The Beast He Became

By SaviorKitty

4M 159K 40.1K

"Have you ever tried to sacrifice your happiness for other people?" Lauren's only goal is to make her father... More

AUTHOR'S NOTE
SYNOPSIS
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
EPILOGUE
Special Chapter 2
Hidden Chapter

Special Chapter 1

81.3K 3K 471
By SaviorKitty

Author's Note: Huwag po kayo malito sa pagpalit ko ng point of view, karamihan po sa story ko pagdating sa dulo gumagamiy ako third person pov o kaya naman first person pov pero ibang character. Iyon lang, Enjoy Reading!


Special Chapter 1

Deretsyo ang lakad ni Zayn habang papunta sa starbucks. Nakapasok ang dalawa niyang kamay sa slacks na suot. Hindi niya alintana ang mga napapalingon na babae sa kaniyang gawi. Ngumisi siya bago suklayin ang buhok gamit ang daliri.

Bago pa siya makapasok sa shop ay may tumama sa kaniyang binti, muntik na itong matumba pero mabilis na hinawakan niya ang bata sa braso.

"Hey, you okay bud?" tanong niya sa batang lalaki.

Parang may hinahanap ito dahil palinga-linga ito ng tingin sa paligid. Lumingon-lingon din siya sa paligid para tingnan kung ano ang hinahanap ng bata.

Bahagya siyang yumuko upang kausapin ito.

"Are you okay?" tanong niya.

Doon pa lang tumingin sa kaniya ang bata kaya nagtama ang kanilang mata. Nakita niyang bahagya pang natigilan ang bata siguro ay nabigla ito sa presensya niya.

"Mister I can't find my momma."

Napakunot ang noo niya, kaya siguro nagmamadali ang bata. "Where did you last see your mother?" tanong niya sa bata.

Ngumuso ito, "We are walking, then I lost her," mahinang bulong ng bata tapos ay umangat ang mata nito sa kaniya bahagya pang tumagilid ang ulo nito habang nakatitig sa mukha niya. "You are handsome."

Zayn chuckled. "Thanks! Are you not scared? Karaniwan kapag nawawala ang bata ay mag-iiyak 'yon." nakangiting tanong niya rito.

Kaagad umiling ang bata.

"I'm not scared po. My momma told me to be strong like my father," proud na wika ng bata.

Father? Hmm. Kailan ba ang huling kita niya sa tatay niya? Almost five years ago? Bago siya mapasok sa asylum.

Bigla siyang natahimik. Tumayo siya ng tuwid bago ilahad ang kamay sa bata. "Doon muna tayo sa starbucks, upo muna tayo baka dumaan mommy mo."

Hindi nagdalawang-isip ang bata na iabot ang maliit na palad sa kaniya. Parang may humaplos sa puso niya. Sana ay ganito siya noong bata siya, 'yong bang madaling magtiwala kasi siya noon lahat ng tao pinag-iisipan niya ng masama.

Nang makarating sila sa starbucks ay pinaghila niya ng upuan ang bata, inalalayan niya itong umupo bago siya umorder.

"What do you want bud?" tanong niya sa bata habang nakatingin siya sa menu.

"Nitro cold brew with sweet cream," sagot nito kaya kaagad umangat ang kaniyang tingin dito. Mukhang sanay na sanay na ito sa mga kape. Hmm. Napangiti siya.

Humarap siya sa waiter na nakatayo sa gilid. "One expresso and nitro cold brew with sweet cream."

Nang makaalis ang waiter ay pumalumbaba ang bata sa lamesa at tinitigan siya. Nailang siya pero sinubukan niyang ngumiti. Ayaw naman niyang takutin ito.

"Why are you looking at me like that?"

Bumukas ang bibig nito na parang may sasabihin pero kaagad din itinikom ang bibig.

Nang makarating ang inorder niya ay nilabas niya ang cellphone.

"Do you know your mother's phone number?" tanong niya.

Kaagad tumango ang bata bago humigop sa inorder nito. "Yes po," ito mismo ang nagtipa ng numero sa kaniyang cellphone. "Patawag po ako ah?" tanong nito.

"Sure."

Humigop siya ng kape habang pinapanuod ang bata na nilagay ang telepeno sa tainga. Tapos ay bigla nagliwanag ang mukha nito, siguro ay sumagot ang mommy nito.

Buti naman.

"Hello momma?---Where am I? No, where are you momma? You walked so fast. You know my legs are chubby. ---Yes momma I'm fine. I'm in the starbucks--- Someone helped me. No momma, I'm okay---Alright, I will wait. Labyou!" nang namatay ang tawag ay inabot nito ang cellphone sa kaniya. "Thank you for the phone, Mister." Binulsa naman niya ito.

"You're welcome. What's your name?" tanong niya. Siguradong susunduin na ito ng mama niya.

"I'm Zach po. How about you po?" inosenteng tanong nito bago humigop ulit.

Ngumiti siya at inabot ang buhok nito bago ginulo. "I'm Quvenzhane, just Zayn."

Tumango-tango naman ang bata. Magsasalita pa sana siya ng matapon ang dalang ice tea ng isang waiter sa kaniyang pantalon dahil napatid ito.

"Hala! Sorry sir! Sorry po! Sorry!" sunod-sunod na usal nito halata mong takot.

Kumuha siya ng tissue sa itaas ng lamesa. Bago ngumiti, "It's okay, It was an accident. Don't worry pauwi naman na ako."

Tumayo siya para pumunta sa restroom. "Hey kiddo, pupunta lang ako sa restroom ha. Tutuyuin ko lang 'to." Turo niya sa pantalon.

Tumango naman ang bata bago kumaway.

"Sige po, thank you po!" the kid smile to him.

Napailing na lang siya, gano'n na ba siya kasabik makipag-usap sa bata? Bakit sa tuwing ngingiti at magtatama ang mata nila ay natutuwa siya.

Mabilis siyang pinatuyo ang pantalon, pagbalik niya ay wala na roon ang bata. Kaagad niya tinawag ang isang waiter doon. "Excuse me, nasaan 'yong batang kasama ko?"

"Ah! Umalis na po, kasama ang isang babae. Para pong nagmamadali sila e."

Parang nalungkot siya, umalis na pala ang bata. Tipid lang siya ngumiti bago nag-iwan ng bayad sa table at umalis.

Habang nagdadrive pauwi sana sa bahay niya ng may maalala siya.

Ano na kayang lagay niya?

Mabilis niyang iniliko ang kotse at pumunta sa isang lugar. Pagkababa niya ay kaagad siyang pumasok sa kulungan kung saan nakakulong ang kaniyang ama.

Binati siya ng Police na nandoon.

Blanko ang mukha hanggang huminto siya sa isang selda. Mabaho at madilim bagay na bagay sa ugali ng lalaki.

Nang makita siya ng lalaki ay bahagya pa itong nagulat at hindi makapaniwalang napatingin sa kaniya.

"Zayn! Anak!" sigaw ko at nagmamadaling lumapit kahit na may nakaharang na rehas sa pagitan nila.

Mas nag mukhang matanda ito, humaba ang buhok at naging kulay puti. "Anak! Akala ko hindi ka na pupunta rito? Akala ko hindi mo na ako bibisitahin."

Hindi niya alam pero ni katiting na awa para sa ama ay hindi siya nakaramdam. Sa sobrang sakit ng mga ginawa nito sa kaniya noon naubos na lahat ng pagmamahal at respeto niya sa matanda.

Bumuntong-hininga siya.

"I'm forgiving you, Dad."

Nanlaki ang mga mata nito. "Talaga? Papalayain niyo na ba ako? Anak sabihin mo sa putragis na pulis na iyan na wala akong kasalanan!" parang baliw na usal ng matanda.

"Pinapatawad na kita sa lahat ng ginawa mo pero hindi ibig sabihin no'n ay hindi mo na pagbabayaran ang mga ginawa mo."

"Anong sabi mo?!"

"Have a good life in jail, father."

Narinig pa niya ang malakas na sigaw ng daddy niya pero hindi na niya iyon pinansin pa. Dumeretsyo siya palabas. Ang kapatid ng daddy niya ay wala na sa kulungan. Tuluyan na itong binawian ng katinuan at inilipat sa mental hospital.

Dumeretsyo sa bahay niya at nagpahinga.

Isang taon na rin simula makalabas siya sa asylum. Kagaya ng usapan nila ni Uno, inayos niya ang sarili. Unti-unti rin naging maayos sila ng kapatid niya at si Mat na sa bahay pa rin niya nakatira. Ito ang namahala sa bahay niya habang wala siya.

Ibinagsak niya ang sarili sa kama at napatitig sa kisame. Napangiti siya sa sarili.

"I miss you," bulong niya bago makatulog. Isang babae ang laman ng kaniyang panaginip.


***

Kinabukasan ay maaga siyang lumabas upang magjogging. Naisipan niyang dumaan sa park paikot sa village at hanggang labas. Natigil si Zayn sa pagtakbo ng mapansin ang isang cafe shop.

Bahagyang tumabingi ang ulo niya. Bagong shop lang ata? Ngayon niya lang ito napansin.

Hinihingal na pumasok siya doon. Habang nagpupunas ng leeg ay biglang may sumigaw sa gilid kaya napalingon siya.

"Manong Zayn!" Yung bata kahapon.

Napangiwi siya sa tawag nito sa kaniya pero bandang huli ay napangiti rin siya. Nakaupo ito sa gilid habang kumakain ng cake.

Kaagad siyang lumapit at tumayo sa gilid ng lamesa.

"Hey kiddo!"

"Hello po!"

"Bakit ka nandito? Nawawala ka na naman ba?" nakangiting tanong niya.

Kaagad umiling ang bata bago sumubo ng cake. "No po."

"E ano lang? Sino kasama mo?"

Bago pa makasagot ang bata sa kaniya ay bumaling ito sa likod niya. Ngumiti ito sa nasa likod niya bago kumaway.

"Momma!"

Humarap siya para batiin ang ina ng bata pero bigla niyang nabitawan ang hawak na towel at mineral bottle ng makilala kung sino ang tinawag na momma ng batang lalaki.

Napaawang din ang labi nito ng magtama ang mata nito.

"L-Lauren..."

***

Continue Reading

You'll Also Like

3.2M 127K 44
"I shouldn't love you, but here I am anyway, standing in the middle of the fire, holding our burning secret." When eighteen-year-old Ash...
13M 269K 62
Wag ka ng Umasa Wag mo ng saktan ang sarili mo Kahit Lumuha ka pa ng Dugo... Hinding Hindi mapupunta sayo itong Puso ko. Mga katagang Sinabi niya sa...
11.3M 140K 34
If you're new to Wattpad or started reading Wattpad 2016 onwards, PLEASE DON'T READ THIS I reposted this because some of my readers were asking why i...
5.9M 232K 64
A battle between love and service.