Chasing Love (Sequel to Hopel...

بواسطة The8thWorldWonder

258K 4.9K 856

[BOOK 2 of HOPELESS LOVE] Paul had never stopped chasing Aaliyah. After a short while, Aaliyah got chased. Bu... المزيد

Chasing Love (Hopeless Love Book 2)
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37

CHAPTER 29

3.4K 74 3
بواسطة The8thWorldWonder

Tinitigan kong mabuti ang papel na binigay ni Miguel sa akin kanina. Obviously, hindi ito ticket. Isa lang siyang matigas na papel na may nakasulat na contact number niya at note na nagsasabing ‘I'll wait for you at the hotel lobby at 5pm. *pats your head*’

Hanggang sa note ba naman, ipa-pat niya ang ulo ko? Nakakaloka 'tong lalaking 'to, ah.

Now, I wonder how close were before. Kahit na nahihiwagaan ako sa pagkatao niya ay desidido pa rin akong sumama sa kanya. Hindi naman siguro ako ipapahamak ng lalaking iyon. Hindi naman kasi siya mukhang manloloko, rapist, murderer, or whatsoever. In fact, he’s cute. Not that I was attracted to him but he has good looks, I must admit. And he knew me.

4PM na nang mag-decide akong mag-hanap ng susuotin ko. Hindi naman niya sinabi kung saan kami pupunta kaya okay na siguro ang casual outfit. Isa pa, wala rin naman akong dalang gaanong damit dahil three days lang naman ang itatagal namin dito.

Nagmadali akong lumabas ng hotel room dahil hindi ko lubos-akalain na makakatulog pala ako. Hindi ko na rin nahintay ang elevator dahil natatakot akong baka iwanan ako ng lalaking iyon dahil more than twenty minutes na akong late. Tutal, hindi naman gaanong nakakapagod ang bumaba ng hagdan. Nasa fifth floor lang din naman ang room namin ni Carol kaya kayang-kaya kong takbuhin pababa hanggang lobby. Nasa may third floor pa lang ako nang bigla kong makitang paakyat si Justine.

Ang kaninang patakbong pagbaba ko ay biglang naging pag-lakad. Yumuko ako nang bahagya dahil hindi ko alam kung papansinin ko ba siya o hindi. Kung dapat ba akong may sabihin sa kanya o wala.

Nang isang step na lang sa hagdan ang pagitan namin ay tumigil siya. Ganoon din naman ako.

“Saan ka pupunta?” tanong niya ngunit hindi siya nakatingin sa akin.

Why does he even care? Iniiwasan niya ako, ‘di ba?

“Lalabas lang,” tipid na tugon ko. Magpapatuloy na sana ako sa pagbaba ngunit muli na naman siyang nag-salita kaya natigilan ako.

“Hindi ko tinanong kung ano’ng gagawin mo. Ang tanong ko, saan ka pupunta?”

WOW. Really?

“Sa labas,” sarkastikong tugon ko.

“Ano’ng gagawin mo sa labas?”

I rolled my eyes though I knew he couldn’t see it. “Lalabas ako sa labas. Bye.”

Akala ko ay pipigilan pa niya ako ngunit hindi iyon nangyari. Assumera lang, Aaliyah?

Nang makarating ako sa lobby ay agad akong sinalubong ni Miguel nang may malaking ngiti sa kanyang mukha. He was wearing a khaki shorts and a blue button-down shirt. Naka-beanie din siya na light brown which matched with his khaki shorts.

He’s cute, indeed.

“Akala ko i-Indian-in mo na ako, eh,” he said while handing me the coffee he bought from Starbucks.

“Thanks.”

“Ready ka na? Hindi ka naman takot sa heights, ‘di ba?”

“Huh?”

“Wala,” he said then patted my head, as usual. “Tara na.”

“Wait lang,” tawag ko sa kanya nang akmang lalabas na siya ng Sands. “Huwag tayong gagastos, ha? Maliit lang kasi ang binigay na pocket money sa’min ng Harrison.”

“Nako, ililigaw kita dito sa Singapore! Lagot ka!”

I glowered at him at saka naman siya nag-peace sign.

Magaan naman ang pakiramdam ko sa kanya. It was like he was one of the few persons I’ve trusted before. Ganito pala ‘yong feeling na nag-wo-wonder ka kung sino ang taong kasama mo and yet, you don’t feel anything strange at all. Sure, he was weird. Weird lang siguro para sa akin dahil kilala niya ako at hindi ko man lang siya maalala.

Sumakay kami ng cab and Miguel showed something to the driver na hindi ko rin naman naintindihan kung ano’ng nakasulat. Ang tanging naintindihan ko lang ay ang words na Mount Faber na written in English letters, and the rest… puro Singaporean letters na.

The ride took us about an hour before we reached Mount Faber.

“Welcome to Mount Faber Park!” saad ni Miguel nang makababa kami ng cab.

“Ano’ng meron dito?”

He gave me that ‘come-on-in-so-you-can-see-it-yourself’ look. “Tara na sa loob?”

Bago pa man ako makasagot ay hinila na niya ako. Bago kami pumasok ay nabasa ko pa ang nakasulat na Faber Peak doon sa entrance. Para rin iyong mall dahil may mga restaurants and bars sa loob. Ang buong akala ko ay kakain lang kami ngunit hindi pala. Maling-mali ako.

Sumakay kami ng elevator until we reached the top.

“Before, this place was known as The Jewel Box,” panimula niya nang makalabas kami ng elevator. “This is one of Singapore’s top tourist spots.”

“Oh,” was all I was able to reply.

“You don’t believe me?”

I shrugged.

“Well, maybe you’ll believe me once you see this,” saad niya habang nakaturo sa center area.

My jaw almost dropped. “Cable cars,” I said, astonished. Lumapit ako doon at saka tumingin kay Miguel. “Are we riding this?”

He nodded and I swear I almost hugged him that time. Good thing, napigilan ko ang sarili ko. I shouldn’t hug a stranger, I thought. Pero sumama ako sa kanya kahit na stranger siya. Well, he’s not a complete stranger, though.

Bago kami sumakay ay may inabot sa amin ang crew doon na isang pack ng… Ano nga ba ‘to?

“That’s moist towelette,” pahayag ni Miguel na animo’y nabasa ang tanong na namumuo sa utak ko.

“Huh? Moist towel?”

“Towelette.”

“Ano’ng towlet?”

“Hahahahahaha! Seryoso ka ba!?” tawang-tawang tanong niya.

I glared at him and he stopped laughing.

“Wet wipes ‘yan.”

“Sus. Wet wipes lang pala. Ang arte pa ng towlet mo, pwede naman ding sabihin na wet wipes. Ginawa pa akong bobo,” anas ko.

Bigla na naman siyang natawa pero binalewala ko na lang. Ang sarap pakinggan ng tawa niya. Hindi ko alam pero naramdaman kong parang ngayon lang siya ulit tumawa ng ganoon. Feel na feel kasi niya, e.

“Tama na ‘yan. Lalo mong pinapamukhang katawa-tawa ako, e,” wari’y simangot na reklamo ko.

“Minsan lang kita pag-tawanan, eh,” saad nito. Akmang guguluhin na naman sana niya ang buhok ko ngunit buti na lang at naka-iwas ako. “Na-miss ko lang naman ang best friend ko!” aniya at saka ako inakbayan.

Hindi na ako halos makawala sa akbay niya dahil napunta na lang ang isip ko sa sinabi niyang best friend niya ako. So, we don’t just know each other back then. Best friend ko siya?

~*~

“This will take us around 13-15 minutes,” paliwanag niya nang mag-simulang umandar ang cable car. “This will bring us to Sentosa Island.”

Magka-harap kami sa cable car. Naka-talikod siya sa direction papuntang Sentosa dahil nakita naman na daw niya ang tanawin dati pa. He told me to focus on the view while he was talking.

“Taga-dito ka ba?”

Bigla namang kumunot ang noo niya sa akin. “Alam mo, kanina ka pa weird.”

“B-bakit?”

Umiling siya. “Nevermind. ‘Di ba nga, sa New York kami nag-migrate?”

“Nag-migrate? Sa New York?”

“So, kailangan ulitin mo talaga ang sinasabi ko?”

Umiling ako. “Uhm, sorry.”

“Why do you act like you don’t know me?”

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Nag-migrate siya sa New York. It only means that he was from New York. Siya ‘yong isang kulang doon sa table namin kanina.

“And he’s never going back to the Philippines!” Biglang nag-echo sa tainga ko ang sinigaw ng babaeng Americana sa table namin kanina.

Posible kayang siya ang tinutukoy nito? Yes, it’s possible. Dahil Pilipino si Miguel. Gusto pala siya noong babaeng iyon. Pero possible rin naman na hindi siya. Pero… bakit ba ako nakikialam?!

I erased the thoughts that were slowly clouding up my mind at sa halip ay nag-focus na lang sa view. Hindi naman ako takot sa matataas na lugar pero ramdam ko ang panginginig ng mga tuhod ko noong mga oras na iyon. Ramdam ko ang mga mata niyang nakatitig sa akin na siyang dahilan ng pagiging kabado ko.

I cleared my throat and gave him a quick look. “Uhm… Gaano kataas ito?”

“One-hundred and twenty meters above sea level.” Ramdam ko ang pagka-seryoso sa boses niya kaya lalo akong kinabahan.

Nakakahalata na ata siya.

“Ah…” I said, slightly nodding.

Nang sumandal siya sa upuan niya ay doon lang ako medyo naka-hinga ng maluwag dahil mukhang napagod na siya kaka-tingin sa akin.

“That’s the Universal Studios out there,” sabi niya habang nakaturo pababa.

Gusto ko sanang mag-‘wow’ dahil sa ganda ng tanawin na iyon lalo na’t napalilibutan iyon ng marami at iba’t-ibang kulay ng ilaw. Ngunit pinigilan ko ang sarili ko dahil ayoko namang sabihin niyang para akong bata na manghang-mangha sa isang tanawin.

“Wala ka man lang reaction?”

“Ha?”

“Alam mo, ang weird mo talaga. Hindi ka naman ganyan dati.”

“Ah… Eh… Kasi.”

“Kasi?”

Kasi ano, Aaliyah? Bakit ba kasi hindi mo pa sabihin sa kanya na hindi mo siya matandaan at may amnesia ka? Para naman sa ganoon ay hindi siya umaasang ma-e-enjoy niya ang gabing ito kasama ang ‘best friend’ niya. Para naman may mga sagot ka na sa mga tanong sa utak mo.

“Wala lang.”

“Nag-tatampo ka pa rin ba?” ngayo’y mahinahong aniya.

I bit my lower lip. Bakit ba niya iniisip na nag-tatampo ako sa kanya?

“I know, sobrang biglaan ng pag-alis ko. Pero nag-paalam naman ako sa’yo, ‘di ba?”

Tumangu-tango lang ako bilang pag-sang-ayon. Pinili kong huwag na munang mag-salita dahil baka magka-mali lang ako ng sasabihin. Hahayaan ko na munang siya na lang ang nagsasalita.

“Or maybe you’re mad because I did not contact you unlike what I have promised before leaving.” Ramdam ko sa tono ng pananalita niya ang sincerity nito. Ngunit kasama ng sinseridad na iyon ay ang lungkot. “And I’m sorry for that. You know I needed time. And space away from you.”

“Away from me?”

“Alam mo naman kung bakit, ‘di ba?”

“No.”

He half-smiled. “Hayaan na nga natin ‘yon. Naka-move na ako sa’yo, e.”

Naka-move on na siya sa akin? Kanina pa niya sinasabi sa akin ‘yon, ah.

“Kamusta na pala ang barkada? Sila Demi?”

He knew Demi? Ang barkada? He’s a part of us? Bakit hindi man lang siya na-mention sa akin nila Demi? Bakit ni-walang isa sa kanila ang nag-kuwento sa akin ng tungkol sa kanya?

“Sila Demi? Okay naman sila. Wala pa ring nag-bago.” Ako lang ang may pinag-bago. Ang ala-ala ko lang ang may pinag-bago.

“Pero sa’yo, meron.”

“Sa akin?” tanong ko habang nakaturo sa sarili ko. Agad ko namang binaba ang kamay ko nang maramdaman kong tatawanan na naman niya ako.

“That’s the Resorts World Complex right there,” pagbabago niya ng usapan sabay turo naman sa kanang bahagi ng tanawin. “It’s one of greatest views, right?”

I nodded as an agreement.

Pareho kaming natahimik habang patuloy pa rin sa pag-usad ang cable car. Hindi ko na rin halos ma-enjoy ang view dahil ang daming gumugulo sa isipan ko. Hanggang sa bigla ko na namang maalala ang sinabi ng babae kanina.

“And he’s never going back to the Philippines!”

“Uhm…”

“Yes?”

“Miguel?”

“Aaliyah.”

“Ano kasi…”

“Stop calling me Miguel,” he said with a rough voice. “I missed hearing you call me with my nickname.”

Sht. Ano ba’ng nickname niya!? Ano bang pwedeng maging nickname ng mga Miguel?

“Sige na nga. Migs kasi…”

“MIGS!?” gulat na sigaw niya. “Hahahahahahaha!”

“B-bakit?”

“Are you even serious, Aaliyah!? Pinapa-tawa mo naman ako, eh! Binabago mo ‘yung nickname ko! Hahahaha!” Hindi maipagkakailang halos maiyak na siya sa katatawa.

Hindi ko naiwasang mapangiti dahil sa mukha niyang pulang-pula. Pero nakaramdam din ako ng kaunting pagka-pahiya dahil doon.

Ano ba naman kasi ‘yan, Aaliyah. Sabihin mo na ‘yong totoo!

“Ewan ko sa’yo. Basta. Ano. May gusto sana akong itanong.”

He stopped laughing but the smile on his face didn’t fade away. Tahimik lang siya at nag-hintay na muli akong mag-salita.

“Hindi ka na ba babalik ng Pilipinas?”

Ang malaking ngiti sa labi niya kanina ay biglang nawala. Parang bigla ring naiba ang ambiance sa loob ng cable car noong mga oras na iyon. Dahil sa katahimikan niyang iyon ay nakaramdam akong tama nga ang sinabi ng babae kanina. Mukhang wala na nga talaga siyang balak na bumalik pa sa Pilipinas.

Bakit?

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

107K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...