Paano masaktan ang mga lalaki?
Tulad ng mga babae, nasasaktan din emotionally ang mga lalaki. Di sila immune sa ganun. Kaya tayong mga babae, misan mag-ingat din tayo sa mga pananalita at mga kinikilos natin.
1. Kinikimkim - Mas emosyonal ang mga lalaki kung kikilatisin lang. Syempre dahil lalaki sila, andun na yung expectations ng mga babae na hindi sila marunong masaktan. Pero kung alam nyo lang talaga, sa likod ng mga ngiti at tawang pinakakawalan at pinapakita nila, andun yung pain na hindi nila masabi sa iba. Kasi nga lalaki sila.
2. Galit sa mundo - May mga iilang lalaki na pag nasasaktan, lahat dinadamay. Kahit yung wala namang kinalaman sa kung bakit siya nasaktan ay kinagagalitan niya. Pero hindi din natin sila masisi kasi minsan baka naging ganun ka rin.
3. Bad mood - Siguro hindi naman lahat ng lalaki ganito. Pero may mga iilan na pag nasaktan ay laging bad mood. Akala mo nag-menopause na sa sobrang sungit at cold niyang makipag-usap sayo.
4. Umiiyak - Akala niyo ba mga babae lang ang marunong umiiyak? Well not. Ang mga lalaki, umiiyak din. May luha din sila pero hindi nila maipakita yung pag-iyak nila dahil ayaw nila ng issue na bading sila. Tsaka mas gusto nilang sarilinin yung mga problema kesa i-share nila sa tropa pero pagtatawanan lang naman sila.
5. Idinadaan sa laro - Most of men are like this. Since boys ay likas na mahilig sa laro, dito nila naibubuhos yung mga sakit na nararamdaman nila. Ang sarap kaya sa feeling na yung kalaban mo sa DOTA ay iniisip mo na yung taong nanakit sayo. Oh diba? Sure win ka dun.
6. Nagkakasakit - Kadalasan sa mga kilala kong lalaki ay nagkakasakit tuwing nasasaktan sila emotionally. Andyan yung masakit ang ulo at minsan nilalagnat pa. Pero syempre ang pinakamaskit, yung heart.
7. Bumababa ang self-confidence - Normal sa mga lalaki ang ganito tuwing nasasaktan. Kasama na yung pagbaba ng grades nila sa school. What if si girl ang inspiration at motivation niya sa studies tapos bigla siyang sinaktan ni girl? Diba nakakapanlumo yun? Parang feeling mo ikaw ang pinakaloser na tao sa buong mundo. Yung wala ka na talagang pag-asa pa.
8. Naglalasing - Yung mga nasa tamang edad na, ito ang solution nila kapag nasasaktan sila. Sa pamamagitan ng alak, parang nakakalimot sila sa problema at sakit na nararamdaman nila kahit sa sandaling oras lang. Pero pag nahimasmasan na, anjan ulit si pain.
9. Senti-mode - Ito yung mga laging tahimik at laging nasa sulok. Walang kinakausap kahit sino. Takot kasi silang mahusgahan. Takot silang pagtawanan. Kadalasan itong nauuwi sa suicide kaya sana wala namang maging ganun sa mga nagbabasa nito.
10. Nagtatampo - Ang boys ay nagtatampo rin. But believe me, iba sila magtampo. Ang cute. Pag nasasaktan si boy, konting lambing ayos na yan. Pero sana naman wag mo nang uulitin. May puso din sila.
So ayun. Salamat sa mga kaklase kong pumayag sa interview ko. Salamat kina Yves, JP, kuya Victor, Deneb, Patrick, Rojelo, Emerson at John Paul. Kung nababasa niyo man ito, sorry sa kakulitan ko. Tsaka salamat kasi kahit di ko sinabi sa iba yung reason kung bakit ko kayo tinanong about sa topic ay sumagot pa rin kayo ng maayos.