The Beast He Became

By SaviorKitty

4M 159K 40.1K

"Have you ever tried to sacrifice your happiness for other people?" Lauren's only goal is to make her father... More

AUTHOR'S NOTE
SYNOPSIS
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
EPILOGUE
Special Chapter 1
Special Chapter 2
Hidden Chapter

Chapter 33

62.2K 2.5K 219
By SaviorKitty

C H A P T E R 3 3
━━━━༺❀༻━━━━

Napatulala ako habang nakaupo sa gilid ng kama. Naiintindihan ko ang sinabi ni Talia, wala na si daddy pero bakit gano'n? Parang ayaw pa rin maniwala ng isip ko. Nagkausap lang kami kahapon, anong nangyari?

Nanginginig ang kamay ko pero wala akong maramdaman, pakiramdam ko ay namanhid ang katawan ko.

"You okay?"

Napalingon ako kay Zayn na mapupungay ang mata na nakatingin sa akin. Mukhang kakagising lang niya, hindi ako makasagot sa kaniya, hanggang ngayon hindi pa rin ako naniniwala.

He pushed himself to sit on the bed. He looked at me with a questioning look. "Bakit ka tulala dyan? May masakit ba sa'yo?" nag-aalalang tanong niya.

"S-Si daddy, p-patay na raw."

Mabilis ang naging kilos niya, hinawakan niya ang pisngi ko at tinitigan ako. "Ayos ka lang ba? You look okay to me. Hindi ka umiiyak," puna niya.

Umiling ako. "H-Hindi ko alam. G-Gusto ko muna makita si Daddy. B-Baka hindi totoo ang sinasabi ni T-Talia. Pwede mo ba akong samahan sa bahay nila sa village? G-Gusto komg makita sa mismong harap ko."

He blows a hard breath. He kissed my forehead.

"Okay, maliligo ka na muna saka ako maligo tapos pupunta na tayo."

Kagaya ng sabi ni Zayn mabilis akong naligo gano'n rin siya. Hindi ko alam pero hindi ako naiiyak, gusto ko muna makita si daddy. Nauna akong bumaba kay Zayn, nasa hagdanan pa lang ako ay nakita ko na si Mat na nakatayo malapit sa pintuan.

Nag-aalala siyang tumingin sa akin nnag makita ako. May alam ba siya? Gusto ko na siyang koprontahin tungkol sa gamot ni Zayn pero saka ko na iyon gagawin pagkatapos kong pumunta kay Daddy.

"Miss Trios, ayos ka lang ba?" tanong niya.

Hindi ako ngumiti, wala naman dahilan. "Ayos lang ako, aalis kami ni Z-Zayn."

"May gusto sana akong sabihin sa'yo Miss Trios. This is important," seryosong wika niya.

Sasagot pa sana ako nang may braso na pumulupot sa aking beywang. Napatingin ako kay Zayn na nakataas ang kilay na nakatingin sa kanyang butler.

"What is it, Mat?"

Nagbaba ng tingin si Mat. "Nothing, Master."

Tumango lang si Zayn bago ako alalayan palabas. Hindi nakalagpas sa paningin ko ang pagsunod ng mata ni Mat sa amin. Alam kong may gusto siyang sabihin sa akin pero dahil dumating si Zayn ay hindi na niya tinuloy.

Naging mabilis ang biyahe namin, para akong kinakapos ng hininga nang tuluyan kaming makapasok sa malaking gate ng bahay ng ama ko. Madaming kotse sa labas at may red carpet sa garden papunta sa uhanan kung nasaan ang isang kabaong.

Nanuyo ang lalamunan ko, parang naging slow motion ang paglakad ko roon. Hindi ko na hinintay si Zayn, hindi ko na pinansin ang mga matang lumilingon sa gawi ko.

"D-Dad..."

Napatakip ako ng bibig nang tuluyan akong makalapit sa kabaong. No, this is not true!

Ang luhang ayaw lumabas sa mga mata ko ay unti-unti ng nahulog sa aking pisngi habang nakatingin sa walang buhay kong ama. Malakas din ang iyakan sa paligid at isa na roon ang boses ng asawa ni Daddy at ang boses ni Talia na inaalo ang kaniyang ina.

Sunod-sunod ang aking paghikbi. Pakiramdam ko ay kasalanan ko ito, nagkausap kami kahapon. Baka, baka napasama ko ang loob niya kaya siya inatake? Tandang-tanda ko pa ang panunumbat ko sa kaniya na dapat ay hindi ko ginawa. Kung alam ko lang na iyon na ang huli namin pag-uusap, sana... Sana nakinig na lang ako sa lahat sermon niya.

Hindi ko na matandaan kung ilang minuto o oras na ba akong umiiyak doon habang nakatingin kay Daddy.

Mariin akong pumikit nang bumaling ako kay Talia, mugto ang mata niya at gulo-gulo ang mahaba niyang buhok. Habang si Tita naman ay umiiyak lang sa tabi nito.

Umupo ako sa tabi ni Talia.

"W-What happened?" Hindi ko mapigilan ang luha na patuloy na tumutulo sa aking mata, sumisikip n
rin ang dibdib ko.

Lahat ng pagdududa ko kanina ay nakumperma ko na at hindi ko matanggap.

Napahilamos siya sa sariling mukha habang sunod-sunod na tumulo ang kanyang luha.

"W-We just found h-his body on his office. Ang sabi ng guard dumating daw doon si D-Daddy bandang alas diyes ng gabi nagmamadali raw ito pumasok sa building. Tapos hindi na muling lumabas, ang akala nila may tinatapos lang si Daddy. Nang mag round check sila, n-natagpuan nilang wala ng buhay si Daddy sa opisina niya, bumubula ang bibig. H-He was poisoned. He was murdered, Lauren," mahabang paliwanag niya.

Napatakip ako sa bibig ko dahil sa sinabi niya.

Alas-diyes? Nasa kwarto na ako no'n mag-isa dahil magkausap si Uno at si Zayn sa—

Wala sa sariling napatingin ako kay Zayn na nakatayo sa likod habang blanko ang mukha nakatingin sa akin, hahagyang umawang ang labi ko dahil sa naisip ko.

Is it possible? No.

Tandang-tanda ko pa ang sinabi niya kay Daddy sa restaurant pero hindi niya iyon magagawa, hindi iyon magagawa ni Zayn. Hindi siya gano'n tao.

Napakurap-kurap ako bago ibalik ang tingin kay Talia. Hinawakan ko ang kamay niyang sobrang lamig. "W-Wala pa bang lead ang mga pulis?"

"W-Wala pa... Wala pa... I—I don't know what to do Lauren. Paano na kami ni Mommy? H-Hindi ko alam paano kami magsisimula. Si Mommy tulala lang, ni hindi niya ako kinakausap. Mababaliw na ako hindi ko 'to kaya!" Humagulgol na wika niya.

Kaagad ko siyang niyakap.

Parehas kaming tahimik na umiiyak. Hindi man kami gano'n ka-close ni Talia nang lumaki kami dahil iba ang hilig namin sa isa't-isa pero masasabi kong hindi naman masama ang pagsasama namin.

Lumipas ang oras na nandoon ako sa tabi nila. Ako ang nag-aasikaso sa mga bisita dahil si Talia ay hindi maka-alis sa tabi ng Mommy niya, hindi ko naman magawang lapitan si Tita dahil baka lalo siyang magwala.

Natatakot akong sisihin niya ako.

Ang mga Tito at Tita ko sa side ni Eaddy ay nandoon din. Binabati ko sila kapag nakikita ko, tanging tango ang ganti nila sa akin na sanay naman na ako. Nang sumapit ang hapon ay naupo ako sa pinaka dulong upuan dahil sa pagod sa mga bisita, pagod na akong magpanggap na ayos lang ako.

Nakatitig ako sa harap kung nasaan si Daddy na napapalibutan ng mga mamahalin bulalak.

Simula kanina ay paulit-ulit akong humihingi ng tawad sa kaniya. Tawad sa mga sama ng loob na tinanim ko at pasasalamat dahil kahit hindi ko man naramdaman ang pagmamahal ng ama ay inalaagan pa rin niya ako at kinupkop.

Daddy... I'm so sorry. I love you so much. You're the first man that I love.

Bahagya akong napaigtad nang may umupo sa aking tabi. Hindi ako lumingon dahil alam ko na ang pamilyar na amoy na iyon.

"Kung gusto mong umiyak, umiyak ka lang. Kanina pa kita tinitingnan, ngumingiti ka. Hindi ka ba napapagod magpanggap?"

Lumingon ako kay Zayn ng hawakan niya ang kamay ko.

"Nagkasagutan kami ni Daddy kahapon, pakiramdam ko ay kasalanan ko 'to," pag-aamin ko, iniwasan kong pumiyok.

Sumandal ako sa kanyang balikat habang pareho kaming nakatingin sa harapan. Hinigpitan niya ang hawak sa aking kamay.

"Sometimes, we say things that we didn't mean. Because in that moment when you say them, you don't think straight. You are angry, or broken, or hurt, anything, and you don't realize how much can words hurt. You probably have so many feelings inside of you, which want to get out but you hold them inside, and then you say words you don't mean to; it's how you deal with your emotions," seryosong aniya.

Bumaba ang tingin ko sa mg daliri namin magkasaklob. Paminsan-minsan ay pinipisil niya o kaya naman ay pinaglalaruan ang aking daliri.

"I love my dad so much, sa kagustuhan kong mahalin niya rin ako ay kahit labag sa loob ko ay ginagawa ko. Gano'n naman talaga ang tao hindi ba? Basta mahal natin gagawin natin para lang sa tao na 'yon." Bahagya akong lumingon sa kaniya, sakto naman bumaba rin ang tingin niya sa akin.

Tipid siyang ngumiti nang magtama ang aming mata bago ako halikan sa ilong.

"Pagpahinga ka na muna, babantayan kita. Paalis na rin naman ang mga tao," malambing na aniya.

Umiling ako.

"Hindi pa naman ako pagod, saka okay na ako rito. Nasa tabi naman kita e."

Hindi ko maiwasan maisip si Charles, sa ganitong oras noon ay siya ang tinatakbuhan ko. Hindi ko man aminin pero namimiss ko si Charles, siya 'yong nakasanayan kong karamay ko sa lumipas na panahon.

Parang may humaplos sa puso ko ng ngumiti siya, 'yong ngiti na parang kinikilig siya. Gano'n ba talaga kapag sobrang mahal mo ang isang tao? Masaya ka na rin kapag masaya sila. Nawawala 'yong sakit na nararamdaman mo dahil nandyan siya.

"I will stay by your side, Lauren. Iwan ka man ng ibang tao. Itulak mo man ako palayo, mananatili ako sa tabi mo. Kahit hindi mo ako makita, kahit hindi kita mahawakan. Babantayan kita, gano'n kita kamahal."

Bahagya akong napatitig sa kanyang mata, masyadong sinsero ang bawat salitang binibitawan niya at lahat ng iyon ay tumatagos sa puso ko.

Sobrang lakas ng tibok nito.

Dinala ni Zayn ang aking kamay na may singsing sa labi niya at hinalikan. "I love you so much."

"I love you—"

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng lumagpas ang paningin ko kay Zayn at tumama iyon sa babaeng nasa likod namin.

"Anak Lauren..."

***

Continue Reading

You'll Also Like

29.6K 725 5
WALTON SERIES ONE Candice Elaine Walton cover by: psyfii
13.6M 244K 57
||RATED R|| Scenes may not be suitable for very young and innocent audiences. Phoebe Madrigal has a dark past na gustong gusto na niyang takbuhan...
5.9M 232K 64
A battle between love and service.
6.3M 116K 44
COMPLETED ✔️ PUBLISHED UNDER PHR LIB BARE Pomee Fuentez may be married to her first and only love, Chase Dri Grecco, but the ring on her finger mean...