His Bodyguard Wife (𝗖𝗒𝗠𝗣�...

By KumanderEriii

570K 1.8K 107

π˜Όπ˜Ύπ™Šπ™Žπ™π˜Ό π˜½π™‡π™Šπ™Šπ˜Ώ π™Žπ™€π™π™„π™€π™Ž #1 HIS BODYGUARD WIFE Maayos na ginagampanan ni West ang mga normal na g... More

CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 4
CHAPTER 5
Author's Note

CHAPTER 3

13.8K 374 16
By KumanderEriii

CHAPTER:03

|Texana West Point Of View|

"Wake up Texana, we're here."

Nagising ako ng maramdaman ang pagyugyog ni Arnold sa balikat ko at nang magmulat ako ng mata at sumilip sa labas ng bintana ay nakita kong nasa garahe na pala kami.

Pinagbuksan ako ni Arnold ng pinto kaya agad akong bumaba ng sasakyan namin at pupungas pungas na dumiretso papasok sa loob ng mansion namin.

"Good Evening Lady Texana." Bati ng mga Butlers at maids ng makita ako kaya tinanguan ko nalang sila bilang tugon.

"Where is my dad?"

"He's waiting for you in his office, Lady Texana." Sagot nila kaya walang imik akong umakyat sa second floor kung nasaan ang office ng ama ko.

Nang makarating ay hindi na ako nag-abala pang kumatok at sinipa nalang ang pintuan tsaka dire-diretsong pumasok at naupo sa sofa na katapat niya dahilan para mapatingin siya sa akin.

"Nandito ka na Pala." Usal niya tsaka inayos ang mga papeles na nasa table niya tsaka bumuntong hininga.

Gusto ko siyang pilosopohin dahil sa sinabi niya pero wala ako sa mood dahil inaantok pa ako.

"So, Kamusta ang mga naglalaban sa underground? May nakita ka bang interesante o kakaiba?"

"None." Tipid kong sagot tsaka ipinatong ang ulo ko sa sandalan ng sofa at tumitig sa kisame.

"May mga kaaway na naman kayo?" Tanong ko kaya tumango siya

Hindi na 'yon nakakagulat. Being a Mafia Boss is not that easy.

"Anyway, I want to tell you something important." Seryoso niyang wika pero nanatili akong nakatitig sa kisame

"I'm listening." Tipid kong wika at rinig ko naman ang pagbuntong hininga niya bago siya sumagot.

"You already married and I want you to protect your husband."

Unti unti kong inangat ang aking ulo tsaka siya tinitigan.

'Already married?'

'Protecting my husband?'

W-what the fuck?!

***

Katahimikan.

'Yan ang bumalot sa pagitan namin ng ama ko matapos niyang sabihin ang isang hindi kapani-paniwalang impormasyon.

Nakatitig lang kami sa isa't isa na tila walang balak na kumurap kahit isang segundo. Pilit naming binabasa ang reaction ng isa't isa.

Hindi ako kumibo at hinintay lang na sabihin niya ang salitang 'joke' pero dahil siya si EAST ACOSTA, Hindi na ako umasa pang sasabihin niya 'yon.

Sa itsura niya ay mukhang hindi siya nagbibiro. Siya ang unang nag-bawi ng tingin nang basagin ko ang katahimikan.

"How? Kindly explain everything to me my dear father." Malamig kong saad kaya napakamot ito sa kanyang ulo bago sumagot

"Kilala mo naman si Luiz di ba?" Usal niya kaya kumunot ang noo ko.

"Si Uncle Luiz na kaibigan mong matalik? At kanang kamay mo bilang Mafia Boss, Huwag mong sabihin na siya ang asawa ko." Nakangiwi kong turan kaya napatawa siya

"Ofcourse not, Ang ibig kong sabihin ay alam mong matalik kaming magkaibigan ng uncle Luiz mo at alam namin ang tungkol sa isa't isa." Wika niya

"Pwede bang huwag ka ng paligoy ligoy pa dad? Just tell me who the hell is my husband and how the fuck I become his wife." Kunot noo kong usal

"Alright, alright, Chill my daughter, So ayon nga, Ang asawa mo ay ang anak ng tito Luiz mo, hindi pa kayo isinisilang napagkasunduan na namin na kayong dalawa ang magiging mag-asawa." Panimula niya kaya natigilan ako.

May anak pala si Uncle Luiz? Hindi ko 'yon alam ah.

"Hindi lang kayo nagkakilala dahil sa japan ka lumaki samantalang siya naman ay dito sa pilipinas. 4 years ago ng i-arrange marriage namin kayo at sinadya kong hindi sabihin sayo ang tungkol doon dahil alam kong tututol ka." Dagdag niya pa at nanatili naman akong tahimik

Hindi na nakakapagtaka kung paano nila 'yon nagawa ng hindi hinihingi ang opinyon ko. Iba talaga ang nagagawa ng pera.

"Hindi rin alam ng asawa mo ang tungkol sa kasal niyo dahil kung alam niya paniguradong tututol siya kaya inilihim rin namin ng uncle Luiz mo sa kanya ang totoo, isa pa, hindi niya alam na siya ang Mafia King dahil asawa ka niya na siyang Mafia Queen, sa madaling salita, Wala siyang alam tungkol sa MAFIA WORLD, Hindi niya alam na isang Mafia ang Uncle Luiz mo." Pagpapatuloy niya pa kaya napabuntong hininga ako.

Kung ganon ay nakakaawa wala siya. Wala man lang siyang alam sa totoong mundong kinabibilangan niya.

But anyway, Sikreto ang totoong identity ng ama ko dahil 'pag nalaman ng mga kaaway kung sino talaga siya paniguradong manganganib lalo ang buhay niya at ganon rin naman ako bilang Mafia Queen wala ring nakakaalam sa totoo kong identity.

Sa tuwing nagpapakita kasi ako sa underground bilang Mafia Queen, ay nagsusuot ako ng pulang maskara at outfit, pati pulang wig na hanggang bewang ko.

May ilang identity ako sa Underground, Una ang pagiging mafia Queen ko o mas kilala ako sa tawag na BLOODY QUEEN. Ang rank 1 sa buong Mafia World. Pangalawa ay si DEATH GLASS, Ang RANK 3 sa buong Mafia World, Hindi ako nagdi-disguise kapag ako si DEATH GLASS kaya Malaya nilang nakikita ang totoo kong mukha pero ganon pa man ay hindi nila alam kung sino ba talaga ako, dahil kahit nage-exist ako ay wala silang mahanap na impormasyon tungkol sa akin.

At kung meron man 'yon ay ang pangalan ko lang na Texana West pero hindi nila alam kung anong apelyedo ko. Kahit no'ng nag-aaral pa ako ay wala akong gamit na apelyedo.

Madalas ang katauhan ni Death glass ang ginagamit ko at dahil ako ang rank 3 ay takot sa akin ang mga mafia na may mabababang ranggo, kagaya nalang ng Colorful Shadow na si Ara ang Leader.

Ang ranking sa Mafia World ay pwedeng individual o Groupings. May mga nasa rank na walang kagrupo at meron din naman na may mga ka-grupo. At kabilang si Bloody Queen at Death Glass sa mga nasa rank na walang ka-grupo.

Maraming humihiling sa akin na sumali ako sa grupo nila pero lahat sila ay tinaggihan ko. Kung bakit? Yon ay dahil ayoko magkaroon ng mga kasamahan na mahihina, Sagabal lang sila.

"Are you still listening West?" Tamad kong binalingan ng tingin ang ama ko at imbis na sagutin ang tanong niya ay nag-tanong rin ako.

"How old is he?"

"18 years old, you're 4 years older than him." Napahilot ako sa aking sentido dahil sa naging sagot niya.

Magaling. Mas bata sa akin ang asawa ko. *Insert sarcastic voice*

"Yong sinabi niyo kanina, Bakit kailangan ko siyang protektahan?" Tanong ko kaya sumeryoso siya.

"Dahil may mga nagtatangka sa buhay niya, Hindi naman lingid sa kaalaman mo na mayaman ang Uncle Luiz mo at madami siyang iba't ibang business, bilang nag-iisang anak ng Uncle Luiz mo, siya ang taga-pagmana nito kaya maraming gustong pumatay sa kanya o kumidnapped para maagaw ang yaman ng uncle mo." Sagot niya na siyang ikina-tango ko nalang.

Right, Isang Billionaire nga pala si Uncle Luiz.

"Kaya ang mission mo ay protektahan siya hanggat hindi pa dumadating ang tamang panahon para malaman niya ang totoo, Kung sasabihin kasi natin ang lahat sa kanya ngayon paniguradong hindi niya pa mai-intindihan at baka mag-rebelde lang siya." Muli niyang saad kaya muli na lamang akong tumango.

"Puntahan mo siya bukas para magkakilala kayo, ito ang address ng bahay nila." Usal niya pa tsaka inabot sa akin ang isang piraso na papel at agad ko naman iyong kinuha at saglit na tiningnan bago ipasok sa bulsa ng leather jacket ko.

"Wala na ba kayong ibang itinatago sa akin?" Tanong ko kaya ngumiti siya

"Wala na mahal kong anak."

"Mabuti." Tumayo na ako tsaka walang paalam na lumabas ng opisina niya at dumiretso sa kwarto ko at pabagsak na humiga sa aking kama.

Kailangan ko ng magpahinga.

***

Tumagilid ako pakanan pero agad rin na bumaling sa kaliwa ko. Tumihaya at dumapa na rin ako but fuck! Hindi pa rin ako dinadalaw ng antok.

Inis akong bumangon tsaka ginulo ang buhok ko dahil sa pagka-frustate. Nang tingnan ko ang wrist watch ko ay napamura ako ng makitang alas-dose na ng madaling araw pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makatulog.

"You already married and I want you to protect your husband."

"You already married and I want you to protect your husband."

"You already married and I want you to protect your husband."

Mariin kong ipinikit ang mata ko tsaka bumuga ng marahas na hangin. Napaliwanag na ni dad ang tungkol sa asawa ko at sa pag-protekta ko dito pero hanggang ngayon ay para pa rin iyong sirang plaka na Paulit ulit nagre-replay sa utak ko.

Hinubad ko ang leather jacket na suot ko tsaka ako tumayo at pumunta sa harap ng salamin at pinasadahan ng tingin ang repleksyon ko.

Pumikit ako tsaka tinanggal ang suot kong eye glasses at nang magmulat ako ng mata ay agad na bumungad sa akin ang isang babae na may pulang mga mata.

"Kamusta Bloody Queen?" Wika ko at tsaka umiling para akong timang.

Napatingin ako sa kanang braso ko kung saan naka-tattoo ang isang kulay pulang mata na may gintong korona sa itaas na bahagi na siyang palatandaan na ako ang MAFIA QUEEN na si Bloody Queen. Paniguradong may ganitong tattoo rin ang anak ni Uncle Luiz dahil siya ang Mafia King, kaya lang sa kaliwang braso ang sa kanya.

Inilagay ko sa loob ng drawer ko ang aking eye glasses na siyang palatandaan na ako si Death Glass. Hindi iyon ordinaryong salamin dahil kapag suot ko iyon ay kulay itim ang tingin ng mga tao sa Mata ko bukod doon ay meron rin itong x-ray vission. Isa pang palatandaan ko bilang si DEATH GLASS ay ang tattoo na eye glasses sa kaliwang pulsuhan ko.

Nakuha ko ang mga tattoo na 'to no'ng mag-16 ako at pasukan ko ang mundo ng mga mafia, Ang mundong inayawan at pilit kong tinatakasan dati. Bago ko 'to nakuha ay isang taon akong nag-tiis na gawin ang Iba't ibang pamatay na training kung paano makipag-laban.

Lumapit ako sa closet ko tsaka kumuha ng hoodie jacket at agad iyong isinuot bago ako lumabas ng bahay namin.

Wala namang pumigil sa akin dahil alam nilang kaya ko ang sarili ko.

Hindi ako gumamit ng sasakyan dahil balak kong mag-lakad lakad baka sakali na dalawin ako ng antok.

END OF CHAPTER:03

Continue Reading

You'll Also Like

110K 4.1K 43
COMPLETED||EDITING [Background cover ia credit to the real owner-Pinterest] [Former title: My husband is the highest student council president] St...
286K 17.6K 39
SPG 18 "There were times I wish I could unloved you so I could save what's left of my sanity. It's a never-ending torture to love someone who can't l...
154K 8.7K 43
Tagalog Vampire-Romance story. Ano ang gagawin mo kapag tumira ka sa isang mansion kasama ang mga bampira? Ikaw ba ay matatakot o magmamahal? Hindi m...
10.2M 131K 22
Daughters and sons of conglomerate families gathered at Fukitsu Academy. They believe they are untouchable, yet there is one clan they fear the most...