Obey Him

Autorstwa JFstories

26.8M 1M 351K

He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's leg... Więcej

Prologue
Jackson Cole
...
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
The Final Chapter
Epilogue
RNS
OH Uncut Collection

Chapter 41

344K 13K 2.9K
Autorstwa JFstories

"PROBLEMA NI CALDER AT LUMAYAS NANG NAKASIMANGOT?"


I didn't bother to answer Ate Minda's question. Busy ako sa ginagawa. Nakaupo ako sa bar stool ng kusina while typing on my cell phone. I made an Instagram account for Jackson. Iyong personal account at hindi hawak ng kung sino-sino. Nakakainis kasi dahil may kumakalat na account at nakapangalan sa kanya, claiming that it was him, pero alam ko namang hindi. Malay ba niya mag IG? Sa FB pa nga lang, patay na bata na siya, mag-a-IG pa ba siya?


Wala naman kaso sa akin na may mga nagkalat na dummy niya. Ang nakakainis lang kasi dahil iyong IG niya na may libong followers na ay ipino-promote ang loveteam nila ni Valentina. Hindi man lantaran, pero parang ganoon na rin. Mga stolen photos kasi nila sa munisipyo at sa ilang mga private parties ang nakapost doon. 


Hindi ko alam kung sino ang administrator ng IG na iyon, masyadong papansin.


"Ganda, paano nga pala mag-unfriend dito sa IG?" tanong sa akin ni Ate Minda. Katatapos lang naming magmeryenda at ito, kasama ko siyang nagce-cell phone sa bar table ng kitchen.


Pagkauwing-pagkauwi ko from school ay dito ako dumiretso. Nagpapaturo rin kasi si Ate Minda na gumawa ng IG. Meron na siya before, nakalimutan niya nga lang ang password.


"Wala yata, Ate. Unfollow lang." Hindi rin kasi ako masyadong marunong. Basic knowledge lang ang alam ko. And dati ko kasing friend at kaklase na si Olly ang gumawa ng mga social media accounts ko. Mas babad din ako sa FB kaya pagawa ng account sa Instagram, at pag-scroll ng newsfeed lang ang alam kong gawin.


At ito nga, dito ko nakitang napakaraming post ng kung sino mang admin ng dummy Instagram na ito ni Jackson. May post pa ito na kasama niya si Valentina sa dilim. Parang nag-uusap sila rito nang palihim. Controversial ang photo, although cropped naman para lang palabasin na sila lang dalawa sa lugar na kinuhanan.


"Hala, Ganda!" Hinampas ni Ate Minda ang mesa. "Ano itong post tungkol dito sa Valentina Soza Hynarez na ito?!" Ipinakita niya sa akin ang screen ng kanyang phone.


Viral na talaga ang photo sa dilim.


"Para silang lovers na nagtatagpo nang patago rito, ah!"


Nakapapag-init talaga ng ulo, pero hindi ako sumagot.


"Feelingera itong Valentina na ito, ah! Hindi ako naniniwala rito, Ganda! Kung papatulan 'yan ni Sir, dapat dating-dati pa. E hanggang FUBU lang sa buhay ni Sir ang naabot nitong bwakananginang babaeng 'to e!"


Bigla akong nasamid.


"Ayos ka lang?" Hinagod niya ang likod ko.


"O-okay lang, 'Te." Napaubo ako. Nakakawindang kasi iyong sinabi niya e!


"Nakakainis itong Valentina na ito." Hindi pa pala tapos sa hinanaing si Ate Minda. "Malamang namang siya lang ang may kagagawan ng mga naglipanang fake news na ito. Itong kuha nila ni Sir sa dilim, obvious naman na may iba silang kasama sa paligid. Cropted lang para magmukhang malaswa at sila lang ang makikita. Gusto niya lang ma-issue, lintek siya! Kung gusto niya ng issue, aba bibigyan ko siya! Ipopost ko iyong totoong ka-issue-issue. Iyong halikan niyo sa dilim ni Sir ang isasampal ko sa mukha niya dahil iyon talaga ang hindi fake news!"


"Ate Minda!" Nag-iinit ang mukhang saway ko sa kanya.


Napahagikhik siya. "Joke lang!"


Itinutok ko na ulit ang mga mata ko sa screen ng phone para ituloy pagsi-set up ng Instagram na ginawa ko for Jackson. Kakagawa ko palang ay may nag-message na agad. Nang i-check ko ang inbox ay sumama lang lalo ang aking loob.


Walang naniniwala na ito ang real Instagram account ni Jackson. Galit lahat ng nasa inbox at sinisita ako. Bakit ko raw ginagawan ng dummy ang mayor nila. Kung alam lang ng mga ito na asawa ako ng mayor na tinutukoy nila. Nakakainis talaga, pero wala naman akong magawa.


Sa huli, I decided to deactivate the newly made Instagram account.


"Gaga lang 'yang si Valentina dahil hindi niya naisip magselfie noong nadidiligan pa siya ni Sir Jackson. E di sana mas kapani-paniwalang may relasyon sila ngayon, di ba? E kaso ano pang ipo-post niya ngayong ni tingnan siya ay hindi na magawa ni Sir Jackson! Desperadang nilalang!"


Hindi ako umimik. Bumabalik sa alaala ko iyong time na nahuli ko sina Jackson at Valentina sa study room noon, kinikilabutan pa rin ako kahit matagal na iyon.


Kinalabit ako ni Ate Minda nang hindi ko pansinin ang sinasabi niya. "Alam ko namang alam mo rin e. Kahit nga ibang katulong rito sa bahay ay nahuhuli sila noon. Paano ba naman, kahit saan abutan ang dalawang iyon. Minsan pa nga sa hagdan kapag tipong tulog na ang lahat sa mansiyon."


I gritted my teeth. Bukas na bukas ay ipapalampaso ko ang buong staircase.


Siniko niya ako. "Alam mo, normal lang kasi sa mga lalaki ang maglaro. Laro dito, laro doon hanggang mapagod. At kapag pagod na, kapag sawa na, pipirmi na 'yan. Magpapahinga na sa lugar na komportable sila. Gets mo?"


Hanggang ngayon hindi pa rin clear sa akin kung may past sila o with benefits lang. Nahihiya akong itanong kay Jackson, pero nangangati na akong i-nag ang lalaking iyon. Lalo ngayon na G na G na naman itong Valentina na ito.


Sobrang ingay ngayon sa social media. Pinagf-fiestahan ang gawa-gawang romance ng dalawa. Kesyo bagay na bagay raw kasi parehong matalino, mayaman at maganda't guwapo. Mas ini-issue pa sila ngayon dahil sabi sa interview ng ninong nitong gobernador ay tatakbo na rin daw sa next halalan si Valentina bilang isa sa mga konsehal ni Jackson.


Nag-vibrate ang cell phone ko. Actually kanina pa ito nagv-vibrate. Tumatawag at nagti-text si Jackson. Ini-off ko ang gadget at hinarap si Ate Minda.


"Ikaw, Ate? Matagal ka na ba dito?"


"Oo naman. Dito na ako nagdalaga. Bakit?" Tuloy pa rin siya sa pagsi-cell phone. Nang silipin ko ang ginagawa niya ay napangiwi ako. Tadtad na ng selfies niya ang Instagram feed dahil sa sunod-sunod niyang upload.


"Wala naman, Ate." Nangalumbaba ako. "Pero Ate, anong klaseng pamilya ba ang mga Cole noon?"


Ang totoo ay paraan ko lang iyong tanong. I just wanted Ate Minda to tell me about Jackson. Kahit ano, gusto kong malaman. Lalo noong nasa Davao pa ako at wala pa ako rito sa Quezon City. Isang beses ko lang yata sa isang taon makita noon si Jackson. Madalas pa ay minuto lang.


Mukhang nahulaan ni Ate Minda ang gusto kong marinig. Napangisi siya at ibinaba rin ang hawak na cell phone. "Dati ng ganyan si Sir."


Ganoon na pala siya dati pa...


"Pero natatandaan ko noong binatilyo pa 'yan, mahilig 'yan sa music. Palaging may nakasalpak na earphones sa tainga niya. Minsan music headphones o iyong neckbands ba iyon. Tahimik lang siya, soundtrip lang. Ganern."


Nakwento nga ni Jackson sa akin ang hilig niya sa music noon. He opened himself to me when we were in his mom's rest house in Antipolo, Rizal. 


Sa music siya kumakalma. Sa music siya may peace. Sa music din niya nakakalimutan ang reality.


Mula kasi noong mamatay ang mommy ni Jackson ay naging sarado na siya sa lahat ng bagay. He was in his teens when his mom died. Hindi niya matanggap na nawala na ang nag-iisang taong nakakaintindi sa kanya. At mula nga noong patay na ang kanyang mommy ay minanipulate na ni Vice ang buhay niya.


"Kahit noong bata pa kasi si Sir Jackson ay super tahimik niya na. Iyong katahimikang nakaka-worry na. Elementary pa nga lang raw iyon, nagka-cutting na. 'Tapos kapag hinahanap ng teacher ay doon sa ilalim ng puno nakikita si Sir Jackson, nagsa-soundtrip mag-isa. Mas gusto pa nun kasing mag-soundtrip kaysa makihalubilo sa mga kapwa-bata."


"Hindi ba siya pinagsasabihan nina Vice?" Nagulat ako dahil ngayon ko lang nalaman ang tungkol dito. Parang sa kwento ni Ate Minda ay may problema si Jackson.


"Pinagsasabihan. Nasisinturon pa nga siya. Ang kaso ay balewala lang kay Sir Jackson ang lahat ng sermon ni Vice. Noong high school siya, ipinadala na siya sa Amerika para doon mag-aral. Pagbalik niya akala namin okay na, pero ganoon pa rin pala. Mas lumala pa nga ang pagiging tahimik niya."


Bakit parang napakalungkot ng childhood ni Jackson?


"Masyadong misteryoso 'yan si Sir Jackson. Hindi malaman ang natakbo sa utak. Parati lang nakakulong sa kuwarto, gumagawa ng lyrics ng kanta, o kaya ay nagsa-soundtrip mag-isa. Nagalit si Vice dahil nga habang tumatagal, nalululong lalo si Sir Jackson sa music. Sinira niya lahat ng music instrument dito sa mansiyon at pagkatapos ay ipinadala niya ulit sa Amerika si Sir Jackson. Hindi rin naman nagtagal ay pinabalik niya rin, kasi nga ipinakasal niya. Fixed marriage."


Nag-iwas ako ng mga mata kay Ate Minda.


"Matapos ang mga taon, heto, lumayas na si Vice dito sa mansiyon. Samantalang si Sir Jackson ay ayaw umalis dito, siguro dahil pamana sa kanya ng mommy niya itong bahay na ito."


"Ganoon ka na pala talaga katagal dito, Ate?"


Proud siyang tumango. "Sinabi mo pa! Minana ko 'tong pagiging tagasilbi sa mga Cole. Di mo naitatanong, iyong nanay ko ay dating labandera dito."


"Really, Ate?"


"Magha-high school palang ako, nandito na ako. Iyon nga lang ay hindi ko na naabutan pa si Donya Jacqueline."


"Ang mommy ni Jackson?" Nagningning ang mga mata ko.


"Oo." Bumuntong-hininga si Ate Minda. "Sa picture ko na lang nakita si Donya Jacqueline Cole. Napakagandang babae at bata pa. Nakakapanghinayang." 


Mapait akong napangiti. Kahit maagang nawala ang mommy ni Jackson ay nakasama niya naman ito nang matagal. Umabot pa rin ang mommy niya hanggang sa magbinata siya, iyon nga lang at namatay na rin ito pagkatapos. Ni hindi na naabutan ni Donya Jacqueline ang pagiging mayor ng anak.


"Kuwento pa ng nanay ko dati sa akin, napakabait daw ni Donya Jacqueline. Ibang-iba sa ugali ni Vice. Malambing sa lahat. Hindi mahirap mahalin."


I could imagine. Sobrang mahal na mahal nga ni Jackson ang mommy niya. Noong nasa Antipolo kami ay damang-dama ko sa mga kwento niya kung gaano niya kamahal si Donya Jacqueline. Halos lahat ng alaala nilang mag-ina ay nakatanim pa rin sa puso at isip niya—


"Sayang lang kasi ni hindi naabutan ni Sir ang mommy niya," biglang sabi ni Ate Minda.


Natigilan ako. "Ha?"


"Ang ikinamatay kasi ni Donya Jacqueline ay ang mismong panganganak kay Sir Jackson."


Natigilan ako. "Ano bang sinasabi mo, Ate Minda? Nakasama niya pa ang mommy niya di ba? Ang alam ko, teen ager na siya noong namatay si Donya Jacqueline..." Bigla akong naguluhan.


Natawa si Ate Minda. "Fake news ka! Ang panganganak kay Sir Jackson ang ikinamatay ng mommy niya. Meaning baby pa lang siya, ulila na siya sa ina."


"Mali yata iyong kwento mo, Ate. Kasi—"


"Fran."


Napatigil ako. Napalingon kami ni Ate Minda sa pinto ng dirty kitchen. Nakatayo roon si Jackson at nakatingin sa akin.


"Kanina ka pa?" Umalis ako sa bar stool at nilapitan siya. "Ang aga mo yata ngayon. Kumain ka na?"


Tumikhim si Ate Minda sa likod ko.


I bit my lower lip. "Uhm... If h-hindi ka pa nakain... ah, ipaghahanda ka ni Ate Minda," nauutal na sabi ko. Nang lingunin ko si Ate Minda ay pigil ang ngisi ng babae.


"It's okay. Don't bother, Minda. Kumain na ako sa labas." Lumapit si Jackson at hinuli ang pulso ko. "I'll just borrow Fran for a while."


Doon na lumabas ang kaninang pinipigilang ngisi ni Ate Minda. "Kahit 'wag niyo na pong isauli, Sir!"


Pandidilatan ko sana siya kaso nahila na ako ni Jackson paalis ng kusina.


Nakasunod lang ako sa kanya hanggang makarating kami sa study room niya sa ikalawang palapag ng bahay. Hindi niya binibitawan ang kamay ko, kahit pa may ilang kawaksi kaming nakasalubong sa sala kanina. At ewan ko ba kung bakit bigla ay wala na rin akong pakialam kung may makakita man sa amin na magkahawak-kamay.


Nawala na rin sa isip ko ang tanungin siya about his mom.


"You're not answering my calls," malumanay na sabi niya. Naupo siya sa sofa, at dahil hawak niya ako ay napaupo na rin ako, pero hindi sa sofa. Kundi sa mismong kandungan niya.


Akma akong aalis ng ipulupot niya ang braso niya sa akin. He raised me an eyebrow.


Napalabi ako.


"Is something the matter?"


"Wala."


"I've read about this."


"Read what?" Napatingin tuloy ako sa nakakunot niyang noo.


"I've read about this," ulit niya. "I browsed the Internet and from what I've read, ugaling sabihin niyong mga babae ang salitang wala, kahit meron naman. Now tell me, what's the problem?"


Literal na napanganga ako sa kanya.


"What's our problem, wife?"


"A-ano nga ulit ang ginawa mo?"


"I browsed the net. I just wanna know everything about women. Especially your weird behaviors. Like saying no while you really wanna say yes. And vice versa."


Lalo akong napanganga. "What do you mean? You wasted your time by browsing the net to figure out women's behavior?"


"Yes," walang gatol na sagot niya. Parang proud pa.


Was he serious? Nagbrowse siya sa Internet ng ganoong topic? Well, this was a shocking revelation.


"I want to fully understand you."


Pigil ang ngiting inirapan ko siya.


Gusto ko ring maintindihan siya. Ang kaso mukhang wala sa Internet ang sagot para maintindihan ko si Jackson. Hindi pa nailalagay sa google ang tungkol sa ugali niya. But it's okay. Gusto ko naman ang pagiging misteryoso niya minsan.


"So what's the reason why you're not answering my phone calls and messages?" Hindi pa rin pala siya makamove on.


"Kasi ginawan kita ng IG."


"IG?"


"Instagram. Uso rin kasi iyon ngayon. Mas personal pati siya and puro photos and videos siya madalas. Pwede mo rong i-upload ang mga projects mo. Pwede ring kahit ano, halimbawa picturan mo iyong tasa ng kapeng iniinom mo, 'tapos i-post mo roon."


Nakikinig lang siya sa akin.


"Pero hindi ko na itinuloy e."


"And why?"


"Basta."


"Basta means a lot of reasons."


Napangiwi ako. Nag-research nga pala siya.


"I could see in your eyes how upset you are."


Napalabi ako ulit. "I'm upset because my husband is so handsome."


"Huh?"


Tinaliman ko siya ng mata. "Masyado ka kasing guwapo, Mayor."


"I don't get it. You're upset because of that?"


"Wala iyon sa sinearch mo, 'no?" I teased him. "Masyado ka kasing guwapo kaya naiinis ako. Hindi naman kasi dapat ganoon e. Bakit kailangang ganoon? Hindi ka naman artista. Hindi ka model. Mayor ka!"


Lalong kumunot ang noo niya. "And that is my fault?"


"Yes! Bakit kasi ganyan ka kaguwapo?" Pinisil ko ang pisngi niya. "You're unnecessarily handsome for a mayor. And yes, that is your fault."


"Then I'm sorry for being handsome."


Natigilan ako nang makitang seryoso siya sa paghingi ng sorry. Inako niya talaga at tinanggap na kasalanan niya iyon? Parang masama pa ang loob niya at nagsisisi siya na bakit nga sobrang guwapo niya.


"I'm sorry, okay? I didn't mean to be handsome," he said apologetically. In his very serious tone!


Hindi ko napigilang hindi matawa.


Nagsalubong tuloy ang mga kilay ni Mayor. "I didn't search about this."


Hinawakan ko siya sa kwelyo. "Sad. Hindi mo alam kung bakit biglang tumatawa ang mga babae after nila magalit," tukso ko.


"You're not mad anymore?"


"Hmn mad pa rin. Hindi porket tumawa na, hindi na galit." Inirapan ko siya.


Para namang naguguluhang napatitig siya sa akin. Ang cute lang dahil sinasakyan niya ang kadramahan ko.


Nakakatuwa dahil wala sa seryosong itsura niya ang magta-tyaga sa aking tantrums at immature behavior. Parang ang layo na ang isang kagalang-galang at saksakan ng guwapong mayor ng siyudad ay namo-mroblema ngayon sa kaartehan ko sa buhay.


"Tell me what's upsetting you."


Napabuntong-hininga ako. "Okay! Si Valentina kasi. Masyado siyang mapapel. Bakit ganun siya? Bakit kung umasta siya ay parang may something kayo? At bakit ini-issue kayo ng mga tao?"


My hands flew to my mouth when I realized what I just said to him. Hala!


"Ang ibig kong sabihin ay—"


"She doesn't mean anything to me," balewala niyang sabi.


Napatitig ako sa mga mata ni Jackson, napakaseryoso. Nakakalula. Ang hirap na hindi paniwalaan ang sinabi niya dahil parang wala siyang kakayahang magsalita ng hindi totoo.


"There was no emotional attachment between me and Valentina. We're merely consenting adults who used to enjoy ourselves, and I made sure that it was clear to her that we would not go beyond that. Fran, I'm not proud of the things I've done before, but I still wanted you to know so you wouldn't have to worry about her anymore."


"B-but she still likes you."


"Then it's her problem not ours."


"Pero paano kung magising ka na lang isang araw at ma-realize mo na siya pala ang gusto mo at hindi ako? Maakit ka ulit sa kanya?" Dahil isa iyon sa mga insecurities ko. Napakalayo ng agwat ko kay Valentina. 


"That's bull."


Napatingin ako sa mga mata niyang titig na titig sa akin.


"A man in love cannot be seduced."


"Jackson..."


Saka ko napansin na nasa ilalim na ng shirt na suot ko ang kamay niya. Bakit ba hinahayaan kong sirain ni Valentina ang dapat masaya naming gabi ng asawa ko?


"A-anong ibig sabihin niyang kamay mo diyan, ha?" Nag-iinit ang pisnging tanong ko.


Ngumiti siya nang ngiting nakakalunod. Kinarga niya ako paalis sa sofa hanggang sa namalayan kong nakaupo na ako sa ibabaw ng study table niya.


"Now, are you still mad?"


Umiling ako. Iling na may kasamang halinghing dahil nasa sahig na agad ang shorts na kanina'y suot-suot ko.


"Good."


I swallowed when he lifted my chin with his finger.


"Kiss me and make up for all my messages and missed calls that you ignored."


I obliged.


JF

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

8.6M 147K 46
Always the bestfriend but never the girlfriend
25.4M 906K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...
11.6M 472K 65
(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw si...
46.2M 1.4M 55
Blake Vitale was a mess. Alam niyang para siyang bomba na malapit nang sumabog. He can even hear the ticking of the clock in his head, the time bomb...