Na
46. Pangamba
47. Tulungan
48. Nakakailang
BONUS: PELAEZ BROTHERS AGAIN (PBA)
49. Hayaan Muna
50. Ang Plano
51. Sanayan Lang
52. Pag-aalala
53. Puyatan
54. Gulatan
55. Sorpresa
56. Regalo
58. Pagtitipon
59. Unang Pag-Ibig
60. Pagkakataon
61. Road Trip
62. Kakaibang Saya
63. Pinagkakaabalahan
64. Mga Alinlangan
65. Pamamaalam
66. Stalker
67. Sapio Girl
68. Paghihintay
69. 'Di Inaasahan
70. Pakikiramay
71. Biglaan
72. Pelaez Brothers Emergency Meeting
73. Panunùyo
74. Hudyat
75. Talento
76. Kasa-Kasama

57. Pag-aalinlangan

7.4K 323 176
By hunnydew

"'Toy, wala kang pasok?" takang tanong ni Chino nang umuwi itong may dalang paperbags at inabutan si Mason na nasa bahay pa rin ng ala una ng hapon.

"Wala po," tipid niyang tugon habang tinatalian si Lark ng walking leash. Ilang araw nang inaabangan ni Mase si Elay sa paaralan at araw-araw na rin niyang dala ang regalo upang ibalik iyon, subalit ni minsan ay hindi niya nakita ang dalaga. Ngayong Huwebes ay umaasa sana siyang makita ito sa klase subalit kinansela naman iyon ng kanilang propesor.

Magkagayon ma'y nagpasya pa rin siyang pumunta sa campus kahit wala siyang klase. Nagbabaka-sakaling sa pagkakataong iyon ay makita na niya si Elay at maisauli ang regalo nito. Gagamitin na lamang niya ang pagkakataon upang maipasyal din si Lark sa palibot ng acad oval.

"Nga pala, baka hindi ako makauwi sa Sabado ha. May date kami ni Ate Llana mo,” masayang saad nito at mababanaag sa anyo nito ang pagkasabik sa paglabas kasama ng kasintahan. “Uuwi ka ba sa bahay?”

Bahagyang natigilan si Mason. Sa pagkakaalala niya, sasamahan niya si Louie sa business launch sa darating din na Sabado. Subalit wala pang sinasabi ang dalaga kung matutuloy nga ba iyon o hindi. “Hindi ko pa po alam.”

“Ah okay. May nag-aya raw kay Prinsesa sa isang formal event sabi nina Chad at Mac. Mukhang magga-gown ulit. Kung uuwi ka, paki-picture-an sana nang makita ko rin,” natatawang paalala nito.

Ikinagulat naman iyon ni Mason. Batid kasi niyang mahigpit ang dalawang sinundang kuya sa bunso at hindi basta-bastang papayag na sumama sa kung sino-sino lamang. Si Sebastian kaya ang nag-aya? Si Hiro? O si Nile? “Buti pumayag sila? Sino ba ang kasama niya?”

“Ewan ko ba. Henry Wang daw. Atenista tsaka pinsan nung friend daw niya sa UST. Sira ulo kasi yung kambal-tukong Mac at Chuck. Masyadong na-excite na makitang naka-dress ulit si Charlotte, kasehodang ‘di pa kilala ang kasama,” iiling-iling na saad nito. “Kung wala kang gagawin, papabantayan ko sana sa’yo.”

“Ah, meron po eh,” agad na pakli ni Mase.

“Ano ba ang gagawin mo?” nagdududang balik-tanong ng kuya.

Group… project po,” palusot niya at seryosong itinuon ang atensiyon sa paglalagay ng inumin ni Lark sa bag. Huli na nang mapagtanto niyang nagamit na niya ang palusot na iyon noon. Pasimple niyang tinignan ang nakatatandang kapatid na hindi na umimik...

At nakitang dahan-dahan nitong inilalabas ang ilang bago at pormal na damit mula sa paperbag. “May pabango ka ba? Pahiram naman ako sa Sabado,” tanong nito maya-maya.

Naalala ni Mason ang regalo ng kababatang si Chan-Chan. “Nasa bahay po.”

“Ha? Bakit nasa bahay? Hindi mo pa ba nagamit kahit minsan?” paninigurado ng kuya kaya tumango naman siya. “Ang pabango, ginagamit. Hindi dini-display. Bakit ka pa bumili kung hindi mo naman pala gagamitin?”

“Binigay lang po.”

“Binigay pa pala,” iiling-iling nitong kumento. “‘Toy, people give you stuff because they’re expecting you to use what they gave you. Hindi naman kailangang madalas na gamitin. Subukan mo lang kahit minsan. Para kapag tinanong kung nagustuhan mo yung regalo, alam mo kung ano’ng sasabihin. It’s a little offensive kapag nalaman nung taong ‘di mo pinansin ‘yung binigay nila.”

Natahimik naman si Mason sa tinurang iyon ng kuya. Mas naunawaan na niya ngayon kung bakit may tampo si Hayley sa kanya at ang muntik na pagtatampo ni Louie nang hindi niya mahawakan si Lark noon. Tiyak na magagalit din si Elay sakaling ibalik nga niya ang iPhone5. Gayumpaman, nagtatalo pa rin ang dalawang parte ng kanyang isipan. Bukod sa hindi sila pinalaki sa luho ng kanilang mga magulang, mas lalong hindi siya sanay na nakakatanggap ng mamahaling bagay na hindi naman niya laging magagamit.

Hanggang sa makarating si Mason sa campus ay dala niya ang agam-agam kung ibabalik nga ba o hindi ang cellphone na natanggap. Ayon din kasi sa mga magulang, huwag dapat tanggihan ang biyaya kaya mas lalo pa siyang nagdalawang-isip sa kung ano ba ang dapat niyang gawin.

"Oh! How cute!"

Napukaw ang diwa ni Mason sa pag-iisip habang naglalakad nang marinig ang sabay-sabay na boses ng mga kababaihang tila nanggigigil at agad na nilapitan si Lark na nauunang naglalakad.

"What's his name?"

Hindi na rin niya nagawang sumagot nang mapagtantong si Elay ang nanatiling nakatayo sa harap niya habang ang mga kasamahan nito ay pinagkakaguluhan si Lark. "Hayley."

"Hindi kita bati," pakli nito at inirapan pa siya. "Guys, let's go."

Laking pasasalamat na lamang ni Mase dahil abala ang tatlong babae sa pakikipaglaro kay Lark. Kaya sinamantala na niya ang pagkakataon upang masinsinang kausapin ang dalaga. "Salamat pala sa regalo."

Saglit naman itong natigilan bago tumitig sa kanya. "Hindi ka pa rin nagtext."

"Hindi ko alam gamitin," pag-amin ni Mason. Alam kasi niyang iba ang sukat ng sim card para sa iPhone kumpara sa normal na cellphone. Malimit kasi niyang marinig iyon sa mga usapan ng kanyang mga kuya.

Nagulat na lamang siya nang bigla siyang kaladkarin ng dalaga sa pinakamalapit na tindahan. “Dala mo?”

“Ha?” naguguluhang tanong niya rito habang nagpapatianod dito. Nilingon pa niya ang alaga na mukhang tuwang-tuwa pa rin sa mga kasama ni Elay. "Teka—"

“Hindi mo alam gamitin, diba? Turuan kita,” mungkahi nito at nang mapansing hindi sa kanya nakatingin si Mase ay napalatak ito. "They'll take good care of it. Friends ko sila." Binalingan naman nito ang mamang nagtitinda. "Kuya, may..." minuwestra nito gamit ang daliri ang hugis ng cutter at dali-dali naman iyong ipinahiram sa kanya.

Nang humarap sa kanya ang dalaga at inilahad ang palad, may pag-aatubiling kinuha ni Mason ang kahon ng cellphone at iniabot iyon dito. "Alam mo? How to copy contacts to sim?"

Kahit hindi, tumango na lamang si Mason. Dahil kakaunti lamang ang tinatawagan at tinetext niya, madali lamang niyang naisaulo ang lahat ng mga numerong naka-save doon. Hinayaan na rin niyang gawin ng dalaga ang nais nito.

Inutusan pa nitong tanggalin mula sa lumang telepono ni Mason ang ginagamit na sim card na ginawa naman niya. Mataman at tahimik niyang pinagmasdan si Elay nang kunin na rin nito mula sa bag ang sariling telepono upang makuha ang sariling sim card. Ginawa iyong panukat ng dalaga habang unti-unting hinihiwa ang sim card ni Mason at magkasya iyon sa iPhone.

Pagkalipas ng ilang sandali, natapos din ang metikulosong pagsusukat at isinindi ang bagong telepono.

"Here." Ibinalik nito ang gumagana nang iPhone sa kanya. "Subok mo. Madali lang."

"Elay, may phone pa ako," pilit ni Mase sa pagsusumamong kunin na lamang ulit ng dalaga iyon.

"Alam ko. Pero cheap. It doesn't have a camera or a music player. But with the iPhone...you can do a lot," pagbibida ni Elay. Dedepensa pa sanang muli si Mase subalit marami pang sinabi ang dalaga. "You can sync your emails, browse websites. Tapos diba you fancy this girl that I always bump into? How can you take photos of her? Or of your cute dog! Or your happy family! Turuan din kita."

Hindi na napigilan ni Mason ang dalaga nang magsimula itong kunan siya ng larawan gamit ang telepono. Hindi pa ito nakuntento, umabriste pa ito sa kanya at ginamit ang front camera habang ipinapakita sa kanya ang wastong paggamit niyon. Sa loob lamang ng ilang minuto, ilang litrato na ang naka-save sa iPhone.

Sa huli, umiling na rin siya bilang pagsuko. "Tatanggapin ko pero sa isang kundisyon."

Habang pabalik sila sa kung saan naiwan si Lark at ang mga kaibigan ni Elay, malawak ang ngiting ibinigay ng dalaga na nagdulot ng pagkawala ng singkit nitong mga mata. Tila ba kampante na itong nagwagi.

"Hindi mo na ako bibigyan ng kahit anong regalo sa mga susunod na taon," nakangising saad ni Mase.

At siya namang pagbagsak ng balikat ni Hayley. "Hindi na ako invited?" singhap nito.

"Sabi ko, hindi mo ako pwedeng regaluhan ng kahit ano. Wala akong sinabing hindi ka invited," natatawang pagtatama nya rito.

Lumabi naman ang kausap. "KJ mo," irap nito bago iniba ang usapan. "By the way, are you going to do something this Saturday? I need a plus one."

Nagtaka man dahil tila ba napakaraming may lakad sa darating na Sabado ay tumango si Mason. "Meron eh."

"Aw, okay. Tanong ko na lang si Chad," magaang ngumiti ito na tila balewala ang pagtanggi niya. Ibinaling ni Elay ang tingin sa mga kaibigang nakikipaglaro kay Lark nang makalapit na sila. "Is it yours?"

Tumango si Mase. Pakiramdam niya ay nahapo siya sa naging pag-uusap nila ni Elay at naubusan na naman ng salita.

"Hm. I didn't see one at your house," takang saad nito.

"Nasa apartment," mabilis niyang pakli. Kung hindi niya ginawa iyon, marahil ay nagtampo na naman si Elay sakaling malaman na regalo rin si Lark sa kanya. At kumpara sa iPhone na balak pa niyang ibalik sana, tinanggap niya si Lark mula sa nagbigay.

Sa huli ay sinamahan siya ni Elay na ilakad ang alaga habang nakasunod ang tatlong kaibigan nitong ipinakilala na rin sa kanya.

"Ano pangalan niya ulit?" tanong ni Hayley habang naglalakad sila. Ibinigay rin ni Mase ang tali sa dalaga nang makiusap ito. He has grown protective of the puppy subalit hindi naman niya ipagdadamot ito sa mga kaibigang nais makipaglaro rito.

"Lark."

"Hmm...Lark. Ibang language for ‘puppy’?"

Nang matawa si Mason ay hinampas siya ng kasama sa braso. "Acronym."

Tila nag-isip naman ito nang ilang sandali bago napabulanghit. "It's stupid but I could only come up with: Love A Real Kiss. Like A Rich Kid..." natatawang saad nito. "Ano ba?"

“Acronym of the girl you always bump into,” nangingiting pag-amin ni Mason. Pakiwari niya'y mapagkakatiwalaan ang dalaga hindi tulad ng mga kuya niyang paniguradong walang humpay na naman ang panunukso sakaling malaman ang tunay na kahulugan ng pangalang ibinigay sa tuta. "Louie Antoinette Rodriguez Kwok."

Muli siyang nakatanggap ng mapaglarong hampas mula kay Elay. "Aw, how cheesy. Alam niya?" interesadong tanong nito.

"Schroedinger's cat," wala sa sariling na tugon niya.

"What? It's a cat? I'm pretty sure it's a dog," naguguluhang tanong ng dalagang sinipat pang mabuti ang nakataling tuta.

Napakamot na lamang si Mason sa batok. "Hindi. Ano...It is possible that she knows about it. Pero posible ring wala siyang alam. The only way to know is if the topic is brought up."

Tumango-tango naman si Elay. "Sasabihin mo?"

"Kapag nagtanong siya."

"Torpe."

"Sigurista lang."

Umiling-iling ang kasama sa tinuran niyang iyon. "Mason Pelaez, nothing in this world is certain. You have to take risks to know if you have what it takes to get something you want. Sige ka, maunahan ka ng iba."

Bakit nga ba napakarami niyang alinlangan pagdating sa nararamdaman niya para kay Louie? Ano nga ba ang pumipigil sa kanya samantalang nasa magandang posisyon na siya. Magkakilala ang pamilya nila. Nakakapag-usap naman sila nang matino ng dalaga. Higit sa lahat, he already met the only characteristic that she wanted in a guy—intelligent.

Sa loob-loob ni Mason, batid niyang hindi sapat na batayan lamang ang katalinuhan upang magustuhan ni Louie ang isang lalaki. Kung tunay ngang iyon lamang ang gusto niya, it is highly possible that she's seeing someone now dahil pinaniniwalaang pawang mga matatalino ang mga nag-aaral sa kanilang pamantasan. Kailangan kayang oblation scholar dapat? Consistent university or college scholar every semester? Running for honors?

Isa pa, hindi lang naman grades at academic standing ang batayan upang masabing matalino ang isang tao. Masasabi rin namang intelligent ang mga taong mahuhusay sa numero, sa larangan ng sports, musika, sa pakikisalamuha sa tao...at marami pang iba. Sa madaling salita, masyadong ambiguous ang simpleng 'intelligent' because it could mean a lot of things.

Intelligence may be a key factor. Subalit nakasisiguro si Mason na may iba pang katangiang nais ang mga dalaga sa mga mapupusuan nilang kalalakihan. Ayon nga kay Kuya Mac, mahilig sa ‘combo’ ang mga babae: matalinong gwapo, palabirong gwapo, mayamang gwapo… subalit sa pagkakakilala niya kay Louie, masyadong mababaw ang panlabas na anyo.

At this point, Mason was calculating his chances that's why he wanted to know exactly what—

"Wuy, Mase!"

Halos lumundag ang kanyang puso sa pagkakarining ng tinig na iyon. Kalalabas lamang niya ng palikuran sa AS at kasalukuyang sine-save ang mga numero ng kanyang pamilya habang nag-iisip. Awtomatikong napalingon na rin siya upang siguraduhing hindi iyon imahinasyon. Kanina lamang ay iniisip niya ang dalaga. Ngayo'y nasa harapan na niya. "Uy, Louie."

"Naks! Naka-iPhone! Tsk, tsk, tsk," puna nito nang makita ang itim na teleponong hawak ni Mase.

Agad naman niya iyong ikinubli sa bulsa ng pantalon at tipid na ngumiti. "Dala ko pala si Lark," pag-iiba niya.

"Yung ibo—ah! Yung beagle! Oh, kumusta? Close na ba kayo?" tuloy-tuloy na tanong nito.

"Medyo. Hindi pa naman niya ako kinakagat," tugon niya datapwat nagugulimihanan sa inaakto ng dalaga. Tila masyadong unusual ang pagiging enthusiastic nito ngayon samantalang madalas ay nagkakahiyaan pa silang mag-usap.

"Ay oo nga pala. Ngayon ba 'yon? Sorry ha. Nakalimutan ko kasi. Nagtext ka nga pala. My bad," walang patid na saad pa rin nito na tila iniiwasan nitong magkaroon ng dead air. At mas kaduda-duda iyon.

Doon lamang niya napansin ang lalaking tila hinihintay ang dalaga. Naaalala niyang ito rin ang kasama ni Louie papunta sa Chocolate Kiss bago nila binisita sa ospital ang kapatid. At tulad din noon, mukhang iniiwasan ito ni Louie at ang pagiging masalita nito ay senyales na kailangan nito ng diversion. "Oo...? Yata...?" pag-aalangan ni Mason kahit sigurado siyang agad niyang binubura at tuluyang hindi naipapadala sa dalaga ang mga tinitipa niyang mensahe para rito.

"O? Asan na siya? Tara na. Masamang pinaghihintay si Lark. Baka kagatin ka niya," saad nito bago humawak sa braso niya't iginiya siya nito sa kabilang direksiyon at tuluyang iniwan ang binata.

Tuluyan nang ipinagsawalang-bahala iyon ni Mase. Sa katunayan, mas kinakabahan siya sa tuwing babanggitin ni Louie ang pangalan ni Lark. Lalo pa nang makarating sila sa AS Steps kung saan naghihintay si Elay at ang alaga niyang nagsimula nang tumahol.

Sa hindi malamang kadahilanan, bigla na lamang bumitaw si Louie sa pagkakahawak sa kanya.

"Hi! You again!" masiglang bati ni Hayley rito saka mapanuksong tinignan si Mason.

"Ah, Mase...thank you ha? Next time na lang pala. May ano...May... Text text na lang tayo," paalam nito. Tila naglaho na ang kaninang enthusiastic na Louie.

"Ah...sige," mahinang tugon niya at sinundan ng tingin ang dalaga na nagmamadaling umalis. Maya-maya'y naramdaman na lamang niyang tinutusok ang kanyang pisngi.

"So...that's Louie Antoinette..." panunudya ni Elay at napatango nang minsan si Mason bago binalingan ng kasama ang tuta na tumatahol pa rin. "You're clearly smitten by her that you didn't even introduce Lark to his Mommy. Kita mo...umiiyak na siya." Lumabi pa ito sa kanya subalit tumawa rin bandang huli. "Ask her out already," ang huling payo nito bago sila nagpasyang maghiwalay upang makauwi.

Ask her out.

Nanlalamig ang mga kamay ni Mase nang muli niyang ilabas ang iPhone matapos pakainin ang alaga. Hindi niya maiwasang mapangiti nang maalalang ganoon din ang gamit na telepono ni Louie. Puti nga lang ang kulay.

Subalit paano nga ba niya ipapaalala sa dalaga ang napagkasunduang paglabas nila sa darating na Sabado?

Isang munting ungol ang pumukaw sa kanyang diwa kaya ibinaling ni Mason ang tingin kay Lark. Tama nga yata si Elay. Hindi ito napansin ni Louie kanina kaya siguro mukha itong malungkot.

Tulad ng itinuro ng dalaga, binuksan niya ang camera application at itinutok iyon sa tutang nakayuko at mukha ngang nalulumbay.

Nang makakuha ng maayos na larawan ay ipinadala niya iyon kay Louie na sinundan niya ng isang mensahe.

To: Louie Kwok

Nami-miss ka na ni Lark. Ayaw tumigil sa pagkahol kanina. Baka kagatin na 'ko pag di ka niya nakita ulit. :)

It was a lame excuse and a projection too. Napalatak pa si Mase nang mapagtantong ginamit niya si Lark upang iparating ang sariling damdamin. Totoo nga yatang torpe siya.

Habang aligagang naghihintay ng sagot ay paulit-ulit niyang naririnig sa isipan ang mga sinabi ni Elay.

...nothing in this world is certain. You have to take risks to know if you have what it takes to get something you want...

Kaya nang hindi pa rin siya nakatanggap ng sagot makalipas ang ilang oras ay nagpasya na siyang pakawalan ang ilang alinlangan.

Ask her out already.

Napabuntong-hininga na lamang si Mason. Ilang beses na bang nauunsiyami ang paglabas nila? It’s about time for him to man up.

To: Louie Kwok

Free ka ba sa Sabado? Pasyal natin si Lark :)

===

A/N: Haberdey sayo, Sarah Kay aka pinklips1602! Hahaha <3 May kiss ka galing kay Elay diyan sa multimedia section, hehehe

Pakibasa na lang ulit ang Miss Astig Season 2 chapter 32 for additional feels hahaha. Nahuli na naman ako sa pag-update huhuhu. Amsasarreh. OTL

Kitakits sa November 16, 2014 (Sunday) 1-5PM sa Precious Pages, 3F SM North (yes, secured nay un for Power Ninjas!) Nasa external link po ang event details. Sana po makapiling namin kayo :)

Credits to Sheldon Cooper at sa Big Bang Theory dahil dun ko unang narinig at natutunan ang Schroedinger's cat. Experiment daw yun kung saan nilagay ang isang pusa sa kahon na may sealed vial ng lason na maaaring bumukas anumang oras. At dahil hindi alam kung kailan mari-release ang poison, the cat can be thought of as both alive and dead. Malalaman lang nila KUNG bubuksan nila yung kahon.

-Hunny

Posted on 13 November 2014 (Thursday) 10:00PM

Continue Reading

You'll Also Like

176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
43.8K 1.4K 24
Have you ever met someone for the first time and wondered if they'd become an important part of your life or they'd just passed by like a fleeting br...
364K 24.5K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
89.4K 5.8K 16
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...