I'm his TUTOR

By NerdyIrel

55M 775K 224K

She likes being alone while he loves being the center of attention. She'd rather stay at home, reading books... More

I'm His Tutor
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Epilogue
Author's Note
WATTPAD PRESENTS: I'M HIS TUTOR
Special Chapter

Chapter 47

513K 7.7K 1.3K
By NerdyIrel

Chapter 47


Mikay's POV


Pagkauwi namin galing mall, nagpaiwan muna ako dito sa labas para kausapin si Gino.


Ayokong nagwo-worry.

Ayokong nagiisip ng kung ano-ano.


Sa pagkakaalam ko, wala kaming problema.

Kaya bakit ganito siya ka-clingy?

Na para bang kahit isang minuto, ayaw niyang mapalayo sa'kin.


"Gino, umamin ka nga sa'kin. May problema ka ba?" Tanong ko nung nakaupo na kami dito sa porch. He suddenly looked up to me.


"Huh?"

"Come on, I'm not stupid. Nung una, akala ko nabawi ka lang talaga kaya ka sobrang sweet sa akin pero nung sabado at linggo, parang ayaw mo na ko pakawalan. Gusto mo lagi mo akong kasama"


"Nabawi lang naman talaga ako tsaka na-miss lang talaga kita ng sobra. Ang tagal nating nawalan ng time sa isa't-isa"


Bakit feeling ko, hindi siya nagsasabi ng totoo?

Masyado lang ba talaga ako nagiisip ng kung ano-ano?


"Gino, I'm your girlfriend. Kung may problema, sabihin mo na"

"Wala nga mikay"


Hinila niya ko palapit sa kanya then he wrapped his right arm around me. "Wag ka ngang praning" He laughed. "I just want to spend time with you dahil intrams na this week. Mawawalan na naman ako ng oras sa'yo at ganun ka na rin sa'kin. Okay? Wag ka na magisip ng kung ano-ano"


Tinitigan ko yung mga mata niya. He looked tired.

Siguro dahil sa maghapon kaming nasa mall.


I sighed.

Praning ka nga Mikay.

Bakit naman siya magkakaproblema?


"Sorry. Nagtaka lang kasi ako" Ni-rest ko na yung ulo ko sa shoulder niya. I feel comfortable this way.


"Di ko naman narealize na ganun na pala nararamdaman mo, sorry din"


Umiling ako. "Don't be. Wala namang kaso sa'kin eh. Sadyang nagtaka lang ako. Oo nga pala, sabay na tayo pumunta ng school bukas? Opening na ng intramurals"


"Shit, ang aga. 7 am" He groaned.

"I said don't curse!" Pagpuna ko sa kanya.

"Sorry munchkin ko hehe"


Ngumiti na lang ako.


Intrams.

Day 1.


Si Gino ang naatasan sa course nila na maging representative para sa opening ng intrams kaya ngayon, ang ingay ingay sa gym. Siya ang pinakahuling maaapuyan ng torch na hawak niya kaya nandito siya sa pinakaharap.


*drum rolls*


Pagka-lagay ng apoy dun sa representative na basketball player ng HRM course, pumalakpak ako ng sobrang lakas. Syempre kahit naman na hindi na ako yung 'nerd' na si Mikay, ayoko pa rin yung magsisisigaw.


"WHOOHHHHH!" Sigaw ni Derick na nasa tabi ko. Isa rin siya sa mga maglalaro ng basketball mamaya kaya naka-jersey din siya.


"Ang ingay neto" Biro ko.

He looked at me bago tumawa. "Si Joyce?"

"Nagtatago sa'yo"

"Nahanap ko na kaya"


"Asan?" Lumingon ako sa paligid. Wala naman akong nakikitang Joyce. Ang alam ko tinatamad siya gumising ng maaga kaya wala pa dapat siya dito.


"Nasa puso ko"

Ay bumabanat lang pala.


"AWTSU. Ang corny mo grabeee" Pagcomplain ko. Tumawa naman siya.


"Palibhasa banat king yang boyfriend mong seloso. Lumayo ka nga, apuyan pa ko niyan eh" Bigla niya kong tinulak ng mahina kaya natawa ako.


Napatingin naman ako kay Gino na nakatitig lang sa'kin.

Ay nagselos.


Ngumiti ako ng sobrang laki at nagpeace sign.

Natawa naman siya kaya tingin ko, di siya galit.


Tinignan ko na yung tumatakbo, course na ng Tourism yung may hawak ng torch na inaapuyan tapos tumakbo na siya ng sobrang lakas kaya nagsigawan yung mga tourism students. Nung kay Gino na niya pinasa, naghiyawan na ang mga tao.


"ANG HOT!"

"OMG! HI GINO!"

"GO GINOOOOO!"

"I LOVE YOU GINO!"


I just rolled my eyes bago ko pinicturan ng sobrang dami si Gino.

(^_^)


Tumakbo na siya kaya mas lalong umingay. Nung palapit na siya sa'kin, nagulat ako kasi tumingin siya at nagwink.

(^//////////^)


"Shet"

"Tanginumin mo wag milo!"

"DID HE JUST...OMG!"

"HE WINKED AT ME!"

"Le dies!"

"Shunga, sa girlfriend niya siya nagwink"

"Panira ka!"

"Grrr"


I just laughed. Yumuko ako ng kaunti kasi namumula na ko.

Talaga bang laging dapat napupunta sa'kin yung attention ng mga tao?

Kahit na president na ko ng student affairs, bumibilis pa rin talaga tibok ng puso ko kada tinitignan ako ng lahat.


*drum rolls*


Inangat ko na ulit yung tingin ko at napangiti ako sa intense ng buong gymnasium.

Ang ingay ingay parang may concert!


Nung lahat ng representative ng bawat course na may hawak na umaapoy na torch naglakad na papunta sa gitna, nagkagulo na sa sobrang ingay.

Ako naman kuha lang ng kuha ng pictures.


Official ng open ang intramurals.

Nakakatuwa!


Nagpalakpakan na ang lahat at isa-isang nagalisan.

Madaming events kaya kung saan-saan sila pupunta.


"Oh"

Napatingin ako sa gilid ko at nagulat na nandito si Maddie.

May hawak hawak siyang plastic bag at inaabot niya sa'kin.


"Anong kailangan mo?" I asked her, crossing my arms.

"Ibigay mo kay Gino. Ayaw niya ko lumapit sa kanya"

Seriously?!


"And what makes you think na papayag akong maging DELIVERY GIRL mo?"

"Tsk. Nagkaboyfriend lang, tumapang na. Tandaan mo, binubully lang kita dati. I can still do it" Tapos lumapit siya sa'kin.


*gulp*


"Ano nga ulit yung sinabi ko nung last time na nakita ko kayo?" I looked around and saw Gino walking towards us, shaking his head para maalis yung pawis sa buhok niya. Damn, he looks so hot.


Nakatingin siya ng masama kila Maddie at sa mga babaeng nasa likuran niya.


"Ah...ano. Ibibigay ko lang naman" Maddie said.

"Maddie, talaga bang di mo ko tatantanan?"


He finally reached our spot. Tumayo lang siya beside me.


"Oh" Hinawakan niya bigla yung kamay ni gino at ipinatong doon yung paper bag.


I looked at Gino. BAKIT MO SIYA HINAYAAN HAWAKAN KAMAY MO?

SA HARAPAN KO PA TALAGA?!

Hmmph.


"Ano gagawin ko dito?" Gino asked coldly.

"Alam ko. Narinig ko. I think you need that"


Napatingin ako kay Maddie.


Ano bang sinasabi niya?

Anong alam niya?


I looked again at Gino and I just saw him looked at me.


"I don't understand why you're doing this. I never liked you. I've never been good to you" Sabi ni Gino.


Now I'm confused.

One moment he's so angry at her, the second I could hear curiousness in his voice.


"Because I love you"


O_O

I looked at Maddie again. Sobrang nagulat ako sa pagiging upfront niya in front of Gino and all these people staring at us.


How can she say that?

HELLO? GIRLFRIEND HERE?


"I always did. And I know you knew too. Simula highschool pa lang tayo, alam mo na" Pagpapatuloy ni Maddie.


"Then why not give up?"


She looked down as if what he said, cause her pain.

It was the first time na makita ko si Maddie na sobrang lungkot.


"Because I can't. I still love you. Sabi nila para mawala ito, dapat mahanap ko yung right guy for me pero Gino, di ko pa rin siya nakikita. O baka naman nakita ko na siya, at siya yung kausap ko ngayon"


"Paano mo siya mahahanap kung hanggang ngayon, ako pa rin yung hinahabol mo? Maddie, hindi ako yung right guy for you. Tantanan mo na kami"


She looked up again. Kita kong naluluha siya pero halata ding pinipilit niyang maging malakas.

"You can't order me to stop. Alam ko namang hindi rin kayo tatagal ni Mikay kaya maghihintay ako. Until the day na ako na mismo yung piliin mo"


She suddenly glared at me. Yung tingin na punong-puno ng galit.

I swear I stopped breathing. Nakahinga na lang ulit ako ng maayos nung umalis na sila.

Tumingin na ko kay Gino pero nagulat ako dahil nakatitig lang siya sa kay Maddie. Tumingin ako sa paligid ko at dun ko lang nakita na ang daming nakatitig sa'min. Mga nakikinig at sumasagap ng tsismis.


"Gino, papicture naman"

"Oo nga gino!"

"Please"


He looked at me and I nodded.

Iniwan ko siya agad at umupo ako sa bleachers.


Watching him with other girls doesn't make me jealous.

Pero bakit and uneasy ng nararamdaman ko ngayon?


After a few minutes, naubos din ang mga nagpapapicture sa kanya.

He ran towards me tapos umupo siya sa tabi ko.


"Okay ka lang?" He asked, holding my hand.

"Oo naman. Siguro kinabahan lang talaga ako sa pagirap ni Maddie sa'kin. Naalala ko lahat ng ginawa niyang pambubully noon"


He suddenly cupped my face para tumitig ako sa kanya.


"Hindi ka na nun sasaktan. Hanggang irap na lang kaya niyang gawin" He sounded so sure.

"Paano mo naman nalaman?"

He just shrugged. "Instincts lang hehe"

"Ay hahaha, oo nga pala, ano yang binigay niya?"


Napatingin kami dun sa paper bag na hawak ni Gino na bigay ni Maddie.

He seems like he doesn't know kaya binuksan niya.


Pagangat niya, nagulat ako.

Lasagna na nasa box.


"Home made?" I asked him.

"Parang"

"Bakit ka naman niya bibigyan ng lasagna?"

"Favorite ko ito nung bata pa ko" He mumbled, staring at the box.


Oh.

Bakit hindi ko alam yun?


"Mahal ka nga talaga niya..." I said in a low voice.


Tumingin na siya sa'kin at parang may nakitang iba sa mukha ko kaya ibinalik niya agad yung box sa plastic bag at pinatong sa tabi niya.

"I don't care"


Gusto ko talaga siyang tanungin about sa sinabi ni Maddie kanina.

Hindi naman siguro masamang magtanong?


"Muffin, pwede ba kong magtanong? Ano...bakit....kasi...." Di ko mahanap yung right words na dapat kong sabihin. Kinakabahan ako kahit hindi ko alam kung bakit.


"Mikay, chill. Ano yun?" Hinawakan niya parehas na balikat ko para alugin ako ng sobrang hina.

Akala niya yata nagpapanic ako.


"Ano yung sinasabi niyang alam niya? Na narinig niya?"

He stared at me for a minute.


"Di ko alam. Tara na nga. Sayang lang oras ko dito"


He held my hand at tumayo na siya.

"Teka, iiwan mo yung plastic bag dito?"

"Ayoko niyan"


Hinila ko kamay ko at kinuha iyon. "Pagkain ito, hindi dapat tinatapon basta-basta"

"Baka may lason o love potion, bahala ka" Pagbibiro ni Gino.


"Ah alam ko na, bigay mo sa tropa mo" Inilagay ko yung plastic bag sa kamay niya. "Di'ba laging mga gutom sila Seth?"

"Bakit hindi ikaw magbigay? Pupunta na ko sa music room, itotono na namin yung mga instruments na gagamitin namin mamaya sa competition"


Hala! Battle of the bands na nga pala mamaya! Nakalimutan ko!


"Ano...kasi" Napakamot ako sa ulo ko.

Sana wag siyang magalit sa'kin.


"Mikay..."


Nagbago na yung tono ng pananalita niya.

Nakaramdam yata. Tingin ko, alam na niyang hindi ako makakapunta.


"Magaayos pa kasi kami mamaya. Ipamimigay namin yung posters. Sorry, hindi ako makakapunta. Sa basketball game mo na lang ako makakanood"


He frowned at me. Binaba niya yung plastic bag at umupo ulit dito sa bleachers.

Tumingin ako sa paligid, wala ng masyadong tao. Mga nakaalis na.

Yung iba naman, tambay lang talaga dito.


"Ayoko. Gusto ko andun ka" He suddenly said.

"Gino---"

"Hindi ako tutugtog kapag wala ka dun"


Ano ba naman ito!

Tumayo ako sa harap niya at hinawakan yung mukha niya.


"Di'ba nagusap na tayo kagabi? Intindihin mo naman ako. Hindi pwedeng lagi akong kasama mo"


Nagulat ako ng bigla niya akong hinila at niyakap.

"Mikay sige na, kahit ngayon lang, pagbigyan mo na ko. Please"


I froze at that.


Bakit yung...boses niya...ganun?

Para siyang iiyak.


"Gino, okay ka lang ba talaga? May problema ba?"


Gusto kong tumingin siya sakin pero ang higpit ng pagkakayakap niya kaya di ko makita ang mukha niya.


"Saglit lang naman kami tutugtog. Hindi ka naman aabutin ng tatlong oras sa competition. Maiintindihan ka naman nila. Sobrang dami niyong magbibigay ng posters, di ka na kailangan dun"


Para siyang nagmamakaawa.

"Sasama ako kung sasabihin mo kung ano ba talagang problema"


He slowly pulled away at tumingin siya sakin.

Kitang kita kong para siyang nasasaktan.


"Gino, tell me" Nagwoworry kong sabi.

He held my hands at hinalikan niya iyon.


"Gusto ko bawat minuto kasama kita, gusto ko bawat oras nakikita kita. Mahal na mahal kasi kita, Mikay"

Umupo na ako sa tabi niya at tinitigan ko ang mga mata niya.


May mali.

May problema siya pero ayaw niyang sabihin.


Bakit?

Ano ba iyon?


"We have all the time in the world muffin. Why are you acting like this?"

"Ewan ko. Di ko alam" Naiiritang sabi niya na para bang gusto niyang tumigil na ko kakatanong.


Tumayo na siya at kinuha niya na ulit yung lasagna.

"Sige, mauna na ko" Naglakad na siya kaagad palayo.


Ano ba naman yun?

Aish!


"Gino naman"

"Sige na, naiintindihan ko kung di ka makakapunta"

"Gino" Bumaba na rin ako at nagtry habulin siya pero ang bilis bilis niya maglakad.


Tumigil na ko at pinanuod ko na lang siya makalayo.


Nakakainis.

Ang hirap pag ayaw magopen-up sayo ng boyfriend mo.

Feeling mo you're not capable of being trusted.


Fine.

Hindi ko na siya pipilitin.

Pero sana naman, pag kaya niya na, sabihin niya sakin.


Joyce's POV


"Dindi, di ka ba pupunta sa school?" Tanong ko pagkababa ko. Kumuha ako ng tinapay at kumain saglit.


5 pm na kasi.

5:30 ang start ng battle of the bands.

Manunuod ako kasi sa maganda daw yung competition na yon.

She just looked at me.


"Ha? Ano sabi mo ate?"


Hay nako.

Tignan mo ito!

Umupo ako sa tabi niya at tinignan siya.


"Alam ko masama ugali ko dati at hindi pa rin tayo ganun kaclose. Pero sa nakikita ko sayo, hindi ka pa nakakamove on kay Kiko. LDR is a hard thing pero di'ba? Atleast kayo pa rin. Atleast nagcha-chat pa rin kayo at nakakapagusap. Bakit ang lungkot lungkot mo pa rin diyan?"


"Kasi ate joyce, hindi niya alam kung kalian siya babalik. Nahihirapan na ko sa situation namin. I don't know if I should end our relationship already. Kung kaya ko ba at kung yun ba yung tamang gawin"


"Kaya mo bang maghintay ng matagal? Mas kaya mo bang maimagine na may iba nang kaholding hands si Kiko dahil pinakawalan mo na siya? Nasa iyo din yan Dindi. Kung ano yung kaya mo, yun ang gawin mo"


She sighed. "Bakit ba mahirap ma-inlove?"

"Oo nga. Ang hirap nga"


Nasasaktan pa rin ako kada naaalala ko si Jerome.

Kung ano yung meron kami dati at kung ano yung nangyari bago siya umalis.


Sana maging okay na siya.

At mahanap niya na yung babaeng makakapagpasaya sa kanya.


*dingdong*


"Ako na" Sabi ko kay Dindi, standing up and making my way to the front door.

Pagopen ko, nagfrown agad ako.


"Anong ginagawa mo dito?"

"Hello to you too, Joyce"


(-_-)

Hay nako Derick.


"Chocolates nga pala"

"Hindi mo ko madadaan sa ganyan"


"Chocolates for dindi" Bigla niyang iniba.


Kinuha ko iyon at naglakad na ko papunta sa dining room.


"Oh, para sumaya ka" Sabay abot kay Dindi.

"Galing sakin!!! hehe" Sabi naman ni Derick na sinundan pa talaga ako.

"Ayan ha, nabigay ko na. Okay na? Layas na"


He laughed at me.


WHY IS HE LAUGHING?

He's supposed to be annoyed!!!


"Pupunta kang school di'ba? Tara sabay ka na sakin"

"Hindi ako aalis. Kakadating ko lang" Pagsisinungaling ko.


Dindi laughed at us. "Maiwan ko na muna kayo. Manunuod lang akong tv"


Derick smiled at her. Anong iniisip niya? Gusto kong maiwan dito na kaming dalawa lang? No way!


"Aalis na ko joyce, alam ko namang badtrip ka sakin. Gusto ko lang talaga ibigay itong letter na ito. Nagsulat ako ng katulad nito before at pinaabot ko kay Mikay pero nagselos si Gino dahil akala niya love letter ko for mikay. Ngayon ko lang naisip na hindi mo pala nabasa kaya nagsulat ulit ako"


He handed me a violet envelope.


"This is so old fashioned"

"Alam ko pero buong puso kong isinulat yan. At totoo lahat ng sinasabi ko. Sana basahin mo"

"Don't hope for anything asshole"


Natawa na naman siya! ABA!

He's amused by what I said!

Ugly annoying creature!

GRRR!


"Aalis na ko, uuwi na ko kaya wag kang magalala. Di mo ko makikita sa school"

Tumango na lang ako at pinanuod na mawala siya.


Nung narinig kong nagbabye na siya kay Dindi, umupo agad ako sa counter ng kitchen at binuksan yung letter.



Mikay's POV


"You look so down"

"Bakit ate mikay?"

"Oh I know, hindi kasi siya makapanuod nung battle of the bands"

"Then go, we don't need you naman masyado ate"

"Kaya nga, you've done enough"

"Maiintindihan naman namin"


I looked up and saw their smiling faces.

Nalulungkot lang naman talaga ako dahil ayaw sabihin sakin ni Gino yung problema niya.

Hay...


"Sure kayo? Okay lang?"


"Yup, kaya na namin ito ate"

"Patapos na rin naman"

"Gumorabels ka na!"

"Have fun!"


Lahat sila nag-agree kaya ibinaba ko agad yung hawak kong posters.

"Thank you so much guys! Sige bye"


Tumakbo agad ako papunta sa function room sa fourth floor.

Kahit ang daming tao at nakakahingal tumakbo, nagmadali pa rin ako.


Pagpasok ko sa loob, medyo narelieved akong hindi pa nagsisimula.


"Excuse me, excuse"


Hindi ako makapunta sa harapan sa dami ng tao.

Nakipagtulakan at siksikan na ako pero wala pa ko sa kalahati.


"Ano ba naman ito! Aish!"


Gusto kong kausapin si Gino bago magsimula.

Cheer him up para maganda ang performance niya mamaya.

Kanina ko pa siya hindi nakikita.


Naglunch akong magisa. Sabi kasi nila seth nung umakyat ako, umalis daw saglit.

Di ko naman nagawang hintayin dahil nga, may ginagawa kaming SA.

AHHH ALAM KO NA!


"OMG MAY LIBRENG FRAPPE SA LABAS! OMG" Sigaw ko.


Tinignan ako ng lahat bago sila nagtakbuhan.

O__O


"Aray----ay grabe----excuse-----ano ba----hoy!" Binabangga lang nila ako at parang di na nila ako nakikita.


Nung nagkaroon na ng space para makatakbo ako, tumakbo na talaga ako.

Ang pula siguro ng braso ko. Ang sakit kaya mabangga!!!


"GINO!" Sigaw ko pagpasok ko backstage.

Tinignan ako ng mga tao dito at yung iba tumawa pa.


"Sorry, uhmm excuse, asan dito yung parking five?"

"Dun yata miss" Sabi nung isang studyante.

"Ah sige thank you"


Tumakbo agad ako dun pero bago ako makarating doon, bigla akong natisod sa isang kable na nakaharang.


WAHHHHHHHHHHHHHHHHH!

>_<

>_O

O_O


"Tsk, mikay. Magingat ka nga"

Muntikan na kong bumagsak pero buti nasalo ako ni Gino.


"Sorry" Sabi ko habang tinutulungan niya kong makatayo ng maayos.

"Bakit andito ka? Akala ko ba may gagawin ka?" Tanong niya.

"Galit ka sakin?" Tanong ko dahil parang ang cold ng boses niya.


He stared at my eyes for a moment before sighing. "Hindi na ngayon"

He kissed my hair and led me towards the place kung saan nakatambay ang tropa niya.


Seth: "Oy mikay, long time no see"

Lester: "Ang sarap nung lasagna, thank you ah"

Katsumi: "Oo nga, thank you!"


Tumingin ako kay Gino at napangiti siya.

Lokong ito! Hindi sinabing kay Maddie galing!


"Di mo naman sinagot tanong ko kanina, bakit andito ka?" Tanong ni Gino.


Hinila ko siya palayo kila Lester para di nila kami marinig. Umupo kami sa tabi.


"I just realized na gusto kitang panuorin tumugtog kaya pumunta ako dito"

"Sus. Ayaw mo lang kasing magtampo ako pero ang totoo, napipilitan ka lang----"


I gave him a quick kiss para manahimik siya bago ako tumalikod.

^/////////^


Ginawa ko ba talaga yun?

Aish! Nakakahiya!


"Bakit ka nakatalikod?" Tanong niya.


"Eh kasi...eh kasi..." I bit my lip while smiling. Nahihiya na talaga ako ngayon nung marealize ko yung ginawa ko.


"Hay nako, nakakalungkot naman. Pumunta ka nga dito, tinatalikuran mo naman ako. Papangitan ko nga pagtugtog ng gitara para matalo kami"


O_O

Humarap agad ako pero----WAHHHHHH!


*chup*


"ANG SALBAHE MO!" Namumulang sabi ko.


Sobrang lapit pala ng mukha niya kaya pagharap ko, nahalikan ko siya!

>//////////<


"Sino kaya may kasalanan?" Natatawang sabi niya.

"Malay ko bang ganun kalapit mukha mo! Aish! Ang naughty mo! One is enough"

"Two is better" Dagdag niya.

"Di naman ganun yon!"

"Three is victory" Sabay lean in niya.


Tinulak ko nga ang mukha niya! GRABE NAMAN!

"Ang landi mo!"


He just smiled at me with his famous playboy smile kaya mas namula ako.

"Ganito na lang, magdeal tayo. Pagnanalo kami, ibibigay mo yung third kiss. Pag natalo, ibibigay mo pa rin"


Tignan mo tong mokong na ito!

"Hoy, unfair sa side ko yun! Pag natalo ka, wala kang kiss for ONE WEEK!" Pangaasar ko.


"GRABE NAMAN YON!"

"Oh! Deal is a deal! Bleh!" I stuck my tongue out para asarin siya. Tumawa naman siya.

"Parang bata. Eh di sige, momol tayo pag nanalo ako"


*jaw-drop*

Did he just said momol?

As in 'make out, make out lang?'


"How dare you!" Sigaw ko.

"HAHAHAHAHA loko lang, ito naman. Ayoko nga mag momol, for sure, magtetake advantage ka sa sexy body ko"

"Ang kapal mo Gino!" Mas namumulang sabi ko.

"For all I know naman, miss na miss mo na maging tutor ko everyday. Di'ba araw-araw mo rin nakikitang shirtless ako dati?"

"AISH! Bahala ka nga diyan! Matalo sana kayo!"


Tumayo na ko kasi hiyang-hiya na ko!

Bakit parang ang dali-dali para sa kanya pagusapan yung mga ganung bagay?

OMG! Uweeee!


"Sige, umupo ka na dun, magsisimula na kami. Hug muna" Tumayo na rin siya at hinila ako palapit sa kanya.


I hugged him tight, closing my eyes. "Ayoko ng momol"

"Gusto mo ituloy na?"

O////////O


"GINO!" Pinalo ko nga yung braso niya.


"Haha joke lang. Ano ba gusto mo?" Sabay yakap ulit sakin.

"Wala"

"Anong wala? Di pwede yon"

"Eh ano ba dapat?"

"Ganito na lang. Pag nanalo ako, bibili tayo ng couple stuffs"


Napataas yung isang kilay ko at lumayo ako ng kaunti para titigan siya.


"Kailan mo pa nagustuhan yung mga bagay na ganyan? Akala ko ba, sabi mo, ayaw mo ng couple stuffs? Kasi ang corny"


"Gusto ko na ngayon kaya wala ka ng magagawa"

He hugged me again and kissed the crown of my head. "I love you mikay"


Ngumiti na lang ako at niyakap pa siya ng mas mahigpit.

Gusto ko siyang tanungin kong ano ba yung problema niya kanina pero pinigilan ko sarili ko. Ayokong mawala siya sa mood at magalit sakin.


***


"And the winner is...."


*drum rolls*

Pumikit na ko at nagdasal na sana Parking Five ang manalo.


"JELLY BEANS!"


Napamulat ako at nagulat sa sinabi ng host.

Umingay naman sa buong function room sa mga palakpak ng tao.

First place lang sila Gino.


:(

Hindi sila nanalo.

Anubayun! Ang galing galing kaya nila!


Tumakbo agad ako papunta sa backstage nung nakita kong pumunta na sa loob sila Lester.

Pagdating ko dun sa place nila, nalungkot ako sa nakita ko.

Ang tahimik nilang lahat at mga nagaayos na lang ng gamit.


"CONGRATULATIONS!" Pagbati ko.

Tumingin sila sakin at ngumiti lang pero kita kong malulungkot pa rin sila.


"Guys! Wag nga kayong ganyan! First place is not bad! Magaling pa rin kayo! Cheer up"


Lester: "Thank you mikay"

Seth: "Oo nga naman, atleast may place"

Katsumi: "At money reward!!!"

JC: "Tara kain sa labas!!! Yehey! HAHA"


Mga nagngitian na sila at naguunahan lumabas.

Mga excited yata kumain.

(^_^)


"Congrats" Bati ko kay Gino na nakaupo lang sa gilid.


He just looked at me.

Obviously, he's so disappointed at the result.


"Muffin, okay lang yan" Hinawakan ko yung kamay niya pero tumingin lang siya sakin.

"Hindi matutuloy yung pagbili ng couple stuffs natin"


My heart stopped beating.


Talaga bang gusto niyang manalo para doon?

Pero bakit?

Anong mahalaga sa couple stuffs?


You really are getting strange day by day.

And I am so worried.

Pero di kita pipilitin sabihin sa akin.

It's your choice kung sasabihin mo ba or not.


"Panalo ka pa rin para sakin kasi ginawa mo lahat ng makakaya mo para manalo kayo. I love you Gino, ngiti ka na"


Hinawakan ko yung mukha niya and I kissed him.

I gave him his victory kiss.

I felt him smile under my kiss kaya lumayo na ko.


"And we're still going to buy the couple stuffs you want basta mananalo ka sa basketball. Okay?"


Ngumiti na talaga siya at tumayo.


"The best ka talaga munchkin"

"The best ka rin para sakin muffin"


(^_^)


***


Holding hands lang kaming dalawa habang nagdadrive siya pauwi.

Masaya ako kasi napasaya ko siya kahit natalo sila.

Hindi naman kasi mahalaga para sakin kung manalo sila sa competition na yun.


"Oh pano, bukas na lang ulit" I said, smiling at him.

He squeezed my hand pero di niya ni-let go yung kamay ko.


"Can I stay at your house tonight?"

"Bakit?"

"Wala lang. Gusto ko lang kayakap kitang matulog"


Umiling ako. "Ayoko. Andyan si papa mamaya"

"Papayag yun, ako bahala"


"Nyeh, wag na. Pagod din ako, for sure plakda ako mamaya. Madaganan pa kita sa pagtulog ko hehe"

"Okay lang, bilis na"


I shook my head. "Gino, wag ka na makulit ha. Nakakahiya kay papa tsaka magkasama na rin naman tayo magdamag"


He looked sad pero ngumiti din. "Okay. Basta manunuod ka sa preliminary game ko bukas"


"Of course. Goodnight"

I smiled at him and he kisses my cheek. "Goodnight, matulog ka ng mahimibing"

"I'll dream of you" Biro ko.

"Please do"


Bumaba na ko ng kotse at pumasok na sa loob.


Wala pa daw si Joyce. Ang alam ko nanuod siya ng battle of the bands kanina.

Pero gumala pa siguro kasama ng mga classmates niya.


Si Dindi naman, tulog na. Si Ella, nanunuod ng TV kasama si Mama.

Pagkakwento ko sa kanila na natalo nga sila Gino, umakyat na rin ako.


Pagod na rin kasi ako sa maghapong activities sa school.

Nagpalit na ko ng damit at inopen muna ang laptop ko.

Magfacebook muna ako saglit. Hehe.


*Bling*


AgentYellow: Nay, gising pa! Tsk tsk.


Napangiti ako ng sobra!

Ang tagal na naming di nagchachat!


Naalala ko yung Gerald-Ela moments dati.

Yung mga panahong di pa namin alam na kami pala yung magkachat.

Awieee!


BossPrincess: Ito naman, saglit lang.

AgentYellow: Wag magpupuyat ha! Haha

BossPrincess: Eh ikaw? Bakit ka online?

AgentYellow: Tinitignan ko pictures mo. Cute kasi.

BossPrincess: Stalker! HAHAHA

AgentYellow: Ipiprint ko yung iba, ididikit ko sa sahig. Panakot sa ipis! Wahaha

BossPrincess: Ay ang sama. Grrr!

AgentYellow: Joke lang! HAHA. Sige na, maligo lang ako :*

BossPrincess: Okay! Night night! :*

AgentYellow: Sweet dreams :)


Di na ko nagreply, hahaba pa usapan ng di oras.

Nagfacebook na ko, nagupload na rin ako ng mga pictures kanina.

May mga naglike at nagpaalam kung pwede ba daw nila kunin yung pictures ni Gino.

Di na lang ako nagreply.


Nakakaloka naman! Sa girlfriend pa talaga nagpaalam! Haha.


Nung medyo nabored ako, bigla kong naalala si Gino. Nagsearch tuloy ako sa google.

Kung ano-ano sinearch ko until may isang article na nakapagpakaba sakin.


'Signs your boyfriend is cheating on you'


- He's acting ... differently, but you just can't put your finger on why.

- He starts wondering where you are and who you're around all the time.

- He may start to become extremely sweeter than normal, saying more "I love you's" than normal. Men know that most women only assume they are being cheated on if the affection and flowers stop, thus they assume that over-compensating and over-doing the affection will block out any form of suspicion in your mind that they are cheating.


Hindi ko na tinuloy yung pagbabasa. Napatitig agad ako sa bintana ko, katapat ng bahay nila Gino.

Kita kong bukas pa rin yung ilaw ng kwarto niya.


Hindi kaya...


May babae si Gino?


----------------------------------------


HALA! O____O

Continue Reading

You'll Also Like

107M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
279K 900 2
(Action&Romance) (Completed) Vera's mission is to bear a CEO's kid to gain power and money. What if she bed the wrong guy? On top of that, she slept...
179K 776 4
Also available in Dreame. Former Ways To Break a Bad Boy's Heart Quency Ezrai Santos is not a bad bitch. She just fell in love with the wrong man who...
2.2K 147 42
Sa pagkakataong naghiwalay na ang pusong dating magkatugma, may pag-asa pa kayang muli itong magkita? Ang pagkakamali ay isang bagay na hindi kailanm...