Tattoed Life

imperialistic tarafından

452 20 1

This is not the Typical Cinderella's story with her glass shoes of course. This is about Cindy. An ordinary g... Daha Fazla

Prologue
1- The scandal
2- Stranger
3-No Air
4- Wear a gown
5- Marian
6-Free
7- The Jacket
8-Torn part 1
9-Torn part 2(the dream)
10-The Rumble
12-The Scar
13-Wrong Turn
14- Ring
15- Right Thing
16- Brothers
17- Team SS
18- Brassiere

11- The professor

8 0 0
imperialistic tarafından

Nagdagdag po ako ng isang POV sa mga chapters. As you can see may isang mystery guy na stalker ni.. Haha. Basahin niyo na nga lang.

Nalilito ba kayo sa Story ko? Ako din eh Haha!! But don't worry. Bibigyan natin ng kasagutan ang lahat ng mga katanungan sa utak niyo. SOON.

Kung may violent reactions and suggestions, mag comment naman kayo. Kahit hindi na vote. feel free to do so. I will accept naman. This is a free country naman right :D

Ang saya ng araw ko today :) love.love.love

Imperialistic♥♥

----

"Good morning baby ! How's your sleep?"

Unang bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Mommy. Mula sa gilid, nakita kong kumuha siya ng isang saging sa isang basket ng prutas.

From the wall clock, past 11 am na pala. Ilang oras na kaya akong nakatulog ?

"Say ah.."narinig ko muli ang tinig ni Mommy. Pilit kong iginalaw ang aking mga kamay para maibuhat ang aking sarili upang makaupo ng maayos subalit napansin ko ang mga bandages na nakapulupot roon.

Sa isang saglit lang, nakaramdam ako ng unti-unting pagkirot sa aking mga sugat. Ngumuwi ako dahil sa sakit at agad na dumaluhong si Mommy upang tulungan ako.

Tahimik lamang ako noon. Marahil, ninanamnam ko ang tamis ng pagkaing nakahain sa akin. Paborito ko kasi iyn kaya hindi ko nanaisin na tanggihan ito.

Maya-maya pa, naubos ko na ang limang piraso ng saging. Ang sarap din palang mabusog muli.

"Mommy, saan po ba si Travis?"kagyat kong tanong sa kanya. Madalas nang wala si Travis sa aming tahanan. Maging ang pagtawag sa cellphone o mag message sa facebook ko ay hindi na niya nagagawa.

"I don't know baby. Why?"nakakunot na sabi niya.

"Ahm..wala po."walang ganang sagot ko. For the past three days, walang Travis na lumapit o nangamusta man lang sa akin. Nakakatampo man isipin, ngunit kailangan tanggapin.

"Are you sure na kaya mo pang pumasok baby? If you want, i can accompany you sa school."alok na tulong ni Mommy. Tinulungan niya ako magbihis, at maligo. Nagpasya na rin akong magpunta sa school. Sayang naman ang baon, este ang clearance para sa mga nagtatagong professors.

"I can manage naman Mommy."sagot ko. At kahit iika-ika akong maglakad, tolerable naman ang mga natamo kong sugat. Di ko nga naisip na marahil nabalian din pala ako ng buto dulot ng pagkuyog nila sa akin ngunit hindi ko na inalintana iyon.

Sa paglabas ko ng pinto ng aming bahay naramdaman ko ang pag-akbay sa akin ng isang tao at tinulungan akong buhatin ang aking bag."Akin na yan Ate.."nakangiti pa ito sa akin. Ito ba si Troy? Nakakapanibago. Mula sa bahay hanggang sa school ay sinamahan niya ako.

Sa totoo lang, ngayon ko lang naranasan ang pagiging kapatid sa akin ni Troy. Hehe.

Nag aaral din naman si Troy, ngunit sa ibang unibersidad naman. Siya ay kumukuha ng kursong Engineering at nasa Ikalawang taon na siya sa kanyang kurso. Kung inaakala niyong Papetiks-petiks lamang ito, nagkakamali kayo. Marami na rin medalyang naiuwi sa bahay si Troy at madalas itinatago niya ito. Ayaw niyang ipagmayabang ang kanyang achievements, bagkus ay pinagyayaman pa niya ito.

"Saan ba ang classroom niyo Ate? Ang lawak naman ng school nyo."bungad nito sa akin. For sure bored na bored na ito.

Nagtataka ang mga tao sa paligid. Paano ba naman kasi, bawat galaw namin ay talagang pinagtitinginan. Ganyan ba talaga pag sikat? (Ako. Oo ako yung sikat eh. Haha.)

Marahil, naninibago sila sa lalaking kasama ko ngayon. O kaya naman ang mga bendang nakabalot at ang sugat ko sa aking katawan ang kanilang napansin. O kaya naman ay ang shoulder bag na hawak-hawak nito habang nakahapit siya sa baywang ko.

Kung tutuusin, mukha nga naman kaming magjowa ni Troy sa ayos naming dalawa. Di naman kami magkamukha eh. Ako medyo hawig kay mama tapos siya kay papa. yun nga lang, ewww. INCEST. KADIRI !!

"Why are they staring at us?"conscious na tanong nito.

"Siyempre, kala nila mag-on tayo."

"Tss."

"Oyy. Kapal ha. Sa ganda kong ito..ginagan-"

"Stop lying Ate. You're just making fool of yourself."

"Aba! Siraulo to! Pasalamat ka't medyo baldado ako ngayon."

"YOU should be the one to thank me."

"Oh little brother, Thank you for being weird Today."i said sarcastically.

"You're always welcome my majesty."at akmang luluhod pa ang nakababata kong kapatid sa akin.

Okay. We are making a scene here.

I heard aww's of some chismosas here but the hell i care about them. This is Troy. And he's embarassing me in public again.

Again ? Oo. Saka ko na lang ikwento yung first time.

Gamit ang kaliwang kamay, imbes na takpan ko ang mukha ko, sa bibig ko napunta ito. I was about to say "ahh." Ngunit sa di inaasahang pagkakataon,  nakasagap ako ng insekto. Deretso sa lalamunan ko.Ewan ko ba kung anong insekto man yun, basta lumilipad. At agad akong napaubo.

Ako : *ubo*ubo*ubo

Sakit sa lalamunan! Gumugihit eh. Alam mo ba yung feeling na mabilaukan sa sarili mong laway? Or in other terms e masamid? Basta yun na. That's how i describe that feeling.

Dinaluhan naman agad ako ni Troy. Hinimas-himas ang likod ko."yan kasi.."dagdag pa niya. Aba! Ako pa talaga ha.

After five years nakarating na ako sa room. My brother was so bait, imagine pati pag upo ko inalalayan niya. Ewan ko ba, may saltik ata tong kapatid ko ngayon.

Halos lahat ng classmates ko sa room nakatingin sa akin. Or lets just say na sa amin sila nakatingin. Especially yung mga girls na humarass sa akin. Obviously just by looking at them, they were mesmerized by the looks of my younger brother.

Ehem. Dahil kapatid ko siya, hindi naman sa pagmamayabang pero talaga namang mapapatingin ka kay Troy. I describe it as parang COC.(Clash of Clans). According sa isa sa mga nabaliw kay Troy, siya daw yung tipo ng taong nakakaaddik at binabalikan. Oh really? Haha. Napangiti lang tuloy ako.

"Oh, ano na naman 'to."pagkatapos ko umupo sa aking upuan, may nilapag siyang isang paper bag. Ah, siguro medicines ko.

"Pizza, pineapple juice and Carbonara. Seriously ate, you eat like a pig."oh diba sabi ko sa inyo,bastos din tong bibig ng kapatid ko.

Before he turns his back on me, i quickly grabbed his collar shirt and gave him a peck. Oyy hindi sa lips ah. Sa cheeks lang yun. I was surprised because his face turned red. Haha. One point for me.

Before he glance me for one last time binulungan ko lang naman siya ng "sakyan mo na lang trip ko. Look at the girls, they envy me now."

And somehow, he managed to gaze the haliparot girls who make pakyut when they saw Troy was seeing them too.

He just shrug and walk away just like that. Bastos talaga.

5 min. Na lang at iaanounce na ang mga nakapasa sa class. I crossed my fingers. Sana nakapasa na ako this time. I mean hindi naman sa bumabagsak ako pero madalas, puro Christmas THREE ang nasa classcards ko.

Tumahimik bigla ang lahat. Gulat kami eh. Isang poging nilalang ang pumasok sa Room namin. Oh wait. Student ba to? Bat nakakacasual??

"So since, wala si Sir Animales, ako na ang magdidistribute ng classcards nyo. As i called your surname, please go here in front and get your classcards. So let's start from Abstanilo.."

At sa kabutihang palad, nakaupo ako sa harapan, harap ng Teacher's Table which is kaharap ko talaga siya mismo! Hehe.

"Asturias.."

Ang bango naman ni Sir.. yung pabango niya parang fabcon. Ang sarap amuy-amuyin..

"Bartolome.."

Teka, parang pamilyar sakin yung amoy na 'to ah. Singhot uli ako. Ang bango eh..

"Catindig.."

Ba naman yan!! Pati yung mata ang ganda din. Tapos yung eyelashes niya natural na mahaba! Ang gandang pagmasdan :))

"Dela Cruz.."

Yung nose! Ang tangos! Yung fes. Yung skin!! Parang nahiyang tumubo ang blackheads at pimples sa mukha niya. Argh !!

"Delos Santos.."

Yung lips. I mean luscious lips. Parang alaga ng lip balm. Hindi man lang nagddry . Nakaka inggit at the same time nakakamesmerize siyang tignan!

"Delos Santos.."

Yung tipong mas maganda pa siyang creation ni Papa God. Yung hitsurang babalikan mo ng tingin. Amputi..

"Again.. Delos Santos.."

Hays. Ang gwapo talaga ni Sir. Kahit nakapoker face sarap titigan. Hindi nga nakakaumay pagmasdan eh. Umayos pa ko ng pagkakaupo kahit na medyo masakit pa ang katawan ko dahil sa bugbog na inabot ko.

"WHERE IN THE HELL IS MS. CINDERELLA DELOS SANTOS??"

Ang noo niya biglang kumulubot.

Tapos sumigaw siya.. ano nga pala uli yung sinasabi niya ??

As i watched his moves, parang kilala ko siya. His eyes roamed the room, parang may hinahanap.. from left to right and every corner of the room wala siyang pinalagpas.

And then , hanggang sa akin na napunta ang kanyang mga titig. Only to find out na ako pala ang hinahanap niya.

A smile flashed on his face made me really uncomfortable. That smile ! Is really familiar with me. Parang matagal na kaming nagkakilala.. or maybe nag aasume lang ako.

Feelingerang palaka in other words -_-

"So you are Ms. Delos Reyes."

I was stunned. That voice !! Urgh. Nakakawala sa huwisyo eh !!!

And to my surprise, he stood up and walked towards me. Suddenly i realized that he pinched my left cheek. And i was like what was that for? I heard him giggle. Yaaaaah !!! Crush ko na si Prof ♥♥ sana wala na si Animales next sem. Huhu.

"Ikaw pala yan hindi ka man lang umiimik. Next time Dear, wag mo nang tititigan ang guwapo kong mukha. Tignan mo yang laway mo. Tutumutulo."tapos pinunasan niya yung laway ko daw sa may bandang baba.

Narinig ko ang malakas na hiyawan nila. Ay !!! Nakakahiya !!!

After nun, bumalik uli siya sa table niya.

"Escudero.."

Sana lamunin na lang ako ng lupa .. as in now na.

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

61.2M 1.8M 48
PUBLISHED UNDER LIB Note: If you're not into flawed characters who make wrong decisions, don't read this. Save yourself from stress. Started: 10/07/2...
128K 3.1K 35
What if an ordinary day turns out to be not so ordinary after all? Lily woke up early for work, but unusual things happened... 1. Her Morning coffee...
1.9K 136 29
This book is a Love Story About Relly Cinder. Ang Great Great Great Great Granddaughter ni Cinderella. Unlike her Grandmother Cinderella, her story...
3.6K 179 20
Anu nga ba ang magandang love story? Yung may gwapo at magandang mga leading characters? Yung may twist sa dulo na magkakilala na pala since kids. Y...
Wattpad Uygulaması - Özel özelliklerin kilidini açın