(A/N: Here's the update! :") Hihi. Don't forget to vote and comment! Lovelots! :* Enjoy reading!)
SEVEN'S POV
Naglalakad kami kung saan saan at kumukuha ng picture, kinukuhaan ang mga magagandang tanawin sa lugar na ito, memories din ito no! Kinuha ko din yung DSLR ko na nakatago lang dun sa bag na dala ko, minsan kasi pag umaalis kami ay laging pinapadala to ni Ate para daw reserba.
"Dun tayo oh!" Sabi niya at itinuro ang lugar kung saan marami kang makikitang halaman, may mga iba't ibang kulay ng bulaklak at inaalagaan talaga dahil magaganda ito at maaliwalas sa mata.
Sumunod naman ako sa kanya't kinukuhaan ang mga bulaklak, inaamoy niya din ito at pagkatapos ay ngingiti siya, napapangiti din ako dahil alam kong nage-enioy siya sa mga ginagawa niya.
Binuksan ko naman ang DSLR at itinapat sa kanya, kasalukuyan niyang hawak ng isang bulaklak at nakangiti...
*Click!*
Pinicturan ko siya at ang ganda ganda niya, di naman niya napapansin dahil abala siya dun sa pagkukuha ng bulaklak.
Patuloy ang pagkuh ko sa kanya ng mg picture ng patago. ^______^
Umikot pa kami hanggang sa makaramdam kami ng gutom at bumalik dun sa lugar namin.
"Oh? Saan kayo galing?" Bungad sa'min ni Chard habang nagluluto sila ng Kaldereta ni Myca.
"Diyan lang nagikot-ikot." Sabi ko at umupo dun sa isang upuan, kinuhaan ko naman si Deb ng upuan para dun siya umupo.
"Matatapos na to, kain daw muna tayo bago magswimming." Sabi ni Myca habang nagluluto.
"Nasaan na pala yung iba?" Tanong ni Deb, napansin ko ding wala nga sila at sila Myca na lang ang nandito.
"Nandun sa loob, kumuha sila ng mga upuan e. Kase kulang daw yung mga nandito." Pagpapaliwanag ni Chard at tumango naman na kami.
Tinignan lang namin sila habang nagluluto, maayos na sila hindi gaya ng kanina na nagbabangayan kung paano sisimulan ang pagluluto ng kaldereta. Nakita naman namin sila James na may dala-dala ngang mga upuan.
Tinulungan ko naman silang ayusin yun, tinulungan din kami ng staffs nila. Pagkatapos naming ayusin ay sakto ding tapos nang magluto sila Chard.
Tinawag naman namin sila Deb, at kumain na kami, tawanan at asaran ang namuo sa bawat isa sa amin. May lumapit na staff at sinerve ang main dish.
"Ano yaaaaaan?!" Biglang sigaw ni Deb! Nagula't kami't napatigil sa pagkain.
"Ano yun babe?!" Gulat kong tanong sa kanya at mahahalata mo sa mukha niya at natakot sa nakita niya.
"Yan! Yan!" Duro niya dun sa nasa lamesa't nakitang alimango yun.
"Alimango yan babe.. Nakakain yan.." Sabi ko ng may pag-aalala dahil makikita mo pa ding takot siya sa isinerve nung staff, di ko naman alam kung anong gagawin ko kaya nanatili ang kalmado.
"Hindi ko kakainin yan!"
"Huh? Eh pagkain lang yan babe, di mo kailangang matakot."
"Eh sa nakakatakot siya! Ayoko nang kumain." Sabi niya at tumayo't naglakad papunta dun sa Resthouse. Salubong naman ang kilay kong sinundan siya ng tingin habang naglalakad..
'Anong klase yun?! Takot sa alimango?! Tsk. Nakakahiya!'
'Anong nakakatakot sa alimango?! Tsk. OA ah!' Sabi ko sa isip ko't ipinagpatuloy ang pagkain..
Nahihiya naman ako sa kanila dahil sa ni-react ni Deb.. Ano ba kasing nangyari sa kanya?
Namuo ang katamikan, hanggang matapos kaming kumain. Walang nagsasalita pagkatapos niyang sumigaw at matakot.. Di ko naman alam ang sasabihin ko sa kanila.
"Ah-eh guys.." Pambabasag ng katahimikan ni Chard kaya't napatigil din kami at tumingin sa kanya bago ipinagpatuloy ang pagkain. "Takot siya sa mga hayop na maraming galamay lalo na sa pagkain.. Di ko alam kung may Phobia na ganun pero bata pa lang kami ayaw niyang nakakakita ng pagkain na madaming galamay depende kung nakahimay na yun.." Pagpapaliwanag niya na nanlaki pa ang mata ko sa nalaman ko't nasamid pa ako sa pagkain.
*LUNOK!*
*LUNOK!*
Nakonsensya ako't sunod sunod na paglunok ang nagawa ko dahil iniisip ko na OA lang siya kaya nag-react siya ng ganun, nalungkot naman ako dahil nagawa ko siyang isipan ng ganun dahil lang sa nakita kong reaction niya..
Nakaka-konsensya pang isipin na hindi ko man lang nagawang sundan siya dahil hindi ko naman lang alam na takot pala siya sa mga hayop at pagkain na ganun.
'Sorry babe.. Sorry.. Di ko naman alam na takot ka sa ganon..'
'Ang tanga mo naman seven! Ba't di mo alam na takot siya dun! Tsk!'
"Hala! Tapos wala pang sumunod sa atin.." Nakokonsensya ding sabi ni Myca habang kumakain, na mas lalong nagpalala ng nararamdaman kong gulit dahil 'di ko man ng siya sinundan.
"Mag-sorry kaya tayo?" Suhestiyon naman ni James.
"Hindi yun galit.. Wag kayong mag-alala. Ayaw niya lang talaga ng may nakikitang ganun lalo na kapag pagkain.." Pagpapagaan ng nararamdaman naming sabi ni Roxanne at medyo nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinabi niyang yun pero nananatili akong kabado dahil dapat alam ko yun ngunit 'di ko man lang nagawang alamin.
'Sa inyo.. Pero paano sa akin e mukhang may hindi pa ako nasabing maganda sa kanya.'
Hindi ko alam kung anong gagawin ko kaya napabuntong hininga na lang ako dahil lahat din kami apektado sa nireact niya, nag-isip naman ako ng kung anong pwede kong gawin ngayon.
"Guys. Sundan ko lang si Deb.. Baka nagtampo din sa akin yun e." Sabi ko't tumayo na sa upuan ko.
"Sige, sabihin mo din dre sorry kung di namin alam na takot siya sa pagkaing ganun." Sabi ni Kyle at ngumiti sa akin, ngumiti naman ako sa kanya't naglakad papunta ng resthouse.
Kinakabahan pa akong kumatok dahil baka galit ng siya sa akin at 'di ko alam ang sasabihin niya dahil hindi ko pa naman siya nakikitang magalit maliban lang nung napagdiskitahan siya..
*Tok! Tok!*
"Pasok." Maikling sabi niya't pumasok naman ako.
Naka-upo siya't nakatingin lang dun sa salamin.. Nilapitan ko naman siya pero nararamdaman ko ang pangangatog ng mga tuhod ko papalapit sa kanya, pakiramdam ko ang layo-layo niya sa akin...
"B-babe." Utal na tawag ko sa kanya't umupo sa harap niya.
Tumingin naman siya sakin at nagsalita. "Sorry." Sabi niya't makikita mo ang pamumuo ng mga butil ng luha sa gilid ng mata niya at agad ko itong pinahid. "S-sorry kasi ganun ang ni-react ko.. Alam ko namang mali ako e."
Ngumiti naman ako sa kanya't inilagay sa gilid ng tenga niya ng mga buhok na nakatabin sa mukha niya. "Babe.. Ako dapat ang mag-sorry. Kasi dapat inalam ko na takot ka pala dun, kung di pa sinabi ni Chard hindi ko malalaman na takot ka pala sa ganun." Sabi ko't bumuntong hininga pa, hinawakan ko siya sa kamay at pinaramdam na okay lang yun. "Humihingi nga din pala sila ng sorry. Kasi di ka man lang daw nila sinundan." Sabi ko muli at ngumiti sa kanya.
Pinahid naman niya ang mga mga luha niya sa mata at ngumiti. "Magso-sorry din ako sa kanila, mali din naman kasi yung nireact ko."
"Babe.. Okay lang yun. Sorry talaga ah? Alam mo kasi.. Inisip kong OA ka.. Kaya di rin kita sinundan." Nanlulumo kong sabi dahil baka magalit talaga siya sa akin dahil sa naisip ko.
"Buti sinabi mo sa akin, akala ko nga magagalit ka e. Hahahaha! Sorry din. Thank you babe." Sabi niya't napagitla pa ako sa narinig ko...
'Babe..'
'Babe..'
'Babe..'
'Babe..'
Napangiti ako ng sobra! Ang sarap pakinggan sa tenga na tinawag niya akong babe! Ang bading 'man pero nakakatuwa.
"B-babe.. Tinawag mo talaga ako gamit ng endearment natin?" Nakangiti kong sabi sa kanya at pinaglaruan ang mga kamay niya pero nananatili akong nakaupo sa harap niya.
"Oo.. Babe." Sabi niya muli. Aaminin ko na kinilig ako dun, kalalaki kong tao pero kapag gumagawa siya ng mga bagay bagay na di ko inaasahan, natutuwa at kinikilig ako.
'Tsk! Tsk! Tsk! Babe.. Hahaha! Ang sarap pakinggan sa tenga.. ^______^'
Niyakap ko siya't yumakap din siya sa akin, amoy na amoy ko ang buhok niya't hinawakan ko iyon, bumitaw ako't hinalikan siya sa noo.
"Wag mo na akong tawaging seven ah! Gusto ko babe!" Sabi ko sa kanya't nanlaki ang mga mata niya.
"Ano?!"
"Babe na ang itatawag mo sa akin.."
"Ha? Eh paano sa campus?"
"Babe pa din."
"Kahit na sumigaw ako?"
"Bahala kana dun, alam mo naman bawal PDA sa school. Haha! Pero school tournament naman next week kay babe muna ang itatawag mo sa akin. Okay?"
"Ah-- eh-- osige." Sabi niya't ngumiti.
Lumabas naman kami't nakangiti silang inaantay kami habang inaayos yung mga pinagkainan namin kanina..
"Hey guys!" Tawag ko sa kanila't lumapit kami.
"Uy! Deb.. Sorry." Sabi nila habang naglilinis.
"Ayos lang yun, sorry nga din pala sa nireact ko kanina.." Hinging tawad din ni Deb na sinuklian naman nila ng ngiti.
"Tara! Swimming na tayo! Hahaha!" Yaya ni Kyle at sumunod naman kami sa kanya ngunit papalapit na ako dun sa dagat ng biglang hawakan ni Deb ang kamay ko, kaya napatingin ako sa kanya.
"Bakit babe?" Tanong ko sa kanya.
"Mamaya kana mag-swimming." Sabi niya.
"Bakit? Ayaw mo ba?"
"Hindi.. Tignan mo kasi oh." Sabay duro niya sa harap, maganda ang tanawin at kahit mainit ang lupa ay mararamdaman mo ang ihip ng hangin di ganun kainitan sa mga balat mo.
"Maganda nga.." Yun na lamang ang nasabi ko't inakbayan siya.
Pero lumipas ang ilang minuto ay nagyaya na din siyang magswimming, ngunit mas pinauna na niya ako, sumunod naman ako't lumusong na sa dagat.
"Dre.. Tingin ka sa likod mo.." Pabulong na sabi ni Gab na nakangiti pa ng nakakaloko't napatingin naman ako.
Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko at mapanganga pa...
O_O
O_o
o_O
O_O
Hinubad niya ng nakapatong sa katawan niya at... At... ANG GANDA NIYA! Makikita mo ang kurba ng kanyang katawan, maputi ang kanyang katawan at nasisinagan pa siya ng araw kaya para siyang kumikinang..
'Ang ganda-ganda niya..'
Yun na lamang nasabi ko sa isip ko't ngumiti. Idagdag mo pa ang pagtali niya sa kanyang buhok na makikita mo ang batok niya.
*LUNOK!*
*LUNOK!*
Nilapitan ko siya't tumingin sa paligid ko ang daming nakatingin sa kanya't malamang nagagandahan! Inis ko naman silang tinignan at sabay nun ang pagtingin ko kay Deb.
"What?" Inosente niyang tanong.
"I told you.. Many guys will look at you when you wear that one. Psh." Sabi ko't ngumuso pa sa kanya.
"Don't mind them.. I'm yours you know." Sabi niya't nginitian at hinawakan ang pisngi ko't pinisil iyon. Nakaramdam naman ako ng di maipaliwanag na kuryente ng hawakan niya ang pisngi ko.
Napatitig ako sa kanya't hindi ko maipaliwnag ang ekspresyon ng aking mukha.
"Hey. What happened? Let's go?" Sabi niya't inilahad ang kamay niya.
"Tsk! Tsk! Tsk! Babe.. Sabihin mo lang kung gusto mong hawakan ang kamay ko.. Willing naman akong ibigay sayo.. Hahaha!" Sabay hawak sa kamay niya.
"Asa ka." Sabi niya't inirapan pa ako, nginitian ko naman siya at mas lalong hinawakan ng mahigpit ang kamay niya't ganun din siya.
Basaan doon! Basaan diyan! Para kaming mga bata na nagtatampisaw sa dagat. Bumabalik ang mga childhood memories namin.
"Ang ganda ng bestfriend ko no? Hihi!" Biglang sulpot ni Roxanne at napatingin naman ako sa kanya. "Aminin mo na, tulo laway ka pa nga diyan nung nakita mo siya e! Hahahaha!" Pagpapatuloy niya.
"Manahimik ka nga! Anong pinagsasabi mong tulo laway ka diyan?!" Singhal ko sa kanya't tumingin kay deb. "Sobrang ganda niya.. Sobra." Sabi ko't ngumingiti pa.
"Mas maganda pa siya dun sa ex mo?" Bigla niyang tanong, napaatras naman ako bigla sa kanya. "Ano?! Ang tagal mo naman sumagot!"
'Kilala niya kaya ang ex ko?'
"Mas maganda siya dun no! Pakiramdam ko nga siya ang pinakamagandang babaeng nakita ko sa buong buhay ko!" Buong sinseridad kong sagot sa kanya.
"Mabuti naman.. Kilala ko na ata siya e. Haha! Akalain mo yun pinagpalit ka!" sabi niya't pinalo pa ako!
"Tanga niya e, mahal na mahal ko pa naman yun tas pinagpalit lang ako!"
"Eh kanino ka nga ba niya pinagpalit?"
"Malapit siya na tao sa akin e."
"Oh?! Grabe naman yun. Sino yaaaan?"
'sasabihin ko ba? Wala naman aigurong masama dahil ex ko siya't wala naman akong nararamdaman sa kanya.'
"Si Br-----" Putol kong sabi ng biglang magsalita si James.
"Tara! Laro tayo!" yaya niya't doon na namin naituon ang atensyon namin ni Roxanne.
"TARA!" Sagot naman naming lahat na gusto din naming maglaro.
"Maghanap na kayo ng kapartner niyo! Bilis!" Sabi niya't hinila niya bigla si Roxanne at ngumiti sa akin.
"Deb, partner tayo." Yaya ko sa kanya, tumango naman siya, hinawakan ko ang mga kamay niya sa ilalim ng tubig at nilaro ko muli iyon.
Nakinig naman kami sa instruction ni James para dun sa gagawin naming game, may prize din daw para exciting..
Sino kaya ang mananalo?
Ano rin kaya yung prize?
MYCA'S POV
Lahat sila may partner na, ako na lang ang wala. Huhu. Grabe ito talaga yung ayaw ko na moment e! Tsk, nakaupo lang dun ako habang pinapanood sila. Psh! Umaasa pa naman akong yayayain ako ni Chard tapos hindi naman pala! Tsk. Anak ng putspa! Bwiset.
'Wag ka kasing umasa Myca ng hindi masakit.'
Nakanguso akong nakatingin sa kanila, dahil naiinggit talaga ako, magkakasama silang couples sa pool samantalang ako nakaupo lang at naka-kalumbaba.
Hayyyyyy! :(
"Myca. Gusto mo sumali?" Biglang sabi ng isang tinig na alam kong sa kanya nanggaling, tumaas naman ang mga balahibo ko at biglang kumabog ng mabilis ang puso ko.
*Dug! Dug! Dug! Dug! Dug! Dug! Dug! Dug! Dug! Dug! Dug! Dug! Dug! Dug! Dug! Dug! Dug! Dug! Dug! Dug! Dug! Dug! Dug! Dug! Dug! Dug! Dug! Dug! Dug! Dug! Dug!*
Parang sasabog yung puso ko at gusto nitong kumawala! 'di ko alam kung anong irereact ko! Waaaaaaaaah! Sobrang bilis na pakiramdam ko'y hindi na ako makahinga.
"H-ha?" Wala sa wisyo kong sagot sa kanya na halatang kinakabahan pa.
"Ah-- eh, s-sabi ko gusto mo bang sumali tayo dun?" Tanong niya muli na parang ayaw kong maniwala sa mga naririnig ko, pinipigilan ko yung kilig na nararamdaman ko.
'Hihihi! Ano ba yan! Yayayain pala akooo! Kyaaaaaaaaah! Oh my god! Breath in, breath out!'
"Sige, okay lang ba sayo?" Pormal kong sagot sa kanya para mapigilan ang kilig na nararamdaman ko.
"Oo naman, tara?" Sabi niya't inilahad yung kamay niya sa akin at napatingin naman ako dun.
*Dug! Dug! Dug! Dug! Dug! Dug! Dug! Dug! Dug! Dug! Dug! Dug! Dug! Dug! Dug! Dug! Dug! Dug! Dug! Dug! Dug! Dug! Dug! Dug! Dug! Dug! Dug! Dug! Dug! Dug! Dug! Dug! Dug!*
Nanatili akong nakatingin dun at hindi pa din tinatanggap ng utak ko yung mga nangyayari, biglang gumalaw ang kamay ko't inilapat ito sa palad niya, mainit at malambot ito.
'Sana lagi ko na lang hawak ang kamay mo, sana ako na lang yung minahal mo kasi mahal na kita e.'
Lumapit naman kami dun at nakatingim lang sila sa amin at may mga nakakalokong tingin.
*Ehem! Ehem!*
"Iba kana dre.. Pahawak-hawak agad ng kamay. Hahaha!" Pang-aasar ni James sa amin at pakiramdan ko'y namumula na ako.
"Hanggang ngayon magkahawak pa din?" Biglang sabi ni Seven at dahil dun napatingin naman ako sa kamay ko't magkahawak nga kami! 'Di ko din napansin ito, at sabay kaming napabitaw sa isa't isa, at umiwas ng tingin.
'Panira naman to! Psh. Sayang naman yung moment. :('
"So guys! Ganito ang gagawin natin, bubuhatin niyo ang mga girls, alam niyo naman na siguro yung water wrestling diba? Yun ang laro natin! Ang matira, as i said may prize and for those na matatalo may next time pa. Hahaha!" Pagpapaliwanag niya't nagsimula na kaming buhatin yung mga babae.
'Grabe, di naman siguro ako mabigat diba?'
"Paano mo nakabubuhat e hindi naman to parang swimming pool?" Tanong ko sa kanya dahil wala naman talaga akong papatungan para mabuhat niya ako.
Inirapan naman niya ako't bumuntong hininga pa! "Sisisid ako pailalim malalim lalim naman to kaya malamang maaabot mo yung likod ko. Sumakay ka na lang okay?"
"Paano pag nalaglag ako diyan?! Psh." Singhal ko naman sa kanya.
"Iingatan kita. Trust me." Sabi niya't natigilan naman ako at kumabog na naman ang puso ko..
'Iingatan kita. Trust me...'
'Iingatan kita. Trust me...'
'Iingatan kita. Trust me...'
'Iingatan kita. Trust me...'
'Iingatan kita. Trust me...'
"S-sige." Ginawa naman niya ang sinabi niya at sakto din naman na kakaakyat lang din nila naglakad naman papalapit si Chard sa kanila.
"Game! Let's start this!" Sigaw ni James at nagtulakan na!
Nagngitian pa kami bago namin simulan at nagtulakan.
"HAHAHAHA!" Tawanan namin ng biglang matumba ni Anne si Natasha, ngumuso naman ito sa kanya't nagcheer na lang.
"GO ANNE! WOOOOOOOOH! Grabe ka! Ang taba moooo! WAHAHAHA." Pang-aasar ni Natasha at inirapan naman niya si Anne.
Nagpatuloy sa tulakan at pakiramdam ko ay bigla akong maa-out of balance!
"Waaaaaaah! Malalaglag akooo!" Sigaw ko dahil gumegewang na yung katawan ko.
"Aray! Masakit! Wag kang manabunot!" Sabi niya't hinawakan ang mga binti ko ng mahigpit. "Trust me okay? Di ka malalaglag kung di mo din ibabalance ang katawan mo." Sabi niya.
*BOOOOOOOOOOOOOGSH!*
Nalaglag si Roxanne ng itulak siya ni Deb at ngumuso naman siya, pero ngumiti din. Tatlo na lang kami't nagtulakan ng nagtulakan, nagkindatan naman kami ni Deb na si anne ang ilaglag. Hahaha!
"WHAT?! Ba't akoooo?! Ang daya niyo namaaan! Hon! Ako yung target!" Sigaw ni Anne at ngumiti lang si Kyle.
Tinulak tulak naman namin siya at gaya nga ng inaasahan nalaglag siya!
"WAHAHAHAHA! Wala ka pala e!" Pang-aasar namin sa kanya ni Deb at dinilaan siya.
"Psh! Go Mycaaaaaaaa!" Sigaw naman ni Anne.
"Go Deb! Woooooooh!" Sigaw naman ni Roxanne.
Tulakan diyan!
Tulak!
Tulaaaaaak!
"WAHAHAHAHA! Kaya mo pa be?" Ngiting nakakaloko ni Deb sa akin.
"Oo naman, ako pa?" Sagot ko naman sa kanya, bigla naman akong napatingin kay Seven na kasalukuyang nag-uusap sila ni Chard pero 'di ko marinig dahil sa sigawan ng mga kasama namin.
Tulak!
Tulak!
Tulak!
*BOOOOOOOOOOOOGSH!*
Nalaglag kaming pareho! Ngunit biglang namulikat ang mga paa ko't nakaramdam ng matinding sakit!
'Aghhhhh! Fuck this! Ang sakiiit!'
Kasalukuyan kaming nasa malalim na parte kami ng dagat pero alam ko namang lulutang ako! Ngunit hindi ko maigalaw ang mga paa ko sa sobrang sakit, pinipilit kong i-ahon ang sarili ko ngunit sobrang sakit pa din ng mga paa ko.
"Tu----*Huk!* long!" Sigaw ko ngunit alam kong hindi nila maririnig dahil nasa ilalim ako ng tubig at sila'y nasa ibabaw naman, akala nila siguro sumisisid ako!
'Waaaaaaaaah! Ayoko pang mamatay, mahal ko pa si Chard!'
Sa pilit kong pag-ahon sa sarili ko'y 'di ko naman inaasahan na pati ang isang paa ko din ay mamumulikat!
Ughhhhh! Sobrang sakit!
Di ko makayanan ang sakit at alam kong nauubusan na ako ng hangin!
Pinilit kong itaas at sumigaw!
"TULONGGGGGG! AHHHHHHHH!" Sigaw ko't muling lumubog sa tubig at mas napalitan ng sakit ang pamumulikat ng paa ko!
Ngunit, hindi na ako nakahinga't nakalunok ng tubig mula sa dagat, naramdaman ko naman na biglang may humawak sa bewang ko, biglang nawala lahat ng nakikita ko't napalitan ng itim na paligid...
CHARD'S POV
Pagkalaglag ni Deb at Myca ay napahiga din kami ni Seven ngunit agad kaming naka-ahon.
Naka-ahon na din si Deb, ngunit inaantay ko si Myca ay wala pa din siya..
'Baka sumisisid lang sa baba, aantayin ko na lang.'
Nanatili akong nandoon at inaantay ang pag-ahon niya, pero ilang segundo na ngunit di pa din siya umaahon..
Nakaramdam ako ng biglang pagkabog ng puso ko't hindi ko maipaliwanag kung saan nanggagaling yung pagkabog nito.
'Bakit.. Parang kinakabahan ako?'
"Uy dre! Nasaan si Myca?" Tanong ni Gab sa akin.
"Nasa ilalim pa ata dre e, sumisisid. Alam mo naman yung babaeng yun ang hilig sumisid." Sagot ko naman sa kanya kasabay ng patuloy pa din na pagkabog ng puso ko.
*Dug! Dug! Dug! Dug! Dug! Dug! Dug! Dug! Dug! Dug! Dug! Dug! Dug! Dug! Dug! Dug! Dug! Dug! Dug! Dug! Dug! Dug! Dug! Dug! Dug! Dug! Dug!*
Nag-antay naman ako ng ilang sandali ngunit wala pa din siya, ba't antagal?
"Chard! Si myca?" Tanong naman ni Deb sa akin.
"Di pa din umaahon e. Baka sumisisid pa din."
"Antagal naman?"
"Ewan ko, baka sumisid pa nga."
"Sige, sabihin mo nandun lang kami ah! Dito muna kayong mga lalaki! ^_____^" Sabi niya't lumangoy na papunta dun sa kabilang parte ng dagat.
"TULONGGGGGG! AHHHHHHHH!" Isang sigaw na alam na alam ko kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon.. At alam kong kay Myca yun!
'Bullshit! What happened?!'
Napatingin naman kaming mga lalaki dun sa babaeng sumigaw, agad naman akong kumilos at sumisid sa ikalaliman ng dagat, pagkakita ko'y nakahawak siya sa kanyang paa't pinipilit na makaahon!
'Wag ka lang mawawalan ng hininga, malapit na ako..'
Agad ko namang sinunggaban ang bewang niya't nilangoy siya pa-ahon ng tubig! Nang marating namin ang parteng lupa ng dagat ay tinakbo ko siya sa isang parte at nakita siyang walang malay!
'Hold-on... Hold-on please..'
"Myca! Myca! Myca!" Sigaw ko sa kanya ngunit wala na talaga siyang malay! Mas mabilis na kumabog ang puso ko dahil baka may mangyaring masama sa kanya..
"Dre! I pump mo na!" Sabi ni Kyle sa akin, agad agad ko namang ginawa ang sinabi niya't pinump sa bandang puso si Myca, ngunit walang nagiging response ang katawan niya...
Lumapit naman sila Seven sa akin tinapik tapik ako upang kumalma pero hindi ko magawa!
"Merong pulso peo mabagal ang tibok, no choice! I-Mouth to mouth resuscitation mo na siya!" Sabi ni Kyle na nagulat pa ako't nakatingin siya sa akin!
"Kailangan ako talaga?!" Gulat kong tanong at dinuro ko pa ang sarili ko.
"Oo! Wala kang choice! Alangang kami?! Mamamatay siya kapag di mo ginawa yun!" Sabi naman niya't nakonsensya ako dahil baka mamatay siya.. Di ko kaya.. Di pwede...
"What happened?!" Sigaw ng mga babae't lumapit sa amin!
"Ano gagawain mo ba?!" Mataas na tonong tanong sa akin ni Kyle na parang naiinis na.
Nilapitan ko si Myca't hinawakan ang bibig niya't ibinuka iyon si Kyle naman ang bahala sa ilong, kamay at response niya dahil siya lang talaga ang may alam na dapat gawin.
Inilapit ko ang mga labi ko sa kanya't idnampi na iyon! Nakaramdam ako ng kung ano sa dibdib ko na hindi ko maipaliwanag at panginginig ng katawan ko!
Binugahan ko ito ng hangin para nakalabas ang tubig na ininom niya't pinump muli siya, ngunit wala pa ding response 'di ko alam, ngunit parang maiiyak na ako sa nakikita ko! Di ako sanay na makita siyang ganun!
'Myca... Wake up please..'
"Ulitin mo pa bilis!" Utos ulit ni Kyle at inulit ko naman ang ginawa ko ng ilang beses at parang nawawalan na ako ng pag-asa ngunit biglang umubo si Myca't nabuhayan ako ng loob!
'Thankyou...'
Ngumiti ako ng malapad ng makita kong naimulat na niya ang kanyang mga mata ngunit patuloy pa din ang pag-ubo niya.. Nilapitan ko siya't niyakap ng mahigpit!
"Ano bang ginagawa mo! Alam mo ba kung gaano ako kinabahan sayo?! Halos maghisterikal at umiyak na ako sa sobrang kaba na baka may mangyari sayo!" Sabi ko habang nakayakap pa din sa kanya, yumakap naman siya at naramdaman ang haplos niya sa likod ko. "Buti na lang alam ni Kyle yung possible ways incase of this! Tsk. Akala ko mawawala kana!" Sabi ko muli't hinawakan ko ang braso niya't iniharap siya sa akin.
Gulat naman siya at ngumiti sa akin bago nagsalita. "Sorry kung pinag-alala kita." maluha-luha niyang sabi. "Akala ko, wala ng magliligtas sa akin kanina. Thank you." Sabi niyang muli at tumulo na ang mga luha niya.
'Hay.. Ano bang nangyayari sa akin? Ba't parang nagiging iba na yung nararamdaman ko? Hindi ko maipaliwanag...'
"Nandito lang ako lagi.. Tsk! Mag-ingat ka sa susunod okay? Pinag-alala mo ako ng sobra!" Buong pag-aalala kong sabi bigla namang kumilos ang mga kamay ko't niyakap siyang muli. Nakaramdam ako ng kaluwagan sa dibdib ko't nakahinga ng maluwag dahil okay na siya.
'Thank God.'
"Waaaaaaah! Myca! Okay ka na ba?" Nag-aalalang salubong ni Roxanne at may dalang Bath robe.
"Oo, ang galing nung life savior ko e!" Nakangiting sagot ni Myca at sumulyap pa sa akin.
"Ayieee. Hihihi! Eto oh, bath-robe!" Sabi niya't inabot kay Myca ang tuwalya at Bath robe, pinunasan naman niya ang buhok niya't isinuot ang robe.
"Grabe! Di na ako lalangoy sa mga parte ng dagat na ganyan! Nakamamatay! HAHAHAHA!" Pagjo-joke pa ni Myca na akala mo'y walang nangyari't nakakatawa ng muli.
"Grabe nga e! Nag-alala kami ng sobra sayo!" Sabi naman ni Anne.
"Oo nga. Akala namin may mangyayari na sayo, buti na lang nandyan yung boys. Haha!" sabi naman ni natasha.
"Di ko nga alam kung anong irereact ko kanina e, di ko alam kung anong pwede kong gawin para masave ka lang.." Sagot naman ni Deb na nagsuot na din ng kanya-kanya nilang robe.
"Anong oras na pala?" Tanong naman ni James.
"4:00 na!" Sagot naman ni Seven at kinuha ang relos niya.
"Oh? Ang bilis naman ng oras?" Sagot ko naman dahil parang kanina ay kumain lang kami at hapon na pala.
"Gusto niyo pa ba magswimming mamayang gabi?" Tanong ni Kyle sa amin.
"Depende, kaso malamig na e. Tsaka uuwi pa tayo ng manila diba?" sagot ni Deb sa kanya't tumango naman kami bilang pagsang-ayon sa kanya.
'Oo nga pala! Nakalimutan kong may laro pala kami bukas. Tsk.'
"Oo nga pala! Nawala sa isip ko, sorry." sabi naman ni Kyle at umiling iling pa. "Mga, 8 uuwi na tayo. Maligo na tayo then, mag-bonfire tayo mamayang 6! Haha!" Suggestion niya at maganda nga ito, bonfire din sakto malamig kapag gabi dito.
"Sige ba!" Sabi naman namin at nalakad na papunta sa mga kwarto namin, nanuna na silang maligo at sinabi ko namang huli na lang ako dahil may titignan pa ako.
'Myca.. Anong ginawa mo sa akin? Ba't parang nagugustuhan na kita?'
Pilit kong itinatanggi, pinipilit kong isinasa-walang bahala dahil baka mali naman ang naiisip ko't nararamdaman ko.. Pero kanina parang iba na ang nararamdaman ko.. Napahawak naman ako sa dibdib ko't naramdaman ko na naman ang abilis na kabog nito... Nagugustuhan ko na nga ba siya?
"Uy dre!" Biglang tawag sa akin ni Gab.
"Oh?"
"sino naman yang iniisip mo?"
"Anong sino? Pag nagiisip sino agad?!"
"Edi ano na lang yang iniisip mo?"
"W-wala naman.."
"Wala daw! Ang pangit mo magsinungaling dre! Kadiri ka! Hahaha! Malay mo makatulong ako sa pagpapa-realize sayo ng mga bagay-bagay!"
Bumuntong hininga muna ako bago magsimulang magsalita. "Di ko alam dre, di ko din alam sa sarili ko kung nagugustuhan ko na nga ba siya o baka guni-guni ko lang to." Naguguluhan na kwento ko.
Ngumisi pa siya bago sumagot. "Tsk! Tsk! Tsk! Matagal na naming alam! Ikaw lang ang walang alam?! Anong klaseng utak dre ang meron ka?" Pagsigaw pa niya sa akin. "Nagugustuhan mo na siya, ayaw mo lang tanggapin sa sarili mo dahil pakiramdam mo at inaakala mo ay may gusto ka pa din kay Deb." Nanlaki naman ako ng banggitin niya ang pangalan ni Deb at nakaramdam ng pagkagulat at pagkakagulo ng utak ko kung paano niya nalaman.
'Paano niya nalaman?! Si roxanne lang naman ang may alam at si myca eh!'
"P-paano m-mo n-nalaman?" Utal-utal na tanong ko sa kanya.
"Kilos mo pa lang dre dati alam ko nang may gusto ka sa kanya, pero ayaw ko pang maniwala dahil wala naman akong pruweba, pero naalala mo yung araw na pumasok si Deb at nakita mo kung paano siya sinalubong ni seven? Yung mukha mo nun di mo alam kung iiyak, magagalit, masasaktan, halo-halo yung emosyon mo nun. At dun ko napatunayan na may gusto ka sa kanya." Pagpapaliwanag naman niya sa akin.
"Kinakalimutan ko na yung nararamdaman ko sa kanya, oo masakit pero 'di na ganun kasakit gaya ng dati."
"Oo, dahil si Myca na ang gusto mo. Malamang nung mga panahon na akala mo may gusto ka kay Deb? Si Myca na pala ang gusto mo, lahat ng bagay pwedeng magbago sa isang iglap miski nararamdaman mo ay pwedeng magbago. Dre, wag mong ipagpilitan ang mga bagay bagay, at hayaan mo yung sarili mong mainlove at magkagusto sa kanya." Sabi niya at natauhan naman ako't nakapag-isipisip.
'Ganun na nga ba ang mangyayari sa akin?'
"Bahala ka dre, baka magsisi ka sa huli. Sige tapos na si kyle, maliligo na ako." Sabi niya't tinapik muna ako bago umalis at pumunta ng banyo. Napasandal naman ako dun sa upuan at nag-isipisip.
'Tama nga ba siya! Gusto ko na nga ba si myca? At hindi na na si Deb? Hahaayaan ko nga ba ang sarili kong mainlove at 'wag pigilan ang nararamdaman ko?'
SEVEN'S POV
Pagkatapos kong maligo ay pumunta ko sa kabilang kwarto kung saan nandun ang kwarto ng mga babae, dadaan ko si deb dahil gusto kong sabay naming mapanood ang sunset! Hahaha! ^___^
Ang sweet ko diba? Ngayon lang din naman e, sinabihan ko naman siyang bilisan niyang maligo kaya malamang tapos na yun, malapit na din dahil 5 o'clock na din naman.
*Tok! Tok! Tok!*
Binuksan naman ito ni Roxanne na nakasuot na ng pambahay, at ngumiti sa akin.
"Nasaan si Deb?" tanong ko sa kanya.
"Nandito, wait ka lang nagsusuklay e. Haha! Saan ang punta niyo?" Tanong naman niya sa'kin.
"Manonood kaming sunset maganda yun panigurado. Haha! Kayo wala ba kayong balak manood?"
"Wala. Haha! Di naman ako niyaya ni James e. Ang sweet mo naman. Yieee. Hihihi." Kinikilig na sagot naman niya sa akin. "Infernes ah, hindi ka man lang nangitim." Pagpupuri niya sa akin.
"Ewan ko, ganyan talaga ako e. Ikaw din naman hindi umitim e."
"Mas lalo naman si deb, walang nagbago sa kulay nun maputi pa din. Haha!"
"Hahaha! Kahit naman magiba pa ang kulay niya gusto ko pa din siya."
Bigla namang sumulpot si Deb at nakashorts siya't nakat-shirt ng Red na bagay talaga sa kanya, maaamoy mo ang pabango niya na masarap sa ilong at wala nga talagang nagbago sa kulay niya.
"Tara na babe!" Excited na sabi ko sa kanya dahil maglalakad pa kami papuntang gitna ng dagat. "Alis na kami roxanne!" Pagpapaalam ko naman kay Roxanne at ngumiti naman siya sa akin.
Hinawakan ko ang mga kamay niya at kinapit naman niya ang kanyang kamay sa palad ko, nagpatuloy kaming ganun palabas ng resthouse ng walang nagsasalita.
"Saan ba tayo pupunta?" Tanong niya sa akin.
"I'm sure, magugustuhan mo dun. Swear. ^_____^" Sagot ko naman sa kanya't nagpatuloy sa paglalakad.
"Babe..." Tawag niya sa akin at napangiti ako, masarap kasing pakinggang sa tenga at nakakatuwa pakinggan kapag nanggagaling sa kanya.
"Yes babe?"
"Ano kayang mangyayari sa School tournament? Kinakabahan ako baka matalo kami..."
"Di natin alam pero alam kong mananalo tayo, makukuha natin ang Championship Award. Haha! Syempre, MVP ata ako! Malay mo babe, maging MVP ka din!"
"Yabang mo!"
"Di ah, gwapo lang talaga! Hahahaha!"
Narating na namin ang gitna ng dagat at nagsisimula na ring lumubog ang araw.
"Babe! Tignan mo." Sabi ko sa kanya't tumingin naman siya dun sa harap at nakita ang sunset, kita mo sa mga mata niya ang pagkamangha.
"Ang ganda.. Eto ba yung sinasabi mo na pupuntahan natin?" Sabi niya't tumingin sa akin.
"Oo, gusto ko kasi kasama kita kapag nanuod tayo ng paglubog ng araw." Sabi ko't tinignan siya, humiga naman kami dun sa gitnang parte.
Nakahiga siya at nakapatong ang ulo niya sa braso ko, may dala naman siyang cellphone ay pinicturan ang view at hinahaplos ko naman ang buhok niya, nakasanayan ko itong gawin sa kanya dahil mabango at malambot ang buhok niya.
"Babe, alam mo ang saya ko ngayon." Paninimula ko.
"Miski ako, sobrang saya ko din ngayong araw na to pero yung nangyari kay Myca hindi e. Bakit naman sobrang saya mo?"
"Kasi syempre, ngayon lang din tayo nagbonding ng buo, tapos kasama pa kita buong araw, nakikita pa lang kasi kita, tuwang tuwa na ako." Sabi ko habang hawak ang isang kamay niya na nilalaro-laro ko pa habang nakatingin sa araw. "You know what babe? You're the best thing I'd ever had, I want to cherish all the moments with you, If I can only give you all my time, I will do it, but I know we still have our priorities. I didn't expect us to be like this, I never thought that I will like you, even though you're so childish sometimes. Haha! But I still like you in behalf of that. I like all the things you have, your personality.. Everything. I wish, were happy always, I really wish that one." Ngumiti pa ako ng matapos ko ang sasabihin ko, pakiramdam ko na may ngumiti siya dahil nakita kong lumiit na naman yung mga mata niya.
"I'm happy also to meet you, I didn't thought that we will be like this, you're the first guy that I accept to do this to me, I'm sorry if I'm that childish sometimes, In my life I didn't experience like this one so I don't know sometimes how to react. I thank God that I met you. You're also the best thing I ever had, and I'll do anything just to make you happy, even though how hard, even if it will hurts me a lot. I thought, this will only happen in Fairytales, in movies but it can also happen in reality. ^______^ Thank you." Sabi niya't pakiramdam ko'y may humaplos sa puso ko ng sinabi niya yun, kumabog ng mabilis ang puso ko ng bigla niyang i-angat ang ulo niya't sobrang lapit na ng mukha namin!
*Dug! Dug! Dug! Dug! Dug! Dug! Dug! Dug! Dug! Dug! Dug! Dug! Dug! Dug! Dug! Dug! Dug! Dug! Dug! Dug! Dug! Dug! Dug! Dug!*
Di ako makakilos at naipako ang tingin ko sa mga mata niya, Breath taking! Kitang kita ko ang mga mata niya na nagniningning, napunta ang tingin ko sa kanyang ilong, matangos ito't mahahalata mo talaga ang nose line, kasabay ng paglubog nang araw ay napatingin ako sa kanyang mga labi, she's having a kissable lips, a rosy lips.
Bigla kong naikilos ang kamay ko't hinawakan ang pisngi niya at nananatli kami sa ganoong posisyon.
'Mali! Mali! Wag mong gagawin yung iniisip mo seven! Huwag! Pigilan mo ang sarili mo! Hindi tama yan, babae siya lalaki ka naman.'
Pinipilit kong gawin ang nas isip ko pero iba ang sinasabi ng katawan ko, para siyang kusang gumagalaw na hindi naayon sa sinasabi ng utak ko!
Patuloy ako sa paghaplos ng pisngi niya pero wala pa din siyang nairereact at parang nagugulat siya sa mga nangyayari.
Hindi kami. Alam ko, kaya nga hindi tama yung ikinikilos ko.
Ngunit nagpatuloy naman ito sa paghawak ko sa baba niya at bahagya ko itong itinaas, inilapit ko ang mukha ko sa kanya't dahan-dahan na lumapit sa kanyang mukha..
Idinampi ko ang mga labi ko sa kanya't kasabay din ng pagdampi ng malalambot niyang labi sa'kin, nakaramdam ako ng kuryente na dumadaloy sa pagitan naming dalawa.
Mabilis na tumibok ang puso ko sa nangyayari, pakiramdam ko'y siya palang ang unang babaeng nahalikan ko, walang galaw na nangyayari ngunit nakadampi pa din ang mga labi namin sa isa't-isa.
Pumikit naman ang mg mata niya't naipikit ko din ang aking mga mata.
*Five*
*Four*
*Three*
*Two*
*One*
Inihiwalay ko ang mga labi ko sa kanya't iminulat ang aking mga mata, nagkatitigan kami ngunit wala miski isa sa amin ang nagsasalita.
Awkward.
Umiwas siya ng tingin at napatingin dun sa araw, konti na lamang ay lulubog na ito at gabi na ang magiging kapalit. Pakiramdam ko'y mali ang ginawa ko, mali talaga! Tsk! Ilang sandali pa ang lumipas at namutawi lamang ang katahimikan sa aming dalawa, nananatili kami sa ganung sitwasyon pero walang lumalabas na salita sa mga labi ko.
'Magsalita ka please?'
Humugot ako ng las nang loob upang makapagsalita. "Hey.. I'm sorry." Sabi ko ng may bahid ng pagkahiya at panlulumo dahil sa nagawa ko sa kanya.
'Ang tanga mo kasi Seven!'
Namuo muna ang katahimikan bago siya sumagot. "Hayaan mo na, nangyari na. Di mo kailangang magsorry dahil di rin naman ako umiwas. Sorry, pakiramdam ko ang cheap kong babae." Sabi niya't ramdam ko ang pagkalungkot niya habang sinasabi ito, ini-angat ko naman ang ulo niya't umupo kami.
Hinawakan ko siya sa balikat at nagsalita. "Babe.. Don't say sorry.. You're pretty.. You're not cheap okay? You're a special girl! Sorry talaga babe, I promise to you that as much as possible, I will not do it again." Sabi ko sa kanya't ngumiti.
"Thank you." sabi niya't niyakap ako, niyakap ko din siya at inilagay ang baba ko sa balikat niya.
"Babe.. Ang lambot ng lips mo." pang-aasar ko sa kanya. "Aaaach! Aray! Ba--Ouch! Masakit!" Sigaw ko ng bigla niya kong pagpapaluin at sinapok ang ulo ko! Napakasadista talaga.
"Ba't mo kasi sinasabi yan! Alam mo bang! Aish!" Sabi niya't tumayo na't nagsimulang naglakad, nakaramdam naman agad ako ng guilt dahil mukhang mali nga talaga ang nasabi ko, pero ang niya kasing asarin. Hahaha! ^_______^
'Wrong timing! Dyahe.'
Agad naman akong tumayo at hinabol siya't niyakap mula sa likod niya't inilagay ang mga kamay ko sa bewang niya, ipinatong ko naman ang baba ko sa balikat niya't itinapat ang bibig ko sa tenga niya't nagsalita. "Sorry na babe."
Pilit naman niyang tinatanggal ang kamay ko sa pagkakapulupot sa bewang niya pero masyado akong malakas. "Tabi kasi! Nilalamon na nga ko ng kahihiyan dahil pumayag agad ako na halikan mo e!" sabi niya't ngumuso pa siya na lalong mas nagpa-cute sa nya.
"Ako naman yun babe. Haha! Atleast hindi iba." Sabi ko't bigla siyang humarap sa akin at aakmang papaluin na naman ako. "Babe! Wag na, masakit na. Di na kita aasarin about that." sabi ko muli at tinitigan siya sa mata.
"tara na, ang bilis ng oras oh! 5:50 na! Magbobonfire pa tayo diba?" Sabi niya.
"Oo nga pala! Nakalimutan ko na!" Sabi ko naman dahil nakalimutan ko nga din na magbobonfire kami.
"Eh?!"
"Ikaw kasi laging laman ng isip ko e! Yan tuloy ikaw na lang lagi ang inaaalala ko." Banat ko, pero napangiwi siya. "Eh?!"
"Ang corny mo. Tss! Tara na!" sabi niya't hinila na ako papunta dun sa lugar kung saan kami magbobonfire, mabilis magdilim at malamig na ang simo'y ng hangin.
"Oh! Nandyan na ang couples!" Bungad ni James samin, kasalukuyan silang nakaupo dun at nakaset na lahat mukhang kami na lang ang inaantay.
"Kayo na no?!" Tanong ni Anne.
Nagulat naman kami't napatingin pa sa isa't isa bago tumawa ng bahagya.
"Hindi pa no! Malapit lapit pa lang. Malay mo isang araw sagutin na ako ni babe. Diba babe?" sabi ko't kinindatan pa siya, ngumuwi naman siya.
"Oo na lang! Hahahahahaha!" Sabi niya't umupo kami dun sa space na natitira.
Kwentuhan, asaran, tawanan at walang humpay na saya ng namuo sa aming lahat sa loob ng dalawang oras. Mabilis na naubos oras at kinakailangan na naming umuwi dahil opening remarks na nang School tournament. Nagbihis naman na kami ng pang-uwi at prinepare ang gamit namin. Wala pa pala kaming picture ni deb! Sayang naman minsan lang din to.
'Another memory, I'll treasure this moment again.'
Dumiretso naman ako sa kwarto nila't pinagbuksan naman ako ni Anne, sinabi ko naman sa kanya't siya na lamang daw ang kukuha, mahilig kasi sa photography to, pero ayaw naman niyang kumuha ng course na malapit dun. -.-
"Babe! Picture tayo!" sabi ko sa kanya't hinila siya sa kama.
"May picture na tayo oh! Ang dami nga e!" Sabi niya't ipinakita yung camera niya, bilang na bilang lang naman yun at di sobrang dami.
"Eh! Bilis na! Tsaka babe para may mapakita din ako kay Mom alam mo naman yun, gustong gusto ka." pangungumbinsi ko sa kanya't pumayag naman siya.
"Closer guys!" sabi ni deb at kita mong zinoo-zoom in yung DSLR.
Inakbayan ko naman si Deb para mas lalo siyang mapalapit sa akin.
"One.. Two.. Three!"
*Click!*
"Ang cute niyong tignan oh! Haha! Bagay na bagay kayo." Sabi ni Natasaha na biglang sumulpot at ipinakita sa kanya ni Anne yung picture na sumunod namang tinignan ni roxanne.
"Oh? Sabi sayo babe e! Bagay talaga tayo!" pang-aasar ko naman sa kanya.
"Tao tayo seven, tao." Sabi niya't ngumiwi naman ako.
'Ba't di niya ako tinawag na babe?! Tsk. Sabagay, baka di naman siya sanay. Ginugulat din ako minsan nito sa mga bagay na ginagawa niya e. Haha!'
Kinuha ko naman ito't sabay naming tinignan ni Deb, parehas kaming nakaputing t-shirt, nakangiti kami dun ng sobrang lapad at magkalapit talaga kami.
Hinalikan ko naman siya sa noo at kinindatan. "Kita na lang tayo sa baba babe. Ako ang maghahatid sayo okay?" Sabi ko't lumabas na ng pinto, tinignan ko naman yung picture naming dalawa.
"Yak! Ang bading mo talaga dre!" Di ko naman namalayan na nandito na pala kami sa kwarto namin at nakaprepare na din sila.
"Manahimik ka!" Sagot ko naman sa kanya.
"Ano bang tinitignan mo diyan? Yung picture niyo ni deb? Hahaha! Ang bading mo dre!" Pangaasar lalo ni James sa akin.
Nakaisip naman ako ng pangganti sa kanya. "Naiinggit nga si roxanne sa amin, sabi nga niya ba't di ka daw sweet kagaya ko e. Yari ka dre, papalya ka pa ata kay Roxanne." Pagsisisnungaling ko't nagulat siya at agad niyang kinuha ang Dslr din niya't pumunta sa kabilang kwarto.
"HAHAHAHAHAHAHA!" Tawanan namin dahil mukha siyang natatae na di mo alam. Haha!
"Mukhang matatae e! Hahahaha!" Sabi ni Gab na sobrang pula na kakatawa.
Bigla namang bumalik si James at nakangiti din. "Bading mo din e."
Bumaba naman na kami pagkatapos naming makuha ang mga gamit namin, pupunta na sana kami ng parking lot ng pigilan kami ni Kyle. "Nga pala! Akin na yang mga keys niyo, yung mga drivers na lang namin ang maghahatid ng mga kotse natin. Tas pinaready ko na yung van, para makapagpahinga na din tayo sa van at makatulog." Sabi niya, sumang-ayon naman kami dahil tama nga naman siya.
Binigay naman namin yung mga keys namin at binigay ang address kung saan ipupunta.
*Bzzzzzk! Bzzzzzk!*
From: Mom.
- Nak, anong oras kayo uuwi? Miss kana ni Mom! Hihi. I love you! Ingat ka! Ingatan mo din si Deb! Mwa!
Sabi niya't napangiti pa ako ng bahagya habang binabasa ito.
To: Mom.
- Were on our way home, may magpapadala ng kotse ko diyan, magava-van daw kami para hindi kami mapagod at makapagpahinga na din. Okay? Don't worry mom, I'll take care of my self, and also Babe. I love you mom.
Sent!
Sumakay na kami dun sa Van at syempre tabi tabi sila Kyle, Anne, Gab, Natasha, James, Roxanne,Myca at Chard.. Syempre sino pa ba ang katabi ko?! Edi si Babe. ^_____^
"Okay na po?" Tanong nung driver.
"Okay na." Sagot namin at nagsimula nang paandarin ang van.
Nakakapagod na araw to,nakita ko namang pumipikit pikit na ng mata si deb, miski ako din naman ay ganun na rin. Isinandal ko naman ang ulo niya sa balikat ko at di na siya nag-react.
Patuloy na tahimik ang byahe hanggang sa makaramdam na din ako ng pagka-antok at nakatulog na.
SEE YOU NEXT WEEK! ^_^
A/N: Waaah! *Kaway-kaway!* Hi guys! 5k reads na siya! Ang sayaaa. ^____^ Thank you sa mga patuloy na nagbabasa! Sorry for typo's incase kung meron man. Wahahahaha! Lovelots! :* *Hugs!* Thank you very much! :*
Follow me in twitter: @Latakatherine
- Theinnocentskater. <3