SA Carinderia ni Caring natapos ang mahigit isang oras nilang biyahe. Sarado na ang kainan, may isa lang bombilya sa harapan. Hinubad ni Paige ang helmet niya pero hindi agad siya bumaba ng motor, niyakap muna niya ng mahigpit mula sa likuran si Wendell.
"Thank you! Thank you talaga!"
Hinubad rin nito ang helmet at nilinga siya, "Wala pong anuman. Basta ikaw."
"Shut up." Bumaba na si Paige. "Hindi biro 'tong ginawa mo para sa 'kin."
"Hindi naman ako naniniwalang killer ka at sira-ulo."
"'Yung killer, hindi talaga. 'Yung sira-ulo...."
Tumawa si Wendell. Sabay silang naupo sa harapan ng karinderya. Kinuha nito sa bulsa ang cell phone, may idinayal at ibinigay sa kanya, "Kausapin mo na boyfriend mo."
Kinuha niya ang cell phone, "Sira, hindi ko boyfriend 'to." Nakinig siya sa ring at, "Hi, Ty."
"Paige! Nand'yan na kayo?"
"Oo. Kakarating lang."
"Shit! I can't believe it...nand'yan na 'ko. On the way na."
"Okay, see you! At thank you!" Ibinalik niya kay Wendell ang cell phone, "Thank you rin talaga, Wendell." Ulit niya sa lalaki. "Sa totoo lang, kinakabahan ako na hindi n'yo masunod 'yung plano kasi, wala akong cell phone, hindi ko mapa-follow up."
"Kinakabahan rin ako na baka mali ang intindi ko. Kulang na lang ay maglulundag ako kanina nung nakita ko ang signal mo."
"We did it." Aniya, hindi pa rin makapaniwala. Kumapit siya sa braso ng lalaki, "At 'wag kang mag-alala, kahit mahuli ako, hindi ka madadamay." Sinigurado niya iyon kaya ito ang itinalaga niyang sundo at sa Tagaytay pa siya nagpasundo. Hindi puwedeng madawit sa kaso niya si Wendell at ito mismo ay makasuhan. He could not afford it. Unlike Ty, na may pera at impluwensya maski paano ang pamilya.
"'yan na s'ya." Inginuso ni Wendell ang palapit na headlights.
Mayamaya ay huminto sa harap nila ang Montero. May kaunting yupi sa likod at may nakadikit pang flecks ng putting pintura. Bumaba si Ty. Sinalubong ito ni Paige ng yakap, "Thank you so much!"
"Maliit na bagay." Sabi ni Ty. "I'm just happy that you're here." He squeezed her tight. Nang kumalas sa kanya, nakipagkamay naman ito kay Wendell, "Salamat, bruh."
"Walang anuman."
Nagtapikan pa ng balikat ang dalawang lalaki.
"Paano, una na ko." Sabi ni Wendell. "Balitaan n'yo na lang ako."
Niyakap muna uli ito ni Paige bago niya hayaang sumakay sa motor, "See you soon. Wish me luck."
"Good luck."
"Ingat ka." Hinintay muna niyang makaandar ang motor bago niya binalingan si Ty, "Kumusta?"
"Eto, walang lisensya." Ngingisi-ngisi ito.
"Sorry about that." Kailangang maaberya si Doc Helen para ma-late sa session nila at abutin sila ng dilim. Meaning, kakaunti ang makakasalubong niya sa hallway, less ang chance na may makapansin na hindi siya si Doc Helen.
Obvious na mas matanda sa kanya si Doc Helen pero kaunti lang ang diprensya ng height nila at ganoon rin halos sa pangangatawan. Dahil yata sa lemon water kasa slim ang psychologist. May kaunti lang bilbil sa tiyan si Doc Helen. Pareho lang rin sila ng buhok, long bob. At napaka-universal ng ganoong buhok, baka eighty percent ng mga babae sa mundo, hanggang balikat ang buhok at walang bangs.
"Tara na." Binuksan ni Ty ang passenger door para kay Paige, "Yuko ka na lang pag may kasalubong tayo."
Tumango siya at sumakay. Siguro naman, by this time, may nakadiskubre na nang nangyari kay Doc Helen at hindi naman sana iyon inatake sa puso or something.
"Okay ka lang?" Tanong ni Ty pagsakay.
"Gusto kong malaman kung okay si Doc Helen."
Tumango si Ty, "I feel bad also. Yelling at her like that. At nayupi ko talaga ang kotse n'ya. Pero ang galing mo, ah. Paano ka nakasigurado na nandun s'ya nang ganung oras?" Pinaandar na nito ang sasakyan.
"May office s'ya dun. Dun s'ya nanggagaling bago pumunta sa Bejola at half-day lang s'ya pag Sabado."
"Paano ka nakakuha ng sleeping pills?"
Ikinuwento niya si Doc Frankie. Napamulagat lang si Ty. Amused at amazed.
Nagpatuloy pa si Paige sa kuwento, "'tas binunggo ko 'yung coffee table sa office n'ya, natumba 'yung flower vase. Lumabas s'ya saglit, pinalagyan ulit ng tubig ang vase. Dali-dali kong binudbod ang pamapatulog sa lemon water. Kala ko pa nga mahahalata. Lumabo ang tubig, eh. Kaso madami namang hiwa ng lemon sa loob, tiningnan lang n'ya saglit, kinalog pa. Tuloy inom.
"Pero hindi ko sure kung tatalab agad. Kung anu-ano na pinagsasabi ko para ma-distract s'ya at uminom nang uminom nung Valium water."
Natawa si Ty, "With lemon." Pumasok na sila sa Pueblo.
Mapakla ang ngiti ni Paige, "Sana walang nangyaring masama. Hindi ko alam ang epekto ng limang Valium."
"Sus, bakit si Sean, sa sampu nagigising pa?"
"Adik 'yun, eh." Bumuntong hininga si Paige, "Pero kung makukulong ako dahil sa ginawa ko kay Doc Helen, okay lang. Tatanggapin ko. Ginawa ko talaga, eh. Guilty ako dun. Dun sa nangyari kay Tita Monique, hindi ko talaga maaako. Hindi ako ang pumatay sa kanya at hindi puwedeng hindi mahuli 'yung killer."
"Si Amber."
"Malamang. Dahil pinatay rin n'ya si Blanche. Sabi nung nakausap kong mga electricians sa hotel, walang CCTVs dun sa hagdan kasi pinapapalitan raw ng office ng Solano & Associates. Siguro naman may access sa office ng tatay n'ya si Amber at alam n'ya na walang camera sa hagdan that time kaya walang nakakita sa kanya dun pero sa basement, may nakapansin sa kanya. Hindi nakita ang mukha n'ya pero pasok naman sa description, height n'ya, buhok n'ya.
"Tsaka....si Blanche lang ang nakakaalam nung issue ko kay Darby. Kinausap ako ni Blanche about that sa ospital. Nagka-ayos kami. Mananahimik s'ya. Lalayo ako sa...inyo, lalo na kay Amber. Feeling ko, si Amber ang kumuha ng phone ni Blanche kaya nawawala."
"Alam n'ya ang password ni Blanche?"
"Mahirap bang malaman 'yun kung lagi naman kayong magkasama? 'Yung lock screen lang naman ang kailangan, pag nabuksan 'yun, deretso ka na sa lahat. Nagla-log out ka pa ba sa IG mo or Facebook?"
"Oo, nga. Hindi na." Sang-ayon ni Ty. "Pero bakit nagpunta rin sa access road si Tita Monique?"
"Baka pinasakay rin ni Amber. Offered something na hindi mare-resist ni Tita. Kinuha rin siguro ni Amber 'yung kursilyo ni Mamsh nung nagpunta s'ya sa bahay the day before. Nagdala pa s'ya ng cake kaya siguro na-distract si Mamsh, ang dali nang kunin nung kutsilyo, nasa counter lang 'yun."
"But why would she kill Blanche? Best friends sila mula grade school. Sila ang magkakampi laban kay Darby parati at nakita ko naman mismo gaano kagalit si Amber kay Darby nung ipakalat 'yung scandal ni Blanche. Umiiyak s'ya kay Blanche, she was so sorry it had to happen at kapatid n'ya ang may kagagawan. Mahal n'ya si Blanche."
"Dahil wala s'yang choice. Alam ni Blanche lahat ang sikreto n'ya."
"Like what?"
"Like ...bakit wala si Darby? Like....bakit kailangan ni Amber ang mukha ko para palabasing nagliliwaliw lang kung saan si Darby?"
"So, where is Darby?"
"Nasa mental rin, sabi n'ya. That's the reason kaya makikipagkita ako sa kanya sa access road that night. Ipapakita raw n'ya sa akin ang pruweba na nasa mental si Darby. Instead, sinet-up n'ya ako. Hindi mo ako masisisi kung isipin ko na nagsisinungaling rin s'ya tungkol kay Darby? Wala sa mental facility si Darby."
"Nasaan?"
"Nahanap mo ba 'yung pictures? Napakita mo kay Mamsh?"
"Yup." May inabot na paper bag sa backseat si Ty, ibinigay kay Paige, "Nand'yan 'yung pinapagawa mo. Kinuha ko sa Manila the other day, hinintay ko nang matapos nung assistant ni Mamsh."
Sinilip niya ang laman ng paper bag, "Ano sabi mo kay Mamsh?"
"Sabi ko sa kapatid ko, kailangan lang kamukha at kakulay. Hindi na kailangan na same material. Gagamitin lang sa school play."