Love Scars [✔]

By selimwarrior

46.9K 1.2K 390

He treated me like his own sister. Dinamitan, pinakain at pinatuloy sa sarili nitong mansyon kasama ang kapat... More

Synopsis
Chapter 1: Work
Chapter 2: Suplado
Chapter 3: Guardian
Chapter 4: Birthday and Ex/s?
Chapter 5: Love Scars
Chapter 6: Wake Up, Anya
Chapter 7: No Choice
Chapter 8: Comfortzone
Chapter 9: Sundo
Chapter 10: Eyes on You
Chapter 11: Saturdate
Chapter 12: His Family 1
Chapter 13: His Family 2
Chapter 15: Avoiding Him
Chapter 16: Uncertain Feelings
Chapter 17: I'm Here
Chapter 18: Backfire
Chapter 19: Covering the Pain
Chapter 20: Adjustments
Chapter 21: Mistake
Chapter 22: Fever
Chapter 23: Message
Chapter 24: Graduation Day
Chapter 25: Broken Trust
Chapter 26: Truth
Chapter 27: Backup
Chapter 28: Maybe this time
Chapter 29: Yes
Chapter 30: Family Dinner
EPILOGUE: I DO
Special Chapter
Love Scars' Journey

Chapter 14: Failed

1.1K 37 11
By selimwarrior

Anya.

   PAGKAGISING ko ay wala na si Kleng sa tabi ko. Ginulo ko ang sarili kong buhok at napasulyap sa salamin sa gilid ng dingding ng kuwarto.

  Napasimangot ako dahil napakapangit ng gising ko. Hindi kasi ako makatulog agad kagabi dahil kay Kiah. Noong hihiga na ako sa kama ay doon ko lang narealize na umamin ako sa kaniya na gusto ko nga si Zohar.

  Ugh, nakakabaliw. Ano bang naisip ko at umamin ako? Pwede ko namang itanggi sa kaniya eh. Kalokohan.

   Pinilit ko ang sarili kong bumangon na at nag-toothbrush sa banyo bago umalis ng kuwarto. Napakatahimik ng paligid ko ngayon. Siguro ay nag-aalmusal na ang mga Gustavo sa baba.

   "Miss."

  Napatigil ako nang madaanan ko ang isang katulong nila Zohar sa Mansion. Nahihiyang tumingin naman ako sa kaniya at bahagyang ngumiti.

  "Magandang umaga, bakit?"

  "Nasa pool area po ang mga Gustavo. Pinapasabi ni Sir Zohar na doon na lamang kayo dumeretso."

  "Huh?"

  Napangiwi ito. "Mukhang hindi po ninyo alam ang pool area dito. Samahan ko na lang po kayo."

  Tipid akong ngumiti. Hindi hamak na mas matanda ang kausap ko ngunit masyado itong magalang para gumamit ng salitang 'po' sa akin. Napabuntong-hininga na lamang ako bago sumunod sa kaniya.

  Nang makarating ako doon ay agad kong natanaw sila Zohar na nagtatampisaw sa pool kasama ang kapatid nitong si Zephyr na parehas na nakahubad-baro. Kasama nila si Kleng na tuwang-tuwa naman habang tinuturuang lumangoy ni Zohar. Agad na nag-init ang pisngi ko sa senaryong iyon.

  "Enjoying the view of my brothers?"

  Napatingin agad ako kay Kiah at nahimasmasan.

  "Po?" Nahihiyang tanong ko bigla. Siya ang dahilan kung bakit napuyat ako. Nakaka-intimidate talaga ang taglay nitong kamalditahan.

  "Alam kong maganda ang lahi namin pero hindi ko talaga matanggap na sa sobrang bait ng kapatid ko ay nagawa niya kayong ampunin sa buhay at bahay niya."

  "Hindi mo ba talaga kayang pakisamahan ako nang maayos?" Mapait na tanong ko.

  Hindi ito nakapagsalita agad sa tanong ko. Sa totoo lang ayoko talagang nakikipag-away pero itong si Kiah ang laging nag-aamok ng away kaya hindi ko mapigilan na sagutin siya at itama ang maling iniisip niya tungkol sa akin.

  "You're quite a strong girl. Maybe that's why Kuya likes you as a person too. Noong sinagot mo ako kagabi, hindi ko maiwasan na bumilib sa sinabi mo. I'm amaze na kahit pinapaalis na kita ay nandiyan ka pa rin at may maganda ka rin namang plano."

  Kumunot ang noo ko. Biglang gumanda ang mga naririnig kong salita mula kay Kiah. Nakakabilib.

  "Hindi ko naiintindihan."

  Ngumiti siya ngunit hindi iyon umabot sa mga mata niya.

  "Wala akong ibang hangad kundi ang maging masaya si Kuya Zohar. Hinahanap ko lang naman ang babaeng karapat-dapat sa kaniya."

  Bigla siyang bumaling sa akin.

  "Kung sa tingin mo, dapat ka para sa kaniya... ipaglaban mo ang Kuya ko. Kung gusto mo talaga siyang maging masaya, gawin mo ang tama."

  Natulala ako sa sinabi ni Kiah. Hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya. Ipaglaban ko ang Kuya niya?

  "Kiah..."

  Natawa siya nang mahina.

  "Ate Kiah." She corrected me.

  Napailing ako. "Salamat." Nakangiti kong sambit. She raised her hand.

  "No. Si Kuya ang masusunod. Ako, kapatid niya lang ako at narealize ko kagabi na sobrang nakakasakal iyong ginagawa ko sa'yo. As long hindi mo sasaktan at lolokohin ang Kuya ko habang nasa puder ka niya, we're good."

  Nabunutan ako ng tinik sa dibdib dahil sa sinabi ni Kiah.

  "Good morning, Anya!" Bati sa akin ni Zohar. Umahon ito mula sa tubig at nasa balikat nito si Kleng na nakangiti sa akin.

  "Good morning."

  "Hindi na kita ginising. Mukhang masarap ang tulog mo sa kama." Aniya na nagpailing sa akin.

  "Ayos lang kahit ginising mo sana ako."

  "Okay na. Just eat. Maraming pagkain doon sa cottege."

  Tumango ako sa kaniya. Si Kiah naman ay nakatingin lang sa amin at maya-maya ay napangiti.

  Nang makaalis si Zohar at bumalik kay Zephyr ay nagsalita si Kiah.

  "Ang caring ng kapatid ko. Hindi naman ganiyan dati iyan. Nang makilala niya si Ate Zyra, naging malambot na ang puso niya."

  Napatango ako. Naaalala ko si Ma'am Zyra. Mabait talaga siya at hindi nakakapagtaka na pati si Zohar ay nahulog sa kaniya ngunit pinili niya pa rin si Sir Allen. Si Sir Allen na sinasaktan siya noon pero dahil si Sir Allen ang mahal niya, iyon ang pinili niya.

  Pinili niya dahil doon siya masaya.

  "Nakakatakot ibigay ang Kuya sa iba. Na-phobia na ako na lagi na lang siyang naiiwan ng babaeng gusto niya. Ngayon, si Sharee ang nirereto sa kaniya. Nakikiusap ako... kung darating ang araw na mamahalin ni Kuya si Sharee, pakawalan mo na siya."

  Parang sinuntok ang dibdib ko sa pakiusap ni Kiah. Ang kaninang nagsasayang damdamin ko ay tila nawalan ng sigla.

  Napagtanto ko na kahit anong gawin ko may hadlang pa rin. Kahit sikapin kong maging better para sa kaniya, kailangan pa rin niya ng best.

  Pilit akong ngumiti at itinago ang pait na nararamdaman ko.

  "O-Oo naman." Mahinang sagot ko at napatango siya.

  Bandang hapon na nang mapagpasyahan ni Zohar na umalis na kami. Hindi man ako gaanong pinapansin ni Tita Zoe ay okay na ako. Hindi na masama ang tingin niya sa akin. Siguro nagkausap na din sila ni Kiah.

   Hindi matanggal sa isip ko ang sinabi ni Kiah. Pinanghihinaan ako. Paano iyon? Si Zohar at Sharee nagagawa nilang i-date ang isa't isa ngayon at hindi malabo na magkagustuhan sila sa madaling panahon din.

  Naninikip ang dibdib ko. Habang tumatagal na kinikimkim ko ang nararamdaman ko para kay Zohar ay napagtatanto ko din na wala akong pag-asa kung hihintayin ko ang tadhana na kumilos para sa akin.

  "Anya..."

  Napatingin ako kay Zohar. Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami muli sa Mansion.

  Napatulala ako bigla. Nagulat ako nang hawakan ni Zohar ang mukha ko. Tila nakuryente ako sa uri ng pagkakahawak nito sa akin. Nanigas ako sa kinauupuan ko.

  "Hindi ko alam kung anong nangyari sa'yo. Hindi ko alam kung may problema ka pa. Hindi ko maintindihan bakit bigla ka na lang nananahimik pero gusto kong sabihin na nag-aalala ako."

  Napaawang ang bibig ko akmang may sasabihin ngunit agad kong itinikom ito. Anong sasabihin ko? Sasabihin ko ba na problema ko ang nararamdaman ko.

  Sinulyapan ko si Kleng na natutulog sa likuran bago muling bumaling kay Zohar.

  "Akyat muna tayo. Ayusin ko ang mga gamit namin ni Kleng."

  Napatango si Zohar. Nakaramdam ako ng pagkadismaya nang tanggalin niya ang mga palad niya na nakahawak sa mukha ko. Napabuntong-hininga na lamang ako.

  "Hihintayin kita sa side ng pool."

  Tumango ako sa kaniya at bumaba. Binitbit ko ang ilang gamit namin ni Kleng at inakyat na ito.

   Hindi ko mapigilang ngumiti bagama't pagod ako sa biyahe. Sa wakas, nakauwi na rin ako dito sa bahay. Pakiramdam ko mas welcome talaga ako dito kaysa doon.

  Agad kong nilagay sa mga dapat na kalagyanan ang mga gamit namin. Maya-maya ay narinig ko ang marahan na katok mula sa pinto.

  Nagpakawala ako nang malalim na hininga bago binuksan iyon. Akay-akay ni Zohar si Kleng at mabilis na inilagay ito sa kama. Mahimbing na ang tulog nito at halatang latang-lata ang katawan dahil sa pagod.
 
  Pagkatapos niyang ibaba si Kleng ay nag-inat ito bago bumaling sa akin. Napaatras pa ako sa pagkabigla. Ang bilis talaga ng tibok ng puso ko. Ang tahimik sa buong mansion ngayon dagil tulog na halos lahat bg mga kasambahay.

  "Anya..." Tawag nito sa pangalan ko.

   Huminga ako nang malalim at pinakalma ang naghuhurumerentado kong puso.

  "Susunod ako."

  Tumango siya at sumenyas na mauuna na siyang lumabas. Napapikit na lamang ako at pabagsak na humiga sa tabi ni Kleng.

   Pinakatitigan ko ang mukha nito. Kung sana ay malaki na ito, gusto ko rin sanang i-share sa kaniya ang patungkol sa nararamdaman ko. Kaso hindi. Si MJ lang ang napagsasabihan ko patungkol sa bagay na ito at kahit siya ay against sa nararamdaman ko.

   Hindi naman sa sobrang against pero alam kong alam niya din na walang patutunguhan ang nararamdaman ko. Wala nga ba?

  Gulong-gulo ang isip ko sa mga oras na ito. Nagdadalawang isip ako kung susundan ko ba si Zohar sa labas. Sa huli ay napagpasyahan kong lumabas ng kuwarto at hinanap sa gilid ng pool si Zohar.

   Nadatnan ko siya roon na nagtatampisaw ng paa nito sa tubig. Napangiti ako sa kaniya. Ganitong-ganito din noong nasa Nella Aryz kami, mukhang nasa malalim na pag-iisip si Zohar.

   Pasimple akong umupo sa tabi niya. Itinabi ang tsinelas na suot ko at nilublob ang paa sa tubig. Naramdaman ko kaagad ang malamig na sensasyon na bumalot sa paa ko. Tila pinapagaan niyon ang kabang nararamdaman ko sa sandaling ito.

  Huminga ako nang malalim at tumingin sa malayo.

   "Hmmm?" Napatingin ako kay Zohar na ngayon ay nakatingin na din sa akin. Muling dinaga ang dibdib ko sa simpleng pagbaling nito sa akin.

  Agad kong iniwas ang tingin ko sa kaniya.

  "Paano kung may tao kang gusto pero alam mong hindi kayo pwede?" Biglang tanong ko.

  Natahimik si Zohar dahil doon.

  "W-what? Do you like someone now?" Takang tanong nito sa akin.

  Dahan-dahan akong napatango. Naiilang ako sa tanong niya.

  "Woah. Seriously?" Paninigurado pa niya.

  "Meron akong gusto pero ayokong sabihin sa kaniya na gusto ko siya kasi hindi kami pwede."

  Napailing si Zohar sa sinabi ko.

  "No. Hindi iyan tama. Walang taong hindi pwede sa pag-ibig. Sa kahit anong aspeto ng buhay, lahat ay nagiging pantay dahil sa pag-ibig. Walang nakakaangat, walang mababa, walang mayaman at mahirap. Kapag nagmamahal ka, puso ang gumagana."

Napabilib muli ako ng mga salita ni Zohar. Hindi ko maiwasan na magpakawala ng isang matamis na ngiti dahil sa narinig ko.

  "Kahit mayaman siya?" Pagkuwa'y tanong ko.

  "Oo naman. Kung mahal mo, walang imposible. Kung ipaglalaban mo, wala namang mawawala. Ah--- meron pala."

  Napatingin ako sa kaniya.

  "Anong mawawala?"

  Ngumiti siya sa akin bago tumingin sa malayo.

  "Hindi naman totally mawawala. Masasaktan ka lang naman sa proseso."

  "Siyempre kapag pinaglaban mo, asahan mo na matatalo o mananalo ka. Kapag nanalo, edi maswerte kung natalo naman, edi okay pa rin."

  "Tama. Okay pa rin kasi sinubukan mo. Walang regrets sa parte mo dahil pinaglaban mo ang nararamdaman mo." Natutuwang sabi niya sa akin.

  Napatitig ako sa kaniya. Maya-maya ay bumaling na din siya sa akin.

  "Oh, bakit ganiyan ka makatingin?" Nangingiting tanong niya. "Hindi pa rin ako makapaniwala na may gusto ka na. Samantalang tinuturing kitang batang kapatid."

  Nanlumo ako sa sinabi niya at napangiti nang mapait.

  "Kung pwede lang sana, tigilan mo na iyan." Seryosong sabi ko na ikinapagtaka niya.

  "What?"

  Napapikit ako sa tanong nito. Ang manhid mo, Zohar.

  "Itigil mo na ang pagtuturing sa akin bilang kapatid mo kasi gusto kita, Zohar."

  Inis akong tumayo at tumakbo sa loob ng Mansion. Sinubukan akong habulin ni Zohar pero mas binilisan ko lamang.

Hinihingal ako nang makarating ako sa kuwarto at agad kong inilock iyon at hinawakan ang dibdib ko.

  Sheez, pinigilan ko. Sorry. Pinigilan ko naman pero ngayon hindi ko na kaya.
 

  

  
 

Continue Reading

You'll Also Like

114K 4.2K 40
A simple vacation-that is all Ginny expects when she goes on a trip with her friends. They visit a small town and a man living alone in his old mansi...
31.5K 1.8K 33
[ SAAVEDRA TWINS - KAIROS ] Kairos Saavedra and Ynna Dario are bestfriends. Magkasabay silang lumaki. They are always together at walang kahit anong...
711K 25.5K 72
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
371M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...