Love Scars [✔]

By selimwarrior

46.9K 1.2K 390

He treated me like his own sister. Dinamitan, pinakain at pinatuloy sa sarili nitong mansyon kasama ang kapat... More

Synopsis
Chapter 1: Work
Chapter 2: Suplado
Chapter 3: Guardian
Chapter 4: Birthday and Ex/s?
Chapter 5: Love Scars
Chapter 6: Wake Up, Anya
Chapter 7: No Choice
Chapter 8: Comfortzone
Chapter 9: Sundo
Chapter 10: Eyes on You
Chapter 11: Saturdate
Chapter 13: His Family 2
Chapter 14: Failed
Chapter 15: Avoiding Him
Chapter 16: Uncertain Feelings
Chapter 17: I'm Here
Chapter 18: Backfire
Chapter 19: Covering the Pain
Chapter 20: Adjustments
Chapter 21: Mistake
Chapter 22: Fever
Chapter 23: Message
Chapter 24: Graduation Day
Chapter 25: Broken Trust
Chapter 26: Truth
Chapter 27: Backup
Chapter 28: Maybe this time
Chapter 29: Yes
Chapter 30: Family Dinner
EPILOGUE: I DO
Special Chapter
Love Scars' Journey

Chapter 12: His Family 1

984 29 6
By selimwarrior

  Author's Note:

Don't forget to ⭐ vote and comment 💭. Thank you and enjoy reading!

Anya.

   Ang ganda ng Mansion nila Zohar. Kung ikukumpara ko ito sa sariling bahay ni Zohar ay 'di hamak na mas malaki ito. Napaka-ganda ng paligid na mukhang alagang-alaga ang garden nila. May fountain sa tapat mismo ng pintuan ng bahay nila.

    Nagulat ako nang may isang malaking aso ang mabilis na lumapit sa gawi ni Zohar pagkabukas na pagkabukas pa lamang niya ng pintuan ng sasakyan niya.

  Linundag niya ang amo at nakangiting hinaplos ni Zohar ang ulo niya.

"How are you, Foxy?" Aniya at bahagya pang niyakap ang asong sa tingin ko ay isang Husky.

  Bumaba si Claire kasama ko. Nang mapansin kami ng aso ay agad itong tumahol sa direksiyon namin. Napapitlag pa ako sapagkat malakas itong tumatahol. Nangingilala pa lang ata sa amin.

  "Shhh... those are my friends, Foxy." Pagkausap ni Zohar na akala mo naman ay maiintindihan siya ng aso kaya napalabi na lamang ako.

  Mukhang mabait naman si Foxy dahil marunong ata itong makinig sa amo dahil hindi na niya kami tinahulan pang muli. Nakakamangha lang talaga.

  "Zohar, anak!" Sinalubong kami ng Mommy ni Zohar.

  Mahigpit niyang niyakap si Zohar sa harapan namin. Tila hindi pa nga niya nararamdaman ang presensya naming magkapatid. Napabuntong-hininga ako.

Nang maghiwalay sila ay agad na nag-ngitian ito.

  "Mom, I'm with them."

  Kumunot ang noo ng ginang sa sinabi ni Zohar. Hanggang sa dumako ang paningin nito sa aming magkapatid. Si Claire ay agad na umalis sa pagkakahawak ko at lumapit sa Ginang.

  Nagulat ako nang yumakap ito sa Ginang na parang tanda ng pagbati nito. Kinakabahan ako dahil baka hindi magustuhan ng Ginang ang ginawang pagyakap nito.

  "Hello po Mommy ni Kuya Zohar, ako po si Claire." Aniya at humiwalay sa Ginang.

  Ang kanina ay gulat na ginang, nagulat ako nang guluhin nito nang bahagya ang buhok ni Claire. Tumingin siya sa akin at ngumiti. Nanlaki ang mata ko sa pagkataranta kung anong sasabihin.

  "Good evening po, Mrs. Gustavo." Magalang na bati ko sa kaniya.

  Tumango naman siya. "Pumasok na kayo at malamig dito sa labas."

   Nakahinga ako nang maluwag. Tanggap na ba nila kami? Mukhang kalmado naman si Mrs. Gustavo ngayon kumpara sa una naming pagkikita. Baka nga nagkamali lang ako ng pagkakakilala sa kaniya.

  "Anya, are you okay?" Tanong ni Zohar nang makapasok kami sa loob.

  Tahimik akong tumango sa kaniya. Bagama't kinakabahan pa rin ako. Bumungad sa amin ang mga naka-display ba mamahaling Jars. Iba't iba ang uri ng disensyo at pagkakagawa ngunit makikita mo ang mataas na kalidad ng mga ito sa itsura pa lamang.

   Nang makarating kami sa pinaka-sala ng mga Gustavo, umagaw agad ng pansin ko ang napakalaking picture frame na kung saan nakalagay ang litrato ng buong pamilya nila.

  Hindi ko mapigilan ang sarili kong mamangha sa napakagandang lahi nila. Mula sa magulang hanggang sa mga anak, walang tapon lahat magaganda, sopistikada, may pinag-aralan at kagalang-galang.

   "Iiwan ko muna kayo dito. Pabababain ko si Zephyr. Parating naman na si Zaharah."

  Napalunok ako sa sinabi ni Mrs. Gustavo. Si Zaharah Hezekiah, siya talaga ang pinaka-tutol sa pagpapatira sa amin ni Zohar sa bahay niya. Ang marinig pa lamang ang pangalan niya ay nahihiya na agad ako na makita siya.

  "Kuya! Sino po sila?" Tanong ni Claire habang nakatingin sa malaking litrato ng mga Gustavo.

  "That girl-- iyong nakasuot ng gown na kulay krema. Siya ang kapatid kong babae. Pangalawa siya sa amin. Mataray at maraming kalokohan sa buhay. Nagtino lang nang makilala niya ang asawa niya ngayon na si Damon. Arrange marriage lang iyon pero natutunan nilang mahalin ang isa't isa. Hindi ako sang-ayon dati na ipakasal ang kapatid ko sa isang lalakeng hindi niya naman gusto ngunit nangako sa akin si Damon na mamahalin at aalagaan niya si Kiah. Kasama sa pangako niya ang papatunayan niya ang sarili niya kay Kiah at hindi ito titigil hangga't hindi niya mahalin ang kapatid ko."

  Natigilan ako sa narinig ko patungkol kay Kiah. Buong akala ko ay masayang-masaya ang naging simula ng buhay mag-asawa niya. Nakakatuwang malaman na sa likod niyon ay dumaan din pala ang relasiyon niya sa isang matinding pagsubok. Nakakamangha ang nagagawa ng pag-ibig.

  "Kung ganon ay mabait din ang kapatid mo." Nakangusong sabi ko na ikinatawa naman ni Zohar.

  "Masungit iyon pero malambing din. Gago din ako noong nag-aaral ako katulad niya. Kaming dalawa ang pinakamatigas ang ulo sa aming magkapatid. Binibiro nga nila kami madalas na lahat daw ng katigasan ng ulo ay nakuha namin ni Kiah. Walang natira kay Zephyr ngunit si Zephyr ang pinaka-manhid sa aming magkapatid."

  Sa pagkakataong ito ay mahina akong natawa at napailing. Manhid ka din naman ah?

  "Iyon nga... iyong nakikita mong lalake sa tabi ko, siya si Zephyr. Zephyr Heston Gustavo ang buong pangalan niya. Katulad ni Ate Kiah mo, masungit din iyan pero kapag naging ka-close mo masasabi kong mas mabait sa akin si Zephyr."

  "Wow. Ang gwapo po ni Kuya Zephyr tulad niyo."

  "Nako bolera ka na, Kleng! Saan mo natutunan iyan?" Pagkuwa'y tanong ko. Marunong na siyang maging pilya ngayon. Napailing ako at nginusuan niya lang ako.

  "Mana na ako kay Kuya Zohar!" Nagmamalaking sabi niya na ikinalaki ng mata ko.

  "Pasaway ka, hindi mo ba love si Ate?" Nakangiwing tanong ko.

  "Love ko si Kuya Zohar pero mas love kita. Love ko kayong dalawa."

Napaingos ako pero tinawanan lang ako ni Zohar at humagikhik lang naman ang cute kong kapatid.

   Maya-maya ay bumaba ang isang lalakeng magulo pa ang buhok, may nakalagay na headphone sa tenga nito, nakabusangot at nakapamulsa habang bumaba ng hagdan. Walang duda, ito na nga ang malditong kapatid ni Zohar.

  Dumako ang mata niya sa amin at agad na sumilay ang isang tipid na ngiti mula sa kaniya.

  "Hey bro, how are you?" Bungad nito. Niyakap pa nang bahagya ang kapatid at nagkamustahan.

  "The two is here too. Good evening." Pagpansin nito sa presensiya namin. Napatungo naman ako.

  "Hello, good evening." Bati ko.

  Hindi ko alam pero natatawa ako dahil nasa likod lamang ni Zohar si Claire. Mukhang hindi niya ka-vibes ang aura ni Zephyr.

  "Nice to meet you. Anya right?"

  "Yes."

  "Just call me Zephyr. Tutal ay magka-edad lang halos tayong dalawa."

  Tama siya. Sa totoo nga ay dalawang taon pa ang tanda nito sa akin. Napangiwi ako. Kung tuguusin sa mga katulad sana ni Zephyr ako nagkakagusto dahil hindi nalalayo ang agwat ng edad  namin sa isa't isa ngunit ang sitwasiyon ko ang nagpapatunay na walang pinipili ang puso sa pag-ibig.

  Kapag nahulog ka na, hulog ka na talaga at mahihirapan ka ng makaahon lalo na kapag lumalalim pa ang nararamdaman mo sa taong mahal mo. Magsasawa ka na lang sa paghahanap ng daan palabas dahil wala kang kawala kapag puso mo na ang tumibok.

  "Huwag kang matulala sa akin, may girl friend na ako." Nakangising tugon niya na nagpanganga sa akin.

"Zephyr!" Saway ni Zohar sa kaniya.

Ni hindi ko nga napansin na nakatulala na pala ako. Nag-eexist pa pala ang taong kasing-kapal niya. Hindi ko mapigilan na maalala ang si Harvard. Si Zephyr siguro ang nawawalang kapatid nito. Parehas ata silang walang ibang alam gawin kundi magyabang.

  Nag-init ang pisngi ko sa pagkapahiya.

  "Anya, ayos ka lang ba talaga?" Tanong ni Zohar na nag-aalala bago bumaling muli sa kapatid nitong hindi matanggal ang ngisi sa labi.

  "Pagod lang siguro si Anya kaya siya natutulala pero mas mukhang nagulat ito sa hangin mo Zephyr." Nakangiwing sabi nito.

  Tama. Nakakainis ang kahanginan ng kapatid mo. Tsk.

"Huwag tayong maglokohan dito, Kuya dahil mas mahangin ka sa akin." Natatawang sabi nito na ikina-iling ni Zohar.

  "Napapadalas kasi ang pagsama mo kay Kiah kaya ka nagkaka-ganiyan."

  "What?! Why me?!"

  Napapitlag ako at agad na napalingon sa matinis na boses na iyon. Walang iba kundi si
Kiah na kararating lang. Salubong ang kilay nito at naka-krus ang mga bisig nito sa kaniyang dibdib.

  Napakaganda nito sa suot na kulay pink na dress na pinatungan niya ng coat. Maya-maya ay may umakbay sa kaniya na lakake. Ito na nga siguro ang asawa niya. Humilig si Kiah sa kaniyang asawa at ngumuso.

  "Inaaway na naman ako ng mga kapatid ko, hon." Pagsumbong nito na tinawanan lang naman ng isa.

  "Heyyo, Damon!" Bati ni Zephyr dito.

  "Good evening. Zephyr and Zohar." Nakangiting bati pabalik ni Damon.

  "Oh, we have visitors. Hi sa inyo?" Nag-aalinlangan naman na sabi ni Kiah. Hindi ako nakapagsalita. Akala ko ay iignorahin niya lamang ang presensiya namin.

  "Ah, shookt pa?" Natatawang sabi niya habang nakatingin pa rin sa akin.

  "I will say sorry for being harsh to you when we first met. Naiirita ako sa totoo lang dahil wala akong tiwala sa mga tao but I think I should treat you nicely from now on dahil mukhang importante ka sa kapatid ko. I'll be nice but don't expect something on me. I'm not that kind." Masungit na sabi niya sa akin.

  Hindi ko tuloy alam kung kukunin ko ba na magandang balita ang sinabi niya o hindi. Basta ang naiintindihan ko lang ay susubukan niya kaming tratuhin nang maayos.

  "Pasensiya na. Salamat din." Sabi ko na lamang.

  "It's alright. Buhay naman iyan ng kapatid ko, disisyon niya iyan kahit wala akong tiwala."

  "Kiah." Mariin na tawag sa kaniya ni Zohar. Tinaasan niya lamang ng kilay ang Kuya niya at inirapan ito.

  "Anyway, let's enjoy our days here. Nandito na lang rin kayo, ayokong sirain ang gabing ito at ang mga sumusunod pang araw."

  "Hon, tama na." Suway ni Damon sa asawa at umiling.

  Napabuntong-hininga naman si Kiah at sumusukong tumango.

Continue Reading

You'll Also Like

111K 5.7K 55
"Pag ang bakla ba nagmahal.. magiging lalaki na siyang tunay?" Gia Svana was forced to act like a boy since childhood. Ang parating habilin ng tatay...
31.5K 1.8K 33
[ SAAVEDRA TWINS - KAIROS ] Kairos Saavedra and Ynna Dario are bestfriends. Magkasabay silang lumaki. They are always together at walang kahit anong...
71.9K 1.5K 44
Justice Series #1. [UNDER MAJOR REVISION] Rydelle Jovanna Quizon, an officer of the Armed Forces of the Philippines, an honorable and sleek lady, she...
100K 5.8K 20
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.