The Move On

By Yunice03

11.4K 116 10

This story is all about Kara who fell inlove with a guy who left him alone. He had to move on with the help o... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22

Chapter 5

472 6 0
By Yunice03

Kara's pov

Nagising ako nang may humahalik sa buong mukha ko pag kamulat nang mata ko ay nakita ko si khloei na naka ngiti sa akin, answeet naman nang batang toh

"Mommy gising na po!!"

"Hahaha eto na gising na ako Good morning baby ko"

"Good morning din po" sabi nito at kiniss ako sa pisnge

"Ang sweet naman nang baby girl ko"

"Hehehe mommy sabi ni daddy kumain na daw tayo"

"Sige baby mag liligo lang si mommy susunod nalang ako"

"Sige po"

Naligo ako sandali at nag suot nang jacket na color black, shorts at sinuklay ang buhok ko at lumabas na nang kwarto. Pumunta na akong hapagkainan nakita ko si Jackson na nakatutok sa laptop nya at umiinom nang kape samantala si khloei ay hinihintay akong dumating

"Mommy kain na tayo"

"Sige baby"

"Good morning Mommy" bati ni Jackson sa akin bigla kong naalala yung na pag usapan namin na mag papanggap kami na may relasyon sa isat isa

"Go-good morning din Da-daddy"

Kumain na kami ni khloei pagkatapos nun ay pinaasikaso ko muna sa yaya nila at kinausap ko si Jackson

"Dapat pinakain mo muna yung bata bago mo gawin yan"

"Eh urgent na toh"

"Hay naku lagi ka naman ganyan eh kaya pala nag hahanap si khloei nang mommy"

"Pag tatalunan ba natin toh?"

"Ang akin lang naman kasi dapat inasikaso mo muna si khloei kawawa naman oh edi kung hindi pa pala ako dumating di pa kakain yung bata, tingnan mo nga hanggang dito sa hapagkainan dala mo pa yan

"Alam mong busy ako eh, marami akong ginagawa"

"Yan naman kasi palagi palusot mo eh, palagi kang busy" sabi ko at umalis na, pumunta muna akong garden para malibang libang

"Edi tama pala ako kung hindi ako dumating di pa kakain si khloei hayst kawawang bata" habang nag mumuni muni ako ay biglang nag ring yung phone ko kaya agad agad ko itong kinuha

"Si Lindsay, Hello?"

"Uy girl kamusta kana?"

"Eto ayos lang naman"

"Eh yung puso mo kamusta?"

"Hmm medyo humihilom na kasi merong nag papasaya sa akin"

"Teka si Sir bayan? Hahaha"

"Hahahaha sira di sya si khloei"

"Khloei? Andyan sya?"

"Yup ang sweet nga nung bata yun eh"

"Sinabi mo pa, kumusta na sya"

"Eto ayos lang sya pero girl naiinis lang ako kay Jackson"

"Bakit?"

"Pano pa naman pag punta ko dun sa dining area nila nakita ko yung bata na nakatulala samantala sya nakatutok dun sa laptop nya, kung hindi pa ako dumating di pa din kakain yung bata"

"Hayaan mo nalang girl kitang busy yung tao eh"

"Oo nga busy sya pero sana naman pinakain nya muna yung bata"

"May point ka naman girl eh"

"Mommy sino po yan?" nagulat ako nang biglang mag salita si khloei sa likoran ko

"Ah eh si Tita Lindsay mo"

"Can I talk to him Mommy?"

"Sige baby" sabi ko at iniabot ang phone ko sa kanya

"Hello Tita Lindsay?"

"Khloei ikaw na ba yan?"

"Opo tita"

"Kamusta kana khloei, miss na kita"

"Ok lang po ako, miss na rin po kita"

"Ano kamusta makasama si Ate Kara mo?"

"Do you mean si Mommy?"

"Mommy?"

"Opo,maayos lang naman po mabait po sya at magaling kumanta"

"Baby pwede pakausap kay Tita mo?" sabi ko kay khloei

"Teka lang po, Tita kausapin ka daw po ni Mommy" sabi nito at iniabot yung phone sa akin

"Girl tama ba yung narinig ko Mommy? Mommy ka ni khloei?"

"Girl mahabang istorya sabihin ko nalang sayo pag naka balik na kami dyan"

"Sige mukhang mahaba haba yan ah sige bye"

"Bye"

Pinatay ko na yung phone ko at hinarap si khloei

"Anong gusto mong gawin natin ngayon baby?"

"Pasyal nalang po tayo"

"Sige bihis lang si Mommy hintayin mo ako dun sa sala ha?"

"Ok po"

Tumingin ako dun sa hapagkainan at wala na si Jackson baka nasa kwarto nya, kaya dumeretso sa kwarto ko pero nagulat ako nang nandun si Jackson sa kwarto ko

"Oh bat andito ka? Kala ko ba busy ka?" tanong ko dito na naka pamewang

"Look Hon I'm sorry kung nasungitan kita kanina, sorry kung inuna ko yung work ko kesa kay khloei" sabi nito at lumapit sa akin at hinawakan ang mukha ko

"Sorry na ayokong nagagalit ka sa akin" dagdag pa nito at tinaas ang mukha ko at tiningnan ako sa mata

"Eh kasi naman dapat mas priority mo si khloei kesa sa work mo tingnan mo yung bata mukhang nag tampo sayo"

"I know kaya sorry na" sabi nito at kiniss ako sa noo ko at tiningnan ulit

"Sorry na ha wag kana magalit" dagdag pa nito

"Oo na"

"Yes cute cute naman nang hon ko" sabi nito at pinisil pisnge ko

"Aray, masakit kaya" sabi ko sa kanya at hinampas

"Hahaha sorry naman ang cute mo kasi, mag bihis kana gagala pa tayo diba" talas nang pandinig netong lalaki na toh ah

"Sasama ka?"

"Oo syempre babantayan ko kayo, mas lalo na sayo"

"Bakit?"

"Baka makuha ka pa nang iba eh, akin ka lang"

"Para kang sira" sabi ko at hinampas sya sa braso

"Yieee kinilig sya hahaha"

"Dun kana nga mag bibihis ako mag bihis ka na rin"

Pagkalabas neto ay agad agad akong tumingin kung anong pwedeng suotin, hmmm eto nalang yung red dress na floral yung design, nag bihis na ako at inayos yung buhok ko, onting pulbos at liptint, yan ok na yan

Jackson's pov

Naka suot ako nang polo na color white na flowers na black ang design, pantalon na color black onting ayos nang buhok and pabango yan ok na yan

Lumabas na ako nang kwarto at nakita ko naman si khloei na naka upo sa sofa, kaya nilapitan ko ito

"Baby?" sabi ko sa kanya at lumuhod sa harap nya

"Yes Daddy?"

"I'm sorry kung di kita naasikaso ha kanina busy lang si Daddy"

"Naiintindihan ko naman po eh"

"Salamat Khloei sa pa iintindi mo kay Daddy promise babawi ako sayo, patingin nga kung maganda na ang prinsesa ko?" sabi ko sa kanya naka blue na dress sya na floral

"Maganda na ba ako Daddy"

"Maganda ka naman eh katulad ni Mommy mo"

Natigil yung pag uusap namin nung lumabas na si Kara sa kwarto nya, Ang ganda nya talaga kahit anong suotin nya

"Huy Jackson"

"Bakit?"

"Nakatulala ka na naman eh"

"Ganda mo kasi"

"Ikaw nga yung ang gwapo eh"

"Naku kung wala lang yung bata dito kanina pa kita na harot dyan"

"Tumigil ka dyan nakikita tayo nang anak mo eh"

"Correction anak natin"

"Mommy, Daddy anong pinag uusapan nyo po?"

"Ah Khloei bata kapa kasi eh para malaman yung pinag sasabi namin"

"Ah sige po"

"Tara na nga Khloei nadudulas pa yung Daddy mo kung ano ano na pinagsasabi nya sayo"

Pumunta na kami sa kotse nasa passenger's seat si Kara at nasa likod naman si Khloei, ilang minuto pa ay dumating na rin kami sa mall, sa ngayon nag lalakad lakad na kami first time toh ni Khloei na lumabas kasama ang Mommy nya kaya tuwang tuwa ang bata

"Hon bili tayong ice cream" sabi ko sabay turo dun sa isang stall nang ice cream

"Sige, ikaw Khloei gusto mo rin ba?" tanong neto sa bata at tumanggo lang ito

"Ate isang sugar cone tsaka isang cup po"

"Sige po Sir" sabi nung nag titinda at binigay din yung order ko

"Baby oh" sabi ko sa bata at binigay yung sugar cone

"Asaan yung akin?" tanong ni Kara sa akin

"Ito hati tayo" sabi ko sa kanya at binigay yung cup nang ice cream

Pumunta kaming department store para bumili nang toys ni Khloei

"Daddy look oh mga babies ang cute cute nila!!!"

"Oo nga baby"

"Daddy gusto ko po maging ate" pagkasabi ni Khloei nun ay biglang nasamid si Kara kaya natawa nalang ako, alam kong nagulat sya nung sinabi ni Khloei yun

"Oh Hon ayos ka lang?" tanong ko dito

"Oo, mukhang nahawa si Khloei sayo?"

"Bakit?"

"Parehas kayong makalokohan hahahaha"

"Baby soon ka pa magiging ate ha sa ngayon toy muna yung magiging baby mo" sabi ko at lumuhod sa kanya

"Ok po"

"Pumili kana nang toy mo dito lang muna kami ni Mommy mo mag uusap" sabi ko kay Khloei at hinayaang tumakbo dun sa mga barbie

Sa ngayon naiwan nalang kaming dalawa dito na nakaupo sa upuan

"So anong pag uusapan natin?" tanong nya sa akin

"Wala gusto lang kita ma solo" sabi ko at nginitian sya

"Hmm Jackson may tanong ako sayo"

"Ano yun Hon?"

"Kelan mo ako naging crush" pag ka sabi nya nun ay bigla akong nag isip nang malalim at humarap sa kanya

"Hmm let say, simula nung una nating pag kikita"

"Do you mean nung 3rd year high natin?"

"Yup, una palang makita non ay nagandahan na ako sayo"

"Yun lang?"

"Tsaka nong nag kakilala tayo di ka kasi pabebe pag kasama, masayahin at makalokohan ka eh"

"Eh ganun talaga yung personality ko eh" pag kasabi nya non ay hinawakan ko ang isang kamay nya at tiningnan sya

"Kara?"

"Bakit Jackson?"

"Eh ako kelan mo ko minahal?"
"Ah..... Eh... Ano..." magsasalita na sana si Kara nang dumating si Khloei

"Daddy finished na po" sabi nya at may dala dalang dalawang laruan

"Sure kana ba dyan?"

"Opo"

"Sige tara na counter Hon"

Binayaran na namin yung toys ni Khloei at pumuntang food court at umorder nang pizza

"Baby say ah" sabi ko sa bata na katabi ni Kara

"Ahmm"

"Masarap?"

"Sobra po!"

"Teka lang Hon mag C.R lang ako"

"Sige ingat ka"

Tumayo na ako at dinala yung cup nang ice cream para itapon. Actually di talaga ako pupunta sa C.R kundi sa jewelry shop kasi gusto sana sya isorprise. Nasa loob na ako at nag iikot para mag hanap kung anong bagay sa kanya. May nakita na ako simple lang yung design nya pero mukhang elegante binili ko na iyon at umalis na din para puntahan yung mag ina ko, sa di kalayuan ay nakita ko silang nag kukulitan. Ang sarap nila tingnan.

"Andito na ako" sabi ko sa mag ina ko

"Antagal mo naman saan kaba nag C.R? Sa ibang planeta"

"Marami pa kasing tao, ano tara uwi na tayo mukhang pagod na yung bata"

"Tara na kanina nya pa gusto umuwi eh"

"Sige tara na"

Papunta na kaming parking lot hawak hawak ni Kara, samantala ako dala dala ko yung pinamili namin. Nasa passenger seat si Kara habang karga nya si Khloei na natutulog samantala nandun sa likoran namin yung pinamili namin.

"Alam mo parang di naman natin napagplanuhan yung susuotin natin ngayon noh" sabi ni kara kaya napatingin ako sa suot namin

"Oo nga pare parehas nang design hahaha"

Ilang oras pa ay naka dating na kamo sa bahay hinatid na namin si Khloei sa kwarto nya. Sa ngayon nasa tabi nya kami at tinitingnan sya

"Alam mo Hon nakakapagod ngayong araw na toh noh?"

"Oo nga maski ako napagod ikaw?"

"Oo pero sa pag mamahal sayo di ako napapagod"

"Sus ayan ka na naman sa banat mo eh"

"Sorry naman tara tulog na tayo?"

"Saan?"

"Dito kay Khloei nakakapagod na tumayo eh"

"Sige, Good night Jackson"

"Good night din Hon I love you" pag kasabi ko nun ay biglang kinilig si Kara kaya hinayaan ko nalang at natulog na

Continue Reading

You'll Also Like

100K 3.7K 21
فيصل بحده وعصبيه نطق: ان ماخذيتك وربيتك ماكون ولد محمد الوجد ببرود وعناد : ان مارفضتك ماكون بنت تركي !
98.5K 1.4K 49
𝐈𝐭𝐬 𝐭𝐡𝐞 𝐟𝐢𝐫𝐬𝐭 𝐝𝐚𝐲 𝐛𝐚𝐜𝐤 𝐭𝐨 𝐬𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥 , 𝐀𝐚𝐥𝐢𝐲𝐚𝐡 𝐢𝐬 𝐧𝐨𝐰 𝐢𝐧 𝟏𝟎𝐭𝐡 𝐠𝐫𝐚𝐝𝐞, 𝐰𝐡𝐢𝐥𝐞 𝐬𝐡𝐞𝐬 𝐭𝐡𝐞𝐫𝐞 𝐬𝐡...
79.2K 2K 30
A little AU where Lucifer and Alastor secretly loves eachother and doesn't tell anyone about it, and also Alastor has a secret identity no one else k...